Ang Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 (PDF)
Document Details
Uploaded by SaintlyNovaculite1559
Colegio San Agustin - Bacolod
Tags
Related
- GMRC at VE CG 2023 Kurikulum (PDF)
- Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (PDF)
- Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas PDF
- Mga Teorya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wikang Filipino PDF
- Pangkalahatang Layunin ng Kurikulum ng K to 12 PDF
- Kontekstwalisadong Komunikasyon Filipino 1 PDF
Summary
This document details the general objectives of the K to 12 curriculum in Filipino. It emphasizes the development of communicative skills, critical thinking, and literary appreciation. The document also introduces the concept of a Curriculum Guide (CG) that outlines learning objectives for different levels.
Full Transcript
I. Ang Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12: “MAKALINANG NG ISANG BUO AT GANAP NA FILIPINONG MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI” Malinaw ang isinasaad na tunguhin ng kurikulum ng K to 12 batay sa konseptuwal na balangkas sa pag...
I. Ang Pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12: “MAKALINANG NG ISANG BUO AT GANAP NA FILIPINONG MAY KAPAKI-PAKINABANG NA LITERASI” Malinaw ang isinasaad na tunguhin ng kurikulum ng K to 12 batay sa konseptuwal na balangkas sa pagtuturo ng Filipino. Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig. Ngunit paano nga ba makalilinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapaki-pakinabang na literasi? Upang makamit ang ganap na pagkatuto ng ating mga mag-aaral kailangan ng mga wasto at epektibong kagamitang pampagtuturo ng mga guro bilang suporta sa kurikulum na magmumula sa administrasyon, ahensiyang panlipunan, pribado at publiko, pamahalaang lokal, midya, tahanan at iba pang sektor ng lipunan... Matatamo natin ang pangkalahatang layuning ito kung hihimay-himayin at pagninilayan natin ang kabuuang nilalaman ng Konseptuwal na Balangkas. Nakasentro ang pagtuturo natin ng Filipino sa ating mga mag-aaral. Sa pang- araw araw na interaksyon at talakayan ay nililinang natin ang kanilang makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood maliban lamang sa Sa Baitang 1 hanggang 3, na walang makikitang bukod na kompetensi para sa panonood dahil Ito ay naka- integrate na sa ibang macro skills. Sinimulan sa Baitang 4 ang paglalapat at paglinang sa kasanayang ito. Naka-angkla ang mga simulain sa Pagtuturo ng Filipino sa pangkalahatang konsepto ng Kurikulum na K to 12. II. K TO 12 GABAY PANGKURIKULUM SA FILIPINO Ito ay ay higit na kilala sa tawag na CG o Curriculum Guide. Dito natin makikita ang itinatakdang mga batayang kasanayang lilinangin sa bawat aralin. Sa Curriculum Guide ibinabatay ang mga Pamantayang Pangnilalaman at Pamantayan sa Pagganap (non-negotiables) na nililinang sa mga LM's at TG's. Ang mga batayang kasanayan ay nahahati na sa apat na markahan. Ang bawat markahan naman ay nahahati sa 10 linggo. Ano-ano ang makikita sa CG? A. GRADE 1-6 1. Pamantayan ng Programa 2. Pamantayan ng Bawat Yugto 3. Pamantayan ng Bawat Baitang 4. Pamantayang Pangnilalaman 5. Pamantayan sa Pagganap 6. Domains 7. Mga batayang kasanayan sa bawat linggo ng lahat ng markahan B. GRADE 7-12 1. Tema 2. Pamantayang Pangnilalaman 3. Pamantayan sa Pagganap 4. Panitikan 5. Gramatika 6. Mga Kasanayang Pampagkatuto sa bawat domain C. KAKAYAHAN SA PAG-UNAWA (LEARNING DOMAINS) K- BAITANG 10 1. Pagsasalita (Oral Language) 2. Kakayahang Kumilala ng mga Ponolohiya (Phonological Skills) 3. Kaalaman sa Aklat at Nakalimbag na Babasahin (Book & Print Knowledge) 4. Kaalaman sa mga Alpabeto (Alphabet Knowledge) 5. Pagkilala sa mga Tunog at Salita (Phonics & Word Recognition) 6. Katatasan (Fluency) 7. Pagbabaybay (Spelling) 8. Pagsulat ng Komposisyon (Writing Composition) 9. Sulat-kamay (Handwriting) 10. Gramatika (Grammar Awareness & Structure) 11. Talasalitaan (Vocabulary) 12. Pag-unawa sa Binasa at Estratehiya sa Pag-aaral (Reading Comprehension & Study Strategies) 13. Paggamit ng Konteksto at Dating Kaalaman (Use of Context & Prior Knowledge) 14. Mga Estratehiya sa Pag-unawa (Comprehension Strategies) 15. Pag-unawa sa mga Akdang Pampanitikan (Comprehending Literary Text) 16. Pag-unawa sa mga Tekstong Nagbibigay ng Impormasyon (Comprehending Informational Text) 17. Pag-uugali (Attitude) D. CODE Isa sa mga mahalagang komponent ng CG ay ang code. Ano ba ang ibig sabihin nito? Paano natin gagamitin ang code na ito? halimbawa ang code na F4EP-If-h-14 First Entry Learning Area and Filipino F4 Strand/Subject or Specialization Grade Level Baitang 4 Uppercase Domain/Content/Component/Topic Estratehiya sa Pag- EP Letter/s aaral Roman Numeral Quarter Unang markahan I *Zero if no specific quarter Lowercase Week Ika-anim hanggang f-h Letter/s ikawalong linggo *Put a hypen (-) in between letters to indicate more than a specific week Arabic Number Competency Nakasusulat ng 14 balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa III. MGA PAMANTAYAN SA FILIPINO K-12 A. PAMANTAYAN SA PROGRAMA (CORE LEARNING AREA STANDARD): 1. Pamantayan ng Programa ng Baitang 1-6 Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe. 2. Pamantayan ng Programa ng Baitang 7-10 Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba't ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi. B. PANGUNAHING PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (KEY STAGE STANDARDS): a. K-3 Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag- iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama. b. 4-6 Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga mag-aaral ang sigla sa pagtuklas at pagdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama. C. 7-10 Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig upang matamo ang kultural na literasi. D. 11-12 Sa dulo ng Baitang 12 naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa tulong ng iba't ibang disiplina at teknolohiya upang magkaroon ng akademikong pag-unawa C. PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG (GRADE LEVEL STANDARDS): a. K Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa kapwa. b. BAITANG 1 Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag- aaral ang mga pasalita at di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o nibel at kaugnay ng kanilang kultura. c. BAITANG 2 Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag- aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mga salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura. d. BAITANG 3 Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag- aaral ang pangunahing diwa ng tekstong binasa o napakinngan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba't ibang bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura. e. BAITANG 4 Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan. f. BAITANG 5 Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba't ibang teksto/babasahing lokal at pambansa. g. BAITANG 6 Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag- unlad ng bansa. h. BAITANG 7 i. BAITANG 8 j. BAITANG 9 k. BAITANG 10 111. TALAAN NG MGA PAMANTAYAN SA PAGGANAP SA BAWAT BAITANG Grade 4 Nakabibigkas ng tula (pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento) Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto at nakagagawa ng poster tungkol dito Naisasakilos at naisasalaysay ang napakinggang kuwento o usapan Naisasakilos ang NAPANOOD Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo Nakabubuo ng sariling patalatastas UNANG MARKAHAN Natatalakay ang paksa o isyung napakinggan Nakabibigkas ng tula at iba't ibang pahayag nang may damdamin. wastong tono at intonasyon Naisasalaysay muli ang nabasang kuwento o teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod at nakagagawa ng poster tungkol sa binasang teksto Nagagamit ang diksiyonaryo at nakagagawa ng balangkas sa pagkalap at pag-unawa ng mga impormasyon Nakasusulat ng talatang pasalaysay Nakapagsasalaysay tungkol sa pinanood Nakasasali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento IKALAWANG MARKAHAN Naisasakilos ang napakinggang kuwento o usapan Naisasalaysay muli ang binasang kuwento Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa binasang tekstong pang-impormasyon Nagagamit ang silid-aklatan at ang mga gamit dito tulad ng card catalog, DCS, call number Nakasusulat ng talatang naglalarawan Naisasakilos ang NAPANOOD Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento at pagsulat ng tula at kuwento IKATLONG MARKAHAN Nakasusunod sa napakinggang hakbang Nakapagbibigay ng panuto, naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa napakinggang kuwento Nakabubuo ng timeline batay sa binasang talambuhay, kasaysayan Nakagagawa ng mapa ng konsepto upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos Nakasusulat ng sariling kuwento o tula Nakaguguhit at nakasusulat ng tula o talata batay sa pinanood Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento IKAAPAT NA MARKAHAN Nakapagtatala ng impormasyong napakinggan upang makabuo ng balangkas at makasulat ng buod o lagom Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo Nakapagbubuod ng binasang teksto Nagagarnit ang pahayagan sa pagkalap ng impormasyon Nakasusulat ng ulat tungkol sa binasa o napakinggan Nakabubuo ng sariling patalatastas Napahahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento GRADE 5 pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap tungkol sa isyu o paksang napakinggan Nakapagsasagawa ng readers' theater Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling pelikulang napanood pagkukuwento, pagsulat ng sariling tula, talata o kuwento Nakagagawa ng isang travelogue o kuwento na maibabahagi sa iba Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum Nakabubuo ng sariling dokumentaryo o maikling pelikula UNANG MARKAHAN Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa napakinggang kuwento at pagsasagawa ng roundtable na pag-uusap tungkol sa isyu o paksang napakinggan Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa Nakapagsasagawa ng readers' theater Nakapagtatala ng mga kailangang impormasyon o datos Nakasusulat ng isang talata tungkol sa isang isyu o paksa Nakagagawa ng movie trailer para sa maikling pelikulang napanood Napahahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagiotan ng pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagsulat ng sariling tula, talata o kuwento IKALAWANG MARKAHAN Naisasakilos ang maaaring mangyari sa napakinggang kuwento at naibibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang proseso Nakagagawa ng isang travelogue o kuwento na maibabahagi sa iba Naisasakilos ang katangian ng mga tauhan sa kuwentong binasa; nakapagsasadula ng maaaring maging wakas ng kuwentong binasa at nakapagsasagawa ng charades ng mga tauhan Nakabubuo ng dayagram upang maipakita ang nakalap na impormasyon o datos Nakasusulat ng talatang naglalarawan ng isang tao o bagay sa paligid, at ng talatang nagsasalaysay ng sariling karanasan Nakasusulat ng tula batay sa pinanood Napahahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento IKATLONG MARKAHAN Nakapag-uulat ng impormasyong napakinggan at nakabubuo ng balangkas ukol dito Nakagagawa ng isang ulat o panayam Nakabubuo ng isang timeline ng binasang teksto (kasaysayan), napagsusunod-sunod ang mga hakbang ng isang binasang proseso, at nakapagsasaliksik gamit ang card catalog o OPAC Nakagagawa ng nakalarawang balangkas upang maipahayag ang nakalap na impormasyon o datos Nakasusulat ng isang tula o kuwento at talatang naglalahad ng opinyon o reaksyon Nakagagawa ng ulat tungkol sa pinanood Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pasgsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento IKAAPAT NA MARKAHAN Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan Nakagagawa ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsasagawa ng isang debate tungkol sa isang isyu o binasang paksa Nagagamit ang silid-aklatan sa pagsasaliksik Nakasusulat ng talatang nangangatwiran tungkol sa isang isyu o paksa at makagagawa ng portfolio ng mga sulatin Nakabubuo ng sariling dokumentaryo o maikling pelikula Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsalli sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento GRADE 6 Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood makagagawa ng isang poster o patalastas tungkol sa isang isyu o paksa Nakasusulat ng isang talambuhay at orihinal na tula Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas. reader's theatre o dula- dulaan nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang teksto Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal, lathalain o balita Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula UNANG MARKAHAN Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isyu Nakabubuo ng sariling diksyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto Nagagamit ang nakalimbag at di-nakalimbag na mga kagamitan sa pagsasaliksik Nakasusulat ng rekasyon sa isang isyu Nakagagawa ng isang blog entry tungkol sa napanood Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento, pagtula, pagsulat ng sariling tula at kuwento IKALAWANG MARKAHAN Nakapagsasagawa ng isahang pagsasadula tungkol sa isang isyu o paksang napakinggan Naiuulat ang isang isyu o paksang napakinggan Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o tekstong binasa Nakagagawa ng graph o dayagram upang ipakita ang nakalap na impormasyon o datos Nakasusulat upang ipahayag ang isang kakaibang karanasan at makagagawa ng isang poster o patalastas tungkol sa isang isyu o paksa Naisasakilos ang isang paksa o isyung napanood Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento IKATLONG MARKAHAN Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan Nakapagbibigay ng isang panuto Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas Nakagagawa ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na datos o impormasyon Nakasusulat ng isang talambuhay at orihinal na tula Nakagagawa ng isang suring-papel tungkol sa pinanood Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento IKAAPAT NA MARKAHAN Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader's theatre o dula- dulaan Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng binasang teksto Nagagamit ang iba't ibang babasahin ayon sa pangangailangan Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal, lathalain o balita Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula Napapahalagan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa aklatan, pagkukuwento, pasgulat ng tula at kuwento GRADE 7 Nasusuri ang ginamit na datos sa pananaliksik sa isang proyektong panturismo (halimbawa: pagsusuri sa isang promo coupon o brochure) Naisusulat Ang iskrip ng Informance at naitatanghal ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting- bayan sa sariling lugar gamit ang wika ng kabataan Naisusulat ang isang alamat sa anyong komiks Napanonood sa youtube at natatalakay ang isang halimbawang pestibal ng Kabisayaan Naisasagawa ang isang panayam o interbyu kaugnay ng paksang tinalakay Naisusulat ang isang editoryal na nanghihikayat kaugnay ng paksa Nasusuri ang isang indie film ng Kabisayaan batay sa mga elemento nito Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story batay sa ibinigay na mga pamantayan Naisusulat ang isang orihinal na akdang nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento Naisusulat ang orihinal na liriko ng awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan Naitatanghal ang orihinal na awiting- bayan gamit ang wika ng kabataan Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa itinakdang mga pamantaya Naisasagawa ang mimicry ng tauhang pinili sa nabasa o napanood na dula Naisasagawa ang komprehensibong pagbabalita (newscasting) tungkol sa sariling lugar/ bayan Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang pantelebisyon/pampelikula Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang pangtatanghal UNANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo IKALAWANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang wika ng kabataan IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar IKAAPAT NA MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino GRADE 8 Naiisa-isa ang mga hakbang ng pananaliksik mula sa video clip na napanood sa youtube o iba pang pahatid pangmadla Nakagagawa ng sariling hakbang ng pananaliksik nang naayon sa lugar at panahon ng pananaliksik Naisusulat ang isang orihinal na tulang may apat o higit pang saknong sa alinmang anyong tinalakay, gamit ang paksang pag-ibig sa kapwa, bayan o kalikasan Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula Nasusulat ang isang suring-pelikula batay sa mga itinakdang pamantayan Naipakikita sa isang powerpoint presentation ang mga angkop na hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan batay sa tema, panahon at tiyak na direksyon ng kampanya Nabubuo ang isang malinaw na (social awareness campaign tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin tungkol sa: - pagkapoot - pagkatakot - iba pang damdamin Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita UNANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo IKALAWANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naisusulat ang sariling tula sa alinmanganyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign) IKAAPAT NA MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan GRADE 9 Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan Batay sa isang iskrip na nabuo ng pangkat, naitatanghal sa isang book fair ang malikhaing panghihikayat na basahin ang alinmang akda sa Timog-Silngang Asya Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng teleserye o pelikula Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano Naisasalaysay sa isang kumperensiya ang naisulat na sariling akda Naisusulat ang sariling parabula tungkol sa isang pagpapahalagang kultural sa Kanlurang Asya Naisasadula ang nabuong orihinal na parabula Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay Naipakikita sa isang masining na pagtatanghal ang kulturang Asyano na masasalamin sa binasang mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asyano Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip Naitatanghal ang dulang panteatro na pumapaksa sa ilang napapanahong isyung panlipunan sa kasalukuyan Naisusulat ang isang makahulugan at masining na monologo tungkol sa isang piling tauhan Naitatanghal ang mga tunggaliang naganap sa mga tauhan sa tulong ng Isinulat na iskrip ng Mock Trial Nakikibahagi sa pagsulat at pagtatanghal ng pagsasadula ng ilang isyung binanggit sa akda na makatotohanan pa rin sa kasalukuyan Naitatanghal ang scenario building tungkol kay Sisa sa makabagong panahon UNANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya IKALAWANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano IKAAPAT NA MARKHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa isa ilang tauhan ng Noli Me Tangere na binago ang mga katangian (dekonstruksiyon) GRADE 10 Nakikibahagi sa round table discussion kaugnay ng mga isyung pandaigdig Nakagagamit ng intemet para sa pananaliksik Naisasadula ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga piling pangyayari sa kabanata ng nobela Naibubuod sa isang critique ang sariling panunuri ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean Nailalahad nang malinaw sa isang simposyum ang nabuong critique ng alinmang akdang pampanitikang Mediterranean Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV, internet tulad ng fb, e-mail, at iba pa) Naisusulat ang sariling akda at nailalathala ito sa alinmang social media) Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa pamamagitan ng debate/ pagtatalo) Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa you tube Naisasagawa ang isang radyong pantanghalan tungkol sa SONA ng Pangulo ng Pilipinas Naisusulat ang isang talumpati na pang-SONA Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalarawan sa tradisyong kinamulatan sa Africa at/o Persia Naitatanghal ang iskrip ng nabuong puppet show Naisusulat ang iskrip ng isang pagtatanghal tungkol sa kultura at kagandahan ng bansang Africa at Persia Pangkatang pagsasadula ng nobela na isinasaalang-alang ang sumusunod: paggamit ng wikang nauunawaan ng kabataan sa makabagong panahon pag-uugnay ng mga isyung panlipunan nang panahon ni Jose Rial na makatotoha-nan pa rin sa kasalukuyan paggamit ng iba't ibang makabagong paraan ng pagsasadula UNANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alimang akdang pampanitikang Mediterranean IKALAWANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media) IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang akdang pampanitikan IKAAPAT NA MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan GRADE 11 UNANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad IKALAWANG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa IKATLONG MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa IKAAPAT NA MARKAHAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa GRADE 12 Filipino sa Piling Larang (Akademik) Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik ayon sa format at teknik Filipino sa Piling Larang (Isports) Nakabubuo ng isang pahayagang pang-isports na naglalaman ng iba't ibang anyo ng sulating isports Filipino sa Piling Larang (Sining) Nakabubuo ng isang magasing pansining o pangdisenyo Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Nakabubuo ng isang manwal kaugnay ng piniling kurso IV. ANG SINING NG PAGTUTURO NG FILIPINO SA KURIKULUM NA K TO 12 A. Dalawang Layunin sa Pagtuturo ng Filipino (ayon kay Dr. Liwanag): ➤ Ituturo ito bilang isang sabjek o aralin na bahagi ng kurikulum sa elementarya at sekondarya ➤ Gagamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na iniatas sa Patakarang Bilingguwal noong 1974 at 1986 Ayon pa rin kay Dr. Liwanag: "Kinakailangang matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakanyahan upang magamit ito sa pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino at magiging tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles na pangalawang wika ng mga mag-aaral." Gaya ng nabanggit na sa mga nakaraang pagtalakay, ang Pagtuturo ng Filipino ay naaayon sa itinatakdang Curriculum Guide sa bawat baitang. Mahigpit ang tagubilin na isaalang-alang ang dalawang non-negotiables: Ang Pamantayang Pangnilalaman at ang Pamantayan sa Pagganap. Kinakailangan din ang 'sapat na kaalaman ng mga guro sa proseso ng unpacking of conmpetencies upang mula sa isang big concept/idea ay mahimay-himay ang mga ito into smaller chunks o maliliit na konsepto at ideya upang higit na maging tiyak ang mga nililinang na kompetensi at upang humantong sa tinatawag na essential understanding. B. Disenyo ng Pagkatuto ni Dr. Cristina S. Chioco Narito ang balangkas ng Disenyo ng Pagkatuto (Instructional Design) ni Dr. Cristina Chioco ng Kagawaran ng Edukasyon na maituturing na isang mabisang saligan sa paglinang ng mga aralin/modyul sa Pagtuturo ng Filipino: I. Panimula II. Panimulang Pagtataya III. Yugto ng Pagkatuto A. Tuklasin (to know) B. Linangin (to process) a. Tuklasin (to know) b. Linangin (to process) c. Pagnilayan at Unawain (to reflect and understand) d. Ilipat (to transfer) C. Pagnilayan at Unawain D. Ilipat IV. Pangwakas na Pagtataya V. Sintesis Tungkol sa Modyul Gagamitin kong halimbawa ang isang Aralin sa aklat na Daluyan, Grade 7 ni Dr. Sharon Ansay Villaverde, na ako din ang naging editor at consultant upang lubusan nating maunawaan ang bawat bahagi ng balangkas ng Disenyo ng Pagkatuto. VII. Mga Pamaraan, Estratehiya at Teknik sa Pagtuturo ng Filipino Salig sa ibinigay na depinisyong ibinahagi ni Edward Anthony (1963) narito ang kanyang pakahulugan tungkol sa dulog, pamaraan at teknik na naging tanggap bilang pangkalahatang konsepto at ideya: DULOG-Set ng mga pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagtuturo at pagkatuto PAMARAAN - Panlahat na Pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog ESTRATEHIYA - Mga hakbanging isinasaalang-alang sa pagtuturo TEKNIK - Alinman sa mga gagamiting pagsasanay o gawain sa loob ng silid- aralan upang maisakatuparan ang mga itinakdang layunin ng isang aralin A. MGA KATANGIAN NG MABUTING ESTRATEHIYA: ➤ Angkop sa bunga ng pagkatuto ➤ Angkop sa sitwasyon ➤ Angkop sa kakayahan ng mag-aaral ➤ Angkop sa aralin/asignatura ➤ Salig sa mga itinakdang pamantayang pangnilalaman at pamantayan sa pagganap ng kaukulang Curriculum Guide ➤ Lumilinang sa mga itinakdang kasanayang pampagkatuto sa bawat domain ➤ Humihimok sa isang kolaboratibo, integratibo, interaktibo at kooperatibong gawain at pagkatuto ➤ Lumilinang sa kasanayang 21st century ng mga mag-aaral ➤ Nagpapaunlad sa limang makrong kasanayan ng mga mag-aaral ➤ Alinsunod sa mga simulainng pagkatuto at pilosopiya ng pagtuturo B. MGA TRADISYUNAL NA TEORYA SA PAGKATUTO NG WIKA 1. Teoryang Batay sa Gawi (Behaviorist) Noong 1968, binigyang-din ng behaviorist na si Skinner (Finocchiaro, 1986) ang kahalagahan ng pangganyak, pagsasanay at pagpapatibay upang malinang ang intelektwal na kakayahan sa wika ng mag- aaral. 2. Teoryang Batay sa Kalikasan ng Mag-aaral (Innative) Naniniwala si Chomsky (Finnochiaro, 1986) na likas sa mga bata ang pagkatuto ng wika. Nagaganap ito sa pakikipamuhay ng isang bata sa kanyang sosyal na komunidad. 3. Teoryang Kognitib Habang ginagamit ng tao ang wika, nakagagawa siya ng pagkakamali at natututo. Sa proseso ay nakabubuo siya ng mga tuntunin sa gamit ng wika. 4. Teoryang Makatao (Humanist) Dito'y isinasaalang-alang ang payapa at positibong saloobin ng mag-aaral sa klasrum upang maging lubos ang pagkatuto niya ng wika. C. ANG LIMANG MAKRONG KASANAYAN ➤ PAKIKINIG ➤ PAGBASA ➤ PAGSULAT ➤ PAGSASALITA ➤ PANONOOD 1. PAKIKINIG Ang pakikinig ay isang kompleks na proseso kung saan ginagawa ng ating isipan na lapatan ng pagpapakahulugan ang anumang pagsasalitang napakinggan. Ang proseso sa pakikinig ay may tatlong bahagi: pagtanggap, paglilimi o pagbibigay-tuon at pagpapakahulugan (Wolvin and Coakley, 1979). Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap (yagang, 1993). Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-uunawa sa diin at bigkas, balarila at talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita (Howatt at Dakin. 1974, binanggit kay Yaging). Ang mahusay na tagapakinig ay may kakayahang isagawa ang apat na ito nang sabay-sabay 1.1 Mga Teknik na Magagamit ng Guro sa Pagkatuto sa Pakikinig a. Pagbasa nang malakas (Reading Aloud) Ito ay mahalaga at mabisang teknik sa paglinang at pagpapalawak ng talasalitaan at paglinang ng kasanayan sa paggamit ng wika. Sa ganitong teknik din nagagawang mapaunlad ng guro ang kahusayan sa pagbasa ng mga mag- aaral nang may pagsasaalang-alang sa wastong bigkas ng mga salita, lakas at linaw ng pagbasa. b. Pagbasa sa klase ng mga aklat na piksyon at di-piksyon Sa pagtuturo ng pakikinig, gawin itong isang kawili-wili at kapana-panabik na karanasan para sa mga mag-aaral. Maging masining at malikhain sa pagbabasa ng mga piling-pili at mahuhusay na mga kuwentong pambata. Maaari rin na magbasa ng mga aklat na di-piksyon namaaaring ang paksa ay hango sa ibang larangan o disiplina. c. Panubaybay na pagbasa, sabayang pagbasa at sabay na pag-awit at iba pa. Maituturing na epektibong gamitin ang teknik na ito dahil mabisa nitong napapalawak ang kasanayan sa pakikinig ng mga mag-aaral. Makatutulong din nang lubos ang pagbabasa ng ilang mga artikulo mula sa mga pahayagan at magasin. Maaaring gumamit ng iba't ibang tekstong pasalita gaya ng tula, talumpati, awit, balita at iba pa. d. Mga Larong Pampakikinig Ang ganitong mga larong pampakikinig ay nakatutulong upang higit na maging tutok sa pakikinig ang mga mag-aaraldahil napupukaw ang kanilang interes at kawilihan sa gawain. Ang halimbawa ng larong pampakikinig ay "Ibubulong Ko, Ikukuwento Mo" 1.2 Ang sumusunod ay tsart ng anim na estratehiyang magagamitsa komprehensiv na pakikinig. (Morrow, 1993). ESTRATEHIYA GAWAING PANG- GAWAING PANSEKONDARYA ELEMENTARYA Paglikha ng Imahe Pagguhit ng mga bagay na Paglikha ng simbolong ilalarawan ng kapareha sa dyad represntasyon o likhang larawan ng pangkalahatang senaryo kaugnay ng isang balitang napakinggan o dulang napanood Pagkakategorya Pagpapangkat-pangkat sa mga Pagtatala ng mga mag- aaral ng mag-aaral at pangkatang impormasyong maririnig at pagkakategorya ng mga pagkakategorya ng mga ito sa maririnig na impormasyon grapikong pantulong Pagtatanong Pagtatanong sa mga di narinig o Pagtatanong sa mga kamag- di malinaw na impormasyon aaral sa paraang bagyuhan ng utak (brainstorming) at pagtatala ng mga maririnig na detalye mula sa mga kasagutan Pag-oorganisa Pakikinig sa mensaheng naka- Pakikinig sa aktwal na teyp at pag-aayos ng tekstong demonstrasyon sa paraan ng napakinggan ayon sa ibinigay na paggawa at pag- oorganisa ng palatandaan; mga salitang mahahalagang kaisipan naghuhudyat ng pagkakasunud- sunod, sanhi at bunga at paghahambing Pagkuha ng Tala Pagtatala ng mahahalagang Pagtatala ng mahahalagang detalye sa balitang binasa ng detalye sa aktwal na panayam guro o kamag-aaral Pagbibigay-pansin Pagtatala ng biswal at berbal na Pagpapakahulugan sa itinalang hudyat mula sa tagapagsalita biswal at berbal na hudyat mula sa tagapagsalita Kritikal o mapanuring pakikinig Pakikinig sa patalastas Pakikinig sa mga tekstong upang suriin ang: upang: Masuri ang mga salitang Uri ng material na ginamit Epekto ng napakinggan may laman (pinabuti, Pagkiling ng impormasyon nakahihigit ng 100%, atbp) Layunin ng patalastas Makilala ang mapanlinlang na Pamamayani ng opinyon mga salita (eupemismo, hayperbole at may dalawang kahulugan) Mga gawain sa pakikinig Pagsasadula, masining na Pagsasadula Cghamber Theatre Pagkukuwento, Reader's Sabayang Pagbigkas Debate Theatre, Pagbabalita, Pagguhit Paglalapat ng likhang sayaw sa sa larawan mula sa mga isang awiting napakinggan, maririnig na paglalarawan ng atbpa. katangiang pisikal nito, atbpa. 2. PAGBASA Ang Pagbasa ay pagbibigay ng kahulugan at pagkilala ng mga kaalamang nakalimbag batay sa nais iparating ng manunulat. Ang Pagbasa ay isang proseso dahil mula sa pagbasa, binibigyan natin ito ng interpretasyon upang maunawaan ang mensaheng nais sabihin ng may-akda, kasama rin dito ang damdamin na ating nararamdaman habang inuunawa ang mensahe ng akda. Ayon kay Silvey 2003, (Mabilin, et al., 2012). Ang may-akda ay naglalahad ng kanyang kaalaman at ikaw, bilang mambabasa ay tumatanggap ng mensaheng ito sa tulong ng iyong pag-unawa at dating kaalaman. Ayon naman kay Goodman, ang Pagbabasa isang Psycholinguistic guessing game na bumubuo ng mga kaisipang panibago mula sa binasa. May diin sa paghuhula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng predeksyon sa binasa (Badayos: 2000) Ang pagbabasa at pagsulat kapwa ginagamitan ng isip at damdamin. Pinatunayan sa teoryang ito ni Goodman na ikaw ay may kakayahang mag-isip, magbigay ng implikasyon at bumuo ng panibagong kaalaman. Batay naman kay Coady, para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating kaalaman o iskema ay malugnay sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto, kaisipan at kasanayan sa pagpo- proseso ng mga impormasyong makikita sa teksto. Dahil dito, higit na magiging mabilis ang pagkaunawa sa mga tekstong binabasa. Ayon kay McWhorter, ang pagbasa ay pagpapakilos sa ating mga mata na may kaakibat na sapat na pag- iisip at pag-unawa sa mga simbolong nakalimbag. Dahil dito, ang pagbasa ay maituturing na isang aktibong pamamaraan sa pagtukoy at pagkilala ng mgamahahalagang impormasyon, paghahambing sa dating kaalaman o iskema at pagbibigay din ng reaksyon, opinion at pananaw hinggil sa binasang teksto. Sa madaling sabi, walang pagbasa kung walang pag-unawa. Sa ating pagbabasa, ginagamitan natin ng masusing pag-iisip ang anomang bagay na nakalimbag bago natin ito binibigyan ng kahulugan upang patunayan na ang ating binabasa ay ating nauunawaan. Sa proseso ng pagtutok sa simbolo o teksto may nagaganap nang bahagyang pagtigil upang kilalanin at unawain ang nilalaman ng binabasa. Ang pagtigil na ito sa pagbasa ay tinatawag sa ingles na "FIXATION" Ang madalas na dahilan kung bakit nangyayari ito ay dahil sa di pamilyar na mga salita at kung minsan ay dahil sa ginagamitan ito ng matatalinhaga at idyomatikong pagpapahayag. Kung gayon, ang pagbasa ay nangangailangan ng mahusay na pagkilala, pagkuha at pag-unawa sa mga ideya ng manunulat. Kahalagahan ng Pagbasa Ang pagbasa ay pangangailangang dapat ugaliing gawin ng bawat tao upang hindi mapag-iwananan ng takbo ng panahon, lalo't higit sa kasalukuyan dahil mabilis magbihis ang panahon sanhi o dulot ng makabagong teknolohiya. Mahalagang bigyan ito ng pansin hindi lamang bilang pampalipas-oras na maaaring solusyon sa pagkabagot ngunit maaring susi rin ito sa pagtatamo ng karunungan na maaaring mapakinabangan sa hinaharap ng bawat isa. Ang pagbabasa rin ang tulay sa maayos na kinabukasan at mabisang sangkap sa pagpapaunlad ng sarili upang dumating man ang hamon ng hinaharap ay nakahanda ka upang mapagtagumpayan ito. Ang pagbabasa rin ay maaring magsilbing behikulo ng paglutas sa mga problemang nangangailangan ng tiyak na katugunan. Higit sa lahat ito rin ang makatutulong sa paghubog ng ating sarili at pagkatao. Wika nga sa ingles, "Reading Maketh a man", mula sa aklat ni Teresita Galang, et.al (2007). Ibig sabihin na sa pagbabasa ay nagpapaunlad sa personalidad ng tao. Dito nabubuo ang pagkatao ng bawat isa. Proseso ng Pagbasa Ang proseso ay tumutukoy sa pamamaraan kung paanong ang pagbabasa ay dapat gawin. Ayon kay William S. Gray, may apat na hakbangin sa pagbabasa: 1. Persepsyon Nakikilala ng mambabasa ang mga salitang nakalimbag at nabibigkas ato nauunawaan niya ito dahil may pamilyaridad ang mga ito sa kanya. 2. Komprehensyon Malaki ang kaibahan ng nababasa lang ang mga salitang nakalimbag kaysa sa tunay na nauunawaan ang kanyang binabasa. Mahalaga ang pag-unawa dahil ito ang magiging daan sa pagkatuto at paglago ng kaisipan. 3. Aplikasyon Ito'y paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipan mula sa binabasa na akmang gamitin sa mga tunay na sitwasyon at kaganapan sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao. 4. Integrasyon/ Asimilasyon Pag-uugnay ito ng bagong kaalaman at ideyang natutunan sa dati nang kaalaman at karanasan ng isang tao. Ang dating karanasan ng isang tao ay napakahalaga sa pag-uugnay sa bagong impormasyong natutunan mula sa binabasa. Dahil dito, nabibigyan niya ng halaga ang dati nang kaalaman at ang bagong ideya o konseptong natutuhan. Ito rin ang sanhi ng lalong pagpapalawak ng kaalaman ng isang tao na nagbibigay ng pagkakataon tungo sa pagkakaroon niya ng tiwala sa sarili. Uri ng Pagbasa 1. Tahimik na Pagbasa katahimikan upang makatulong sa Sa pagbasang ito, nangangailangan ng katal ganap na konsentrasyon sa pagbabasa. 2. Pasalitang Pagbasa Kailangan dito ang tamang pagbigkas, lakas at linaw, at ang bilis o bagal ng pagbasa 3. Masusing Pagbasa / Kritikal na Pagbasa Ito ay maingat at puspusang pag-unawa sa isang akdang binabasa. Ito ay mabagal na uri ng pagbasa dahil marubdob niyang inuunawa ang nilalaman at ideyang nais isiwalat ng manunulat. Bibibigyan din ng pansin dito ang istruktura at nilalaman ng teksto at sinusuri ang tiyak na detalye ng akda na sinusuri at binibigyan ng tamang interpretasyon. Nagaganap dito ang pagkilala ng mga pagkakatulad at pagkakaiba maging ang pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisipan ng diwa ng mga pangungusap. Kinikilala rin dito ang mabubuting katangian ng teksto at maging ang pagpapasya tungkol sa kabisahan ng paglalahad. 4. Masaklaw na Pagbasa Ginagamit ito sa isang gawaing pananaliksik na karaniwang ginagawa sa labas ng klase dahil sa masaklaw nga, kailangan niya ng sapat na oras at panahon upang matuklasan ang kanyang pangangailangan sa gawaing pananaliksik. 5. Pagbasang may Pagpapahalaga Paglikha ito ng sariling pananaw o kaisipan ayon sa kawilihan at kasanayan ng binasang akda. Dito rin naipadarama ang paghanga sa kagandahan at kasiningan ng akda. Naipakikita ito sa pamamagitan ng pagtatanghal ng dula, pagbago ng mga pangyayari sa binasa, ng panimula at wakas, maging ng paglikha ng sariling kwento batay sa binasang akda. Teorya ng Pagbasa 1. Bottom-Up (Baba-Pataas) Batay ito sa teoryang behaviorist na nagbibigay diin sa paglinang ng pag-unawa o komprehensyon sa pagbasa. Ito rin ay pag-unawa na nagmumula sa teksto patungo sa nagbabasa. Ang teksto ang (bottom) at ang mambabasa ang (up) kaya tinatawag itong bottom-up Ayon kay Smith sa aklat nina Galang et al (2007), ang teoryang ito ay tinatawag ding outside-in o data- driven dahil ang pag-unawa sa binabasa ay nagmumula sa teksto hindi sa mambabasa. 2. Top-Down (Taas-Pababa) Dito ang mambabasa ay nakabubuo ng ideya hango sa binasang akda. Kaya maaring tawagin na ang pagbasa ay Holistic dahil maliban sa pag-unawa, nagagamit din ang damdamin upang maramdaman ang damdaming nagingibabaw sa binabasa at ito'y matiim na tumitimo sa puso't isipan ng mambabasa. Masasabi rin nating ang nagbabasa ay aktibo dahil hindi lamang pag-unawa ang kanyang layunin sa pagbabasa, sa halip, isinasaalang-alang din ang maaaring paggamitan ng mga natutunang ito sa hinaharap. Tinatawag din itong Conceptually driven o inside-out dahil ang dating kaalaman ng mambabasa ay mahalagang may papel sa paggamit nito upang madaling maunawaan ang binabasa. Ito rin ang dahilan ng pagbubuo ng hinuha o palagay na kanyang maiuugnay sa inilalahad na diwa ng tekstong binabasa. 3. Interaktiv Ito'y pagsasama ng botom-up at top-down. Bunga ito ng pagbibigay diin sa pag- unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang ito nagaganap ang interaksyon ng mambabasa sa manunulat. Dito binibigyan diin ang pag-uugnay ng sariling karanasan, kuru-kuro at ang iskema o dating karanasan. 4. Iskema Ang iskema ay kung ang sariling karanasan na pinatitingkad sa paraang paglilinang, pagpapaunlad o pagpapalawak ng ideya upang maging bihasa at matibay tungo sa pagharap sa pagsubok ng panahon. Dahil dito, masasabing ang bagong impormasyon o ang pagkatuto ng isang tao ay napapalitan kapag ang bagong impormasyon ay naiuugnay sa umiiral na iskema.