Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2023
Karen Kaye M. Acoba, Anthony R. Rabor
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino (Modyul 8) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Reviewer-Kpwkp Summary of 1st Quarter Topics (Komunikasyon at Pananaliksik)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Aralin 2: Mga Konseptong Pangwika PDF (Senior High School)
Summary
This is a module for Senior High School students in the Philippines focusing on Communication and Research in Filipino and Philippine Culture, including language concepts, in the first quarter of 2023. It's part of the Crafting-Resources-for-Accessible-and-Flexible-Teaching (CRAFT) program and emphasizes student-centered learning.
Full Transcript
Senior High School Core Subject Republic of the Philippines Department of Education Region I SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang...
Senior High School Core Subject Republic of the Philippines Department of Education Region I SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 2: Mga Konseptong Pangwika (1) SDOIN_CORE_Q1_KPWKP_Module 2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Crafting-Resources-for-Accessible-and-Flexible-Teaching (CRAFT) Kuwarter 1 – Modyul 2: Konseptong Pangwika (2) Second Edition, 2023 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Sara Z. Duterte Pangalawang Kalihim: Gina O. Gonong Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Karen Kaye M. Acoba Anthony R. Rabor Editor: Oscar R. Gamiao, Jr, Oferosal P. Acojido, Editha R. Mabanag Tagaguhit: Joel Saladino Tagalapat: Janice R. Sabuco Tagapamahala: Donato D. Balderas, Jr. Joye D. Madalipay Ursino C. Pascua Jenetrix T. Tumaneng Editha R. Mabanag Division Design & Layout Artist: Jannibal Lojero, Rey L. Miguel Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Schools Division of Ilocos Norte Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte Telefax: (077) 771-0960 Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605 E-mail Address: [email protected] E-mail Address: [email protected] 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 2: Mga Konseptong Pangwika (2) 1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio,State of the Nation, Mareng Winnie, World of the Lourd) (F11PD-lb-86) 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananw at mga karanasan. (F11PS-lb-86) Inihanda nina: KAREN KAYE ACOBA Guro II Dumalneg National High School ANTHONY R. RABOR Guro III Caraitan Integrated School-Badoc Paunang Salita Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul para sa araling Kabuluhan at Kahulugan ng Konseptong Pangwika. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul para sa araling Kabuluhan at Kahulugan ng Konseptong Pangwika. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga Alamin dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral Balikan upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Alamin Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Sabik ka na bang magpatuloy sa iyong pag-aaral? Marahil ay Oo...kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-aaralan nating aralin ay susubok sa iyong malalim na pag-unawa sa iyong babasahin. Ang Modyul 2 ay ang karagdagang aktibidades mula sa napag-aralang kahulugan at kabuluhan ng Mga Konseptong Pangwika. Ikaw ngayon ay inaasahan na mahuhubog ka lalo sa mga konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon at maging sa pagbibigay ng sariling kaisipan hinggil sa mga ito. Naglalaman ang araling ito ng mga iba’t ibang sitwasyon upang makapag- ugnay ka sa sarili mong kakayahan o kaalaman sa mga Konseptong Pangwika. Handa ka na ba? Halika na’t simulan mo na. Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio,State of the Nation, Mareng Winnie, World of the Lourd) (F11PD-lb-86) 2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananw at mga karanasan. (F11PS-lb-86) Subukin Marahil ay batid mo ang mga mahahalagang impormasyon hinggil sa wika ng ating bansa. Kung gayon, sikapin na sagutin ang ipinapaloob sa ibaba. PAUNANG PAGTATAYA A. PANUTO: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa ibaba. Sa iyong sagotang papel, isulat na muli ang mga pangungusap sa ibaba at sikapin na punan ang patlang ng wastong salitang makabubuo sa diwa ng mga sumusunod na pangungusap. 1. Sa teoryang sosyolinggwistik nakabatay ang pagiging _____________ ng wika. 2. May dalawang dimension ang baryabilidad ng wika- ang dimensyong heograpiko at dimensyong __________. 3. ____________ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. 4. Ayon sa pag-aaral, mayroong higit sa _______ ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa. 5. ____________ ang dayalek sa Ilocos Norte at Ilocos Sur. 6. ____________ naman ang dayalek sa Isabel at Cagayan. 7. Ang dayalek na T’boli ay ginagamit sa lalawiganin ng ____________. 8. Ang ____________ ay tinatawag ding soyal na barayti ng wika. 9. Ang ____________ ay mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. 10. Tinatawag na ____________ ang kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Mahusay! Natutuwa ako at mahusay mong naisagawa at nasagutan ang mga paunang pagtataya. Binabati kita! Kaya, magpatuloy na tayo sa susunod na gawain.. Aralin Mga Konseptong Pangwika 1.2 Balikan Sa nakaraang modyul, natalakay natin ang kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Nabatid natin mo na ang wika ay mahalagang instrumento ng komunikasyon na nakatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksyon. Bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawaing may kinalaman sa konseptong pangwika. Handa ka na ba? Magsimula ka na! Gawain 1: IUGNAY MO (Radial Circle) Panuto: Malaki ang ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng mga tao. Sa loob ng ng radial circle, isulat ang kahalagahan ng wika sa ating pakikipag- ugnayan sa kapwa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. WIKA Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka lang at magagawa pang mapalago ang iyong kaalaman. Tuklasin Sa bahaging ito, susuriin mo ang mga larawan na makikita sa ibaba. Nais kong bigyan mo ng pansin ang mga ito upang maiuugnay mo ito sa iyong kalaman, pananaw at mga karanasan. Suriin ang mga pahayag gamit ang iyong kasanayan sa pagbasa. Gawain 2: I-CALLOUTS MO!!! Panuto: Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag ang reaksiyon o sasabihin mo para sa sumusunod na mga sitwasyon gamit ang mga wikang ito. Kung kulang ang callouts para sa bilang ng wikang alam mo ay dagdagan ito. Kung sobra naman ay hayaan na lang na walang nakasulat sa iba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Nagkita kayo ng isang kaibigang matagal mo nang di nakikita. Sumakit ang katawan mo at tila magkakalagnat ka kung kaya’t hindi mo masamahan ang kaibigan mo sa kantina. Inanyayahan ka ng isang kaibigan para sa kanyang party pero hindi ka makapupunta. Sa ilang wika mo naipahayag ang iyong mga ideya? _________________ Alin sa mga ito ang iyong unang wika (L1)? ___________ ang iyong ikalawang wika (L2)? ____________ ang iyong ikatlong wika (L3) ___________ Anong wika ang pinipili o nagugustuhang mong ginagamit ng mga mamahayag kapag ang pinag-uusapan ay sa larangan ng telebisyon? ________________ Anong wika naman ang pinipili o nagugustuhang mong ginagamit ng mga mamahayag kapag ang pinag-uusapan ay sa larangan ng panradyo? ____________ Anong wika rin ba ang pinipili o nagugustuhan mong pakinggan sa tuwing may nagtatalumpati at may nagpapanayam? ____________ Sa tingin mo, gaano kahalaga ang mga wikang ito upang lubusang maipabatid at maipaalam ang mga mahahalagang bagay na dapat malaman ng mga kapwa mo tao? _________________ Gawain 3: SURIIN MO… Panuto: Sa paglaganap ng teknolohiya at mabilis na takbo ng panahon, pati ang wika ay binago ng modernisasyon. Gamit ang talahanayan sa ibaba. Sikapin na suriin ang kalagayan ng mga konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Mga Konseptong Telebisyon Radyo Talumpati Panayam Pangwika Unang Wika (L1) Ikalawang Wika (L2) Ikatlong Wika (L3) Bilingguwalismo Multilingguwalismo Muling pagbati sa iyo mahal kong mag-aaral sa lumalawak mong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin! Suriin Basahin at unawain mo ang mga konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon mapa-telebisyon, radyo, talumpati at panayam.. Gayon din upang masagot ang mga mahahalagang tanong na may kaugnayan ng konseptong pangwika sa iyong kaalaman, pananaw at karanasan sa buhay. WIKA Gawain 4: TUKUYIN MO… Panuto: Tukuyin ang nais iparating ng larawan sa itaas at sikapin na sugutin ang mga tanong hinggil rito. Isulat ang sagot sa sagutang papel Mga Katanungan: 1. Ano-anong mga isyu ang maiiugnay mong kinasasangkutan ng mga larawan sa WIKA? Isa-isahin at magbigay ng halimbawa. 2. Ano ang nagagawa ng wika sa ating buhay gamit ang mga sitwasyong pangkomunikasyon? MGA KONSEPTONG PANGWIKA SA MGA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON Ang wika ay parehong pagmamay-ari ng tao at ng lipunan. Kaya matutukoy o makikilala at mabibigyang impresyon ng isang tagapakinig ang isang tao depende sa kanyang wikang ginagamit. Maaaring tumukoy sa kanyang bansa o kalagayang sosyal panlipunan o social class na kinabibilangan ang gamit na mga salita. Ang komunikasyon ang nagpapatibay sa ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap sa kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan, lugar at mga pinagkukunan, lalong napagbubuklod ang isang lipunan. Ngunit hindi na maitatanggi na nagkaroon ng sistematikong programa para mangibabaw at palaganapin ang wikang Ingles sa ating lipunan, hindi ito ganap na ipinaliliwanag kung bakit nabusabos nang ganyan ang ating sariling mga wika. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating wika. Nasaan na nga ba o ano na nga ba ang kalagayan ng mga konseptong pangwika sa ika-21 siglo sa iba’t ibang larangan? A. KONSEPTONG PANGWIKA SA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON SA TELEBISYON - Pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Noon, lahat ng public affairs talkshows noon ay sa wikang Ingles lamang ginagawa. Ang Filipino ay ginagamit lamang sa mga movie celebrity gossip. Ang dahilan nito- sapagkat ang mga talkshows na pang-alas diyes y media ay sadyang para sa middle class at opinion leaders nakatuon. Sa kabilang banda naman daw, ang public affairs mula sa madaling araw ay sadyang laan lamang para sa masa. Sa kasalukuyan, wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Kabilang sa mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga teleserye, mga pantanghalang palabas, mga magazibe shows, news ans public affairs, reality shows at iba pa. Dahil dito, maraming mamamayan sa bansa na nagkakaunawaan. B. KONSEPTONG PANGWIKA SA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON SA RADYO - Isa sa mga kasalukuyang ginagamit natin sa pangangalap ng impormasyon ay ang radyo, na kung saan araw-araw tayo ay nakakakuha ng mga balita. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang programang nakalalay sa AM ay mga balita, promosyon, tips at iba pa halimbawa na lamang ay ang DZMM at DZRH. Habang ang mga programang nakasalalay sa FM ay tungkol sa mga musika o mga usap-usap lang. Sa kabila ng kanilang kaibahan ay naghahatid pa rin ito ng mga impormasyon. Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipag-usap. C. KONSEPTONG PANGWIKA SA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON SA TALUMPATI AT PANAYAM - Batid na ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa pangkat ng mga tao. Sa pagtatalumpati, wikang Ingles at Filipino ang ginagamit sa paraang pormal na panghihikayat at pagbibigay ng mga impormasyon sa publiko. -Samantala, ang pakikipanayam naman ay isang paraan ng pagkuha ng imporamsyon o kabatiran nang harap-harapan. Dito, wikang Ingles ang karamihang gamit bagaman pinapayagan at tinatanggap pa rin ang wikang Filipino na gamitin ngunit bihira lamang. Ang paggamit ng wikang Ingles sa panayam ang kadalasang pinapaboran ng mga tao kung kaya’t malaki ang lamang nito sa Filipino lalo na sa paghahanap ng trabaho. Bukod sa ito’y ginagamit sa kalakaran, ito rin ang susi sa pag-unlad sa sarili na makatutulong upang maiangat ang isang kumpanya. Pagyamanin Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman hinggil sa mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon. Gawain 5: MAKINIG KA!! Panuto: Panoorin ang alinman sa mga palabas pantelebisyon. Lagyan ng () ang palabas na napili at pinanood mo saka sagutin ang mga tanong. Tonight with Arnold Clavio sa episode na Marian rivera, Boobay, and Ana Feleo take “Test of Frienship” sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=CAPMuQ38Wh4 Isang segment ng SONA: Ilang tricycle driver, nagtigil-pasada para manood ng kalyeserye ng Eat Bulaga sa State of the Nation ni Jessica Soho sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=6uxGgIfSKuw Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa episode na Mareng Winnie interviews billionaire David Consunji, 5th richest Filipino sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=APV_PkEGTkw Kris TV sa episode na Are Piolo and Sarah big spenders? Sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE Pamagat ng Palabas: ________________________________________________ Pangalan ng Host: __________________________________________________ Mga Naging Bisita: __________________________________________________ 1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host ng napili mong palabas pantelebisyon? Magbigay ng patunay. __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Batay sa narinig na host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo- broadcast ay kaniyang unang wika? Bakit oo o bakit hindi? __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Gawaing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan. Gawaing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan. Puntos Pamantayan 4 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. 3 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. 2 Bahagyang naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. 1 Hindi na naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon. Isaisip Gawain 6: WIKA, IKA’Y MAHALAGA Panuto: Bumuo ng mahahalagang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong gamit ang grapikong presentasyon sa iyong sagutang papel. 1. Paano mailalarawan ang mga konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon (telebisyon, radyo, talumpati at panayam) sa kasalukuyang panahon? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Sa anong paraan ang mga konseptong pangwika’y nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, mabuting pakikipagkapwa-tao, at kapayapaan sa larangan ng sitwasyong pangkomunikasyon? MGA KONSEPTONG PANGWIKA Pakikipagtalastasan Pakikipagkapwa-tao Kapayapaan Isagawa Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw tungkol sa mga konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon, isagawa ang paglalapat sa hiwalay na sagutang papel. Gawain 7: MAGAGAWA MO SA WIKA Panuto: Ilahad ang iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa sa sumusunod: Ilagay ang sagot sa sagutang papel. 1. Sa mga binasang tala ay nabatid ang sitwasyon ng mga konseptong pangwika sa larangan ng komunikasyon. Bilang isang kabataang Pilipino, sa anong paraan mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang Filipino? Maglahad ng limang paraang sadyang magagawa mo at kaya ring gawin ng kabataang katulad mo. ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ _____________________________________________________________ Tayahin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA A. PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Bakit maituturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan ang telebisyon? (C) A. dahil laganap ito sa buong mundo B. dahil mas mura ito kumpara sa ibang gamit. C. dahil iyo’y pinakagamitin ng mga nakararami. D. dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. 2. Ano ang tawag sa ginagamit natin sa pangangalap ng impormasyon na kung saan araw-araw tayong nakakakuha ng mga balita A. internet B. radyo C. peryodiko D. telebisyon 3. Anong wika ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM? A. Wikang Filipino B. Wikang Kastila C. Wikang Katutubo D. Wikang Ingles 4. Ano ang tawag sa parehong pagmamay-ari ng tao at ng lipunan? A. Bayan B. Mamayan C. Lipunan D. Wika 5. Ang wikang gamitin na ginagamit lamang sa mga movie celebrity gossip? A. Wikang Filipino B. Wikang Kastila C. Wikang Katutubo D. Wikang Ingles 6. Bakit wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel? A. sapagkat ang mga talkshows na pang-alas diyes y media ay sadyang para sa middle class at opinion leaders nakatuon. B. sapagkat ang mga manonood ay nagmula sa mataas na antas ng lipunan. C. sapagkat madalang na lamang ang mga nanonood sa dis-oras ng gabi. D. sapagkatmaraming mamamayan ang nakakaintindi sa wikang ginagamit. 7. Ano ang tawag sa isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa pangkat ng mga tao? A. Pagbubuod B. Pakikipanayam C. Talumpati D. Sanaysay 8. Ano ang tawag sa isang paraan ng pagkuha ng imporamsyon o kabatiran nang harap-harapan? A. Pagbubuod B. Pakikipanayam C. Talumpati D. Sanaysay 9. Ano ang tawag sa nagpapatibay sa ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad? A komunikasyon B. talumpati C. sanaysay D. wika 10. Alin sa mga sumusunod na programa sa telebisyon ang kabilang sa gumagamit ng wikang Filipino? A. mga teleserye C. mga pantanghalang palabas B. mga magazibe shows D. mga balita sa buong mundo Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa nakalipas na aralin. Susi sa Pagwawasto sagot Iba-iba ang 10. D Ika’y Mahalaga 9. A Gawain 6:Wika, 8.B ISAISIP 10. idyolek 7. C Iba-iba ang sagot Jargon 9. 6. A Sosyolek 8. 5. A Gawain 5:Makinig Ka Cotabato 7. 4. D PAGYAMANIN Ibanaga 6. 3. A Iba-iba ang sagot Iloko 5. 2. C 4:Tukuyin Mo 400 4. 1. C Gawain TAYAHIN SURIIN dayalekto 3. Iba-iba ang sagot sosyal 2. heterogenous 1. Gawain 3: Suriin Mo Iba –iba ang sagot SUBUKIN callouts Mo… Gawain 2: I- TUKLASIN iba ang sagot Mo!! Iba- Gawain 1: Iugnay BALIKAN Napakagaling! Natapos mo ang mga gawain para sa iyong unang modyul. Natitiyak kong marami kang natutunan para magamit mo ito para sa susunod mo pang gawain. Binabati kita! Ipagpatuloy! Sanggunian Bernales, R.A., Atienza, G.C., & Talegon, V. M. Jr. (2007). Akademikong Filipino tungo sa epektibong komunikasyon. Valenzuela: Mutya Publishing House Inc. Bulaong, M.S., & Ravina, E. A., (2016). Estruktura ng wikang Filipino. Bulacan: El Bulakeno Printing House. Cantillo, M.L.M., Gime, A. V., & Gonzales, A. P. (2016). Sikhay. Quezon City: St. Bernadette Publishing House Inc. Jocson, M.O. (2016) Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino.Quezon City: Vival Group Inc. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS) Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte Telefax: (077) 771-0960 Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605 E-mail Address: [email protected]