Mga Pagbabago sa Europa sa Gitnang Panahon (Tagalog) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang presentasyon tungkol sa mga pagbabago sa Europa sa Gitnang Panahon. Tinatalakay nito ang iba't ibang mahahalagang pangyayari at ideya, tulad ng paglago ng mga lungsod, ang mga Krusada, at ang pagtaas ng Simbahang Katoliko.

Full Transcript

**TOPIC : MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA EUROPA SA GITNANG PANAHON** 1\) *PAGSIBOL NG MGA LUNGSOD --- Ang pagsibol ng mga lungsod ay tumutukoy sa pag-usbong at paglago ng mga urban sa sentro sa Europa mula sa mga rural na komunidad.* *2) KRUSADA --- Ang Krusada ay serye ng mga militar na ekspedisyon n...

**TOPIC : MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA EUROPA SA GITNANG PANAHON** 1\) *PAGSIBOL NG MGA LUNGSOD --- Ang pagsibol ng mga lungsod ay tumutukoy sa pag-usbong at paglago ng mga urban sa sentro sa Europa mula sa mga rural na komunidad.* *2) KRUSADA --- Ang Krusada ay serye ng mga militar na ekspedisyon na isinagawa ng mga Kristyanong Europeo upang mabawi ang Banap na Lupain mula sa mga Muslim.* *3) PAGTAAS NG SIMBAHANG KATOLIKO --- Ang pagtaas ng Simbahang Katoliko ay ang paglaganap ng kapangyarihan at impluwensya ng simbahan sa buhay ng mga tao sa Europa.* *4) SANTO PAPA --- Ang Santo Papa ay ang pinakamataas na lider ng Simbahang Katoliko at may malawak na kapangyarihan sa parehong espiritwal at pampulitikang larangan.* *5) KATOLISISMO O KRISTIYANISMO --- Ang Kristiyanismo ay isang relihiyon na nakabatay sa mga turo ni Hesukristo at ang Katolisismo ang pangunahing sangay ng Kristiyanismo na pinamumunuan ng Simbahang Katoliko.* *6) RENAISSANCE --- Ang Renaissance ay isang makasaysayang panahon ng muling pagsilang ng interes sa sining, agham, at kultura mula sa mga klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma.* *7) GOTHIC ARCHITECTURE --- Ang Gothic architecture ay isang estilo ng arkitektura na kilala sa mataas at masalimuot na disenyo ng mga katedral at simbahan.* *8) PAGLITAW NG BAGONG TEKNOLOHIYA --- Ang paglitaw ng bagong teknolohiya ay tumutukoy sa mga inobasyon na nagbago sa paraan ng produksiyon at pamumuhay ng mga tao.* *9) THREE-FIELD CROP ROTATION --- Ang three-field crop rotation ay isang sistemang agrikultural na nahahati ang lupa sa tatlong bahagi upang mas mapabuti ang ani.* *10) WATER MILL --- Ang water mill ay isang teknolohiya na gumagamit ng tubig bilang enerhiya upang mapatakbo ang mga makina para sa pagproseso ng mga butil.* *11) HOLY ROMAN EMPIRE --- Ang Holy Roman Empire ay isang malaking estado na kinabibilangan ng iba\'t ibang rehiyon sa Kanlurang Europa, na pinamunuan ng emperador.* *12) MANORYALISMO --- Ang manoryalismo ay isang sistemang ekonomiya na nakabatay sa mga manor, kung saan ang mga serf ay nagtatrabaho para sa mga noble.* *13)* *PYUDALISMO --- Ang pyudalismo ay sistemang pampulitika at panlipunan na nakabatay sa ugnayan ng mga noble at ng kanilang mga knight.*

Use Quizgecko on...
Browser
Browser