Pag-aaral ng Wikang Filipino: lingguwistika at kasaysayan
Document Details
Uploaded by MatureAnaphora
Tarlac State University
Tags
Related
- Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF
- "METAMORPOSIS" (TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Panitikan ng Pilipinas PDF
- ARP 101_Aralin IV. Ang Kultura (Mga Teorya at Konsepto Hinggil sa Kulturang Pilipino) PDF
- Pilipino Quiz 2Q PDF
Summary
Ang dokumento ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino, at Filipino. Tinalakay rin ang kaugnayan ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng buhay, partikular na sa edukasyon. Isinaad din dito ang kasaysayan ng wikang Filipino.
Full Transcript
**WEEK 7** **PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO** May kaibahan o pagkakaiba ang Tagalog, Pilipino at Filipino ayon sa pagtalakay ni Almario (2017) sa ikalawang edisyon ng \"Aklat ng Bayan\". Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Una itong nalimbag, pati ang k...
**WEEK 7** **PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO** May kaibahan o pagkakaiba ang Tagalog, Pilipino at Filipino ayon sa pagtalakay ni Almario (2017) sa ikalawang edisyon ng \"Aklat ng Bayan\". Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Una itong nalimbag, pati ang katutubong paraan nito ng pagsulat, sa Doctrina Christiana (1953) at kaya halos kasinghaba ng kasaysayan nito ang limbag na kasaysayan ng Pilipinas. Nagdaan na ito sa dalawang malaking yugto ng pormalisasyon at kasalukuyang dumaranas ng ikatlong malaking reporma. Ang kasaysayang ito ang dapat isaalang-alang upang ganap at wastong masiyasat ang nangyari at nangyayaring transpormasyon ng wikang Pambansa (Almario, 2017. p.5 1st part). Makabuluhan din ang ganitong salaysay upang maipagpatuloy ang dapat linguning aral at tuntunin sa pagsusuri ng ating wika. Malaki ang posibilidad na hindi ito naisasaalang-alang ng mga pasimuno ngayon ng pag-eksperimento sa ispeling at reporma sa gramatika (Almario,2017, p.5 2nd par). Dumating ang ikalawang yugto ng repormang pangwika noong Panahon ng Amerikano. Ngunit inumpisahan ito ni Rizal habang nagsasalin mulang Aleman tungong Tagalog at lalo na sa kaniyang Estudios Sobre de Lengua Tagala (nalathala noong 1889). Si Rizal halimbawa ang nagpanukala sa paggamit ng letrang K para sa tunog /k/ at ng letrang W para sa tunog na /w/ bilang pagkinis sa pagbaybay na pinalaganap ng mga misyonero. Sinundan nina Bonifacio at Jacinto ang panukala ni Rizal (Almario, 2017, pp.8-9). Sa panahon ng Amerikano, ang nabanggit na mungkahi ni Rizal ay naging hudyat tungo sa simplipikasyon ng pagbaybay katulad ng pinalaganap na abakada sa Balarila (1940) ni Lope K. Santos. Tinanggap ng abakada ang limang patinig, gaya ng panukala ni Rizal, at ang 15 katinig sang-ayon sa mga tunog sa wikang Tagalog. Sa paglilinis ng baybay, naalis ang letrang C, Q, Ñ na ginagamit na noon kahit sa pagbaybay ng mga salitang katutubo (cauit, quinita, cañao). Natupad ang panukala ni Rizal na ipasok ang K at W. Kinilala naman ang identidad ng NG, na isinulat bilang G na may kilay sa mga dokumento noong panahon ng Español, isang gawaing hindi pinakialamang baguhin ni Rizal (Almario,2017, p.9 1st part). Sa panahong ito tahasang itinadhana ng batas ang paggamit ng isang wikang pambansa. Sang-ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935):"ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika " **PAGKAKAIBA NG PILIPINO SA TAGALOG** Ang wikang pambansa ng Pilipinas, na tinatawag na Pilipino ay nagmula sa wikang Tagalog. Sa tiyakang pagbanggit, nalinang ito mula sa isang diyalekto ng Tagalog, ang diyalektong Tagalog-Maynila. Mula sa Maynila, lumaganap ito gaya ng patuloy nitong paglaganap sa pulo ng Luzon at sa iba pang mga pulo sa Pilipinas. Ito ang wikang nangibabaw hindi lamang sa Maynila at mga karatig-pook kundi maging sa mga siyudad na gaya ng Davao, Cotabato, at General Santos. Sa mga pook na hindi ito ang nangingibabaw o katutubong wika, ginagamit ito bilang lingua franca, sa mga siyudad na gaya ng Baguio, Naga, at Iloilo. Ang Pilipino (sa ngayon), sa pagiging wikang pang-ugnay na ginagamit sa iba\'t ibang rehiyon (interrogated language), ang pinakamabisang nag-uugnay sa mga pulo at sa iba\'t ibang pangkat ng wika sa Pilipinas (Ernesto Constantino, p.10 1st par, Labor, Aklat ng Bayan 2016). Ang tagumpay ng Pilipino bilang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas ay nakasalalay sa dalawang mahalagang bagay, \- ang una ay may kinalaman sa pagtanggap ng mamamayan sa Pilipino bilang wikang pambansa; ang ibig sabihin nito ay ang pag-alis sa paniniwalang ito ay nananatili pang isang wika ng rehiyon o ito ang wikang Tagalog. - Sumasaklaw naman ng ikalawa ang pagpapatatag ng wikang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng estandardisasyon (Ernesto Constantino, p.10 4th par, Labor, Aklat ng Bayan 2016). **PILIPINO BILANG WIKANG PANTURO** Ayon kay Ernesto Constantino (p.12, Labor, 2016), ang unang pormal na pagsubok sa pagtuturo ng mga kurso (malibari sa mga kursong Pilipino) sa Unibersidad ng Pilipinas ay noong 1968-1969 nang sinimulang gamitin ang wikang ito bilang wikang panturo ng ilang propesor sa Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad. Ang interes na nilikha at pagtangkilik na tinanggap ng eksperimentong ito sa mga propesor at mag-aaral ay nagbunga ng pagpapatibay noong 1969 sa patakaran na lantarang nagpahintulot na gamitin ang Pilipino bilang wikang panturo sa Unibersidad (1st part, p.12, Labor, 2016). Sa kasalukuyan, ang Pilipino\'y ginagamit bilang wikang panturo sa lahat ng mga departamento ng Kolehiyo ng Sining at Agham ng Unibersidad ng Pilipinas (gayundin sa ibang sangay na akademiko ng unibersidad). \...ginaganyak ang mga mag-aaral na gamitin ang Pilipino sa anumang oras at sa anumang bagay, halimbawa at sa pagsagot sa klase at sa pagsulat ng kanilang pagsusulit, sulating-pananaliksik (Ernesto Constantino, p.12, 2nd part, Labor, Aklat ng Bayan 2016). Naging batayan nang madalian at walang atubiling pagpapatibay ng isang bagong pambansa o kontitusyonal na patakaran sa edukasyon na may mga probisyong nakasaad ang malawakang paggamit ng UP sa Pilipino bilang wikang panturo sa halos lahat ng mga kolehiyo at departamento nito. **WIKANG FILIPINO** Malalim ang naging batik ng akusasyong purismo noong dekada 60 laban sa Wikang Pambansa na tinawag na Pilipino. Ang pangalan mismo ay patunay na Tagalog pa rin ito. Bakit? Dahil ang \"Pilipino\" ay nakabatay sa naging bigkas at baybay sa \"Pilipinas\" alinsunod sa abakadang Tagalog na may 20 titik. Walang titik F ang abakada dahil walang tunog na F sa Tagalog. Ang pagtawag na \"Filipino\" sa Wikang Pambansa ng 1987 Konstitusyon ay may mahihiwatigang bagong mithiin. Una, nais nitong ihiwalay ang Wikang Pambansa sa batik na Tagalog ng \"Pilipino.\" Ikalawa, nais nitong ipanukala ang saloobin na totoong payamanin at linangin ang Filipino bilang isang Wikang Pambansa sa pamamagitan ng mga katutubong wika ng bansa. Ang saloobing ito ay nakapahiwatig na sa 1935 Konstitusyon ngunit hindi dibdibang tinupad ng SWP sa pagbuo ng wikang Pilipino. Kaya kapag pinag-aralan kahit ang bokubularyo ng wikang Pilipino batay sa diksyonaryong Pilipino noong 1972 ni J.V. Panganiban, higit lamang umunlad ang Wikang Pambansa sa pamamagitan ng patuloy na paghiram sa Español at paghiram sa Ingles. Mabibilang sa daliri ang mga salita mula sa ibang katutubong wika (Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa ni Virgilio S. Almario, 2014, pp.46 - 48). Nitong 5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ay nagkasundo ang Kapulungan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino: **WEEK 10** **ANG PAGKAKAIBA-IBA NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **TAON** | **KAGANAPAN** | +===================================+===================================+ | **1935** | \- Isinulat ang 1935 Konstitusyon | | | na nagbabanggit ng pagkakaroon ng | | | wikang pambansa. | | | | | | \- Nakasaad sa Artikulo 14 | | | Seksiyon 3 na, "Ang Konggreso ay | | | gagawa ng mga hakbang tungo sa | | | pagpapaunlad at pagpapatibay ng | | | isang wikang pambansa na batay sa | | | isa sa mga umiiral na katutubong | | | wika.\"pinag-uusapan palang | | | (tagalog bikolano sebuano) nanalo | | | tagalog bakit kasi si quezon ay | | | nakatira sa manila at tagalog ang | | | gamit na wika. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1936** | \- Itinatag ni Pangulong Manuel | | | Quezon ang Surian upang mamuno sa | | | pag-aaral at pagpili sa wikang | | | pambansa. Tungkulin ng Surian na | | | magsagawa ng pananaliksik, gabay | | | at alituntunin na magiging | | | batayan sa pagpili ng wikang | | | pambansa ng Filipinas. | | | | | | \- Si Jaime de Veyra ang naging | | | tagapangulo ng komite na | | | nagsagawa ng pag-aaral, at napili | | | nito ang Tagalog bilang batayan | | | ng "Wikang Pambansa.\" Nagging | | | opisyan na tagalog | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1937** | Ipinalabas ni Pangulong Quezon | | | ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. | | | 134 na nag-aatas na Tagalog ang | | | batayan ng wikang gagamitin sa | | | pagbubuo ng wikang pambansa. | | | Dahil sa pagsusumikap ni | | | Pangulong Quezon na magkaroon | | | tayo ng wikang pagkakalilanlan, | | | hinirang siyang "Ama ng Wikang | | | Pambansa.\" | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1940** | \- Ipinalabas ni Pangulong Quezon | | | ang Kautusang Tagapaganap Blg. | | | 203 na nagpapahintulot sa | | | pagpapalimbag ng Talatinigang | | | Tagalog-Ingles at Balarila sa | | | Wikang Pambansa. | | | | | | \- Pinasimulan din nito ang | | | pagtuturo ng Wikang Pambansa sa | | | lahat ng mga paaralan sa buong | | | bansa. | | | | | | \- Binuo ni Lope K. Santos ang | | | Abakada, na may **20 titik:** a, | | | b, k, d, e, g, h, i, I, m, n, ng, | | | o, p, r, s, t, u, w, y. Ama ng | | | barilalang tagalog | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1946** | Naging opisyal na wika ang | | | Tagalog at ito ay sinimulang | | | gamiting wikang panturo mula sa | | | unang baitang sa elementarya | | | hanggang sekundarya. Ang Surian | | | ng Wikang Pambansa ay inatasang | | | pagyamanin, pagyabungin, at | | | magsagawa ng pamantayan ukol | | | dito. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1959** | Nagpalabas si Kagawaran ng | | | Edukasyon Kalihim Jose Romero ng | | | Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na | | | Pilipino ang opisyal na tawag sa | | | wikang pambansa. Pinatan at | | | ginawang Pilipino | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1971** | Pinagtibay ng Sanggunian ng | | | Surian ng Wikang Pambansa ang | | | pinayamang alpabeto, na binubuo | | | ng **31 letra**: a, b, c, ch, d, | | | e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, | | | ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, | | | v, w, x, y, z. Matapos ang | | | Repormang Ortograpiko, nabuo ang | | | sumusunod na Alpabetong Filipino, | | | na may **28 letra:** a, b, c, d, | | | e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, | | | ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, | | | y, z. Jimea de vera bakit 31 at | | | ginawang 28 Nadagdag ch ll rr | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1973** | Noong kapanahunan ng diktador na | | | si Pangulong Ferdinand Marcos, | | | nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon | | | 2 at 3 na "ang Batasang Pambansa | | | ay magsasagawa ng mga hakbang | | | tungo sa pagpapaunlad at pormal | | | na paggamit ng pambansang wikang | | | Pilipino. | | | | | | Hangga't hindi binabago ang | | | batas, ang Ingles at Pilipino ang | | | mananatiling mga wikang opisyal | | | ng Pilipinas.\" Samantala ang | | | Konstitusyon ng 1973 ay tumututol | | | sa Tagalog bilang basehan ng | | | wikang Filipino. Inatas sa | | | Batasang Pambansa na magsagawa ng | | | mga hakbang tungo sa paglinang at | | | pormal na adapsyon ng isang | | | pangkalahatang wikang pambansa. | | | Ingles at Pilipino na | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **1987** | Noong panahon naman ng | | | Rebolusyonaryong Gobyerno sa | | | ilalim ni Pangulong Corazon C. | | | Aquino muling binago ang | | | Konstitusyon kung saan nakasaad | | | sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: | | | "Ang wikang pambansa ng Pilipinas | | | ay Filipino. Samantalang | | | nililinang, ito ay dapat | | | payabungin at pagyamanin pa salig | | | sa umiiral na wika sa Pilipinas | | | at sa iba pang mga wika.\" Edsa | | | people power rebolusyon, Filipino | | | na ang Wikang Pambansa | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **2001** | Muling nagkaroon ng rebisyon sa | | | alpabetong Filipino. Itinaguyod | | | nito ang leksikal na pagpapayaman | | | ng Filipino sa pamamagitan ng | | | pagluluwag sa panghihiram ng | | | salita at pagsasalin, karamihan | | | mula sa Ingles at Kastila, gamit | | | ang walong karagdagang letra ng | | | alpabeto, ang mga letrang c, f, | | | j, ñ, q, v, x, z. Hiram sa | | | America maliban sa n ay hiram sa | | | espanya | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **2006** | Ang implementasyon ng 2001 | | | Revisyon ng Alfabeto at Patnubay | | | sa Ispeling ng Wikang Filipino ay | | | pansamantalang ipinatigil at | | | iminungkahing ang 1987 Alpabeto | | | at Patnubay sa Ispeling ng Wikang | | | Filipino ang gamiting sanggunian | | | sa pagtuturo at sa | | | korespondensiya opisyal sa bisa | | | ng Kautusang Pangkagawaran Blg. | | | 42, s. 2006. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | **2009** | Ang Komisyon ng Wikang Filipino | | | ay nagsagawa ng reporma sa | | | alpabeto at tuntunin sa | | | pagbabaybay. Tinawag itong Gabay | | | sa Ortograpiya ng Wikang Filipino | | | Ang SWF any nagging KWF. | | | Tagapagtaguyod Virgilio S. | | | Almario | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **WEEK 11** **PAG-AAMBAG** Ang ambagan ay pagpapalawak ng mga nauna nang pagsisikap na lubusin ang pagkalap ng mga salitang di-Tagalog para maging bahagi ng Wikang Filipino. Kapag ang mga salita ay nagmula sa Mindanao, Katimugang Luzon o sa Visayas, hindi iyon hiniram ng Filipino dahil sa atin nangmula iyon. Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang salitang pag-aamabag sa halip na panghihiram.- **Del Mundo, 2016; Almari, 2008** **SAWIKAAN** Dalawang bagay na natuklasan ni Eilene Antoinette G. Narvaez sa kanyang pag-aaral:**Una**, ang mga wikang pinagmumulan ng mga bagng pasok na salita sa korpus ng wikang Filipino. **Pangalawa**, ang mga diskuro at larang na pinag-ugatan ng mga bagong pasok na salita sa wikang pambansa. Una, ang mga wikang pinagmumulan ng mga bagng pasok na salita sa korpus ng wikang Filipino. Gaya ng inaasahan, marami sa mga bagong salita ay nakabatay sa wikang Ingles. Ngunit makikita sa mga salitang ingles na ito na ang nagaganap ay hindi lamang simpleng panghihitam kundi pag-aangkin dahil binabago na ng ga Filipino ang kahuugan ng mga salitang "selfie, lobat, at iba pa - **San Juan, et al., 2019; ferrer, N. &Reyes J.J. (2014)** Pangalawa, ang mga diskuro at larang na pinag-ugatan ng mga bagong pasok na salita sa wikang pambansa. Kabilang na mga karang ang teknolohiya, politika, kulturang popular, ekonomiya, halagahan, agham at gayspeak - **Zafra, 2014; Narvaez, 2015** Isang buhay na wika ang Filipino kaya hindi dapat ipagtaka ang anumang pagbabago nito sa tunog, ispeling, balangkas ng pangungusap, at iba pang aspektong panlingguwistika. Katunayan ito na umuunlad at yumayaman ang isang wika dahil ganoon din ang karanasan ng lipunan. - **Almario (2008)** **Mga pamamaraan na pinagdaanan ng wika:** 1. Panghihiram sa ibang wika 2. Paglikha ng bagong salita na panumbas sa bagong karanasan 3. Neolohismo o paglikha ng mga bagong salita 4. Paglikha ng bagong kahulugan sa mga luma ng salita 5. aberasyon **KODIPIKASYON, MODIPIKASYON, INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO** Kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang bilis ng pagbabago ng wika. Walang tigil ang pagbabago sa wika dahil walang tigil ang pagbabago ng kinalalagyan at kinikilusan ng taong gumagamit nito. Dahil may talino at galling na humanap ng paraan ang tao, naibabagay niya ang kanyang wika sa pagbabago sa kanyang kapaligiran at pangangailangan. **PAGLILIPAT O PANGHIHIRAM NG WIKA** Tuloy-tuloy at di mapipigilan ang pagbabagong nangyayari sa buhay ng tao dala ng pagtanda, pagbabago ng kapaligiran at karanasan, modernisasyon at pagsulong ng teknolohiya at iba pang impluwensiya na may kaugnayan sa mga ito. Ang paglilipat o panghihiram ay karanian nang ginagamit sa ating bansa sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Nangyayari ang ganito sa halos lahat ng wika upang maging mas maayos ang pakikisalamauha o ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapuwa. Ang wika ay katulad ng puno na nalalagasan ng dahoon subalit ito ay napapalitan ng bago. Ito ay isang katangian ng wika na nagpapakita ng pagyabong o pag-unlad nito. Sa ating wika, marami ang naalis na salita ngunit ito naman ay napalitan. Mga salita na sa pagdaan ng panahon ay nalagas sapakat hindi na ganoong nagagamit. Ilan sa mga halimbawa nito ay nalagas sapagkat hindi ganoong nagagamit. May mga salita ring naidagdag sapagkat ito ay mga bagong katawagan na kailangan hiramin upang matugunan ang mga bagong pangangalangan ng wika nang makasabay sa globalisasyon. Sa panahon ng social media ay makikita ang malaking pagbabago sa ating wika. Mapapansin natin na ang mga salita ay unti-unting nagbabago ng baybay, gamait at pati na rin ang kahulugan. Dahil dito ay naglabasan ang mga jejemon, jejenese na kung minsan ay tinatawag ding socmed language. Sa mga pagkakataong ganito ay pumapasok ang tinatawag na panghihiram o paglilipat ng wika. Ito ay ang paggamit ng mga salita na galling sa ibang wika upang maihayag o mabigyan ng katumbas na sagisag ang isang bagay o gawain sa wikang ginagamit ng nagsasalita. Karaniwan na itong nangyayari sa anumang wika sa buong mundo. Katangiang nagpapakita na buhay ang isang wika. **(Paz, et al.,2003).** Sa isang pag-aaral ay pinatunayan na ang ating wika ay may mataas na abilidad na makasabay sa mga salita ng ibang wika. Ito rin ay isa sa mga wikang malawak o laganap ang panghihiram sa ibang wika, isinasaad dito na ang wikang Filipino ay napakayaman sa mga salitang-hiram na nagpapakita ng pag-unlad, buhay na buhay at pagiging handa nito sa pagbabago **(Baklanova, 2005)** Sa lingguwistika, ito ay tinatawag na iterdialectal borrowing. Ito ang panghihiram ng mga salita upang mabigyan ng katumbas na salita ang isang bagay o gawain. Katulad na lang ng salita la mesa mula sa Kastila, hiniram ng mga Tagalog at ginawang lamesa, hiniram naman ng Ilokano na ginawang lamisaan na ipinakilala naman sa mga Ifugao at tinawag na lamihaan. Napakahalaga nito sapagkat hindi uunlad ang isang wika kapag hindi ito manghihiram ng mga panumbas na salita sa mga bagay na bago sa isang komunidad. **(Santiago,2004)** Sa iba, ang tawag nila sa mga saliang hiniram o inilipat sa isang wika ay loan words. Ito ang mga salitang kinuha ng isang tao mula sa isang wika para magamit niya sa kaniyang wika. Sa ganitong paraan ay walang malinaw na proseso ng pagpapahiram at panghihiram. Kusa na lang na ang salita ay ginagamit o hinihiram ng isang komunidad na gumagamit ng ibang wika **(Kemmer, 2019)** Subalit ang paglilipat o panghihihram ng wika ay hindi lang sa makabagong panahon nangyayari sapagkat ito ay nangyayari na noon pang unang panahon bago dumating ang mga Kastila. Patunay dito ang mga salitang agama (agham). Vamsa (bansa), gandha (ganda), guru (guro) at iba pa na hiniram natin sa Sanskrit. Ang pagbilang natin sa isa, dalawa, tatlo ay galling sa mga Malay kasama na rn ang mga salitang belenggu (bilanggo), bongsu (bunso), kelembu (kulambo) at iba pa. Mula naman sa mga Persiano ang mga salita araq (alak), salamah (salamat), sarwaal (salawal) at iba pa. **Language Enculturation** kapag mas marami ang gumagamit ng wika ng sinalihan mo akysa sa wika mo kaya nagpasakokp ka sa kultura at wika ng komunidad na ito. **Language Acculturation** naman kapag ang isa na mas maakas o mas dominante ay nanakop sa grupong mas mahina at ipinakilala ang kanilang kultura at wika **Compounding** ang tawag sa dalawa o higit pang agkaibang salita na galling sa magkaibang wika at pinagsama upang makabuo ng isa pang salita. **Affixation** naman ang tawag kapag ang panlapi na ginagamit ng isang wika ay ginamit sa isa pang wika upang bumuo ng salita. **Language corruption** ay ang pagkuha ng mga salita mula sa ibang wika na nagbabago ang baybay, bigkas at pati na rinang kahulugan nito kapag ginamit sa ibang wika **(Grono, 008)** **Language bastandization** kapag ang kagandahan o kalidad ng isang salita ay hindi nagamt nang tama dahil sa ating panghihiram. **Siyokoy** ito ay ang mga salitang pinaniniwalaan natin na tama o mayroon ngunit mali o wala. **Language change** ito ay permanenteng pagbabagong nagagaap sa mga tunog at baybay ng mga salita ng isang wika. **Language change** sa panahon ngayon ay nagdadala ng problema. Ito ay kadalasang nagpapakita ng kahirapan, kahinaan at kakulangan sa pakikipagtalastasan. **WEEK 12** **LANGUAGE TABOO** Tinaguriang sexiest Accent of Asia ang wikang Filipino batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng Big 7 Travel, isang travel site sa internet na nagpapakita ng mga nangungunang destinasyon o pasyalan sa asia at buong mundo. Sa kanila ring pag-aaral noong 2019 ay naipakita na nasa ika-21 puwesto ang wikang Filipino sa buong mundo Sa pag-aaral naman ng wprldatlas.com noong 2020, nasa ika-11 puwesto bilang isa sa Major Language Spoken in asia ang wikang Filipino. Ito ay pumapangalawa sa Indonesian dito sa SouthEast Asia **(Kiprop, 2020).** Sa mga wikang Malayo-Polinesyo, ang mga wika ng Indonesia at mga wika ng Pilipinas na tulad ng Tagalog, Cebuano, Hiligaynon at iba pa ay mas konserbatib kaysa sa ibang Proto Malayo-Polinesyong wika. Ipinapakita nito na ang ating wika ay isa sa mga konserbatibong wika ng Southeast Asia **(Collins, 2014)** **Taboo** -- ito ay pagbabawal o paghihigpit sa mga kaugalian o paniniwala, sa madaling salita, ito ay mga gawaing bawal o hindi akma sa paningin ng nakararami. **Language taboo, linguistic taboo o taboo language** -- ito ay mga salita, parirala o sugnay na itinuturing na hindi akma sa isang salitaan o pag-uusap, ito ay mga salitang ipinagbabawal na gamitn lalo na kung ang mga kausap at nakakausap ay nakatatanda, mas bata, may katungkulan o kahit maging sinuman. Ang taboo language ay may tatlong kategorya; una ay ang salitang may kaugnay sa pagtatalik; pangala, salitang may kaugnayan o salitang kontra sa relihiyon; at ang pangatlo ay mga salitang gumagamit ng hayop o bahagi ng hayop o bahagi ng hayop para tawagin ang isang tao. **(Nordquist, 2018)** **Dahilan na nagtutulak sa isang tao upang gamitin ang mga salitang bawal o language taboo. Una**, bilang tao na may emosyon ay may damdaming maghayag ng kaniyang nararamdaman. **Pangalawa**, ang tai ay nag-aakis ng pagkabagot, pagkapagod o pagkainis sa pmamamgitan ng pagbulalas sa mga ito. **Pangatlo**, pagpapakita ng pagpapakilanlan. Ang lahat ng ito ay inihahayag, inilalabas at ipinapakita sa pamamagitan ng pagsasalita. **Gamit ng taboo language** - Una ay humor - Pangalawa ay catharsis - Pangatlo ay show power **Una ay humor** sa taboo language ginagamit ito para sa mga pagkakataong ganito, lalo na ang mga usapin sa pakikipagtalik, pangungutya at pati na rin kung minsan ay relihiyon**Pangalawa catharsos** ito ay ginagamit upang ilabas ang ating narararamdaman nang laibsan ang sakit o bigat nito sa ating dibdib.**Pangatlo ay show power** ito ay katulad din ng dahilan ng paggamit ng language taboo na pagpapakita ng pagkakakilanlan. **WEEK 13** **DIVERGENCE AT CONVERGENCE** Wika, instrumenting ginagamit ng mga tao sa lipunan, nagsisilbi itong simbolo ng pagkakaisa na nagbubuklod sa mga tao, ito ay napakahalagang sangkap ng lipunan. Napakalaki ang ugnayan ng wika sa ating lipunan, bawat pagbabago at pag-unlad ay nakakaimpluwensya, nakahuhubog at nakakaapekto sa mga tao. Ang teorya na kinapapalooban ng convergence at divergence ay binubuo ni Howard Giles, isang propesor na nagtuturo ng komunikasyon sa Unibbersidad ng California noong 1971 Ang teorya ay isang paunang teorya sa pagsulong at pagsasaayos ng pagsasalita na ang kaligiran ay tungkol sa mga sikolohikal na konsepto sa dinamikong pagsasalita. Ang akomodasyon ng komunikasyon ay nauugnaysa sikolohiya ng lipunan. Ang teorya ay kilala bilang Speech Accomodation Theory hangga sa napabilang na rin ang di-berbal na aspekto ng komunikasyon pagkatapos ay naging tanyag sa teoryang Akomodasyo sa Komunikasyon. **WEEK 14** **INTELEKTUWALISASYON AT ESTANDARDISASYON NG WIKA** Ang Wika ay dinamiko kaya ito\'y nagbabago. Ang pagbabago ng wika ay nabibigyang-tuon dahil sa pagpasok ng panahon ng impormasyon, isang pandaigdigang phenomenon kaakibat ng globalisasyon **(Gervacio, 2001:32)** Ayon nga kay **Constantino (1996),** \"Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangang ito.\" Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika, nagagawa ng tao na matugunan ang kaniyang mga pangangailangan maging ito man ay pansosyal o pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kaniyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at planado. Planado ang wika sa paraang ito ay dumadaan sa proseso ng estandardisasyon para maging isang wikang intelektuwal. Sa araling ito ay isa-isahin natin ang proseso na pinagdadaanan ng isang wika bago ito matawag na wikang intelektuwalisado at estandardisado na gagamitin bilang wika ng karunungan at iskolarling talakayan. **INTELEKTUWALISASYON**Ito ay isang aspekto sa pag-unlad ng wika, kung susundin sina **Ferguson (1969) at Hun (1968),** ang pag-unlad ng wika ay karaniwang nagsisimula sa pagpili ng wang wikang pambansa. Kung ang layunin ay monolingguwal; kapag napili na, pinalalaganap ito at habang dumarami ang nasusulat sa wikang ito, dumadaan ito sa proseso ng estandardisasyon na ang mga anyo at estruktura, humigit-kumulang, ay nagiging pare-pareho sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga tagapagsalita nito o kaya\'y sa pagpapatibay dito ng isang ahensiya ng wika. Ayon kay **Sibuyan (1998),** ang intelektuwalisadong Filipino ay may pokus sa mga lawak na kumukontrol sa wika, mga lawak na ayon sa kaniya ay nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga taong gumagamit. Malahaga din sa intelektuwalisasyon ng wika ay pagsusulat at paglilimbag ng mga kagamitang panturo at mga aklat sa pagkatuto o ang \"idyoma pedagohikal. Ayon kina **Einar Haugen (1972) at Charles Ferguson (1971),** para malinang ang isang wika at maging intelektuwalisado ay dadaan ito sa proseso ng;**1. Kodipikasyon** - Ito ang proseso, kung saan kinakailangang magkaisa ang lahat ng gumagamit sa partikular na wika na pumili ng wika at sistema ng pagsulat na gagamitin.**2. Estandardisasyon** - Sa prosesong ito, kinakailangang may unipormidad sa wika na gagamitin. Nakatuon sa kung paano ang paggamit ng tamang palabaybayan at pagbibigay pakahulugan sa mga salita.**3. Diseminasyon** - Sa proseso namang ito, kinakailangang ipalaganap ang wika sa pamamagitan ng pagpapagamit sa mga ahensiya ng pamahalaan at ibang larang.**4. Elaborasyon** - Ito ang panghuling proseso, dito kinakailangan ang pagpapayabong ng wika sa tulong ng pananaliksik sa mga iba pang wika na maging sangkap sa pagyabong ng wika lalo na ang wikang Filipino. May apat na katangian din na dapat taglayin ng isang wika para ito ay maging intelektuwalisado.** 1. Aktibo** - Isang katangian na dapat taglayin ng isang wika, dapat marami at malawak ang gumagamit nito sa anyong pasulat at pasalita.**2. Estandardisado** - Isa rin ito sa dapat na taglayin ng isang wika upang matawag na wikang intelektuwal. Ibig sabihin, walang anumang kalituhan na may kaugnayan sa tamang palabaybayan, karaniwang nako-codify sa pamamagitan ng mga gramar (sa iba\'t ibang gamit; lalo na sa pedagohikal na gamit) at mga diksiyonaryo at sanggunian. **3. Naisasalin** - Taglay din dapat ng isang wika ang kakayahang maisalin sa iba pang wikang intelektuwalisado.**4. Gamit sa ibang Larang** - Taglay din dapat ng isang intelektuwalisadong wika ans gharang gay anggap sa ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit sa iba\'t bang gaya ng matemakita at medisina. **Narito ang ilang hakbang na dapat maisagawa para maging intelektuwalisado ang Wikang Filipino.** 1. Paglalathala ng mga korespondensiya, sirkular, memo ng pamamahala sa Wikang Filipino.2. Pagdaragdagang bilang ng aytem o tanong sa Filipino sa mga pagsusulit sa Serbisyong Sibil at PRC3. Pagtuturo, riserts, at pagsulat sa larangan ng edukasyon.4. Paglalathala ng mga pananaliksik at mga publikasyon sa gradwado o higit na mataas na edukasyon.5. Pagtuturo, o pagsusulat ng mga publikasyon o mga definitive text sa batas at medisina. 6. Pagbuo ng idyomang pedogohikal sa batayang edukasyon.7. Pagsulat ng mga panukala o ipinasang batas sa Wikang Filipino sa kongreso, sa senado, o sa official gazette. 8. Pagsulat ng mga desisyon sa korte sa Wikang Filipino.9. Paglilimbag ng mga instruksiyon, memo o liham ng mga negosyo o korporasyon sa Pilipinas sa Wikang Filipino.10. Paglalakip ng mga seksiyong Filipino sa pahayagan11. Pagkakaroon ng mga sayantifik, teknikal o popular na version ng mga limbag sa industriyang pampublikasyon.**ESTANDARDISASYON** Ayon kay **Haugen (1966)** ang estandardisasyon ng wika ay isang proseso, isang prosesong tuloy-tuloy dahil ang anumang wika ay sumasailalim ng estandardisasyon. Ito rin ay nakatuon sa unipormidad na sistema sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa na ginagamit sa pagsusulat. Nangangailangan din ng unipormidad o pagkakapareho o tinatawag na kodipikasyon sa yugto ng pag-unlad at estandardisasyon ng wika. Kinakailangan ito upang mapaunlad ang pamantayan sa iba\'t ibang lingguwistikong komponent na may unipormidad sa pagbigkas, bokabularyo at panggramatikang estruktura ng wika. Naglalayon ito na tangapin at gamitin ng nakararami ang tiyak na talaan ng mga talasalitaan o bokabularyo. Naglalayon ito na maiwasan ang kalituhan sa paggamit ng mga salita. **Narito ang Kahalagahan ng Estandardisasyon** 1. Maiiwasan ang kaguluhan at kalituhan sa paggamit ng mga salita o katawagan sa iba\'t ibang larang. 2. Sa pamamagitan ng estandardisasyon, ang Filipino ay higit na uunlad at maitataas ang antas bilang wika. **Dalawang Aspekto ng Estandardisasyon** 1. Ortograpiya ng Filipino - ito ay tumutukoy sa estandardisasyon ng mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito, kapag sumusulat sa wikang pambansa.2. Talasalitaan ng Filipino - dapat isaalang-alang ang unipormidad sa mga kahulugan ng salita na pagbabatayan sa patakarang pagsasaligan kahulugan sa estandardisasyon. **WEEK 15** **KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO** Malaki ang papel na ginagampanan ng kasaysayan ng wikang Filipino upang lubos nating maunawaannang proseso at mga pinagdadaanan ng isang wika bago ito maging isang wikan estandardisasyon. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Saligan ng Batas ng Biak na Bato | Ang Wikang Tagalog ang naging | | 1896 | opisyal na wika ng bansa | +===================================+===================================+ | Philippines Commission, Batas 74 | Ingles ang naging opisyal na | | ng 1907 | wikang pambansa; ito rin ang | | | midyum na ginamit sa mga paaralan | | | sa lahat ng antas | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Paggamit ng Bernakular na wika sa | Iminungkahi na gamitin ang | | Pagtuturo 1931 | katutubong wika ng iba't ibang | | | lugar sa pagtuturo sa primaryang | | | antas. Iminungkahi ito ni George | | | C. Butte, at Kalihim ng | | | Pampublikong Edukasyon, 1930 | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Saligang Batas. Art. XIV, Sek. 3 | Ang konggreso ay gagawa ng mga | | ng 1935 | hakbang tungo sa pagpapaunlad at | | | pagpapatibay ng isang wikang | | | pambansa na batay sa isa sa mga | | | umiiraal na katutubong wika. | | | Hanggat walang itinakda, | | | mananatiling opisyal na wika ang | | | Ingles at Kastila | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Batas Commonwealth 184 ng 1936 | Surian ng Wikang Pambansa na | | | naatasang mag-aral at pumili ng | | | isang katutubong wika na magiging | | | batayan ng wikang pambansa. | | | | | | Ang pagpili ng isang pambansang | | | wika ay ibinatay sa "pakaunlad ng | | | estruktura, mekanismo at | | | panitikan na pawang natanggap at | | | ginagamit ng malaking bilang ng | | | mga Filipino". | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 | | ng 1937 | ni Pangulong Manuel L. Quezon, | | | ang wikang Pambansa ay ibabatay | | | sa Tagalog. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Batas Commonwealth Blg. 570 ng | Simula 7 Hunyo 1940, nagproklama | | 1940 | na ang wikang pambansa at | | | tatawaging Wikang Pambansang | | | Pilipino na nakabatay sa Tagalog | | | bilang opisyal na wika. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Proklamasyon Blg. 12 ng 1954 | Iniutod ni Psngulong Ramon | | | Magsaysay ang taunang pagdiriwang | | | ng Linggo ng Wikang Pambansa mula | | | 29 Marso hanggang 4 Abril ng | | | bawat taon. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kautusang Pangkagawaran Blg 7 ng | Tinawag na Pilipino ang Wikang | | 1959 | Pambansa nang lagdaan ni Jose B. | | | Romero, kalihim ng Edukasyon ang | | | Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ng | | | 1959. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Artikulo XV, Seksyon 3 1973 | Nilikha ng Pambansang Lupon ng | | | Edukasyon ang resolusyong | | | nagsasaad na gagamiting midyum ng | | | pagtuturo ang Wikang Filipino | | | mula sa antas ng elementarya | | | hanggang tersyarya sa lahat ng | | | paaralang pambayan o pribado at | | | pagsisimula sa taong panuruang | | | 1974-1975. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 | Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel | | ng 1974 | ng Kagawaran ng Edukasyon at | | | Kultura ang kautusang ito para sa | | | pagpapatupad ng edukasyon | | | bilingguwal sa lahat ng kolehiyo | | | at pamantasan. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 | Paggamit ng katagang "Filipino" | | ng 1978 | sa pagtukoy sa wikang Pambansa ng | | | Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim | | | Lourdes Quisumbing. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Saligang Batas, Art. XIV, Sek. 6 | Ang wikang pambansa ng Pilipinas | | ng 1987 | ay Filipino. Samantalang | | | nililinan, ito ay dapat | | | payabungin at pagyamanin pa salig | | | sa umiiral na wika sa Pilipinas | | | at sa ia pang mga katutubong | | | wika. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ Sa kasalukuyan, batid nating lahat na ang ating wikag Pambansa ay umuusad pa lamang patungo sa pagiging ganap na intelektwalisado at estandardisado. Umaagapay tayo sa paraang itaguyod ito sa pagyabong ng ating edukasyon at gamitin sa iba pang larangan. **BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA: TEORYA AT PRAKTIKA** Nakabatay ang pagkakaroon ng barayti at baryasyon ng wika sa paniniwala ng lingguwista mh pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika **(Sausurre,1916)** at "hindi kailanman nagkakatulad o unipormidad ng anumang wika", ayon sa Bloomfield. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain at tungkulin ng tao na nagreresuulta sa pagkakaiba-iba ng kultra at wika ma siyang nagiging panukat sa progreso ng tao **(Roussean, 1950).** Nagbunga ang mga pagkakaibang ito ng / sa wika ng iba't ibang pagtingin, pananaw at aktitud dito kaugnay ng di-pagkakapantay-pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon **(Constantino, 2000)** **BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA** Ang barayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa particular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal na makatutulong sa pagkilala sa isang particular na baryasyon o barayti ng wika. Nagbigay si Catford ng dalawang uri ng barayti ng wika. **Una** ay permanente para sa tagapagsalita / tagabasa at ang **ikalawa** ay pansamanatala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga barayting permanente ang diyalekto at idyolek. Batay sa diyalekto sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Ayon kay **Catford**, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. Ang pansamantalang barayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na ginagamit ang wika. Ksama rito ang register, mode at estilo. Ang **register** ay barayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Ang **estilo** ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang **mode** at ang barayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. **Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang baryasyon ng wika sa pamamagitan ng:** a. Mga taong bumubuo rito b. Pakikipagkomunikasyon ng tao c. Interaksiyon ng mga tao d. Sa mga katangian ng pananalita ng mga tao e. Sosyal na katangian ng mga tao. **MGA TEORYA AT PANANAW SA BARAYTI NG WIKA** Ayon kay William, 1992 Ang pagkakaroon ng mgs uri o barayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dapat nagsimula ang mga pag-aaral sa barayti ng wika na naging bahagi ng larangang sosyolingguwistika. At sa pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto ng wika. **A. SOSYOKINGGUWISTIKONG TEORYA**Ayon sa teoryang ito, ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito, ang mga relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala nito Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at magkaugnay na serye, ang signifier (language) na isang kabuoang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole). Kaugnay sa teoryang ito ay ang idea ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, diyalekto, at sosyolek. Nangunguna sa mga teoryang ito ang sosyolingguwistikong teorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at pang-indibidwal ang speech (langue). Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na hindi matutupad ang mga relasyong sosyal kung wala ito. Para naman kay Saussure (1915), hindi kumpleto ang wika sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. **Gayundin makikita ang paghahalo ng mga barayti ng wika, diyalekto at register sa dalawang paraan:**1. code switching o palit koda at2. panghihiram Sa palit koda ay gumagamit ang isang nagsasalita ng iba\'t ibang barayti ayon sa sitwasyon o okasyon. \"O, how sungit naman our teacher in Filipino.\" \"Hoy, na-gets mo ba sabi ko sa text ko?\" \"It\'s so hard naman to make pila-pila here.\" Ito ang tinatawag na conversational code-switching kung saan ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang barayti o code sa iisang pangungusap. Dito naghahalo ang Ingles at Filipino. Mayroon ding palit-koda na sitwasyonal o depende ang pagbabago ng code sa pagbabago ng dinasyon na kinalalagyan ng tagapagsalita. Isang magandang halimbawa nito ang pagbabago ng code ng konduktor ng bus patungong Baguio mula sa pakikipag-usap niva sa mga pasahero na nagmula sa Metro Manila, Pampanga, Pangasinan, Tarlac at sa mga pasaherong galing llokos. Ginagamit niya ang mga wika ng taong galing sa lugar na sumakay sa bus. **B. TEORYANG AKOMODASYON**Tinatalakay sa teoryang ito ni **Howard Giles (1973),** ang linguistic convergence at linguistic divergence. Ang mga ito\'y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Sa linguistic convergence, sinasabi na nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya\'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence ay sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya\'y iginigiit natin ang sariling kakayahan/ kakanyahan at identidad. Tinatalakay din dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay tumatalakay sa impluwensiya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbawa, ang Taglish, o kaya ay Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin. Kaugnay ng pananaw ng baryabilidad ng wika ang **Teoryang Akomodasyon (Accommodation Theory) ni Howard Giles (1982).** Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence at linguistic divergence. Nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika. Sa **linguistic convergence**, ipinapakita na sa interaksiyon ng mga tao a tao ay nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya\'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang dako, **linguistic divergence** naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad. Mahalaga ang pananaw na ito sa pag-aaral ng barayti ng wikang Filipino lalo na kaugnay ng aktitud sa paggamit ng inaajalang nas superior na baraytu kompara sa mas mababang barayti depende sa katayuan ng kanilang unang wika sa lipunan