Araling Panlipunan 8 Baitang 14.1: Panahon ng Enlightenment PDF

Summary

This document is a study guide for Filipino secondary school students on the Enlightenment, a period in European history. The document contains learning objectives, activities, and questions related to the Enlightenment.

Full Transcript

‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭ARALIN 14.1‬ ‭Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭Talaan ng Nilalaman‬...

‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭ARALIN 14.1‬ ‭Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭Talaan ng Nilalaman‬ ‭Panimula‬ ‭1‬ ‭Layunin sa Pagkatuto‬ ‭2‬ ‭Kasanayan sa Pagkatuto‬ ‭2‬ ‭Subukan Natin‬ ‭2‬ ‭Pag-aralan Natin‬ ‭ ‬ 4 ‭Ang Pilosopiya sa Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭5‬ ‭Ang Politika sa Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭8‬ ‭Ang Ekonomiya at Pagbabago sa Lipunan sa Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭13‬ ‭Mga Pinunong Nagtaguyod ng mga Pananaw ng Panahon ng‬ ‭16‬ ‭Enlightenment‬ ‭16‬ ‭Frederick II ng Prussia‬ ‭16‬ ‭Empress Catherine ng Russia at Empress Maria Theresa ng Austria‬ ‭17‬ ‭Joseph II ng Austria‬ ‭18‬ ‭Sagutin Natin‬ ‭20‬ ‭Suriin Natin‬ ‭20‬ ‭Pag-isipan Natin‬ ‭21‬ ‭Gawin Natin‬ ‭21‬ ‭Dapat Tandaan‬ ‭24‬ ‭Mga Sanggunian‬ ‭24‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Aralin 14.1‬ ‭Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭Panimula‬ ‭Hindi‬ ‭masasabi‬ ‭kung‬ ‭kailan‬ ‭ang‬ ‭tiyak‬ ‭na‬ ‭pagsisimula‬ ‭at‬ ‭pagtatapos‬ ‭ng‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭.‬‭Kilala‬‭rin‬‭ang‬‭panahon‬‭na‬‭ito‬‭sa‬‭tawag‬‭na‬‭Age‬‭of‬‭Reason‬‭dahil‬‭sa‬‭dami‬‭ng‬‭mga‬ ‭bagong‬ ‭ideyang‬ ‭lumabas‬ ‭sa‬ ‭panahon‬ ‭na‬ ‭ito.‬ ‭Ang‬ ‭iba‬ ‭naman‬ ‭ay‬ ‭tinawag‬ ‭itong‬ ‭“mahabang‬ ‭ikalabingwalong‬‭siglo”,‬‭dahil‬‭sa‬‭haba‬‭at‬‭dami‬‭ng‬‭impluwensiya‬‭nito.‬‭Bagamat‬‭hindi‬‭masasabi‬ ‭ang‬ ‭tiyak‬ ‭na‬ ‭pagsisimula‬ ‭at‬‭pagwawakas‬‭ng‬‭panahong‬‭ito,‬‭ang‬‭Rebolusyong‬‭Amerikano‬‭na‬ ‭humantong‬ ‭sa‬ ‭kanilang‬ ‭kasarinlan‬ ‭ang‬ ‭tinaguriang‬ ‭pinakamatagumpay‬ ‭na‬ ‭impluwensiya‬ ‭nito.‬‭Samantala,‬‭ang‬‭Rebolusyong‬‭Pranses‬‭naman‬‭ang‬‭sinasabing‬‭marka‬‭ng‬‭paghina‬‭ng‬‭mga‬ ‭1‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭kaisipang‬ ‭Enlightenment‬‭.‬ ‭Sa‬ ‭araling‬ ‭ito‬ ‭ay‬ ‭ating‬ ‭pag-aaralan,‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭kilalang‬ ‭taong‬ ‭kumatawan‬ ‭sa‬ ‭Enlightenment‬‭,‬ ‭pati‬‭na‬‭rin‬‭ang‬‭kanilang‬‭kontribusyon‬‭sa‬‭iba’t‬‭ibang‬‭larangan‬ ‭ng lipunan.‬ ‭Layunin sa Pagkatuto‬ ‭Pagkatapos‬ ‭ng‬ ‭araling‬ ‭ito,‬ ‭inaasahang‬ ‭masusuri‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭mag-aaral‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭kaganapan sa panahon ng‬‭Enlightenment‬‭.‬ ‭Kasanayan sa Pagkatuto‬ ‭Pagkatapos‬ ‭ng‬ ‭araling‬ ‭ito,‬ ‭inaasahang‬ ‭masusuri‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭mag-aaral‬ ‭ang‬ ‭kaganapan‬ ‭at‬ ‭epekto‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭pati‬ ‭ng‬ ‭Rebolusyong‬ ‭Siyentipiko‬ ‭at‬ ‭Industriyal‬‭(AP8PMD-IIIg-6)‬‭.‬ ‭Subukan Natin‬ ‭Pagsusuri sa Larawan‬ ‭Panuto‬ ‭Ang larawang ito ay naipinta noong 1768 ni Joseph Wright ng Derby. Ano sa iyong palagay‬ ‭ang nangyayari sa larawang ito? Gumawa ng isang paglalarawan base sa larawan.‬ ‭2‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭Mga Gabay na Tanong‬ ‭1.‬ ‭Bakit mahalaga ang karunungan sa pang-araw araw na pamumuhay ng tao?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭2.‬ ‭Sa iyong palagay, mahalaga ba ang diskusyon upang magkaroon ng kaalaman ang‬ ‭isang tao?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭3‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭3.‬ ‭Ano ang mas matimbang, kaalaman o kalayaan? Bakit?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭Pag-aralan Natin‬ ‭Tampok‬‭sa‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭ang‬‭mga‬‭pilosopong‬‭Pranses‬‭na‬‭kinilala‬‭sa‬‭tawag‬‭na‬ ‭philosophes‬‭.‬ ‭Sila‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭kalalakihang‬ ‭nakapag-aral‬ ‭at‬ ‭kabilang‬ ‭sa‬ ‭proyektong‬ ‭Encyclopedia‬ ‭na‬ ‭naglalayon‬ ‭na‬ ‭kolektahin‬ ‭ang‬ ‭iba’t‬ ‭ibang‬ ‭kaalaman‬ ‭sa‬ ‭mundo,‬ ‭upang‬ ‭maipamahagi ito sa masa at sa susunod pang henerasyon.‬ ‭Sa‬ ‭pamamagitan‬ ‭ng‬ ‭proyektong‬ ‭ito,‬ ‭umaasa‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭philosophes‬ ‭na‬ ‭mababago‬ ‭nila‬ ‭ang‬ ‭pag-iisip‬‭ng‬‭mga‬‭tao,‬‭at‬‭magkakaroon‬‭ang‬‭masa‬‭ng‬‭kakayanang‬‭turuan‬‭ang‬‭kanilang‬‭sarili‬‭at‬ ‭matuto ng higit pa sa itinuturo lamang ng simbahan.‬ ‭Bagamat‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭philosophes‬ ‭ang‬ ‭naging‬ ‭prominenteng‬ ‭karakter‬ ‭sa‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭,‬ ‭tandaan‬ ‭na‬ ‭mayroon‬ ‭ding‬ ‭sentro‬ ‭ng‬ ‭makabagong‬ ‭pag-iisip‬ ‭sa‬ ‭iba’t‬ ‭ibang‬ ‭panig‬ ‭ng‬ ‭Europa.‬ ‭Mayroong‬ ‭mga‬ ‭Enlightenment‬ ‭thinkers‬ ‭sa‬ ‭Britanya,‬ ‭Alemanya,‬ ‭Switzerland,‬ ‭pati‬ ‭na‬ ‭rin‬ ‭sa‬ ‭Scotland.‬ ‭Hindi‬ ‭man‬ ‭sila‬ ‭parte‬‭ng‬‭pinag-isang‬‭kilusan,‬‭mayroon‬ ‭silang mga pagkakapareho. Kaya sila tinawag na‬‭Enlightenment‬‭thinkers‬‭ay dahil sa kanilang‬ ‭pagbibigay-diin‬ ‭sa‬ ‭intelektuwal‬ ‭na‬ ‭diskusyon,‬ ‭siyentipikong‬ ‭pag-aaral,‬ ‭at‬ ‭kahalagahan‬ ‭ng‬ ‭pilosopiya‬ ‭sa‬ ‭pagpapabuti‬ ‭ng‬ ‭buhay‬ ‭ng‬ ‭mga‬‭mamamayan.‬‭Ayon‬‭sa‬‭kanila,‬‭may‬‭kakayanan‬ ‭ang‬ ‭bawat‬ ‭isang‬ ‭tao‬ ‭na‬ ‭bigyan‬ ‭ng‬ ‭sariling‬ ‭direksiyon‬ ‭ang‬ ‭kanilang‬ ‭buhay,‬ ‭kung‬ ‭kanila‬ ‭lamang pag-aaralan ang tamang paggamit ng katuwiran.‬ ‭Ang‬ ‭pagkilala‬ ‭sa‬ ‭natatanging‬ ‭kakayanan‬ ‭ng‬ ‭bawat‬ ‭isang‬ ‭tao‬ ‭na‬‭pamahalaan‬‭ang‬‭sarili‬‭ang‬ ‭naging‬ ‭hudyat‬ ‭ng‬ ‭pagbagsak‬ ‭ng‬ ‭lubos‬ ‭na‬ ‭kapangyarihan‬ ‭ng‬ ‭simbahan‬ ‭at‬ ‭ng‬ ‭doktrina‬ ‭ng‬ ‭pananampalataya‬ ‭nito,‬ ‭pati‬ ‭na‬ ‭rin‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭monarkiya‬ ‭at‬ ‭ang‬ ‭divine‬ ‭right‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭hari.‬ ‭Nagsimula ang mga tao na magtanong, at maghanap ng kasagutan at paliwanag tungkol sa‬ ‭pagkaka-ayos ng lipunan, at ng kalikasan.‬ ‭4‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Mayroong‬‭sinasabing‬‭tatlong‬‭yugto‬‭ang‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭.‬‭Ang‬‭Early‬‭Enlightenment‬ ‭ay‬ ‭tinatayang‬ ‭naganap‬ ‭noong‬ ‭1685‬ ‭hanggang‬ ‭1730,‬ ‭ang‬ ‭High‬ ‭Enlightenment‬ ‭noong‬ ‭1730‬ ‭hanggang‬ ‭1780,‬ ‭at‬ ‭ang‬ ‭Late‬ ‭Enlightenment‬ ‭noong‬ ‭1780‬ ‭hanggang‬ ‭1815.‬ ‭Sa‬ ‭Early‬ ‭Enlightenment‬‭nabuo‬‭ang‬‭mga‬‭pilosopiya‬‭at‬‭pag-iisip‬‭na‬‭naging‬‭batayan‬‭ng‬‭panahong‬‭ito.‬‭Sa‬ ‭panahon‬ ‭ng‬ ‭High‬ ‭Enlightenment‬ ‭naman‬ ‭lumabas‬ ‭ang‬ ‭iba’t‬‭ibang‬‭publikasyon‬‭at‬‭institusyon‬ ‭na‬ ‭nagtaguyod‬ ‭ng‬ ‭panibagong‬ ‭pag-iisip.‬ ‭Dito‬ ‭sinasabing‬ ‭nagsimula‬ ‭ang‬ ‭Rebolusyong‬ ‭Siyentipiko‬‭at‬‭Industriyal.‬‭Samantala,‬‭sa‬‭Late‬‭Enlightenment‬‭naman‬‭makikita‬‭ang‬‭unti-unting‬ ‭pag-usbong‬ ‭ng‬ ‭Romantisismo‬ ‭bilang‬ ‭reaksiyon‬ ‭sa‬ ‭pagbabagong‬ ‭dulot‬ ‭ng‬ ‭Industriyalisasyon.‬ ‭Upang‬ ‭ating‬ ‭higit‬ ‭na‬ ‭maintindihan‬ ‭ang‬ ‭impluwensiya‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭sa‬ ‭kasalukuyang‬ ‭mundo,‬‭ating‬‭kilalanin‬‭ang‬‭mga‬‭pilosopong‬‭nakilala‬‭sa‬‭panahong‬‭ito,‬‭pati‬‭na‬‭rin‬‭ang‬‭kanilang‬ ‭mga kontribusyon sa larangan ng pilosopiya, politika, ekonomiks, at kultura.‬ ‭Alamin Natin‬ ‭Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita:‬ ‭katuwiran‬ ‭dahilan, sanhi‬ s‭ istema na kilala sa katangian nito ng pagpapasa ng‬ ‭monarkiya‬ ‭kapangyarihan at awtoridad na pinamumunuan ng hari‬ ‭o reyna‬ ‭prominente‬ ‭kilala, sikat‬ ‭udyok‬ ‭apektado ng isang salik‬ ‭Ang Pilosopiya sa Panahon ng Enlightenment‬ ‭Ang‬ ‭mga‬ ‭pilosopiyang‬ ‭rasyonal‬ ‭ni‬ ‭Rene‬ ‭Descartes‬ ‭ang‬ ‭nagbigay‬ ‭ng‬ ‭pundasyon‬ ‭sa‬ ‭makabagong‬ ‭pag-iisip‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭.‬ ‭Ayon‬ ‭sa‬ ‭pilosopiyang‬ ‭ito,‬ ‭ang‬ ‭katuwiran‬ ‭ang‬ ‭pangunahing‬‭pinagmulan‬‭at‬‭batayan‬‭ng‬‭pagsukat‬‭ng‬‭kaalaman.‬‭Kilalang‬‭pinagmulan‬‭ng‬‭mga‬ ‭katagang‬‭“‬‭I‬‭think‬‭therefore‬‭I‬‭am‬‭”,‬‭naniniwala‬‭si‬‭Descartes‬‭na‬‭may‬‭mga‬‭klase‬‭ng‬‭katotohanan‬ ‭na‬‭hindi‬‭agad‬‭mababatid‬‭ng‬‭sense‬‭of‬‭perception‬‭ng‬‭tao,‬‭ngunit‬‭may‬‭kakayanan‬‭naman‬‭ang‬ ‭tao‬‭na‬‭madiskubre‬‭ang‬‭mga‬‭ito‬‭sa‬‭pamamagitan‬‭ng‬‭pagtatanong‬‭at‬‭pakikipagdiskusyon‬‭.‬ ‭5‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Hindi‬ ‭dahil‬ ‭hindi‬ ‭nakikita‬ ‭ang‬ ‭isang‬ ‭bagay‬ ‭ay‬ ‭nangangahulugang‬ ‭hindi‬ ‭ito‬ ‭totoo;‬ ‭hindi‬ ‭rin‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭pisikal‬ ‭na‬ ‭aspeto‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭tao‬ ‭ang‬ ‭nagdedetermina‬ ‭sa‬ ‭tunay‬ ‭nitong‬ ‭karakter‬ ‭o‬ ‭pagkatao. Dahil dito, kinilala si Descartes bilang‬‭Ama ng Pilosopiyang Kanluran‬‭.‬ ‭Lar. 1.‬‭Si Rene Descartes‬ ‭Ang pilosopiyang pinasimulan ni Descartes ay lalong nilinang ni‬‭John Locke‬‭. Noong 1690 ay‬ ‭naisapubliko‬ ‭ang‬ ‭An‬ ‭Essay‬ ‭Concerning‬ ‭Human‬ ‭Understanding‬ ‭kung‬ ‭saan‬ ‭naipakilala‬ ‭ang‬ ‭ideyang‬ ‭tabula‬ ‭rasa‬ ‭o‬ ‭blank‬ ‭slate‬‭.‬ ‭Ayon‬ ‭kay‬ ‭Locke,‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭tao‬ ‭ay‬ ‭ipinanganganak‬ ‭na‬ ‭mayroon‬ ‭kaisipan‬‭na‬‭isang‬‭blank‬‭slate‬‭at‬‭lahat‬‭ng‬‭ideya‬‭na‬‭ating‬‭naiisip,‬‭o‬‭mga‬‭konseptong‬ ‭ating‬ ‭natutunan‬ ‭ay‬ ‭nagmumula‬ ‭sa‬ ‭ating‬ ‭mga‬ ‭karanasan‬ ‭sa‬ ‭buhay.‬ ‭Para‬ ‭kay‬ ‭Locke,‬ ‭mahalagang‬ ‭pag-ibahin‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭pangunahing‬ ‭katangian‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭bagay‬ ‭o‬ ‭tao,‬ ‭mula‬ ‭sa‬ ‭pangalawang‬‭katangian‬‭nito.‬‭Aniya,‬‭ang‬‭mga‬‭pangunahing‬‭katangian‬‭ay‬‭makikita‬‭sa‬‭hugis,‬‭at‬ ‭pagkakaayos‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭molecules‬‭,‬ ‭samantala‬ ‭ang‬ ‭pangalawang‬ ‭katangian‬ ‭ay‬ ‭nakabase‬ ‭sa‬ ‭ating‬ ‭sense‬ ‭of‬ ‭perception‬‭.‬ ‭Halimbawa,‬ ‭ang‬ ‭kulay‬ ‭o‬ ‭lasa‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭pagkain‬ ‭ay‬‭pangalawang‬ ‭katangian‬ ‭sapagkat‬ ‭maaari‬ ‭itong‬ ‭mag-iba-iba‬ ‭base‬ ‭sa‬ ‭kung‬ ‭sino‬ ‭ang‬ ‭nagbibigay‬ ‭ng‬ ‭pagsasalarawan.‬ ‭6‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Samantala,‬ ‭si‬ ‭Baruch‬ ‭Spinoza‬ ‭ay‬ ‭isa‬ ‭namang‬ ‭pilosopong‬ ‭Olandes‬‭na‬‭nagsabi‬‭na‬‭lahat‬‭ng‬ ‭katotohanang‬ ‭hinahanap‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭tao‬ ‭ay‬ ‭maaring‬ ‭makita‬ ‭sa‬ ‭kalikasan.‬ ‭Aniya,‬ ‭mayroong‬ ‭iisang‬ ‭batas‬ ‭na‬ ‭namahahala‬ ‭sa‬ ‭mundo,‬ ‭at‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭tao‬ ‭ay‬ ‭napapailalim‬ ‭dito,‬ ‭maging‬ ‭hari‬ ‭man‬ ‭o‬ ‭mamamayan,‬ ‭pari‬ ‭o‬ ‭deboto‬ ‭ng‬ ‭simbahan.‬ ‭Sinasabi‬ ‭rin‬ ‭ni‬ ‭Spinoza‬ ‭na‬ ‭bagamat‬ ‭naniniwala‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭tao‬ ‭sa‬‭tunay‬‭na‬‭kalayaan‬‭o‬‭free‬‭will‬‭,‬‭ito‬‭ay‬‭isang‬‭ilusyon‬‭lamang‬‭dahil‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭ating‬ ‭ginagawa‬ ‭ay‬ ‭nakabase‬ ‭sa‬ ‭udyok‬ ‭ng‬ ‭kalikasan.‬ ‭Dahil‬ ‭dito,‬ ‭naniniwala‬ ‭si‬ ‭Spinoza‬ ‭na‬ ‭kailangang‬ ‭matuto‬ ‭ang‬ ‭bawat‬ ‭tao‬ ‭na‬‭pamahalaan‬‭ang‬‭kaniyang‬‭sarili‬‭sapagkat‬ ‭kapag‬ ‭siya‬ ‭ay‬‭nagpasailalim‬‭sa‬‭simbahan‬‭o‬‭sa‬‭monarkiya‬‭,‬‭kaniya‬‭lamang‬‭tinutugunan‬‭ang‬ ‭pangangailangan ng iba, at hindi ng kaniyang sarili.‬ ‭Lar. 2.‬‭Si Baruch Spinoza‬ ‭Mula‬ ‭sa‬ ‭pagtalakay‬ ‭na‬ ‭ito‬ ‭sa‬ ‭pilosopiya‬ ‭noong‬ ‭panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭,‬ ‭maliwanag‬ ‭na‬ ‭mayroong‬ ‭dalawang‬ ‭daloy‬ ‭ng‬ ‭kamalayan‬ ‭na‬ ‭lumaganap‬ ‭sa‬ ‭panahong‬ ‭ito.‬ ‭Ang‬ ‭una‬ ‭ay‬‭ang‬ ‭pinasimulan‬‭ni‬‭Descartes‬‭at‬‭Locke‬‭na‬‭nagpanukala‬‭ng‬‭reporma‬‭sa‬‭tradisyunal‬‭na‬‭sistema,‬‭at‬ ‭ang‬ ‭pangalawa‬ ‭na‬ ‭pinasimulan‬ ‭ni‬ ‭Spinoza‬ ‭na‬ ‭nagtataguyod‬ ‭ng‬ ‭demokrasya,‬ ‭kalayaang‬ ‭indibiduwal, at kalayaan mula sa awtoridad ng relihiyon.‬ ‭7‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Samantala,‬ ‭nakita‬ ‭ni‬ ‭Immanuel‬ ‭Kant‬ ‭na‬ ‭maaring‬ ‭ipagkasundo‬ ‭ang‬ ‭tila‬ ‭salungat‬ ‭na‬ ‭mga‬ ‭pilosopiya‬‭nina‬‭Descartes‬‭at‬‭Spinoza.‬‭Ayon‬‭kay‬‭Kant,‬‭may‬‭kakayanan‬‭ang‬‭isipan‬‭ng‬‭isang‬‭tao‬ ‭na‬ ‭gumawa‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭balangkas‬ ‭na‬ ‭kaniyang‬ ‭gagamitin‬ ‭sa‬ ‭pag-intindi‬ ‭ng‬ ‭kaniyang‬ ‭mga‬ ‭karanasan,‬ ‭pati‬ ‭na‬ ‭rin‬ ‭ang‬ ‭paghatol‬‭sa‬‭mali‬‭at‬‭sa‬‭tama.‬‭Naniniwala‬‭rin‬‭si‬‭Kant‬‭na‬‭bagamat‬ ‭nakasalalay‬‭sa‬‭tao‬‭ang‬‭pagbibigay‬‭kahulugan‬‭sa‬‭isang‬‭bagay‬‭o‬‭karanasan,‬‭mayroon‬‭sariling‬ ‭katangian‬ ‭at‬ ‭kahulugan‬ ‭ang‬ ‭isang‬ ‭bagay,‬ ‭tao,‬ ‭at‬ ‭karanasan‬ ‭na‬ ‭hindi‬ ‭nakasalalay‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭paniniwala o pag-iisip ng taong nakararanas dito.‬ ‭Lar. 3.‬‭Si Immanuel Kant‬ ‭Ang Politika sa Panahon ng‬‭Enlightenment‬ ‭Dala‬ ‭ng‬ ‭bagong‬ ‭kaisipan,‬ ‭malaking‬ ‭pagbabago‬ ‭rin‬ ‭ang‬ ‭nangyari‬ ‭sa‬‭politika‬‭sa‬‭panahon‬‭na‬ ‭ito.‬‭Sa‬‭katunayan,‬‭marami‬‭sa‬‭mga‬‭estruktura‬‭at‬‭institusyong‬‭politikal‬‭na‬‭mayroon‬‭sa‬‭lipunan‬ ‭natin ngayon ay nagmula sa Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭.‬ ‭8‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 4.‬‭Si John Locke‬ ‭Bukod‬‭sa‬‭kaniyang‬‭ideya‬‭ng‬‭tabula‬‭rasa,‬‭mas‬‭kilala‬‭si‬‭John‬‭Locke‬‭sa‬‭kaniyang‬‭social‬‭contract‬ ‭theory‬ ‭na‬ ‭nagsasabing‬ ‭ang‬ ‭kapangyarihan‬ ‭ng‬ ‭estado‬ ‭ay‬ ‭nagmumula‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭mamamayan‬ ‭nito.‬ ‭Mula‬ ‭sa‬ ‭kaniyang‬ ‭libro‬ ‭na‬ ‭Two‬ ‭Treatises‬ ‭of‬ ‭Government‬‭,‬ ‭sinabi‬ ‭ni‬ ‭Locke‬ ‭na‬ ‭ang‬ ‭paggamit‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭doktrina‬ ‭ng‬ ‭simbahan‬ ‭sa‬ ‭pamamahala‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭gobyerno‬ ‭ay‬ ‭maaring‬ ‭humantong‬‭sa‬‭pang-aalipin‬‭.‬‭Pinabulaan‬‭ni‬‭Locke‬‭ang‬‭divine‬‭right‬‭ng‬‭mga‬‭hari‬‭at‬‭inilatag‬‭ang‬ ‭kaisipan‬‭na‬‭ang‬‭mga‬‭tao‬‭ay‬‭natural‬‭na‬‭naghahangad‬‭para‬‭sa‬‭kanilang‬‭ikabubuti,‬‭at‬‭dahil‬‭dito‬ ‭maaring‬ ‭maging‬ ‭magulo‬‭ang‬‭lipunan‬‭dahil‬‭sa‬‭iba’t‬‭ibang‬‭kagustuhan‬‭ng‬‭mga‬‭mamamayan.‬ ‭Ito‬ ‭ang‬ ‭tinatawag‬ ‭na‬ ‭natural‬ ‭state‬‭.‬ ‭Ang‬ ‭pamahalaan‬‭ay‬‭nabuo‬‭dahil‬‭nakita‬‭ng‬‭mga‬‭tao‬‭na‬ ‭mas‬ ‭malaki‬ ‭ang‬ ‭matatanggap‬ ‭nilang‬ ‭benepisyo‬‭kung‬‭mayroong‬‭mag-oorganisa‬‭sa‬‭lipunan.‬ ‭Tungkulin‬ ‭ng‬ ‭pamahalaan‬ ‭na‬ ‭siguraduhing‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭mamamayan‬ ‭ay‬ ‭nakatatanggap‬ ‭ng‬ ‭pinakamainam‬‭na‬‭benepisyo‬‭.‬‭Samantala,‬‭responsibilidad‬‭naman‬‭ng‬‭mga‬‭mamamayan‬‭ang‬ ‭sumunod sa kanilang pamahalaan upang mapanatili ang‬‭kapayapaan‬‭sa lipunan.‬ ‭Samantala,‬ ‭si‬ ‭Thomas‬ ‭Hobbes‬ ‭ay‬‭nagpanukala‬‭rin‬‭ng‬‭isang‬‭social‬‭contract‬‭theory‬‭.‬‭Ngunit‬ ‭hindi‬ ‭tulad‬ ‭ni‬ ‭Locke,‬ ‭naniniwala‬ ‭si‬ ‭Hobbes‬ ‭na‬ ‭ang‬ ‭natural‬ ‭state‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭tao‬ ‭ay‬ ‭isang‬ ‭9‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭kaguluhan‬ ‭dahil‬ ‭nais‬ ‭nilang‬ ‭punan‬ ‭ang‬ ‭kanilang‬ ‭mga‬ ‭pangangailangan‬ ‭at‬ ‭kagustuhan‬ ‭kahit‬‭na‬‭mayroong‬‭ibang‬‭tao‬‭na‬‭maaring‬‭masaktan‬‭o‬‭maubusan.‬‭Dahil‬‭sa‬‭takot‬‭sa‬‭maaring‬ ‭maging‬ ‭epekto‬ ‭ng‬ ‭kaguluhan,‬ ‭napipilitan‬ ‭ang‬ ‭mga‬‭tao‬‭na‬‭pumasok‬‭sa‬‭isang‬‭social‬‭contract‬ ‭kung‬ ‭saan‬ ‭hinahayaan‬ ‭nila‬ ‭ang‬ ‭pamahalaan‬ ‭na‬ ‭magtalaga‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭batas‬ ‭at‬ ‭polisiya‬ ‭na‬ ‭magiging‬ ‭daan‬ ‭upang‬ ‭mapabuti‬‭ang‬‭kanilang‬‭mga‬‭buhay.‬‭Naniniwala‬‭rin‬‭si‬‭Hobbes‬‭na‬‭ang‬ ‭pinakaepektibong‬ ‭pamahalaan‬ ‭na‬ ‭makapagbibigay‬ ‭ng‬ ‭kaayusan‬ ‭sa‬ ‭isang‬ ‭lipunan‬ ‭ay‬ ‭ang‬ ‭monarkiya‬‭sapagkat‬‭lubos‬‭ang‬‭kapangyarihan‬‭ng‬‭mga‬‭hari‬‭at‬‭iisa‬‭lamang‬‭ang‬‭gumagawa‬‭ng‬ ‭mga desisyon.‬ ‭Lar. 5.‬‭Si Thomas‬‭Hobbes‬ ‭Ang‬‭salitang‬‭“‭s‬ ocial‬‭contract‬‭”‬‭ay‬‭nagmula‬‭sa‬‭libro‬‭ni‬‭Jean-‬‭Jacques‬‭Rousseau‬‭.‬‭Pinag-isa‬‭ng‬ ‭librong‬ ‭ito‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭ideya‬ ‭ni‬ ‭Locke‬ ‭at‬ ‭Hobbes,‬ ‭at‬ ‭sinabing,‬ ‭hindi‬ ‭mahalaga‬‭kung‬‭ano‬‭man‬ ‭ang‬ ‭dahilan‬ ‭kung‬ ‭bakit‬ ‭nagdesisyon‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭tao‬ ‭na‬ ‭gumawa‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭pamahalaan‬‭.‬‭Ang‬ ‭mahalaga‬ ‭ay‬ ‭ang‬ ‭katotohanan‬ ‭na‬ ‭ang‬ ‭bawat‬‭isang‬‭estado‬‭ay‬‭mayroon‬‭pamahalaan‬‭at‬‭ang‬ ‭kapangyarihan‬‭ng‬‭pamahalaan‬‭ay‬‭nagmumula‬‭sa‬‭mga‬‭mamamayan‬‭nito.‬‭Responsibilidad‬‭ng‬ ‭pamahalaan‬ ‭na‬ ‭maging‬ ‭kinatawan‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭mamamayan‬ ‭upang‬ ‭mapunan‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭pangangailangan‬ ‭ng‬ ‭kanilang‬ ‭nasasakupan,‬ ‭at‬‭itaguyod‬‭ang‬‭kanilang‬‭mga‬‭nais.‬‭Samantala,‬ ‭10‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭responsibilidad‬ ‭na‬ ‭naman‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭mamamayan‬ ‭na‬ ‭siguraduhing‬ ‭ang‬ ‭kanilang‬ ‭mga‬ ‭kinatawan‬ ‭ay‬ ‭namamahala‬ ‭ng‬ ‭wasto‬‭.‬ ‭Kung‬ ‭wala‬ ‭sa‬ ‭tama‬ ‭ang‬ ‭pamamahala‬ ‭ng‬ ‭gobyerno,‬ ‭kailangan‬‭itong‬‭buwagin‬‭ng‬‭mga‬‭mamamayan,‬‭upang‬‭sila‬‭ay‬‭makagawa‬‭ng‬‭pamahalaan‬‭na‬ ‭uunahin ang kanilang kapakanan.‬ ‭Lar. 6.‬‭Si Jean- Jacques Rousseau‬ ‭Samantala,‬ ‭si‬ ‭Charles-Louis‬ ‭de‬ ‭Secondat‬ ‭Baron‬ ‭de‬ ‭La‬ ‭Brede‬ ‭et‬ ‭de‬ ‭Montesquie‬ ‭o‬ ‭mas‬ ‭kilala‬ ‭sa‬ ‭tawag‬ ‭na‬ ‭Baron‬ ‭de‬ ‭Montesquieu‬ ‭ay‬ ‭kilala‬ ‭para‬ ‭sa‬ ‭kaniyang‬ ‭teorya‬ ‭sa‬ ‭paghahati-hati‬ ‭ng‬ ‭kapangyarihan‬ ‭sa‬‭gobyerno.‬‭Ayon‬‭sa‬‭kaniya,‬‭ang‬‭pamahalaan‬‭na‬‭tunay‬ ‭na‬ ‭nangangalaga‬ ‭sa‬ ‭kapakanan‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭mamamayan‬ ‭ay‬ ‭maari‬ ‭lamang‬ ‭maging‬ ‭makatotohanan‬ ‭kung‬ ‭mayroon‬ ‭itong‬ ‭tatlong‬ ‭sangay:‬ ‭ang‬ ‭ehekutibo,‬ ‭lehislatura,‬ ‭at‬ ‭hudikatura.‬‭Gamit‬‭pa‬‭rin‬‭magpahanggang‬‭ngayon‬‭ang‬‭mga‬‭ideya‬‭at‬‭tungkulin‬‭na‬‭ibinigay‬‭ni‬ ‭Montesquieu sa tatlong sangay ng pamahalaan.‬ ‭11‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 7.‬‭Si Baron de Montesquieu‬ ‭Ayon‬ ‭din‬ ‭kay‬ ‭Montesquieu,‬ ‭mayroong‬ ‭tatlong‬ ‭klase‬ ‭ng‬ ‭pamahalaan‬ ‭na‬ ‭nabubuo‬ ‭ayon‬ ‭sa‬ ‭social‬ ‭contract‬‭:‬ ‭ang‬‭monarkiya‬‭na‬‭nakabase‬‭sa‬‭prinsipyo‬‭ng‬‭karangalan,‬‭ang‬‭republika‬‭na‬ ‭nakabase sa prinsipyo ng kabutihan, at‬‭despotismo‬‭na nakabase sa prinsipyo ng takot.‬ ‭Kasama‬‭ni‬‭Rosseau,‬‭si‬‭Francois-Marie‬‭Arouet‬‭o‬‭mas‬‭kilala‬‭sa‬‭tawag‬‭na‬‭Voltaire‬‭,‬‭ay‬‭naging‬ ‭pangunahing‬ ‭karakter‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭dahil‬ ‭sa‬ ‭paghamon‬ ‭nito‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭doktrina‬ ‭ng‬ ‭Kristiyanismo‬‭.‬ ‭Para‬ ‭kay‬ ‭Voltaire,‬ ‭dapat‬ ‭ay‬ ‭ialis‬ ‭sa‬ ‭impluwensiya‬ ‭ng‬ ‭simbahan‬ ‭ang‬ ‭pamamahala‬ ‭ng‬ ‭estado.‬ ‭Kinampanya‬ ‭rin‬ ‭niya‬ ‭ang‬ ‭kalayaan‬ ‭sa‬ ‭panulat,‬ ‭at‬ ‭pagpili‬ ‭ng‬ ‭relihiyon.‬‭Isa‬‭sa‬‭pinakamahalagang‬‭kontribusyon‬‭ni‬‭Voltaire‬‭sa‬‭panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭ay‬ ‭ang‬‭paniniwala‬‭na‬‭ang‬‭edukasyon‬‭ay‬‭karapatan‬‭ng‬‭lahat‬‭dahil‬‭sa‬‭tulong‬‭nito‬‭ay‬‭mapapabuti‬ ‭ng mga mamamayan ang kanilang mga buhay.‬ ‭12‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 8.‬‭Si Voltaire‬ ‭ ng‬ ‭Ekonomiya‬ ‭at‬ ‭Pagbabago‬ ‭sa‬ ‭Lipunan‬ ‭sa‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ A ‭Enlightenment‬ ‭Ang‬ ‭ideya‬ ‭ng‬ ‭malayang‬ ‭internasyonal‬ ‭na‬ ‭ekonomiya‬ ‭ay‬ ‭unang‬ ‭naipanukala‬ ‭noong‬ ‭panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭sa‬ ‭publikasyon‬ ‭ng‬ ‭Wealth‬ ‭of‬ ‭Nations‬ ‭ni‬ ‭Adam‬ ‭Smith‬‭.‬ ‭Ang‬ ‭kahusayan‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭liberal‬ ‭na‬ ‭ekonomiya‬ ‭na‬ ‭malayo‬ ‭sa‬ ‭pakikialam‬ ‭ng‬ ‭pamahalaan‬ ‭ay‬ ‭sinang-ayunan‬ ‭naman‬ ‭ni‬ ‭Anne‬ ‭Robert‬ ‭Jacques‬ ‭Turgot‬‭.‬ ‭Si‬ ‭Turgot‬ ‭ay‬‭isang‬‭ekonomistang‬ ‭Pranses na siyang nagpasimula ng kaisipan sa‬‭economic‬‭liberalism‬‭.‬ ‭13‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 9.‬‭Si Adam Smith‬ ‭Sa‬ ‭panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭din‬ ‭unang‬ ‭ikinampanya‬ ‭ang‬ ‭pag-aalis‬ ‭ng‬ ‭torture‬ ‭at‬ ‭death‬ ‭penalty‬ ‭bilang‬ ‭parusa.‬ ‭Ito‬ ‭ay‬ ‭sinuportahan‬ ‭ni‬ ‭Cesare‬ ‭Beccaria‬ ‭sa‬ ‭kaniyang‬ ‭libro‬ ‭na‬ ‭Of‬ ‭Crimes‬ ‭and‬ ‭Punishments‬ ‭at‬ ‭Francesco‬ ‭Mario‬ ‭Pagano‬‭.‬ ‭Si‬ ‭Cesare‬ ‭Beccaria‬ ‭ay‬ ‭isang‬ ‭Italian‬ ‭criminologist‬‭,‬ ‭hukom,‬ ‭pilosopo,‬ ‭ekonomista,‬‭at‬‭politiko‬‭na‬‭isa‬‭sa‬‭tinuturing‬‭na‬‭nagpasimula‬ ‭ng‬ ‭kaisipan‬ ‭sa‬ ‭enlightenment‬‭.‬ ‭Si‬ ‭Pagano‬ ‭naman‬ ‭ay‬ ‭isang‬ ‭hukom‬ ‭at‬‭nagtatag‬‭ng‬‭Neapolitan‬ ‭school of law‬‭.‬ ‭14‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 10.‬‭Si Cesare Beccaria (kaliwa) at Mario Pagano‬‭(kanan)‬ ‭Sa‬ ‭larangan‬ ‭naman‬ ‭ng‬‭sining,‬‭lubhang‬‭napagyabong‬‭ang‬‭arkitektura,‬‭musika‬‭at‬‭pagsusulat‬ ‭sa‬‭ilalim‬‭ng‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭.‬‭Umusbong‬‭ang‬‭mga‬‭malalayang‬‭ideya‬‭sa‬‭pagsusulat‬ ‭na sumasalamin sa kalayaan, demokrasya, katuwiran, at pagkakapantay-pantay.‬ ‭Sa‬ ‭musika,‬ ‭sumikat‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭bagong‬ ‭kompositor‬ ‭katulad‬ ‭nila‬ ‭Mozart‬‭,‬ ‭Beethoven‬‭,‬ ‭at‬ ‭Haydn‬‭.‬‭Ang‬‭kanilang‬‭mga‬‭klasikal‬‭na‬‭komposisyon‬‭ang‬‭nagsilbing‬‭kaluluwa‬‭ng‬‭Panahon‬‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭.‬ ‭15‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 11.‬‭Sina Mozart (kanan), Beethoven (gitna) at‬‭Haydn (kaliwa)‬ ‭Sa‬ ‭larangan‬ ‭ng‬ ‭arkitektura,‬ ‭muling‬ ‭pinaigting‬ ‭ang‬ ‭interes‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭tao‬ ‭sa‬ ‭istilong‬ ‭pang-‬ ‭arkitektura‬‭ng‬‭Gresya‬‭at‬‭Roma‬‭.‬‭Ibinalik‬‭din‬‭ang‬‭maringal‬‭na‬‭mga‬‭disenyo‬‭ng‬‭mga‬‭bansang‬ ‭ito na nawala noong‬‭Gitnang‬‭Panahon‬‭.‬ ‭Mga Pinunong Nagtaguyod ng mga Pananaw ng Panahon ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭Bukod‬ ‭sa‬‭mga‬‭pilosopo‬‭na‬‭nagtaguyod‬‭ng‬‭kaisipang‬‭enlightenment‬‭,‬‭mayroon‬‭ding‬‭mga‬‭hari‬ ‭at‬‭reyna‬‭na‬‭nagpatupad‬‭ng‬‭mga‬‭pagbabagong‬‭dulot‬‭ng‬‭mga‬‭kaisipang‬‭ito.‬‭Kanilang‬‭niyakap‬ ‭ang‬‭mga‬‭prisipyo‬‭at‬‭paniniwala‬‭na‬‭nakabase‬‭sa‬‭katuwiran‬‭at‬‭siyensya‬‭sa‬‭paniniwalang‬‭mas‬ ‭epektibo‬ ‭nilang‬ ‭mapapalakad‬ ‭ang‬ ‭kani-kanilang‬ ‭kaharian‬ ‭sa‬ ‭pamamagitan‬ ‭nito.‬ ‭Sila‬ ‭ay‬ ‭kinilala sa katawagang‬‭enlightened despots‬‭. Narito‬‭ang ilan sa kanila:‬ ‭Frederick II ng Prussia‬ ‭Si‬ ‭Haring‬ ‭Frederick‬ ‭II‬ ‭ng‬ ‭Prussia‬ ‭o‬ ‭kilala‬ ‭din‬ ‭sa‬ ‭pangalang‬ ‭Frederick‬ ‭the‬ ‭Great‬ ‭ay‬ ‭nagpatupad‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭pagbabago‬ ‭sa‬ ‭kaniyang‬ ‭kaharian‬ ‭katulad‬ ‭ng‬ ‭pagtatanggal‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭16‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭pagpapahirap‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭inaakusahan‬ ‭ng‬ ‭krimen.‬ ‭Nakilala‬ ‭siya‬ ‭sa‬ ‭kaniyang‬ ‭bansa‬ ‭dahil‬ ‭sa‬ ‭napakaraming‬ ‭mga‬ ‭paaralan‬ ‭na‬ ‭ipinatayo‬ ‭niya‬ ‭bilang‬ ‭pagpapahalaga‬ ‭sa‬ ‭edukasyon.‬ ‭Pinagyabong‬ ‭din‬ ‭niya‬ ‭ang‬ ‭sektor‬ ‭ng‬‭agrikultura‬‭at‬‭industriya‬‭sa‬‭loob‬‭ng‬‭kaniyang‬‭kaharian‬ ‭kaya’t‬ ‭lubhang‬ ‭naramdaman‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭nasasakupan‬ ‭niya‬ ‭ang‬ ‭malaking‬ ‭pagbabago‬ ‭sa‬ ‭Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭.‬ ‭Lar. 12.‬‭Si Haring Frederick II ng Prussia‬ ‭Empress Catherine ng Russia at Empress Maria Theresa ng Austria‬ ‭Sina‬ ‭Empress‬ ‭Catherine‬ ‭at‬ ‭Maria‬ ‭Theresa‬‭,‬ ‭bagamat‬ ‭mula‬ ‭sa‬ ‭magkaibang‬ ‭bansa,‬ ‭ay‬ ‭parehas‬ ‭na‬ ‭nagpatupad‬ ‭sa‬ ‭kani-kanilang‬ ‭mga‬ ‭nasasakupan‬ ‭ng‬ ‭pagbabago‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭serfs‬ ‭upang‬ ‭mapabuti‬ ‭ang‬ ‭pamumuhay‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭ito.‬ ‭Dahil‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭pagbabagong‬ ‭inilatag,‬ ‭mas‬ ‭gumanda at guminhawa ang paraan ng pamumuhay ng mga serfs sa mga kahariang ito.‬ ‭17‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 13.‬‭Si Empress Catherine at Maria Theresa‬ ‭Joseph II ng Austria‬ ‭Si‬ ‭Haring‬ ‭Joseph‬ ‭II‬ ‭ay‬ ‭anak‬ ‭ni‬ ‭Empress‬ ‭Maria‬ ‭Theresa‬ ‭na‬ ‭nagpatuloy‬ ‭ng‬ ‭pagyakap‬ ‭ng‬ ‭kaharian‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭ideya‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭.‬ ‭Si‬ ‭Joseph‬ ‭II‬ ‭ang‬ ‭nagpatanggal‬ ‭ng‬ ‭konsepto‬ ‭ng‬ ‭pagkaalipin‬ ‭sa‬ ‭buong‬ ‭kaharian‬ ‭at‬ ‭ipinagpare-parehas‬ ‭niya‬ ‭ang‬ ‭buwis‬ ‭na‬ ‭binabayaran‬ ‭ng‬ ‭mga‬‭tao.‬‭Binigyan‬‭din‬‭niya‬‭ng‬‭kalayaan‬‭sa‬‭pagpapahayag‬‭ng‬‭sarili‬‭at‬‭pananalita‬‭ang‬‭mga‬ ‭nasasakupan niya.‬ ‭18‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Lar. 14.‬‭Si Haring Joseph II‬ ‭Tulad‬‭ng‬‭Panahon‬‭ng‬‭Renaissance‬‭,‬‭ang‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭ay‬‭nagdulot‬‭ng‬‭maraming‬ ‭pagbabago‬ ‭sa‬ ‭mundo.‬ ‭Sa‬ ‭tulong‬ ‭ng‬ ‭siyensya‬ ‭at‬ ‭katuwiran,‬ ‭nagkaroon‬ ‭ng‬ ‭panibagong‬ ‭pag-intindi‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭tao‬ ‭sa‬ ‭tunay‬ ‭na‬‭katangiang‬‭dala‬‭ng‬‭kalikasan‬‭at‬‭ng‬‭mga‬‭tao.‬‭Bagamat‬ ‭maraming‬‭taon‬‭na‬‭ang‬‭lumipas‬‭mula‬‭ng‬‭ang‬‭mga‬‭kaisipang‬‭enlightenment‬‭ay‬‭naisapubliko,‬ ‭marami‬ ‭sa‬ ‭mga‬ ‭ideyang‬ ‭kanilang‬ ‭itinaguyod‬ ‭ay‬ ‭patuloy‬ ‭pa‬ ‭ring‬ ‭nasasalamin‬ ‭sa‬ ‭kasalukuyang panahon.‬ ‭Mahahalagang Tanong‬ ‭‬ ‭Bakit‬‭humantong‬‭ang‬‭mga‬‭tao‬‭sa‬‭aplikasyon‬‭ng‬‭prinsipyo‬‭ng‬‭agham‬‭at‬ ‭katuwiran sa pamumuhay ng mga tao?‬ ‭‬ ‭Ano ang‬‭“enlightenment”‬‭sa ating kasalukuyang lipunan?‬ ‭19‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Sagutin Natin‬ ‭a.‬ ‭Panuto.‬‭Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat‬‭pangungusap o pahayag.‬ ‭_______________‬ ‭1.‬ ‭Kay‬ ‭John‬ ‭Locke‬ ‭nagmula‬ ‭ang‬ ‭pundasyon‬ ‭ng‬ ‭kaisipang‬ ‭enlightenment‬‭.‬ ‭_______________‬ ‭2.‬ ‭Naniniwala‬ ‭si‬ ‭Baruch‬ ‭Spinoza‬ ‭na‬ ‭lahat‬ ‭ng‬ ‭tao‬ ‭ay‬ ‭mayroong‬ ‭tunay na kalayaan.‬ ‭_______________‬ ‭3.‬ ‭Sa‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭ay‬‭lumaganap‬‭ang‬‭mga‬‭kaisipang‬ ‭pangkalayaan,‬ ‭demokrasya,‬ ‭katuwiran,‬ ‭at‬ ‭pagkakapantay-pantay.‬ ‭_______________‬ ‭4.‬ ‭Mahalaga para sa mga‬‭enlightenment‬‭thinkers ang edukasyon.‬ ‭_______________‬ ‭5.‬ ‭Sa‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭ay‬ ‭nagkaroon‬ ‭ng‬ ‭matinding‬ ‭kritisismo laban sa Kristiyanismo.‬ ‭b.‬ ‭Panuto.‬‭Magbigay‬‭ng‬‭mga‬‭kontribusyon‬‭ng‬‭Panahon‬‭ng‬‭Enlightenment‬‭na‬‭makikita‬‭pa‬ ‭rin hanggang ngayon.‬ ‭1.‬ ‭___________________________________________________________________________________‬ ‭2.‬ ‭___________________________________________________________________________________‬ ‭3.‬ ‭___________________________________________________________________________________‬ ‭4.‬ ‭___________________________________________________________________________________‬ ‭5.‬ ‭___________________________________________________________________________________‬ ‭Suriin Natin‬ ‭Panuto.‬‭Sagutin ang sumusunod na tanong.‬ ‭1.‬ ‭Ano ang pananaw ni John Locke sa pamahalaang mapang-abuso?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭20‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭2.‬ ‭Ano‬ ‭ang‬ ‭pananaw‬ ‭ni‬ ‭Jean‬ ‭Jacques‬ ‭Rousseau‬ ‭ukol‬ ‭sa‬ ‭kapangyarihan‬ ‭ng‬ ‭isang‬ ‭pamahalaan?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭3.‬ ‭Paano hinati ni Baron De Montesquieu ang pamahalaan?‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________‬ ‭Pag-isipan Natin‬ ‭Sa‬ ‭iyong‬ ‭palagay,‬ ‭bakit‬ ‭ukol‬ ‭sa‬ ‭pamahalaan‬ ‭ang‬ ‭pangunahing‬ ‭mga‬ ‭pananaw‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭pilosopo ng Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭?‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭Gawin Natin‬ ‭Magsaliksik pa ng mga pilosopo na nakilala noong Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭maliban sa‬ ‭mga nabanggit na sa aralin. Pagkatapos, punan ang tsart sa ibaba.‬ ‭Mga Pilosopo sa Panahon ng Enlightenment‬ ‭Pilosopo‬ ‭Bansang Pinagmulan‬ ‭Pananaw na Ipinakilala‬ ‭21‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang pagbabagong dala ng‬‭Enlightenment‬‭na‬ ‭mayroong pinakamalaking epekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay?‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭__________________________________________________________________________________________________‬ ‭Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay.‬ ‭Mas Mababa‬ ‭Kailangan pa‬ ‭kaysa‬ ‭ng‬ ‭Pamantayan‬ ‭Inaasahan‬ ‭Pagsasanay‬ ‭Magaling‬ ‭Napakahusay‬ ‭Puntos‬ ‭1‬ ‭2‬ ‭3‬ ‭4‬ ‭Nilalaman‬ ‭Sinubukang‬ ‭Sinubukang‬ ‭Mahusay at‬ ‭Napakahusay‬ ‭isaad ang‬ ‭isaad ang‬ ‭malinaw ang‬ ‭at napakali-‬ ‭resulta ng‬ ‭resulta ng‬ ‭pagsasaad‬ ‭naw ng pag-‬ ‭pananaliksik‬ ‭pananaliksik‬ ‭gayundin ang‬ ‭sasaad,‬ ‭at bumuo ng‬ ‭at bumuo ng‬ ‭nabuong‬ ‭gayundin ang‬ ‭kongklusyon,‬ ‭kongklusyon,‬ ‭kongklusyon;‬ ‭nabuong‬ ‭maraming‬ ‭may ilang‬ ‭pinag-isipan‬ ‭kongklusyon;‬ ‭mali; hindi‬ ‭mali; nag-isip‬ ‭ang‬ ‭pinag-isipang‬ ‭nag-isip;‬ ‭nang‬ ‭kasagutan;‬ ‭mabuti ang‬ ‭tila walang‬ ‭bahagya; may‬ ‭halatang‬ ‭kasagutan;‬ ‭natutunan sa‬ ‭kaunting‬ ‭natuto‬ ‭tiyak na tiyak‬ ‭aralin at hindi‬ ‭natutunan sa‬ ‭sa aralin at sa‬ ‭na natuto sa‬ ‭nanaliksik.‬ ‭aralin at sa‬ ‭ginawang‬ ‭aralin at sa‬ ‭ginawang‬ ‭pananaliksik.‬ ‭ginawang‬ ‭22‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭pananaliksik.‬ ‭pananaliksik.‬ ‭ aayusan at‬ K ‭Walang‬ ‭Kailangang‬ ‭Maayos at‬ ‭Napakaayos‬ ‭Kalinisan‬ ‭kaayusan at‬ ‭matutong‬ ‭malinis ang‬ ‭at napaka-‬ ‭napakadumi‬ ‭maging‬ ‭output‬‭; may‬ ‭linis ng‬ ‭ng‬‭output‬‭;‬ ‭maayos‬ ‭ilang naki-‬ ‭ipinasang‬ ‭napakara-‬ ‭at malinis sa‬ ‭tang bura,‬ ‭output‬‭;‬ ‭ming‬ ‭paggawa;‬ ‭dumi, o‬ ‭walang‬ ‭nakitang‬ ‭maraming‬ ‭pagkakamali.‬ ‭nakitang‬ ‭bura, dumi o‬ ‭nakitang‬ ‭bura, dumi, o‬ ‭pagkakamali.‬ ‭bura, dumi, o‬ ‭pagkakamali.‬ ‭pagkakamali.‬ ‭ anahon ng‬ P ‭Nakapagpasa‬ ‭Nakapagpasa‬ ‭Nakapagpasa‬ ‭Nakapagpasa‬ ‭Paggawa‬ ‭ng‬‭output‬‭sa‬ ‭ng‬‭output‬‭sa‬ ‭ng‬‭output‬‭sa‬ ‭ng‬‭output‬ ‭loob ng ilang‬ ‭loob ng ilang‬ ‭itinakdang‬ ‭bago pa‬ ‭panahon‬ ‭panahon‬ ‭panahon ng‬ ‭ang itinak-‬ ‭matapos ang‬ ‭matapos ang‬ ‭pagpapasa.‬ ‭dang‬ ‭itinakdang‬ ‭itinakdang‬ ‭panahon ng‬ ‭pasahan‬ ‭pasahan.‬ ‭pagpapasa.‬ ‭dahil ipina-‬ ‭alala ng guro.‬ ‭Kabuoang Marka =‬ ‭23‬ ‭Araling Panlipunan‬ ‭‬ ‭Baitang 8 Yunit 14: Panahon ng‬‭Enlightenment‬‭sa‬‭Europa‬ ‭Dapat Tandaan‬ ‭‬ ‭Kilala‬ ‭rin‬ ‭ang‬ ‭Enlightenment‬ ‭sa‬ ‭tawag‬ ‭na‬ ‭Age‬ ‭of‬ ‭Reason‬ ‭dahil‬ ‭sa‬ ‭dami‬ ‭ng‬ ‭mga‬ ‭bagong ideyang‬‭lumabas sa panahong ito.‬ ‭‬ ‭Tampok‬ ‭sa‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬ ‭ang‬ ‭mga‬ ‭pilosopong‬ ‭Pranses‬ ‭na‬ ‭kinilala‬ ‭sa‬ ‭tawag na‬‭philosophes‬‭.‬ ‭‬ ‭May‬ ‭tatlong‬ ‭yugto‬ ‭ang‬ ‭Panahon‬ ‭ng‬ ‭Enlightenment‬‭:‬ ‭ang‬ ‭Early‬ ‭Enlightenment‬ ‭ay‬ ‭tinatayang‬ ‭naganap‬ ‭noong‬ ‭1685‬ ‭hanggang‬ ‭1730;‬ ‭ang‬ ‭High‬ ‭Enlightenment‬ ‭noong‬ ‭1730 hanggang 1780; at ang‬‭Late Enlightenment‬‭noong‬‭1780 hanggang 1815.‬ ‭Mga Sanggunian‬ ‭Adler, Philip and Randall Pouwels. World Civilizations, 6th Ed. Australia: Wadsorth Cengage‬ ‭Learning, 2010.‬ ‭Craig, Albert, William Graham, Donald Kagan, Steven Ozment, and Frank Turner. The‬ ‭Heritage of World Civilizations, Brief 5th Ed. New York, USA: Prentice Hall, 2012.‬ ‭Perry, Marvin. Western Civilization: A Brief History, 10th Ed. USA: Wadsworth, Cengage‬ ‭Learning, 2013.‬ ‭Spielvogel, Jackson. Western Civilization, 9th Ed. USA: Cengage Learning, 2015.‬ ‭24‬

Use Quizgecko on...
Browser
Browser