CO1-Komunikasyon-Aralin-3-Barayti-ng-Wika-Copy PDF

Document Details

SociableCopernicium

Uploaded by SociableCopernicium

Tags

Filipino language language varieties Tagalog Linguistics

Summary

This document presents a compilation of various Filipino language topics, focusing on different types of language varieties. Specific examples of language registers, dialects, and expressions within the Tagalog language are included.

Full Transcript

MAGANDANG HAPON MAGANDANG ARAW Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pan anaw, at mga karanasan Sitwasyon Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan, maraming tao kang nakasalubong at nakausap...

MAGANDANG HAPON MAGANDANG ARAW Kasanayang Pampagkatuto (Learning Competency) Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pan anaw, at mga karanasan Sitwasyon Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan, maraming tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin at babatiin? Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo? Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla? Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probisyano? Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang paraan ng iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong? Pamprosesong Tanong: 2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit? BARAYTI NG WIKA Alam Nyo Ba? Ang wika ay namamatay o nawawala. Halimbawa ng mga salitang namamatay na Salakat (pag-krus ng mga binti) Anluwage (karpintero) Napangilaka (nakolekta) Paano kaya maiiwasang mamatay ang wika? Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003) - hindi mamamatay ang isang wika hangga’t may mga gumagamit pa rin ng mga ito bilang kanilang unang wika, habang ginagamit sa pamilya, sa pang-araw-araw na gawain, at sa pakikihalubilo sa kapwa. Kapag ganito ang sitwasyon, mananatiling buhay na buhay ang wika. BARAYTI NG WIKA DAYALEK (Dialect) Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan Halimbawa ng Dayalek Tagalog sa Manila: “Kumain tayo sa mall. Tagalog sa “Magkain tayo sa Mall.” Halimbawa ng Dayalek TAGALOG TAGALOG SA SA RIZAL TERESA, MORONG CARDONA, AT BARAS ATE KAKA TATAY TATA LOLO AMBA LOLA INDA AT NANANG IDYOLEK Ito ay pansariling paraan ng pagsasalita ng isang tao. Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita. Mga pamosong linya ng isang kilalang tao. Halimbawa ng Idyolek “Magandang Gabi, Bayan!” -ni Noli De Castro “Handa na ba Kayo!” - ni Korina Sanchez SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Uri ng Sosyolek: 1. Gay Linggo- wika ng mga bading o bakla “Indiana Jones” –nang-indyan o hindi sumulpot “Kalerki”- nakakaloka “Trulalu”- totoo o tunay “Chaka”- pangit Uri ng Sosyolek: 2. Coño (Coñotic o conyospeak)- isang baryant ng Taglish Halimbawa  Kaibigan 1: Let’s make kain na.  Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.  Kaibigan 1: Come on na. We’ll gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure.  Kaibigan 2: I know, right. Sige, go ahead na. Uri ng Sosyolek: 3. Jejemon- nagmula sa pinaghalong jejeje na isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang Hapon na pokemon. -ginagamit ng mga kabataang jologs. Halimbawa:  aQcKuHh iT2h. (Ako ito)  MuZtAh (Kumusta)  143 (I love you) Uri ng Sosyolek: 4. Jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.  Ang mga Guro ay makikilala sa mga jargon na Lesson plan, class record, form 137  Abogado- exhibit, appeal, complainant  Doctor/Nurse- Medical Report REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Halimbawa ng Register Kapag Kaibigan ang Kausap. “Hindi ako makakasama dahil wala akong erap.” Kapag Guro ang Kausap. “Hindi ako makakasama dahil wala po akong pera.” Pormal na Paraan ng Pagsasalita, okasyon at maging sa pasulat. Pormal na tuno kung ang kausap ay ang Pagsimba Pagpupulong Sa korte PASULAT Ulat pormal na sanaysay Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tuno kung ang kausap niya ay may mataas na katungkolanng nagsasalita Di Pormal na Paraan Malapit na ugnayan Magkaibigan Magkapamilya magkasing-edad Matagal nang magkakilala at iba pa ETNOLEK Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolingguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa ng Etnolek Vakkul- tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa ulan. Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal PIDGIN Isang barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag- PIDGIN Halimbawa ng Pidgin Ako kita ganda babae. CREOLE Isang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. Halimbawa ng Creole Chavacano (wikang katutubo ay nahaluan na ng impluwensiya at bokabularyo ng wikang Espanyol o Kastila) Halimbawa ng Chavacano ang kanta ni Kim Chue na “Porque” Bakit mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser