SINTAKS: ANG BALANGKAS NG WIKA PDF

Summary

Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa Sintaks, na tumatalakay sa mga bahagi ng isang pangungusap, tamang pagkasunod-sunod ng mga salita, at iba't ibang uri ng pangungusap sa Tagalog. Ang presentasyon ay nagbibigay ng mga halimbawa at paliwanag para sa mas malalim na pag-unawa.

Full Transcript

SINTAKS : ANG BALANGKAS NG WIKA Pangkat Adlaw Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistika o Kakayahang Gramatikal Celce-Murcia, Dornyei, Thurell (1995) Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan ) Estruktura ng pangungusap Tamang p...

SINTAKS : ANG BALANGKAS NG WIKA Pangkat Adlaw Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistika o Kakayahang Gramatikal Celce-Murcia, Dornyei, Thurell (1995) Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan ) Estruktura ng pangungusap Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita Uri ng pangungusap ayon sa gamit ( pasalaysay, patanong, pautos, padamdam) Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan) Pagpapalawak ng pangungusap SINTAKS Pag-unawa sa Pagkakasunod-sunod ng mga Salita Ang Sintaks ay nagmula sa salitang Griyego na “syntattein” na ang ibig sabihin ay pagsasama-sama o pagsama-samahin. Ito ang pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o pangungusap Sintaks, ito ang balangkas ng wika na nagbibigay-daan sa pagbuo ng mga pangungusap na may malinaw na kahulugan. ESTRUKTURA NG PANGUNGUSAP Ang isang pangungusap ay binubuo ng iba't ibang bahagi: Paksang Pangungusap: Ang bahaging nagsasabi kung sino o ano ang pinag-uusapan. Panaguri: Ang bahaging nagsasabi kung ano ang ginagawa o kalagayan ng paksa. Halimbawa: "Ang mga bata ay naglalaro sa parke." Paksa: Ang mga bata Panaguri: naglalaro sa parke TAMANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA SALITA Mahalaga ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita sa isang pangungusap upang maipahayag nang wasto ang kahulugan. Halimbawa: "Bumili si Nicole ng bagong sapatos." - Tama ang pagkakasunod-sunod ng mga salita. "Sapatos bagong ng bumili si Nicole." - Maling pagkakasunod-sunod ng mga salita. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA GAMIT ( PASALAYSAY, PATANONG, PAUTOS, PADAMDAM) May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit: 1. Pasalaysay: Naglalahad ng katotohanan o pangyayari. (Halimbawa: “Si Stephanie ang kumain ng candy sa lamesa.”) 2. Patanong: Nagtatanong. (Halimbawa: “Kailan ang alis ng bagyo sa Pilipinas?”) 3. Pautos: Nag-uutos o nagpapahiwatig ng kahilingan. (Halimbawa: “Isara mo ang pinto”) 4. Padamdam: Nagpapahayag ng damdamin. (Halimbawa: “Jusko po! Nadapa si Nicole.”) URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN (PAYAK, TAMBALAN, HUGNAYAN, LANGKAPAN) May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit: a 1. Payak: May isang paksa at isang panaguri lamang. (Halimbawa: “Nagbabasa si Mariane.”) 2. Tambalan: May dalawa o higit pang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig. (Halimbawa: “Nagbabasa si Mariane at nagsusulat si Denize.”) URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN (PAYAK, TAMBALAN, HUGNAYAN, LANGKAPAN) May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit: a 3. Hugnayan: May pangungusap na nakadikit sa isa pang pangungusap. (Halimbawa: “Nagbabasa si Juan habang nagsusulat si Maria.”) 4. Langkapan: May dalawa o higit pang pangungusap na pinag- uugnay ng panghalip na panao. (Halimbawa: "Si Juan ang nagbabasa, siya rin ang nagsusulat.") PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP Maaaring palawakin ang isang pangungusap sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga parirala o sugnay. Halimbawa: “Nagbabasa si Kristine.” (Payak na pangungusap) "Nagbabasa si Kristine ng libro sa silid-aklatan." (Pinalawak na pangungusap) Ang sintaks ay ang pag-aaral ng mga tuntunin sa pag-aayos ng mga salita sa isang pangungusap. Ito ang nagbibigay-daan sa atin upang maunawaan ang kahulugan ng isang pangungusap. THANK YOU