ARALIN 7-10: Mga Uri ng Talumpati sa Filipino (PDF)

Document Details

RewardingPelican

Uploaded by RewardingPelican

Asian Institute of Computer Studies - Commonwealth

Tags

Filipino Talumpati Pagsasalita Komunikasyon

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin ukol sa talumpati sa Filipino. Saklaw nito ang iba't ibang uri ng talumpati batay sa paghahanda at layunin, tulad ng impromptu, extempore, isinaulong talumpati, at pagbasa ng papel sa kumperensia. Naglalaman din ito ng mga halimbawa ng talumpating pampalibang, nagpapakilala, at pampasigla.

Full Transcript

**ARALIN 7 : MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI** **1. Paghahanda** **a. Talumpating maisusulat pa** - Ihanda ang sarili na makapag-isip nang mabuti para sa talumpating iyong isusulat. Laging isaisip na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manunuod satalumpati at maunawaan ang...

**ARALIN 7 : MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI** **1. Paghahanda** **a. Talumpating maisusulat pa** - Ihanda ang sarili na makapag-isip nang mabuti para sa talumpating iyong isusulat. Laging isaisip na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manunuod satalumpati at maunawaan ang punto ng pagbigkas. **b. Talumpating Hindi Maisusulat** - Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita ng may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang. **2. Pagpapanatili ng kawilihan ng tagapakinig -** Tiyaking hindi mawawalan ng interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya't mag-isip ng mga paraan sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito. Maaaring may bahaging nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matataling hagang pananalita at mga tayutay. **3. Pagpapanatili ng kasukdulan -** Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding emosyon, batay sa kanyang paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. **4. Pagbibigay ng kongklusyon sa tagapakinig -** Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa mahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos. **ARALIN 8: URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA** **1. Impromptu** -- ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda. Karaniwang makikita ang ganitong talumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala. Sa uring ito ay wala ng pagkakataong sumulat pa ng bibigkasin. Mahigpit ang pangangailangan ditto ng kahusayan sa pag-oorganisa, paglilinaw, at pagtatampok ng mga ideyang nais palutangin. **2. Extempore** -- sa uring ito ay masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Di tulad sa impromptu, ang mga isyu, konsepto, o usapang paglalaanan ng talumpati ay alam na ng mananalumpati kung kaya may panahon pa para sa paghahanda ng mga palatandaan upang hindi paligoy-ligoy ang kanyang pagbigkas. Karaniwan dinginoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya kailangan ang malinaw na pag-iisip, bilis sa pagsasaayos ng mga ideya, at husay sa pamimili ng salita. Halimbawa nito ay ang Question and Answe portion sa mga beauty pageant. **3. Isinaulong Talumpati** -- Ito ang uri ng talumpati na isinulat at kinabisa ng mananalumpati. Masusukat ditto ang kahusayan sa pagbabalangkas ng manunulat, pagpapaliwanag, at tibay ng mga argumento. Karaniwang makikita ito sa mga Valedictorian Speech. **4. Pagbasa ng Papel sa Kumprensiya** -- Ito ang uri ng talumpati na kaunti na lamang ang alalahanin ng mananalumpati dahil higit na nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, naisulat nang mahusay ang mga argument, at naensayo na ang pagbigkas. Tanging aalalahanin na lamang ay ang tamang tindig at bigat ng pagbanggit sa mahahalagang punto. **ARALIN 9: Uri ng Talumpati ayon sa Layunin May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati.** Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla. **1. Talumpating Pampalibang** - Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo. **2. Talumpating Nagpapakilala** - Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita. **3. Talumpating Pangkabatiran** - Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba't ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. **4. Talumpating Nagbibigay -galang** - Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis. **5. Talumpating Nagpaparangal** - Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati: Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi Pamamaalam sa isang yumao Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo **6. Talumpating Pampasigla -** Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng: Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani **ARALIN 10: Uri ng mga Tagapakinig Sa pagsulat ng talumpati mahalang may sapat na kaalaman, pangangaolangan, at interes ang mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig. Kailangan mabatid ng mananalumpati ang mga sumusunod:** **a. Edad o gulang ng mga makikinig** -- Mahalagang malaman ang edad o gulang ng mga tagapakinig upang maiakma ang wikang gagamitin. Kung ang mananalumpati ay hindi ito binigyang halaga, maaaring hind maging interesado ang mga tagapakinig sa paksa ng talumpati. **b. Bilang ng mga makikinig** -- Mahalagang malaman ang bilang ng mga makikinig dahil kung maraming makikinig madami ring paniniwala, saloobin ang dapat isaalang-alang ng mananalumpati. **c. Kasarian** -- Mahalagang malaman kung ang dadaluhang pagtitipon ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o magkahalong kasarian dahil madalas na magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan at kababaihan kung kaya't nagkakaroon ng magkaibang pananaw sa paksa. **d. Edukasyon o antas sa lipinan** -- Mahalagang malaman ng mananalumpati ang antas ng edukasyon ng mga makikinig, maging ang antas sa lipunan. Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga tagapakinig ay nabibilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng salita o halimbawa na akma sa kanila upang madaling maunawaan. Kung ang mga tagapakinig naman ay nabibilang sa edukado at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, iba rin ang pamamaraan ng pagtatalakay ang dampat gamitin. **e. Saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig** -- Dapat malaman din ng mananalumpati kung gaano na kalawak ang kaalaman at karanasan ng mga tagapakinig sa paksa. Kung ang mga tagapakinig ay mayroon ng alam sa paksa

Use Quizgecko on...
Browser
Browser