Summary

Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag ng apat na antas ng pagbasa ayon kay Mortimer Adler at Charles van Doren. Sinusuri nito ang antas na primarya, inspeksiyon, analitikal at sintopikal na pagbasa. Ang bawat antas ay may sariling katangian at layunin.

Full Transcript

Antas ng Pagbasa Ang apat na antas ng pagbasa ay tinukoy nila Mortimer Adler at Charles van doren sa kanilang aklat na how to read a book: the classic guide to intelligence reading. Ang antas ng pagbasa ay binubuo ng apat na antas: ANTAS PRIMARYA, ANTAS INSPEKSIYONAL, ANTAS ANALITIKAL, at ANTAS SINT...

Antas ng Pagbasa Ang apat na antas ng pagbasa ay tinukoy nila Mortimer Adler at Charles van doren sa kanilang aklat na how to read a book: the classic guide to intelligence reading. Ang antas ng pagbasa ay binubuo ng apat na antas: ANTAS PRIMARYA, ANTAS INSPEKSIYONAL, ANTAS ANALITIKAL, at ANTAS SINTOPIKAL. ANTAS PRIMARYA (elementarya) - Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa o panimulang pagbasa. - Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon. - Maaaring gamitin ang scanning sa antas na ito. Halimbawa: pagtukoy ng oras, petsa, lugar,at tauhan. ANTAS INSPEKSIYONAL - Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakakapagbigay na siya ng hinuha o impresyon dito. - Mabilisan ngunit makabuluhang panauhang rebyu sa isang teksto upang matukoy kung kinakailangan niya ito o kung maaari itong basahin ng malaliman. Paimbabaw ang pagbasang ito sapagkat halos panlabas ng bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan - Maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito. - Kinukuha mo dito yung pinakamahalagang impormasyon. - ANTAS ANALITIKAL - Tinatawag ding mapanuring pagbasa - Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. - Hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pagbibigay ng interpretasyon. - Bahagi ng antas na ito ang: Pagtatasa sa katumpakan Kaangkupan Katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto Upang makamit ito, kailangang: Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang linaw ng may-akda Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may-akda tungo sa pag unawa sa buong teksto Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may akda Alamin ang argumento ng may akda Tukuyin sa bandang huli kung nasulusyunan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng teksto Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang,nagkamali o naging ilohikal ang pagpapaliwanag ng may-akda. ANTAS SINTOPIKAL Ang salitang syntopikal ay binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon na inimbento at ginamit niya sa aklat na A Syntopicon: index to great ideas(1952) na nangangahulugang “koleksiyon ng mga paksa”. Tumutukoy ito sa isang uri ng pagsusuri na kinapalooban ng paghahambing sa ibat ibang teksto at akda na kadalasang magkaugnay. Ano ang kaibahan ng analitikal at sintopikal na antas ng pagbasa? Sintopikal na antas ng pagbasa - Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa. Analitikal na antas - Mula sa analitikal na pagbasa ng limang aklat ay maaari kang maging eksperto sa isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang sinasabi ng manunulat. Limang hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa 1. pagsisiyasat

Use Quizgecko on...
Browser
Browser