Araling Panlipunan 8 Grade 8 Modyul 3 Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
DepED
Tags
Summary
This Araling Panlipunan grade 8 module, published by the Department of Education (DepEd) in 2020, covers the Prehistorical period in the Philippines. It explores the cultural development of the era through a variety of exercises and activities. This document includes questions.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Araling Panlipunan 8 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Unang Edisyon, 2020 I...
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Araling Panlipunan 8 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Ang Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat Ng Modyul Mga Manunulat: Geoffrey A. Retita, Maria Vanessa J. Resullar Mga Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla Tagasuri: Marino L. Pamogas, Leowenmar Corvera, Edwin C. Salazar, Marina B. Sanguenza, Honorato Mendoza, Edwin Capon, Joel Plaza, Fatima Notarte Tagaguhit: Mga Tagapaglapat: Paul Andrew A. Tremedal, Robert Sherwin S. Betita Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares Carlo P. Tantoy Noemi D. Lim Sammy D. Altres Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang 21st century skills habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. ii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga Alamin dapat mong matutuhan sa modyul. Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Binubuo ito ng mga gawaing para sa Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang iyong mga sagot sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng iii modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o Isaisip pupunang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Ito ay gawain na naglalayong matasa o Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyo na panibagong gawain upang pagyamanin ang Gawain kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat Susi sa ng mga gawain sa modyul. Pagwawasto Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ito ang talaan ng mga pinagkuhanan sa Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ang pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaaring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino mang kasamahan mo sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. iv Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, mararanasan mo ang makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. v Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang antas ng pag-unlad sa kultura ng sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Yugto ng Pag- unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko na nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1: Panahon ng Bato Paksa 2: Panahon ng Metal Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. (MELC3) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nasusuri ang timeline ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko; naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing prehistoriko sa kasalukuyang panahon; nakapagtala ng mga gamit o kasangkapan sa panahong prehistoriko na patuloy pa ring ginagamit sa kasalukuyan; at nakabubuo ng konklusyon sa epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan, epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao, at higit na pag- unlad ng tao dahil sa paggamit ng metal. 1 Subukin Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 2. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura? A. Ice Age C. Neolitiko B. Mesolitiko D. Paleolitiko 3. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko? A. Agrikultura C. Irigasyon B. Apoy D. Metal 4. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan? A. Historiko C. Neolitiko B. Mesolitiko D. Prehistoriko 5. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 6. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 7. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa: A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay. B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad. C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop. D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar. 2 8. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal 9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko? A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse 10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao? A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan. 11. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko? A. Natuto nang magtanim ang tao. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal. C. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse. 12. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko? A. natutunan na ang pagmimina B. takot silang mabihag ng ibang tribu C. mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim D. natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop 13. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko? A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim. B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal. C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian. D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy. 3 14. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal? A. Tataas ang suplay ng pagkain. B. Uunlad ang pakikipagtalastasan. C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal. 15. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal? A. disiplinado C. maramot B. mapagtimpi D. matalino 4 Aralin Yugto ng Pag-unlad ng Kultura 1 sa Panahong Prehistoriko Balikan Subukan mo kung iyong matatandaan ang mga nilalaman tungkol sa natatanging kultura, relihiyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagtambalin ang mga konsepto sa Hanay A at Hanay B at isulat ang sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 1. Kaluluwa ng kultura A. Etniko 2. Sistema ng paniniwala at B. Lahi ritwal 3. Tumutukoy sa C. Wika pagkakilanlan ng isang pangkat ng mga tao 4. Salitang-ugat ng relihiyon D. Religare 5. Pangkat ng taong may E. Relihiyon iisang kultura at pinagmulan 5 Tuklasin Lagyan ng sariling hashtag (#) ang mga inilalarawan sa sumusunod na panahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Halimbawa: #pangangaso Panahong Paleolitiko Panahong Neolitiko Panahong Metal Suriin Hinahangad sa bahaging ito na mauunawaan mo ang panahon ng pagsibol sa antas ng kultura sa kapanahonang prehistoriko bilang batayang konsepto. Para lalong umunlad ang iyong kabatiran, magbasa at intindihin ang paksa. 6 Panahong Prehistoriko Ang panahong prehistoriko ay ibinase sa teknolohiya at kagamitan na kadalasang ginagamit sa bawat panahon ang pagkakabitak sa kaganapang prehistoriko. Ang panahong Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko ay ang mga panahong nakitaan na karamihan sa mga tao ay gumamit ng bato bilang kasangkapan. Habang kinabibilangan naman ng panahong copper, bronze, at bakal ang panahon ng Metal. Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko. Panahon ng Bato Panahon ng Metal 2.5 milyon – 4,000 BCE 4,000 BCE - Kasalukuyan 4, 000 BCE 2.5 milyon BCE Unang Yugto Ikatlong Yugto Unang Yugto Paleolitiko Ikatlong Yugto Neolitiko Tanso 2.5 milyon – 10, 000 10, 000 – 4,000 BCE 4, 000 – 1500 BCE BCE Bakal 1, 500 BCE Ikalawang Yugto Ikalawang Yugto Mesolitiko Bronse Talaguhitan: (BCE Before Common Era o Bago ang Kasalukuyang Panahon) I. Panahon ng Bato A. Unang Yugto Panahon ng Paleolitiko - Ibig sabihin ay panahon ng Lumang Bato. - Paleos o matanda; lithos o bato. - Nag-umpisang gumamit ng mga kasangkapan na yari sa magaspang na bato. - Natuklasan ang kahalagahan ng apoy. - Maaninag sa mga tato at pagguhit sa bato ang pagkamasining. - Mayroon nang pamayanan na karaniwang makikita sa mga lambak sa anyong campsite. 7 B. Ikalawang Yugto Pabahon ng Mesolitiko - Nangangahulugang gitnang panahon ng Bato. - Nakagawa ng mga kasangkapan ang mga sinaunang tao na yari sa mga makikinis na bato. - Sa pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo noong 1000 hanggang 4500 BCE ay nagsimula ang pag-usbong o paglago ng mga gubat. - Nakaranas ng tagtuyot ng lupa ang sinaunang tao dahil sa matinding init ng panahon. - Naninirahan sa mga pampang ng ilog at dagat upang mabuhay. - Nagsimulang mag-alaga ng hayop ang tao. - Paggawa ng microlith. Ito ay maliit at patusok na mga kasangkapang batong nagsisilbing kutsilyo at talim ng mga pana at sibat. - Paggawa ng mga palayok na gawa sa luwad C. Ikatlong Yugto Panahon ng Neolitiko - Ibig sabihin ay panahon ng Bagong Bato - Neos – bago; lithos – bato - Nakagawa ang mga sinaunang tao ng kasangkapan na yari sa matutulis na bato - Kinasangkapan sa arkeolohiya at antropolohiya ang katawagang Neolitiko para mailaan ang isang uri ng pagbabagong kultibasyon o kaparaanan sa buhay at teknolohiya - Batid ang yugtong ito sa makintab na kagamitang bato, pamamalagi sa komunidad, pagsasaka, pagpapalayukan, at paghahabi - May sistema na ng pagtatanim - Nasustentuhan na ang pang-araw-araw na pagkain - Ang pag-asikaso sa mga sakahan ang nagsilbing dahilan ng pamamalagi sa isang pook - Sa mismong tahanan nila ibinaon ang mga namatay - May mga hiyas ng nilikha, salamin, at patalim II. PANAHON NG METAL A. Panahon ng Tanso - Daglian ang kaunlaran ng tao ngunit walang tigil pa ring pinakinabangan ang mga kasangkapang bato. - Pagdating ng 4000 BCE, nag-umpisa ang paggamit ng kasangkapan na yari sa tanso sa ilang mga pook sa Asia, Europe at Egypt. - Napahusay ang paglikha at pagyari ng mga kasangkapang mula sa tanso. 8 B. Panahon ng Bronse - Nadiskubre sa panahonh ito ang panibagong proseso sa pagpapatibay ng bronse bilang kasangkapan na labis na pinakinabangan ng mga sinaunang tao. - Para makalikha ng lampas pa sa inaasahang matibay na gamit, ang tanso at lata (tin) ay pinagsama. - Ang mga nalikhang kasangkapan at sandata na galing sa tanso ay samu’t-sari gaya ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat. - Marunong nang makipagpalitan ng produkto ang mga sinaunang tao sa karatig na lugar. C. Panahon ng Bakal - Isang grupo ng tao na nakatira sa Kanlurang Asya na kinilala bilang Hittite ang nakadiskubre ng bakal. - Marunong na silang magpalambot at magpanday ng bakal. - Ang pagpapalambot at pagpapanday ng bakal ay mahabang panahon nilang itinago at isinekreto. - Hindi nagtagal, ang pagkasangkapan ng bakal ay kumalat sa iba pang lupain. Pamprosesong Tanong 1. Ano-ano ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa Panahon ng Prehistoriko? 2. Ano-ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa Panahon ng Prehistoriko? 3. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspeto ng pamumuhay? 4. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas ng iba’t ibang uri ng kasangkapan sa pag- unlad ng kultura ng mga sinaunang tao? 5. Magbigay ng sariling konklusyon tungkol sa pagpupunyagi ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang kultura at pamumuhay. 9 Pagyamanin Gawain: Kahala-Ganap Kopyahin ang diyagram at ibigay ang kahalagahan ng mga gawaing prehistoriko sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa sagutang papel. Gawain: Kunin Mo Ako Basahin at piliin ang mga lipon ng mga salita sa loob ng kahon ayon sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng panahong prehistoriko. Natuklasan ang apoy Pinakinis ang bato Nakalikha ng salamin Natutuhan ang pag-alaga ng hayop Natutuhan ang pagtatanim Natutuhan ang pakikipagpalitan ng produkto Nadiskubre ang paggamit ng bakal Sandatang yari sa tanso Nagpipinta sa kanilang katawan Nakagawa ng microlith Panahong Panahong Panahong Panahon ng Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko Metal 10 Isaisip Magtala ng limang bagay na ginamit noon at patuloy pa ring ginagamit ngayon. Ibigay ang kahalagahan ng bawat isa. Isulat ito sa sagutang papel. KAHALAGAHAN KAHALAGAHAN BAGAY NOON NGAYON 1. 2. 3. 4. 5. Ipaliwanag ang iyong nabuong kongklusyon tungkol sa mga nagawa ng sinaunang tao? Isulat ito sa sagutang papel. 11 Isagawa Makikita sa diyagram ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Isulat sa mga parihaba ang mga ebidensyang nagpapatunay sa nakasulat na kongklusyon. Malaki ang epekto ng heograpiya sa Malaki ang nagiging epekto ng pag-usbong ng unang pamayanan. agrikultura sa pamumuhay ng tao. 1. 1. 2. 2. 3. 3. Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan. 1. 2. 3. 12 Tayahin Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa: A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay. B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad. C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop. D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar. 2. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal? A. disiplinado C. maramot B. mapagtimpi D. matalino 3. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 4. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal 5. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko? A. Agrikultura C. Irigasyon B. Apoy D. Metal 6. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko? A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse 7. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura? A. Ice Age C. Neolitiko B. Mesolitiko D. Paleolitiko 13 8. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao? A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko. B. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko. C. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal. D. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan. 9. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko? A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim. B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal. C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian. D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy. 10. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal? A. Tataas ang suplay ng pagkain. B. Uunlad ang pakikipagtalastasan. C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal. 11. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 12. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao? A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko 13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko? A. Natuto nang magtanim ang tao. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal. C. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse. 14. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan? A. Historiko C. Neolitiko B. Mesolitiko D. Prehistoriko 15. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko? A. Natutunan na ang pagmimina. B. Takot silang mabihag ng ibang tribu. C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim. D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop. 14 Karagdagang Gawain Gawain: Itala Mo! Magtala ng mga artifacts o mga lumang bagay na matatagpuan sa loob ng tahanan. Maaaring magtanong sa mga magulang o nakatatanda. Lagyan ng tsek ang hanay na kumakatawan sa haba ng panahong itinagal ng bagay. Mga Bagay 30 Taon Pababa 31 Taon Pataas 15 16 Tuklasin: Panahong Neolitiko Panahong Panahon ng Metal # Paraan ng Paleolitiko Pamumuhay # Paraan ng #pagtatanim Pamumuhay # Paraan ng #pag-aalaga ng Pamumuhay #paggamit ng metal hayop #pangangaso #pakikipagkalakalan #paggawa ng #pangingisda palayok Balikan: 1. C 4. D 2. E 5. A 3. B Subukin: 1. C 6. D 11. C 2. C 7. D 12. C 3. B 8. D 13. A 4. D 9. A 14. D 5. B 10. B 15. C Alamin: (Posibleng sagot. Ito ang pagbabatayan ng guro sa kung ilan ang ibibigay na puntos sa sagot ng mag-aaral) Ang panahong prehistoriko ay mga kaganapan na may kinalaman sa pag-unlad sa pamumuhay ng tao na hindi pa naisulat o ang mga pangyayari sa panahon na hindi pa naisulat ang kasaysayan. Susi sa Pagwawasto 17 PAGYAMANIN: 18 ISAISIP: (Mga posibleng sagot) BAGAY KAHALAGAHAN NOON KAHALAGAHAN NGAYON 1. Palayok Ginagamit sa pagluluto Ginagamit sa pagluluto 2. Alahas Palamuti sa katawan Palamuti at pwedeng pagkakitaan 3. Kutsilyo Ginagamit panghiwa ng karne Ginagamit sa paghihiwa ng karne at ng hayop mga katulad na bagay 4. Banga Ginagawang imbakan ng Imbakan ng pagkain o tubig pagkain 5. Buto/butil Ginagamit upang maparami Pagtatanim o negosyo ang ani Gawain: Kunin Mo Ako Panahong Panahong Paleolitiko Panahong Neolitiko Panahong Mesolitiko Sandatang yari Paleolitiko Nakalikha ng sa tanso salamin Natutunan ang Natuklasan ang Natutunan ang pag-alaga ng Pinakinis ang apoy pakikipagpalitan hayop mga bato Pagpipinta ng ng product Nakagawa ng Natutunan ang katawan Nadiskubre pagtatanim microlith ang paggamit ng baka 19 Tayahin: 1. D 6. A 11. B 2. C 7. C 12. C 3. D 8. B 13. C 4. D 9. A 14. D 5. B 10. D 15. C Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). 20 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]