ARALIN 1 PAGLAKAS NG EUROPA Reviewer

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa paglakas ng Europa. Tinatalakay nito ang mga salik gaya ng pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, at pamahalaan ng mga hari, at ang papel ng simbahan. Nagpapakita ito ng mga pangunahing ideya ng aralin.

Full Transcript

**ARALIN 1 PAGLAKAS NG EUROPA** **MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPA** **1.PAG-USBONG NG BOURGEOISIE** **[Bourgeoisie]** -- (men of burg o burgers)mga pangkat ng tao o mamamayan na nagiging gitnang-uri (middle class) at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sila ay mga bagong ya...

**ARALIN 1 PAGLAKAS NG EUROPA** **MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPA** **1.PAG-USBONG NG BOURGEOISIE** **[Bourgeoisie]** -- (men of burg o burgers)mga pangkat ng tao o mamamayan na nagiging gitnang-uri (middle class) at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sila ay mga bagong yaman lamang. **[Burgh]** -bayan **[Burgher]**-mga taong nagtayo ng mga tirahan **[Burgher]** --kolektibong tawag sa mga bourgeoisie **KATANGIAN NG MGA BURGIS** - ang interes nila ay nasa kalakalan - ang mga anak ng mga mauunlad na burgis ay nag-aaral sa mga magagaling na unibersidad - nagtataguyod ng sining at nakalinang ng sarili nilang pagkamaharlika - mababa ang pagtingin nila sa mga dalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri sa lipunan **[batay sa yaman at hindi sa angkan]** - hindi sila Lord na may-ari ng lupa at hindi nakikidigma - ang mga burgis na nakatira sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo - habang dumarami ang kanilang kalakal ay umuunlad at yumayaman ang kanilang pamumuhay - sa pakikipagkalakalan sila umuunlad - ang daigdig nila ay hindi manor kundi ang pamilihan - hindi sila nakatali sa panginoong maylupa - ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan - hindi nakadepende sa sistemang piyudal ang kanilang serbisyo ay binabayaran - ang kanilang kapangyarihan ay pang ekonomiya lamang - ang kanilang kapangyarihan ay bunga ng pakikipag-alyansa sa mga hari laban sa mga landlord - pinalaya ang sarili sa anino ng piyudalismo - nagkaroon ng karapatang political, panrelihiyon at sibil noong ika-19 na siglo **SINO-SINO ANG MGA MAITUTURING NA BOURGEOISIE?** - ang matataas na uri ng burgis ay ang mga negosyante at bangkerop - pangkat ng mga mangangalakal - pangkat ng mga artisan na may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may particular na gamit o pandekorasyon lamang - nagmamay-ari ng mga bangko o banker - magmamay-ari ng mga barko o shipowner - mga pangunahing namumuhunan **[2. PAG-UNLAD NG MERKANTILISMO ]** **[MERKANTILISMO--]** isang Sistema na ang pangunahing layunin ay kapangyarihang politikal,na itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at : a. magkaroon ng malaking kitang magbibigay-daan upang ang hari ay makapagpagawa ng barko b. mapondohan ang hukbo c. magkaroon ng pamahalaang kinatatakutan at brerespetuhin ng buong daigdig **[Nasyonalismong Ekonomiko]**- isang element ng merkantilismo na ang ibig sabihin ay kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan,sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan **[DOKTRINANG BULLIONISM]** -- sentral sa teorya ng merkantilismo na ang sinasabi nito ay ang tagumpay ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito,kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis,ibig sabihin mas magiging mayaman at makapangyarihan ang isang naturang bansa. **3.PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY** \- pinalakas nito ang kapangyarihan ng mga hari sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo \- nabuo ang sentralisadong pamahalaan \- nagkaroon ng mga mamamayang magpatupad ng batas,magsagawa ng paglilitis,at magparusa sa korte ng palasyo -bilang resulta:ang katapatan ng mga mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila,handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito **BUWIS-** nakatulong ito upang magkaroon ng pondo ang hari at makabayad ng sundalo upang magbigay ng proteksyon. Ang hari ay maaring humirang ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis,hukom,sekretarya at administrador. **4.PAG-USBONG NG NATION --STATE** **[NATION-STATE] -** tumutukoy sa isang estado na pinanahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon at kasaysayan(Nasyon-nagkakaisang lahi) Bakit Estado? sapagkat nananahan ang **[mamamayan]** sa isang **[tiyak na teritoryo]** , at may **[pamahalaan]** silang may **[soberanidad o kasarinlan]** 4 na Elemento ng Estado 1.mamamayan(citizen) 2.teritoryo(territory) 3.pamahalaan(government) 4.soberanya(sovereignty) **5. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE** **[SIMBAHAN]** -ang bagong sentro ng debosyon,tinuligsa nito ang pang-aabuso ng mga hari na naging dahilan ng paglakas ng Papa. **[Papa Gregory VII]**- nagtakda na ang simbahan ay bahagi ng kaayusang banal na napapasailalim ng batas ng Diyos. **[Papa]**-pinakamataas na lider espirituwal at tagapagmana ni San Pedro,sila ang pinakamakapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Papa\-\-\-\--Obispo\-\-\-\--Hari -balangkas ng pagkasunod -sunod ng organisayon **[TANDAAN:ang mga Papa ay may karapatang tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi siya tumupad sa kanyang obligasyong Kristiyano.]** **Investiture Ceremony-** sumasalamin sa tunggalian ng interes ng simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. **Henry IV**-haring German na hindi nagustuhan ang ideya ni Papa Gregory VII,dahil ang isaping panatisismo ay tuwirang nakakaapekto sa mga kaugalian at usaping politikal ng Germany -naging ekskomulgado ng Simbahang Katoliko,ngunit hiniling nito na patawarin siya kaya tumayo ng nakayapak sa palasyo ng Canossa sa hilagang Italy ng 3 days sa kahilingang tanggalina ng ekskomulgasyon. **Resulta**: pinatawad si Haring Henry IV at lalong nagpatibay ito sa kapangyarihan ng Simbahan **Concordat of Worms**: Kompromiso sa pagitan ng simbahan at Henry IV at kumilala sa kapangyarihan ng sa tungkulin ng Obispo bilang lider-espirituwal ng Simbahan at panginoong maylupa. **Simbahan**-nagsasariling institusyon sa pamumuno ng Papa at hindi napasailalim sa sinumang hari at pinakapakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Sakop ng kapangyarihan A. Malawak ang lupang pag-aari nito B. Nagtakda sa Europa ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad C. Namala sa edukasyon D. Kayang utusan at pasunurin ang mga hari E. Nabuo ang imahen ng Europa bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano **DOCTRINA CHRISTIANA**- pinamunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa Bunga ng Paglakas ng Europa)11-13 na siglo 1. Lumaki ang populasyon 2. Nanumbalik ang dating siglang pangkalakalan 3. Umusbong ang mga lungsod na ng lumaon ay mga nation-states 4. Lumakas ang kapangyarihan ng simbahan **6.PAG-usbong NG RENAISSANCE** **[Renaissanc]e-** muling pagsilang o "rebirth"- kilusang kultural o intelektwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunag kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral ng panitikan at kultura ng nasabing sibilisasyon. \- bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modernong Panahon Bakit nga ba sa Italy? 1. Ito ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan sa Italyano kaysa sa mga Romano, at alinmang bansa sa Europa 2. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral 3. Dahil sa magandang lokasyon nito,dahil dito nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan ang mga lungsod nito sa kanlurang Asya at Europa 4. Mahalaga ang ginampanan ng mga Unibersidad sa Italy,napanatili nitong buhay ang kulturang klasikal at teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano 7. **Ang Mga Humanista** \- ang mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng Klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome,sila ay tinaguriang **"Guro ng Humanidades**" ,parttikular sa wikang latin **[HUMANIDADES]** -partikular na pinag-aaralan nito ang wikang Latin, komposisyon,retorika, kasaysayan at pilosopiya, matematika at musika. Tandaan:naniniwala ang mga humanista na dapat pagtuunan ng pansin ang ang klasikal sa sibilisasyong Greece at Rome dahil naglalaman ito ng ng dapat matutunan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Panuto: kumpletuhin po ito may halimbawa akong ibinigay. +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Sining at | **Pinta** | **Agham** | | Panitikan** | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Francesco Petrarch | Michelangelo | Nicolaus Copernicus | | | Bounarotti | | | Taguri:"Ama ng | | Taguri: | | Humanismo | Taguri: | | | | | Mga Akda: | | Mga | Mga Akda: | | | Akda:Songbook-isang | | | | koleksyon ng mga | | | | sonata ng pag-ibig sa | | | | pinakamamahal niyang | | | | si Laura. | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Giovanni Boccacio | Leonardo da Vinci | Galileo Galilei | | | | | | Taguri: | Taguri: | Taguri: | | | | | | Mga Akda: | Mga Akda: | Mga Akda: | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | William Shakespeare | Rafael Santi | Sir Isaac Newton | | | | | | Taguri: | Taguri: | Taguri: | | | | | | Mga Akda: | Mga Akda: | Mga Akda: | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Desiderious Erasmus | | | | | | | | Taguri: | | | | | | | | Mga akda: | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Niccolo Machiavelli | | | | | | | | Taguri: | | | | | | | | Mga akda: | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Miguel de Cervantes | | | | | | | | Taguri: | | | | | | | | Mga akda: | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ 8. **Mga kababaihan sa Renaissance** 1. Laura Cereta -nagsulong at nagtanggol ng pag-aaral ng humanistiko bago namatay sa edad na 30 para sa kababaihan(Brescia) 2. Isotta Nogarola-Dialogue on Adam and Eve at Oration on the Life of Saint Jerome(Verona) 3. Veronica Franco- sumulat ng tula (Venice) 4. Vittoria Colonna-sumulat ng tula (Rome) 5. Sofosniba Aguissola -pagpipinta (Self-Portrait)mula sa Cremona 6. Artemisia Gentileschi-anak ni Orazio-Judith and Her Maidservant with the Head of Holofernes at Self -Portrait as the Allegory of Painting. 9. **Repormasyon** -yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14 ka-17 na dantaon na humantong sa paghahati ng simbahang Kristiyano -ito ang simula ng paghihiwalay ng Protestaante at Simbahang Katoliko **[MARTIN LUTHER:]**AMA NG PROTESTANTENG PAGHIHIMAGSIK -Isang Mongheng Augustinian at naging propesor ng Teolohiya ng unibersidad ng Wittenberg -siyay nabagabag at nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan **Pagbebenta ng Indulhensya**-kasuklam-suklam na gawain ng simbahan **INDULHENSIYA**-isang kapirasong papel na na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. **[95 THESES]**- ipinaskil ni Martin Luther sa harap ng simbahan noong Oktubre 31, 1517. **[Charles V]**-tumapos sa digmaan Protestante at Romano Katoliko sa pamamagitan ng Kapayapaang Ausburg noong 1555 na kikilalanin ng mga hari at pari ang malayang pagpili ng relihiyon sa kanilang nasasakupan. 10. KONTRA-REPORMASYON Papa Gregory VII o mas kilala sa tawag na HILDERBRAND- ang siyang nagpasimula sa pagbabago sa simbahan 1. Pagbabawal sa peri na mag-asawa upang mailayo sa suliraning pampamilya at mailaan ang sarili sa paglilingkod sa Diyos 2. Pag-aalis ng simony 3. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkulin sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno Mga Kilusang itinatag ng simabahang Katoliko Catholic Reformation o Counter Reformation- isinagawa ito ng Council of trent Inquisition at samahan ng mga Heswita(Society of Jesus) Resulta ng Kontra -Repormasyon A. Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa dati nilang mga bansang tag-sunod B. Naging malakas ang katolisismo sa kanlurang Europe C. Nagtatag sila ng mga paaralan at naging dalubhasa sa pagtuturo D. Nagkaroon ng kaugnayan sa politika ng Europe E. Naging tagpayo sila at katapatang -loob ng mga hari at Reyna F. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa mga nagawa nila bilang iskolar at siyentista G. Nagpatupad ng Inquisition sa mga erehe at Hudyo sa panahon ni Reyna Isabella at Haring Ferdinand H. Nakidigma sila sa mga Muslim ng Granada, maging ang simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at Reyna. EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON 1. Nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang Hilaga ay Protestante at ang Timog ay nanatiling Katoliko 2. Marami ang humiwalay sa Simbahang katoliko dahil sa kanilang tiwaling katuruan at pagmamalabis 3. Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning panrelihiyon upang manumbalik ang dating paniniwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko 4. Digmaang panrelihiyon 5. Ang pununumbalik ng katuruang espiritual sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya at ang doktrinang kaligtasan batay sa Bibliya 6. Ang kaligtasan ay nakakamit hindi dahil sa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. **Karagdagang Kaalaman** **PAGPAPLANO NG PAMILYA** **R.A. 10354: Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012** +-----------------------------------+-----------------------------------+ | PAMAHALAAN | SIMBAHAN | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Nagsusulong ng paggamit ng | Nagsusulong ng Natural na | | artipisyal na pamamaraan sa | pamamaraan sa pagpaplano ng | | pagpaplano ng pamilya | pamilya | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Paggamit ng Contraceptives-upang | Ang paggamit nito ay itinuturing | | maiwasan ang paglobo ng | na abortion na labag sa katuruan | | populasyon | ng simbahan | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Hindi ang simbahan ang | Maaring gamitin ang ang natural | | nagkakaroon ng suliranin sa | dahil ang mga artipisyal ay | | pagtugon ng pangunahing | nawawalan ng disiplina ang ang | | pangangailangan ng mamamayan | mga tao at tumnataks sa | | | responsibilidad | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Maraming ina ang nanganganib ang | Ang sex education ay nakasasama | | buhay | dahil nagdudulot ito ng pagkasira | | | ng kaisipan ng mga batang | | | nag-aaral | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Kapag dumadami ang populasyon | Nasasayang ang pondo ng | | nahaharap ang mga mamamayan ng | pamahalaan sa pagbili ng | | kahirapan,kakulangan sa pagkain | contraceptives sa halip gamitin | | at nagreresulta ito sa | ito sa mahahalagang suliranin ng | | pagkagutom,kawalan ng | bansa | | trabaho,maraming bata ang hindi | | | makakapag-aral | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | Mga Halimbawa ng Artipisyal na | Mga Halimbawa ng Natural na | | pamamaraan | pamamaraan | | | | | -pills | \- calendar/rhythm method | | | | | -IUD | \- basal body temperature | | | | | -male condom | -cervical mucus method | | | | | -female condom | -Twoday Method | | | | | -vasectomy | -Coitus interruptus/withdrawal | | | method | | -tubal ligation | | | | -Breastfeeding/Lactation | | -vaginal rings | amenorrhea | | | | | -birth control implant | -fertility awareness | | | | | -Diaphragm | -abstinence | | | | | -contraceptive patch | -Herbal birth Control | | | | | -Cervical cap | -symptothermal method | | | | | -emergency contraception | | | | | | -surgical sterilization | | | | | | -spermicides | | +-----------------------------------+-----------------------------------+ Paalala: Magkaroon ng kopya ng inyong reviewer.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser