MODULE 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM

Summary

This document is a lesson on various summary (lagom) writing types, including abstract and synopsis. It provides guidelines and examples for writing summaries in Filipino.

Full Transcript

MODULE 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM Ana Lovelyn M. Barrete Guro PAGPAPALALIM NA GAWAIN Sa araling ito, sumulat ka ng isang uri ng lagom na batay sa iyong sariling interes. Lagom Lagom = ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon n isang sulatin o ak...

MODULE 2: PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI NG PAGLALAGOM Ana Lovelyn M. Barrete Guro PAGPAPALALIM NA GAWAIN Sa araling ito, sumulat ka ng isang uri ng lagom na batay sa iyong sariling interes. Lagom Lagom = ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon n isang sulatin o akda. = Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod ( Synopsis). Abstrak = ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal , lektyur, at mga report. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng abstrak 1. Bilang ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko. 2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table. 3. Gumamit ng mga simple , malinaw , at direktang mga pangungusap. 4. Maging obhetibo s apagsulat. Ilahat lamang ang pangunahing kaisipan. 5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan maunawan ang mambabasa. mga hakbang sa pagsulat ng abstrak 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawin ng abstrak. 2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya. 3. Buoin , gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan. 5. Isulat ang pinal na sipi nito. sinopsis / buod = ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay , nobela, dula , parabula , talumpati , at iba pang anyo ng panitikan. mga dapat tandaan sa pagsulat ng sinopsis o buod 1. Gumamit ng ikatlong panauhin sa pagsulat nito. 2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. 3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan. 4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata. 5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay. 6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang. bionote = ang bionote ay maituturing ding uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote 1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito. 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. 5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. GAWAIN 2 : Nakasusulat ng isang uri ng lagom batay sa sariling interes Bilang ikalawang gawain para sa kursong ito ay bumuo o sumulat ka ng isang uri ng lagom batay sa iyong sariling interes o paksang malapit sa iyong puso. Maaari kang gumawa ng abstrak, sinopsis ng paboritong akda, o ng isang bionote. THANK YOU VERY MUCH!!!!!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser