ARALIN 2: POSISYONG PAPEL - 2ND QUARTER - FPL

Summary

Mga aralin tungkol sa Posisyong Papel para sa ikalawang kwarter. Ang mga aralin ay naglalaman ng kahulugan, panuntunan, at mga hakbang sa pagsulat ng posisyong papel, kasama ang mga panuto at halimbawa.

Full Transcript

# Aralin 2: Posisyong Papel ## Ikalawang Kwarter ### Layunin 1. Nalalaman ang kahulugan ng Posisyong Papel 2. Nakakasunod sa panuntunan ng Posisyong Papel ### Panuto: Sagutin ng TAMA O MALI angmga pahayag tungkol sa pagsulat. | Bilang | Pahayag...

# Aralin 2: Posisyong Papel ## Ikalawang Kwarter ### Layunin 1. Nalalaman ang kahulugan ng Posisyong Papel 2. Nakakasunod sa panuntunan ng Posisyong Papel ### Panuto: Sagutin ng TAMA O MALI angmga pahayag tungkol sa pagsulat. | Bilang | Pahayag | Sagot | |-------|----------------------------------------------------------------------------------------------------------|-------| | 1. | Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali. | MALI | | 2. | Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo sa pangangatuwiran. | TAMA | | 3. | Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay pawang katotohanan. | TAMA | | 4. | Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin na wala sa awtoridad. | MALI | | 5. | Maaaring gamitin ang isang opinyon bilang isang matibay na ebidensiya lalo na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa. | TAMA | # Posisyong Papel Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate, naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran ang isang uri ng panghhihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon ng manunulat. Sa bawat argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na ebidensiya mula sa pinagkakatiwaang datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang pinagbabatayang ebidensiya. Ang mga ebidensiya ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa awtoridad (pulis, abogado, doctor, o propesor, atbp) upang maipakita na makakatotohanan ang ipinaglalabang isyu. Ayon kay Jocson et al. (2005), sa kanilang aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon na maaaring maiugnay sa sumusunod na paliwanag: * Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami. * Ito ay isang uri na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan. * Ito ay isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba. ## Mga Dapat Isaalang-alang para sa Isang Mabisang Pangangatwiran 1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid. 2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid. 3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay. 4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang makapanghikayat. # GRACE FLEMING Sumulat ng artikulong "How to Write an Argumentative Essay" Ang posisyong papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o posisyon. Mahalagang mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga ebidensiyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng mga taong may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng katibayang magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan. Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalaga ang pagkakaroon ng isang mahusay at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang makabuo ng isang kaso o isyu. Maaaring ang paksa ay maging simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at lohikal. ## Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel Ang pagsulat ng posisyong papel ay hindi lamang sining ng paglalahad ng mga argumento at pangangatwiran kundi ito rin ay isang agham na kinapapalooban ng mga katibayang kinalap sa pamamagitan ng pananaliksik. 1. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik sa napiling paksa 3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis 4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon 5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya 6. Buoin ang balangkas ng posisyong papel | Uri ng Impormasyon | Uri ng Sangguniang Maaaring Gamitin | |----------------------------------------------|---------------------------------------------------------| | panimulang impormasyon at pangkalahatang kaalaman tungkol sa paksa | talatinigan, ensayklopedya, handbooks | | mga pag-aaral hinggil sa paksa o isyu | aklat, ulat ng pamahalaan | | mapagkakatiwalaang artikulo | dyornal na pang-akademiko | | napapanahong isyu | pahayagan, magasin | | estadistika | sangay ng pamahalaan at mga organisasyon/samahan | # CONSTANTINO AT ZAFRA (1997) Nauuri sa dalawa ang mga ebidensiyang magagamit sa pangangatwiran:: ## Mga Katunayan (facts) * tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa nakita, narinig, naamoy, nalasahan, at nadama. Maaaring gumamit ng mga taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguraduhin ang mga testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin pangmatagalan na ebidensiya maaari itong magbago depende sa mga bagong tuklas na datos. ## Mga Opinyon * tumutukoy sa pananaw ng mga tao, mga ideyang nakasalig hindi sa katunayan kundi sa ipinapalagay lamang na totoo. Hindi ito makatotohanan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensiya pero kinakailangan ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang tao sa lipunan. # I. Panimula a. Ilahad ang paksa. b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-usapan. c. Ipakilala ang tesis ng posisyong papel o ang iyong stand o posisyon tungkol sa isyu. Sa pagsulat ng panimula, mahalagang maunawaan na ito ay may dalawang layunin. Una, upang ipakilala ang paksa at ang tesis at pangalawa, upang maantig ang interes ng mga babasa nito. Tunghayan ang halimbawa nito: a. Isa sa napapanahong isyung pinag-uusapan sa lipunan ngayon ay ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533. b. Bawat pamilya at mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ay labis na naaapektuhan ng programang ito. Puspusan ang isinasagawang paghahanda at pagsasanay ng pamahalaan upang maihanda ang mga paaralan at mga guro sa maayos na pagpapatupad nito. c. Mahalagang maihanda ang mga mag-aaral sa totoong buhay lalo na sa paglinang sa kanilang mga kasanayang kakailanganin sa papasuking larangan o trabaho kaya mahalagang maipatupad ang programang ito. # II. Paglalahad ng Counterargument o mga Argumentong Tumututol o Kumokontra sa Iyong Tesis a. Ilahad ang mga argumentong tutol sa iyong tesis b. Ilahad ang mga kinakailangang impormasyon para mapasubalian ang binanggit na counterargument c. Patunayang mali o walang katotohanan ang mga counterargument na iyong inilahad d. Magbigay ng mga patunay para mapagtibay ang iyong ginawang panunuligsa Maaaring matukoy ang mga posibleng counterargument tungkol sa isyu sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga tanong na maaaring iharap sa isang taong nakaalam ng paksa tungkol sa iyong posisyon sa isyu sa pangkalahatan. Matapos mong matukoy ang mga posibleng counter-argument, pag-isipan kung paanong sasagutin o pangangatwiranan ang mga ito. Kailangang mahimok at mapaniwala ang mga mambabasang higit na matibay ang katotohanang iyong pinaniniwalaang nakasaad sa tesis. Gayunman, mahalagang mailahad ang bawat pangangatwiran bilang iyong depensa sa pinasusubaliang argumento nang patas at obhetibo upang maipakitang iyong lubos na napag-aralan ang bawat anggulo ng isyu at hindi lilitaw sa iyong isinulat na binabatikos mo lamang ang kabilang panig nito. Mas mainam kung iyong pagtutuonan lamang ang dalawa o tatlong mabibigat na counterargument nang may malalim na pagpapaliwanag kaysa maglatag ng maraming counterargument na hilaw na hilaw o kulang na kulang naman sa mga obhetibong paliwanag o tugon para rito at mga ebidensiya. Tiyaking ang mga tugon na ilalahad ay sumusuporta sa inilatag na tesis o posisyon. # III. Paglalahad ng Iyong Posisyon o Pangangatwiran Tungkol sa Isyu a. Ipahayag o ilahad ang unang punto ng iyong posisyon o paliwanag. * Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa unang punto. * Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian. b. Ipahayag o ilahad ang ikalawang punto ng iyong posisyon o paliwanag. * Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikalawang punto. * Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian. c. Ipahayag o ilahad ang ikatlong punto ng iyong posisyon o paliwanag. * Ilahad ang iyong matalinong pananaw tungkol sa ikatlong punto. * Maglahad ng mga patunay at ebidensiya na hinango sa tatlong mapagkakatiwalaang sanggunian. Upang higit na maging matibay ang iyong pangangatwiran o posisyon, sikaping maglahad ng tatlo o higit pang mga puntos tungkol sa isyu. # IV. Kongklusyon a. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis. b. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu. Ang pinakamabisa at pinakasimpleng paraan ng pagwawakas ng posisyong papel ay sa pamamagitan ng muling pagbanggit sa tesis sa ibang paraan ng paglalahad nito at ang pagtalakay sa mga magiging implikasyon nito. # MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG ## Pagsunod-sunurin Ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng bilang 1 hanggang 7 ang bilog. 1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel 2. Pagbuo ng thesis statement o pahayag ng tesis 3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya 4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa 5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon 6. Pagsulat ng posisyong papel 7. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso

Use Quizgecko on...
Browser
Browser