Araling Panlipunan Baitang 8, Yunit 11 (PDF)

Summary

Ang dokumento ay isang serye ng mga aralin sa Araling Panlipunan para sa Baitang 8 ukol sa Pag-usbong ng Makabagong Europa, tinatalakay ang bourgeoisie, merkantilismo at iba pang kaugnay na konsepto. Sumasaklaw ito sa iba't ibang aralin, layunin, at gawain.

Full Transcript

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 11 Pag-usbong ng Makabagong Europa TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Pag-usbong ng Bourgeoisie 4 Layunin Natin...

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 11 Pag-usbong ng Makabagong Europa TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Pag-usbong ng Bourgeoisie 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11 Aralin 2: Merkantilismo 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 18 Sagutin Natin 19 Pag-isipan Natin 19 Gawin Natin 20 Aralin 3: Pambansang Monarkiya 22 Layunin Natin 22 Subukan Natin 23 Alamin Natin 24 Pag-aralan Natin 24 Suriin Natin 28 Sagutin Natin 29 Pag-isipan Natin 29 Gawin Natin 29 1 Aralin 4: Panahon ng Rennaisance 31 Layunin Natin 31 Subukan Natin 32 Alamin Natin 33 Pag-aralan Natin 33 Suriin Natin 36 Sagutin Natin 36 Pag-isipan Natin 37 Gawin Natin 37 Aralin 5: Ang Simbahang Katoliko at Repormasyon 39 Layunin Natin 39 Subukan Natin 40 Alamin Natin 41 Pag-aralan Natin 41 Suriin Natin 49 Sagutin Natin 50 Pag-isipan Natin 50 Gawin Natin 50 Aralin 6: Kontribusyon ng Makabagong Europa sa Daigdig 52 Layunin Natin 52 Subukan Natin 53 Alamin Natin 54 Pag-aralan Natin 54 Suriin Natin 60 Sagutin Natin 61 Pag-isipan Natin 61 Gawin Natin 61 Karagdagang Kaalaman 63 Pagyamanin Natin 63 Paglalagom 65 Dapat Tandaan 66 Dagdag Sanggunian 67 Gabay sa Pagwawasto 67 Sanggunian 71 2 Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN YUNIT 11 Pag-usbong ng Makabagong Europa Ang Scuola di Atene na nilikha ni Raphael noong Panahong Rennaisance Ang huling bahagi ng Gitnang Panahon ay isang panahon ng pagbabago. Muling nanumbalik ang ekonomiya ng Europa at nagkaroon ng bagong grupong panlipunan na nagkaroon ng impluwensiya sa loob ng mga bansa. Nabuhay muli ang pagmamahal sa sining at agham. Lumakas din ang mga monarkiya sa Europa. Bagama’t malakas pa rin ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko, nagsimula ang paghingi ng kaliwanagan sa awtoridad nito. Ang mga pagbabagong ito ang nagdala sa Europa sa makabagong panahon. Sa yunit na ito, tatalakayin natin ang pag-usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, mga pambansang monarkiya, ang Renaissance, at ang Repormasyon. 3 Aralin 1 Pag-usbong ng Bourgeoisie Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang pag- usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon. Ang pag-usbong ng makabagong Europa ay naging bunga ng mga pag-unlad sa larangan ng ekonomiya. Bunga nito, umusbong ang isang kapitalistang lipunan na nakasentro sa pagpapaunlad ng kayamanan. Kasabay nito, lumaganap din ang sistema ng produksiyon at industriyalisasyon. Namulat ang lipunang Europeo sa isang kapaligiran na puno ng pakikipagkalakalan at pagpapalakas ng kapangyarihan. Paano nahubog ng mga bourgeoisie ang pagpapatuloy ng makabagong Europa? Ang tanong na iyan ay ating sasagutin sa araling ito. Bukod pa riyan, tatalakayin din natin ang kasaysayan ng pag-usbong ng bourgeoisie, ang iba’t ibang pangyayari na kalakip ng pag-usbong ng uring ito, at ang Pagtatala ng bourgeoisie ng mga datos epekto ng pamamalakad nila sa lipunang tungkol sa kaniyang negosyo Europeo. 4 Subukan Natin Makikita sa larawan ang tipikal na anyo ng isang bourgeoisie ayon sa dulang Le Bourgeois gentilhomme (1670). Pag-aralan ang larawan at itala sa mga patlang ang katangian ng isang bourgeoisie. Mga katangian ng isang bourgeoisie: 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 3. ______________________________________________ 4. ______________________________________________ 5. ______________________________________________ 6. ______________________________________________ 7. ______________________________________________ 8. ______________________________________________ 9. ______________________________________________ 10. ______________________________________________ 5 Pag-aralan Natin Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, Alamin Natin nagkaroon ng muling paglakas ng ekonomiya Tandaan at gawing gabay ang na dulot ng pagtaas ng produksiyong kahulugan ng sjumusunod na agrikultural, mas mapayapang kapaligiran, at salita: pagbabalik ng kalakalan. Ang paglakas ng artisano – taong may ekonomiya ay nakasentro sa mga bagong kakayahang gumawa ng mga lungsod at bayan na nabuo, at ang mga produkto gamit ang kamay namalagi sa mga siyudad at bayan na ito ang Gitnang Panahon – panahon bumuo ng bagong klaseng panlipunan: ang sa Europa sa pagitan ng bourgeoisie. pagbagsak ng Imperyong Romano at pag-usbong ng Kasaysayan ng Pag-usbong ng Imperyong Ottoman Bourgeoisie Ang bourgeoisie ay ang gitnang uri (middle class) na binubuo ng mga malayang nakapag-aral na mga tao, katulad ng mga mangangalakal, artisano, doktor, abogado, at mga klerikal na manggagawa. Ang bourgeoisie ay ang mga naging bagong mayaman, at napagitnaan ang kanilang katayunang panlipunan ng mga aristokrata at ng mga magsasaka. Sa kaniyang akda na Le Bourgeois gentilhomme (1670), ipinakilala ng Pranses na manunulat na si Molière ang mga bourgeoisie bilang mga social climber. Ayon sa kaniya, isang katangian ng uring ito ang lubos na paghahangad sa kayamanan at pag-aasam ng mas engrandeng buhay na higit pa sa kanilang kakayahan. Ang pag-usbong ng bourgeoisie ay naganap kasabay ng pag-usbong ng mga lungsod at bayan noong huling bahagi ng Gitnang Panahon. Nang muling Si Molière, ang may-akda ng Le lumakas ang ekonomiya, kinailangan ng mga Bourgeois gentilhomme (1670) mangangalakal ng permanenteng lugar kung saan 6 sila maninirahan at mag-iimbak ng mga produkto. Tumaas ang populasyon ng mga siyudad at kinailangan magtayo ng mga pader upang maipagtanggol ang mga tirahan at ari-arian ng mga nakatira sa mga lungsod. Tinawag na bourg o “bayan na pinalilibutan ng pader” ang mga lungosd, at tinawag naman na bourgeoisie o “taong bayan” ang nanirahan dito. Sistemang Guild Upang lalong mapalago ang mga negosyo ng mangangalakal at ang kahusayan ng gawa ng mga artisano, ang mga grupo nila ay nagtatag ng mga guild. Ang guild ay eksklusibong organisasyon para sa karapatan at benepisyo ng mga miyembro nito. Mayroong dalawang uri ng guild: mga guild ng mangangalakal (merchant guild) at mga craft guild ng mga artisano. Ang mga guild ng mangangalakal ang unang uri ng guild na lumitaw sa Europa. Simula pa noong ika-10 siglo, bumuo na ng mga organisasyon ang mga mangangalakal para maipagtanggol ang kanilang ari-arian, katulad ng mga kabayo, kariton, at kalakal, habang sila ay naglalakbay. Ang mga guild ng mangangalakal ay kadalasang nagtatayo rin ng sarili nilang mga bayan. Pagpapakita ng guild, ayon kay Rembrandt (1662) 7 Ang mga craft guild ay umusbong dulot ng pagdadalubhasa ng iba’t ibang uri ng artisano sa industriya. Ang mga artisanong may magkakatulad na propesyon ay bumuo ng mga grupo para sa proteksiyon at pagtutulungan. Walang maaaring pumasok sa isang propesyon nang hindi napapabilang sa tamang guild. Hindi rin maaaring magbenta ng gawa ng mga dayuhang artisano sa loob ng bayan. Nagtatakda rin ng tamang bayad para sa mga artisano ang mga guild at sinisiguro na mataas ang kalidad at tama ang pagkakapresyo ng bawat produkto. Upang maituring na dalubhasa sa kanilang propesyon, ang mga bagong miyembro ng mga craft guild ay kailangang dumaan sa sumusunod na mga hakbang: apprentice, journeyman, at master. Ang mga apprentice ay karaniwang mga binatilyo na naninirahan kasama ng isang dalubhasa at ng kaniyang pamilya. Binabayaran ng mga magulang ng apprentice ang dalubhasa upang siya ay matuto ng propesyon ng dalubhasa. Ang pagsasanay ng isang apprentice ay umaabot ng dalawa hanggang pitong taon. Pagkatapos ng matinding pagsasanay, ang apprentice ay nagiging journeyman na tumatanggap ng sahod para sa trabahong ginagawa niya. Upang makamit ang susunod na antas sa kaniyang propesyon, kailangang makagawa ng obra maestra ang journeyman. Kapag natapos ng journeyman ang kaniyang obra, ito ay pagbobotohan ng mga dalubhasa. Kapag tinanggap ng mga dalubhasa ang obra, siya ay mapapabilang sa mga master. Kahalagahan ng Bourgeoisie Ang pangunahing interes ng bourgeoisie ay ang pagpapayabong ng kanilang mga negosyo o ng kanilang propesyon. Ang interes na ito ang nakatulong sa pagpapalakas ng komersiyo sa bawat bayan na nagdala ng bagong kaunlaran sa mga bansa sa Europa. Bukod sa pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo, nagkaroon din ng interes at nagbigay din ng suporta sa mga gumagawa ng sining ang mga miyembro ng bourgeoisie. Nakatulong ang suporta nila sa panunumbalik ng sining sa Europa. 8 Ang buhay ng bourgeoisie ay nakasentro sa merkado, hindi sa simbahan o sa manor. Ang bourgeoisie ay naging malaya sa impluwensiya ng mga aristokrata. Dahil sa kanilang tagumpay sa komersiyo at kanilang mga propesyon, ang ilan sa kanila ay naging maimpluwensiya sa pulitika. Ang mga hari ay nagsimulang kumuha ng mga ministro mula sa gitnang uri. Sa hinaharap, ang impluwensiyang bourgeoisie ang pagmumulan ng ilang mga rebolusyon sa pulitika at lipunan. Dahil sila ay nakapag-aral, naging kritikal din ang mga bourgeoisie sa mga paniniwala ng lipunan. Nagsimula ang bourgeoisie na tutulan ang katiwalian sa Simbahan, at ang mga katangiang ito ng bourgeoisie ang nagdala ng maraming pagbabago sa Europa noong panahong iyon. Bourgeoisie 9 Suriin Natin A. Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap o pahayag. _________________ TAMA 1. May tatlong lebel na pagdadaanan ang isang tao bago maging ganap na kasapi ng craft guild. _________________ MALI, Moliere 2. Ayon kay Rembrandt, ang mga bourgeoisie ay may katangiang social climber. TAMA _________________ 3. Ang buhay ng bourgeoisie ay nakasentro sa merkado at hindi sa simbahan o manor. TAMA _________________ 4. Ang pangunahing interes ng bourgeoisie ay ang pagpapayabong ng kanilang mga negosyo o ng kanilang propesyon. TAMA _________________ 5. Ang guild ay eksklusibong organisasyon para sa karapatan at benepisyo ng mga miyembro nito. B. Isa-isahin ang hinihingi. Magbigay ng tatlong lebel na pinagdadaanan ng isang mamamayan upang mapabilang sa craft guild: apprentice 1. __________________________________________________ journeyman 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________ master Magbigay ng dalawang uri ng guild: 1. __________________________________________________ merchant guild o mangangalakal na guild 2. __________________________________________________ craft guild 10 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang tawag sa mga bayan sa Europa noong Gitnang Panahon? 2. Ano ang pangunahing interes ng mga bourgeoisie? 3. Ano ang dalawang uri ng guild? Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang mga guild sa pagpapayabong ng kahusayan ng mga artisano at negosyo ng mga mangangalakal na bourgeoisie? Gawin Natin Kumpletuhin ang sumusunod na dayagram na nagpapakita ng bahagdang panlipunan sa Europa pagkatapos umusbong ng bourgeoisie. Gamitin ang mga salita sa kahon upang makumpleto ang dayagram. Ipaliwanag sa klase ang mga ginagampanang tungkulin sa lipunan ng mga nasa bahagdan. Hari Magsasaka at alipin Bourgeoisie Aristokrata 11 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa Kailangan pa [75%] [100%] Pamantayan Marka kaysa ng Magaling Napakahusay Inaasahan Pagsasanay Nilalaman Halos walang Kalahati Malinaw at Kumpleto, laman at lamang sa tama ang napakalinaw, napakalabo ng nilalaman ng nilalaman ng at tama lahat dayagram; ito dayagram ang dayagram; ang nilalaman ay resulta ng malinaw at may ilang ng dayagram; kawalan ng tama; lumang entry; ang kasanayan at kailangan pa ang resulta ng makabuluhang interes sa ng ibayong gawain ay resulta ng pananaliksik pananaliksik bunga ng gawain ay upang pananaliksik bunga ng makumpleto pananaliksik ang gawain Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi maging output; may ipinasang ng output; maayos at ilang nakitang output; walang napakaraming malinis sa bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, paggawa; pagkakamali dumi, o dumi o maraming pagkakamali pagkakamali nakitang bura, dumi, o pagkakamali Panahon ng Hindi na sana Hindi Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa magpapasa ng nakapagpasa ng output sa ng output bago output kung ng output sa itinakdang pa ang hindi hiningi itinakdang panahon itinakdang ng guro panahon panahon KABUUAN 12 Aralin 2 Merkantilismo Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang pag- usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon. Isang daungan sa Pransya sa kasagsagan ng merkantilismo Sa kasalukuyan, ang konsepto ng merkantilismo ay kinikilala na bilang isang pambansang gawaing pang-ekonomiya; subalit, ang pag-usbong ng sistemang ito ay naganap kasabay ng pagbibigay-tuon ng mga Europeo sa kapitalismo at pagpapalaganap ng kapangyarihan. Noong ika-15 hanggang ika-18 siglo, naging gawain at kultura para sa mga bansa sa Europa na magpalakasan at magpatatag ng kani-kaniyang kapangyarihan. Bunga nito ay ang imperyalismo na siyang tuluyang nagpalakas ng iba’t ibang bansa sa Europa. 13 Subukan Natin Ipinakikita sa larawan ang tanyag na pintang Merchants of Venice (1733). Sa iyong pagsusuri, paano ipinakikita ng larawang ito ang konsepto ng merkantilismo? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang sanaysay. 14 Pag-aralan Natin Noong ika-16 hanggang ika-18 na siglo, lumakas Alamin Natin ang ekonomiya ng mga bansa sa Europa dulot ng paglaganap ng pangangalakal. Ang Tandaan at gawing gabay ang paglaganap ng pangangalakal ay nagdala ng kahulugan ng sumusunod na mga pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng salita: lipunan at sa pamamahala ng ekonomiya sa merkado – palengke; Europa. Ang isang pagbabago na naganap ay pamilihan ang pag-usbong ng sistemang merkantilismo. nangangasiwa – namamahala pagkonsumo – ekonomikal na Ang Pag-usbong ng Sistemang proseso ng paggamit ng mga Merkantilismo mga produkto o serbisyo Nang lumaganap ang pangangalakal sa Europa, kapalit ng salapi o kita tumaas ang mga presyo ng bilihin dahil sa pagluluwas – pagdadala pagtaas ng pangangailangan para sa mga pilak – silver produkto. Ang pagtaas ng presyo ay nagdulot sa pagpili ng nakararami na mamuhunan sa halip ruta – daanang pangkalakalan na gumastos. Ang mga pamahalaan ay kabilang ng mga barko din sa mga namuhunan sa mga piling industriya, katulad ng mga armas. Upang matugunan at makahanap ng murang pagkukunan ng mga ito, naitatag ang mga kompanyang nangangalakal (trading company) na nakipagkalakalan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, at nagsimula din ang paghahanap ng kolonya na pagmumulan ng pangangailangan ng bansa sa Europa. Bagama’t lumawak at naging mahalaga ang pangangalakal sa ekonomiya ng mga bansa sa Europa, naging maingat ang mga Namumuhan ang pamahalaan sa mga armas. 15 pamahalaan sa Europa sa pagbabantay ng balanse ng kanilang pangangalakal. Ang sistema ng pamamahala sa pangangalakal at ang sistemang ibinunga nito ay tinatawag na merkantilismo. Ang Sistemang Merkantilismo Ang sistemang merkantilismo ay nangibabaw sa Europa, at ang mga pamahalaan ang nangangasiwa sa ekonomiya upang mapalakas ang bayan. Sa sistemang ito, mahalaga ang ginto at pilak bilang panukat ng kayamanan ng isang bansa. Upang maparami ang suplay ng ginto at pilak, kailangang magpanatili ng positibong balanse ng kalakalan sa pamamagitan ng pagkontrol ng pagluwas (export) at pag-angkat (import) ng mga produkto. Sa pag-usbong ng sistemang ito sa Europa, hindi maiiwasan ang mga hindi pagkakasundo ng mga bansa. Paglalarawan sa Anglo-Dutch War Tandaan na nagbunga ng malaking kompetisyon para sa mga Europeong bansa ang makalikom at makasakop ng mas maraming teritoryo upang maitatag ang kapangyarihan. Ang paghahanap ng bagong ruta, daungan, at mga lagusan ang naging pangunahing tuon ng pamahalaan. Isang halimbawa ng hindi pagkakasundo ng mga bansa sa Europa ay ang Anglo-Dutch War noong ika-17 siglo kung saan pinaglabanan ng Britanya at Netherlands ang kontrol sa mga karagatan at ruta. 16 Mahalaga rin ang mga kolonya sa sistema ng merkantilismo. Ang mga kolonya ang pinagmumulan ng murang kagamitang panangkap para sa produksiyon at serbisyo. Bukod pa dito, ang mga kolonya rin ang nagsilbing merkado para sa mga produkto ng mga bansa sa Europa. Ang Pilipinas ay isang halimbawa ng kolonyang Europeo (partikular na ng Espanya) noong panahon ng merkantilismo. Mabubuting Epekto ng Merkantilismo Naging mabuti ang epekto ng merkantilismo sa mga ekonomiya ng mga bansang Europeo. Pinalawak nito ang pangangalakal sa pagitan ng mga bansang-estado sa Europa na dati lamang nakasentro sa mga lungsod ng Genoa, Venice, at Florence sa Italya. Isang halimbawa na lang ang Inglatera na nag-angkat ng mahigit 360,000 tonelada ng produkto sa dulo ng ika-17 na siglo. Bukod sa kalakalan sa Europa, nagkaroon din ng ugnayan ang mga bansang Europeo sa mga bansa sa iba't ibang bahagi ng mundo. Dahil sa pagpapalawak ng pangangalakal, dumami rin ang mga produkto na ipinagbibili sa mga merkado sa Europa. Bukod sa mga produkto mula sa mga kolonya, nagkaroon ng palitan ng trigo at troso mula sa Baltic, mga alak mula sa Pransya, lana at prutas mula sa Espanya, sutla mula sa Italya, at iba pang produkto mula sa iba’t ibang bansa. Hindi lamang ang pangangalakal ang umunlad, kung hindi pati ang lokal na ekonomiya ng mga bansa sa Europa. Tumaas ang produksiyon ng mga produkto sa mga bansa ng Europa, dahil sa pagluluwas ng mga ito. Nagdulot ito ng higit na paglakas ng bourgeoisie at ng industriya sa Europa. Hindi Mabuting Epekto ng Merkantilismo Hindi lamang mabubuti ang epekto ng merkantilismo. Ang mga kolonyang napasailalim sa mga bansang Europeo ay nakaramdam ng paghihirap dahil sa sistemang ito. Nagkaroon ng malawakang kompetisyon sa pagitan ng mga bansang Europeo upang makahanap ng mga bagong teritoryong gagawing kolonya. Dahil sa pagpasok ng mga Europeo, ang mga kolonya ay nawalan ng kontrol sa pangangasiwa ng kanilang ekonomiya. Ginamit ng mga bansang Europeo bilang pagkukunan ng manggagawa at kagamitang panangkap ang mga kolonya, at maliit lamang ang bayad na ibinigay nila para dito. Bukod sa obligasyon na ibigay ang pangangailangan ng mga manananakop, kinailangan din bilihin at ikonsumo ng mga kolonya ang mga produkto ng mga bansang Europeo. 17 Naglagay din ng mga regulasyon ang mga bansang Europeo sa mga kolonya ukol sa pagpasok nito sa pandaigdigang kalakalan. Bagama't mayroong materyales para sa produksiyon ang mga kolonya, hindi maaaring makipagkumpitensya ang mga kolonya sa produksiyon at pangangalakal ng mga bansang Europeo. Hindi rin basta-bastang maaaring makipagkalakal ang mga kolonya sa ibang mga bansa, bukod sa kanilang mananakop. Ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng pagdepende ng ekonomiya ng mga kolonya sa mga mananakop. Bagama't nakakuha ng malaking pakinabang ang mga bansang Europeo sa sistemang merkantilismo, hindi nagdulot ng pag-unlad ng ekonomiya sa mga kolonya ang sistemang ito. Suriin Natin A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A. Hanay A Hanay B c 1. Digmaan sa pagitan ng Britanya at A. imperyalismo Netherlands e 2. Tawag sa sinakop na bansa ng mga Europeo B. Roma a 3. Kinalaunan ng merkantilismo C. Anglo-Dutch War b 4. Sentro ng kalakalan sa Italya D. Ginto at pilak d 5. Batayan ng kapangyarihan ng bansa E. kolonya f 6. Industriyang pinondohan ng pamahalaan F. armas G. Venice 18 B. Magbigay ng apat na hindi mabuting epekto ng merkantilismo: 1. ________________________________________________________________________________ Malaking kompetisyon maliit ang pagbayad sa mga bansang sinakop 2. ________________________________________________________________________________ may regulasyon 3. ________________________________________________________________________________ hindi basta-bastang manganalakal sa ibang bansa 4. ________________________________________________________________________________ Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Kailang umusbong ang sistemang merkantilismo? 2. Ano ang tawag sa mga kompanyang naitatag upang makipagkalakalan sa iba't ibang bahagi ng daigdig para matugunan ang mga pangangailangan ng mga bansang Europeo? trading company 3. Ano ang nakuha ng mga bansang Europeo sa kanilang mga kolonya? mga natural na resources Pag-isipan Natin Ano ang kahalagahan ng sistemang merkantilismo sa paglaganap ng pandaigdigang kalakalan? 19 Gawin Natin Magsaliksik tungkol sa sistemang merkantilismo ng bansang Inglatera noong ika-17 siglo. Maglista ng ilan sa mga polisiya ng Inglatera sa mga kolonya nito ayon sa sistemang ito. Sistemang Merkantilismo ng Inglatera: Mga Polisiya sa mga Kolonya 1. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Halos walang Kalahati Malinaw at Kumpleto, laman at lamang sa tama ang napakalinaw, napakalabo ng nilalaman ng nilalaman ng at tama lahat output; ito ay output ang output; may ang nilalaman resulta ng malinaw at ilang medyo ng output; ang kawalan ng tama; kailangan malabo ang makabuluhang kasanayan at pa ng ibayong paliwanag; ang resulta ng 20 interes sa pananaliksik resulta ng gawain ay pananaliksik upang gawain ay bunga ng makumpleto bunga ng pananaliksik ang gawain pananaliksik Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 21 Aralin 3 Pambansang Monarkiya Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang pag- usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon. Ang monarkiya ay isang uri ng pamamahala kung saan ang estado o bansa ay pinamumunuan ng isang hari o Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa reyna. Ang ganitong uri ng pamamahala ay pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino naging laganap sa Europa ilang daang Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa taon na ang nakakalipas. Hanggang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino kasalukuyan ay mababakas pa rin sa mga bansa sa rehiyon ang pamamayani ng mga dugong bughaw. Ang mga miyembro ng monarkiya ang itinuring na pinakamataas na miyembro ng lipunan. Sa pagdating ng panahon ng imperyalismo at merkantilismo, naging malaki ang papel ng monarkiya sa pagsakop at pagpopondo ng mga kolonya. Paano naitatag ang monarkiya sa mga bansa sa Europa? Ang sagot sa tanong na iyan ay ating tatalakayin sa araling ito. Ang globe at scepter ay simbolo ng paghahari ng isang monarko. 22 Subukan Natin Sa sariling pagkaunawa at pananalita, ipaliwanag ang sumusunod konsepto. Konsepto Paliwanag Monarkiya Anglo-Saxon Magna Carta House of Commons Ganap na Monarkiya 23 Pag-aralan Natin Noong Gitnang Panahon, naging malakas ang Alamin Natin impluwensiya ng mga panginoon ng mga manor dahil sa lawak ng kanilang pag-aaring lupain at Tandaan at gawing gabay ang sa mga taong umaasa sa kanila para sa kahulugan ng sumusunod na seguridad at pamumuhay. Nanumbalik ang salita: ekonomiya at nang naging sentro ng Anglo-Saxon – mga pamumuhay ang mga lungsod, unti-unting mamamayang nanirahan sa nabawasan ang kapangyarihan ng mga Inglatera noong ika-5 siglo panginoon. Ang mga namunong hari ay hukuman – korte nagsimula din magpalawak ng teritoryo at manor – lugar sakahan magpalakas ng sentral na awtoridad. Ang mga vassal – tao na pagbabagong ito ay nagdulot ng pagtatag ng mga pambansang monarkiya o isang uri ng nangungupahan ng lupang pamahalaan na pinamumunuan ng hari o sakahan reyna. Naunang naganap ang mga pagtatag ng estado – kalagayan pambansang monarkiya sa Inglatera at Pransya. Ang Pagtatag ng Pambansang Monarkiya sa Inglatera Noong 1066, sinakop ng mga Norman, sa pamumuno ni William ng Normandy, ang Inglatera at pinalitan nila ang dating linya ng mga haring Anglo-Saxon. Tinaguriang Battle of Hastings ang pananakop na ito. Upang mapalakas ang kaniyang hawak sa bagong kaharian, kinuha ni William ang mahigit 20 porsyento ng kalupaan sa Inglatera. Ang natirang bahagi ay pinanghawakan ng mga panginoon, ngunit kinailangan sumumpa ng katapatan at magbigay ng hukbo ang mga ito bilang vassal. Battle of Hastings 24 Noong 1086, higit pang pinalakas ni William ang kaniyang kaharian sa pamamagitan ng Oath of Salisbury Plain, kung saan pinasumpa niya ang mga vassal ng mga panginoon ng pangunahing katapatan sa hari. Nagsagawa din siya ng senso sa Inglatera, upang maisagawa ang sistema ng pagkolekta ng buwis. Higit pang napalakas ng mga sumunod na hari ang kapangyarihan ng monarkiya. Sa ilalim ng pamumuno nina Henry I at Henry II napasailalim ang mga mahalagang kaso sa korte ng hari, sa halip ng mga lokal na hukuman. Ang mga desisyon ng hukom sa korte ng hari ay itinala, at ito ang naging basehan ng batas na ipinatupad sa buong kaharian. Dahil iisa lamang ang batas na sinusundan, naging mas patas ang sistema ng batas. Ipinatupad din ni Henry II ang paglilitis sa pamamagitan ng hurado (trial by jury) na batayan ng modernong sistema ng hustisya sa Inglatera. Depiksyon ni Henry II at ang kaniyang mga anak Bukod sa pag-unlad ng sistema ng hustisya, nagkaroon din ng mga pagbabago na nagdulot sa pagtanggol ng mga karapatan ng mga mamamayan. Noong panahon ni Haring John, dahil sa rebelyon ng mga vassal, pinirmahan ni Haring John ang Magna Carta na nagtatanggol sa mga karapatan ng mga vassal ng hari. Paglipas ng panahon, ang dokumentong ito ang naging batayan ng mga karapatan ng mamamayan ng Inglatera. 25 Sa ika-13 siglo, nagsimula ang proseso ng pagkakaisa ng mga isla ng Britanya sa ilalim ng iisang kaharian. Naganap ito sa ilalim ni Edward I na nagsimulang sakupin ang Wales at ang Scotland. Bukod sa pagsisimula ng pananakop ng mga malalapit na isla, naitatag din sa ilalim ni Edward I ang Parliyamentong Ingles (English Parliament). Noong 1295, nag-imbita si Edward I ng dalawang kabalyero at dalawang residente mula sa bawat lungsod upang makipagpulong sa Dakilang Konseho (Great Council) upang magtakda ng mga bagong buwis. Ang pagpupulong na ito ay tinawag na parliyamento. Ang mga sumunod na parliyamento ay binuo ng mga baron at mga kinatawan ng simbahan, dalawang kabalyero at dalawang residente mula sa bawat lalawigan. Ang mga baron at kinatawan ng simbahan ang bumuo ng tinatawag na House of Lords, at ang mga kabalyero at residente ang bumuo ng House of Commons. Bukod sa pagtatakda ng bagong mga buwis, hinawakan din ng parliyamento ang mga usaping pampulitika, panghukuman, at pagpasa ng mga batas. Ang mga pagbabago sa pamamahala ng Inglatera ay bumuo ng isang limitadong monarkiya kung saan ang hari ay namumuno na may limitasyon mula sa batas at may konsultasyon sa iba’t ibang grupo na kumakatawan sa lipunan. Ang Pagtatag ng Pambansang Monarkiya sa Pransya Unti-unti ring lumakas ang mga hari ng Pransya, katulad ng mga hari sa Inglatera, ngunit mayroong pagkakaiba sa sistemang nabuo sa dalawang bansa. Ang muling panunumbalik ng lakas ng kaharian sa Pransya ay nagsimula sa ilalim ni Philip II. Noong panahon na iyon, ang ilang bahagi ng Pransya, katulad ng Normandy, Maine, Anjou, at Aquitaine, ay pagmamay-ari ng hari ng Inglatera. Upang makuha ang kontrol sa mga teritoryong ito, nakipagdigma si Philip II kay Haring John ng Inglatera. Naging matagumpay si Philip II sa pagbawi ng mga teritoryo ng Normandy, Maine, Anjou, at Touraine. Nagtakda rin ng mga bagong opisyal si Philip II sa kaniyang bagong sakop na teritoryo. Pagtatakda bilang Hari kay Philip II 26 Higit pang napalakas ni Philip IV ang monarkiya ng Pransya. Nagpatawag si Philip IV ng mga kinatawan ng tatlong estates o klaseng panlipunan. Ang First Estate ay binuo ng mga kinatawan ng simbahan. Ang Second Estate ay binuo ng mga miyembro ng aristokrasya. Ang Third Estate ay binuo naman ng mga karaniwang tao. Ang unang pagpupulong ng mga kinatawan ng bawat klase kasama ng hari ay naganap noong 1302. Ito ay tinawag na Estates-General o ang parliyamentong Pranses. Ang Estates-General, hindi katulad ng Parliyamentong Ingles na nagsilbing konsultasyon sa pagitan ng hari at ng lipunan, ay nagsilbi lamang na pagtibayin ang kapangyarihan ng hari. Ginamit ng hari ang parliyamento upang maipasa ang mga batas at Si Philip IV ng Pransya buwis na gusto niyang ipatupad. Hindi rin katulad ng monarkiya sa Inglatera, ang sistema ng pamamahala na nabuo sa Pransya ay tinatawag na ganap na monarkiya o absolute monarchy kung saan walang limitasyon sa kapangyarihan ng hari na nagmumula sa batas o ibang sangay ng pamahalaan. 27 Suriin Natin Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ipahayag ang pagkakapareho at pagkakaiba ng Pambansang Monarkiya ng Inglatera at Pambansang Monarkiya ng Pransya. Inglatera Pransya 28 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Saan unang nabuo ang mga pambansang monarkiya sa Europa? 2. Sino ang pinuno ng mga Norman na sumakop sa Inglatera at nagtatag ng bagong linya ng hari? 3. Sino ang hari ng Pransya na nagtawag ng isang pagpupulong kasama ng mga kinatawan ng mga klaseng panlipunan o estate? Pag-isipan Natin Ano ang naging epekto ng Magna Carta at ng parliyamento sa pambansang monarkiya sa Inglatera? Gawin Natin Magsaliksik tungkol sa mga naghari sa dalawang uri ng pambansang monarkiya na nabuo sa Europa noong Gitnang Panahon: ang limitadong monarkiya (limited monarchy) at ang ganap ng monarkiya (absolute monarchy). Saliksikin din ang mga tampok na kaganapan o kontribusyon ng kanilang pamumuno. Ilista sa tsart resulta ng mga pananaliksik. Mga Hari sa Limitadong Mga hari sa Ganap na Tampok ng Tampok ng Monarkiya Monarkiya Paghahari Paghahari (Inglatera) (Pransya) 29 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Halos walang Kalahati lamang Malinaw at Kumpleto, laman at sa nilalaman ng tama ang napakalinaw, napakalabo ng talahanayan nilalaman ng at tama lahat talahanayan; ito ang malinaw at talahanayan; ang nilalaman ay resulta ng tama; kailangan may ilang ng kawalan ng pa ng ibayong medyo malabo talahanayan; kasanayan at pananaliksik ang paliwanag; ang interes sa upang ang resulta ng makabuluhang pananaliksik makumpleto gawain ay resulta ng ang gawain bunga ng gawain ay pananaliksik bunga ng pananaliksik Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 30 Aralin 4 Panahong Renaissance Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang pag- usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon. Ang Florence sa Italya, kung saan nagmula ang Renaissance Ang Rennaisance ay isang panahon sa Europa sa sumasaklaw sa ika-14 at ika-17 na siglo. Ito ay itinuturing bilang tulay ng Panahon ng Enlightenment patungo sa modernong panahon. Napakaraming kontribusyon ng panahong ito sa larangan ng kultura, humanismo, sining, at literatura. Sa panahong ito ay nahubog ang lipunang Europeo sa isang muling pagsilang o rebirth mula sa mga kaganapan sa Gitnang Panahon. Halos lahat ng bansa sa Europa ay naging saklaw ng panahong ito. Sa araling ito ay tatalakayin natin ang pagsisimula at pag-usbong ng Panahong Renaissance, gayundin ang mga paniniwalang umusbong sa panahong ito. 31 Subukan Natin Tukuyin kung aling bansa ang sumabay sa pag-usbong ng Panahong Renaissance. Lagyan ng masayang mukha (☺) ang iyong mga napiling sagot. 32 Pag-aralan Natin Ang Renaissance ay nangangahulugang rebirth o Alamin Natin “muling pagsilang.” Ito ay ang panahon ng muling pagtangkilik at pag-aaral ng mga ambag Tandaan at gawing gabay ang ng mga klasikong kabihasnan ng Gresya at kahulugan ng sjumusunod na Roma. Binansagang Renaissance ang panahon na salita: ito dahil naniwala ang mga taga-Italya, kung saan indibiduwalismo – pagbibigay- nagsimula ang mga pagbabago sa panahong ito, halaga sa gawaing indibiduwal na naranasan nila sa panahong iyon ang muling kaysa sa gawaing panlipunan pagbabalik ng kultura at kaalaman ng mga komersyo – proseso ng pagbili klasikong kabihasnan. Bukod sa panunumbalik at pagbebenta ng interes sa kultura at kaalaman ng mga pagtangkilik – pagbibigay- klasikong kabihasnan, itinuturing din ang halaga panahong ito bilang pagbawi mula sa Gitnang patron – tagasunod, Panahon, kung kailan nagkaroon ng mga tagasuporta kalamidad, pagbagsak ng ekonomiya, at paghina sekularismo – paghihiwalay ng ng sentral na pamamahala. simbahan at ng estado Ang Panimula ng Panahong Renaissance Ang Renaissance ay nagsimula sa mga lungsod ng Hilagang Italya (partikular na sa Venice) na nakaranas ng pag-unlad ng ekonomiya. Ang Hilagang Italya ay nagsilbing sentro ng komersyo, pagbabangko, at kalakalan. Dahil sa pagyaman ng mga siyudad at ng mga mamamayan dito, sila ay namuhay nang marangya at nagkaroon sila ng interes sa mga sining. Sa Italya din makikita ang marami sa mga naiwang ambag ng kabihasnang Romano. Dahil dito, ang mayamang mamamayan ng Italya ay nagkaroon ng muling pagpapahalaga sa mga naiwan ng kabihasnang ito. Giovanni di Bicci de' Medici 33 Ang Lungsod ng Florence ang nanguna noong panahong ito. Naging maimpluwensya ang pamilya ng Medici na naging mayaman dahil sa pagbabangko. Ang Pamilyang Medici ay naupo sa gobyerno, at pinamahalaan nila ang lungsod ng Florence kasama ng kanilang mga tagasuporta. Halimbawa na lamang ng pamamahala ng pamilyang ito si Giovanni di Bicci de' Medici, ang tagapagtatag ng Bangkong Medici. Hindi lamang sa Florence naging maimpluwensya ang mga mayaman at nagnenegosyo. Sa iba’t ibang lungsod, sila ay naging mahalaga sa pulitika at sa panunumbalik ng kultura. Ang mga patrician o miyembro ng mataas na uri ay naging mga patron ng sining at kultura sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga mahuhusay na pintor at manunulat. Pati ang mga Santo Papa ay nagbigay ng pondo at suporta para sa mga tagagawa ng sining. Dahil sa pagtangkilik ng mga patrician at mga Santo Papa, Adoration of the Magi at Solomon adored by the yumabong ang kultura at sining na Queen of Sheba (1545), isang likhang sining noong naging katangian ng panahon ng panahon ng Renaissance Renaissance. Ang Pag-iisip sa Panahong Renaissance Bukod sa pagpapahalaga sa kultura ng kabihasnang Gresya at Romano, ang panahon ng Renaissance ay panahon din ng pag-usbong ng sekularismo at indibiduwalismo. Ang pag-unlad ng pamumuhay sa panahon ng Renaissance ay mas higit pang naghikayat sa mga mayayaman na lalo pang paunlarin ang kanilang pamumuhay. Ang simple at payak na buhay ng mga relihiyoso ay hindi naging kaaya-aya para sa kanila, dahil sa naranasan nilang kasiyahan sa marangya nilang pamumuhay. 34 Ang kakayahan ng mga mayayaman na mapabuti ang sarili nilang pamumuhay ay naging taliwas din sa paniniwala ng Kristiyanismo. Ang indibiduwalismo na dala ng paniniwala sa sariling kakayahan na mapaunlad ang sariling buhay ay nagdala rin ng kumpiyansa sa pagpapahayag ng sariling personalidad at talento. Nagkaroon din sila ng matinding kagustuhan na makapagkamit at makilala dahil sa mga pansariling tagumpay o achievement. Dahil dito, nagkaroon ng tinatawag na Renaissance man o mga taong may kahusayan at talento sa iba’t ibang larangan. Si Leonardo da Vinci ay isa sa mga tinuturing na halimbawa ng Renaissance man. Ang sekularismo at indibiduwalismo na naging katangian ng panahong Renaissance ay nagdala ng paglakas ng Francesco Petrarch pilosopiyang humanismo o ang pagpapayabong ng lahat ng uri ng kabutihan at kahusayan ng tao sa pamamagitan ng edukasyon at sariling pagsisikap. Ang itinuturing na “Ama ng Humanismo” ay si Francesco Petrarch (Francesco Petrarca sa wikang Italyano). Naniniwala ang mga humanista na ang kasaysayan ay hindi lamang paglahad ng kagustuhan ng Diyos. Ayon sa kanila, ang kasaysayan ay dulot ng mga gawain at kagustuhan ng tao, at ang mga tao mismo ay kabilang sa paghubog ng mga kaganapan sa kasaysayan. Ang Paglaganap ng Renaissance Noong ika-15 siglo, ang impluwensiya ng Renaissance mula sa Italya ay kumalat sa iba’t ibang bahagi ng Europa dahil sa pag-unlad ng kani-kaniyang ekonomiya. Ang paglakas ng ekonomiya ay nagdulot ng pagtatatag ng mga paaralan at mga unibersidad, kung saan natuto ang mga anak ng mga mayayaman tungkol sa kaalaman at bagong mga pilosopiya mula sa Italya. Kumalat din ang impluwensiya ng Renaissance sa pamamagitan ng paglilimbag ng libro. Ang pag-imbento at pagkalat ng movable type ng paglilimbag ng mga libro ay nagdulot ng produksiyon ng maraming mga libro, katulad ng mga gawang klasiko. Bumaba rin ang presyo ng mga libro, at kumalat ang impormasyon at kaalaman sa mas nakararaming tao. Sa tulong ng pag-imbento ng movable type ng paglilimbag, umabot sa Alemanya, Pransya, Inglatera, at Espanya ang impluwensiya ng Renaissance. 35 Suriin Natin Isulat sa patlang ang inilalarawan sa bawat bilang. _________________ francisco petrach 1. Siya ang tinaguriang “Ama ng Humanismo.” _________________ hilagang italya o sa 2. Sa bansang ito pinaniniwalaang nagsimula ang Panahong venice Renaissance. leonardo da vinci _________________ 3. Siya ay itinuturing bilang Renaissance Man. _________________ sekularismo 4. Ito tawag sa paghihiwalay ng simbahan at estado. _________________ rebirth 5. Ito ang kahulugan ng salitang “Renaissance.” _________________ patrician 6. Sila ay mga miyembro ng mataas na uring lipunan. _________________ indibiduwalismo 7. Ipinahahayag ng konseptong ito ang pagbibigay-halaga sa mga indibiduwal kaysa sa estado. _________________ 8. Ito ang panahong sinundan ng Renaissance. _________________ pamilya medici 9. Ito ang pamilyang naghari sa Florence sa Panahong Renaissance. _________________ ika-15 siglo 10. Sa panahong ito tumuloy o nagtapos ang Renaissance. Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Ano ang kahulugan ng salitang Renaissance? 2. Aling siyudad sa hilagang Italya ang nanguna sa panahon ng Renaissance? 3. Sino ang isa sa mga itinuturing na Renaissance man? 36 Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, maaari bang mapagkasundo ang pilosopiyang humanismo at ang paniniwala ng Kristiyanismo? Bakit? Gawin Natin Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng Renaissance man bukod kay Leonardo da Vinci. Ilista ang mga dahilan kung bakit itinuring siyang Renaissance man. Renaissance man: ___________________________________________ Maikling Talambuhay: Ilagay ang ________________________________________________________________ larawan dito ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Mga Dahilan bakit itinuring na Renaissance man: 1. ____________________________________________________________________________ 2. ____________________________________________________________________________ 3. ____________________________________________________________________________ 4. ____________________________________________________________________________ 5. ____________________________________________________________________________ 37 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Halos walang Kalahati Malinaw at Kumpleto, laman at lamang sa tama ang napakalinaw, at napakalabo ng nilalaman ng nilalaman ng tama lahat ang output; ito ay output ang output; may nilalaman ng resulta ng malinaw at ilang lumang output; ang kawalan ng tama; entry; ang makabuluhang kasanayan at kailangan pa ng resulta ng resulta ng interes sa ibayong gawain ay gawain ay pagsusuri pananaliksik bunga ng bunga ng upang pagsusuri malalim na makumpleto pagsusuri ang gawain Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Hindi na sana Hindi Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa magpapasa ng nakapagpasa ng output sa ng output bago output kung ng output sa itinakdang pa ang hindi hiningi ng itinakdang panahon itinakdang guro panahon panahon KABUUAN 38 Aralin 5 Ang Simbahang Katoliko at Repormasyon Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang pag- usbong ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, Simbahang Katoliko, at Repormasyon. Ang Ninety Five Theses ng Repormasyon Sa loob ng matagal na panahon, ang paniniwalang Kristiyanismo ang espirituwal na paniniwalang namayani sa mga Europeo. Sa kabila ng iba’t ibang kalupitan at digmaang kinasangkutan ng Simbahang Katoliko, lalo na sa Gitnang Panahon, nananatiling malakas ang impluwensiya nito sa lipunan. Gayunpaman, sa pagsisimula ng ika-16 siglo at sa pagbubukas ng makabagong oportunidad para sa agham, pilosopiya, at iba pang disiplina, unti-unting kinalaban ng mga Europeo ang paniniwalang Kristiyano. Mula sa pangunguna ni Martin Luther ay nabuo ang Repormasyon.Paano nagtunggali ang paniniwalang Katoliko at Repormista sa Europa noong ika-16 siglo? Talakayin natin ang sagot sa araling ito. 39 Subukan Natin Pagmasdan ang larawan. Ibahagi sa katabi, kagrupo, o sa buong klase ang sagot sa sumusunod na tanong: 1. Ano ang paksang ipinakikita ng larawan? 2. Ano ang mensaheng nais ipakahulugan ng larawan? 3. Sa iyong palagay, anong isyu ang tinatalakay rito? Pinta ni Anton von Werner (1877) 40 Pag-aralan Natin Noong Gitnang Panahon ay lubhang Alamin Natin naipalaganap ang relihiyong Kristiyano, at Tandaan at gawing gabay ang kasabay nito ang paglawak ng impluwensiya ng kahulugan ng sumusunod na Simbahan sa bawat aspekto ng buhay ng mga salita: Europeo—espirituwal, panlipunan, at pulitikal. ekskomunikado – pagtatakwil Gayunpaman, sa pagtatapos ng Gitnang Panahon ay nagkaroon ng paghina ng impluwensiya ng ng Simbahang Katoliko sa Simbahan dahil sa mga kontrobersiya sa isang tao o grupo posisyon ng Santo Papa, mga pagkakahati-hati indulhensiya – pagbabawas ng sa iba’t ibang grupo, at ang pagkuwestiyon ng kasalanan ilang grupo sa papel ng Simbahan sa pulitika at maluho – sobra sobra sa ekonomiya. paggamit ng yaman Santo Papa – lider ng Ang Simbahang Katoliko sa Huling Simbahang Katoliko Bahagi ng Gitnang Panahon Ang isa sa mga hudyat ng pagtatapos ng Gitnang Panahon ay ang paghina ng impluwensiya ng Santo Papa sa pulitika. Nang nanumbalik ang lakas ng mga monarkiya sa ilang bahagi ng Europa, nagsimula ang mga ito na gamitin ang kanilang impluwensiya laban sa kapangyarihan ng Simbahan. Ang Avignon Papacy Noong Gitnang Panahon, hindi pinayagan ng Simbahang Katoliko ang pangongolekta ng buwis sa ari-arian ng Simbahan nang walang pahintulot ng Santo Papa. Lumabag si Haring Philip IV ng Pransiya sa ipinagbabawal ng Simbahan, at nangolekta siya ng buwis sa mga simbahan sa kaniyang lupain. Bilang tugon sa ginawa ni Philip IV, nagbabala ng ekskomunikasyon si Papa Boniface VIII kapag patuloy na mangolekta ng buwis ang hari. Ipinatuloy ni Philip IV ang kaniyang pagtiwalag sa utos ng Santo Papa, at napilitan si Papa Boniface VIII na tanggapin Philip IV ng Pransya ang karapatan ng hari na mangolekta ng buwis kapag 41 matindi ang pangangailangan ng bansa. Ngunit hindi nagtapos dito ang alitan sa pagitan ni Philip IV at Boniface VIII. Idineklarang ekskomunikado ni Papa Boniface VIII ang hari, at namatay ang Santo Papa ilang buwan pagkatapos nito. Upang maayos ang relasyon sa pagitan ng Santo Papa at ng hari ng Pransya at matakasan ang kondisyong pulitikal sa Roma, ang ilan sa sumunod kay Papa Boniface VIII ay namalagi sa Avignon, isang siyudad sa Pransya. Ang panahon mula 1309 hanggang 1377, kung kailan ang mga Santo Papa ay namalagi sa Avignon ay tinatawag na Avignon Papacy. Tinawag rin ito bilang Babylonian Captivity, dahil sa pagkawala ng awtoridad at integridad ng mga Santo Papa sa panahong iyon. Avignon sa Pransya Pitong Santo Papa ang namalagi sa Avignon mula 1309 hanggang 1377. Ang mga naging Santo Papa noong Panahon na iyon ay Pranses, at ayon sa mga iskolar, napasailalim ang mga Santo Papa sa impluwensya ng hari. Isang halimbawa na lamang ay ang pagkabuwag ng grupong Knights Templar, isang grupong militar na inatasan na ipagtanggol ang mga Kristiyanong naglalakbay patungong Herusalem. Ipinadakip ni Haring Philip IV ang Knights Templar, at ipinabuwag sa Santo Papa ang grupo. Sumunod ang Santo Papa sa utos ng hari. 42 Naging maluho ang pamumuhay ng mga Santo Papa sa Avignon, at marami ang nagreklamo ukol dito. Ang huling Santo Papa na namalagi sa Avignon ay si Papa Gregory XI, at nagpasya siya na ibalik sa Roma ang upuan ng Santo Papa upang maibalik ang integridad ng Santo Papa at ng Simbahan. Ang Great Schism Bagama’t sinubukang ayusin ni Gregory XI ang problema ng Simbahan sa kaniyang pagbabalik sa Roma, namatay si Gregory XI pagkatapos ng kaniyang pagbabalik, at nagkaroon ng mas malaking problema ang Simbahan. Nang nawala ang Santo Papa sa Roma, ang mga naiwang mga kardinal ay namahala ng tulad ng isang oligarkiya. Si Papa Urban VI ang nahalal bilang Santo Papa, at pilit niyang ibinalik ang sentralisadong kapangyarihan ng Santo Papa sa Roma. Dahil dito, naghalal ng bagong Santo Papa ang mga kardinal – si Papa Clement VII na muling bumalik sa Avignon. Idineklara ni Papa Urban VI na ekskomunikado si Clement VII, at idineklara din Clement VII na ekskomunikado si Urban VI. Nagkaroon ng kaguluhan sa Simbahan, at hindi malaman ng mga Papa Clement VII Katoliko kung sino ang susundin. Ang panahon ng pagkahati ng simbahan mula 1378 hanggang 1417 sa pamumuno ng dalawang Santo Papa ay tinatawag na Great Schism. Noong 1409, nagpatawag ang mga prominenteng pari ng isang konseho upang maayos ang pagkahati ng Simbahan. Naganap ang Konseho ng Pisa noong 1409, at nagpasya ang daan-daang mga pari na itanggal sa posisyon sina Papa Urban VI at Clement VII, at maghalal ng bagong Santo Papa. Hindi tinanggap nina Urban VI at Clement VII ang desisyon, at nagkaroon ng tatlong Santo Papa ang Simbahang Katoliko. Noong 1414, nagpatawag ng bagong konseho sa Constance, kung saan ang tatlong Santo Papa ay natanggal, at nahalal bilang Santo Papa si Martin V. Bukod sa pag-aayos ng pagkahati ng Simbahan, ang Konseho ng Constance ay nagpatupad din ng mga reporma sa Simbahan. Ang mga kontrobersiyang naganap ay nagtulak sa maraming Kristiyano na maghanap ng pagbabago sa Simbahan. Naging mas mahalaga sa nakararaming Kristiyano 43 ang pamumuno ng simbahan sa moral at espirituwal na larangan, kaysa sa paglahok nito sa pulitika. Ang Simula ng Repormasyon Noong ika-16 na siglo, dulot ng kagustuhan ng pagbabago sa Simbahan ng ilang mga Kristiyano, naganap ang Repormasyon, isang kilusan na nagdulot ng espirituwal na rebolusyon sa Europa. Nagsimula ang Repormasyon noong 1517, dahil sa pag- atake ni Martin Luther, isang Aleman na monghe, sa turo ng Simbahang Katoliko ukol sa pagbebenta ng indulhensiya (indulgence) upang matanggal ang parusa na dulot ng kasalanan. Sa kaniyang Ninety-Five Theses na idinikit niya sa pintuan ng simbahan ng Wittenberg, inatake ni Martin Luther ang mga turo ukol sa indulhensiya. Naniwala si Luther na naliligtas lamang Martin Luther ang mga tao dahil sa kanilang paniniwala at pananampalataya sa Diyos, at hindi makatutulong ang mga indulhensiya sa pagkamit ng kaligtasan ng kaluluwa. Ayon din kay Luther, nagpapakita ng korupsiyon ng simbahan ang pagbebenta ng indulhensiya. Bukod sa kaniyang paniniwala ukol sa indulhensiya, hindi rin sang-ayon si Luther sa bukod tanging awtoridad ng kaparian na magbigay ng kahulugan sa nakasaad sa Bibliya. Ayon kay Luther, ang bawat Kristiyano ay may kakayahan na malaman ang tunay na kahulugan ng Bibliya. Itinaguyod din ni Luther na hindi kailanganan ang kaparian bilang tagapamagitan sa tao at sa Diyos, at maaaring direktang makatanggap ng pananampalataya ang tao mula sa Diyos. Idineklara ng Simbahang Katoliko si Luther bilang ekskomunikado noong 1521, ngunit noong panahon na iyon, marami nang sumusunod kay Luther. Tinawag na Lutheran ang mga sumusunod sa kaniya, at naging kilala din sila bilang mga Protestante. 44 Ang Repormasyon sa Ibang Bahagi ng Europa Mula sa Alemanya, sa tulong ng paglilimbag at malawakang paghahanap ng pagbabago sa simbahan, kumalat nang mabilis ang Repormasyon sa ibang mga bahagi ng Europa, katulad ng Switzerland, Pransya, at Inglatera. Switzerland Kumalat ang Repormasyon at ang Protestantismo sa Switzerland dahil kay John Calvin, isang Pranses na pastor at repormista. Noong 1533, nakakilala si John Calvin ng mga sumusunod kay Martin Luther, at tinanggap niya ang mga bagong turo na dala nila. Kinalat niya ang kaniyang bagong paniniwala, ngunit napilitan siya at ang kaniyang mga tagasuporta na umalis ng Pransya. Namalagi siya sa Geneva na naging sentro ng Protestantismo pagkalipas ng panahon. Ang isa sa mga pinakakilalang doktrina na itinaguyod ni Calvin ay ang predestination o ang paniniwala na itinakda na ng Diyos kung sino ang maliligtas at hindi maliligtas, ngunit hindi malalaman ng tao kung kabilang sila sa mga maliligtas. Ayon din kay Calvin, kailangan sundin nang mabuti ang mga pag-uutos ng Diyos. John Calvin Nagpataw ng disiplina ang simbahang Calvinismo sa pagdalo sa simbahan, pag-uugali, at pati sa mga negosyo ng mga nananampalataya sa Calvinismo. Sumang-ayon ang maraming mga negosyante sa mga turo ng Calvinismo dahil hindi itinuring na mali ng Calvinismo ang pagpapayaman. 45 Pransya Bagama’t naging labag sa batas ng Pransya ang Protestantismo pagkatapos ng 1534, nagpatuloy pa rin ang mga Huguenot, isang Protestanteng minorya sa Pransya. Naging napaka-organisado ng grupong ito, at nagkaroon sila ng kakayahan na hamunin ang mga nagpapabawal ng Protestantismo. Noong 1562, nagkaroon ng digmaang sibil sa pagitan ng mga Protestante at Katoliko, at tumagal ang digmaan nang mahigit 30 taon. Noong 1598, binigyan ng pahintulot ni Haring Henry IV ang mga Protestante sa kaniyang Edict of Nantes, upang maiwasan ang patuloy na pag- aaway. Ang Edict of Nantes ay itinuturing na unang dokumento na sumubok magtakda ng Edict of Nantes tolerasyon para sa isang relihiyon. Inglatera Sa Inglatera, ang hari mismo ang nagtaguyod ng Repormasyon. Tinigil ni Haring Henry VIII ang pagkilala sa kapangyarihan ng Santo Papa, at ihiniwalay niya ang simbahan ng Inglatera mula sa hurisdiksyon ng Santo Papa dahil hindi pumayag ang Santo Papa na ipagpawalang bisa ang kaniyang unang kasal. Ginusto ni Henry VIII na hiwalayan ang kaniyang asawa na si Catherine of Aragon, dahil kailangan niya ng lalaking tagapagmana ng trono na hindi maibigay ni Catherine. Kapalit ni Catherine, ninais ni Henry na pakasalan si Anne Boleyn. Dahil hindi pumayag ang Santo Papa na ibigay ang pagpapawalang bisa ng kasal, isinagawa ni Henry VIII ang kaniyang sariling diborsyo. Noong 1534, inaprubahan ng parliyamento bilang pinuno ng Simbahan ng Inglatera (Church of England) ang hari. 46 Ang Kontra-Repormasyon Tinugunan ng Simbahang Katoliko ang naging epekto ng Repormasyon sa pamamagitan ng pagtatag ng bagong orden, pagsesensura, pagreporma ng Simbahan, at ng Inquisition. Ang tawag sa pagtugon na ito ng Simbahang Katoliko ay Kontra-Repormasyon. Ang Mga Heswita Noong 1534, itinatag ni Ignatius Loyola, isang sundalo na nagnais ipagkasundo ang humanismo at ang Katolisismo, ang Society of Jesus na kilala din bilang mga Heswita. Ang mga misyon ng mga Heswita ang naging pangunahing tugon ng Simbahang Katolika sa timog at kanlurang Europa. Naglayon ang mga Heswita na tugunan ang mga problema ng Simbahang Katoliko na inatake ng mga Protestante, ngunit ginawa nila ito nang hindi humihiwalay sa mga turo at awtoridad ng Simbahang Katoliko. Nagbigay halaga ang mga Heswita sa edukasyon at pag-aaral, at naabot din nila ang maraming tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng Sagisag ng Society of Jesus atensyon sa kabataan, may sakit, at mga bilanggo. Inquisition Nagkaroon din ng paghihigpit ang Simbahang Katoliko laban sa mga Protestante. Isinagawa nila ang Inquisition o ang pagdala sa hukuman ng mga heretiko. Sa ilang mga lugar, ang mga heretiko na hindi nagsisi ay ipinakulong o ipinapatay. Reporma ng Simbahan at ang Konseho ng Trent Upang mapigilan ang pagkalat ng mga ideya ng mga Protestante, ipinagbawal ng Simbahang Katoliko ang mga librong naglalaman ng mga ito. Ginawa ang Index of Prohibited Books na naglalaman ng mga titulo ng mga akdang hindi pinahihintulutan ng Simbahang Katoliko. 47 Konseho ng Trent Bukod sa pagsesensura, ipinatawag din ang Konseho ng Trent noong 1545 upang magsagawa ng mga reporma sa Simbahan. Sa Konsehong ito, pinagkaisa ng Simbahang Katolika ang mga turo nito, ipinagbawal ang mga gawaing korupsiyon, at ipinagtibay ang awtoridad ng Santo Papa. Kinumpirma din ng Simbahan Katoliko na parehong kailangan ang pananampalataya at mabuting gawa upang mailigtas. Naging matagumpay ang Simbahang Katoliko sa pang-eengganyo sa marami na bumalik sa pamamagitan ng edukasyon, pagtuturo, at pagreporma, ngunit hindi maipagkakaila na ang Repormasyon ay nagdulot ng permanenteng pagkakahati sa pagitan ng mga Protestante at Katolikong Kristiyano. 48 Suriin Natin A. Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A. Hanay A Hanay B d1. Pagpapatawad ng Simbahang Katoliko A. Konseho ng Trent a 2. Konsehong itinalaga upang gumawa ng reporma B. Santo Papa sa simbahan e 3. Akdang nagbigay tolerasyon sa relihiyon C. John Calvin c. 4. Pranses na pastor at Repormista D. indulhensiya b 5. Pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katoliko E. Edict of Nantes f 6. Kilala din sa tawag na Society of Jesus F. Heswita G. Martin Luther B. Isa-isahin ang hinihinging sagot. Magbigay ng dalawang pangunahing indibiduwal na sumuporta sa Simbahang Katoliko: 1. ____________________________ 2. ____________________________ Magbigay ng dalawang pangunahing indibiduwal na sumuporta sa Repormasyon: martin luther 1. ____________________________ 2. ____________________________ 49 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Sino ang hari ng Pransiya na nakaalitan ang Santo Papa dahil sa pangongolekta ng buwis mula sa ari-arian ng simbahan? 2. Saan nagsimula ang Repormasyon? 3. Ano ang bagong orden na naitatag upang tugunan ang epekto ng Repormasyon? Pag-isipan Natin Sa iyong palagay, bakit naging malawak ang epekto ng Repormasyon sa Europa? Gawin Natin Gumawa ng malikhaing infographic na tumatalakay sa mga isyu ng Simbahang Katoliko sa Europa. Ipakita sa gawain ang pamamaraan ng pagpapalaganap ng relihiyon at ang mga halimbawa na nag-usbong ng pag-aalsa ng mga Europeo tungo sa Repormasyon. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Halos walang Kalahati lamang Malinaw at Kumpleto, laman at sa nilalaman ng tama ang napakalinaw, at napakalabo ng infographic ang nilalaman ng tama lahat ang infographic; ito malinaw at infographic; nilalaman ng ay resulta ng tama; kailangan may ilang infographic; ang kawalan ng pa ng ibayong medyo malabo makabuluhang kasanayan at pag-unawa sa ang paliwanag; resulta ng interes sa pag- aralin upang ang resulta ng gawain ay unawa sa paksa makumpleto gawain ay bunga ng sapat ang gawain bunga ng na kaalaman sa paksa 50 kaalaman sa paksa Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa ng output sa ng output sa ng output bago loob ng ilang loob ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 51 Aralin 6 Kontribusyon ng Makabagong Europa sa Daigdig Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, at Simbahang Katoliko at Repormasyon sa daigdig. Maituturing na matagumpay ang pag-usbong ng makabagong Europa sapagkat sa panahong ito ay namulat ang mga mamamayan sa makabagong pananaw at kaalaman na nakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay. Ang panahong ito ay nagbukas ng Panahon ng Enlightenment at ng modernong panahon. Kung iyong mapapansin, marami sa mga kontribusyon ng panahong ito ay natatamasa pa rin ng mga tao hanggang sa kasalukuyan. Tunay na ipinakita ng makabagong Europa ang kakayahan ng rehiyon na makabangon mula sa mga suliraning kinasadlakan nito noong Gitnang Panahon. Sa araling ito ay iisa-isahin natin ang mga kontribusyon ng bourgeoisie, merkantilismo, pambansang monarkiya, Renaissance, at Simbahang Katoliko at Repormasyon sa Virgin on the Rocks ni Da Vinci daigdig. 52 Subukan Natin Magbigay ng isang halimbawa ng ambag ng mga Makabagong Europa sa bawat larangan: 1. Panitikan - _____________________________________ 2. Pinta - _____________________________________ 3. Eskultura - _____________________________________ 4. Arkitektura - _____________________________________ 5. Pilosopiya - _____________________________________ 6. Musika - _____________________________________ 7. Palakasan - _____________________________________ 8. Agham - _____________________________________ 9. Medisina - _____________________________________ 53 Pag-aralan Natin Ang pag-usbong ng bourgeoisie, Alamin Natin merkantilismo, mga pambansang monarkiya, panahong Renaissance, at Tandaan at gawing gabay ang Repormasyon ay hindi lamang nagdala ng kahulugan ng sumusunod na salita: pagbabago, ngunit mayroon ding naambag common law – batas na halaw sa daigdig ang mga kaganapang ito. Ang mula sa tradisyon at hindi sa mga kaganapang ito ang nagtulak sa batas na gawa ng parliyamento Europa patungo sa makabagong panahon. dalubhasa – sanay, expert nasasakdal – pinaghihinalaan Mga Ambag ng Bourgeoisie proporsyon – bahagdan Ang bourgeoisie ang isa sa mga dahilan sistemang piyudal – pagkontrol ng kung bakit muling lumakas ang ekonomiya ng Europa at muling umusbong ang mga nobility ng mga lupain kapalit ng siyudad sa iba’t ibang bahagi ng serbisyong militar kontinente, ngunit hindi lamang sa ekonomiya nakatulong ang gitnang uri. Naging mahalaga din ang bourgeoisie sa mga pulitikal na pagbabagong naganap sa Europa. Nakatulong ang bourgeoisie sa paghina ng sistemang piyudal at sa paglakas ng monarkiya. Dahil sa pag-usbong ng mga lungsod, humina ang hawak ng mga panginoon ng manor sa mga naninilbihan sa kanila, at nagresulta ito sa paghina din ng impluwensiya ng mga panginoon. Higit pang nakatulong ang mga miyembro ng bourgeoisie bilang tagapayo o ministro ng mga hari. Piyudalismo sa Inglatera 54 Naging instrumental din ang bourgeoisie sa pamamahala sa mga lungsod. Sa pamamagitan ng pagbabayad sa mga panginoon, nakuha ng mga bourgeoisie ang pahintulot sa mga panginoon na magtayo ng sariling konseho para sa pamamahala ng mga lungsod na nasa teritoryo ng mga panginoon. Dahil dito, nakapagpasa ng sariling mga batas at nagkaroon ng sariling mga hukuman ang mga lungsod. French Revolution ni Eugène Delacroix (1829) Pagkalipas ng panahon, naging mahalaga din ang bourgeoisie sa mga rebolusyong nagbigay ng pulitikal na karapatan sa nakararaming mamamayan. Ang French Revolution ang isang halimbawa ng rebolusyong dulot ng kagustuhan ng bourgeoisie na magkaroon ng pulitikal na kapangyarihan. Ang rebolusyong ito ay nagdala ng matinding pagbabago sa sistema ng pamamahala ng Pransya. Mga Ambag ng Sistema ng Merkantilismo Hindi mapagkakaila ang mabuting epekto ng sistema ng merkantilismo sa ekonomiya ng mga bansa sa Europa. Nagkaroon din ng epekto ang merkantilismo sa ibang larangan, katulad ng pagtuklas ng ibang bahagi ng daigdig, ang pagkamulat ng Europa sa ibang mga kultura, at ang pagdala ng relihiyong Kristiyano sa ibang bahagi ng daigdig. 55 Ang isa sa mga mahalagang bahagi ng sistema ng merkantilismo ay ang mga kolonya. Dahil ang mga bansa sa Europa ay nakipagkumpitensya sa isa’t isa sa paghahanap ng mga bagong kolonya, nagsagawa sila ng pagbabago sa pamamaraan ng paglalayag. Umunlad ang paggawa ng mga barko at siyensya ng nabigasyon. Nadagdagan din ang kaalaman tungkol sa katubigan at kalupaan sa daigdig, at naging mas tumpak ang impormasyon sa mga mapa ng daigdig. Ang relihiyong Kristiyano ay kumalat din sa iba’t ibang bahagi ng daigdig dahil sa sistemang ito. Hindi lamang mga produkto ang dinala ng mga mananakop sa mga kolonya, dinala rin nila ang pananampalatayang Kristiyanismo. Ang Espanya ay isa sa mga halimbawa ng mga bansa na nagdala at gumamit sa relihiyong Kristiyano sa pananakop. Mga Ambag ng mga Pambansang Monarkiya Ang mga umusbong na pambansang monarkiya sa Inglatera at Pransya ang pinagmulan ng naging sistema ng pamamahala ng ilan bansang nabuo sa Europa pagpasok ng makabagong panahon. Ang pambansang monarkiya sa Inglatera ay nag-ambag ng ilan sa mga elemento na matatagpuan sa mga makabagong bansa. Ang mga halimbawa ng mga naambag ng monarkiya ng Inglatera ay ang tinatawag na common law o mga batas na ipinatupad sa lahat ng bahagi ng bansa. Ang pagpapatupad ng common law ay nakatulong sa pagkakaisa ng mga rehiyong pinamumunuan. Ang common law din na ipinatupad sa panahong iyon ang naging batayan ng sistemang legal sa Inglatera at ng mga Magna Carta naging kolonya nila. Ang Magna Carta ng Inglatera, bagama’t sa simula ay nagtanggol lamang ng mga karapatan ng mga baron, ay naging batayan din ng pagprotekta ng mga karapatan ng lahat ng tao sa Inglatera. 56 Bukod sa common law, ang korte ng hari (king’s court) sa Inglatera na nagpatupad ng paglilitis sa pamamagitan ng mga hurado (trial by jury) ay naging batayan din ng modernong sistema ng hustisya. Sa pamamaraan na ito, nagpatawag ang mga hukom ng hari ng labindalawang tao o mga hurado na pamilyar sa kaso at tinitiyak nila kung totoo ang sinasabi ng nasasakdal. Ang parliyamento ay naging permanenteng institusyon ng pamamahala sa Inglatera. Sa kasalukuyan ang parliyamento ang kataas-taasang lehislatura sa Inglatera. Marami na ring bansa ang gumaya sa parliyamento bilang sistema ng lehislatura. Mga Ambag sa Panahong Renaissance Dahil sa suporta ng mga patron, marami ang naiwang ambag ng mga manunulat, pintor, iskolar, at siyentipiko ng panahong Renaissance. Sining Ang mga sining sa panahong Renaissance ay nagpapakita ng proporsyon, pagkabalanse, at pagkatugma na katangian din ng mga klasikong gawa ng sining. Ipinapakita din ng mga gawang sining noong Renaissance ang mga ideya ng humanismo na nakatuon sa kagandahan at kahusayan ng tao. Ang isa sa mga karaniwang paksa ng sining noon ay ang hubad na anyo ng tao. Michaelangelo (kaliwa), Raphael (gitna), at Leonardo da Vinci (kanan) Ang tatlo sa pinakatanyag na alagad ng sining sa panahong Renaissance ay sina Leonardo da Vinci, Michelangelo Buonarroti, at Raphael Santi. Bukod sa pagiging alagad ng sining, si Leonardo da Vinci ay isa ring siyentipiko at inhinyero. Inobserbahan ni da Vinci 57 ang kalikasan at ginamit niya ang natutunan niya sa kaniyang mga gawa. Ang ilan sa mga sikat na gawa ni Leonardo da Vinci ay ang Mona Lisa at The Last Supper. Si Michelangelo Buonarotti ay itinuturing na dalubhasa sa pagguhit. Ang ilan sa mga kilala niyang gawa ay ang David at Moses. Siya din ang nagdisenyo ng kisame ng Sistine Chapel sa Vatican. Si Raphael Santi ay isang pintor at arkitekto na kilala para sa mga ipininta niyang mga Madonna. Mahusay rin si Raphael Santi sa pagpipinta ng mga emosyon ng tao. Pulitika Ang sekularismo ay nagkaroon din ng epekto sa mga akda na nagawa noong panahon ng Renaissance. Ang isa sa mga kilalang pulitikal na akda ay ang The Prince ni Niccolo Machiavelli. Ayon kay Machiavelli, walang papel ang moralidad ng Kristiyanismo sa pulitika. Ayon sa kaniya, ang pangunahing kailangang tugunan ng mga namumuno ay ang pagpapanatili ng bansa, at maaring gawin ng namumuno ang lahat upang masiguro ito, kahit na hindi ito itinuturing na moral. Kung kinakailangan para sa seguridad ng bansa, maaaring maging malupit ang isang pinuno. Naniniwala din si Machiavelli na hindi nagmumula sa Diyos ang estado at ang kapangyarihan ng namumuno. Ayon sa kaniya, ang bansa o estado ay natural na naganap, at Niccolo Machiavelli hindi ito itinakda ng Diyos. Hiniwalay ni Machiavelli ang relihiyon sa pulitika, at ang kaniyang pag-iisip ay nakaapekto sa pagbuo ng modernong sekular na bansa. 58 Agham Ang mga iskolar noong panahong Renaissance ay nagsagawa ng pagsasalin ng mga gawang siyentipiko ng mga Griyego. Mula sa paniniwala na ang daigdig ang nasa gitna ng solar system (paniniwalang heosentriko), muling bumalik ang paniniwala ng mga Griyego na ang araw ang nasa gitna ng solar system o paniniwalang heliosentriko. Nakatulong din sa mga akda ng mga siyentipiko ang mga teorya ng mga Griyego. Ang isang halimbawa ay ang pag-aaral sa gawa ni Pythagoras ni Nicolaus Copernicus, ang unang modernong siyentipiko na muling nagsabi na ang araw ang nasa sentro ng kalawakan. Nakatulong din sa mga pintor ang pag-aaral ng aritmetika at heometriya. Ginamit nila ang mga prinsipyo ng matematika sa pagguhit ng perpektong proporsyon at balanse. Mga Ambag ng Simbahang Katoliko at ng Repormasyon Ang Simbahang Katoliko ay nakapaglikha rin ng mga mahahalagang akda sa huling bahagi ng Gitnang Panahon. Ang isa sa mga mahalagang akdang nagawa ay ang Summa Theologica ni St. Thomas Aquinas. Pinagsama ni Thomas Aquinas ang pananampalataya at katuwiran sa pagpapaliwanag ng mga turo ng simbahan. Ayon kay St. Thomas, hindi taliwas ang katuwiran sa relihiyong Kristiyano, dahil ang dalawa ay nanggaling mula sa Diyos. Ang isang halimbawa na isinagawa ni St. Thomas ay ang paggamit ng mga kategorya ni Aristotle upang maipaliwanag na mayroong Diyos. Ang Repormasyon ay nagdala ng pagbabago na hinahanap ng maraming Kristiyano sa Simbahan. Nagkaroon din ng mga panibagong interpretasyon sa mga turo ng Simbahan ang mga bagong grupong Protestante. Ang isa sa mga mahalagang akda na nagawa ay ang Institutes of Christian Religion ni John Calvin na naging isa sa mga nangungunang akda sa teolohiya. 59 Suriin Natin A. Isulat sa patlang ang wastong sagot. _______________________ niccolo machiavelli 1. Siya ang may-akda ng The Prince. paniniwalanf heliosentriko _______________________ 2. Ito ang teoryang nagsasabi na ang mundo ang sentro ng daigdig. michaelangelo _______________________ 3. Siya ang nagdisenyo ng kisame ng Sistine Chapel sa Vatican. _______________________ nicolas copernicus 4. Siya ang nagpanukala ng Teoryang Heliosentriko. _______________________ mona lisa 5. Bukod sa Last Supper, ito ay itinuturing bilang pinakakilalang likha ni Leonardo da Vinci. _______________________ 6. Ito ay halimbawa ng rebolusyon na nagmula mula sa kagustuhan ng bourgeoisie ng dagdag na kapangyarihan. B. Isa-isahin ang hinihingi. Magbigay ng apat na likhang sining (maaaring aklat o pinta) na ginawa noong panahon ng makabagong Europa: the prince 1. ______________________________________________________ 2. ______________________________________________________ the last supper mona lisa 3. ______________________________________________________ 4. ______________________________________________________ 60 Sagutin Natin Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong ang tawag sa batas na ipinatupad sa lahat ng bahagi ng teritoryo ng isang bansa? 2. Sino ang tanyag na pintor sa panahong Renaissance ang gumawa ng Mona Lisa? 3. Ano ang tawag sa akda ni St. Thomas Aquinas kung saan pinagsama niya ang paggamit ng pananampalataya at katuwiran? Pag-isipan Natin Alin sa mga ambag sa panahon ng pag-usbong ng makabagong Europa ang mahalaga pa rin sa kasalukuyan? Bakit? Gawin Natin Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga ambag sa sining, pulitika, at agham (maliban sa mga nabanggit na sa aralin) noong panahon ng pag-usbong ng makabagong Europa. Magbigay ng isang halimbawa sa bawat larangan ng mga taong nag-ambag noong panahong iyon. Larangan Pangalan ng Nag-ambag Ambag sa Daigdig Sining Pulitika Agham 61 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] Mas Mababa [75%] [100%] Pamantayan Kailangan pa Marka kaysa Magaling Napakahusay ng Pagsasanay Inaasahan Nilalaman Halos walang Kalahati lamang Malinaw at Kumpleto, laman at sa ginawa ang tama ang napakalinaw, napakalabo ng malinaw at nilalaman; ang at tama lahat; mga tama; kailangan resulta ng ang maka- impormasyon; pa ng ibayong gawain ay buluhang ito ay resulta pag-unawa sa bunga ng resulta ng ng kawalan ng aralin upang kaalaman sa gawain ay kasanayan at makumpleto paksa bunga ng interes sa pag- ang gawain sapat na unawa sa kaalaman sa paksa paksa Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos at Kalinisan kaayusan at matutong malinis ang napakalinis ng napakadumi ng maging maayos output; may ipinasang output; at malinis sa ilang nakitang output; walang napakaraming paggawa; bura, dumi, o nakitang bura, nakitang bura, maraming pagkakamali dumi, o dumi o nakitang bura, pagkakamali pagkakamali dumi, o pagkakamali Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpasa ng Nakapagpasa Nakapagpasa Paggawa ng output sa output sa loob ng output sa ng output bago loob ng ilang ng ilang itinakdang pa ang panahon panahon panahon ng itinakdang matapos ang matapos ang pagpapasa panahon ng itinakdang itinakdang pagpapasa pasahan dahil pasahan ipinaalala ng guro KABUUAN 62 Karagdagang Kaalaman Marahil kilala mo si Leonardo da Vinci dahil sa kaniyang mga likhang Mona Lisa at Last Supper, ngunit alam mo ba na napakarami pa niyang kontribusyon sa larangan ng sining at agham? Bukod sa pagiging pintor ay isa ring siyentista si da Vinci. Marami sa kaniyang mga imbensiyon ay naging batayan ng mga modernong kagamitan. Sa kabila nito ay tila nakilala pa rin talaga nang lubos si da Vinci sa larangan ng sining. Isa sa mga inakalang nawala o hindi naisalbang likhang sining ni Leonardo da Vinci ay ang pinta na pinamagatang Salvator Mundi. Napakahalaga ng pintang ito sa panahong nabubuhay si da Vinci sapagkat ito ay nagpapakita ng imahe ni Hesukristo bilang tagapagligtas ng daigdig. Dumaan sa tatlong monarko o hari ang pintang ito, Salvator Mundi ngunit pagkatapos ay bigla na lang naglaho ang likhang sining. Noong 2015, nadiskubre ito sa Estados Unidos at unang pinaniwalaan bilang isang replika. Nang mapatunayang totoo, ipinagbili ito sa auction sa halagang $450 milyon at itinuturing na pinakamahal na pintang naibenta. Ilalagay ito sa Louvre Abu Dhabi. Pagyamanin Natin Bumuo ng dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang video infographic tungkol sa mahahalagang kaganapan noong panahon ng makabagong Europa. Ang bawat pangkat ay inaasahang gagawa ng video na hindi bababa sa 5 minuto. Gawing creative ang paggawa ng dokumentaryo. 63 Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay: [25%] [50%] [75%] [100%] Pamantayan Mas Mababa Kailangan pa ng Marka Magaling Napakahusay kaysa Inaasahan Pagsasanay Pagtatanghal Napakagulo ng Medyo magulo Nairaos nang Napakaayos, ipinamalas na ang ipinakitang maayos ang napakahusay, at dokyumentaryo; dokyumentaryo; dokyumentaryo; napakalinaw ng nakaaantok medyo walang bahagyang dokyumentaryo; panoorin; kalat ganang nakahihikayat at tunay na ang konsepto at panoorin; may medyo nakahihikayat at walang malinaw kulang sa masayang nakawiwiling na tunguhin, at konsepto at panoorin; buo panoorin; hindi napalutang hindi nakamit ang konsepto at buong-buo ang ang pangunahing ang natamo ang konsepto at layunin, halatang pangunahing pangunahing natamo ang hindi natulungan layunin, layunin, pangunahing ang mayroong mga makikitang layunin; magkakagrupo kagrupo na hindi sinubukan ng nagampanan tumulong sa grupo na nang buong proyekto magtulung- husay ang kani- tulong kaniyang tungkulin Pagpapahalaga Nangailangan ng Nakayang gawin Nakayang gawin Pinaghirapan at paggabay kahit sa ang madadaling ang mahihirap pinaghandaang simpleng gawain; bahagi, na bahagi, mabuti ang madaling nangailangan ng nangailangan ng gawain, hindi na umayaw; paggabay; paggabay; nangailangan ng umaasa sa iba ginawa muna ginawa muna paggabay; ang mahihirap ang mahihirap madaling na bahagi, na bahagi, kaya nakaugnay at maaaring pa ring natapos sa oras umayaw kung magpatuloy ang gawain walang paggabay kahit walang paggabay 64 Pakikilahok ng Hindi nakilahok at May naipakitang Nagpakita ng Nagpakita ng Bawat walang interes sa kaunting interes interes subalit masidhing Indibiduwal paghahanda at at pakikilahok sa hindi gaanong interes at pagsasakatupa paghahanda at nakilahok sa aktibong ran ng gawain pagsasakatupa paghahanda at pakikilahok sa ran ng gawain pagsasakatupa buong ran ng gawain paghahanda at pagsasakatupa ran ng gawain KABUUAN Paglalagom Pag-usbong ng Bourgeoisie Pag-usbong ng Makabagong Europa Merkantilismo Pambansang Monarkiya Panahong Renaissance Simbahang Katoliko at Repormasyon Kontribusyon ng Makabagong Europa sa Daigdig

Use Quizgecko on...
Browser
Browser