Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by CherishedBaltimore7338
Integrated Basic Education Senior High School General Santos City
Tags
Summary
This document provides definitions and characteristics of the Filipino language. It details different levels of language and how they are used, while encompassing various concepts including the use of Filipino in social contexts. It is a handout meant for language studies students.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban KAHULUGAN NG WIKA Narito ang pagpapakahulugan ng iba’t ibang dalubhasa tungkol sa wika. Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban KAHULUGAN NG WIKA Narito ang pagpapakahulugan ng iba’t ibang dalubhasa tungkol sa wika. Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Semorlan: Ang wika ay isang larawang isinasaletra’t isinasabokal, isang ingat-yaman ng mga tradisyong nakalagak dito. Edward Sapir: Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. Caroll: Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at pagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natututunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad, Todd (1987): Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. Tumangan, Sr.: Ang wika ay isang kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at nagkakaugnay ang isang pulutong ng mga tao. Edgar Sturtevant: Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng tao. KONSEPTONG PANGWIKA Ayon kay Prop. Jomar I. Empaynado (2015), ang sitwasyong pangwika ay anumang panlipunang penominal sa paggamit at paghulma ng wika. Dagdag pa rito ang sinabini Prop. Atezora (2015) na ito ay tumutukoy sa kung anong wika ang ginagamit ng iba’t ibang sector ng lipunan at ang istatus ng pagkakagamit nito. Samakatuwid, ang sitwasyong pangwika ay mga pangayayaring nagaganap sa lipunan na may kinalaman sa polisiya o patakaran sa wika at kultura. Ang wika ay hindi lang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon kaya dapat lang na matutunan o malaman natin ang mga konseptong ginagamit kapag pinag-uusapan ang wika. KATANGIAN NG WIKA Marami pag-aaral ang naisagawa upang lubusang maunawaan ang WIKA bilang gamit sa pakikipagkomunikasyon. Tulad din ng tao na ang katangiang taglay nito ang siyang nagpapakilala sa kanya. Kaya naman nararapat na mabatid ng lahat na ang katangiang taglay ng itinuturing na kaluluwa ng bansa ay siyang katangian ng wika. 1. Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sisteratikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang wika ay sinasalitang tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin 4. Ang wika ay arbitraryo. Ito ay pinagkasunduan. 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang wika at kultura ang magkaugnay/ magkabuhol. 7. Ang wika ay nagbabago. Ang wika ay dinamiko. Hindi ito maaring tumanggaing magbago. 1 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban ANTAS NG WIKA Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika. PORMAL - Ito ang mga salitang istandard dahil kinilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang mga nakapag-aral ng wika. a. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaraan. b. Pampanitikan o Panretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining. Madalas itong gumagamit ng mga idyoma at/o tayutay. IMPORMAL. Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. a. Lalawiganin. Ito ay bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga particular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng ibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto. b. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari din itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri din sa antas nito. Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no (paano), sa’kin ( sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon). c. Balbal. Ito ang tinatawag sa Inles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas- bulgar (Halimbawa nito ay mga mura at mga salitang may kabastusan.) KONSEPTONG PANGWIKA Wikang Pambansa - FILIPINO Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng Komunikasyon sa isa’t isa ng mga pangkating katutubo. Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6: “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Wikang Opisyal - FILIPINO at INGLES Isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod- tanging istatus sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo Ang mga wikang ito ang legal na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyon panggobyerno, pasulat man o pasalita. Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Sek. 7: “ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay FILIPINO at hangga’t walang itnatadhana ang batas, INGLES.” 2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban Wikang Panturo - FILIPINO, INGLES at MOTHER TONGUE Tinatawag din itong “ Medium of Instruction” o MOI Sa paggamit ng wikang Kastila, Nihonggo, Ingles, at mga pangunahing wika sa Pilipinas ang ginamit na MOI sa iba’t ibang panahon Kautusang Kagawaran Blg. 25: Bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon o Bilingual Education Policy (BEP) at nadagdagan ng Department of Education Order 16, s. 2012: Mother-tongue Based Multilinggual Education (MTB- MLE) BILINGGUWALISMO Ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika. Maaari ding ilapat ang konsepto sa isang buong komunidad kung saan ginagamit ng mga mamamayan ang dalawang magkaibang wika o kaya naman ay ang political o institusyonal na pagkilala sa dalawang wika. MULTILINGGUWALISMO Ang multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika. Sa antas ng lipunan, ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon. Ayon kay Stavenhagen (1990), iilang bansa lamang sa buong mundo ang monolingguwal. Ibig sabihin, mas laganap ang mga lipunang multilinguwal kung hindi naman bilingguwal. REJISTER Ang rejister ng wika ay tumutukoy sa ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hinihingi ng sitwasyon o pagkakataon. Ayon kina Holliday, Et al.,1994, ginagamit ang rehistro sa pagtukoy ng barayti ng wika ayon sa gumagamit. Ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa ( Magracia , 1993) Ito ang set ng mga salita o ekpresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito. Maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan ng nagsasalita o grupong nag-uusap. Jargon - ang mga bokabularyo ng isang partikular na pangkat/larangan. BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang heyographical. Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan) pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog) Ala eh! (Batangas) Ang wikang tagalog, halimbawa ay sinasalita, hindi lamang sa Maynila kundi maging sa malaking bahagi ng Luzon. Dahil sa magkakaibanag lugar , nagkaroon ito ng barayti na makikita sa paraan ng pagsasalita, tono o punto at istuktura ng pangungusap. Sa Lalawigan ng Cavite Pare, nakain ka ba ng baka ? Kapag sinuri natin ang pangungusap sa punto ng taga-Maynila , aakalain na nagtatanong ang nagsasalita sa kausap kung siya ba ay kinain ng baka ? Sa Lalawigan ng Batangas Ala! Ang kanin eh malata eh! Malata Eh! 3 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban Mapapansin ang lakas ng pagsassalita ng mga Batangueno at gayundin ang paggamit nila ng ala eh o eh ! Kung hindi ka pamilyar sa pagsasalita ng mga taga-Batangas , maaaring matawa ka at hindi agad maunawaan ang naapakinggan pahayag. 2. Sosyolek - ginagamit ng isang partikular na grupo. Tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Halimbawa: Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko! (wika ng mga maarteng estudyante) Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera) Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo) Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!) May amats na ako ‘tol. (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid) 3. Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik. Halimbawa: “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio “Hoy Gising!” ni Ted Failon “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza “I shall return” ni Douglas MacArthur Aha!, ha, ha… okey! Darla! ni Kris Aquino 4. Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan o bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito. Halimbawa: Palikuran – banyo o kubeta Silid tulogan o pahingahan – kuwarto Pamingganan – lalagyan ng plato Pappy – ama/tatay Mumsy – nanay/ina “Kumain ka na ba anak?” , “Pakihugasan moa ng plato.” LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD Nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama-sama nito ang mga tao upang makabuo ng isang komunidad tungo sa pagtupad ng isang tungkulin, pagkilos at kolektibong ugnayan sa ikauunlad ng bawat isa. Sinasabi nga na anuman ang salitang namumutawi sa iyong labi, tiyak na may pananagutan ka rito. HOMOGENEOUS AT HETEROGENEOUS NA WIKA Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito. (Paz, et.al.2003). Konseptong pangwika na may literal na ibig sabihin na “pare-pareho o pagkakatulad”. Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o element heteros – nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos – nangangahulugang uri o lahi. Konseptong pangwika na may literal na ibig sabihin na “magkaiba” at “uri/lahi”. 4 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban Heterogeneous - wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. UNANG AT IKALAWANG WIKA UNANG WIKA Ang unang wikang natutunan, ginagamit sa pakikisalamuha at unang nakapagbatid ng mga kaalamang magiging kasangkapan sa pang-araw-araw na buhay. MOTHER TONGUE – akademikong terminong tawag sa unang wika Ayon kay Panganiban ang unang wika ay ang “SINUSONG WIKA” IKALAWANG WIKA Anumang wikang kasunod sa unang wika ay tinatawag na “pangalawang wika”. Mga salik sa pagsibol ng pangalawang wika: Migrasyon Bunsod ng hanapbuhay Pag-aasawa Edukasyon Polisiya GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN 1. INSTRUMENTAL Nagagawa ng wika na magsilbing instrumento sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anuman naisin. Kabilang dito ang pagbibigay mungkahi, panghihikayat, pagbibigay-utos at pagpapangalan. natutugunan ang pangangailangan ng tao tulad ng mga sumusunod: pagpapahayag ng damdamin panghihikayat direktang pag- uutos pagtuturo at pagkatuto Halimbawa: TAG LINES Globe Telecom: Abot mo ang mundo. Cobra Energy Drink: Hindi aatras ang may tunay na lakas! Meralco: May liwanag ang buhay! 2. REGULATORYO Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksiyon sa atin bilang kasapi o kaanib ng lahat ng alinmang institusyong nabanggit. MGA HALIMBAWA NG TUNGKULING REGULATORYO: pagbibigay ng mga patakaran, polisiya at panuntunan pagbibigay ng pahintulot at/o pagbabawal pagsang-ayon at/o di-pagsang-ayon pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto pagtuturo ng lokasyon direksyon sa pagluluto ng isang ulam direksyon sa pagsagot ng pagsusulit direksyon sa paggawa ng anumang bagay 5 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Bb. Loren Allaga/Bb. Hazel Cal/G. Marione Morga/ Bb. Mae Jelody Guiban 3. INTERAKSIYONAL Ang tungkulin ng interaksiyonal na wika ay tulungan tayong makipa-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kakilala Ito ay ginagamit sa pakikipagkapwa, pagpalano, pagpapayabong o pagpapanatili ng ugnayan sa iba, gayundin maaari rin namang may tungkuling panatilihin ang ekslusibidad. Halimbawa ng iba’t ibang interaksiyon: Group study Interaksiyon sa paglalaro ng online games 4. PERSONAL Personal bilang pagpapahayag ng sarili Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin Halimbawa: Talaarawan (diary) 5. HEURISTIKO Ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman. ilan sa mga ito ay ang pagsagot sa mga tanong, pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid. Halimbawa ng Heuristiko : Pag-imbestiga Pag-eeksperimento tama o mali Pagsagot Pakikipagtalo Pagbibigay-kahulugan Paglalahad Ng Konklusyon Pag-aanalisa Atbp 6. REPRESENTATIBO Dito ipinapamalas ang kagalingan o kahusayan sa paggamit ng modelo, estadistika, teknolohiya, mapa, o larawan upang ipakita ang representasyon ng ating realidad at lipunang ginagalawan. Ilan sa mga ito ay: Pagbabalita pagbibigay-paliwanag pag-iinform weather forecast **PAG-ARALAN AT BIGYANG-HALAGA ANG WIKA AT MAGING BUKAS ANG ISIP** 6