Impluwensiya ng Pagkamulat sa Kasaysayan (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa mga ideya at impluwensiya ng Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment sa daigdig, lalo na sa Europa. Tinalakay din ang mga ideyang pang-ekonomiya tulad ng laissez faire at ang papel ng agrikultura sa ekonomiya. Nagbigay diin sa mga impluwensiya ng mga kaisipang ito sa politika, sosyal, at ekonomiya.

Full Transcript

Impluwensiya ng Pagkamulat Ang Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment Period na umusbong noong ika -18 siglo ay nagpabago sa mukha ng daigdig. Unti-unting naisiwalat ng mga ideolohiyang ito ang masamang epekto ng monarkiya. Pinasikat nila ang pagkakapantay-pantay sa lipunan at na an...

Impluwensiya ng Pagkamulat Ang Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment Period na umusbong noong ika -18 siglo ay nagpabago sa mukha ng daigdig. Unti-unting naisiwalat ng mga ideolohiyang ito ang masamang epekto ng monarkiya. Pinasikat nila ang pagkakapantay-pantay sa lipunan at na ang katatagan ng isang bansa ay nagmumula sa pagpapahalaga sa mga likas na moralidad ng tao. Kaya naman maraming mga pilospoiya ang pumatok sa masa. Ang ating makabagong pamamaraan sa politika, sosyal at eknomiya ay resulta ng rebolusyong ito. Impluwensiya ng Pagkamulat Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinagaralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600’s tuwing nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700’s, ang kababaihang mula sa gitnang- uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal. Impluwensiya ng Pagkamulat Nagbigay ang ‘pagkamulat-pangkaisipan’ ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya. Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba’t ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal na sinunod. Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipuan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon: Ang Rebolusyong Politikal. Kaisipang Pang- Ekonomiya Sa panahong ito ay nabago ang kaisipan ng ekonomiya. Ang Merkantilismo, na matagal nang namamayani sa Europa, ay kinuwestiyon at ang polisiyang laissez faire ay natuklasan. Ito ay nagbibigay-diin sa kaisipan na ang daloy ng ekonomiya ay malaya at hindi nararapat na pakialaman ng pamahalaan. Ito ay nakasalungat sa ideya ng tradisyonal na Merkantilismo na ang kayamanan ay nakabatay sa ginto't pilak Kaisipang Pang- Ekonomiya Tinanggap ang ideya na ang lupa ay ang nagbibigay at pinagmumulan ng kayamanan. Ang mga naniniwala sa ideyang iyon ay itinatawag na Physiocrats. François Quesnay Si François Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Si François Quesnay ang pangunahing pigura ng mga Physiocrat, na karaniwang itinuturing na unang paaralan ng pag-iisip sa ekonomiya. Ang pangalang "Physiocrat" ay nagmula sa mga salitang Griyego na phýsis, na nangangahulugang "kalikasan," at kràtos, na nangangahulugang "kapangyarihan." Naniniwala ang mga Physiocrat na ang kapangyarihan ng isang ekonomiya ay nagmumula sa sektor ng agrikultura nito. Adam Smith Si Adam Smith ay kilala ngayon bilang ama ng makabagong ekonomiya. Ang kanyang pinakatanyag na akda, An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations, ay patuloy na itinuturing na batayang teksto para sa pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng lipunan, politika, kalakalan, at kasaganaan. Tulad ni Quesnay, si Adam Smith ay naniniwala na ang produksyon ay kinakailangan para kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan. Kaisipang Pang- Ekonomiya Pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ang pagbibigay-proteksiyon ng mga mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan, at pamahalaan ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Kung maisasagawa ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng interaksiyong pang- ekonomiko sa bawat indibidwal na siya namang magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng mga mamamayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser