Kahalagahan ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang papel na ito ay naglalahad ng kahalagahan ng pagsulat, partikular na ang akademikong pagsulat. Tinalakay ang mga layunin at kasanayan sa pagsulat, pati na rin ang iba't ibang uri ng pagsulat. Isang mahusay na pagsusuri ng akademikong pagsulat sa Filipino.
Full Transcript
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT "Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum sa paghahatid ng mensahe, ang wika." -Cecilia Austera et al. 2009 "Ang...
ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT ANG AKADEMIKONG PAGSULAT "Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum sa paghahatid ng mensahe, ang wika." -Cecilia Austera et al. 2009 "Ang pagsulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o sa anumang kagamitang maaaring pagsulatan. -Edwin Mabilin et al. LAYUNIN NG PAGSULAT magpahayag manghikayat makilala ang sarili magbigay kaalaman magpabatid Ayon kay Mabilin(2012) ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi: PERSONAL O EKSPRESIBO nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat PANLIPUNAN O SOSYAL ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT WIKA -magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pang nais ilahad. PAKSA -pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda LAYUNIN -magsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman PAMAMARAAN NG PAGSULAT impormatibo ekspresibo naratibo deskriptibo GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT KASANAYANG PAMPAG-IISIP-kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT- pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika ta retorika KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN-kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan URI NG PAGSULAT Malikhaing Pagsulat (Creative Writing) magbigay aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at kaisipan ng mga mambabasa maaaring batay sa tunay na pangyayari o bunga ng malikot na imahinasyon maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula... URI NG PAGSULAT Teknikal na Pagsulat (Technical Writing) may layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City at Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina. brochure, menu URI NG PAGSULAT Propesyunal na Pagsulat (Professional Writing) sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutunan sa akademya o paaralan. HALIMBAWA: -lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng pagsusulit -paggawa ng medical report, narrative report URI NG PAGSULAT URI NG PAGSULAT Dyornalisti44k na Pagsulat (Journalistic Writing) sulating may kinalaman sa pamamahayag artikulo, pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, artikulo at iba pa URI NG PAGSULAT Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing) layuning bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon. karaniwang makikita sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) URI NG PAGSULAT Akademikong Pagsulat (Academic Writing) isang intelektuwal na pagsulat. ito ay may sinusunod na na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa ideyang pinangangatuwiranan. ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat AKADEMIKONG PAGSULAT AKADEMYA Tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi ng pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. WIKA AKADEMIKONG PAGSULAT AKADEMIKONG FILIPINO iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alituntunin o prinsipyo sa paggamit ng Filipino AKADEMIKONG PAGSULAT asignatura na lilinangin, sasanayin at huhubugin ang kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat gamit ang akademikong Filipino KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Obhetibo Pormal - iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal Maliwanag at Organisado - kakitaan ng pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap May Paninindigan - iwasan ang magpabago-bago ang paksa May Pananagutan - dapat bigyang-pagkilala ang pinagmulan ng mga ginamit na sanggunian IBA'T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN abstrak posisyong papel sintesis/buod replektibong Bionote sanysay memorandum lakbay-sanaysay adyenda talumpati katitikan ng pulong panukalang proyekto