Aralin 3_Nasyonalismo, Rehiyonalismo, at Imperyalistang Tagalog PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

Princess Joy C. Ragsac

Tags

Tagalog Language Filipino Language Nationalism Philippine History

Summary

This document discusses the concepts of nationalism, regionalism, and imperialism in the context of Tagalog, Pilipino, and Filipino. It covers various perspectives, such as linguistic issues, and the role of influential figures. The main emphasis is on the socio-political evolution of language in the Philippines.

Full Transcript

NASYONALISMO, REHIYONALISMO, AT IMPERYALISTANG TAGALOG GEFID01X Bb. Princess Joy C. Ragsac MGA TATALAKAYIN: Tagalog, Pilipino, at Filipino Nasyonalismo at Rehiyonalismo MGA RESULTA NG PAGKATUTO: Nakikilala ang Tagalog, Pilipino, at Filipino Naki...

NASYONALISMO, REHIYONALISMO, AT IMPERYALISTANG TAGALOG GEFID01X Bb. Princess Joy C. Ragsac MGA TATALAKAYIN: Tagalog, Pilipino, at Filipino Nasyonalismo at Rehiyonalismo MGA RESULTA NG PAGKATUTO: Nakikilala ang Tagalog, Pilipino, at Filipino Nakikilala ang makabayang identidad at naisasabuhay Maliban sa Filipino (o Tagalog), ano pa ang alam o sinasalita mong katutubong wika sa Pilipinas? ❑ Nasyonalismo ❑ Rehiyonalismo ❑ Imperyalismo Tagalog, Pilipino, at Filipino, pare-parehas nga lang ba? TAGALOG PILIPINO FILIPINO 1939 1959 1987- Kasalukuyan Hinirang na Pangalang Inklusibong itinawag sa batayan ng nabuong wikang wikang wikang pambansa pambansa pambansa FILIPINO “Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Filipinas bílang wika ng komunikasyon, sa pabigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong kapuluan. Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa mga katutubong wika sa bansa. ” Komisyon sa Wikang Filipino, 2013 ISYU NG TAGALOG, PILIPINO, FILIPINO Hanggang ngayon, naninindigan ang mga kaaway ng Wikang Pambansa, na gaya ng Defenders of Indigenous Languages of the Archipelago (DILA),Tagalog ang “Filipino” at binago lámang ang ispeling ng “Pilipino” upang ikubli ang pagiging Tagalog nitó NASYONALISMONG PANGWIKA N AS YONALISMONG PAN GWIKA Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal na pumilì ng isang katutubong wika upang pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng adhikaing nasyonalista at kontra- kolonyalista. Mahahalatang nása dibdib pa ng mga makabayang lider politiko ang naturang adhikain sa kabilâ ng pagkabigo ng Himagsikang 1896 at sa kabilâ ng matagumpay na pananakop ng United States. N AS YONALISMONG PAN GWIKA Nakatulong dito ang opinyon ng mga mismong edukador at politikong American na: Hindi praktikal at magastos ang imposisyon na gamitin ang Ingles bílang wika ng pambansang edukasyon sa kanilang kolonya Hinihingi ng kanilang adhikaing demokratiko’t egalitaryo ang ganap na pag-alinsunod sa ipinroklamang patakaran ng “Filipinisasyon.” N AS YONALISMONG PAN GWIKA Mga nasyonalista noong panahong ito: Felipe R. Jose Bumoto para iwaksi ang Wenceslao Q.Vinzons inaasahan sanang proklamasyon sa Espanyol Norberto L. Romualdez o sa Ingles bílang wikang Tomas Confesor pambansa. Hermenegildo Villanueva… REHIYONALISMO Hindi nagkasundo ang mga delegado sa 1934 Kumbensiyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang dapat ideklarang wikang pambansa. Pagsalungat sa Tagalog ng mga delegadong nagnanais na wika nilá ang maiproklama. Pangunahing naging kalaban ng mga Tagalista ang mga delegadong nagpapasok sa Sebwano at Ilokano. Ang mga delegadong ito ang humatì sa nasyonalismong pangwika noong 1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon REHIYONALISMO “Pinapatay ng Filipino ang mga wikang katutubo” Higit niláng nais umiral ang Ingles bílang nag-iisa nating wikang opisyal, wikang panturo, at wikang pambansa. ULTRANASYONALISMO Maaari din namang produkto ang mga kontra-Filipino ng malîng mga mensahe hinggil sa halaga ng isang Wikang Pambansa noon at hanggang ngayon. ULTRANASYONALISMO Ang pagkokompara sa “malansang isda” sa mga hindi diumano nagmamahal sa sariling wika. Nagmamahal naman silá sa kanilang sariling wika (Sebwano, Ilokano, atbp) pero hindi sa sapilitang pinalalaganap na Wikang Pambansa. “Filipino is not our own language.” ULTRANASYONALISMO Maaari ding epekto ito ng kapansin-pansing pagmamataas ng ilang Tagalista hinggil sa wastong “Filipino” Noon pang panahon ng Komonwelt ay binalaan na ni Trinidad A. Rojo, isang Ilokanong tagapagtanggol ng Tagalog, na dapat bawasan ng mga Tagalog ang kanilang “kayabangan.” HINDI TAGALOG ANG FILIPINO ARTIKULO XIV SALIGANG BATAS 1987 “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. ” ARTIKULO XIV SALIGANG BATAS 1987 Ang wikang “Filipino” sa gayon ay isang ingklusibong wika at naglulunggating sumúlong at yumaman sa pamamagitan ng mga tunog, titik, at katangiang di-Tagalog ngunit taglay ng mga wika ng bansa. HILIGAYNON CEBUANO WARAY HILIGAYNON CE BUANO MGA KATUT UBONG S ALIT AN G ORGANIKO N A BAH AGI NA NG WIKANG PAMBANSA Padayon (Hil)- magpatuloy Gahum (Bis)- kapangyarihan Ambot (Seb/Hil/War)- ewan Tabang (Bik/Mag/Mrw/Seb/Tau)- tulong Kawatan (Hi/Seb)- magnanakaw Tanan (Hil/Mrw/Seb/Tag/War)- para sa lahat MGA KATUT UBONG S ALIT AN G ORGANIKO N A BAH AGI NA NG WIKANG PAMBANSA Palangga (Hil/Seb/War)- mahal Uswag (Hil/Seb/War)- progreso Bana (Hil/Seb/Tau)- asawang lalaki Puhon (Seb)- sa takdang panahon TAGALOG PILIPINO FILIPINO 1939 1959 1987- Kasalukuyan Hinirang na Pangalang Inklusibong itinawag sa batayan ng nabuong wikang wikang wikang pambansa pambansa pambansa DAGDAG KAALAMAN! Feye (Kalinga)- Pipa na yari sa bukawa o sa tambo Jambangon (Tausug)- Halaman Zigattu (Ibanag)- Silangan Kuvat (Ibaloy)- Digma Majaw (Butuan)- Maganda O r t og r a p iya n g Wi k a ng Pa mb a n s a ( 2 014 ) TANONG AT PAGLILINAW SANGGUNIAN: Almario, V. (2014). Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino Almario, V. (2015). Pagpaplanong wika at Filipino. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino Añonuevo, R. (nd). Tungkol sa KWF. Retrieved from https://kwf.gov.ph/tungkol-sa- kwf/?print=print

Use Quizgecko on...
Browser
Browser