Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Ma. Corazon S. Dela Peña, et al
Tags
Summary
This module covers the topic of communication and research in the Filipino language, specifically focusing on the nature and significance (kahulugan at kabuluhan) of the language. It caters to senior high school students in the Philippines, and details the importance and use of language in communication.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mo...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng WIka) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ma. Corazon S. Dela Peña Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte. Jr., Leilanie E. Vizarra, Ana Maria L. Josue, Benepie Atlas, Gian Carlo C. Villagracia Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Shane Sheika P. Sigue Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Job S. Zape, Jr. Ramonito O. Elumbaring Reicon C. Condes Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go, Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta Leonila L. Custodio Julie Anne V. Vertudes Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: [email protected] Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Unang Markahan – Modyul 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika) Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Sa paglipas ng panahon, marami na ang nabago at mababago pa ng panahon. Patuloy na umuunlad ang teknolohiya at komunikasyon. Kasabay ng mga pagbabagong nagaganap, maging ang wika natin ay nababago rin dala ng makabagong henerasyon. Bilang isang wikang buhay, patuloy na umuunlad ang wika dahil sa marami ang nadaragdag na mga wikang banyaga na nakaimpluwensiya sa ating mga natutuhan sa mga ninuno natin. Sa kasalukuyan, marami sa atin ang malaki ang naiaambag sa paggamit ng wika. Tulad na lamang ng pagkakatuklas ng mga bagay-bagay sa tulong ng teknolohiya. Karamihan sa mga taong nagpapakadalubhasa sa larangan ng wika ay lumalago at naglilinang ng makabagong konsepto ng wika. Kaalinsabay nito ang pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit, at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Bunga ng pag-aaral, maraming konsepto ng wika ang nakapaloob sa aklat na ito. Layunin nitong malinang at mapayabong pa ang kaalaman ng mga estudyante gamit ang Wikang Filipino. Masuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan, at pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang mga impormasyong nakapaloob sa aklat na ito ay napapanahon din. Sinadya ng mga may-akda na palalimin ang pagkaunawa ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagkilatis at pagsariwa ng mga konseptong pangwika. Kung ang mga merito ng aklat na ito ay magagamit, sa tulong ng matatalino at/o masigasig na guro at partisipatib na mga estudyante, tinitiyak ng mga may-akda na matatamo ang mga sumusunod. Kasanayang Pagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Layunin: 1. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika, 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan, 3. Napahahalagahan ang mga konseptong pangwika sa pakikipagtalastasan at ugnayan sa kapwa, paaralan, at pamayanan. Samakatuwid, matutugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante at mas mapalalalim pa ang pagkaunawa nila sa Wikang Pambansa maging ang konsepto ng 1 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 wika. Inaasahan na sila ang magiging instrumento ng karunungan at higit na kasapi sa pag-unlad ng wikang Filipino. Subukin Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. 1. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino c. Tagalog b. Pilipino d. Ingles/Tagalog 2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal b. Wikang Ingles d. Bilingguwal 3. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino c. Wikang Opisyal b. Wikang Minoritaryo d. Wikang Sardo 4. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang pambansa ng bansang Pilipinas. a. Phil. Constitution 1977 c. Phil. Constitution 1987 b. Phil. Constitution 1997 d. Phil. Constitution 2007 5. Ito ang ginagamit ng magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong wika. a. Lingua Franca c. Multilingguwal b. Bilingguwal d. Homogenous 6. Sistematikong balangkas na mga binibigkas na tunog. a. Dayalek c. dila b. salita d. wika 7. Paggamit ng dalawang wika sa Sistema ng Edukasyon. a. Multilingguwalismo c. Bilingguwalismo b. Multikulturalismo d. Barayti ng wika 8. Ang wika ay nagbabago. a. Masistemang balangkas c. Dinamiko b. Arbitraryo d. Pinipili 2 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 9. Kahulugan ng salitang Latin na lingua a. Teorya c. wika b. Kamay d. dila 10. Makahulugang tunog ng isang wika a. Sintaksis c. diskurso b. Morpema d. ponema 11. Kinikilalang lingua franca ng mundo a. Mandarin c. Filipino b. Niponggo d. Ingles 12. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita a. Pantulong na wika c. Ikalawang wika b. Katutubong wika d. Unang wika 13. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, at wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino a. Filipino c. Cebuano b. Tagalog d. Ingles 14. Nauukol sa paggamit ng higit sa dalawang wika bilang wikang panturo sa Sistema ng Edukasyon a. Multilingguwalismo c. Bilingguwalismo b. Multikulturalismo d. Naturalismo 15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pagbuo ng wika. a. Morpema c. sintaks b. Simbolo d. ponema 3 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Aralin Wika (Kahulugan at 1 Kabuluhan ng Wika) Basahin ang sumusunod na talata. WIKA Paano kaya kung walang wika? Paano magkakaunawaan ang mga tao sa isang lipunan? Paano magkakaunawaan ang bawat miyembro ng pamilya? Mapabibilis kaya ang pag-unlad ng komunikasyon? Kung hindi ang sagot mo, samakatuwid mahalaga talaga ang wika at komunikasyon. Wika ang pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa pakikipag-unawaan at pakikisalamuha sa tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayanan, at lipunan. Kahit na sa anomang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa, kaisipan, at damdamin natin. Maging ang kultura ng isang panahon, pook, o bansa ay muling naipahahayag sa pamamagitan ng wika (Lachica, 1998). Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, lalim ng lungkot o pighati, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob sa katotohanan sa isang layunin, ang kaibuturan ng pasasalamat, at paghanga. DEPINISYON NG WIKA Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ang mga sumusunod ay ang mga taong kilala sa wika at komunikasyon at ang kanilang mga konsepto o pananaw ukol sa depinisyon ng wika. 1. Gleason (1961) – ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa: Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. Gayunman hindi lahat ng tunog ay makabuluhan o may hatid na makabuluhang kahulugan, hindi lahat ng tunog ay itinuturing na wika. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsimula sa tunog. Mga tunog ito na mula sa kalikasan, at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao. 2. Finnocchiaro (1964) – ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong 4 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya’y makipag-ugnayan. Halimbawa: Ang simbolo ay binubuo ng mga Biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Halimbawa nito ang simbolo ng krus, araw, ahas, element ng kalikasan (lupa, tubig, apoy, hangin) at marami pang iba na sumasalamin sa unibersal at iba’t ibang kahulugan mula sa sinaunang sibilisasyon hanggang ngayon. Nangangahulugan lamang na ang tanging layunin kung bakit may wika ay upang magamit ito sa pakikipagtalastasan. 3. Sturtevant (1968) – ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao. Halimbawa: Lumutang ang konseptong “ponosentrismo” na nangangahulugang “una ang bigkas bago ang sulat”. Ibig sabihin din nito, nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anomang wika ng tao. 4. Hill (1976) – ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. Halimbawa: Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema (pinakamaliit nay unit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan). Maraming uri ng tunog, maaaring ito ay galing sa kalikasan tulad ng lagaslas ng tubig s abatis, langitngit ng kawayan, pagaspas ng mga dahon, kulog at iba pa. Ngunit ang binibigkas na tunog ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap sa pagbigkas ng tao tulad ng labi, dila, ngipin, galagid, at ngala-ngala. 5. Brown (1980) – ang wika ay masasabing sistematiko. Set ng mga simbolikong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao, at natatamo ng lahat ng tao. Halimbawa: Ang mga ponema (sinasalitang tunog) ay pinili sa pamamaraang napagkasunduan ng mga taong gumagamit ng wika o batay sa kapasyahan sang-ayon sa preperensya ng grupo ng mga tao. 6. Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag. Halimbawa: Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagaman maaaring makipag- ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas, pagguhit o mga simbolo, hindi pa rin matatawaran ang paggamit ng wika upang maisakatuparan ang malawak at mabisang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa. 5 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 7. Webster (1990) – ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Halimbawa: Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao. Natural lamang na ang mga Hapon ay hindi dagling makauunawa ng Filipino sapagkat malaki ang kaibahan ng kanilang ginagamit na salita sa mga Pilipino. Balikan Wika ko. Hulaan Mo! Ibigay ang katumbas na kahulugan ng mga salita at isulat sa iyong sagutang papel. Salita Kahulugan 1. Lodi 2. Petmalu 3. Kalerki 4. Chaka 5. Waley Mga Tala para sa Guro Tandaan: Tiyaking nauunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot. Makatutulong kung basahin munang mabuti ng mga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto bago ito simulan. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at pagwawasto nito. 6 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Tuklasin Ano ang wika? Binigyang kahulugan ni Henry Gleason ang wika bilang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may isang kultura. Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang “lengua” na ang literal na kahulugan ay dila at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan ang wika tulad ng: ito ay behikulo ng paghahatid ng mga impormasyon saan mang lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit saan. Instrumento rin ito ng komunikasyon sa pamamagitan din ng wika, mabilis na naipalalaganap ang kultura ng bawat pangkat. Higit sa lahat simbolo ito ng Kalayaan. Mga Katangian ng Wika Taglay ng kahulugan ng wika ang mga pangunahing katangian nito ayon sa sumusunod: 1. Ang wika ay sinasalitang tunog. Kakailanganin ng tao ng aparato sa pagsasalita (speech apparatus) upang mabigkas at mabigyang modipikasyon ang tunog. Mahalaga sa tao ang kanyang diapram, enerhiyang nagmumula sa baga, babagtingang tinig o vocal cords na nagsisilbing artikulador, at ang mga sangkap sa loob ng bibig tulad ng dila, ngipin, guwang ng ilong, gayundin ang matigas at malambot na ngala-ngala. 2. Nabubuo ang wika sang-ayon sa mga taong gumagamit nito sa loob ng mahabang panahon (Rubin, 1992). Ang wika ay set ng mga tuntuning pinagkasunduan at tinatanggap nang may pagsang-ayon ng lahat ng tagapagsalita nito. Sapagkat napagkasunduan o arbitraryo ang wika, nagagawang pagsaluhan ng isang komunidad wika ang kumbensyong panlipunan na nagbibigay dito ng kolektibong pagkakakilanlan bilang isang pangkat o grupo. Ito ang dahilan kung bakit may mga salitang magkatulad ang baybay at bigkas sa maraming wika subalit magkakaiba ng kahulugan. 3. Likas nag wika, ibig sabihin, lahat ay may kakayahang matutong gumamit ng wika anoman ang lahi, kultura, o katayuan sa buhay. 4. Ang wika ay dinamiko upang mapanatiling masigla at buhay ang lahat ng wika, kailangang makasabay ito sa pagbabago ng panahon. Nagbabago ang paraan ng pananalita ng mga tao maging ang angking kahulugan ng salita sa paglipas ng panahon. 5. Ang wika ay masistemang balangkas. Bago matutong bumasa ang isang bata, kailangan muna nitong matutong kumilala ng tunog (ponolohiya). Itinuturing na makabuluhan ang isang tunog kung may kakanyahan itong makapagpabago ng kahulugan. Sinusundan ito ng pagsasama-sama ng tunog 7 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 upang makabuo ng maliit na yunit ng salita (morpolohiya). Ang pagsasama- sama ng salita upang makabuo ng payak na pahayag o pangungusap ang tinatawag na sintaks o palaugnayan. 6. Bawat wika ay tuwirang nakaugnay sa kultura ng sambayanang gumagamit nito. Wika ang pangunahing tagapagbantayog ng mga kaugalian, pagpapahalaga, at karunungang mayroon ang isang komunidad. Ang wika at kultura ay hindi kailanman maihihiwalay sa isa’t isa. 7. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Kailangang patuloy na gamitin ang wika upang mapanatili itong masigla at buhay. Kailangang kalingain sa komunikasyon ang wika upang patuloy itong yumabong at umunlad. Suriin Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot na tumutugon sa kailangang konseptong pangwika ayon sa sitwasyon/pahayag. 1. “Hindi mo ba kilala ang taong iyon?” Ang tanong ng may-ari ng tindahan. Siya si John Marshall, ang bantog na mahistrado ng Estados Unidos. Namula ang binate sapagkat di talaga sila magkaintindihan. Anong konseptong pangwika ang gagamitin upang higit silang magkaunawaan? a. Wikang Opisyal c. Wikang Opisyal at Panturo b. Wikang Panturo d. Wikang Bilingguwal 2. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. Anong konseptong pangwika ang gagamitin ng guro para talakayin ang aralin sa Filipino? a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal b. Wikang Opisyal at Panturo d. Lingua Franca 3. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na sila habang nag-uusap sapagkat di sila magkaintindihan. Anong konseptong pangwika ang dapat na gamitin ng dalawang tao na magkaiba ang katutubong wika? a. Wikang Bilingguwal c. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo d. Lingua Hiram 4. Ang guro nila sa Araling Panlipunan ay gumagamit ng Filipino upang maunawaan ng kanyang mag-aaral ang aralin. Anong konseptong pangwika ang ginamit ng guro sa pahayag/sitwasyon? a. Wikang Panturo c. Wikang Panturo at Opisyal b. Wikang Opisyal d. Wikang Bilingguwal 8 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 5. Sa isang komunidad, may mga mamamayan na nag-uusap-usap at ang wikang malawakang sinasalita ay ang nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa isang dimensiyong heograpiko. Anong konseptong pangwika ang ginamit ng mga mamamayan sa isang komunidad? a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal b. Wikang Opisyal at Panturo d. Lingua Franca Pagyamanin Panuto: Punan nang angkop na kasagutan ang patlang upang mabuo ang ideya ng salaysay. Piliin ang sagot sa kahon na nasa ibaba. Sa tulong ng aking guro at sa pamamagitan ng modyul na ito, lubos ko nang naunawaan ang 1. _________________________ at 2. _________________________ ng konseptong pangwika. Nalaman ko rin na ang wikang opisyal ay 3. _________________________ at ito ay napakaraming kabuluhan o kahalagahan. Samantalang ang wikang panturo naman ay ang 4. _________________________ na ginagamit sa paaralan. Nabatid ko rin na maraming kahulugan ang 5. _________________________ ayon sa iba’t ibang lingguwistika at dalubhasa. Kahulugan Katangian Wikang naisabatas Wikang pagtuturo at pagkatuto Wika Tunog 9 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Isaisip Pagtapat-tapatin. Hanapin sa HANAY B ang sagot na tumutukoy sa kahulugan at konseptong pangwika. Isulat ang sagot sa unahan ng bawat bilang. HANAY A HANAY B ____1. Lengua a. wikang ginagamit ng magkausap na may magkaibang katutubong wika ____2. Ipinalalaganap nito ang b. wika kultura ng bawat pangkat c. wikang opisyal ____3. Ginagamit sa pormal na d. dila at wika edukasyon e. wikang panturo ____4. Ginagamit naman ito ng f. tagalog mga tao sa isang bansa g. Filipino ____5. Lingua franca Isagawa Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang. 1. Bakit mahalaga ang wika sa: a. Sarili b. Lipunan c. Kapwa 2. Magbigay ng tatlong pagkakataon o sitwasyon kung saan ginagamit ang wika. 10 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Tayahin Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika? a. May maayos na pagkakasunod-sunod b. May hugis, anyo, at kulay c. May paksa at tema d. Sinasalitang tunog 2. Ang nagbigay ng kahulugan na ang wika ay masistemang balangkas. a. Finnocchiaro c. Brown b. Gleason d. Hill 3. Ito ang pundasyon ng lahat ng wika ng tao. a. Sistema c. bigkas b. Simbolo d. tunog 4. Ito ang wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. a. Filipino c. Tagalog b. Pilipino d. Ingles/Tagalog 5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa isang tagapagsalita. a. Pantulong na wika c. Ikalawang wika b. Katutubong wika d. Unang wika 6. Kahulugan ng salitang Latin na lingua a. Teorya c. wika b. Kamay d. dila 7. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal b. Wikang Ingles d. Bilingguwal 8. Isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog. a. dayalek c. dila b. salita d. wika 9. Ang madalas na mapagkamalan na wikang opisyal. a. Wikang Ladino c. Wikang Opisyal b. Wikang Minoritaryo d. Wikang Sardo 10. Kinikilalang lingua franca ng bansang Pilipinas. a. Wikang katutubo c. Filipino b. Pilipino d. Tagalog 11 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 11. Sa loob ng silid-aralan, matiyagan nagtuturo ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin. a. Wikang Panturo c. Wikang Opisyal b. Wikang Opisyal at Panturo d. Lingua Franca 12. Ang wika ay nagbabago. a. Masistemang balangkas c. Dinamiko b. Arbitraryo d. Pinipili 13. Kinikilalang lingua franca ng mundo a. Mandarin c. Filipino b. Niponggo d. Ingles 14. Makahulugang tunog ng isang wika a. Sintaksis c. Diskurso b. Morpema d. Ponema 15. Wikang pambigkis sa maraming komunidad, wikang bumubuo sa sambayanang Pilipino. a. Filipino c. Cebuano b. Tagalog d. Ingles Karagdagang Gawain Sa iyong sagutang papel, isulat ang kahulugan ng Wika at Wikang Panturo. a. Wika – b. Wikang Panturo -- 12 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Module 1 CO_Q1_KPWKP SHS 13 Subukin Pagyamanin Isaisip Tayahin 1. C 1. kahulugan 1. D 1. D 2. A 2. katangian 2. B 2. B 3. B 3. wikang naisabatas 3. E 3. E 4. C 4. wika ng pagtuturo at 4. C 4. C 5. A pagkatuto 5. A 5. A 6. D 5. wika 6. D 7. C 7. A Suriin 8. C 8. D 9. D 1. D 9. B 10. D 2. B 10. C 11. D 3. C 11. B 12. D 4. A 12. C 13. B 5. D 13. D 14. A 15. B 14. D 15. B Susi sa Pagwawasto Sanggunian Aguilar, Jennifer L. and Jomar I. Canega. Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Liwanag, Mariyel Hiyas and Jonelle E. Marvin. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mortera, Melvin Orio and Imelda Dancel Sioson. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Nuncio, Rhoderick V. and Elizabeth Morales Nuncio. Sidhaya 11: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 14 CO_Q1_KPWKP SHS Module 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]