Posisyong Papel sa UP, DLSU, ADMU PDF

Document Details

BrilliantConnotation4155

Uploaded by BrilliantConnotation4155

SPUD - St. Paul University Dumaguete

Tags

Filipino language higher education Philippine universities curriculum

Summary

This document discusses the positions of several Philippine universities regarding the importance of the Filipino language in higher education. It references a CHED memorandum order from 2013 that has resulted in changes to the General Education Curriculum, potentially impacting the inclusion of Filipino. It also addresses how the debate surrounding Filipino in higher education is influencing the broader cultural landscape of the Philippines.

Full Transcript

MGA POSISYONG PAPEL NG IBA’T IBANG UNIBERSIDAD KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO Ang CHED memorandum order No. 20 series 2013 ay ang pinamagatang “General Education Crriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic compentencies.”Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Ed...

MGA POSISYONG PAPEL NG IBA’T IBANG UNIBERSIDAD KAUGNAY NG FILIPINO SA KOLEHIYO Ang CHED memorandum order No. 20 series 2013 ay ang pinamagatang “General Education Crriculum: Holistic Understandings, Intellectual and Civic compentencies.”Ito ay inilabas ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o ang Commission on Higher Eucation (CHED) noong Hunyo 28, 2013 Sa paglabas ng CHED Memorandum Order No. 20 series of 2013, binabalangkas ang bagong General Education Curriculum na nagsantabi sa pagturo ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo Ang curriculum ay ibinaba sa 63 units (para sa Humanities at Social Science Major) o 51 units (para sa Science, Engineering at Math Majors) sa 36 units para sa lahat ng studyante. Noong Mayo 2013, pinirmahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang batas na K-12 (Enhanced Basic Education Act) na magreresulta sa karagdagang tatlong taon sa sampung taon na basic education ng mga Pilipino. Ito raw ay para makasabay sa kalidad ng edukasyon sa mga karatig na bansa. Bago mapirmahan ang batas, isang taon nang ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) ang K to 12 sa mga “pilot school” at ihinabol na lang ang batas para gawing legal ang patakaran at maipatupad sa buong kapuluan. Kinaharap naman ng implementasyon ng K to 12 ang maraming usapin, gaya ng kakulangan ng klasrum, guro sa grades 11-12, technical expertise sa “senior high”, at iba pa. Alinsunod sa batas na ito, at sa pamamagitan ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, ipinataw ng CHED ang General Education Curriculum, na magtatanggal sa wika at Panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo pagdating ng Akademikong Taon. Binatikos ng iba’t ibang paaralan ang patakarang ito dahil hindi lang pagtatanggal sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang magiging implikasyon nito, kundi pagtatanggal din ng mga guro sa Filipino na karamihan ay matagal nang panahong nagsisilbi sa paaralan. Muli ring nabuksan ang mga diskurso at usapan hinggil sa pagpapanatili at pagpapayaman ng wikang Filipino, pagpapayabong ng sariling kultura at pagmamahal sa bayan. HINDI LAMANG MIDYUM NG PAGTUTURO ANG FILIPINO. ISA ITONG DISIPLINA,LUMILIKHA ITO NG SARILING LARANG NG KARUNUNGAN NA NAGTATAMPOK SA PAGKA-FILIPINO SA ANUMANG USAPIN SA LOOB AT LABAS NG AKADEMYA. Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina, Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka- Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal. Sinususugan nito ang Pahayag-Misyon ng Kagawaran ng Filipino na itinatakda “ang propesyonal at multidisiplinaryong pagtugon sa pangangailangan na iuwi at iugat sa sariling kultura ang pamantasan at lahat ng pinaglilingkuran nito, hindi sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga kaalamang hiram kundi sa integrasyon nito sa mga kaalamang sarili.” DAPAT MAGING MAPAGMATYAG LABAN SA MGA TAO AT INSTITUSYONG GINAGAMIT ANG KASALUKUYANG ISYUNG PANGWIKA UPANG ITANGI ANG SARILI AT KANILANG MGA INTERES. May ilang institusyon na kinakasangkapan at binabaluktot ang diwa ng akademikong integrasyon, globalisasyon, at pangkalahatang pagbabago ng edukasyon sa malawakang pagtatanggal at sapilitang paglilipat ng mga guro at programa mula sa kolehiyo patungong Senior High School. Kailangang panagutan ng mga institusyong ito hindi lamang ang usaping pangkabuhayan ng mga guro kundi pati na rin ang integridad ng kanilang mga disiplina at kurso na pinagkadalubhasaan. Hindi lamang legal, kundi usaping moral at etikal ang pananagutang ito. Hindi sapat ang pagsasabatas ng mga pagbabago sa edukasyon, wika, at kultura. Dapat angkop ang paghahandang estruktural sa makataong pagpapatupad nito. Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko, at intelektuwal na pagpapahayag” ‘’ PAGTATANGGOL SA WIKANG FILIPINO, TUNGKULIN NG BAWAT LASALYANO ‘’ Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, nagpasya ang Departamento ng Filipino na gawing higit na katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga adbokasiyang pangwika Malaki ang pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulong ng adbokasiyang pangwika sapagkat mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang Departamento sa administrasyon ng pamantasan upang hilingin na panatilihin sa kurikulum ng DLSU ang asignaturang Filipino, ngunit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng lahat ng ating pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi pa rin isinama ng Komite sa New Lasallian Core Curriculum (NLCC) ang asignaturang Filipino. Gayunman, sinusuportahan ng Komite sa NLCC ang opsyonal na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong kurikulum. Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik. Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag- aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili? Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE), ang kaisa-isang Departamento ng Filipino sa buong bansa na may ganitong karangalan. Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan, kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at lumalahok sa mga ito. Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik. Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan. ‘’PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO’’ Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw- agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag- aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser