Araling Panlipunan 6 Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by FavoredBoltzmann
Batangas State University
Tags
Related
- Mga Tala ng AP Q2 M1: Uri ng Pamahalaan at Patakaran ng mga Amerikano
- Aralin 1: Sinaunang Kasaysayan ng Timog-Silangang Asya PDF
- Aralin 3: Isyu sa Paggawa: Kakayahan na Maka-angkop sa Globally Standard na Paggawa PDF
- BANGHAY ARALIN SA KASAYSAYAN NG TIMOG SILANGANG ASYA (ARALIN 8): PAGLITAW NG IMPERYALISMONG HAPONES PDF
- ARALIN 9 at 10: Sosyolohiyang Pilipino PDF
- Mga Hamon sa Kasarinlan ng Pilipinas (Araling Panlipunan 6) PDF
Summary
Ang modyul na ito ay tungkol sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakatuon ito sa Panahon ng Himagsikang Pilipino at naglalaman ng mga tanong at gawain para sa mga mag-aaral, kasama ang timeline ng mga pangyayari. Isang mahalagang modyul para sa mga mag-aaral sa Araling Panlipunan.
Full Transcript
# Araling Panlipunan 6 ## Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino ### Aralin 1: Sigaw sa Pugad Lawin **Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero?** Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpas...
# Araling Panlipunan 6 ## Unang Markahan – Modyul 3: Mga Mahahalagang Kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino ### Aralin 1: Sigaw sa Pugad Lawin **Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng mga katipunero?** Sa modyul na ito malalaman mo ang mga pangyayari na nagpasimula ng himagsikan laban sa mga Español upang makamit ang kalayaan **Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong:** 1. masusuri ang mga pangyayari sa paglaganap ng rebolusyon; 2. matutukoy ang mga mahahalagang tao na may malaking kontribusyon sa himagsikan; 3. masusuri ang timeline ng Himagsikang 1896; at 4. maipaliliwanag ang makasaysayang kaganapan sa Sigaw sa Pugad Lawin. #### Balikan **Panuto:** Ipaliwanag ang sumusunod na tanong at isulat sa sagutang-papel. 1. Kailan at saan itinatag ang "Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK"? 2. Bakit itinatatag ang KKK? 3. Sino ang mga nagtatag ng KKK? 4. Ano ang pangunahing layunin ng samahan? 5. Paano nabunyag ang KKK? #### Tuklasin | Timeline ng Himagsikang 1896 | | --- | | Hulyo 7, 1892 | Itinatag ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan | | Agosto, 1896 | Pambansang Paghihimagsik ng mga Pilipino | | Agosto 19, 1896 | Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino na pinaghihinalaang katipunero. Dito na natuklasan ang KKK. | | Agosto 23, 1896 | Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero, ang pagsiklab ng himagsikan. | | Agosto 23, 1896 | Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkaroon ng himagsikan. | | Agosto 25, 1896 | Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa mamayan na simulan ang himagsikan. | | Agosto 29, 1896 | Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng Pilipino at Español. | **Panuto:** Lagyan ng bilang 1-5 ang sumusunod na pangyayari ayun sa tamang pagkasunod-sunod nito. Ilagay ang sagot sa sagutang-papel. 1. Sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkaroon ng himagsikan. 2. Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng Español at Pilipino. 3. Dinakip ng mga guwardiya sibil ang maraming Pilipino na pinaghihinalaang katipuneгo. 4. Ang pagpunit ng sedula ng mga katipunero ang naging hudyat sa pagsiklab ng himagsikan. 5. Itinatag ang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. #### Suriin Itinatag ni Andres Bonifacio ang isang lihim na samahang KKK, Kataastasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa isang bahay sa 72 Kalye Azcarraga (Claro M. Recto ngayon) kasama sina Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at Jose Dizon. Pangunahing layunin ng samahan na mapagsama-sama ang lahat ng mga Pilipino at makipaglaban sa mga Español upang makamit ang kalayaan. Naniniwala ang samahan na matugunan ang layunin na ito sa malinis na pag-iisip at kagandahang asal. Naniniwala ang samahan na maisasagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng matibay na hukbo at paglaban para sa kalayaan. Sa simula, ang mga lalaki lamang ang mga kasapi ng Katipunan. Dala sa paghihinala ng kanilang mga asawa sa kanilang pag-alis-alis kung gabi, nababawasan ang kanilang sahod, napilitan silang itatag ang isang samahan para lamang sa mga asawa, kapatid, at anak ng mga katipunero. Kabilang dito sina Gregoria de Jesus, ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Malaking tulong ang nagawa ng mga babaeng katipunero, sila ang nagtatago ng mga mahalagang lihim na dokumento ng Katipunan. Kung may pagpupulong ang mga katipunero, ang kababaihan ay nagsasayawan, nagkakakantahan, at nagpasaya upang hindi mahalata ng mga guardiya sibil at isipin lamang na ang mga ito ay nagdiriwang. Dahil sa mga patagong pagpupulong at pag-iwas sa mga Español, ang mga katipunero ay tumutungo sa bahay ni Melchora Aquino at siya ay tinagurian "Tandang Sora," "Ina ng Balintawak," "Ina ng Katipunan" at tinawag din siya na "Ina ng Rebolusyon." Hanggang sa sumiklab ang himagsikan, siya ang nanggagamot sa mga sugatang Katipunero. Gabi ng Agosto 19, 1896, habang abala ang mga katipunero sa paghahanda ng rebolusyon, isiniwalat ni Teodoro Patiño, isang katipunero, kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan. Nagawa niya iyon dahil sa payo ng isang madre at kapatid niyang nakatira sa tahanan ng mga ulila sa Mandaluyong. Itinuro ni Patiño ang mga imprenta ng mga katipunero. Natuklasan dito ang ilang polyeto at dokumento ng Katipunan. Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghihinalaang Pilipino na kasapi ng Katipunan. Ang pagkatuklas ng Katipunan ay nagbunsod kay Bonifacio na tumawag ng pulong sa Balintawak, Caloocan kasama sina Jacinto, Procopio Bonifacio, at iba pang katipunero. Nagkita-kita ang mga Katipunero sa Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896 matapos na matuklasan ng mga Español ang Katipunan. Nagkasundo silang simulan na ang himagsikan. Pagkatapos, sabay nilang inilabas ang kanilang mga sedula at pinunit ito. Sabay-sabay silang sumigaw ng "Mabuhay ang Pilipinas!" Kinilala ito sa kasaysayan ng ating bansa na Sigaw sa Pugad Lawin. Ang Sigaw sa Pugad Lawin ay nagsimula ng maalab na labanan sa pagitan ng mga Español at mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Ama ng Katipunan. Ang kaniyang tagapayo ay si Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan at siya rin ang patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. #### Lagablab ng Himagsikan Pagkatapos ng makasaysayang pagpunit ng kanilang mga sedula, noong Agosto 23, 1896, sabay ding sumang-ayon ang lahat kay Bonifacio at Jacinto na magkakaroon ng himagsikan. Nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumanyak sa mamamayan na simulan ang himagsikan noong Agosto 25, 1896. May dinakip ang mga Español na mga pinaghihinalaang katipunero at ikinulong sila sa Fort Santiago pagkatapos matuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Ang unang sagupaan ng mga magkalabang tropa ng mga Español at Katipunan ay nangyari sa San Juan Del Monte noong Agosto 29, 1896. Pinamunuan ang mga katipunero nina Bonifacio at Jacinto. Ngunit napilitang umatras ang mga katipunero nang dumating ang mga dagdag na kawal ng mga Español. Wari'y isang hudyat ang paglalabang iyon. Nang mga sandaling iyon, sabay-sabay na nag-alsa at nakipaglaban ang mga Pilipino sa Sta. Mesa, Pandacan, Pateros, Taguig, Caloocan, Biak-na-Bato, San Francisco de Malabon, Kawit, at Cavite. Sa dakong hilaga naman, ang mga Pilipino ng San Isidro, Nueva Ecija, Pampanga, at Tarlac ay nakipaghamok din. Sa Laguna, Batangas, at Cavite, ang mga Pilipino ay sumalakay sa mga garrison ng mga Español na parang nagitla sa mga pagsasalakay. Ang makikitang walong sinag ng araw na makikita sa ating kasalukuyang watawat ay sumisimbolo sa walong lalawigan na unang nag-alsa laban sa mga Español. **Panuto:** Sagutin ang mga katanungan tungkol sa nabasa. Isulat ang mga sagot sa sagutang-papel. 1. Ano ang mga pangyayaring nagpa-alab sa damdaming mapanghimagsik ng mga katipunero? 2. Bakit itinatag ang KKK? 3. Bakit kailangang simulan ang labanan kahit hindi pa handa ang mga katipunero? 4. Paano natuklasan ng mga Español ang lihim ng Katipunan? **Pugad Lawin** #### Pagyamanin **Gawain 1** **Panuto:** Kumpletuhin ang dayagram. Isulat sa sagutang-papel ang sagot. | Sigaw sa Pugad Lawin (Sanhi) | | --- | | 1 | | 2. | Agosto 30, 1896 Lumusob ang mga katipunero sa San Juan del Monte sa bodega ng pulbura ng mga Español (Pangyayari) |