Araling Panlipunan Modyul 1: Panahon ng Renaissance at Repormasyon PDF

Summary

Ang modyul na ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Panahon ng Renaissance at Repormasyon, at ang mga kaugnay na pangyayari sa kasaysayan tulad ng mga kontribusyion ng kilusang Renaissance sa iba't ibang larangan. Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa ikawalong baitang.

Full Transcript

8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1 Panahon ng Renaissance at Repormasyon Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance at Repormasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika...

8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1 Panahon ng Renaissance at Repormasyon Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance at Repormasyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Tomuel S. Bago Editor: Joy B. Cabonce Edraline Denise L. Queliza Tagasuri: Michael M. Mercado Michael V. Lorenzana Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla Tagalapat: Michael V. Lorenzana Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong Tagamasid, LRMS Michael M. Mercado Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board) Department of Education – Schools Division Office- Makati City Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo, City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212 Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862 E-mail Address: [email protected] ii Alamin Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang matutuhan mo ang paksang “Panahon ng Renaissance at Repormasyon.” Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod: Pinagkunan: commons.wikimedia.org Aralin 1 – Katuturan ng Renaissance at Humanismo Aralin 2 – Ang Pag-unlad at mga Kontribusyon ng Renaissance Aralin 3 – Pagsibol ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (Most Essential Learning Competency - MELC) at mga kaugnay na layunin: 1. Nabibigyang katuturan ang naganap na Renaissance, Repormasyon at Kontra Repormasyon sa Europe; 2. Natatalakay ang mga naging kontribusyon ng Renaissance sa iba’t ibang larangan; 3. Naisasalaysay ang mga pangyayari noong Repormasyon at Kontra Repormasyon; 4. Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural (kabilang ang panrelihiyon) sa panahong Renaissance (MELC); at 5. Natataya ang ambag ng Renaissance at epekto ng Repormasyon at Kontra Repormasyon noon at ngayon. Subukin Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel. 1. Ito ay salitang Pranses na nangangahulugang “muling pagsilang”? A. Renaissance B. Humanismo C. Bougeoisie D. Repormasyon 2. Ito ay mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome? A. Burgis B. Intelektuwal C. Humanista D. Sosyalista 3. Sino ang tinaguriang “Ama ng Protestanteng Paghihimagsik?” A. John Wycliffe B. John Calvin C. Jan Hus D. Martin Luther 4. Aling titik ang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa Panahon ng Repormasyon? A. 95 Theses – Protestasyon - Kapayapaang Augsburg - Konseho ng Trent B. Konseho ng Trent – Protestasyon - 95 Theses - Kapayapaang Augsburg C. Protestasyon - 95 Theses - Konseho ng Trent - Kapayapaang Augsburg D. Kapayapaang Augsburg - Konseho ng Trent – Protestasyon - 95 Theses 5. Aling titik ang hindi kontribusyon o pamana ng Renaissance? A. Imbensiyong teleskopyo ni Galileo Galilei. B. Ang Batas ng Pangkalahatang Grabitasyon ni Isaac Newton. C. Obra Maestrang Ang Huling Hapunan ni Leonardo da Vinci. D. Akdang The Prince ni Niccolo Machiavelli. Modyul Panahon ng Renaissance 1 at Repormasyon Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon sa Europa ay sumibol ang panibagong panahong nagbigay-daan upang maabot ng karamihan ang natatamasa ngayong modernong panahon – ang Panahong Renaissance at Repormasyon. Mahalagang maunawaan mo kung ano ang mga pangyayari at naging ambag ng panahong ito na nagagamit na natin sa kasalukuyan. 1 Balikan Ilagay ang wastong impormasyon sa dayagram tungkol sa Kaisipang Kristiyanong Lumaganap sa Gitnang Panahon. Paglaganap ng Kaisipang Kristiyanismo sa Iba’t ibang Larangan Edukasyon at Pilosopiya Agham at Matematika Arkitektura Tuklasin Isipin mo mula ngayon ay sampung taon na ang dumaan. Isulat mo sa kahon ang mga tao, bagay o kaganapan na maaari mong balikan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Mga maaari kong balikan sa nagdaang sampung taon 1. Tao o Kamag-anak 2. Gamit 3. Kulturang Pilipino 4. Pangyayari sa buhay Mga Tanong: 1. Ano ang iyong mga naisulat na maaaring balikan matapos ang sampung taon? Bakit mo ito babalikan? 2. Mahalaga ba na balikan muli ang sinaunang kultura tulad sa panahon ng renaissance sa kulturang Greece at Rome? 2 Suriin Katuturan ng Renaissance at Humanismo Sa pagtatapos ng Gitnang Panahon, ang Europa ay naghirap dulot ng mga digmaan tulad ng Hundred Years War at salot na Black Death. Para sa mga nakaligtas, nagnais silang manumbalik ang sigla ng buhay. At nagsimulang tanungin kung ang mga institusyon nga ba sa Gitnang Panahon ay nakatutulong sa kanila. Kaya naman sa paghahanap ng kasagutan ay nagdulot sa pag-usbong ng panahong Renaissance. Kilala rin ito sa tawag na Italian Renaissance na lumaganap mula 1350 hanggang 1550. Hango ito sa salitang Pranses na ibig sabihin ay “muling pagsilang.” Ito ang panahon na isinilang muli o panunumbalik ng agham, literatura, sining at kultura batay sa mga sinaunang kultura ng Greece at Rome. Bago pa man ito tuluyang lumaganap sa Europa, may mga nagpasimula na ng kilusang ito, tinawag silang Humanista. Sila ay mga iskolar o bihasa sa pag-aaral ng sinaunang Greece at Rome. Malawak ang sakop ng kanilang pag-aaral kabilang na ang pag-aaral sa wikang Latin at Greek, mga komposisyong panliteratura, retorika, kasaysayan, pilosopiya, musika at matematika. Naniniwala silang mahusay ang Greek at Rome sa mga larangang ito. Kanilang sinaliksik ang mga ito sa mga silid-aklatan at monasteryo. Sa kabuoan, pakay ng mga humanista ang pag-aaral ng kabuoan ng isang tao o pagiging tao. Kaya tinawag Pinagkunan: itong Humanismo. https://commons.wikimedia.org/ wiki/File:Francesco_Petrarca._Cat erina_Piotti-Pirola_sculp.jpg Ang Pag-unlad at mga Kontribusyon ng Renaissance Umusbong at umunlad ang kilusang Renaissance sa bansang Italya dahil sa iba’t-ibang salik na nakapaloob dito. Una, sa Italya nagmula ang dakilang Imperyong Romano na silang higit na may kaugnayan sa kulturang ito. Pangalawa, estratehiko ang kinaroroonan ng bansang ito sapagkat napalilibutan ito ng dagat Mediterrenean na naging daanan at daungan ng mga sasakyang- pandagat mula sa tatlong kontinente - Europa, Asya at Africa. Pangatlo, dahil karamihan ng lugar sa Italya ay lungsod-estado, mayroon silang mga unibersidad na nagtaguyod ng pag-aaral ng teolohiya, pilosopiya at klasikal na kultura ng Greece at Rome. At panghuli, sumuporta ang mga maharlika o mayayamang angkan tulad ng pamilyang Medici sa mga taong magaling sa sining at masigasig sa pag-aaral. Ilan sa mga lungsod-estado na mauunlad sa Italya ay naging sentro ng buhay ng mga kilalang tao sa panahon ng Renaissance. Ang mga lungsod-estado ng Florence, Venice, Milan, Pinagkunan: Genoa, Mantua, Ferrara at Estado ng Santo Papa ay ilan lamang sa https://commons.wikimedia.org/wiki/Fil mga ito. Karamihan sa mga larangan ay nabigyan ng kontribusyon e:Italy_1494_AD.png ng mga kilalang tao sa panahon ng Renaissance. Makikita ito sa ibabang talahanayan. Talahanayan 1.1 Kontribusyon ng Renaissance Kilalang Tao Kontribusyon Larangan Francesco Petrarch “Ama ng Humanismo” Literatura (1304-1374) Canzoniere, kalipunan ng kantang-tula para kay Laura. Giovanni Boccaccio Decameron, isandaang nakakalungkot at Literatura (1313-1375) nakatutuwang kwento. 3 Desiderius Erasmus Nagsalin ng New Testament sa wikang Literatura (1466-1536) Greek. In Praise of Folly, pagtuligsa sa maling gawa ng kaparian at karaniwang tao. William Shakespeare Pambansang Makata ng Inglatera Literatura (1544-1616) Tanyag na mga akda: Romeo at Juliet, Julius Caesar, Hamlet, at Antony at Cleopatra. Vittoria Colonna Rime spirituali, tulang panrelihiyon. Literatura (1492-1547) Unang babae sa larangan ng tula. Niccolo Machiavelli The Prince, akdang pampulitika. Pilosopiya (1469-1527) Nakapaloob ang ideya na “the end justifies the means” o “ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” Thomas Hobbes Leviathan, tungkol sa obligasyon ng isang Pilosopiya (1588-1679) Kristiyano. Leonardo da Vinci Kilala sa obra maestrang Mona Lisa at Ang Sining – pagpipinta, (1452-1519) Huling Hapunan o “The Last Supper” arkitektura, at agham Donatello David, eskulturang gawa sa itim na Sining - Paglililok (1386-1466) marmol. Raphael Madonna and the Child, isang obra maestra. Sining - Pagpipinta (1483-1520) Tinaguriang “Ganap na Pintor.” Michelangelo David, eskulturang gawa sa puting marmol. Sining – Pagpipinta at (1475-1564) paglililok Pinta sa kisame ng Sistine Chapel. Sofonisba Anguissola Pagpipinta sa kanyang sarili o self-portrait Sining - Pagpipinta (1532-1625) Nicolaus Copernicus Heliocentric, na ang araw hindi ang daigdig Agham (1473-1543) ang gitna ng Sistemang Solar. Galileo Galilei Sumuporta sa Teoryang Heliocentric. Agham (1475-1564) Imbentor ng teleskopyo. Larawan ng mga Ambag sa Panahon ng Renaissance Pinagkunan: Pinagkunan: Pinagkunan: creativecommons.org Pinagkunan: creativecommons.org creativecommons.org creativecommons.org Pagsibol ng Repormasyon at Kontra-Repormasyon Sa lakas ng impluwensiyang intelektuwal ng Renaissance sa Europa ay naapektuhan nito ang sumunod na kaganapan sa kasaysayan nito. Ito ang panahon na kung tawagin ay Repormasyon o Repormasyong Protestante. Naganap sa kanlurang bahagi ng Europa noong ika-16 na siglo. Ito ay rebolusyong panrelihiyon na yumanig at humati sa ka-Kristyanuhan sa pagiging Katoliko at Protestante. 4 Marami na ring nauna ang humingi ng pagbabago sa Simbahang Katoliko dahil nakita nila ang pagiging kurakot at kawalan ng pamumunong espirituwal ng Santo Papa at mga kaparian ngunit sila’y nabigo tulad nina Valdes, pinuno ng Waldensians; Jan Hus at John Wycliffe. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng panibagong kilusan sa pamumuno ni Martin Luther, isang pastor na German at propesor ng Teolohiya sa Unibersidad ng Wittenberg, Germany. Kinuwestiyon niya ang maling gawi ng mga pari lalo na sa pagbebenta ng indulhensiya, isang piraso ng papel na nagsasaad ng grasya ng Diyos at kapatawaran sa sinumang bibili nito. Salungat ito ayon kay Luther sa aral ng Bibliya Pinagkunan: na ang kapatawaran ay batay sa grasya ng https://commons.wikimedia.org/ Diyos at pananampalataya ng tao. Kaniyang kinondena ang indulhesya nang ipaskil ang Siyamnapu’t Limang Proposisyon (Ninety-Five Theses) sa pintuan ng simbahan ng Wittenberg noong ika-31 ng Oktubre, 1517. Lumaganap ang pananaw ni Luther tungkol sa kaligtasan nang maisulat at malimbag gamit ang imbensyon ni Johannes Gutenberg na movable printing press o naililipat na limbagan. Pinagkunan: creativecommons.org Maraming estado sa Germany ang sumuporta kay Luther, marahil isa na rito ang pag-protesta o protestasyon ng mga estado laban sa Banal na Imperyong Romano at tinawag silang Protestante. Para sa simbahang Katoliko, ang gawa ni Luther ay nais pigilan kaya idineklara siyang ekskomulgado o taong itiniwalag bilang katoliko ni Papa Leo X. Gayundin ang emperador ng Banal na Imperyong Romano na si Charles V ay inimbitahan si Luther upang makipag- diyalogo sa syudad ng Worms na kahit dumalo man si Luther ay hindi bumaligtad sa kaniyang paniniwala. Tinawag itong Diet of Worms. Karamihan ng mga estado sa hilagang Europa ay naging Protestante samantalang nanatiling Katoliko naman ang timog Europa. Nagdulot ng mga pag-aalsa at digmaang panrelihiyon ang hatiang ito sa pagitan ng mga estadong Katoliko at Protestante sa Germany. Kaya naman nagpatawag si emperador Charles V ng Pinagkunan: creativecommons.org pulong sa Augsburg upang tapusin ang sigalot noong 1555 at naisulat ang kasunduang tinaguriang Kapayapaang Augsburg. Sa paglaganap ang Protestantismo sa Europa, gumawa ng paraan ang Simbahang Katoliko upang bumalik ang tiwala ng mga mananampalataya na tinawag na Kontra- Repormasyon. Ito rin ay tugon sa hamong dala ng Protestantismo. Una, nagkaroon ng pulong ang mga arsobispo at mga kardinal sa pamumuno ng Santo Papa upang ayusin ang dokrina ng simbahan na kung tawagin ay Konseho ng Trent. Ikalawa, ginamitan nila ng dahas at pagpapahirap ang ilan upang supilin ang pagkalat ng mga heretiko, nakilala ito sa tawag na Inquisition. At panghuli ay paghihikayat sa mga mananampalataya na magbalik loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-ibig at tulong na Pinagkunan: commons.wikimedia.org pinasimulan ni Saint Ignatius Loyola at tinawag na Society of Jesus o Heswita. Malaki ang naging epekto ng Repormasyon ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng dalawang dibisyon sa Kristiyanismo – ang Protestante sa Hilagang Europa at Katoliko sa Timog Europa; mula sa Protestante sumibol ang iba’t-ibang denominasyon tulad ng Lutheran, Baptist, Calvinist, Anglican, Methodist, at Presbyterian; nagkaroon ng digmaang panrelihiyon na nagdulot ng pinsala at pagkamatay ng mga tao; bumaba ang kapangyarihang politikal ng Santo Papa sa mga estado sa Europa; nagkaroon ng reporma sa simbahang Katoliko nang alisin ang mga maling gawi ng mga kaparian; hinikayat muli ang tao na magbasa at magsaliksik ng Bibliya at panunumbalik ng buhay-espirituwal ng mga tao. 5 Pagyamanin Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Ang Panahon ng Renaissance at Repormasyon,” halina’t sagutin ang ating gawain. Gawain 1.1 Himayin Mo: Buuhin ang mga impormasyon tungkol sa kahulugan at pag-unlad ng Renaissance. Gamitin ang kahon ng pagpipilian. Isulat ito sa hiwalay na papel o kwaderno. A. Muling pagsilang. B. Pag-aaral ng kulturang Greek at Rome. C. Nagmula dito ang dakilang Imperyong Romano. D. Lungsod-estado ng Florence, Milan at Venice. E. The Last Supper, Madonna and the child, at School of Athens. R Kahulugan: Dahilan bakit sa Lungsod-estadong tahanan ng mga E Italy sumibol: Humanista: N 1. ___________ A 2. ______________ 3. ________________ I _ S S A Kahulugan ng Mga Kilalang Ambag N C Humanismo: 5. _________________ E 4. ______________ Gawain 1.2 Data Completion Card: Ibigay ang mga kontribusyon at halaga sa kasalukuyan ng Panahong Renaissance at Repormasyon. Panahon Kilalang Tao at Ambag Halaga nito sa kasalukuyan 1. 5. Renaissance 2. 6. 3. 7. Repormasyon 4. 8. 6 Isaisip Gawain 1.3 Tanong-Sagot: Isulat ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Kumusta mag-aaral? Sagutin ang mga tanong sa pisara. 1. Ano ang Renaissance? 2. Bakit sa Italy umusbong ang Renaissance? 3. Paano naimpluwensiyahan ng pagsibol ng Renaissance sa Europe ang bagong pagtingin sa larangan ng panitikan, agham at sining? 4. Paano nagsimula ang Repormasyon at Kontra-Repormasyon? 5. Paano nakatulong ang Repormasyon at Kontra- Repormasyon sa paglakas ng Europe? Isagawa Gawain 1.4 Ang Aking Ambag: Tulad ng mga kilalang tao na nagbigay ng ambag sa panahon ng Renaissance, naging inspirasyon nila ang sinaunang kulturang Greek at Roman. Tulad nila, gawin mo ring inspirayon ang mga kilalang tao sa Renaissance at gumawa ng sariling ambag. Gumawa ng isang ambag sa isa sa mga larangan (literature, sining o agham) na sa tingin mo ay kinakailangan natin sa kasalukuyan. Gamitin ang diagram sa ibaba. Rubriks sa pagmamarka ng gawain: Pamantayan Deskripsiyon Puntos Disensyo Kaaya-aya ang disenyo at malikahin. 15 Nilalaman Akma ang paglalarawan sa disenyo. 10 Kabuoan 25 7 Tayahin Maramihang Pagpili: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel. 1. Ano ang tawag sa panahon ng panunumbalik ng sinaunang kulturang Greek at Roman? A. Dark Age B. Merkantilismo C. Renaissance D. Bourgeoisie 2. Sino ang tinaguriang Ama ng kilusang Repormasyon? A. Henry VIII. B. John Wycliffe. C. Martin Luther. D. Francesco Petrarch. 3. Alin sa sumusunod ang hindi dahilan kung bakit sa Italya sumibol ang Renaissance? A. Nagmula dito ang dakilang Imperyong Romano. B. Sumuporta ang mga maharlika at mayayamang angkan. C. Laganap sa lugar na ito ang kawalan ng batas at kaniya-kaniyang pamamahala. D. Nagtaguyod ang mga unibersidad ng pag-aaral sa klasikal na kultura ng Greece at Rome. 4. Alin sa sumusunod ang hindi ginawa ng simbahang Katoliko sa tinaguriang Kontra- Repormasyon? A. Pagsuporta sa mga estadong Protestante. B. Pagsasaayos ng mga doktrina ng simbahang Katoliko. C. Pagsupil sa mga heretiko sa pamamagitan ng pagpapahirap. D. Panghihikayat ng mga Heswita sa mga Protestante na magbalik-loob. 5. Ano ang naging mabuting epekto ng Repormasyon sa daigdig? A. Kawalan ng pananampalataya sa Diyos. B. Pagbebenta ng indulhensiya sa mga mahihirap. C. Pagkakahati-hati sa mga mananampalatayang Kristiyano. D. Panunumbalik ng buhay espirituwal sa mga mananampalataya. Karagdagang Gawain Gawain 1.5 Tissue Art: Gumawa ng isang obrang tissue art tungkol sa mga kilalang tao ng Renaissance o Repormasyon. Gawin ito sa 1/8 na illustration board at lagyan ng isang pulgadang hangganan bawat gilid. Isaalang-alang ang mga panuntunan sa paggawa: 1. Gumamit ng tissue, glue at pangkulay sa gagawing tissue art. 2. Pumili lang ng isang kilalang tao sa Renaissance o Repormasyon at ipa-print. Gamitin ang tissue bilang pabalat at kulayan. 3. Isulat sa likuran kung ano ang halaga ng ambag ng kilalang tao na ito. 8

Use Quizgecko on...
Browser
Browser