Unang Markahan ng Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (FIL3)
Document Details
Uploaded by CozyCthulhu
St. Vincent College of Business and Accountancy
Cindy Anne S. Ejusa, LPT
Tags
Related
- ANG_WIKA_BILANG_KOMUNIKASYON_AT_WIKANG_PAMBANSA2 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Module 1 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- FILI 101 YUNIT I: Introduksiyon sa Wika (Tagalog) PDF
- CO1-Komunikasyon-Aralin-3-Barayti-ng-Wika-Copy PDF
Summary
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga konsepto at katangian ng wika. May mga detalye at halimbawa ng pagpapakahulugan ng wika ng mga dalubhasa. May mga depinisyon din ng mga terminong panteorya.
Full Transcript
COO – FORM 12 SUBJECT TITLE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO INSTRUCTOR: CINDY ANNE S. EJUSA, LPT SUBJECT CODE: FIL 3 TSAPTER 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA Layunin: Sa pagtatapos ng aralin,...
COO – FORM 12 SUBJECT TITLE: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO INSTRUCTOR: CINDY ANNE S. EJUSA, LPT SUBJECT CODE: FIL 3 TSAPTER 1: MGA KONSEPTONG PANGWIKA Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Nakatutukoy ng kahulugan, katangian at kahalagahan ng Wika; 2. Nakatutukoy ng kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; at 3. Nakikilala ang mga wika at wikaing ginagamit sa MTB-MLE. NOTES: TOPIKO 1: Kahulugan, Katangian at Kahalagahan ng Wika Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa pinagsama- samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o pasulat gamit ang wika. Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang "dila" at "wika" o "lengguwahe." ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangamgahulugan ding dila at wika. Kalaunan ito'y naging language na siya na ring ginagamit na katumbas ng salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa mundo, ang mga salitang wila at dila ay may halos magkaparehong kahuluga. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil sa iba't ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba't ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyunal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Pagpapakahulugan ng mga dalubhasa: Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1)- ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekpresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. Henry Allan Gleason, Jr. (lingguwista at propesor sa University of Toronto)- ang wika ay sistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Cambridge Dictionary -ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng gawain. Charles Darwin -ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng keyk, o ng pagsusulat. Hindi ito likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Katangian ng Wika 1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang morpemang mabuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema, samantala, kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong makabuo ng mga pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap. 2. Ang Wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Samakatuwid,ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingang lakas o enerhiya,nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at mino-modify ng resonador. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip. 4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan.Ngunit, samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang komunidad,bawat indibiduwal ay nakadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa,sapagkat bawat indibiduwal ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan kailangan patuloy itong ginagamit ang isang kasangkapan hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika/Wala. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Kahalagahan ng Wika 1. Instrumento ng komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Nagagamit sa micro at macro-level upang magkaunawaan ang mga tao at mga bansa. 2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi na napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. 3. Nagbubuklod ng bansa.Nagkaroon tayo ng kalayaan dahil sa wika. 4. Lumilinang ng malikhaing pag-iisip. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip. Idagdag pa, dahil sa imahinasyong ito, kayraming nabubuo, nalilikha o naiimbentong pinakikinabangan ng sangkataohan. TOPIKO 2: Ang Wikang Pambansa Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinomg gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wila at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang pambansa. Kung babalikan ang ating kasaysayan, makikitang hindi naging madali ang pagpili sa wikang pagbabatayan ng wikang pambansa. Maghaba at masalimuot ang prosesong pinagdaanan nito. Sa huling dalawang aralin ng kabanatang ito ay tatalakayin nang mas malaliman ang kasaysayan ng ating wika subalit ngayon ay maglakaroon ka muna ng paunang impormasyon sa pamamagitan ng timeline ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakahirang sa Filipino bilang wikang pambansa. 1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka- Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa Ingles. Subalit naging matatag ang grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo'y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas. 1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga't hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika." Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin niyo ang "mag-aaral ng mga diyalektiko sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikabg batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng napakaraming Pilipino." Base sa pag-aaral na isinagaw ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa dahil sa naturang wika ay tumutugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng sumusunod: "ang wikang pipiliin ay dapat... Wika ng sentro ng pamahalaan; Wika ng sentro ng edukasyon; Wika ng sentro ng kalakalan; Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. 1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon. 1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paarapang pampubliko at pribado. 1946: Nang ipinagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Big. 570. 1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito'y higit na binibigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng Pasaporte, at iba pa, gayundin sa iba't ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkapili sa tagalog bilang batayan ng wilang Pambansa. 1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, seksiyon 3, Blg. 2: "Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaninh Filipino." Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunpama'y hindi naisasagawa ng Batasang Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinatadhana ng Saligang Batas. 1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nillilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Napakalayo na nga nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong wikang nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas at magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap upang lalo pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagtatagumpay. TOPIKO 3: Wikang Opisyal at Panturo Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhanang batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitangpanturo sa mga silid-aralan. Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7, mababasa ang sumusunod: "Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyunal ang Kastila at Arabic." Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K-12 curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based Multi-lingual Education (MTB-MLE). Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunpad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural." Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na lokal at internasyonal na ang paggamit ng wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang sa mga mag-aaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika (Filipino) at maging sa ikatlong wika (Ingles). Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K-12 ay itinadhana ng DepEd ang labindalawang lokal o panrehiyom na wika at diyalekto para magamit sa MTB-MLE. subalit sa taong 2013 ay nagdagdagan pa ito ng pito kaya't sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika at diyalekto na ang ginagamit tulad ng mga sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waral, Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang mga wika at diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: (1) Bilang hiwalay na asignatura at (2) bilang wikang panturo. Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang magiging pokus sa kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag. Ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang iba't iba pang komponent ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mas mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o medium of instruction. ASSIGNMENT # 1 DATE RELEASED: DATE OF SUBMISSION: SUBJECT TITLE: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I. May Pagpipilian: Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Tawag sa masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura? a. Wika c. Dayalek b. Komunikasyon d. Sosyolek 2. Tawag sa maka-agham na pag-aaral ng mga pangungusap? a. Ponolohiya c. Morpolohiya b. Sintaksis d. Diskurso 3. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay __________, samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang mga wika. a. Tagalog c. Alibata b. Pilipino d. Filipino 4. May mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa _______ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. a. arbitraryo c. opinyon b. kultura d. damdamin 5. Tawag sa opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa b. Wikabf Opisyal d. Wika 6. Sino ang nagwika na ang wikang opisyal ay itinadhanang batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan? a. Virgilio Almario c. Graciano Lopez Jaena b. Jose Rizal d. Lope K. Santos 7. Kailan pinalitan ang tawag sa wikang pambansa na mula sa Tagalog ito ay magiging Pilipino? a. Agosto 24, 1996 c. Marso 16, 1987 b. Agosto 13, 1995 d. Octobre 23, 1999 II. Sanaysay: 1. Ano ang Wika? 2. Ano ang kahalagahan ng Wika? 3. Ano ang ibig sabihin ng Wikang Opisyal at Panturo? Note: Include the Criteria. Criteria sa Sanaysay: Nilalaman- 3pts Gramar- 2pts Total= 5pts ACTIVITY # 1 TITLE: Describe the Picture PANUTO: Gamitin ang mga sumusunod na larawan sa paglalarawan. Magbigay ng 15 pagpapakahulugan sa Wika. Halimbawa: Ang wika ay instrumento ng komunikasyon. TSAPTER 2: MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Nakatutukoy ng kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. 2. Nakatutukoy ng kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika; 3. Nakikilala ang mga wika at wikaing ginagamit sa MTB-MLE. NOTES: TOPIKO 1: Unang Wika, Pangalawang Wika, at Iba Pa Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuturo sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika, at kinatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao ang kanyang ideya, kaisipan, at damdamin. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro, at iba pa. Madalas ay sa magulang din mismo nagmumula ang exposure sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika. Mula sa mga salitang paulit-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang natututuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at pakikipag-usap sa ibang tao. Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2. Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa, at kasabay nito'y tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Dito'y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna'y natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito. Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika o L3. Sa Pilipinas, kung saan may higit kumulang 150 wika at wikaing ginagamit sa iba't ibang bahagi ng bansa, ay pangkaraniwan na lang ang paglakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika. TOPIKO 2: Monolingguwalismo Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay. Sa dahilang napakaraming umiiral na wika at wikain sa ating bansa, ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya't mahihirapang umiral sa ating sistema ang pagiging monoligguwal. TOPIKO 3: Bilingguwalismo Binigyang pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring mai-kategorya sa tawag na "perpektong bilingguwal" ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara(1967), isa pa ring lingguwistang nagsabing ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. Sa pagitan ng dalawang magkasalungat na pagpapakahulugan ito ay may iba pang pagpapakahulugan ang naibigay tulad ng kay Uriel Weinreich (1953), isang lingguwistang Polish-American, na nagsasabing ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal. May mga tanong sa pagpapakahulugan ni Weinreich dahil hindi nabanggit kung gaano ba dapat kadalas o kung gaano ba dapat kahusay ang isang tao sa ikalawang wika upang maituring siyang bilingguwal. (cook at Singleton: 2014). Maituturing na isang bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika. Balance bilingual ang tawag sa taong nakagagawa ng ganito at sila'y mahirap mahanap dahil karaniwang nagagamit ng mga bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa sitwasyon at sa taong kausap (Cook at Singleton: 2014). Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon natin ng interaksyon, maging sa mga taong may naiibang wika. Sa mga ganitong interaksyon nagkakaroon ng pangangailangan ang tao upang matutuhan ang bagong wika at nang makaangkop siya sa panibagong lipunang ito. Sa paulit-ulit na exposure o pakikinig sa mga nagsasalita ng wika, unti-unti'y matututuhan niya ang bagong wika hanggang sa namamalayang matatas na siya rito at nagagamit na niya nang mabisa ang bagong wika sa pakikipag-usap at sa paglahad ng kanyang mga personal na pangangailangan. Sa puntong ito'y masasabing bilingguwal na siya. Bilingguwalismo sa Wikang Panturo Makikita sa Artikulo 15, Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang probisyon para sa bilingguwalismo o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa pamahalaan man o sa kalakalan. "Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga't hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." - Artikulo 15, Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 Ayon kay Ponciano B. P. Pineda (2004:159) ang probisyong ito sa Saligang Batas ang naging basehan ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagharap Sa Kalihim ng Edukasyon at Kultura ng kahilingang ipatupad ang kahilingang bilingual instruction na pinagtibay ng Board of National Education (BNE) bago pa umiral ang Martial Law. Ang patakarang iyon ay alinsunod sa Executive Order No. 202 na bubuo ng Presidential Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) tungkol dapat sa maging katayuan ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo sa paaralan. Dahil sa pagsusumikap ng Surian ng Wikang Pambansa ay nilagdaan ang isang makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education sa bisa ng Resolusyon Bilang 73-7 na nagsasaad na "ang Ingles at Pilipino ay magiging midyum ng pagtuturo at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1 hanggang antas unibersidad sa lahat ng paaralan, publiko o pribado man." Noong , ang Department of Education ay naglabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisa ng Department Order No. 25, s. 1974. Ang ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay mga sumusunod: Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles. Ang pariralang bilingual education ay binigyang katuturan sa magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura. Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social Studies/ Social Science, Work Education, Character Education, Health Education, at Physical Education. Ingles naman ang magiging wilang panturo sa Science at Mathematics. Ang Pilipino at Ingles bukod sa gagamiting mga wikang panturo ay ituturo pa rin bilang mga asignaturang pangwika. Wala sa patakaran subalit itinaktakda ng mga panuntunang magagamit na pantulong na wikang panturo ang bernakular sa pook o lugar na kinaroroonan ng paaralan. TOPIKO 4: Multilingguwalismo Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroong tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. Karamihan sa atin, lalo na sa labas ng Katagalugan, ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga wikaing kinagisnan. Sa kabila nito, sa loob ng mahabang panahon, ang wikang Filipino at wikang Ingles ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan. Gayunpama'y nananatiling laganap sa nakararaming batang Pilipino ang paggamit ng unang wika sa halip na Filipino at Ingles. Kaya, sa pagpapatupad ng DepEd ng K to 12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo partikular sa kindergarten at sa Grade 1,2, at 3. Tinawag itong MTB-MLE o Mother Tongue Based- Multilingual Education. Ang mga pamantayan sa pagpapatupad nito ay nakasaad sa DO 16, s. 2012 na nakilala rin bilang Guidelines on the Implementation of the Mother Tongue Based- Multilingual Education (MTB-MLE). Nakalahad dito na simula sa araling taon 2012 at 2013, ipatutupad ang MTB-MLE sa mga paaralan. Naaayon ito sa maraming pag-aaral na nagsasabing mas epektibo ang pagkatuto ng mga bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral. Sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon ng pag-aaral. Ayon sa kanila, mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika. Sa unang taon ng pagpapatupad ng MTB-MLE unang nagtalaga ang DepEd ng walong pangunahing wika o lingua franca at apat na iba pang wikain sa bansa upang gamiting wikang panturo at ituturo din bilang hiwalay na asignatura. Ang walong pangunahing wika ay ang sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray at ang apat na iba pang wikain ay ang Tausug, Maguimdanaoan, Meranao, at Chavacano. Pagkalipas ng isang taon, noong 2013 ay nagdagdag ng pitong wikain kaya't naging labinsiyam na ang wikang ginagamit sa MTB-MLE. Ito ay ang sumusunod: Ybanag para sa mga mag-aaral sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan para sa mga taga- Batanes; Sambal sa Zambales;Aklanon sa Aklan, Capiz; Kinaray-a sa Antique; Yakan sa Autonomous Region of Muslim Mindanao; at Surigaonon para sa lungsod ng Surigao City at mga karatig-lalawigan nito. Maliban sa nasabing unang wika (L1), ang Filipino (L2) at ang Ingles (L3) ay tinuturo din bilang hiwalay ma asignaturang pangwika sa mga nagsabing antas. Sa mas mataas na antas ng elementarya, gayundin sa high school at sa kolehiyo, mananatiling Filipino at Ingles ang pangunahing wikang panturo. Isang malaking hakbang ang ginawa ng ating bansa sa pagkakaroon ng pambansang polisiya para sa multilingguwal na edukasyon. Ito ay isang magandang modelo ng pagtuturo para sa isang bansang tulad natin na may heograpiyang pinaghiwa-hiwalay ng mga pulo ay mga kabundukan at may umiiral na napakaraming pangkat at mga wikain sapagkat mapalalakas muna nito ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kani-kanilang unang wika. Inaasahang higit nilang mauunawaan at kalulugdan ang mga aralin kung ito'y ituturo sa wikang matatas na sila at lubos na nilang nauunawaan. Ito ngayon ang magiging bridge o tulay upang kasunod na mapalakas at mapalusog ang pagkatuto ng ating wikang pambansa, ang Filipino gayundin ang wikang Ingles. Sabi ni Pangulong Benigno Aquino III, "We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage." ASSIGNMENT # 2 SUBJECT TITLE: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I. May Pagpipilian: Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuturo sa isang tao. a. Bilingguwalismo c. Multilinggwalismo b. Unang wika d. Wala sa nabanggit 2. Maituturing na isang ___________ang isang tao kung magagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. a. Bilingguwal c. Multilingguwal b. Monolingguwal d. Wala sa nabanggit 3. Ang ating bansang Pilipinas ay nabibilang sa? a. Bilingguwalismo c. Multilinggwalismo b. Multilingguwalismo d. Wala sa nabanggit 4. Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa? a. Monolingguwalismo c. Multilingguwalismo b. Bilingguwalismo d. Lahat ng nabanggit 5. Ang unang wika ay tinatawag ding? a. Mother togue c. L2 b. Mother tongue d. L3 6. Kailan nagpalabas ng guidelines o mga panuntunan sa pagpapatupad ng edukasyong bilingguwal sa bansa? a. Hunyo 19, 1984 c.Hunyo 19, 1964 b. Hunyo 19, 1994 d. Hunyo 19, 1974 7. Sa anong antas mananatiling Filipino at Ingles ang pangunahing wikang panturo? a. Elementarya c. Kolehiyo b. Sekondarya d. Lahat ng nabanggit ay tama II. Sanaysay: 1. Ano ang kahalagahan ng Wika? 2. Ano ang ibig sabihin ng Monolingguwalismo? 3. Ano ang Wika? Note: Include the Criteria. Criteria sa Sanaysay: Nilalaman- 3pts Gramar- 2pts Total= 5pts ACTIVITY # 2 TITLE: Tara Translate Tayo!!! PANUTO: Ibigay ang hinihinging pagsasalin sa mga sumusunod na salita. Hanapin sa kahon ang kasagutan. ENGLISH TAGALOG Clue 1. Pantablay Ginagamit ito kung wala ng baterya ang iyong cellpnone 2. Salumpuwit Ito ay may apat na paa 3. Salimpapaw Sasakyang panghimpapawid 4. Sulatroniko Gamitin ngayon sa pagpasa ng mga proyekto. 5. Panginain Isang programa na ginagamit sa paghahanap ng mga impormasyon na kailangang matapos gamit ang internet. 6. Yakis Ito ang gagawin mo upang maging malinaw ang iyong panulat 7. Anluwage Sa kanila natin pinagkakatiwala ang pagpapatayo ng bahay 8. Talasarili Nakaulat lahat ng masasayang alaala 9. Sipnayan Isa sa mga asignaturang mayroon ka 10. Himaton Marami kang mahahanap nito pag lagi kang nagbabasa 11. Kaulayaw Taong lagi mong kasama 12. Liban Pag hindi ka pumasok ikaw ay 13. Sahod Pinagtatrabahuan upang makita ito 14. Panuto Laging makikita bago magsimula ang pagsusulit. 15. Bentahan tumutukoy sa isang enterprise sa mga produkto ng kalakal T O S H A R P E N Y U I T B S G H B A B S E N T H B R O W S E R D B J S M O Y R D I A R Y V K V A O Z G J B B A I R Y D T C A R P E N T E R A I H E Q C H A R G E R I R E J M W H H A R G R R E M K A A S A L E S S P C A M G G I E I U Y V L T T W N E D L L R T C A I I N F O R M A T I O N O C O M P A N I O N F E N S C F W F T U O P C D N TSAPTER 3: BARAYTI NG WIKA Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Nakikilala ang heterogenous at homogenous na wika. 2. Nakatutukoy ang kahulugan ng bawat barayti ng wika. NOTES: TOPIKO 1: Heterogeneous at Homogeneous na Wika Walang buhay na wika ang maituturing na homogeneous dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigpit sa isang barayti. Masasabi lang kasing homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika (Paz, et. al. 2003). Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sandi ng iba't ibang salik panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan, kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo'y nabibilang, at iba pa. Ipinakikita ng iba't ibang salik panlipunang ito ang pagiging heterogeneous ng wika. Ang iba't ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng wika. TOPIKO 2: Barayti ng Wika Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ibat ibang uri o barayti ng wika. (Paz, et.al. 2003). Bilang ang wika ay bahagi ng bawat bansa at pamayanan, sinasaklaw din nito ang kultura, pamumuhay, at kasaysayan ng mga taong naninirahan dito. Dahil ang mga tao ay may pagkakaiba, maging sa pagbigkas at pagsasalita ng wika ay nagkakaroon din ng Barayti o ‘variety’ sa wikang Ingles. Sinasaklaw ng Barayti ng wika ang paraan kung paano binibigkas o sinasalita ng mga tao ang nalalaman nilang wika. Ang Barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng isang lugar. Ang Barayti ng wika ay bunga din ng pagkakaroon ng heterogeneous na wika na nabubuo naman ayon sa pangangailangan ng paggamit nito na nagbubunga ng baryasyon ng wika. Isa-isa nating kilalanin ang bawat barayti ng wika. 1. DAYALEK Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama't may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito. Ito ang pinakakaraniwang Barayti ng wikang alam at tanggap sa bansang tulad ng Pilipinas. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago, nahahati sa mga pulo ang kinaroroonan ng mga tao na dahilan din upang makabuo ng kani-kanilang sistema ng pananalita. Ang dayalek o dialect ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong kinabibilangan ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan. Ang pangungusap na “Anong pangalan mo” ay maaaring sabihin sa iba’t ibang dayalek. Tagalog: Anong pangalan mo? Kapampangan: Nanong lagyu mo? Ilokano: Anya ti nagan mo? Waray: Hino ang ngaran mo? Bisaya: Unsa imu ngalan? Cebuano: Kinsay imong ngalan? Hilgaynon: Ano ang imo ngalan? Bicolano: Ano ang ngaran mo? Tausug: Unu ing ngan mo? 2. IDYOLEK Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumubigkas nito nang magkaparehong-magkapareho. Dito lalong napatunayan na ang wika ay hindi homogenous sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal na estilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag. Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin ang mga ito. Ganito ang konsepto ng idyolek. Nakaayon ito sa istilo sa pagpapahayag at pananalita. Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang linya sa mga programa at pelikula nila. Halimbawa ng Idyolek “Hindi kita tatantanan!” -Mike Enriquez “May tama ka!” -Kris Aquino “Walang himala!” -Nora Aunor “Lumipad ang aming team…” -Jessica Soho “Handa na ba kayo?” -Korina Sanchez “I am sorry.” -President Gloria Macapagal-Arroyo “Char-char lang mga momshie.” -Melai Cantiveros “Bawal ang sad dapat happy!” -Ryzza Mae Dizon “Ansabeeeehhh?” -Vice Ganda “May ganun?” -Mr. Fu 3. SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral; matatanda sa mga kabataan; ng mga maykaya sa mahihirap; ng babae sa lalaki, o bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa palengke; at ng iba pang pangkat. Ayon kay Rubrico, ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupokg sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito. Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian, at katayuang socio-ekonomiko. Ang pagkakapangkat na ito ay nagbubunga rin ng kanilang sariling paggamit at pagbigkas ng mga salita na tinatawag na sosyolek o sosyalek. Ito ay tinatawag ding pansamantalang Barayti lamang dahil ginagamit lamang ito ayon sa uri ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang intindihin at unawain ang ginagamit na wika. Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon sa napapanahong uri ng pagsasalita tulad ng bekimon at jejemon. Halimbawa ng Sosyolek Mga repa, nomo na. Walwal na! (Jeproks/ balbal) Si Yorme, maraming nahuli, mga etneb. (Salitang kanto/ pinauso ni Mayor Isko Moreno) Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon) Echoserang frog ka. Chinorva mo akez. (Bekimon/ Gay Linggo) Anong chenes mo sa inispluk mo? (Bekimon/ Gay Linggo) OMG! So init naman here. I can’t! (Conyo language) So haba naman ng pila. I am so inip na. (Conyo language) Ayan na ang mga Hathor. Sugod mga sang’gre! (Fans ng Encantadia) BTW, JWU. Need something to do. BRB. (Millennial online language) Mag-online ka na para makita ko ang OOTD mo. (Millennial online language) 4. ETNOLEK Ito ay barayti ng wika mula sa etnolongguwistikong grupo ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat etniko sa bansa. Ang tawag sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa mga etnolonggwistong pangkat sa Pilipinas. Ang mga salitang ito ay kadalasang likas sa kanila ngunit naging tanyag na rin para sa ibang lahi o pangkat. Halimbawa ng Etnolek Adlaw – araw, umaga Bagnet – sitsarong gawa sa Iloko Vakuul – pantakip sa ulo ng mga taga-Batanes o Ivatan Palangga – mahal, iniirog, sinta Banas – mainit, maalinsangan, pagkayamot Batok – tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo mula sa Kalinga Dugyot – marumi Kalipay – ligaya, saya, tuwa Magayon – maganda, kaakit-akit Ambot – ewan, hindi ko alam 5. REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan iniaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan, at iba pa. Kapag sumusulat ng panitikan, ulat at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang ginagamit. Ang di pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, o mga kasing-edad at ang matatagal na kakilala. Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad ng kasayahang pampamilya o magbabarkada gayundin sa pagsulat ng liham-pangkaibigan, komiks, sariling talaarawan, at iba pa. Halimbawa ng Register ENT (ears, nose, and throat) – medical jargon MSMEs (micro small medium enterprises) – business jargon AWOL (absence without leave) – military jargon Wer na u, dito na me? – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Hu u? txtbak – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Lowbat na me – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino Erpats, alaws na tayo makain. – mga salitang binabaligtad OOTD (outfit of the day) – internet jargon BP (blood pressure) – medical jargon p4saLod n@m4n pl3ase!! – paraan ng pagte-text ng mga Pilipino 6. PIDGIN AT CREOLE Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na 'nobody's native language' o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't 'di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa't isa. Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabajg panahon, kaya't nabuo ito hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod na ng karamihan. Ito ngayon ay tinatawag na creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Mayroon namang Barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Tinatawag na pidgin ang mga wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan. Kung sa salitang kolokyal, masasabing ang ganitong usapan ay ‘maitawid lamang,’ Tinagurian din ang pidgin bilang “nobody’s native language ng mga dayuhan. Itinuturing din ito bilang ‘make-shift’ language o wikang pansamantala lamang. Gayunman, kahit na kulang-kulang ang mga ginagamit na salita at pandugtong, nananatiling mabisa ito sa pagtatalastasan ng dalawang tao mula sa magkaibang lahi. Maituturing na pinakatanyag na halimbawa ng pidgin ay ang English carabao ng mga Pilipino o pagsasalita ng wikang English nang hindi tuwid o hindi wasto. Isa ring halimbawa ay ang barok na Filipino ng mga Chinese na naninirahan sa bansa. Halimbawa ng Pidgin “You go there… sa ano… there in the banyo…” (English carabao) “Ako benta mga prutas sa New Year para swerte.” (Chinese na sumusubok mag-Filipino) “What’s up, madrang piporrrr…” (Koreanong si Ryan Bang sa kaniyang programa) “Ikaw bili sa kin daming tikoy…” (Chinese na sumusubok mag-Filipino) “I am… you know!” (English carabao) “Ako wara masamang barak… / Ako walang masamang balak…” (Japanese na nagta- Tagalog) “Ako punta kwarto wag na ikaw sama…” “Ako lugi na wag ka na tawad…” “Are you foreigner? Where?” “Don’t me. Don’t us…” ASSIGNMENT # 3 SUBJECT TITLE: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I. May Pagpipilian: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. A. Dayalek ay barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. B. Tinatawag na pidgin ang mga wikang ginagamit ng dalawang indibidwal mula sa magkaibang bansa upang magkaintindihan. C. Sosyolek ay barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. 1. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 2. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit A. “What’s up, madrang piporrrr…”ay halimbawa ng register. B. Lowbat na me, ay halimbawa ng dayalek. C. Dugyot ay halimbawa ng sosyolek. 3. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 4. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit A. “Hindi kita tatantanan!”ay halimbawa ng Idyolek. B. Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika. C. Sosyolek ay batay sa mga etnolonggwistikong pangkat sa Pilipinas. 5. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 6. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sosyolek? a. OMG! So init naman here. I can’t! b. “Don’t me. Don’t us…” c. OOTD II. Pagpapaliwanag: Ipaliwanag ang sumusunod. 1. Ano ang ibig sabihin ng Homogenous na wika? 2. Ano ang ibig sabihin ng Heterogenous na wika? 3. Ano ang pagkakaiba ng Homogenous at Heterogenous na wika? Note: Include the Criteria. Pamantayan sa paggawa ng Sanaysay Nilalaman- 3pts Gramar- 2pts Total= 5pts ACTIVITY # 3 TITLE: Anong Barayti ito? Panuto: Tukuyin kung anong Barayti ng Wika ang sumusunod 1. Oh my God! It’s so mainit naman dito. 2. Hindi ikaw galing kanta. 3. Tagalog- “Mahal kita’’ 4. Hiligaynon- “Langga ta gd ka” 5. “Hindi ka naming tatantanan” Mike Enriquez 6. “Hoy Gising”- Ted Failon 7. Sali ako laro ulan 8. Erpats, alaws na tayo makain. 9. “Char-char lang mga momshie.” -Melai Cantiveros 10. “Bawal ang sad dapat happy!” -Ryzza Mae Dizon 11. Cebuano: Kinsay imong ngalan? 12. AWOL (absence without leave) – military jargon 13. Eow pfouh? Muztah nah? (Jejemon) 14. Hu u? txtbak 15. “Ako lugi na wag ka na tawad…” TSAPTER 4: GAMIT NG WIKA Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: 1. Natutukoy ang mga gamit ng wika sa lipunan. 2. Natutukoy kung ano-ano ang mga tungkuling ibinahagi ni M.A.K. Halliday. 3. Nakikilala ang mga paraan ng pagbabahagi ng wika na ibinigay ni Jakobson. TOPIKO 1: Gamit ng wika sa lipunan Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Isang magandang ehemplong magpapatunay rito ang kwento ni Tarzan. Mga tunog ng hayop ang kanyang unang natutuhan dahil ito ang wika ng mga kasama niyang hayop sa gubat. Ang isang batang walang ugnayan sa ibang tao ay mahihirapang matutuong magsalita dahil wala naman siyang kausap. Maging ang isang taong bagong lipat lang sa isang komunidad na may ibang wika, kung hindi ito makikipag-ugnayan sa iba, ay hindi matututo ng ginagamit nilang wika. Kung gayun, ang isang taong hindi nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita sa paraan kung paano nagsasalita ang mga naninirahan sa komunidad na iyon. Sadyang ang wika nga ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan na nagbubuklod sa mga tao. Hindi matatawaran ang mahalagang gamit nito sa lipunan. Marami-rami na rin ang nagtatangkang i-kategorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M. A. K. Halliday na naglahad ng mga tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study)(1973). Ang mga tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang sumusunod: 1. Instrumental Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. Halimbawa: a. Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall b. Pag-order ng pagkain sa isang restawran c. Kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements 2. Regulatoryo Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar; direksiyon sa pagluluto ng isang ulam; direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit; ar direksiyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo. Halimbawa: a. Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki. b. Pag-sasalita sa isang dibate. c. Panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil sa do’s and don’ts d. Pagbibigay ng direksyon, paalala o babala 3. Interaksiyunal Ang tungkuling itonay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa; napakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa partikular na isyu; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob; paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa. Halimbawa: a. Pagbati ng magandang umaga sa mga kapitbahay. b. Pagkwentuhan sa mga taong bagong mo lamang na kilala sa paaralan. c. Pakikipag chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar 4. Personal Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan. Halimbawa: a. Pagpapahayag ng opinyon sa isang pulong. b. Pagiging bukas sa mga problema sa sarili. 5. Heuristiko Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa pakasang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa pagkasang pinag-aaralan; pakikinig sa radyon; panonood ng telebisyon; at pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng mga impormasyon. Halimbawa: a. Pagtanong sa isang guro tungkol sa paksang hindi mo intindihan. b. Pagdalo sa isang seminar. 6. Impormatibo Ito ay kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghanap ng impormasyon, ito naman ayay kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Ang ilang halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, paggawa ng pamahanong papel, tesis, panayam, at pagtuturo. Halimbawa: a. Pag-uulat ng bagong kalagayan ng panahaon. b. Pagbabalita sa radyo o telebisyon. 7. Imahinatibo- Ito ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paglikha ng mga kwento, tula, at iba pang mga mga malikhaing ideya. Halimbawa: a. Pagsulat ng nobela. b. Paggawa ng bagong kanta. TOPIKO 2: Paraan ng pagbabahagi ng wika Si Jakobson (2003) naman ay nagbabahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. 1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive) Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon. Ang paggamit ng padamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin. Halimbawa : Paghanga : wow! Naks, ha! Ang galing! Inis/galit : Nakakainis! Ano ba!!!!! 2. Panghihikayat (conative) Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap. ito ay ginagamit upang mag-utos, maghikayat o magpapakilos ng taong kinakausap. Halimbawa : *Bilisan mo maligo! *Bumili ka ng burger! 3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan. ginagamit ng wika bilang panimula ng isang usapan o pakikipagugnayan sa kapwa. Halimbawa : *kamusta? *san ka nanggaling? 4. Paggamit bilang sanggunian (referential) Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ang mensahe at impormasyon. ito ay ang paggamit ng wikang nagmula sa aklat. Halimbawa : *Dyaryo, magazine atbp. 5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual) Ito ang gamit na limilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbigay ng komento sa isang kodigo o batas. pagbibigay ng opinyon sa mga bagay-bagay. Halimbawa : *pagpapahayag ng sariling saloobin sa isang particular na bagay. 6. Patalinghaga (Poetic) Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. isang masining na paraan sa pagpapahayag gaya ng sanaysay atbp. Halimbawa : *Tula tungkol sa pag-ibig, buhay atbp. Matapos unawain ang iba't ibang tungkulin ng wika ayon sa dalawang dalubhasa, maiiba na ang pananaw natin sa wika. Hindi na natin ito titingnan bilang isang normal na bagay na ginagamit sa araw-araw kundi isang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawan sa lipunan. ASSIGNMENT # 4 SUBJECT TITLE: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino I. May Pagpipilian: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. A. Impormatibo ay kabaligtaran ng heuristiko. B. Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao ang tawag sa instrumental na wika. C. Paggamit ng sanggunian ay paggamit ng wikang nagmula sa aklat. 1. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 2. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit A. Punasan mo ang dumi sa ibabaw ng lamesa ay halimbawa ng panghihikayat na paraan. B. Magandang umaga ay halimbawa ng Interaksyunal. C. Wow! Napakaganda mo naman ay halimbawa ng pagpapahayag ng damdamin. 3. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 4. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit A. Pagbabalita sa radio ay halimbawa ng heuristik. B. Tula tungkol sa pag-ibig ay halimbawa ng patalinhaga. C. Anak, hugasan mo ang ating pinagkainan ay halimbawa ng imahinatibo. 5. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang tama? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 6. Alin sa mga pangungusap sa itaas ang mali? a. Pangungusap A b. Pangungusap B c. Pangungusap C d. Pangungusap A at B e. Pangungusap B at C f. Pangungusap A at C g. Lahat ay tama h. Wala sa nabanggit 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng heuristik? a. Pagsasarbey b. Pagbibigay ng direksyon c. Pag-uutos II. Pagpapaliwanag: Ipaliwanag ang sumusunod. 1. “Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan”, ipaliwanag ang pahayag na ito. 2. Sa palagay mo, aling tungkulin ng wika ang pinakamahalaga. Bakit? 3. Sumulat ng isang diyalogo sa pagitan ng magkaibigan na nagpapakita ng interaksyunal na tungkulin ng wika? Note: Include the Criteria. Pamantayan sa paggawa ng Sanaysay Nilalaman- 3pts Gramar- 2pts Total= 5pts ACTIVITY # 4 TITLE: Alamin Mo!!! Panuto: Pag-aralan ang usapan. Alamin kung paano nagagamit ang tungkulin ng wika. Sitwasyon: nagkita si Menil at Emy sa isang mall. Menil: Emy, ano na musta ka na? Heuristik Emy: Oy, Menil ikaw na ba yan? ___________ Menil: Ano ka ba? Oo ako ito! Ikaw kumusta naman? ____________ Emy: Eto, dalaga pa hanggang ngayon, walang nagkamali. ___________ Menil: Ikaw naman, darating din yun. ________ Emy: Mabuti ka pa seksi na, mukhang mayaman pa. Ano ba ginawa mo? ______ Menil: Hindi naman nakapag-asawa lang ng mayaman at responsableng negosyante. __________ Emy: Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan.____________. Hindi, biro lang. Menil: ay naku, tamang-tama, binate pa rin si Mark Lacuesta, yung patay na patay sa iyo. Matagal ka nang hinahanap sa akin______________. Sa office ng mister ko nagtatrabaho bilang manager. Emy: Naku ‘yung mokong na yon asensado na pala _______________. Sige ibigay mo ang number ko sa kanya, pero huwag mong sabihin na interesado ako sa kanya, ha! Menil: Uy….. pakipot pa ang lola. _____________ Emy: Oy, hindi ha, kasi kala ko torpe yun! __________ Magustuhan pa kaya ako nun.____________ Menil: Sige, ingat ka ha.__________ Emy: Salamat Menil, “see you!”.______________ END OF FIRST QUARTER MODULE https://wika101.ph/barayti-ng-wika/ http://ezraperez.blogspot.com/2017/08/pagpapahayag-ng-damdamin-emotive.html