Summary

This document contains questions and tasks related to Filipino writing, specifically posisyong papel. It includes examples of questions about writing, and discusses different aspects of this writing style.

Full Transcript

1 Aralin Posisyong Papel 5 * Mga Inaasahan Sa araling ito, babasahin at mauunawaan mo ang masining at tamang pagbibigay ng pangangatwiran gayundin ang panghihikayat. Mababatid mo rin ang mga istilo at teknikal na pangangailangan sa...

1 Aralin Posisyong Papel 5 * Mga Inaasahan Sa araling ito, babasahin at mauunawaan mo ang masining at tamang pagbibigay ng pangangatwiran gayundin ang panghihikayat. Mababatid mo rin ang mga istilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat at pagbuo ng posisyong papel. Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayan na : Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin- CS_FA11/12PU-0p-r-94 Maaari mo nang simulan ang unang gawain. Paunang Pagsubok Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang tamang sagot sa sagutang patlang. 1. Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng natutukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. A. Posisyong papel C. Pamanahong papel B Reaksyong papel D. Argumentong papel 2. Pangunahing isinasaalang-alang sa paggawa ng isang posisyong papel A. Paksa B. Ebidensya C. Mga sanggunian na ginamit D. Mga napapakinggang ideya na ginagamit 3. Maraming paraan upang matukoy na ang iyong pananaliksik ay magagamit sa iyong posisyong papel. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mo maaaring pagkuhanan ng mga datos? A. Binasang aklat B. Napakinggan C. Diksyunaryo D. Mapagkakatiwalaang websites 4. Kadalasang ginagawa ng isang mananaliksik o manunulat upang matukoy na mabisa ang paksa na kanyang napili sa paggawa ng posisyong papel Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 2 A. Ibinabatay sa madalas na marinig na pinag-uusapan B. Kilalang tao o popular ang gumagamit ng paksa C. Nagsasagawa ng panimulang pananaliksik D. Iisa lang ang pinagkukuhanan 5. Alin sa sumusunod ang tamang hakbang sa pagsulat ng maayos na posisyong papel? 1. Pumili ng paksa na napapanahon 2. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis 3. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa 4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon. A. 1,4,3,2 C. 2,3,4,1 B. 3,2,1,4 D. 1,3,2,4 6. Ginagamit upang pahinain ang depensa ng kasalungat na paninindigan upang mahikayat na mapaniwala sa kaniyang pinaniniwalaan A. Kontra-argumento B. Binasang pahayag C. Malalim na pananalita D. Pagbibigay ng Halimbawa 7. Katangian ng posisyong papel na gumagamit ng pili at angkop na pananalita batay sa isyung pinag-uusapan A. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga pahayag B. Pormal ang format at pananalita na ginagamit C. Malakas na panimula D. Malakas na katapusan 8. Upang maging epektibo ang pagsulat ng posisyong papel, alin ang dapat na iwasan na gamitin? A. Paggamit ng mga luma o masyado ng matagal na datos B. Paggamit ng mga pahayag na napakinggan C. Paggamit ng mga personal na opinyon sa kasalungat na paniniwala D. Pagpili ng paksa na napapanahon 9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa wastong pagsulat ng panimula ng posisyong papel? A Tukuyin agad ang paksa sa nakakatawag pansin na pahayag B Sumipi ng tuwiran mula sa aklat at hayaan na mag-isip ang mambabasa C Tukuyin ang paksa at ang mga sanggunian D. Sabihin ang mga mahahalagang paksa, lagumin, at manatiling bukas sa isyu na maaari pang saliksikin 10. Uri ng posisyong papel na naglalaman ng mga pangyayari o isyu sa ating ekonomiya A. Akademya B. Pulitika C. Batas D. Kalusugan Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa nakaraang aralin. Balik-tanaw Lagyan ng (/) ang pahayag kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay at (X) naman kung ang mali. Maglagay ng maikling paliwanag sa iyong sagot. Gawin sa sagutang papel. 1. Ang lakbay-sanaysay ay tumutukoy sa detalyeng pagsasalaysay ng mga lugar na pinuntahan. Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 3 1. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay dapat na nasa ikalawang panauhan. 2.Mahalagang mailahad ang realisasyon o mga natutuhan sa pagsulat. 3. Hindi kailangang maging organisado, malinaw, at obhetibo sa pagsulat ng ganitong uri ng sulatin. 4. Hindi na mahalagang itala ang petsa at lugar kung saan isinagawa ang paglalakbay kung gagamitin sa pictorial essay._ Pagpapakilala ng Aralin Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa maayos na pagsulat ng akademikong sulatin at pagsunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin sa paglalapat ng pangangatwiran katulad ng posisyong papel. Akademikong Sulatin: Ang Posisyong Papel Ang Posisyong papel o position paper ay isang salaysay na naglalahad ng kuro- kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o tumutukoy sa identidad, gaya ng isang partido pulitikal. Ang layunin ng posisyong papel ay mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay katanggap-tanggap at may katotohanan. Mahalagang maipakita ang ebidensya na magpapatotoo hinggil sa isyung pinaninindigan Tatlong (3) uri ng Posisyong Papel ✓ Sa Akademya ✓ Sa Pulitika ✓ Sa Batas Mga Dapat isaalang-alang para sa mabisang pangangatwiran 1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid-pagpili ng paksa batay sa interes 2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid 3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpatunay. 4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat 5. Pairalin ang pagsasaalang-alang ng katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang ilalahad. 6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katuwiran. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel 1. Pumili ng paksa na napapanahon. Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 4 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa. 3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis 4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon- 5.Alamin ang lahat ng mga posibleng hamon na kakaharapin ng iyong pinaninindigan. Dapat harapin at kilalanin mo ang iyong posisyong papel maging ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento (datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang mga tindig nito. 6. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya. 7. Buoin ang balangkas ng posisyong papel Katangian ng Posisyong Papel 1. Ito ay nararapat na maging pormal ang format, mga gagamiting termino 2. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya 3. Malakas na panimula 4. Pagpapakilala ng isyu, pagpapakilala ng iyong posisyon 5. Malakas na katapusan 6. Mayroong inilalahad na ebidensya. Pagbasa ng Halimbawa ng Posisyong Papel Posisyong Papel: Unified ID System Ang pamamahala sa bawat Pilipino ay isang malaking responsibilidad ng gobyerno. Ang kaagapay sa pamamahala ng Pangulo ay mga iba’t ibang departamento sa pamamahagi ng mga tungkulin at mga kailangan gawin para sa pag-unlad ng ating bansa. Sa madaling salita ay mas pinadali at mainam ang pagsagawa ng kanilang mga tungkulin. Malaking tulong ang pagtatag ng Unified Identification System sa ating pang araw-araw na mga gawain. Ayon sa wikipedia, ang Unified ID System ay naipakilala noong 2010 na naglayong gawin ang iba’t ibang transaksyon sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na gamit ang isang card lamang at napakaloob na din dito ang paggamit nito sa pagboto sa mga darating na eleksyon. Ang reponsable sa pag implementa nito ay ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System(GSIS), at ang PhilHealth. Ito ay nakapangalan sa House Bill 5060 na ipinasa ni Sonny Belmonte, Jr. na naglalayong makatulong sa “anti-crime, anti-terrorism”na kampanya. Sa panahon ngayon, malala na ang mga krimen kagaya ng droga, extrajudicial killings at terorismo. Ang UID ay makakatulong sa mga nabanggit na sitwasyon dahil makikita dito ang buong impormasyon ng isang tao sa pag subaybay kapag sila man ay napapabilang sa mga iba’t ibang gawain, masama man o hindi. Gamit ang isang card ,dito mas mapapadali at maging mahusay ang mga transaksyon na may kinalaman sa pag papatunay ng isang pagkakakilanlan ng isang tao. Sa pamamagitan nito, malalaman kung sino ang mga ilegal na imigrante na nanatili sa ating bansa. Ang mga tao na hindi nagbabayad ng tamang buwis ay malalaman ng mga nakakataas dahil sa tulong ng UID Electric governance, dito hindi na kailangan na pag isa-isahin dahil sa paggamit lamang ng isang card mas simple at pinadali ang pag proseso ng mga papeles na nangangailangan ng pagkakakilanlan ng isang tao. Ang UID ay gumagamit ng biometrics kagaya ng fingerprints, handprints at DNA sa tulong nito masisiguro na iisang tao lamang ang nag mamay-ari at gumagamit nito. Makikita sa UID ang pagkakaiba ng bawat tao gamit ang kanilang mga katangian at parte ng katawan na walang sinuman ang pwede makakagaya Mula ang teksto sa link na https://grouptressite.wordpress.com/2 017/10/01/posisyong-papel-soft-copy/ Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 5 Mga Gawain Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin ito sa pagbuo ng sariling pangungusap at gamitin ang ilustrasyong nakalaan sa sagutang papel. Mga Salita 1. Katibayan 2. Tiyak 3. Organisado 4. Opinyon 5. Kaugnayan Gawain 1.2 Pagsagot sa mga tanong Batay sa binasa mong halimbawa, sagutin ang mga tanong. Gawin sa sagutang papel. 1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa? 2. Anong bahagi ng teksto ang nagsasaad ng ebidensya? Patunayan ang sagot. 3. Paano nagkakaiba ang bawat bahagi ng posisyong papel sa bawat isa? Ipaliwanag mo ang iyong sagot. 4. Paano hinikayat ng sumulat ang mambabasa na sumang-ayon sa kaniyang panig? 5. Kung ikaw ang tatanungin, sang-ayon ka ba na magkaroon tayo ng unified ID system? Bakit? Gawain 1.3 Magsaliksik ng mga datos at katibayan na ang edukasyon ay magpapatuloy sa kabila ng pandemya. Ilagay sa graphic oraganizer ang sagot. Edukasyon ay magpapatuloy sa kabila ng pandemya Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman. Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 6 Tandaan Matapos mong pag-aralan ang masining na pagpapahayag ng pangangatwiran at pagsulat nang maayos ng isang posisyong papel at, narito ang mga dapat mong tandaan. 1. Ang posisyong papel ay laman ng akademikong sulatin, ito ang opinyon, saloobin, at pananaw na pinagyaman upang maging matibay na paninindigan. Sa akademikong sulating ito mamamalas ang matibay na paglalahad ng katuwiran. 2. Mahalagang inilalatag ng posisyong papel ang mga posibilidad ukol sa panig na pinaninindigan. Malinaw ng ipinakikita ang sanhi at bunga ng mga panig upang makita ang maaaring kahinatnan ng ibinibigay na posisyon. 3. Magkaugnay sa posisyong papel ang paninindigang sumang-ayon o tumutol sa isang usaping dapat bigyang linaw. 4. Mahalagang kasangkapan sa posisyong papel ang pagtitimbang-timbang ng iba’t ibang perspektiba upang ang ipinapahayag na paninindigan ay makaimpluwensiya at katigan ng ibang mambabasa o mamamayan. Mangyayari ang isang matatag na posisyon sa pamamagitan ng komprehensibong pagsasalansan ng mga impormasyon, datos, at patunay na dapat isiwalat sa posisyong nais ipahayag. Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan. Pag-alam sa mga Natutuhan Pumili at manood ng isang dokyumentaryo at pagkatapos punan ang mga hinihingi sa loob ng bawat kahon sa tulong ng graphic organizer. Gagamitin mo itong pantulong upang makabuo ng isang posisyong papel. Pagkatapos itong isagawa ay sumulat ng posisyong papel. Isagawa sa sagutang papel. Mga Pagpipiliang Dokyumentaryo A. I- Witness: “Kawayang Pangarap ; dokumentaryo ni Kara David https://www.youtube.com/watch?v=dFVNRE5ZyA4 B. “Bayang Uhaw”, ni Kara David https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/iwitness/565417/ldquo-bayang- uhaw-rdquo-dokumentaryo-ni-kara-david-ngayong-sabado-sa-i-witness/story/ Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 7 Dokumentaryo Pamagat: Katibayan Paksa Nilalaman Pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan Puntos Kompleto at malinaw ang impormasyong inilahad 10 Mahusay ang paggamit ng wika 10 Malikhain at gumagamit ng katibayan 10 Malinis at maayos ang kabuoang gawa 10 Kabuoan 40 *Hango sa #ABKD (Ako Bibo Kase Dapat) Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino ni Voltaire M. Villanueva Pangwakas na Pagsusulit Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat bilang sa ibaba. Tukuyin at isulat ang wastong sagot sa tulong ng mga salita na nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. posisyong papel paksa katibayan kontra-argumento makapanghikayat pagpapakilala ng isyu napapanahon ekonomiya ebidensya politika 1. Isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o tumutukoy sa identidad, gaya ng isang partido pulitikal. 2. Pinakamahalagang isinasaalang-alang sa pangangatwiran. 3. Ginagamit upang pahinain ang depensa ng kasalungat na paninindigan upang mahikayat na mapaniwala sa kaniyang pinaniniwalaan 4. Mahalagang ipinakikita upang mapatotoo ang mga pinaninindigan. Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 8 5. Pangunahing layunin ng posisyong papel 6. Nilalaman ng teksto sa panimula ng posisyong papel 7. Katangian ng paksa na ginagamit sa posisyong papel 8. Ginagamit na isyu sa pamahalaan upang makapaghikayat ng madla na may mga kaakibat na ebidenya 9. Pinakamakapangyarihang ginagamit sa pangangatwiran upang paniwalaan at makapaghikayat. 10. Uri ng posisyong papel na naglalaman ng mga pangyayari o isyu sa ating ekonomiya. Pagninilay Basahin at suriin ang larawan na mula sa facebook at sagutin ang gabay na tanong. https://www.facebook.com/erwintulforeal Gabay na Tanong: 1. Ano ang pinagbatayan ng mga mambabasa upang makapagbigay ng reaksyon hinggil sa larawan o isyu na mula sa facebook. 2. Bakit mahalagang timbangin ang iba’t ibang paninindigan ng tao? Ipaliwanag ng mabuti ang sagot. Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro. Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 9 FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)-12 SAGUTANG PAPEL-ARALIN 5 Markahan: _Kwarter 2 Linggo: Ikalima Pangalan: Guro: Baitang at Seksyon: Iskor: Paunang Pagsubok Balik-tanaw 1 6 1. 2 7 2. 3 8 3. 4 9 4. 5 10 5. Gawain 1.1 Mga Salita Kasingkahulugan Pagbuo ng pangungusap 1. Katibayan 2. Tiyak 3. Organisado 4. Opinyon 5. Kaugnayan Gawain 1.2 1. 2. 3. 4. 5. Gawain 1.3 Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo 10 Edukasyon ay magpapatuloy sa kabila ng pandemya Pag-alam sa Natutuhan Pangwakas na Pagsusulit 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10 Pagninilay Modyul sa Senior High School- Filipino Piling Larang (Akademik) Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo

Use Quizgecko on...
Browser
Browser