Pagbasa sa Teksto PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang teksto ay naglalaman ng isang bahagi ng liham mula kay Urbana patungo kay Feliza. Naglalaman ito ng mga payo at gabay para sa pag-uugali at asal sa lipunan. Ang mga payo ay may kinalaman sa mga gawi ng mga kabataan, at mga magagandang kaasalan.
Full Transcript
# Pagbasa sa Teksto Basahin at unawain ang teksto. ## Piling Bahagi ng Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana at Feliza Si Urbana kay Feliza – Maynila (Muling Isinatitik) Feliza: Aking naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayon ay isusunod ko ang na...
# Pagbasa sa Teksto Basahin at unawain ang teksto. ## Piling Bahagi ng Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na sina Urbana at Feliza Si Urbana kay Feliza – Maynila (Muling Isinatitik) Feliza: Aking naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayon ay isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katauhan. Sabihin mo kay Honesto na bago pumasok sa eskuwela, maghihilamos muna, suklayin, aayusin ang buhok, at ang baro'tsalawal na gagamitin ay malinis, ngunit ang kalinisan ay huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagkat ito ang kinagagawian ng masasamang tao. Ang kuko, huwag pahahabain, sapagkat kung mahaba ay pinagkakaratihang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi sa katawan, nadudumihan ang kuko ay nakaririmarim, lalong-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro, o iba pa kayang pinakamatanda sa bahay. Sa pagkain ay papahimasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos ay magpasalamat sa Diyos. Kung madudumihan ang kamay, mukha, o damit, ay maglinis muna bago pa sa eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla, o regla, papel, libro at lahat ng gagamitin sa eskuwela ay maging dungis-dungisan. Kung nakikipag-usap sa kapuwa tao, ay huwag magpapakita nang kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag kamot-kamot o hihimurin kaya ang kamay o babasahin ng laway ang daliri at ihihilod mo pa nga at huwag magpapakita ng kasaulaan. Sa harap ng ating mga magulang o matanda kaya, ay huwag mong pababayaang manabako o mangusap kaya nang kalapastanganan, o matunog na sabi. Kung nakikipaglaro sa kapuwa bata, ay huwag tulutan na maglapastangan, o dumihan kaya ang damit ng iba, at pagpilitan mo na yaong karaniwang wikain ng tao, na ang masama sa iyo ay huwag mong gawin sa iyong kapuwa, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa kapuwa bata, ay huwag magbibigay ng kakanin na may kagat, o madumi. Matanda at bata, ay may pinagkakaratihan kasaulaan na karima-rimarim. Kung nakikipag-usap sa kapuwa tao, kara-karaka ay ilalagay ang daliri sa ilong at sisinga. Kaiingat, Feliza, na ito'y gawin ni Honesto. Kung sisinga man ay sa panyo ay marahang gagawin, itatalikod ang mukha, o lumayo kaya. May isa pang pinagkakabihasnan ang karamihan ng tao, na kung nakikipag-usap sa kapuwa, ay ang kamay na ikinakamot sa harap. Asal na kahalay-halayan na nakapopoot sa malilinis na loob. Kaiingatan na ito ay pagkaratihan ng bata. Kung may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tao. Huwag pamalay at nang di mapangalanang salaula: Adios, Feliza, hanggang sa isang sulat. – URBANA # Paglinang ng Talasalitaan Basahin nang mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat sa loob ng mga kahon ang mga letrang bubuo sa kasingkahulugan ng mga sinalungguhitang salita. 1. Ang tao ay gumagawa ng kahatulan ayon sa kaniyang kakayahan at kagustuhan. - **D** **S** **I** **Y** 2. Kara-karakang ilagay sa ilong ang panyo kapag babahing. - **A** **R** **N** **N** 3. Kung magpapahid sa mukha ay marahang punasin gamit ang panyo. - **M** **B** **A** **L** 4. Ang hindi pag-aayos ng sarili ay maituturing na karima-rimarim. - **M** **R** **I** 5. Ang pagpapalalo sa sarili ay isang di-magandang gawain ng sinumang tao. - **M** **A** **B** **N** **G** # Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampantikan para sa kritikal na pag-unawa Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang kompletong pangungusap. 1. Paano ipinahatid kay Feliza ang mga nais ipabatid ng kaniyang kapatid na si Urbana? - Sa pamamagitan ng sulat, ipinadala ni Urbana kay Feliza ang kaniyang mga kautusan, at mga payo. 2. Sino si Urbana? Ilarawan sa pamamagitan ng tatlong salita. - Si Urbana ay isang anak na babae, na nag-aaral sa Maynila, at masunurin. 3. Ano ang mga bilin ni Urbana kay Feliza tungkol sa pagpasok ni Honesto sa eskuwelahan? - Ang bilin ni Urbana kay Feliza ay ang ihanda si Honesto sa araw ng pasukan, sa pamamagitan ng paghihilamos, pagsusuklay, pag-aayos ng baro, at ang pag-aalaga sa kalinisan. 4. Ano ang mga bilin ni Urbana tungkol sa tamang pakikipagusap sa kapuwa? - Ang mga bilin ni Urbana kay Feliza ay pagiging magalang sa mga nakatatanda, sa pamamagitan ng pagbati, pakikipag-usap nang maayos, at hindi pagiging bastos. 5. Ano naman ang mga bilin ni Urbana upang hindi maging salaula sa katawan? - Ang bilin ni Urbana kay Feliza ay ang mag-ingat sa pagkilos, sa paraang hindi nagbibigay ng masamang amoy, at pagiging maayos. 6. "Ang masama sa iyo'y huwag mong gawin sa iyong kapuwa, ay itanim sa dibdib at alinsunurin.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito? Ipaliwanag. - Ang ibig sabihin ng sinabi ni Urbana ay ang "Golden Rule" o ang pagtrato sa iba ayon sa kung paano mo gustong tratuhin ka. 7. Ano sa palagay mo ang dahilan ng paglalahad ng bilin ni Urbana sa kapatid? Patunayansan. - Ang dahilan ni Urbana sa pagbibigay ng mga bilin kay Feliza ay ang pagnanais ni Urbana na maipamahagi at maipasa ang mga aral na natutunan niya kay Feliza. 8. Kung ikaw ang tatanungin, maituturing bang maganda ang paraan na ginawa ni Urbana upang makapagpahayag ng bilin kay Feliza? Pangatwiranan. - Ang ginawang pagpapadala ni Urbana ng mga bilin kay Feliza ay isang magandang halimbawa ng pag-aalaga sa isang kapatid- sa paraan ng maingat at masinop na pagbibigay ng payo. 9. Paano mo maibabahagi sa mga kaibigan, kapatid, o kamag-aral ang katulad sa mga ibinabahagi sa pagsusulatan ng dalawang tauhan? - Ang pinakamagandang paraan upang maibahagi ang mga natutunan sa sulat ni Urbana ay ang pagsulat din ng mga liham, paghahanap ng pagkakataong magbigay ng payo, o pag-uusap ng personal. 10. Paano makatutulong sa pang araw-araw na karanasan ang mahahalagang kaisipan at aral na inilahad sa pagsusulatan nina Urbana at Feliza? - Ang kaisipan at aral na matututunan sa pagsusulatan ng dalawa ay ang pagiging matapat at mabait sa kapuwa. # Pagsusuri sa Tekstong Binasa ## Mahalagang Kaalaman ### Urbana at Feliza bilang Nobela Makailang ulit na nailimbag ang aklat na "Urbana at Feliza” sa iba't ibang wika sa Pilipinas sa magkakaibang taon dahil sa mga taong sumubaybay sa kuwento ng magkapatid. Una itong nailimbag taong 1855 at nailabas lamang noong 1864 Ang binasang teksto ay piling bahagi lamang ng katipunan ng mga liham ng dalawang binibining sina Urbana at Feliza. Si Urbana ang nakababatang kapatid ni Feliza ay nag-aral sa Maynila samantalang sa Paombong, Bulacan naman ang huli. Naging behikulo ito ng manunulat ng aklat na si Pader Modesto de Castro upang ilahad ang mga gintong aral na nagsisilbing gabay sa pakikipagkapuwa-tao. Mauuri sa tuluyang panitikan ang akdang ito na tinatawag na nobela. Taglay ng nobela ang lalim ng paglalarawan sa mga karakter na kumikilos sa mga pangyayari dulot ng mga suliraning nilikha ng manunulat mula sa mga personal na karanasan at kinapapalooban ng mga kulturang panlipunan na naglalayong ipakita sa pamamagitan ng nobela. Gamit ang mga tauhan sa nobela ay nagagawang ipakita ng manunulat ang kaniyang saloobin, pananaw, damdamin gamit, at saklaw ng kaniyang masining na paglalahad ng mga pangyayaring likhang isip o totoong naganap sa kaniyang panahon. Binasa ng mga Pilipino ang aklat na ito noong panahon ng Espanyol. Malaki ang naging impluwensiya ng aklat para maikintal sa isipan ng mga Pilipino ang kagandahang-asal na mula sa mga turo sa Bibliya sa pamamagitan ng pangangaral ng magkapatid sa isa't isa Kawing-kawing ang mga pangyayari sa nobela kaya naman nangangailangan ito ng detalyado at kompletong paglalarawan sa mga elementong taglay nito upang mabisang mailahad ang layunin ng manunulat. Bagaman ang nobelang “Urbana at Feliza" ay hindi masalimuot ang paglalalahad ng pangyayari dahil sa paraang pagsusulatan ang ginamit, masasabing maraming gusot ang nabigyang-linaw rito. ## Mga Tanong Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Ano ang katangiang taglay ng isang nobela? - Ang nobela ay isang mahabang akdang pampanitikan na naglalarawan ng mga tauhan, pangyayari, at suliranin. 2. Saan mauuri ang nobela bilang akdang panitikan? - Ang nobela ay mauuri bilang isang akdang pampanitikan na nasa kategoryang prosa. 3. Paano nakaimpluwensiya ang aklat sa mga Pilipino noong panahon ng Espanyol? - Ang aklat na "Urbana at Feliza" ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino noong panahon ng Espanyol sapagkat naipatupad dito ang mga aral sa moralidad at sa pagiging patas. 4. Paano inilalahad ng manunulat ang kaniyang pananaw at saloobin sa buhay gamit ang nobela? - Ang manunulat ay naglalagay ng kanyang pananaw at saloobin sa buhay sa pamamagitan ng mga tauhan, pangyayari at usapan sa nobela. 5. Paano matutukoy ang pagkakaiba ng nobela sa isang maikling kuwento sa aspekto ng paglalahad ng mga pangyayari? - Ang nobela ay may mas mahabang kwento, malapad na sakop, at mas detalyado na paglalarawan kumpara sa maikling kuwento. ## A. Pagsusuri sa Kayarian ### Karagdagang Kaalaman #### Tagpuan sa Espitolaryong Nobela Napansin mo ba ang kakaibang paraan ng pagsulat ni Modesto de Castro? Kung oo, napansin mo ba na isinulat ang kaniyang akda sa paraan ng liham o sulat. Ang ganitong akda ay tinatawag na epistolaryong nobela na ang mga idea, pangyayari, at kilos ng mga tauhan ay inilalarawan sa paraang nangyari o tapos na. Dagdag pa, ginagamit ang ganitong paraan upang makapaglahad ng mga pangaral para sa mga gagawin pa lamang ng mga tauhan. Maihahalintulad ang epistolaryong nobela sa paraan ng pagsulat ng talaarawan o diary. Ang tagpuan ay isa sa mga elemento ng epistolaryong nobela at anumang akdang naisulat. Tumutukoy ito sa lugar o espasyo na kinagagalawan ng mga tauhan. Maaaring ito ay sa gubat, parke, paaralan, bahay, o saan pa man. Si Urbana at Feliza ay kumakatawan sa mga karaniwang Pilipino na nagbabahaginan ng mga karanasan at pangaral upang maging mabuting tao. Sa bahaging ito, iisa-isahin at iuugnay ang mga palagay tungkol sa mga pangaral ni Urbana sa kaniyang kapatid. ## Gawain Muling basahin ang teksto. Isa-isahin ang mga pangaral ni Urbana kay Feliza sa pamamagitan ng pagsagot sa graphic organizer na nasa ibaba. | Pangaral para sa Sarili | Pangaral para sa Kabataan | Pangaral para sa Nakatatanda | Pangaral para sa mga Pilipino | | ---------------------- | -------------------------- | --------------------------- | ----------------------------- | | | | | | ## Pangkatang Gawain Bukod dito, nakikita sa akda ang impluwensiya ng tagpuan sa isip ng tauhan. Ang pook na kinagagalawan ng tauhan ay nakaaapekto sa kaniyang isip, kilos, gawi, at desisyon sa buhay. Kung gayon, ipahayag mo ang iyong pananaw. Magsama-sama ang magkakapangkat at ibigay ang mga maaaring naging batayan ni Urbana sa kaniyang mga pangaral para kay Feliza. Nasa ibaba ang padron ng graphic organizer na magsisilbing batayan ng presentasyon. | Mga Ipinagpapalagay na Namasid, Naranasan, at Natutuhan ni Urbana sa Maynila | Mga Payo ni Urbana kay Feliza | | --------------------------------------------------------------- | ---------------------------------- | | | | | | | | | | | | | * Pangkat 1: Pangaral para sa Sarili * Pangkat 2: Pangaral para sa Kabataan * Pangkat 3: Pangaral para sa Nakatatanda * Pangkat 4: Pangaral para sa mga Pilipino