Araling Panlipunan 8 Ikatlong Markahan - Modyul 1 Panahon ng Renaissance PDF
Document Details
Uploaded by LucidLemur
2020
Tags
Summary
This module is for 8th grade students in the Philippines, focusing on the Renaissance in Philippine history. It includes learning activities, questions, and resources for self-study.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1 Panahon ng Renaissance Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module Ikatlong Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon...
8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1 Panahon ng Renaissance Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module Ikatlong Markahan – Modyul 1: Panahon ng Renaissance Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Elgemary S. Abata, Jerisse J. Parajes Editor: Filipina F. Meehlieb, Lileth F. Oliverio, Tagasuri: Lilifreda P. Almazan, Fatima D. Notarte, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Marina B. Sanguenza, John M. Anino, Alyn M. Tolero Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Joel P. Plaza, Edwin C. Salazar, Larry G. Morandante, Marino L. Pamogas Tagaguhit: Tagalapat: Aldrin V. Ubas, Paul Andrew A. Tremedal Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng Caraga Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (086) 342-8207: (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1 Panahon ng Renaissance Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng Renaissance. Ang kaalaman mo sa panahong ito ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag nito sa larangan ng pagbabagong pulitiko, ekonomiko at sosyo- kultural. Makikilala mo rin ang mga taong naging tanyag sa kanilang mga obra maestra sa iba’t ibang larangan. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa Panahon ng Renaissance na nahahati sa mga sumusunod na paksa: Paksa 1- Kahulugan ng Renaissance Paksa 2- Ang Humanismo Paksa 3- Mga Ambag ng mga Humanista Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo- kultural sa panahon ng Renaissance. AP8 MELC1 Q1 WEEK1 Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit sa Italya nagsimula ang Renaissance; natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pagsibol ng Renaissance; naipaliliwanag ang papel na ginagampanan ng mga Humanista sa pag- usbong ng Renaissance; naiisa-isa ang mga obra ng mga kilalang humanista sa iba’t ibang larangan; napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance; nasusuri ang pulitikal, pangkabuhayan, at sosyo-kultural na kalagayan ng Europa sa panahon ng Renaissance; nakapagmumungkahi ng mga paraan kung paano mapabubuti ang kalagayan ng bansa sa iba’t-ibang aspeto tulad pulitikal, pangkabuhayan at sosyo- kultural. 1 Subukin Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance? A. muling pagbabago C. muling pagkatuto B. muling pagkagising D. muling pagsilang 2. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance? A. France C. Greece B. Germany D. Italy 3. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng Renaissance? A. kalakalan at industriya B. pangingisda at pagsasaka C. pagpapastol at pagbabarter D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop 4. Anong kilusang intelektuwal ang nabuo noong panahon ng Renaissance? A. Humanismo C. Propaganda B. Pagbabago D. Reporma 5. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista”? A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare 6. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya. A. Taglay nito ang magandang lokasyon B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano 7. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang panahon? A. nagdudulot ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko B. karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanismo C. naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman D. pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham 2 8. Alin sa mga obra ni Leonardo da Vinci ang makikita si Kristo kasama ang kanyang labindalawang disipulo? A. Mona Lisa B. Tribute Money C. The Last Supper D. Madonna and the Chilz 9. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europe sa panahon ng Renaissance? A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan 10. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham? A. Batas ng Universe B. Teoryang Copernican C. Teoryang Heliocentric D. Batas ng Universal Gravitation 11. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance? A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare 12. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong Panahon? A. nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan B. mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon C. naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko D. nagdulot ng mga pagbabagong naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham 13. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa: A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining D. pag-usbong mga mga humanista 14. Ano ang pinagkaka-abalahang gawain ng mga tao sa Italya bago sumibol ang Renaissance? A. mga gawaing pambahay B. pagtuklas ng mga bagong lupain C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura D. mga gawain, aral at turo ng simbahan 15. Sino sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve? A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola B. Laura Cerata D. Veronica Franco 3 Balikan Panuto: Marami ka nang napag-aralan tungkol sa mga kaganapan sa Europe na siyang dahilan ng paglakas nito. Upang mataya ang dati mong kaalaman, sagutan ang gabay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Katolisismo sa mga pagbabagong naganap sa Europe? 2. Sa kasalukuyang panahon, ano ang nagging papel na ginagampanan ng Simabahang Katoliko sa ating lipunan? Tuklasin Sa kasalukuyan, isa sa pinakamayamang kontinente sa daigdig ang Europa. Taglay nito ang mga pamana at mga bagong ideya sa iba’t ibang larangan. Ano kaya ang mga dahilan at napanatili nito ang kanyang katatagan? Gawain 1: Ako ay Matatag Panuto: Isulat sa bilog ang mga salita o lupon ng mga salitang naglalarawan sa isang metatag na bansa. Gawin ito sa sagutang papel. Matatag na bansa 4 Batay sa mga konseptong naitala sa itaas, paano mo mailarawan ang isang matatag na bansa sa isang pangungusap? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Suriin Ang Pag-usbong ng Renaissance Sa pagtatapos ng Gitnang Panahon o Middle Ages, maraming namatay sa Europa sanhi ng Black Death at mga digmaan. Dahil dito, marami sa mga mamamayan ang nagsimulang mawalan ng tiwala sa Simbahan. Kinuwestyon din nila ang mga umiiral na paniniwala at gawi ng lipunan. Kinalaunan, sa pangunguna ng mga edukado, isinantabi nila ang mga halagahin at paniniwalang pinairal ng Simbahan at ibinaling nila ang kanilang atensyon sa kadakilaan ng nagdaang sibilisasyon ng Greece at Rome. Ang panahong 1300-1600 ay kakikitaan ng napakataas na antas ng malikhaing pag-iisip sa mga Europeano. Ito ang tinatawag na Renaissance. Ang salitang Renaissance ay hango sa salitang Pranses na nangangahuluga ng “muling pagsilang” o rebirth. Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang Greco-Romano sa pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga karunungang klasikal at pagbibigay-halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa aspeto ng sining, agham, literatura at panitikan. Ang Italya ay matatagpuan malapit sa Dagat Mediterranean. Dito karaniwang dumadaong ang mga barkong nagdadala ng bagong produkto. Malaki ang paghanga ng mga taga-Europa sa Italya dahil dito nagsimula ang ilang mahalagang pag-aaral at pagtuklas kaya naging sentro ito ng pag-usbong ng Renaissance. Sa panahong ito muling pinatili at pinanumbalik ang mga sinaunang kulturang klasikal ng Gresya at Roma, na nakapagdulot ng sigla sa kaisipan ng Europa at nagbigay daan sa maraming pagbabago sa larangan ng sining, arkitektura, agham at eskultura. Umunlad din ang kanilang agrikultura bunga ng pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim. Naging inspirasyon din ang Renaissance sa mga mangangalakal dahil naging maunlad ang ekonomiya at sa larangan ng eksplorasyon binigyang sigla ang mga manlalakbay na galugarin ang mundo na kung saan naitatag ang mga bagong imperyo ng Europeong mananakop. Sa panahong ito nabuhay muli ang interes ng mga mamamayan sa kalikasan ng tao. Naglabasan ang mga taong may taglay na kakayahan. Nabuksan ang isipan ng mga tao na gamitin ang kanyang abilidad at talento sa pagtuklas ng mga bagay-bagay at nagresulta ng mga ambag na napakinabangan ng lipunan. 5 Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italya Isa sa pinakamahalagang salik ng pagsibol ng renaissance sa Italya ay ang kinaroonan nito. Sa mapa ng daigdig, matatagpuan ang Italya sa pagitan o dakong gitna ng Kanlurang Europa at Kanlurang Asya. Dahil sa magandang lokasyon nito, nagkaroon ng bentahe ang mga lungsod-estado ng Italya na sa panahong iyon, ang pinakamayaman sa Europa, na nagkaroon ng pagkakataon na makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanlurang Asya at Kanlurang Europa. Nakatulong din ang kinaroonang sentral ng Italya sa pagtanggap ng iba’t- ibang kaisipan mula sa Kanluran at Silangan. Nabigyang- sigla ang kanilang pagnanasang mapanumbalik ang tagumpay ng kabihasnang klasikal ng sinaunang Roma. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italya, naitaguyod at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano. Sa pagkakaroon ng malayang pag-aaral sa unibersidad, naging praktikal ang mga tao sa kanilang pananaw sa buhay at mas naging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at kagustuhan. Higit na hinangad ng mga tao ang lubos na kasiyahan sa kasalukuyang –buhay. Ang Humanismo Ang Humanismo ay isang kilusang intelektuwal na naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Gresya at Roma. Ito ay pinangunahan ng mga Humanista. Sila ay mga iskolar na nanguna na muling maibalik ang karunungang klasikal sa pamamagitan ng pag-aaral ng wikang Latin at Greek, Retorika, Kasaysayan, Pilosopiya, Musika, Matematika, at Agham. Ang kilusang ito ay hindi laban sa Kristiyanismo, manapa, ipinadadama nito na hindi lamang ang paghahanda sa sarili sa susunod na buhay ang pangunahing tungkulin sa mundo. Kundi, dapat din hangarin ng tao ang lubos na kasiyahang pangkasalukuyan. Sa larangan naman ng sining at panitikan, sa halip na sumusunod sa istilo na ginagawa noong panahong midyibal, ikinintal ang makabagong pamamaraan sa pagpinta at pagsulat, binigyan daan ang realismo, perspektiba at kariktan sa panitikan. Mga Ambag ng Renaissance sa Iba’t ibang Larangan Larangan Mga Humanista Kontribusyon Francesco Petrarch Kilala siya kinilala bilang “Ama ng Humanismo.” Sinulat niya sa Italyano ang “Songbook” isang koleksiyon ng mga sonata Sining at ng pag-ibig patungkol sa Panitikan kanyang minamahal na si Laura. 6 Giovanni Boccacio Isinulat niya ang “Decameron”, isang tanyag na koleksiyon ng isang daang nakakatawang salaysay. Miguel de Cervantes Isa siyang nobelista. Isinulat niya ang “Don Quixote de la Mancha.” Ang laman ng kanyang nobela ay katawa-tawang kasaysayan ng mga kabalyero. Nicollo Machievelli Isinulat niya ang “The Sining at Prince” kung saan Panitikan ipinayo niya na dapat gumamit ng katusuhan, kalupitan at panlilinlang ang mga pinuno para matamo ang kapangyarihan William Shakespeare Kilala siya bilang “Makata ng mga Makata.” Isinulat niya ang kilalang mga dula gaya ng “Julius Caesar,” “Romeo and Juliet,” “Hamlet,” “Anthony and Cleopatra,” at “Scarlet.” Desiderius Erasmus Kilala siya bilang “Prinsipe ng mga Humanista.” Isinulat niya ang “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at karaniwang tao. 7 Michelangelo Bounarotti Dakilang Pintor at iskultor ng Sistine Chapel sa Vatican. Pinintahan niya ito ng mga pangyayari sa Bibliya mula sa paglikha hanggang sa Malaking Pagbaha. Pagpipinta Leonardo da Vinci Isa siyang kilalang pintor, arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. Pinakatanyag niyang obra ay ang The Last Supper o “Huling Hapunan.” Raphael Santi Kilala siya sa katawagang “Ganap na Pintor.” Ilan sa kanyang tanyag na obra ay ang: Sistine Madonna,Madonna and the Child, at Alba Madonna Nicolas Copernicus Ipakilala niya ang isang teorya na nagsasaad na ang araw ang sentro ng sansinukob. Ang mga planeta kasama ang daigdig ay umiikot sa paligid ng araw. Agham Galileo Galilei Naimbento niya ang teleskopyo na nakatulong upang mapatotohanan ang pahayag ni Copernicus. 8 Andreas Vesalius Isa siyang manggagamot na nagbago ng pag-aaral ng biology. Maingat niyang pinag-aralan ang anatomiya ng katawan ng tao. Siya ang nagsulat at naglarawan ng unang komprehensibong aklat sa anatomy. Zacharias Janssen Siya ang unang nakaimbento ng compound microscope. Ginagamit ang ito upang matingnan ang maliliit na mga sample na hindi makikilala sa mata. Agham William Harvey Isa siyang manggagamot na Ingles na unang kumilala sa buong sirkulasyon ng dugo sa katawan ng tao. Ang pinakadakilang tagumpay ni Harvey ay kilalanin na ang dugo ay mabilis na dumadaloy sa katawan ng tao. Anders Celcius Si Anders Celsius, isang propesor ng astronomiya sa Unibersidad ng Uppsala, Sweden, ay gumawa ng isang sukat ng temperatura noong 1741. Ang kanyang orihinal na sukat ay may 0 degree sa puntong kumukulo ang tubig o boiling point at 100 degree kung saan nanigas ang tubig o freezing point. 9 Daniel Gabriel Fahrenheit Noong 1709 naimbento ni Daniel Gabriel Fahrenheit ang thermometer ng alkohol, at ang thermometer ng mercury noong 1714. Ipinakilala niya noong 1724 ang karaniwang sukatan ng temperatura na nagdadala ng kanyang pangalang- Fahrenheit Scale- na Agham ginamit upang maitala ang mga pagbabago sa temperatura. Antonie Van Leeuwenhoek Kilala siya bilang “Father of Microbiology”. Nangunguna siya sa larangan ng microscopy. Una niya naobserbahan ang bacteria sa pamamagitan ng microscope. Mga Humanistang Kababaihan sa Panahon ng Renaissance Kakaunti lamang sa mga kababaihan ang nabigyan ng pagkakataon na makapasok sa mga unibersidad sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang sila ay makilala at makapag-ambag sa panahon ng Renaissance. Humanistang Babae Kontribusyon Isotta Nogarola Siya ang may akda ng Dialogue on Adam and Eve at Oration on the Life of St. Jerome 10 Humanistang Babae Kontribusyon Laura Cereta Isinulong niya ang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng humanistiko para sa kababaihan. Veronica Franco at Vittoria Colonna Kilala sila pagsusulat ng mga tula. Sofonisba Anguissola at Ipininta nila ang Judith and her Servant Artemisia Gentileschi with the Head of Holoferness at ang Self Portrait as the Allegory of Painting. Mga Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang Humanismo? 2. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng Humanismo sa pagsibol ng Renaissance sa Europa? 3. Ano ang implikasyon ng ipinakitang pagpupunyagi ng mga kababaihang humanista sa panahon ng Renaissance? 11 Pagyamanin Gawain 2: Dugtungan Mo Panuto: Dugtungan ang mga kataga upang makabuo ng makahulugang talata. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. Ang mga humanista ay maraming kontribusyon sa Panahon ng Renaissance dahil sa Gawain 3: Tama o Mali Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth. 2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang kinalalagyan sa larangan ng kalakalan at matatag na lipunan. 3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan. 4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan. 5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa Renaissance. 6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng karunungang klasikal ng Greece at Rome. 7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng Renaissance. 8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyan. 9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age. 10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng pagpipinta, eskultura, sining, agham at arkitektura. 12 Isaisip Gawain 4: May Halaga Ako Panuto: Magtala ng limang kahalagahan ng panahon ng Renaissance ayon sa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. Agham Sining at Panitikan 1. 1. 2. 2. 3. 3. 4. 4. 5. 5. Isagawa Gawain 5 Panuto: Gumawa ng isang liham-suhestiyon sa kalihim ng Department of Science and Technology (DOST) na naglalaman ng mga paraan upang higit na mapaunland ang Sistema ng agham at teknolohiya ng ating bansa. Rubric sa Paggawa ng Liham Mahusay Katamtaman Nangangailangan Nakuhang Pamantayan ng Pagsasanay Puntos (5) (4) (3) Ang mensahe Di gaano Walang mesaheng Nilalaman ay mabisang naipakita ang naipakita. naipakita. mensahe. Napakaganda Maganda at Di maganda at at malinaw ang malabo ang napakalinaw pagkakasulat pagkakasulat ng Pagkamalikhain ng ng mga salita. mga salita. pagkakasulat ng mga salita. May malaking Di gaanong Walang kaugnayan sa may kaugnayan sa Kaugnayan paksa. kaugnayan sa paksa. paksa. Malinis na Malinis ang Marumi ang Kalinisan malinis ang pagkabuo. pagkabuo. pagkabuo. Kabuuang Puntos 13 Tayahin Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance? A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare 2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong Panahon? A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan. B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon. C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham. 3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang panahon? A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko. B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism. C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman. D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham. 4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang Renaissance? A. mga gawaing pambahay B. pagtuklas ng mga bagong lupain C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura D. mga gawain, aral at turo ng simbahan 5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve? A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola B. Laura Cerata D. Veronica Franco 6. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance? A. muling pagbabago C. muling pagkatuto B. muling pagkagising D. muling pagsilang 7. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance? A. France C. Greece B. Germany D. Italy 14 8. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng Renaissance? A. kalakalan at industriya B. pangingisda at pagsasaka C. pagpapastol at pagbabarter D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop 9. Anong kilusang intelektuwalang nabuo noong panahon ng Renaissance? A. Humanismo C. Propaganda B. Pagbabago D. Reporma 10. Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista?” A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare 11. Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa: A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito. B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan. C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining. D. Pag-usbong mga mga humanista. 12. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag kung bakit ito nagsimula sa Italya. A. Taglay nito ang magandang lokasyon. B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma. C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan. D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano. 13. Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang eksena sa buhay ni Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo? A. Mona Lisa B. Tribute Money C. The Last Supper D. Madonna and the Child 14. Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europa sa panahon ng Renaissance? A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya. B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal. C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko. D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan. 15. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham? A. Batas ng Universe B. Teoryang Copernican C. Teoryang Heliocentric D. Batas ng Universal Gravitation 15 Karagdagang Gawain Gawain 6: Tulong-tulong Tayo Panuto: Magbigay ng suhestiyon kung papaano mapauunlad ng mga Pilipino ang mga sumusunod na aspeto ng ating lipunan ayon sa talahanayan sa ibaba. Gawin ang mga ito sa sagutang papel. Larangan / Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin Agham Edukasyon Sining at Panitikan Imbensiyon 16 17 Tuklasin Gawain 1 Balikan 1. Ano ang mahalagang papel ang gingampanan ng Katolisismo sa mga pagbabagong naganap sa Europa? Ang simbahan ang pinakamakapangyarihang institusyon at malawak ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa Europe ng pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Ito rin ang namamahala sa edukasyon. Maging ang mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil sa kapangyarihan sa Simbahan mahalaga ang papel nito nito sa paglakas ng Europe.Sa pangunguna ng Simbahan, nabuo ang imahen ng Europe bilang isang malawak na kabuuang Kristiyano – Ang Republica Christiana na pinamunuan ng mga hari sa patnubayng Papa. 2. Sa kasalukuyang panahon, ano ang naging papel na ginagampanan ng Simbahang Katoliko? Sa kasalukuyan panahon, ang ang naging papel na ginagampanan ng Simbahang Katoliko ay kinikilala itong isang nagsasariling institusyon na pinamunuan ng Papa at hiwalay sa estado o pamahalaan. Mahalaga ang pael nito pagdating sa pamantayan ng pag-uugali at moralidad. Subukin 1.D 6. B 11. D 2. D 7. A 12. D 3. A 8. C 13. B 4. A 9. B 14. D 5. A 10. D 15. A Susi sa Pagwawasto 18 Karagdagagng Gawain Larangan / Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin Agham Maglaan ng malaking pondo upang makapaghikayat ng mga mananaliksik na magtuklas ng mga bagong kaalaman. Edukasyon Patatagin at gawing libre ang Sistema ng edukasyon. Sining at Panitikan Magtalaga ng mga paaralan para sa mga mahilih sa sining at panitikan. Imbensiyon Bigya ng suporta ng pamahalaan an gating mga imbentor upang hindi mangingibang bansa. Tayahin 1.D 6. D 11. B 2. D 7. D 12. B 3. A 8. A 13. C 4. D 9. A 14. B 5. A 10. A 15. D Isagawa Isaisip Pagyamanin Gawain 5 Gawain 4 Gawain 3 Ang pagbigay puntos sa Maaring magkaiba-iba 1. TAMA 6. TAMA paggawa ng liham ay ang sagot ng mag-aaral. 2. TAMA 7. MALI naayon sa naibigay na 3. MALI 8. TAMA rubric. 4. TAMA 9. TAMA 5. MALI 10. TAMA Pagyamanin Gawain 2 Ang mga humanista aymaraming kontribusyon sa Panahon ng Renaissance dahil sa mayroon silang unibersidad na tumulong sa kanila upang mapaunlad ang kani -kanilang mga kaalaman. Suriin Mga Pamprosesong tanong Ang Humanismo ayisang kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pag tuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome sap ag-aaral dahil naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat matutuhan upang magkaroon ng isang moral at epektibong buhay. Sa humanismo umusbong ang mga kilalang humanista. Sila ang mga nag-aaral ang nagpaunlad ng pilosopiya, sining, agham at iba’t ibang larangan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng Europe. Kaunti lamang ang mga babaeng naging kilala sa Renaissance Nguni ipinakita rin nila ang kanilang kakayahan gaya ng mga kalalakihantulad ng sining, pagpipinta at iba pang larangan. Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag- aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). Mateo, Grace Estela C., Rosita D. Tadena, Mary Dorothy dl. Jose, Celinia E. Balonso, Celestina P. Boncan, John N. Ponsaran and Jerome A. Ong. 2012. Kasaysayan ng Daigdig : Batayang aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon. Queszon City, Philippines: Vibal Publishing House, Inc. Vivar, Teofista L., Nieva J. Discipulo, Priscilla H. Rille, Zenaida M. de Leon. 2000. Kasaysayan ng Daigdig: Batayang Aklat sa Ikatlong Taon. Metro Manila, Philippines: Sd Publications, Inc. Project EASE ADM Module Araling Panlipunan 8 Module 11- Panahon ng Renaissance https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Andreas_Vesalius - Pierre_Poncet.jpg https:/commons.wikimedia.org/wiki/File:Zacharias_Janssen.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:William_Harvey.jpeg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Anton_van_Leeuwenhoek. png https://en.wikipedia.org/wiki/Anders Celsius#/media/File;Headshot of Anders Celsius.jpg http://www.malenywx.com/weatherhistory/articles/gabrielfahrenheit / 19 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]