Mga Tala sa Ikatlong Markahan sa Araling Panlipunan 8 (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala sa Araling Panlipunan 8, partikular sa ikalawang markahan, na tumatalakay sa mga salik ng paglakas ng Europe. Sinusuri ang mga pangyayari sa ekonomiya at politika. Inaasahang magiging kapakipakinabang ito para sa mga mag-aaral.

Full Transcript

**Third Grading Notes in Araling Panlipunan 8** **[ANG PAGLAKAS NG EUROPE]** **MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPE:** **I. PAG-USBONG NG BOURGEOISIE** Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan a...

**Third Grading Notes in Araling Panlipunan 8** **[ANG PAGLAKAS NG EUROPE]** **MGA SALIK SA PAGLAKAS NG EUROPE:** **I. PAG-USBONG NG BOURGEOISIE** Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa Medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa paggawa ng mga kagamitang maaaring may particular na gamit o pandekorasyon lamang. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, magsasaka, o ng mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa , ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan. Hindi sila nakadepende sa sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang paggawa. Sa huling bahagi ng ika -17 na siglo, nagging makapangyarihang pwersa ang bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipowner, mga pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante. Hindi na kabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito ay maiuuri na sa mga manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya lamang. Maiuugat ang English Revolution, American Revolution, at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng monarkiya sa personal na Kalayaan, at sa Karapatan sa kalakalan, at pag-mamay-ari. Nagkaroon lamang ng political na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang political, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtaguyod ng liberalism. **II. ANG SISTEMANG MERKANTILISMO:** Hango sa ideyang ito ang karnasan ng Spain na yumaman at nagging makapangyarihan dahil sa mahahalagang metal na nanggaling sa mga kolonya nito sa South Amerika at Central Amerika. Gayundin kinailangan nila ng mga kolonyang magkaloob ng mga ginto at pilak. Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamahalaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangkat, mas maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapapanatili nito ang kalamangan sa balance ng kalakalan. Isang element ang **MERKANTILISMO** na nakatulong sa pagbuo at paglaka ng mga nation-state ay ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayhan. **(1)** Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang tinatawag na Merkantilismo ay nakatulong din sa pagbuo at paglakas ng mga nation-state sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at kapangyarihang political ng isang bansa. Bagamat kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay isang Sistema na ang pangunahing mga layunin ay political. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang magbibigay daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo at magkaroon ng pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig. Ang doktrinang **BULLIONISM** ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang naturang bansa. **III. PAGTATAG NG NATIONAL MONARCHY** Malaki ang naitulong ng pagtatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng piyudalismo, walng sentralisadong pamahalaan. Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing panginoong maylupa. Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mamamayang nagpapatupad ng batas at nagsasagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay lumipat mula sa panginoong maylupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksiyong ito. Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang hari mula sa proteksyon na dating ibinibigay ng mga knight ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga sundalo ay nasa hari, maaari silang gamitin ng hari laban sa mga knight ng panginoong may lupa kung kinakailangan. Bukod dito, maaari nang humirang ang hari ng mga edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom, sekretarya at administrador. **IV. PAG-USBONG NG NATION -STATE** Sa pagbabago ng konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang batayan ng mga nation-state sa Europe**. Ang nation -state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayan na may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.** Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na kultural,ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado sapagkat nananahanan sila sa isang tiyak na teritoryo at may pamahalaan silang may soberanidad o kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may katapatan sa kanilang bansa. Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihanna magpatupad ng batas sa buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ngb pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na tapat sa hari. **(2)** Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin ang pamahalaan ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga opisyal at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas at pagkakaloob ng hustisya. Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state,nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa Europe ang mga bagong institusyong pampolitika, panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang paglakas ng Europe ay nagbigay daan din sa pagpapalawak nito ng impluwensya. Naganap ito sa panghihimasok at pananakop ng mga Europeong nation-state sa Asya, America , at nang kinalaunan sa Africa. **V. PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO SA PAGLAKAS NG EUROPE** Habang nababawasan ang katapatan ng ordinaryong mamamayan sa mga panginoong maylupa, nakikita naman nila ang simbahan bilang bagong sentro ng debosyon. Sa loob mismo ng simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari na nagging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa. Sa pagsapit ng taong 1073, nagging mas makapangyarihan ang simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi ng kaayusan banal na napapasailalim sa batas nga Diyos. Bilang pinakamataas ma lider espirituwal at tagapagmana ng simbahang Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang may pinakamataas na kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito , ang lahat ng obispo ay dapat na mapapasailalim sa kanya, gayundin ang mga ahri nan ang kapangyarihan ay dapat lamang diumanong gamitin sa layuning Kristiyanismo. May Karapatan ang Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi siya tumupad sa kanyang obligasyong Kristiyano. Ang *Investiture Controversy* ay sumasalamin sa tunggalian ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng haring German na si Henry IV ang ideya ng Papa Gregory Vii. Para kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory Vii ay tuwirang nakaapekto sa mga kaugalian at usaping political sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong si Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa kaniya. Nang hindi ito ginawa ng Papa, tumayo si Henry IV nang nakayapak sa labas ng palsyo ng Canossa sa hilagang Italy ng tatlong araw noong 1077. Hiniling niya na alisin ang parusang ekskomulgasyon. Bagaman pinatawad din kalaunan ng Papa si Henry IV, ang nasabig insidente ay lalongnagpatibay sa kapangyarihan ng Simbahan. Kalaunan, upang malutas ang nasabing isyu, nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni Henry IV. Ito ay tinawag na Concordat of Worms noong 1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang lider-espiritwal ng Simbahan at panginoong maylupa. Kinilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi napapasailalim sa sinumang hari. Ang Simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapnagyarihan ng simbahan , mahalaga ang nagging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano- ang Republica Christiana na pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa. **(3)** Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11 na siglo hanggang ika-13 na siglo ay lumakas. Lumaki ang populsyon, namumbalik ang dating siglang pangkalakalan, umusbong ang ga lunsod at kalaunan ay nagging nation-state, at lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan. Ang mga salik na ito ang nagging daansa paglakas ng Europe at sa kaganapan ng sumunod na panahaon. MGA KONSEPTONG KAALAMAN: **1. Ang bourgeoisie ay binubuo ng mga mamamayan na kabilang sa panggitnag uri ng lipunan.** **2. Dahil sa impluwensiya ng mga bourgeoisie nasimulan nila ang mga reporma sa pamahalaan.** **3. Ang merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at kapangyarihan ng bansa.** **4. Sa pagkawala ng kapangyarihan ng mga panginoong maylupa, ang hari ang nagsilbing pinuno at nagpatingkad sa pagtatatag ng national monarchy.** **5. Ang Simbahan ang nagsilbing tagapangalaga ng kalinangan sa imperyo noong panahong Medieval.** **. RENAISSANCE:** **Renaissance-** nangangahulugang , " muling pagsilang" o *rebirth.* Maaaring ilarawan sa dalawang paraan: a\. bilang kilusang kultural o intelektwal na nagtatangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. b\. bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. **Mga Dahilan kung bakit sa Italy nagsimula ang Renaissance:** 1\. Italy ang pinagamulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano kaysa mga Romano o alinmang bansa sa Europe. 2\. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sap ag-aaral. 3\. Itinuturing na isa sa maraming dahilang kung bakit nagging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay ang magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa kanlurang Asya at Europe. 4\. Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga unibersidad sa Italy. Naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teknolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. **ANG MGA HUMANISTA** Sa pagtatapos ng Middle Ages, nagakaroon ng bagong kapangyarihan ang mga hari samanatalang ang kapangyarihan naman ng simbahan ay sismulang tuligsain. Ang mga digmaan, epidemya, at suliraning pang-ekonomiya ay tuluyan nang nagwakas. Nagbigay daan ang mga kaganapang ito sa pagsilang ng bagong pananaw na dulot ng interes sap ag-aaral ng sinaunanggreece at Rome, ang Humanismo. Ang mga iskolar na nanguna sap ag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome ay tinawag na ***HUMANIST o*** Humanista, mula saa salitang Italian na nangangahulugang **" guro ng Humanidades, particular ng wikang Latin". Pinag- aaralan sa Humanities o Humanidades ang wikang Latin at Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan, at pilosopiya, at maging ang Matematika at Musika. Sa pag-aaral ng mga ito, napagtanto ng mga humanist ana dapat gawing modelo ang mga klasikal na ideyang matatagpuan sa mga asignaturang ito.( ang humanismo ay isang kilusang intelektwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunang pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matuthan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay).** **(4)** **MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA'T IBANG LARANGAN** **SA LARANGAN NG PANITIKAN** **Francesco Petrarch ( 1304-1374)-** Ang **"Ama ng Humanismo"**.Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang **" Songbook"**, isang koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura. ![](media/image2.jpeg) **Giovanni Boccacio (1313-1375)-** Matalik na kaibigan ni Petrarch. Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang **" Decameron",** isang tanyag na koleksiyon na nagtataglay ng isandaang nakatatawang salaysay. **William Shakespeare (1564-1616**)- Ang **" Makata ng mga Makata"**. Naging tanyag na manunulat sa Ginintuang Panahaon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth II. Ilan saa mgasinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: **Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.** ![](media/image4.png) **Desiderious Erasmus (1466-1536)- " Prinsipe ng mga Humanista"**. May akda **ng " In Praise of Folly "** kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao. **Nicollo Machievelli (1469-1527)**- Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italia. May akda ng **" The Prince".** Napapaloob sa aklat na ito ang dalawang prinsipyo: **" Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan". " Wasto ang nilikha ng lakas".** ![](media/image6.png) **Miguel de Cervates( 1547-16160)-** sa larangan ng panitikan, isinulat niya ang nobelang **" Don Quixote de la Mancha" ,** aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period. **(5)** **SA LARANGAN NG PAGPIPINTA** **Michaelangelo Bounarotti (1475-1564)-** Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance, ang una niyang obra maetra ay ang **estatwa ni David.** Sa paanyaya ni Papa Julius II ipininta niya sa Sistine Chapel ng Kathedral ng Batikano ang kwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdigan hanggang sa pagbaha. Pina-kamaganda at pinakabantog niyang likha ang **La Pieta**, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipikasyon. ![](media/image8.png) **Leonardo da Vinci (1452-1519)-** Ang hindi makakalimutang obra maestra niyang **" Huling Hapunan" ( The Last Supper)**, na nagpakita ng huling hapunan ni Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo. Isang henyong maraming nalalamana sa iba't ibang larangan. Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. **Raphael Santi ( 1483-1520)-** **" Ganap na Pintor", " Perpektong Pintor".** Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balance o proporsiyon ng kanyang mga likha. Ilan sa kaniyang tanyag na gawa ang obra maestrang **" Sistine Madonna",** **" Modonna and the Child", at " Alba Madonna".** **SA LARANGAN NG AGHAM SA PANAHON NG RENAISSANCE** ![](media/image10.png) **Nicolas Copernicus (1473-1543)-** Inilahad ni Nicolas ang **Teoryang Heliocentric, Ang Pag-ikot ng daigdig sa aksis nito kasabay ng iba pang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.** Pinasinungalingan ng teoryang ito amg tradisyonal na pag-iisip na ang mundo ang sentro ng sansinukob, na matagal ding tinangkilik ng Simbahan. **Galileo Galilie (1564-1642)-** Isang Astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang **naimbentong teleskopyo** para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. ![](media/image12.png) **Sir Isaac Newton ( 1642-1727)-** **Ang higante ng siyentipikong Renaissance**. Sang ayon sa kaniyang **Batas ng Universal Gravitation,** ang bawat planeta ay may kani-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kani-kanilang pag-inog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas. **(6)** **MGA KABABAIHAN SA RENAISSANCE** **Isotta Nagarola ng Varona-** may akda ng Dialogue on Adam and Eve(1451) at Oration on Life of St. Jerome (1453), na kinikitaan ng kanyang kahusayan sap ag-unawa sa mga isyung teolohikal. ![](media/image14.png) **Laura Ceretan mula sa Brescia**- isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sap ag-aaral na humanistiko para sa kababaihan. Veronica Franco at Vittoria Colonna- pagsusulat ng Tula. ![](media/image16.png) **Sofonisba Anguissola** ng Cremona- may likha ng Self-Portrait (1554) **Artemisia Gentileschi na anak ni Ozorio**- nagpinta ng Judith and her Maidservant with the Head of Holoferness (1625). At Self Portrait as the Allegory of Painting (1630) **(7)** **ANG REPORMASYON** Ang katawagan sa mga kaganapan na yumanig sa kakristiyanuhan mula ika-14 hanggang ika -17 na dantaon na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristiyano. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng mga Protestante sa simbahan Katoliko Romano, gayunpaman hindi nagpabaya ang mga Katoliko Romanao, sinimulan nila ang pagbabago sa sariling relihiyon nang hindi binabago ang kanilang doktrina. **MARTIN LUTHER, AMA NG PROTESTANTENG PAGHIHIMAGSIK** Isang mongheng Augustinian at nagging Propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg ang nabagabag at nagsimulang magduda nang mabasa niya ang kaibahan ng katuruan ng Simbahan sa katuruan ng Bibliya tungkol sa kaligtasan. " Ang pagpapawalang sa sa Diyos sa mga tao ay nagsisimula sa pananampalataya, at nagging ganap sa pamamagitan ng pananampalataya" (Romans 1:17). Ang pag-aalinlangan at pagdududa ni Martin Luther sab isa at kapangyarihan ng mga relikya ay kaniyang napatunayan sa pagdalaw niya sa Rome noong 1571. Ang pagsiklab ng galit ni Luther ay ang kasuklam suklam na Gawain ng mga simbahan, ang pagbebenta ng **Indulhensiya.** Ito ay isang kapirasong papel na nagsasaad at nagpapalabas na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili at bilhin para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao. Ang hindi pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng Simbahan tungkol sa pagkamit ng indulhensiya, ang nagtulak sa kaniya para ipaskil sa pintuan ng simbahan, noong ika-30 ng Oktobre,1517 ang kaniyang **" Siyamnapu't limang Proposisyon" ( Ninety-five Theses).** Ipinanganak si Luther noong Nobyembre 10, 1483 sa Eisleben, Germany. Ang kaniyang ama si Hans Luther ay isang magsasaka na nagging minero ng tanso, samantalang ang ina niyang si Margareth Linderman ay mula sa isang pamilyang kabilang sa gitnang uri. Kumalat sa iba-ibang bayan ng Alemanya ang kapangyarihan ni Luther. Noong taong 1529,nagbigay ang mga sumusuportang estado at bayan ng Aleman ng isang prostetasyon-na siyang pinagmulan ng salitang **PROTESTANTE.** Sila ay ang mga sumasalungat sa mamamayang Katoliko at sa emperador ng Banal na Imperyong Romano. Pagkatapos ng ilang taong alitan ng Protestante at Katoliko Romano na humanatong sa digmaan, ito ay tinapos ni Charles V sa pamamagitan ng paglagda sa **Kapayapaang Ausburg noong 1555**. Nasasaad sa kasunduan na kilalanin ng mga hari o namumuno ang malayang pagpili ng relihiyon ang kanilang nasasakupan. **KONTRA- REPORMASYON** Bago nagsimula ang Repormasyong Protestante, nagsikap ang mga pinunong Katoliko na maituwid ang mga maling pamamaraan ng Simbahan. Si Papa Gregory VII (1037-1085), na lalong kilala sa una niyang pangalang Hilderbrand, ang nagpasimuno ng tatlong pagbabago sa Simbahan. 1\. pagbabawal sa mga pari na mag-asawa upang malayo sa suliranin ng pamilya at nang mailaan ang uong sarili sa paglilingkod sa Diyos. 2\. Pag-aalis ng Simony. 3\. Pagbabawal sa mga tauhan na tumanggap ng pagtatalaga sa anumang tungkuiln sa Simbahan sa kamay ng isang hari o pinuno. **(8)** Upang harapin ang hamon ng Protestantismo, isang malakas na kilusan ang sinimulan ng mga tapat na Katoliko upang paunlarin ang Simbahang Katoliko. Tinatawag ang kilusnag ito na Catholic Reformation o Counter Reformation. Isinagawa ito ng Konseho ng Trent, Inquisition at ng mga Simbahan ng mga Heswita (Society of Jesus). Nagtagumpay ang mga Heswita sa pagbawi sa Bohemia, Hungary,Poland at Timog Germany para sa Simbahang Katoliko. Sila ang nagging makapangyarihang lakas ng Katolisismo sa kanlurang Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan at nagging dalubhasa bilang mga guro. Pinilit din nilang magkaroon ng malakaing kaugnayan sa politika ng Europe. Nagging tagapayo sila at katapatang -loob ng mga hari at reyna ng mga kahariang Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na karangalan sa pamamagitan ng kanilang nagawa bilang mga iskolar at mga siyentista. Sa panahon nina Haring Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad ang Inquisition laban sa mga erehe at Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng Granda. Maging ang Simbahan ay sumailalim sa trono ng hari at reyna. **EPEKTO AT KAHALAGAHAN NG REPORMASYON** Malaki ang pagbabagong naganap sa Simbahang Katoliko noong ika-14 hanggang 17 na dantaon,kung saan maraming mga gawi at turo ng Simbahan ang tinuligsa ng mga repormista particular sa imoralidad at pagmamalabis ng Simbahan. Nagging tanyag ang pangalang **Martin Luther bilang " Ama ng Hmagsikang Protestante"** na siyang namuno sa paglaban sa mga depekto ng Simbahan. Ang kanilang layunin ay hindi upang sirain ang Simbahang Katoliko kundi upang maging bukas ang Simbahan sa mga pagbabago o reporma. Hindi nagustuhan ng Papa at ng mga kawani ng Simbahan ang pagtatagumpay ni Luther kaya't tinapatan nila ito ng **Council of Trent**, **Inquisition**, **at Society of Jesus na naglalayong pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.** Ang walang tigil na iringan sa pagitan ng Simbahang Katoliko at Protestante, at patuloy na pagpapalaganap ng paniniwala at adhikain ay nagdulot ng sumusunod na epekto: **1.** Nagakaroon ng dibisyong panrelihiyon sa Europe kung saan ang hilaga ay nagging mga Protestante samantalang ang timog naman ay nanatiling Katoliko. **2.** Sa kadahilanang maraming mga turo ng Simbahang Katoliko na iba sa aral ni Kristo, at iba pang pagmamalabis ng mga pari, marami ang humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagtatag ng mga sekta ng Protestante tulad ng Calvinism, Lutheranism, Methodist, Angelican, Presbyterian , at iba pa. **3.** Gumawa ng aksiyon ang Simbahang Katoliko hinggil sa mga suliraning panrelihiyon na kanilang hinarap upang muling mapanumbalik ang dating tiwala ng mga tagasunod nito at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko. Ang ilan sa mga repormang kanilang ginawa ay pagpapawalang bisa ng seremonya na tumutukoy sa pagbebenta at pagbibili ng mga opisyo ng Simbahan at ang pagbabawal sa pagtatalaga ng mga hari o karaniwang pinuno sa Simbahan. **4.** Ang taliwas na ideya ng dalawang malakaing relihiyon sa Europe (Katoliko at Protestante) ay nagbunga ng mahabang panahon ng digmaang panrelihiyon at **5.** Ang pagpapanumbalik ng katuruang espirituwal sa Kristiyanismo, ang pagpapalaganap ng Bibliya, at ang doktrina ng kaligtasan base sa Bibliya. Isinasaad dito na ang kaligtasan ay makakamit hind isa pagsapi sa Simbahan kundi sa pagtanggap at pagtitiwala kay Kristo. **(9)** **UNANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN** Nagsimula noong ika -15 na siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europoeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa **[kolonyalismo o ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.]** Tatlong bagay ang itinuturing na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: **(1) paghahanap ng kayamanan** **(2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo** **(3) paghahangad ng katanyagan at karangalan** Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang unang yugto ng Imperyalismong Kanluranin. **Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.** Maaari itong tuwiran o di-tuwirang pananakop. Hindi sana maisasakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 na siglo kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng **(1) pagiging mausisa dulot ng Renaissance.** **(2) pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagtuklas.** **(3) pagpapaunlad sa mga instrumenting pangnabigasyon at sasakyang pandagat.** Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa nagging takbo ng kasaysayan ng daigdig. Sa kabuuan, ang panahon ng eksplorasyon ay nagging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo. **MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON** Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama't ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango sa mga tala ng mga manlalakbay tuald nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na " The Travels of Marco Polo"( circa 1298) sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang mga rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado ng mga Muslim. Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang **compass at astrolabe.** Kapwa Malaki ang tulong ng dalawang instrumenting ito sa mga manlalayag. **Ang COMPASS ang nagbibigay ng tamang direksyon habang naglalakbay, samantalang gamit naman ang ASTROLABE upang sukatin ang taas ng bituin.** **Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain- ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the *Navigator* na nagging inspirasyon ng mga manlalayag sa kaniyang panahon.** Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap, na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal. Limitado lamag sa Spain at Porugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-16 na sig;o. ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Espanyol, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granda at nagwakas ang Reconquista. **(10)** Noong ika -17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galling Silangan. **ANG PAGHAHANAP NG SPICES** Mula noong ika-13 na siglo ay nagging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg. Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaangkat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian.dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghahangad ang mga Europeong mangangalakal ng direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga Europeo na gamitin ang katubigan. **PINANGUNAHAN NG PORTUGAL ANG PAGGALUGAD** Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagata ng Atlantic upang maghanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang mga mandaragat na Potuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya. Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na nagging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. Samantalang noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakabay na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspedisyon ay umikot s Cape of Good Hope., tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India. Dito natagpuan ni da Gama ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana, at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Potuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa kanila ngunit di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa bamsang Portugal ay nakilala siyang isang bayani. Dahil din sa kaniya kaya nalaman ng mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan. **PRINSIPE HENRY NG PORTUGAL( PRINCE HENRY THE NAVIGATOR)** Si prinsipe Henry, ay anak ni Haring Juan ng Portugal, ang nagging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pag-anyaya ng mga mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan,astrologo, at mag0aaral ng siyensya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang nagging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagang **" THE NAVIGATOR".** Dahil sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde. **(11)** **ANG PAGHAHANGAD NG SPAIN NG KAYAMANAN MULA SA SILANGAN** Ang pagpapakasal nina haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay nagging daan upang ang Spain ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang nagging daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamumunuan ni Christopher Columbus,isang Italyanong manlalayag. Noong 1492 ay tinulungan ni Columbus na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon patungong India na dumaan pakanlurang Talantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan,pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan. Ngunit naabot din niya ang mga isla ng Bahamas sa kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil sa ang kulay ng mga taong naninirahan doon ay gay ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga itong Indians. Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispaniola( sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa pangangailangan ng Spain ngunit sa tingin niya ay di parin niya tunay na narrating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya. Pagbalik niya sa Spain ay ipinagbunyi ang resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy, at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa ang kaniyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506. Narrating niya ang mga isla sa Carribean at South America ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungong silangan. Masusuri natin sa pangyayaring ito na may kakulangan sa mga makabagong gamit ang mga ginawang paglalakbay gaya ng map ana di pa maunlad. Noong 1507, isang Italyanaong nabigador , si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang Amerika. Ito ay naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. **PAGHAHATI SA MUNDO** Dahil sa lamalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa Papa sa rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng Line of Demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang liny amula sa gitna ng Atlantiko tungo hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. Nagduda ang mga Portuges sa nagging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nil ana baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. Sa pamamagitan ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494 nagkasundosila na ang line of demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng mundo na di pa nararating ng mga taga Europe. **ANG PAGLALAKBAY NI FERDINAND MAGELLAN** Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan, isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain. Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang silangang baubayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan. Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas. Isinilang si Ferdinand Magellan noong 1480 sa Sabrosa , Portugal. Si rui de Magallanes ang kanyang ama at Alda de Mesquita ang kanyang ina. **(12)** Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng ga kasamahan at pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at mga pampalasa. Nagging matagumpay din sila na madala sa Katolisismo ang mga katutbo. Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na maaaring ikutin ang mundo at muling makababalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang Circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan kayat lalo pang nakilala ang mga yaman nito. **ANG MGA DUTCH** Sa pagpasok ng ika-17 na siglo, napalitan ng mga Dutch ang mga Portuges bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang Moluccas mula sa Potugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinataniman ng mga halamang mabili sa pamilihan. Ang nagging epekto nito ay ang sapilitang paggawa na nagging patakaran din ng mga Espanyol sa Pilipinas. Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch sa North America. Pinangunahan ito ng English na manlalayag na si Henry Hudson na naglakabay para sa mga mangangalakal na Dutch. Napasok niya ang New York bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland. Noong 1624 isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York City. Kung ihahambing ang pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa pagkakatatag ng Dutch East India Company o Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga daungan nito ang nagbigay ng proteksyon sa monopoly ng mga Dutch sa paminta at iba pang rekado. - Kay Henry Hudson ipinangalan ang Ilog ng Hudson sa Manhattan , USA. **KAHALAGAHAN NG MGA PAGLALAYAG AT PAGTUKLAS NG MGA LUPAIN** **1. Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayagnoong ika -15 at** **ika-16 na siglo.** **2. Nawala sa dating kanalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamumunuan sa Medieval Period.** **3. Nagging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-dagat ng Atlantic mula Spain, Portugal,** **France, Flanders, Netherland, at England.** **4. Sa pagkakatuklas ng mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal katulad ng spices na nagmula sa** **Asya. Sa North America, kape, ginto at pilak; sa South America, asukal at molasses; sa kanlurang** **Indies, indigo. Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak** **na galing Mexico, Peru, at Chile.** **5. Nagapasimula sa pagkakatatag ng mga banko. Sa dami ng mga salapi ng mga mangangalakal,** **kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel ang kanilang** **ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal.** **6. Ang salapi ring ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang Sistema kung saan** **mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.** **(13)** Noong Medieval Period, hindi alam ng tao ang pag-iipon ng salapi. Nasisisyahan na sila kung sapat na ang kanilang kita para sa pangangailangan. Ngunit sap ag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago, bagkus ginamit nila itong puhunan para higit na lumago pa. **EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONISASYON** Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. Katulad ng sumusunod: **1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanyol at Potuguese ay nagbigay daan sa** **malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa** **natuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.** **2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at** **paglalayag.** **3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranain sa silangan.** **4. Nagdulot din ito ng maraming suliranain sa mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan,** **paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.** **5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga** **hayop,halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New world.** **MGA KATANUNGANG DAPAT ISA ISIP AT BIGYANG KASAGUTAN:** **1. Sino sino ang mga nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong mga lugar ang kanilang** **narating?** **2. Bakit mahalaga ang pagkakatukals nila ng mga bagong lupain?** **3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na naguna sa paggalugad sa daigdig?** **4. Paano nakatulong ang mga manalalayag na ito sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Europe?** **5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papaya ka ba? Bakit?** **6. Ano anong bansa ang naguna sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon? Ano anong mga** **bansa ang kanilang nasakop?** **7. Bakit nanakop ang mga bansang kanluranin?** **8. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa?** **9. Paano nabago ang buhay mg mamamayang nasakop ng mga Kanluranin?** **10. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop parin ang mga makapangyarihang** **bansa? Bakit?** **11. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnanais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong** **gagawin?** **(14)** **TALAHANAYAN NG MGA MANLALAYAG** +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **MGA NANGUNA | | | | | SA | | | | | EKSPLORASYON** | | | | +=================+=================+=================+=================+ | **PERSONALIDAD* | **BANSANG | **TAON** | **LUGAR NA | | * | PINAGMULAN** | | NARATING/KONTRI | | | | | BUSYON** | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **1. | **Portugal** | **1488** | **Dulo ng | | Bartholomeu | | | Africa ( Cape | | Dias** | **Italyano** | **1492** | of Good Hope)** | | | | | | | **2.. | **Portugal** | **1497** | **Kontribusyon: | | Christopher** | | | Maaring | | | **Portuguese na | **1519** | makarating sa | | **Columbus** | naglingkod sa | | Silangang Asya | | | Spain** | **1609** | sa pamamagitan | | **3. Vasco da | | | ng pag-ikot sa | | Gama** | **Dutch** | | aAfrica.** | | | | | | | **4. Ferdinand | | | **Bahamas sa | | Magellan** | | | South America** | | | | | | | **5. Henry | | | **Hispaniola( | | Hudson** | | | Haiti at | | | | | Dominican | | | | | Republic)** | | | | | | | | | | **Cuba.** | | | | | | | | | | **Kontribusyon: | | | | | nakatuklas ng | | | | | New wold, | | | | | ngunit hindi | | | | | niya itio | | | | | nabatid. Si | | | | | Amerigo | | | | | Vespucci ang | | | | | nakabatid sa | | | | | New Found Land | | | | | ni Christopher | | | | | Columbus kaya | | | | | sa pangalan | | | | | niya hango ang | | | | | America.** | | | | | | | | | | **Calicut, | | | | | India** | | | | | | | | | | **Kontribusyon: | | | | | Dahil sa kanya | | | | | nalaman ng mga | | | | | Portuguese ang | | | | | yaman at | | | | | kaunlaran ng | | | | | Asya.** | | | | | | | | | | **Pilipinas** | | | | | | | | | | **Kontribusyon: | | | | | nabatid na | | | | | maaring | | | | | makapunta ng | | | | | Silangan gamit | | | | | ang ruta | | | | | pakanluran. | | | | | Napatunayan na | | | | | bilog ang mundo | | | | | dahil sa ang | | | | | ekspidesyon ni | | | | | Magellan lang | | | | | ang nakaikot sa | | | | | buong mundo.** | | | | | | | | | | **New York, | | | | | USA** | | | | | | | | | | **Kontribusyon: | | | | | Ipinangalan sa | | | | | kanya ang | | | | | Hudson Bay sa | | | | | New York.** | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ **(15)** **ANG REBOLUSYONG SIYENTIPIKO** Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ay malaon na ginagamit ng mga Greek bilang Scientia na nangangahulugang " Kaalaman". Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista. Noong ika-15 na siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sangsinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyonal na kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 na siglo ay ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob. Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrument sa pagkakaroon ng panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating impluwensya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mgabtao ay nabawasan at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng bagong siyensiya. Nagging tulong ang panahon ng katuwiran (***Age of Reason***) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyonal na ideya at nabigyan ng bagong paglalarawan at redepinisyon ang lipunan. Ang Polish na si Nicolas Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow,Poland noong 1492. Kaalinsabay nito ang panahon ng pagkakatuklas ni Christopher Columbus sa America. Sa panahong ito ay nagpasimula na si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing paninwala at tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa Sansinukuban ay may mga pagkakamali. Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog na taliwas sa naunang paniniwala na ito ay patag at kapag narrating na ng isang manlalakbay ang dulo nito ay possible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sap ag-ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito'y umiikot sa araw. Idinagdag pa niya na ang araw ang siayng nasa sentro ng Sansinukuban na taliwas sa itinuturo ng Simbahan na ang mundo ang sentro ng Sansinukuban. Ang teoryang ito ay nakilala bilang Teoryang Heliocentric. **Ang kaisipang ito ni Copernicus ay di niya kaagad inilathala sa dahilang posibleng ito ang maging daan sa mga puna mula sa Simbahan at nangangahulugan ng presekyusiyon, ekskomunikasyon, o pagsunog ng buhay sa pamamagitan ng *inquisition.*** **MGA BAGONG TEORYA UKOL SA SANSINUKUBAN(*UNIVERSE)*** Si Johannes Kepler;isang Aleman na Astronomer, natural scientist, at mahusay na matematisyan. Siya ay nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika na tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at sa araw na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan. Ito ay tinawag niyang ***ellipse***. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay di pare-pareho sa bilis ng kanilang paggalaw ngunit bumibilis ito kung papalapit sa araw at bumabagal kung ito'y papalayo. Nagkaroon ng mga pagtatanong si Kepler sa mga pinuno sa academics at Simbahan ng panahon na iyon. Hindi siya nagkaroon ng pag-aalinlangansa kaniyang mga hinuha at pagsusuri at maging sa pagtatanong sa Simbahan dahil siya'y kabilang sa kilusang nagprotesta tungkol sa Simbahan sa panahong iyon. Ngunit ang kaniyang kontemporaryo na si Galileo Galilie na isang Italyano at Katoliko ay nagkaroon ng malaking oposisyon sa Simbahan. **(16)** Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong teleskopyo at nagging dahilan ng kaniyang pagkadiskubre sa kalawakan. Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na dahilan upang siya'y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng Simbahan. Ang pagdidiing ito sa kaniya ng Simbahan ay nagging daan upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-aaral at upang di ito maging daan ng pagtitiwalag sa kaniya ng Simbahan. Matapos ang retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na nagging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika. **ANG PANAHON NG ENLIGHTENMENT** Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba-ibang aspekto ng buhay. **Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinatawag itong Panahon ng Kaliwanagan ( Enlightenment).** Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. Bagama't ang Panahong Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 na siglo, maaari ding sabihing ito ay isang kilusang intelektwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelektwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,demokrasya, at maging sa sining. Ang mga intelektwal na ito ay nakilala bilang mga Philosophers o pangkat ng mga intelektwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan. Sinuri nila ang kapangyarihan ng relihiyon at tinuligsa ang kawalan ng katarungan sa lipunan. **ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA** Naging daan ang mga pagbabago sa siyensya upang mapag-isipan ng mga pilosopo at marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maaari ding maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang political,pagkabuhayan, at panlipunan. Inaakala nilang maipaliliwanag ang mga bagay-bagay sa tulong ng analitikong pangangatuwiran. Tunay na Malaki ang impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampolitika. **ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES TUNGKOL SA PAMAHALAAN** Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang pagpapalimbag ng isinulat niyang aklat na " Leviathan" noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong lipunan. Binigyan niya ng oagdidiin na ang tao ay kinakailangang pumasok sa isang kasunduan sa pamahalaan na kinailangang iwanan niya ang lahat ng kaniyang Kalayaan at maging masunurin sap uno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatuwiran ang pamamalakad. **(17)** **PAGPAPAHAYAG NG BAGONG PANANAW NI LOCKE** Isa pa sa kinilalang pilosopo sa Engalnd ay si John Locke na may paniniwala kagaya ng kay Hobbes na kinakailangang magkaroon ng kasunduan sa paitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral, at mayroong mga natural na Karapatan ukol sa buhay, Kalayaan, at pag-aari. Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na Karapatan. Binigyang din din niya na kung ang tao ay gumagamit ng pangangatuwiran sila ay makakarating sa pagbubuo ng isang pamahalaang may mabisang pakikipag-ugnayan na makatutulong sa kanila ng pinuno. Ang kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng lathalaing " Two Treatises of Government". Ang kaniyang sulatin ay nagging popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang nagging basehan ng mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Geat Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na sinulat ni Thomas Jefferson ay nagging mahalagang sulatin sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles. Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan. Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang pamahalaan: ang liheslatura na ang pangunahing Gawain ay ang pagbubuo ng mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas at ang hukuman na tumatayong tagahatol. Si Voltaire o Francois Marie Arouet, sa tunay na buhay ay isa ring Pranses na sumulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng France. Ito ang nagging dahilan ng kaniyang dalawang beses na pagkabilanggo at nang lumaon siya ay pinatapon sa England. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat sa England at binigyan niya ng pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton. **ANG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL** Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang transpormasiyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan na nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malakaing produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at mamasukan sa mga industriya upang kumite nang Malaki. **ANG BAGONG URI NG REBOLUSYON** Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Indutriyal. Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang nagging mabilis ang kanilang produksiyon at ito'y lumaki. Nagging daan ito upang sila'y magkaroon ng malalaking kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kalian nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyong agricultural. **(18)** **ANG PAGSIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL** **1.** ang Great Britain ang nagpasimula sa pagkakaroon nito ng maraming uling o iron na nagging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika. Lumaganap ang kaniyang pakikipagkalakalan at ito ay nagging dahilan ng paggiging matatag ng kaniyang kalakalan. Sinuportahang Mabuti ng pamahalaan ang kalakalang ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na hukbong pandagat upang protektahan ang kanilang imperyo ng kalakal. 2\. noong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Great Britain. Dati sa ilalim ng sistemang domestiko ( domestic system) ang trabaho sa pagpoprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan. Ang namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya sa kanilang lugar hanggang sa makabuo ng isang tapos na produkto na kaniya naming pinagbibili at pinapatubuan. Ngunit ang halaga ng tela ay mahal dahil sa ganitong Sistema nga ng pagbubuo na matagal. Ang mayayaman lamang ang may oportunidad na magkaroon ng maraming damit at ang paggamit ng kurtina at ilan pang gamit sa tahanan na gawa sa teal ay itinuturing na luho lamang ng panahong iyon. 3\. taong 1793 nang mainbento ng isang Amerikanong nagngangalang Eli Whitney ang cotton gin. Ito ay nakatulong para maging madali ang paghihiwalay ng buto at iba pang mga material sa bulak na dati ay ginagawa ng halos 50 manggagagwa. Dahil dito nagging mabilis na ang nasabing proseo at nakatulong ito ng malaking produksiyon para sa paggawa ng tela sa United States. 4\. dahil sap ag-iimbento ng maraming makinarya ay nagging madali ang pagprodyus ng mga tela at nagging mura na itong bilhin. Halimbawa ang making spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya. Ang dating ginagawa ng walong manggagawa ay maaari nang gawin ng isa na lamang sa tulong ng nabanggit na makinarya. **ANG PAGBABAGO AT PAGLAKI NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL** Ang pagkakaimbeto sa Steam Engine ay nagging daan para maragdagan ang suplay ng nenrhiya na magpapatakbo sa mga pabrika. Kaya mas marami pang mga sumunod na imbensyon na ginawa ang tao na karaniwang gawa sa bakal gaya ng mga maiknarya sa bukid, baril, saskyang dumaraan sa mga riles. Nakatulong ito ng mabilis na pagdadala ng mga produkto sa iba't ibang lugar at ugnayan sa pamamamgitan ng makabagong telekomunikasyon. Nagging kilala ang pangalan nina Alexander Graham bell bilang imbentor ng unang telepono at ni Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang nang lumaon ay makatulong para sa isang buong komunidad ay maliwanagan nito at patakbuhin pa ang mga makabagong nilang kasangkapan. Si Samuel B. Morse naman ay pinakilala ang telegrapo na nakatulong para makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan at kamag anak sa ibang lugar. Ang Newcomen steam engine at Watt steam enngine ay naimbento noong 1705 at 1760 na nakatulong sap ag pump ng tubig na ginagamit para makasuplay ng tubig na magbibigay ng enerhiyang hydroelectric na nagpapatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika. Ang Rebolusyong Industriyal ay nakatulong din sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa paghahanapbuhay ng mga tao. Maraming magkaroon ng malaking puhunan na nakapagbabago sa kanllang pamumuhay hanggang sa mabuo ang middle class o panggitnang uri ng mga tao sa lipunan. **(19)** **EPEKTO NG INDUSTRIYALISMO** Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lunsod ang mga taong taga- probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lunsod at nagging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang nagging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa nagging napakabigat na suliraning panlipunan at pang-ekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga union ng mga manggagawa hanggang noong kalagitnaan ng iksa 19 na siglo. Sa pagunlad ng indutriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisislbing oamilihan ng kanilang mga produkto. Katanungan: Ano ang nailtulong ng mga sumusunod na imbensyon: 1\. steam engine 2\. telepono 3\. telegrapo 4\. bombilya +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **Mga tanyag na | | | | | Personalidad sa | | | | | panahong | | | | | Siyentipiko, | | | | | Enlightnemnent | | | | | at Rebolusyong | | | | | Industriyal** | | | | +=================+=================+=================+=================+ | PERSONALIDAD | LARAWAN | LARANGAN | KONTRIBUSYON | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **Siyentipiko** | ![](media/image | Siyensiya | Teleskopyo(tele | | | 18.png) | | scope) | | Galileo Galilie | | Siyensiya | | | | ![](media/image | | Teoryang | | Nicolas | 20.png) | (20) | Heliocentric | | Copernicus | | | | | | ![](media/image | Siyensiya | Law of Gravity | | Isaac Newton | 22.png) | | | | | | **Pilosopiya(Pa | - Natural Law | | **Enlightenment | ![](media/image | mahalaan)** | | | ** | 24.png) | | - May akda ng | | | | **Pilosopiya(Pa | Leviathan | | Thomas Hobbes | | mahalaan)** | | | | | | - May akda ng | | John Locke | | **Cotton Gin** | Two | | | | | Treaties of | | **Industriyal** | | **Steam | Government | | | | engine** | | | **Eli | | | - Makinarya | | Whiteney** | | **(21)** | sa | | | | | paghihiwala | | **James Watt** | | | y | | | | | ng buto ng | | | | | | | | | | | | | | | | | | | | - Nakaimbento | | | | | ng steam | | | | | engine na | | | | | nagpabilis | | | | | sa | | | | | produksyon | | | | | at | | | | | tranportasy | | | | | on. | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **Industriyal** | ![](media/image | **Telepono** | **Napabilis ang | | | 26.png) | | Komunikasyon** | | **Alexander | | **Bombilya(ligh | | | Graham Bell** | | t | **Nagkaroon ng | | | | Bulb)** | electrisidad at | | **Thomas Alva | | | ilaw** | | Edison** | | **Telegrapo(Tel | | | | | egraph)** | **Telegrapo na | | **Samuel B. | | | nagpabilis ng | | Morse** | | | Komunikasyon** | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ **(22)** **IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN** **ANG PANANAKOP SA MAKABAGONG PANAHON** Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong Europeo. Isa isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands, France at Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asia at America. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa America, ang Timog Canada , at ang pinakamaganadang kolonya ng Spain at Portugal. Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 na siglo, habang nagaganap ang Ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahn mula 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na paglawak ng pagkakanluranin o Westernization ng ibang lupain. **DAHILAN, URI AT LAWAK NG PANANAKOP** **1.** Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa paggamit ng ***Manifest Destiny at White man's Burden.*** Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America. Paniniwala naman sa White Man's Burden na tungkulin ng mga Europeo at nang kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop. **2.** Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang Karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na mapalawak ng teritoryo at ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng pananakop. Maraming pagbabagong political, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang sinakop. May mga Mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya. **3.** Ang ***Protectorate*** ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa. ***Concession*** ay ang pagbibigay ngbespesyal na karapatang pangnegosyo. Samantalang ang **Sphere of Influence** ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa. **4.** Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-kayo. Iba -iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May nagtayo ng kolonya, protectorate, concession, o sphere of influence. Sa mga mananakop, pinakamalawak ang imperyo ng Great Britain. **(23)** **ANG PAGGALUGAD SA GITNANG AFRICA** Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating ang kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga ito ang malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat nito at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating ito nang isang misyonerong Ingles na si David Livingstone. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang ilog Zambesi. Siya ang unang ayuhan na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipnangalan sa Reyna ng England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay dahil sa sakit. **ANG PAG- AAGAWAN SA AFRICA NG MGA BANSA SA EUROPE** Noong panahon ng katanyagan ng pananakop, ang paglaganap ng relihiyon, ang pambanasang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod upang pag-agawan ang gitnang Africa. Sa loob ng 30 na taon, ang dating hindi kilalang mga pook ay naangkin lahat ng mga kanluraning bansa. Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo basin sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal ng Europe, si Haring Leopoldo I. pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy ang ibang bahagi. Nahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa-una ang hilagang bahagi na nakaharap sa dagat Mediterranean, pangalawa ang pinakagitnang bahagi ng tropiko o mainit na bahagi, at pangatlo ang malamig na bahagi sa may timog. Madaling narrating mula sa Europe ang unang rehiyon sa pamamagitan ng Dagat Mediterranean. Ngunit matapos bumagsak ang Imperyong Rome, nahiwalay ito sa Europe hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa relihiyon man. Islam ang nagging malaganap sa hilagang Africa at nagging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo pati na sa Europe. Yumaman ang mga lungsod sa rehiyong ito tulad ng Tunis, at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga sasakyang dagat ng mga Europeo. Sa simula , interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng alipin. Ngunit nagging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng hayop at mga pook na magandang panirahan. Pinaniniwalaang may mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco, dahil ito'y makapagddala ng kayamanan para sa mga Europeo. **IMPERYALISMONG INGLES SA TIMOG ASIA** Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain. Sa hallip, lao pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong Amerikano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India Company sa India nagging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya sa bansa. Hindi naglaon, inilipat ang control ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyong Great Britain noong huling bhagi ng 1800. Tinawag na " Pinakamaningning na Hiyas" ng imperyo ang India. Sa Treaty of Paris noong 1763 na nagwakas s apitong taong digmaan ng France at Great Britain, nawalan ng Teritiryo sa India ang France. **(24)** **UNITED STATES SA PALIGSAHAN NG MGA BANSANG MANANAKOP** Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang industriyalisado. Bagaman marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, napasali ito nang nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898. Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam, Puerto Rico, at Pilipinas. Ayon kay Pangulong William McKinley, pinag-isipan pa niya kung ano ang narrapat gawin sa Pilipinas. Nakuha ng United States ang Pilipinas at iba pang dating mga sakop ng Spain tulad ng Guam na nagging himpilang-dagat patungo sa Silangan at Puerto Rico bilang himpilang-dagat sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin nila ang dalawang teritoryo- ang Samoa na anging mahalagang himpilang-dagat at ang Hawaii kung saan makikita ang Pearl Harbor na siyang pinakatampok na basing pandagat ng United Sates sa Pacific. **ANG PROTECTORATE AT IBA PANG URI NG KOLONYA** Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na ito upang mapanatiling bukas sa pamilihan sa mga bayan na ito,makakuha ng hilaw na sangkap at mapangalagaan ang ekonomikong interes ng America. Ang malalaking Samahan sa Negosyo ng America ay nakakuha ng malalaking bahagi ng lakas-pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga minahan, mga balon ng langis, mga taniman, mga daang-bakal, at Samahan ng mga sasakyang dagat. Ang iba pang pook na nakaligtas sa pagkkaroon ng hidwaan ng mga bansang mananakop ay ang Usatralia, at ang kalapit na New Zealand dahil matibay itong nahawakan ng Great Britain. Dito ipinadala ng Britain ang mga bilanggo matapos ng himagsikan sa America. Nang makatuklas ng ginto sa Australia,maraming Ingles ang lumipat dito at ito na ang nagging simula ng pagtatag ng mga kolonya sa Autralia at New Zealand. Ito ang isang halimbawa kung paanong ang sakop na lupain ay maggamit na tirahan ng dumaraming tao. **EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON** **Epekto ng kolonisasyon sa mga bansang nanakop** Maraming espekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop**. Ang mga gawaing pampolitika,pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal at pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilboi sa pagtatanim, sa pagawaan ng barko sa hukbong sandatahan.** **Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang nasakop** Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura. **Epekto ng Imperyalismo** Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay nagging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Nagging sanhi ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang Pambansa, ang pamana ng mga Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin hanggang ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga nang hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan. **(25)** **REBOLUSYONG PANGKAISIPIAN** **Rebolusyong Pangkaisipan-**tumutukoy ang rebolusyon sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo't higit sa mga taong nasany sa isang tahimik atvkonserbatibong pamumuhay. Isa sa mga bunga ng pamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba-ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan,pampolitika,panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinatawag itong Panahon ng Kaliwanagan ( Englightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitika, at pang-ekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo. **KAISIPANG POLITIKAL**- umunlad ang Englightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na siglo (1700's). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si **Baron de Montesquieu** dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon. Sa kaniyang aklat na pinamagatang " The Spirit of the Laws" (1748), tinalakay niya ang iba't ibang pamahalaang namayani sa Europe. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament. - **Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan sa pamahalaan sa tatlong sangay( ehekutibo, lehislatura, at hudikatura). Ayon sa kanya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.** **PILOSOPHES** Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo, isang pangkat ng mga taong tinatawag na Philosophes ang nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay maggamit sa lahat ng aspekto ng buhay, tuald ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya: 1\. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan ay maaaring malaman gamit ang katuwiran. Para sa kanila, ang katuwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. 2\. May paggalang ang philosophes sa kalikasan ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay Mabuti. Naniniwala sila na may likas na batas ( natural law) ang llahat ng bagay. Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya, at politika ay gayon din. 3\. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas nga kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay. 4\. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng " makagaaham na paraan". 5\. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang Kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan, at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason. **(26)** **Francois Marie Arouet ( Voltaire)-** " The Pen is Mightier than the Sword"- Madalas gumait si Voltaire ng satiriko laban sa kanyang mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang beses na siyang nakulong. Matapos nito'y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. Nang makabalik sa Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Jristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinion, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, Kalayaan sa pamamahayag at pagpili ng relihiyon, at tolerance. **Jean Jacques Rousseau-** nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kilala dahilsa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang-indibidwal (individual Freedom). Siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siayng nagnakaw sa kabutihan ng tao. Ayon sa kanya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masam lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kanyang kinabibilangan. Maiuugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang Kalayaan at pagkapantay-pantay na siya naming katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin nya ang kasamaan ng lipunan(Evils of Society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito. Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na **The Social Contract**. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa pangkalahatang kagustuhan ( general will). Samakatuwid isinusuko ng tao ang kanyang will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang social Contract niya ang nagging saligan ng mga batas ng rebolusyong sa France. **Denis Diderot-** ang ideya ng mga philosophes sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28 volume ng Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya, at relihiyon. Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyunal na relihiyon. Bilang tugon pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito. Sa kabila ng pagpigil na ito, humigt kumulang 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa America at kalaunan sa Asya at Africa. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT Ang islogang " Kalayaan at pagkakapantay" ay tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang Karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700) nnag magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan. - **Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft** -- nanguna sa ipinaglalaban ng mga kababaihan. - **A Vindication of the Rights of the Women**- isinulat ni Wallstonecraft-hinihingi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pantay -pantay ang kalalakihan kababaihan. **(27)** **Kaisipang Pang -ekonomiya** **Laissez faire-** malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamhalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak. **Physiocrats-** ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakakatulong sa pagpapayaman. **Francois Quesnay**- isa sa naniniwala sa malayang ekonomiya. **Adam Smith-** ekonomistang British na naniniwala na ang market o pamilihan ay maaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan. kailangan ng produksiyon upang kumita ang tao. Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ay ang pagbibigay proteksiyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. **Epekto ng Pagkamulat ng Pangkaisipan:** 1\. Ang pangkaisipang pagkamulat ang nagbigay daan sa Pranses at Amerikanong Rebolusyon. 2\. Nagbigay Karapatan sa mga tao na makapili ng sarili nilang pilosopiya. 3\. Higit na nagging mapanuri ang mga tao at iba-ibang pananaw ang kanilang natutuhan. 4\. marami ang natotong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng sinusunod. 5\. nagging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan samantala ang iba ay nagnanais na baguhin ang estruktura sa lipunan. 6\. nagbigay daan sa isa pang uri ng rebolusyon ang Rebolusyong Politikal. **REBOLUSYONG POLITIKAL** **Rebolusyong Amerikano: Sanhi, Karanasan, at Implikasyon** Ang digmaan para sa Kalayaan ng America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na nagging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil sa wala silang kinatawan sa Parliamento uoang sabihin ang kanilang mga hinanaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isnag malakas na hukbo na nagging dahilan ng pagbubuo ng United States of America. **Ang Rebolusyong Pranses: Ang pamumuno ng Karaniwang Uri** **Salik sa pagsiklab ng Rebolusyong Pranses:** 1\. kawalan ng katarungan ng rehimen 2\. oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalgayan 3\. walang hangganang kapangyarihan ng hari 4\. personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno 5\. krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan. **(28)** **TALASALITAAN:** **ABSOLUTE MONARCHY**- uri ng monarkiya na ang kapangyarihan ng hari ay hindi nalikimitahan ng sinuman. **BOURGEOISIE**- panggitnang uri o middle class na binubuo ng mga negosynte, banker, may ari ng pantalan o daungan, at mga kauri nito **ENLIGHTENMENT**- kilusang intelektuwal na naglalayong gamitin ang agham sa pagsagot sa mga suliraning ekonomikal, political, at maging kultural. **FRENCH REVOLUTION**- rebolusyong pinasimulan ng mga Pranses na naglalayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at Kalayaan. **GEOCENTRISM**- paniniwala noong panahon ng medieval nan ang daigdig ay ang sentro ng solar system **HELIOCENTRISM**- paniniwalang ang araw ang sentro ng solar system **HUMANISMO-** isang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunang pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome. Humanista ang taong tumatangkilik sa ideyang ito. **IMPERYALISMO**- pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit, at iba pang pamamaraan upang maisakatuparan ang layunin. **INDUSTRIYALISASYON**- pagbabagong pang-ekonomiya na unang naranasan sa England na gumamit ng mga makinarya kaya nagkaroon ng mabilisang produksiyon. **KOLONYALISMO**- pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. **KONTRA-REPORMASYON**- kilusang pangrelihiyon ng Simbahang Katoliko na naglalayong panumbalikin ang tiwala ng mga mananampalataya sa Kristiyanismo particular sa Katolisismo. **LAISSEZ FAIRE**- binibigyang diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan. **MERKANTILISMO**- patakarang pang-ekonomiya na nakatuon sap ag-iipon ng mahalagang metal tulad ng ginto at tanso. **MONARCHY**- uri ng pamahalaang pinamumunuan ng hari , reyna, at mga kauri nito. **NAPOLEONIC WAR**- digmaang pinangunahan ni Napoleon Bonaparte na naglayong pag-isahin ang buong Europe. **NASYONALISMO-** damdamin at paniniwalang Makabayan na nag-uugat sa pagmamahal sa isang bansa o estadong kinabibilangan. **NATION -STATE**- terminong pampolitika na tumutukoy sa isang teritoryo na pinananahanan ng mga mamamayan na may magkakatulad ng wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan at napasailalim sa isang pamahalaan. **PHILOSOPHES-** grupo ng mga intelektuwal sa panahon ng enlightenment na naninkwalang ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay. **PHYSIOCRATS-** mga taong naniniwala at nagpapalaganap ng ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. **REBOLUSYON-** nangangahulugan ng mabilis , agaran, at radikal na pagbabago sa isang lipunan. **RENAISSANCE-** tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece na sumibol sa bansang Italya. **REPORMASYON**- kilusang pangrelihiyon na naglalayong manghingi ng reporma sa Simbahang Katoliko. Ito ay katawagan din sa mga kaganapan na yumanig sa Kakristiyanohan mula ika -14 hanggang ika-17 na siglo na humantong sa pagkakahati ng Simbahang Kristianismo **(29)**

Use Quizgecko on...
Browser
Browser