FILIPINO 101: Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa PDF
Document Details
Uploaded by CleanerCongas
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino 101, partikular na ang Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa. Ito ay nagbabalangkas ng mga layunin ng aralin tungkol sa pagkilala ng mga konsepto at pag-uugnay ng mga ideya sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at mundo, kasama ang mga pagsasanay sa pagsusuri ng tula.
Full Transcript
FILIPINO 101 BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA ARALIN 1 Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang, Naiisa-isa ang mga bagong konseptong natutuhan sa pagsasatinig ng kasalukuyang pag-aaral; N...
FILIPINO 101 BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA ARALIN 1 Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang, Naiisa-isa ang mga bagong konseptong natutuhan sa pagsasatinig ng kasalukuyang pag-aaral; Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig; at Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig. Suring Basa: Humanap ng kapareha: Suriin ang tula gamit ang mga gabay na katanungan. Dilat by Therese Mole Sa madilim na kalawakan, Maliwanag ang buwan. Ano ang pamagat ng tula? Hating-gabi ngunit gising. Sa oras ng pagtulog, Kumikinang, dilat pa rin. Sino ang may-akda? Bakit di natutulog ang buwan? Ano bang nilalabanan nito? Ang antok O ang damdamin? Mahusay ba ang paggamit ng Saksi ang buwan wika? Sa mga emosyong kumakawala sa oras ng pagtulog. Ano ang pangkalahatang Sa pagsayaw ng mga tala, nilalaman ng kwento? Mata'y lumuluha. Tahimik ang gabi, Paano binibigyang-diin ng bawat Ngunit nag-iingay ang pusong nababasag. Dilat ang mata, makata ang emosyonal na tono sa Ngunit bulag sa iba. kanilang tula at paano ito Siguro nakakatulong sa pagpapahayag Sa gabi dumarating ang buwan, ng tema? Sa mga oras na ika'y nakapikit, Nang sa hindi mo makita Ang paglisan nito Pagdating ng araw. BILANG ISANG ATENISTANG MAG-AARAL, BAKIT MAHALAGANG MAKAMIT NG ISANG MAG-AARAL ANG SINTOPIKAL NA ANTAS NG PAGBASA? Gustave Flaubert Isang manunulat na Pranses “Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay”. Mas malalim pa at malawak ang naibibigay ng pagbasa- MAGBASA UPANG MABUHAY Kahulugan ng Pagbasa Ang pagbasa ay isang Ito ay isang kompleks na proseso ng pagbuo ng kasanayan na kahulugan mula sa mga nangangailangan ng nakasulat na teksto. koordinasyon ng iba’t iba at -Anderson magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon. Ayon kay Wixson et al. Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: IMBAK O UMIIRAL NG KAALAMAN IMPORMASYONG IBINIBIGAY NG TEKSTONG BINABASA KONTEKSTO NG KALAGAYAN O SITWASYON SA PAGBABASA INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA INTENSIBO Masinsin at malalim na pagbasa Douglas Brown (1994), ito ay pagsusuri sa kaanyuhang gramatikal, panandang diskorsal, at iba pang detalye upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. INTENSIBO AT EKSTENSIBONG PAGBASA EKSTENSIBO Pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales Long at Richards (1987), ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maraming babasahin na ayon sa kaniyang interes o mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase… Suring Basa: Mula sa gawain, masasabi mo na ikaw ay intensibong nagbabasa o ekstensibong nagbabasa? Bakit? SCANNING AT SKIMMING NA PAGBASA SCANNING Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang espesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. SKIMMING Mabilisang pagbasa na may layuning alamin ang kahulugan ng kabuoang teksto. Suring Basa: Bakit ba natin ginagamit ang ganitong teknik o uri ng pagbasa? Antas ng Pagbasa Primarya Inspeksiyonal Analitikal Sintopikal Pagtukoy sa Nauunawaan na Ginagamit ang Ang mambabasa tiyak na datos at ng mambabasa mapanuri o ay nakakabuo ng espisipikong ang kabuoang kritikal na pag- sariling impormasyon teksto at iisip upang perspektiba o gaya ng petsa, nakapagbibigay malalimang pananaw mula sa setting, lugar, o na siya ng mga maunawaan ang paghahambing mga tauhan sa hinuha o kahulugan ng ng mga akdang isang tiyak na impresyon teksto at layunin inunawa niya. teksto ng manunulat Antas ng Pagbasa Primarya Pagtukoy sa tiyak na datos at espisipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang tiyak na teksto Teksto: “Ang epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon” Halimbawa: Ano ang pamagat ng teksto? Ang epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon Ano ang teknolohiya? Mga makabagong kagamitan at software na ginagamit sa pag-aaral. Antas ng Pagbasa Inspeksiyonal Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuoang teksto at nakapagbibigay na siya ng mga hinuha o impresyon Teksto: “Ang epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon” Halimbawa: Pag-skim sa teksto: Mabilisang pagtingin sa pamagat, subheading, at unang pangungusap ng mga talata upang malaman na tinalakay dito kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa paraan ng pagtuturo at pag-aaral. Buod: "Ang teknolohiya ay may malaking epekto sa edukasyon, nagbibigay ito ng mas maraming oportunidad para sa mas epektibong pagkatuto. Antas ng Pagbasa Analitikal Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at layunin ng manunulat Teksto: “Ang epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon” Halimbawa: Pag-analisa sa argumento: Paano nakakatulong ang teknolohiya sa pagpapabuti ng edukasyon? May mga kaso ba na nagiging hadlang ito? Antas ng Pagbasa Sintopikal Ang mambabasa ay nakakabuo ng sariling perspektiba o pananaw mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa niya. Teksto: “Ang epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon” Halimbawa: Paghahambing ng iba’t ibang pananaw: Paano nagkakaiba ang pananaw ng mga eksperto tungkol sa epekto ng teknolohiya sa edukasyon? Paano ito naiiba depende sa konteksto ng bansa o antas ng edukasyon? Pagbuo ng bagong pag-unawa Antas Sintopikal Ang salitang syntopical ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon na nangangahulugang "koleksiyon ng mga paksa". Pinakamataas na antas ng pagbasa Itinuturing na rin ng mambabasa ang sarili bilang isa sa mga eksperto ng kaniyang binasa. Antas Sintopikal 1. Pagsisiyasat (Surveying) Kailangang tukuyin agad ng mambabasa ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais pag-aralan at mga bahaging may kinalaman sa pokus ng pinag-aaralan. HALIMBAWA: Pumili ako ng limang libro at tatlong akademikong artikulo na tumatalakay sa epekto ng social media sa mental health ng mga kabataan. Sinuri ko ang bawat isa upang malaman kung alin sa mga ito ang pinakamahalaga at pinakamakakatulong sa aking pananaliksik. Antas Sintopikal 2. Asimilasyon - Tinutukoy ng mambabasa ang uri ng wika at mahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan. Ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa o ang paglalapat ng natutunan sa kanilang tunay na buhay. HALIMBAWA: Matapos basahin ang mga napiling teksto, inorganisa ko ang mga pangunahing argumento ng bawat isa, tulad ng positibong epekto ng social media sa pagkakaroon ng support groups at ang negatibong epekto nito sa anxiety at depression. Antas Sintopikal 3. Mga Tanong - Tinutukoy ng mambabasa ang mga katanungang nais niyang sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda. Halimbawa: Paano ipinapakita ng iba't ibang may-akda ang ugnayan ng social media at mental health? Ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang mga argumento? Ano ang mga aspeto na hindi nila nabigyan ng sapat na pansin? Antas Sintopikal 4. Isyu - Lumilitaw ang isyu kung ang tanong na nabuo ng mambabasa sa isang paksa ay kapaki-pakinabang at makabuluhan. Halimbawa: Napatunayan kong may dalawang pangunahing isyu sa paksa: ang papel ng social media sa pag-trigger ng anxiety at depression, at ang potensyal ng social media na maging intrumento para sa mental health awareness at support. Antas Sintopikal 5. Kumbersasyon - Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga eksperto, kabilang na ang sarili. Sa kumbersasyon, nag-aambag ang mambabasa ng bagong kaalaman. Halimbawa: Sa aking pagsusuri, nakita kong may pagkakapareho ang mga may-akda sa pagsasabing may negatibong epekto ang social media… BILANG ISANG ATENISTANG MAG-AARAL, BAKIT MAHALAGANG MAKAMIT NG ISANG MAG-AARAL ANG SINTOPIKAL NA ANTAS NG PAGBASA? Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang, Naiisa-isa ang mga bagong konseptong natutuhan sa pagsasatinig ng kasalukuyang pag-aaral; Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig; at Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.