Kontekstwalisadong Komunikasyon Filipino 1 PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala ng leksyon sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino 1. May mga nilalaman na may kaugnayan sa mga aralin, topik, at mga detalye ng kurikulum para sa kursong ito. Binabanggit din ang mga gawain at layunin ng kurso.

Full Transcript

# KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON ## TOPIC OUTLINE 1. Aralin 1 - Wika 2. Aralin 2 - Wikang Pambansa 3. Aralin 3 - Konsepto Ng Wikang Filipino ## ARALIN 1 ### NILALAMAN NG KURSO - Ang Konstekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstw...

# KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON ## TOPIC OUTLINE 1. Aralin 1 - Wika 2. Aralin 2 - Wikang Pambansa 3. Aralin 3 - Konsepto Ng Wikang Filipino ## ARALIN 1 ### NILALAMAN NG KURSO - Ang Konstekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kaniyang mga komunidad sa particular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. - Nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba't ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba't ibang antas at larangan. ### INAASAHANG BUNGA NG PAGKATUTO #### 1. KAALAMAN - Mailarawan ang mga gawing pang komunikasyon ng mga Pilipino sa iba't ibang antas at larangan. - Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa. - Matukoy ang mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa. - Matukoy ang mga mapagkatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik. - Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong bansa batay sa pananaliksik - Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran. #### 2. KASANAYAN - Magamit ang wikang Filipino sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. - Makapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino. - Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa iba't ibang konteksto. - Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba't ibang konteksto. - Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso na nakaugat sa mga realiad ng lipunang Pilipino. #### 3. KAHALAGAHAN - Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba't ibang antas at larangan. - Makapabalangkas ng gabay etikal kaugnay ng paggamit ng iba't ibang porma ng midya - Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-ideya. - Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang lunsaran sa mas mabisang pakikipag-ugnayan sa mamamayan ng ibang ng ibang bansa. ## WIKA - Tunay na walang makakatumbas sa wikang gamit mo. - Ang wika ang nagiging simbolo, instrument, at basehan ng iyong pagkakakilanlan. ## PAGPAPAKAHULUGAN SA WIKA - Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag iiba sa bawat tao. - Kumplikado at may kapangyarihan - Dinamiko ang wika, umuunlad at patuloy na nagbabago. - Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay wika. - Kasangkapan upang maipadama ng tao sa kanyang kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at nakikita tungkol sa kanyang paligid. ## MGA PANANAW UKOL SA KAHULUGAN NG WIKA 1. **Lachica (1993)** - Nabubuhay ang mga tao sa mga simbolo na kinukontrol naman nila. - Ang kakayahan ng mga tao na kontrolin ang simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop. 2. **Carol (1964)** - Ang wika ay isang Sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. 3. **Todd (1987))** - Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginamit na komunikasyon, hindi lamang binibigkas na tunog kung di ito'y sinusulat din. - Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. - Dahil dito walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin. 4. **Henry Gleason** - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary (napagkasunduan/pinagkasunduan) upang maggamit ng taong kabahagi at kasama sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan. # FILIPINO 1 ## LECTUER NOTES ### MAIKLING KASAYSAYAN NG ADBOKASIYA NG TANGGOL WIKA ##### 2011 - Nagsimulang kumalat ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo. - Bagama't wala pang inilabas na opisyal na dokumento noong panahong ito. ##### AGOSTO 29, 2012 - Presentasyon ng DepEd - Ipinakita ni DepEd Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. ang Revised General Education Curriculum (RGEC) na walang asignaturang Filipino para sa antas tersyarya. - Ito ang naging ugat ng pangamba na baka tuluyang mabuwag ang mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad. ##### DISYEMBRE 7, 2012 - Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum - Inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU - Pinamagatang "Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas." - Inakda ni Prop. Ramilito Correa - Ang noo'y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU. - Bilang tugon sa mga plano ng pagbabawas ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. - ΚΤΟ 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers (2012) - Pangunahing target ng mga maka-Kto12 ang Filipino. - Filipino (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school. - Inilabas ng SEAMEO-INNOTECH - May imprimatur ng DepEd gaya ng pinapatunayan ng panimulang mensahe roon ng noo'y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro, FSC. - Optional lamang ang asignaturang Filipino for Specific Purposes - Bukod sa asignaturang English na Oral Communication, mayroon pang required na Philippine Literature at World Literature, bukod sa optional na English for Specific Purposes. ##### HUNYO 28, 2013 - Paglabas ng CMO No. 20, Series of 2013 - Inilabas ng CHED nagtatakda ng mga core course sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng K to 12 - **CORE COURSES:** 1. Understanding the Self 2. Readings in Philippine History 3. The Contemporary World 4. Mathematics in the Modern World 5. Purposive Communication 6. Art Appreciation 7. Science, Technology and Society 8. Ethics - CMO No. 04, Series of 1997 = Dating CMO na may anim hanggang siyam na yunit ang asignaturang Filipino = May tatlo hanggang anim na yunit naman ang Panitikan - Section 3 CMO No. 20, Series of 2013 = Optional na ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo - Dating madatoryong wikang panturo sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996. ##### 2014 - Marami-raming propesor ng Filipino at Panitikan ang nagkaroon lamang ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013. ##### MARSO 3, 2014 - Liham Petisyon - Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas = Mga batikan at premyadong manunulat na faculty members ng DLSU. = Gumawa ng bagong liham petisyon na naka-address sa CHED. ##### PAGKATAPOS NG MARSO 3 - Pagtitipon ng mga Pirma - Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat De Laza ng UST = Kinausap ang mga kaibigan at kilalang guro sa: 1. University of Santo Tomas (UST) 2. University of the Philippine Diliman (UPD) 3. University of the Philippines Manila (UPM) 4. Ateneo de Manila University (ADMU) 5. Philippine Normal University (PNU) 6. San Beda College Manila (SBC Manila; ngayo'y San Beda University) 7. Polytechnic University of the Philippine Manila (PUP) 8. National Teachers College (NTC) 9. Miriam College (MC) = Mga samahang pangwika gaya ng: - Pamabansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) - Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) - Sanggunian sa Filipino (SANGDFIL) - Humigit kumulang 200 pirma ang agad na natipon. - Dinala sa CHED ang nasabing liham petisyon. - Hindi inaksyonan agad ng CHED ang nasabing petisyon ##### HUNYO 2, 2013 - Diyalogo sa CHED ayon sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU - Nakipagdiyalogo ang mga guro kasama ang CHED Commissioners Alex Brillantes at Cynthia Bautista sa mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University. - Napagkasunduan sumulat muli sa CHED upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee. ##### HUNYO 16, 2013 - Ipinadala ang liham sa CHED para humiling ng pulong at pag-reconvene ng nabanggit na mga komite. ##### HUNYO 21, 2013 - Nabuo ang Tanggol Wika - Bilang tugon sa CMO No. 20, Series of 2013, at simbolo ng kolektibong paglaban ng mga apektadong guro. - Dr. Rowell Madula = Vice chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU = Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Private Schools = Ang nakaisip ng pangalan ng alyansa - Alliance of Concerned Teachers (ACT) = Malaki ang papel na ginampanan sa mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. - Mula noong maitatag ang Tanggol Wika - Iba't ibang unibersidad ay naglabas ng kanilang mga posisyong papel laban sa CMO No. 20, Series of 2013: 1. University of the Philippine Diliman (UPD) 2. Polytechnic University of the Philippine Manila (PUP) 3. Philippine Normal University (PNU) 4. Ateneo de Manila University (ADMU) 5. National Teachers College (NTC) 6. Mindanao State University Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) 7. Xavier University (XU) ##### HULYO 4, 2013 - Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED - Dahil sa demand ng Tanggol Wika - Simula ito ng serye ng diyalogo at kilos-protesta na pinangunahan ng Tanggol Wika laban sa pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. ##### AGOSTO 2013 - Media Reports at Dokumentaryo - Malaking tulong sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika - Media Reports na ulat nina: 1. Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA News Online 2. Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation 3. Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com 4. Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com - Dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD: 1. "Sulong Wikang Filipino" (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbrera) 2. "Sulong Wikang Filipino: Edukasyon Para Kanino?" (sa Youtube) 3. "Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa" (na inilabas naman noong Setyembre 2016) - Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at kilos-protesta sa Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito ngunit nagbingi-bingihan lamang CHED. ##### ABRIL 15, 2015 - Pagsasampa ng kaso ng Tanggol Wika sa Korte Suprema - Sa pangunguna nina: 1. Dr. Bienvenido Lumbrera 2. Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers Partylist) 3. Rep. Fernando Hicap (Anakpawis Partylist) 4. Rep. Terry Ridon (Kabataan Partylist) 5. at mahigit 100 propesor mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad - Ang nasabing petisyon ay inihanda nina: 1. Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist) 2. Atty. Gregorio Fabros (abogado ACT) 3. Dr. David Michael San Juan - G.R No. 21751 1. 45-pahinang petisyon na nakasulat sa Filipino 2. Kauna-unahang buong petisyon sa Wikang Pambansa 3. Titulo nina Dr. Bienvenido Lumbrera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyoner ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education (CHED) Dr. Patricia Licuanan 4. Nakapokus sa paglabag sa konstitusyon at sa mga batas - **Mga Nilalaman ng Petisyon:** - Paglabag sa Konstitusyon 1987: 1. Artikulo XIV, Seksyon 2, 3, 6, 14, 15, at 18 2. Artikulo II, Seksyon 17 at 18 3. Artikulo XIII, Seksyon 3 - Paglabag sa mga batas: 1. Batas Republika 7104 ("Commission on the Filipino Language Act") ##### ABRIL 21, 2015 - Paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema - Kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika. - Epektibo kaagad at magpapatuloy hanggang sa iba pang utos. - Nilalaman: - Nagmumungkahi ang mga petisyonaryo na ang Konstitusyon ay tahasang nagsasaad na ang Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas. Kinakailangang itaguyod at panatilihin ng Estado ang paggamit nito bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng instruksyon sa sistemang pang-edukasyon. - Ang "Filipino" bilang ating wika ay nararapat magkaroon ng puwang ng karangalan at paggamit sa sistemang pang-edukasyon, mula sa preschool hanggang sa mas mataas na antas ng edukasyon. - Para sa mga petisyonaryo, ang paggawa ng paggamit ng wikang Filipino bilang medium ng instruksyon sa mga paaralan bilang pinili lamang ay direktang paglabag sa proteksyon ng Konstitusyon para sa "Filipino." - Ang pagtanggal ng "Panitikan" (literature) at "Philippine Government and Constitution" bilang mga asignatura sa CMO No. 20 ay nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga patakaran ng Estado na panatilihin ang pagtuturo ng panitikan bilang bahagi ng pamanang kultural at sa mismong mandato ng Konstitusyon na magturo ng nasyonalismo at patriotismo sa lahat ng antas ng edukasyon. - Mas malala, ang pagtanggal ng mga nabanggit na asignatura sa bagong kurikulum ay magdudulot ng pagkawala ng trabaho para sa humigit-kumulang 78,000 guro at empleyado sa mga institusyong pang-edukasyon. Hanggang ngayon, ang CHED ay wala pang iniaalok na plano o mekanismo upang maibsan ang epekto ng biglaang pagkawala ng trabaho sa sektor ng edukasyon. - Ang CMO No. 20 ay lumalabag din sa ilang mga batas, kabilang ang Republic Act No. 7104 (Commission on the Filipino Language Act), Batas Pambansa Bilang 232 (Education Act of 1982), at Republic Act No. 7356 (An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts). - Sa press release ng Tanggol Wika matapos ang TRO - Hinikayat nito na tuloy-tuloy na suriin ang "other aspects of the K to 12 programs, and help align current educational reforms to the country's needs and the Filipino people's welfare, so as to further contribute to the country's historical anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and education" (Ayroso, 2015). ##### SETYEMBRE 23, 2016 - Pagbuo ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan) - Tumulong ang Tanggol Wika sa pagbuo nito sa isang forum sa PUP. - Naglalayon itong itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject). ##### AGOSTO 25, 2017 - Pagkakatatag ng Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMED) - Naganap rin sa isang forum sa PUP - Naglalayon itong itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na Philippine History subject). ##### PANGKALAHATANG TAGUMPAY NG ADBOKASIYA NG TANGGOL - **PUP** - Ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng Tanggol Wika. - Nangunguna sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-protesta. - Dahil sa sigasig ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamunuan ni Prop. Marvin Lai. - **Departamento ng Filipino ng DLSU** - Pinamunuan ni Dr. Ernesto Carandang II - May mahalagang papel sa pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at forum ng Tanggol Wika. - **Matagumpay na Adbokasiya** - Dahil ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo, alinsunod sa CMO No. 4, Series of 2018. ## ARALIN 2 ### WIKANG PAMBANSA - Ang Pilipinas ay isang arkipelagong bansa na may tinatayang humigit kumulang tatlong daang dayalekto na ginagamit sa isang partikular na pook kabilang na ang wikang iyong sinasalita. - Kaya hindi nakapagtataka kung bakit karamihan sa mga Pilipino ay maituturig na multi-linguwal na mga tao sapagkat higit sa isa ang kanilang wikang alam at ginagamit. ### WIKA - Isang ispesipikong linggwistik na konsepto, ay tumutukoy sa mga tiyak na linggwistik na sistema. - Salitang ingles na language ay mula sa salitang Latin na 'lingua' na ang ibig sabihin ay dila. - **Webster (1974)** - Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. - **Hill (sa tumangan, et.al., 2000)** - Sa kanyang papel na what is language? Ang wika ang pangunahin at pinaka-elaboreyt na anyo ng simboliko ng gawaing pantao. - **Gleason** - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa isang lipunan. ### SA SALIGANG BATAS NG PILIPINAS, NAGTADHANA NG TUNGKOL SA WIKANG PAMBANSA: - Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang panlahat na Wikang Pambansa na nagsasalig sa isa sa mga wikang katutubo. Hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Kastila ay magpapatuloy na mga wikang opisyal (Artikulo XIV, Seksyon 3). ###### NOBYEMBRE 13, 1936 - Pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas Komonwelt Blg. 184 na may pamagat na "Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)" at Nagtatakda ng mga Kapangyarihan at Tungkulin nito. - Ayon sa aklat na Gabay sa Ortograpiyang Filipino 2009 ng KWF, ang ginamit na saligan sa pagpili ay ang wikang maunlad sa kayarian, mekanismo at abstraksyon, literatura, wikang ginamit sa sentro ng kalakalan at ginagamit ng nakararaming Pilipino. ###### DISYEMBRE 30, 1937 - Ipinahayag ni Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa. ###### ABRIL 1, 1940 - Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinahintulot ng Pangulo ng Pilipinas ang pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ang Balarila ng Wikang Pambansa. ###### HULYO 19, 1940 - Sinimulang ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang pambansa. ###### HULYO 4, 1946 - Sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Blg. 570, ipinahayag ang pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang pambansa at sinimulan ding ituro mula sa unang baitang sa elementarya hanggang sa ikaapat na taon sa sekundarya ang wikang pambansa. ###### MARSO 26, 1954 - Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 na unang ipagdiriwang ang Linggo ng Wika noong Marso 29 hanggang Abril 4 na ang pinakatampok na petsa ay ang kapanganakan ng Dakilang Makatang Franciso Balagtas (Abril 2). - Nang sumunod na taon, binago rin ng pangulo ang petsa ng Linggo ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na nagsasaad na Agosto 13-19 ipagdiriwang na tampok naman sa petsang Agosto 19 na kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis M. Quezon. ###### AGOSTO 13, 1959 - Sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 mula sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Jose E. Romero ang pambansang wika ay pinalitan ng katawagan at tinawag itong PILIPINO. - Matapos ang rebolusyong EDSA I, tuluyan nang tiniyak ng Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6-9), ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas ay ang FILIPINO. #### 1. SEKSYON 6 - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. - Alin sunod sa nakatadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. #### 2. SEKSYON 7 - Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga't walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. #### 3. SEKSYON 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles; at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. #### 4. SEKSYON 9 - Dapat ang Konggreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan sa iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. ###### KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96 - Mula kay Pang. Marcos na nagtadhana sa pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at opisina ng gobyerno. ###### KAUTUSANG PANGMINISTRI BLG. 22 (HULYO 21, 1978) - Isinasaad na kailangang ituro ang 6 na yunit ng Pilipino sa lahat ng kurso sa antas tersyarya maliban sa kurikulum ng edukasyon na ang 12 yunit ng Pilipino ay pananatilihin. ###### KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 22 (1987) - Paggamit ng katawagang Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansa ng Pilipinas. - Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. ###### KAUTUSANG BLG. 52 (1987) - Ang patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987. ###### KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 81 (1987) - Ang Alpabeto at Patnubay ng Wikang Filipino. ###### KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335 - Nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensya, instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang para sa layuning magamit ang wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korepondensya. Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino. ###### BATAS REPUBLIKA BLG. 7104 (AGOSTO 14, 1991) - Nilagdaan ng Pang. Corazon Aquino na lumikha ng Komisyon sa Wikang Filipino, nagtatakda ng mga kapanyarihan nito, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol dito, at para sa iba pang layunin. ###### PROKLAMASYON BLG. 1041 (HULYO 15, 1997) - Ang naglalayong ipatupad ang paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika sa lahat ng transaksyon, komunikasyon at korepondensya ng gobyerno. ## ARALIN 3 ### KONSEPTO NG WIKANG FILIPINO - Ang araling ito ay may layuning ipaliwanag ang konsepto ng Filipino bilang wika at kung paano at kailan ito ginagamit sa isang tiyak na sitwasyon. - Ang pagkakaroon ng batayan ng wikang pambansa dito sa Pilipinas ay naging simula sa mas marubdob na pagkilala sa mga wikang dayalektal ng tao. - Naging daan din ito sa mas masusing pag-aaral sa mga wika na ginagamit para sa pakikipag-ugnayan ng bawat tao sa loob ng ating bansa. - May mga pagkakataon na nakasanayan na nating gamitin ang pangunahing wika, hindi naman ito naging balakid sa pagkatuto na gumamit ng wikang komon sa karamihan para magkaintindihan ang dalawang taong nag-uusap. - Paggamit ng wikang Filipino bilang lingua franca na daan para magkaintindihan ang dalawang taong nag-uusap na hindi magkapareho ng pangunahing wikang ginagamit. - Ang Tagalog ay naging batayan ng wikang pambansa noong unang nagkaroon ng hakbang sa pagpipili ng wikang pambansa. - Ito ang naging dahilan kung bakit hanggang sa kasalukuyan, ito pa rin ang kinikilala ng iba kahit napalitan na ito ng katawagan na Pilipino at napalitan ng Filipino hanggang sa ngayon. - Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na "Tagalog Imperialism" na kung saan na kondisyon ang mga isip ng tao na Tagalog ang katawagan sa ating Wikang Pambansa. - Bagama't walang gaanong epekto para sa mananalitang Tagalog, may implikasyon naman ito sa ibang katutubong wika na malawak rin ang saklaw tulad ng Cebuano, Hiligaynon at Ilokano. - Ito ang naging dahilan nang pagpapalit sa Wikang Pambansa mula Pilipino (Tagalog) tungo sa Filipino sa Konstitusyon ng 1973 at 1987. - Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas. Gayunpaman, marami pa rin ang may maling pagpapakahulugan sa wikang Filipino at madalas natatawag itong Tagalog. - Kadalasan, kapag ang isang di-mananalitang Tagalog ay gumagamit ng Filipino, sinasabi ng mga nakakarinig na "Ang galing mo mag-Tagalog" o di kaya ay "Marunong ka pa lang mag-Tagalog". - Tagalog ang tawag nila sa wikang ginagamit ng nagsasalita kahit Filipino ang dapat itawag nito. - Maliban dito, marami rin ang na pagkakamali sa kung bakit at paano natin ginagamit ang Filipino bilang pambansang wika. - Isang maling akala nito na ang Filipino ay siyang ginamit na tawag sapagkat ito ang tawag sa atin ng mga dayuhan. - Ang totoong dahilan bakit pinalitan ng FILIPINO ang Tagalog at Pilipino ay hinango ito sa binagong konsepto ng wikang pambansa na batay sa lahat ng wika sa Pilipinas kasama. - Tinawag ang wikang Filipino dahil nirerepresenta nito ang iba't ibang wika sa Pilipinas kasama na lahat ang mga katutubong wika. - Dahil sa kinapapalooban ng maraming wika ang ating bansa, may iisang wika na komon o alam ng halos karamihan na siyang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at tinatawag itong lingua franca. - Ang wikang Filipino ang lingua franca ng Pilipinas maliban sa ito rin ang wikang pambansa. - Ito ang tulay para magkaintindihan ang dalawang tao na may sari-sariling katutubong wika. - Makikita sa ilustrasyon kung paano nagkakaintindihan ang dalawang taong parehong hindi alam ang wikang ginagamit ng kausap. - May mga salita rin na nagkakaiba sa Filipino at Tagalog ngunit madalas na tinatawag na Tagalog maging sa pakikipag-usap. **Hiligaynon FILIPINO Maguindanaon** **TAGALOG FILIPINO** *Aklat* *Libro/buk (book)* *Manananggol* *Abogado/lawyer* *Isang-daang bahagdan* *Isang-daang porsyente* *Pinuno* *Lider* *Mahilig siyang magbasa ng pahayagan* *Mahilig siyang magbasa ng dyaryo* *Mahirap ang takdang-aralin sa Ingles* *Mahirap ang asayment sa english* *Bumalik na tayo sa silid-aralin* *Bumalik na tayo sa klasrum* - Bahagi na rin ng konseptong na buo sa wikang Filipino ang paggamit ng mga salitang hiram mula sa banyaga na minsan binabaybay sa Filipino o hinihiram nang buo. - Dahil sa maituturing na pangalawang wika ang Filipino, may mga pagkakataon na nahahalo ang pangunahing wika na ginagamit ng nagsasalita. Tinatawag itong interference. - Halimbawa nito ay ang pahayag na: Mag-inom ako ng tubig (linom akong tubig). - May pagkakaiba man ang Tagalog at Filipino, marami naman ang salita na pare

Use Quizgecko on...
Browser
Browser