Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II (PDF)
Document Details
Uploaded by IlluminatingErhu
Tags
Related
- Kartilya ng Katipunan Module 5 PDF
- Kartilya ng Katipunan Module 5 PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Teaching Philippine Indigenous Cultures Modules PDF
- English 5 Quarter 2 Module 1: Aspects of Verbs, Modals, and Conjunctions PDF
Summary
Ang modyul na ito ay isang gabay sa pagtuturo ng panitikan sa antas elementarya. Tinatalakay nito ang mahahalagang salik sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan, kabilang na ang kurikulum, mga layunin ng pagtuturo, at mga makrong kasanayan. Nilalayon nitong maisa-isa ang mahahalagang konsepto at prinsipyo sa pagtuturo ng Filipino.
Full Transcript
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Yunit I MAHALAGANG SALIK SA PAGTUTURO AT PAGKATUTONG PAMPANITIKAN Sa yu...
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Yunit I MAHALAGANG SALIK SA PAGTUTURO AT PAGKATUTONG PAMPANITIKAN Sa yunit na ito, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na makatutulong sa iyo bilang guro ng panitikan. Inaasahang magagamit mo ang mga kabatirang ito upang: 1. Maisa-isa ang nilalaman ng kurikulum at mga layunin sa pagtuturo; 2. Matukoy ang mga mahahalagang salik sa pagtuturo ng panitikan na dapat mong isaalang-alang upang maging matagumpay sa iyong pagtuturo; 3. Mabatid ang iba’t ibang layunin ng pagtuturo; 4. Maisakatuparan ang mga layunin ng edukasyon batay sa iba’t ibang aspektong pampanitikan; at 5. Maisa-isa ang mga makrong kasanayan at ang estratehiya sa pagtuturo ng mga ito sa pagkatutong pampanitikan. Magiging higit na mabisang guro ka kapag lubos na nalinang sa iyo ang mga kaalaman at kabatirang nabanggit. TUKLASIN! Ang mga simulain, pananalig at mithiin ng isang bansa ay nasasalamin sa sistema at mga layunin ng edukasyon. Ang paaralan ang isa sa pinakamahalagang salik upang pagyamanin ang iyong kaalaman bilang isang guro sa hinaharap. Dito itinuturo ang mayamang panitikan ng Pilipinas gamit ang Filipino bilang midyum na wikang panturo. Sa Yunit na ito ay ilalahad sa iyo ang mga batayang kaalaman sa pagtuturo at pagkatutong pampanitikan na magagamit mo sa iyong pagtuturo. 1 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Mahusay! Ang mga sagot na iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisagot ay huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. Halina’t simulan na nating paunlarin ang iyong kaalaman. DALOY NG KAALAMAN Patakaran sa Edukasyon sa Pilipinas: Pangkalahatang Ideya Ang edukasyon sa Pilipinas ay ibinibigay ng mga pampubliko at pribadong paaralan, kolehiyo, pamantasan.at teknikal at bokasyunal na institusyon. Ang pondo para sa pampublikong edukasyon ay nanggagaling sa gobyerno. Sa pangunahing antas ng edukasyon, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay nagtalaga ng pangkalahatang istandard na susundin at nag- utos na magkaroon ng standardized test para sa K-12 basic education system, bagaman ang mga pribadong paaralan ay malayang pumili ng kanilang sariling kurikulum na alinsunod sa mga pinaiiral na batas at regulasyon ng Kagawaran. Sa kabilang banda, sa mas mataas na antas ng edukasyon, ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) ay nangangasiwa at pinangangalagaan ang mga kolehiyo at pamantasan, samantalang ang Technical Educational Skills Development Authority (TESDA) para sa teknikal at bokasyunal na institusyon ay pinangangalagaan ang teknikal at bokasyunal na programa ng edukasyon at ng mga institusyon. Para sa taong paturuan 2017- 2018, halos 83% ng mga mag- aaral sa K-12 ang pumapasok sa mga pampublikong paaralan at halos 17% naman ang pumapasok sa pribadong paaralan o home – schooled. 2 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ayon sa batas, ang edukasyon ay mahigpit na ipinatutupad sa loob ng labing tatlong taon (kindergarten and grades 1-12). Ang mga ito ay napa- pangkat sa tatlong antas: elementarya (kindergarten – grade 6), junior high school (grades 7- 10), at senior high school (grades 11- 12); maaari rin itong mapangkat sa apat na yugto :1st key stage (kindergarten- grade 3), 2nd key stage( grades 4- 6), 3rd key stage ( grades 7- 10) at 4th key stage ( grades 11- 12). Ang mga bata ay maaari nang ipasok sa kindergarten sa edad na 5. Ang institusyon ng mas mataas na edukasyon ay maaaring maiuri bilang alinman sa pampubliko o pribadong kolehiyo at pamantasan, at ang mga pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon ay maaari pang mabahagi sa dalawang uri: state universities and colleges and local colleges and universities. ANG BATAYANG KURIKULUM SA PAGTUTURO NG FILIPINO AYON SA SALIGANG BATAS Ang Layunin ng Edukasyon Ayon sa Konstitusyon Ang pinakapangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga layunin ng pagtuturo ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa bagong Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV, seksyon 3, bilang 2. Sa mga tanging bahagi ay ganito ang isinasaad: Ang lahat ng institutsyong edukasyon ay dapat na: 1. Ikintal ang patriotismo at nasyunalismo; 2. Ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at pagpapahalaga sa mga ginampanan ng mga pambansang bayani sa makasaysayang pagbuo ng ating bansa; 3. Ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamayan; 4. Patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal; 5. Linangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili; 6. Pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip; 7. Palawakin ang kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya; at 3 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 8. Itaguyod ang kakayahang bokasyunal. Mga Layunin Ng Edukasyong Elementarya Ang edukasyon elementarya ay naglalayong malinang ang ispiritwal, moral, sosyal, emosyunal, mental at pisikal na mga kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagdudulot ng mga karanasang kailangan sademokratikong pamumuhay para sa isang matalino,makabayan, makatwiran at kapakipakinabang na pamamayan, tulad ng mga sumusunod. 1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at paglinangng isang mabuting mamamayang Pilipino na may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa kapwa tao. 2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at pananagutan sa isang lipunan demokratiko para sa isang aktibong pakikilahok sa isang maunlad at pamapamayan. 3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga kanais-nais na tradisyon at gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng mga mamamayan na pangunahing kailangan sa pagkakamit ng pambansang kamalayan at kaisahan. 4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng mga kanais-nais na gawi at ugaling pangkalusugan. 5. Panglinang ng karunungan sa bernakular, Filipino at ingles upang maging kasangkapan sa patuloy na pagkatuto. 6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at kakayahan, sasiyensiya, araling panlipunan, matematika, sining, at edukasyong paggawain at ang matalinong paggamit ng mga ito sa angkop na sitwasyon ng buhay. Ang mga layunin ng pagtuturo ay nakasasalay din sa mga layunin ng edukasyon na makikita sa mga sumusunod na batayan. Sampung Utos Sa Mga Guro 1. Kilalanin ang iyong mga estudyante at mamuhunan sa kanilang buhay. Isipin kung anong mga silid-aralan ang magiging tulad kung alam ng bawat estudyante na inaalagaan at kilala sila ng kanilang guro. Pagkilala sa aming mga mag-aaral ay mahalaga! Magkaroon, magagamit, mamuhunan. Ipakita ang iyong mga mag-aaral na mahalaga sa iyo! 2. Maging masigasig at nasasabik tungkol sa pagtuturo at pag-aaral. 4 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Malalaman ng iyong mga mag-aaral kung mahal mo ang ginagawa mo. Naniniwala ito o hindi, maaari nilang basahin ang aming mga emosyon medyo na rin. Kung kami ay masigasig at nasasabik tungkol sa kung ano ang itinuturo namin at kung ano ang natututuhan ng aming mga mag-aaral, ito ay mag-iiwan ng isang mahusay na impresyon sa mga ito at magpatuloy din ang kanilang kaguluhan! 3. Bumuo ng mga mabuting relasyon sa mga magulang / tagapag-alaga. Ang magagandang relasyon sa pagitan ng mga guro at mga magulang / tagapag-alaga ay walang magagawa kundi mapahusay ang pang-akademikong tagumpay ng bata. Ang mga magulang / tagapag-alaga ay ang iyong # 1 mapagkukunan para sa pagkuha ng malaman ang mga pangangailangan ng iyong mga mag-aaral nang higit pa sa silid-aralan. 4. Maghanda nang maingat. Isipin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Paano mo maihaharap ang isang aral na nakakaapekto sa iyong mga estudyante, ngunit nasa tamang antas para sa bawat estudyante? Ito ay maaaring tumagal ng oras, ngunit ito ay oras ng mahusay na ginugol sa katagalan 5. Magturo sa isang paraan na may kaugnayan sa iyong mga mag-aaral. Magkakaroon ka ng mag-aaral sa isang punto sa iyong karera sa pagtuturo na magtanong, "Kailan ko magagamit ito sa totoong mundo?" Tiwala sa akin, ako ang mag-aaral na iyon. Gawin ang iyong pagtuturo na may kaugnayan! Ipakita sa mga estudyante kung paano nauugnay ang konsepto na ito sa kanilang sarili, sa kanilang mga komunidad, sa kanilang estado, sa kanilang mundo. 6. Kumuha ng oras upang magpahinga at magbago. Kailangan mo ang oras na ito. Para sa kabutihan ng iyong sarili at sa iyong silid-aralan, tumagal ng oras upang ihinto, magpahinga, at tunay na pahinga. 7. Maging maingat sa mga salita at pagkilos na pipiliin mong gamitin. Mag-ingat sa pang-araw-araw na pag-iisip. Siguraduhin na ang iyong mga salita at mga pagkilos ay nakakataas sa iba kaysa sa pagbaba sa kanila. "Ang dila ay isang maliit na bagay, ngunit kung ano ang napakalaking pinsala na magagawa nito." - Santiago 3: 5 "Ikaw ang ginagawa mo, hindi ang sinasabi mo na gagawin mo." - C.J. Jung Magsanay ng kabaitan. 8. Gumawa ng malakas, kapaki-pakinabang na relasyon sa iyong mga katrabaho at pangangasiwa. 5 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ang magagandang relasyon ay susi! Habang maaari kang tumuon sa pagtatayo ng iyong komunidad sa silid-aralan, tumagal ng ilang oras upang bumuo ng komunidad sa iyong mga katrabaho at pangangasiwa masyadong! 9. Maging propesyonal. Maging sa oras, sundin ang mga pamamaraan, kumuha ng bayad, yakapin ang pagbabago, kumuha ng responsibilidad, at kahit na sa dressing propesyonal - hayaan ang kahusayan ay ang iyong layunin! 10. Ibigay ang iyong lahat! Ibigay ang lahat ng mayroon ka habang mayroon kang pagkakataon! Mayroon kang mahusay na pagkakataon, bilang isang guro, upang positibong impluwensyahan ang mga mag-aaral at gumawa ng isang pagkakaiba sa kanilang buhay. Kaya't tumingin ka sa mga posibilidad ng kung sino ang maaaring maging mga kahanga- hangang batang nag-aaral at hayaan na ang iyong pagganyak! MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO Ang hanguan ng mga layunin ng pagtuturo ay ang mga layunin ng edukasyon sa iba’t ibang antas: elementarya, sekundarya at tersyarya. Kaya’t anuman ang asignatura at guro, dapat niyang isaisip na ang paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng edukasyon. Ano ang mga layunin sa pagtuturo? Ang mga ito ay mga tiyak na pagpapahayag ng mga inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga pagbabagong inaasahang magaganap sa katauhan ng bata ay maaaring mapangkat sa tatlong lawak: pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at pampisikal o saykomotor (psychomotor). Sa pagbuo ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian (behavioral Objective), tandaan ang mga sumusunod na paalala: a. Banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mga-aaral at hindi sa pananaw ng guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro ng nagsisimula sa matutuhan, maunawaan, maikintal, mapahalagang, atbp, ay dapat iwasan sapagkat ang mga ito ay walang sapat na kalinawan sa kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aral.Ang mga salitang tulad ng mapaguri-uri, makapagmungkahi, makabuo, malinawan, atbp, ang higit na mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang nasasabi ng tiyak na gagawin ng mag-aaral. b. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na gawi o gampanin na maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman omaaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa ng ―magunita ang mga karanasang may kinalaman sa nagdaang lindol;‖ ―mabigkas ang mga salitang pares 6 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 minimal nang malinaw at tumpak;‖ o kaya’y ―maawit ang Lupang Hinirang ng wasto at may damdamin.‖ c. Ang pagdaradag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang pagganap tulad ng ―mailarawang ganap,‖ ―mabigkas nang may katamtamang bilis,‖ ay ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa layunin. d. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitan ibibigay sa mag-aaral sa pagganap sa Gawain. Halimbawa: ―makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok sa tulong ng ruler;‖ o kaya’y ―makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok nang hindi gagamit ng ruler.‖ e. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na maaaring tanggapin o pahalagahan. Halimbawa: Pagkatapos ng aralin, 100% ng panananagumpay ng matalinong mag-aaral, 80% ng karaniwang mag-aaral at 60% ng mahihinang mag-aaral ang inaasahang: Makapagpahayag nang maliwanag ng __________ Makipagbigay ng mga katunayan ng ___________ Atbp. Batayang Kategorya sa Pag-uuri ng Layuning Pampagtuturo Mga Mithiin (Goals) Mga Tunguhin (Aims) Mga Layunin (Objectives) MITHIIN: Ito ay malawak na pagpahayag ng direksyon para sa isang programa. Subalit ang malawakang pagpapahayag na ito ay hindi nagbibigay ng mga tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang pagtuturong pangklase. TUNGUHIN Ito ay mas tiyak na direksyon at pokus kaysa Mithiin. Ito’y nagbibigay ng mga direksyon para sa tiyak na aralin. Ngunit hindi ito makikitaan ng mga impormasyon hingil sa mga istratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo. LAYUNIN Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral. Makikita rin dito ang mga estrateheya na nararapat gamitin at ilapat ng mga guro sa pagtuturo. Pangunahing Hakbang sa Pagbuo ng mga Layunin Pampagtuturo 7 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Kailangang tukuyin ang mga inasahang bunga ng pagkatuto. 2. Ang mga inasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap ay namamasdan o pagsasagawa ay nakikita. Dapat tandaan sa paglalahad ng mga Layunin Ang gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral matapos ang leksyon. Ang gampanin ay ilalahad sa paraang makikita o ang bunga ng pagganap. Dapat ding isaalang-alang kung sa anong kalagayan gagampanan ang gawain. Dapat ding banggitin ang sukat o antas ng pagganap ng gawain. ABCD Pormat Audience Behavior Condition Degree Halimbawa: (a) Ang bawat pangkat (b) ay nakasusulat (c) ng isang sanaysay na naglalahad (d) ng hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose Rizal. Masasagutan nang tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning pangmatematika sa isang sanayang pagsusulit. Domeyn ng Layuning Pampagtuturo Maaaring gamitin ang mga sumusunod na salita upang tukuyin ang mga layuning pampagtuturo sa bawat domeyn. Kognitib Domeyn Nakapag-uugnay-ugnay ng/sa Nakapaglalahad Nakababanggit Naiisa-isa Nakapaghahambing Nakakikilala ng pagkakaiba Nakagbibigay ng katibayan o patunay Nakapagtitimbang-timbang ng may katumpakan Apektib Domeyn Naisasabalikat ang pananagutan para sa Napahahalagahan/ Nakapagpapahalaga Nabibigyang-pitagan Nabibigyang kasiyahan Nakapagpapamalas ng paggalang sa Nakapangangalaga/napangangalagaan Nakapagsisikap nang higit sa Saykomotor Domeyn Nakayayari Nakagagamit 8 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Nakabubuo Nakapagsasakatuparan Nakagagawa ng pagsubok sa Nakalilikha Domeyn Pangkabatiran Mga layunin na lumilinang sa mg kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng mga mag-aaral Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at intektwal. Karamihan sa kabatirang pangkobnitibo ay napapaloob sa Bloom’s Taxonomy ni Benjamin Bloom. Blooms Taxonomy of Objectives Anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip ayon kay Benjamin Bloom noong 1959. Mula sa pinakapayak hanggang sa pinakakomplikado. 6.Ebalwasyon 5.Sintesis 4.Analisis 3.Aplikasyon 2.Komprehensyon 1.Kalaman 1. Kaalaman –tumutukoy sa simpleng paggunita sa mga natutuhang impormasyon. (bigyang-kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin) 2. Komprehensyon –binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong natutuhan at pag-uugnay nito sa mga dating impormasyon. (asalin, baguhin, lagumin, tatalakayin, hanapin, ipaliwanag, lagumin, ilarawan, ipahayag) 3.Aplikasyon –paggamit sa natutuhan sa iba’t ibang paraan o tekto. (ilapat, paghambingin, klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan, pag-ibahin) 4. Analisis –pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi atorganisasyon g natutuhan upang makita ang kabuuan.(pag-ugnay-ugnayin, tukuyin, kilalanin, bumuo ng hinuha, suriin at magbuod.) 5. Sintesis –kailanang pag-ugnayin ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha ng bagong kaalaman. (lumikha, bumuo, idesenyo, iplano, sumulat, bumalangkas) 9 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 6. Ebalwasyon –nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng mga inilahad na mga krayterya. (kilatisin, timbangin, suriin, punahin, magtangi, paghambingi, pahalagahan) Bakit binago ang Bloom’s Taxonomy ng 1959? Rebisyon ng Bloom’s Taxonomy 2001 Domeyn na Pandamdamin Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag- aaral. Ito ay may limang kategorya, Pagtanggap (Receiving), Pagtugon (Responding), Pagpapahayaga (Valuing), Pag-oorganisa (Organization), at Karakteresasyon (Characterization). D.R Krathwohl's Taxonomy for Affective Domain Domen na Saykomotor (Elizabeth Simpson 1972) Psycho o mag-iisip at Motor ay galaw. Napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at manipulatibo ng bawat mag-aaral. Ganito ang paraan ng paghahanda ng mga aralin sa pagtuturo ng panitikan. Tunghayan mo ang balangkas na nasa ibaba. Balangkas ng Banghay-aralin Asignatura __________________ Petsa _______________ I. Mga Layunin A. _____________________________________________ B. _____________________________________________ C. _____________________________________________ II. Paksang-Aralin Pamagat/Paksa: _________________________ Sanggunian: _____________________________________ Mga Kagamitang Pampagtuturo:______________________ Saloobin o Pagpapahalaga: __________________________ III. Estratehiya A. Mga Gawain Bago ____________________ 1. Pamukaw-sigla 2. Pagsasanay 3. Balik-aral 4. Pangganyak B. Mga Gawain Habang__________________ Unang Gawain Ikalawang Gawain Ikatlong Gawain 10 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 C. Mga Gawain Pagkatapos ____________________ 1. Paglalapat 2. Pagtataya IV. Takdang Aralin o Kasunduan (Maaaring pagpapayamang gawain sa kasanayang lubusang natutuhan o remedyasyon sa mga kasanayang di-ganap ang pagkatuto). Repleksyon ng Guro PAGTUTURO NG PANITIKAN Malaki ang kaugnayan ng pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo upang mapukaw ang interes ng mga mag-aaral na pag-aralan ang panitikan ng ating bansa. Bilang tagapagturo ng panitikan ay tungkulin mong pukawin ang kanilang kawilihan. Naging palasak na pamamaraan na sa pagtuturo nito ang pagpapabasa ng mga akda upang alamin ang mga sagot sa mababaw na mga katanungang nagsisimula sa Ano, Sino, Alin, Kailan at iba pa. Bukod pa rito, pangkaraniwang pamamaraan din ng guro ang ipabatid sa mga mag-aaral kung ano ang dapat makita at madama sa mga akda. Malimit ding gamitin sa pagtuturo ang pormalistikong lapit kung saan nakatuon lamang ang pamamaraan sa teknikal na pagsusuri ng katha batay sa mga pormal na elemento nito. Ang mga ganitong pamamaraan, bagama’t nakatutulong sa pag-aaral ng panitikan ay nakapagdudulot din naman ng kabagutan sa mga mag-aaral. Ang kahinaan ng mga pamamaraang ito ay sumasalungat sa tunay na kalikasan ng panitikan. Ang pagtuturo ng panitikan ay kailangang sumasaklaw sa kalikasan ng pagiging sining nito. Tungkulin natin bilang guro na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtuklas ng kaangkinan ng bawat katha at pagpapadama ng mga damdaming tinataglay nito na maiuugnay sa kanilang sariling karanasan. MGA MAKRONG KASANAYAN Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang upang mapagyabong ang kaalaman sa mga akdang pampanitikan kunghindi ang pagpapaunlad din sa kakayahan sa limang makrong kasanayan. ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa. Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang 11 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot. Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika. Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika? Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat. KASANAYAN SA PAKIKINIG Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak. Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pakikinig 1. NARINIG MO! KANTA MO! “PAKIKINIG SA MGA AWITING BAYAN” MGA KAGAMITAN: laptop, speaker, video recorder, mga awiting bayan, PAMAMARAAN 12 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Magdodownload sa youtube ng mga halimbawa ng awiting bayan. 2. Pakikinggan ang mga awiting bayan na ito at pipili ng isang gustong awitin na napakinggan 3. Kumuha ng sipi ng kanta na napili buhat sa iyong mga napakinggan 4. Kantahin at irecord ang awitin napili, pagkatapos ay iyong pakinggan. 5. Gumawa ng isang microphone na gawa sa papel upang mas ma-imagine ang pagkanta 6. Iparirinig sa klase ang bawat kanta na ginawa ng mga mag-aaral. 2. BUGTONG NI TEACHER ( BUGTONG) MGA KAGAMITAN: 1 malaking box, mga papel na nakabilot na may lamang bugtong PAMAMARAAN 1. Gumawa ng isang malaking box na mayroon kakaibang disenyo. 2. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba. 3. Sulatan ito ng mga halimbawa ng bugtong 4. Ilagay sa loob ng box upang doon bubunot ang mga mag-aaral 3. TALUMPATIAN MGA KAGAMITAN: Laptop,voice recorded, kahon, speaker PAMAMARAAN 1. Gumawa ng isang malaking tanghalan gamit ang malaking karton 2. Magprint ng isang malaking tao na nakasuot ng isang pormal na kasuotan. 3. Gamitin ang tarp papel upang mas malaki ang kalalabasan ng tao 4. Gupitin ito at itayo sa gitna ng tanghalan na ginawa 5. Gamit ang laptop, voice recorded at speaker ay iparirinig ang halimbawa ng talumpati. 6. Pagkatapos iparinig ay magtatanong ito tungkol sa pinakinggang talumpati 4. PAKIKINIG NG KANTA MGA KAGAMITAN: laptop, speaker at mga halimbawa ng kanta PAMAMARAAN: 1. Magdownload ng mga iba’t ibang kanta 2. Magprint ng malaking speaker at microphone at idikit ito s amaalking karton 3. Gamit ang laptop at speaker ay iparirinig sa mga-aaral ang iba’t ibang kanta 4. Pahuhulaan sa mga mag-aaral ang mga kantang naririnig nila kung sino ang makakahula ay kukuhanin ang malaking microphone at sasabihin ang sagot. 13 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 5. “TEACHER SINO ITO” PAKIKINIG NG MGA IBA’T IBANG PERSONALIDAD MGA KAGAMITAN: laptop, speaker, mga larawan, voice recorded ng mga linya ng kilalang personalidad, stick. PAMAMARAAN 1. Mag download ng mga linyahan ng mga kilalang personalidad. 2. Magprint ng mga iba’t ibang mukha ng personalidad na kinikilala ngayon. 3. Gupitin ito at idikit sa matigas na karton at lagyan ng stick 4. Iparirinig ang mga linyahan ng kilalang personalidad 5. Itataas ng mga mag-aaral ang mukha ng personalidad na hawak nila kung ito ang nagsasalita sa pinakikinggan na linya. KASANAYAN SA PAGSASALITA - Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. - Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap Limang Kasanayan sa Pagsasalita o pakikipag-usap o pakikipanayam o pagkatang talakayan o pagtatalumpati o pakikipagdebate Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagsasalita 1.BROADCASTING MGA KAGAMITAN: speaker,micropono,laptop PAMAMARAAN: 1. Ikaw ay isang mamamahayag o journalist. 2. Magsaliksik ng isang sipi ng balita sa telebisyon. 3. Magprint ng mga mukha ng mga kilalang broadcaster. 14 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 4. Gugupitin ito at ilalapat sa mukha ng mag-aaral para maging mascara. 5. Gagawa ng microphone na gawa sa binilot na papel. 6. Gamit ang siping balita ay babasahin ito ng mga mag-aaral sa paraan ng pagbabalita. 2.DEBATE MGA KAGAMITAN: laptop,tv,papel, PAMAMARAAN: 1.Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. 2.Bubunot ang lider kung sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon ang mapupunta sa kanila. 3.Bubunot muli ang lider kung sino ang magsisimula ng debate. 4..Magpapakita ng mga sitwasyon tungkol sa isang isyu. 5.Ipagtatanggol ninyo kung ano ang panig na napunta sa inyo kung sumasang- ayon o hindi sumasang-ayon batay sa ipinakitang sitwasyon. 3.PAGTATALUMPATI MGA KAGAMITAN: podyum,microphone,pormal na kasuotan (barong,Filipiniana) PAMAMARAAN: 1.Bumuo ng grupo kung saan mayroon lamang limang miyembro. 2.Bubunot ang kinatawan ng isang grupo upang malaman ang pagkakasunod- sunod ng pagtatanghal. 3.Pipili ang bawat grupo ng isang kinatawan upang siya ang magtanghal sa hindi pinaghandaang talumpati. 4.Bubunot ng paksa ang magtatanghal at bibigyan lamang siya ng tatlong minute upang paghandaan ang talumpati. 15 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 4.ISKRIP NG DULA KO! BIGKASIN MO! MGA KAGAMITAN: kopya ng dula-dulaan PAMAMARAAN: 1.Bumuo ng limang miyembro sa bawat pangkat. 2.Magsaliksik tungkol sa iskrip ng 100 tula para kay Stella. 3.Iprint ito upang may kopya para sa gawain. 4.Babasahin ito sa harapan ayon sa intonasyon,diin,tono, hinto at isadula ito. 5.KUWENTO KO! DUGTUNGAN MO! MGA KAGAMITAN: laptop,tv,larawan PAMAMARAAN: 1.Magpapakita ng mga larawan. 2.Gagawan ng kuwento ang larawang ipinakita. 3.Pagkatapos dudugtungan ninyo ang daloy ng kuwento. 4.Magdaragdag ng isa o dalawang pangungusap. 5.Hanggang sa matapos ang bilang ng mga mag-aaral hanggang dulo. KASANAYAN SA PANONOOD - Ang panonood ay isang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito. - Ang panonood ay isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyon-sosyal na maaaring itapat sa ano mang larangan. - Lubos na nonood dahil sa mapapalalim ang pagkaunawa at mapalawak ang kaalaman kung ito ay bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng panonood dahil sa ganap na nating nasisilayan ang bawat penomenang umiikot sa lipunan. 16 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Mga Antas ng Panonood 1. Intrapersonal- Ito ay nagaganap kung ang isang tao ay nagsasanay sa kanyang sarili para s aisang pagtatanghal 2. Interpersonal- Ito kung ang isang tao ay manonood ng isang pagtatanghal o pelikula o kung siya mismo ay kalahok sa ipinalalabas na panoorin. 3. Pangmasa- Panonood na ang pangunahing kasangkot ay ang pagbabalita sa pamamagitan ng midya. 4. Pangkaunlaran- Panooring may kinalaman sa isyung pangkaunlaran sa lipunan. 5. Pangnegosyo o Komersyal- Panooring may kinalaman sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng produkto o negosyo upang tangkilikin ng mga tao. 6. Pangkultural- Antas ng panonood na ipinakikita ang kakaibang kultura ng bawat lahi. 7. Pangsosyal o Panlipunan- Panonood na binibigyang tuon ang relasyong sosyal o ugnayan ng bawat tao sa lipunan. 8. Pampubliko- Panonood na sadyang inihanda o inilalaan para sa pampublikong kabatiran o kapakanan. PANONOOD BILANG MULTI-DIMENSYONAL Kognitibong Proseso- Sa prosesong ito nagaganap ang pag-unawa ng tao sa kanyang pinapanood sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip o mental na kakayahan. Emosyonal at Saykolohikal Na Proseso- Sa prosesong ito binibigyang halaga at pag-unawa ng tao ang panonood batay sa kanyang damdamin o gawi. Astetikong Proseso- Prosesong madaling nauunawaan ng sinoman ang kanyang pinapanood dahil sa nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanya at nag-iiwan ng kakaibang imahinasyon. Moral Na Proseso- Kung saan ang mga manonood ay nagkakaroon ng kakayahang umunawa ng kanilang pinapanood batay sa mga pagpapahalagang moral. Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Panonood 1. Isang Suring Pelikula “Harry Potter And The Sorcerer’s Stone” Mga Gamit Pang Turo: Video ng pelikula ―Harry Potter and the Sorcerer’s Stone‖, Laptop, Speaker, Telebisyon, Wizard wand black stick, Harry Potter sorting hat, Itim na kapa Mga Hakbang sa Paggawa ng Kagamitan: 17 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Hahanapin ang Harry Potter and the Sorcerer’s Stone na mahahanap sa youtube o google, tamdaan ang mga pangyayari at suriin ang katangian ng bawat pangunahing gumanap. 2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker 3. Gumawa ng wizard wand black stick gamit ang matigas na bagay (patpat, karton o kahit anong habang bagay) kulayan ito ng itim upang maging mukang wand. 4. Gumawa ng sorting hat gamit ang papel. Ihubog ito na parang ice cream cone at isukat sa ulo kung kakasya. 5. Pagdalin ang mga estudyante ng tela kung maari ay kulay itim (kumot, tuwalya o kahit anong tela na maaaring gawing kapa) 2. Romeo at Juliet Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng Romeo at Juliet (Tagalog), Laptop, Speaker, Telebisyon, Mga damit, Kutsilyo (laruan o yari sa papel), Isang bote ng gamut Mga Hakbang sa Paggagwa ng Kagamaitan: 1. Hahanapin ang Romeo at Juliet na maaaring Makita sa youtube o google.Tandaan ang mga eksena ng istorya at ang bawat pangyayari. 2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker 3. Pagdalhin ang mga mag-aaral ng isa hanggang dalawang casual na damit na kanilang isusuot at gagamitin bilang props sa Gawain. 4. Gumupit sa karton na mahuhubog na parang isang kutsilyo (maaari ding kutsilyong laruan) na gagamiting props sa gaganap na Romeo. 5. Magdala ng isang maliit na bote (maaring bote ng gamot) 3.Ang Matanda at Ang Dagat Mga Gamit Pang Turo: 18 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Movie Video ng ―Ang matanda at ang dagat‖, Laptop, Speaker, Telebisyon, Larawan ng matanda, Dalawang larawan ng pating, Sagwan, Kutsilyo (Laruan o yari sa papel), Lambat, Salakot Mga Hakbang Pang Turo: 1. Maghahanap ng video ng ―Ang matanda at ang dagat‖ suriin ng malalim ang katangiang nais ilarawan ng matanda at ng pating 2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker 3. Magprint ng dalawang larawan ng pating pagkatapos ay gupitin ito at idikit sa matigas na bagay kagaya ng karton o folder, pakatan ito ng stick ang likuran ng larawan na mahahawakan ng mga estudyante. 4. Magprint ng larawan ng isang matanda pagkatapos ay gupitin din ito kagaya ng ginawa sa larawan ng mga pating, idikit din sa matigas na bagay kagaya ng karton o folder at lagyan ng stick sa likuran ng larawan. 5. Gumawa ng isang improvise na sagwan na yari sa karton. 6. Gumupit sa karton na mahuhubog na parang isang kutsilyo (maaari din kutsilyong laruan) na gagamitin bilang props. 7. Magdala ng lamabat (kung mayroon ay mas maganda) kung wala naman ay maaring kumot iisipin na lamang na isa itong lambat 8. Magdala ng isang salakot. 4.Alamat ng Bulkang Mayon Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng ―Ang matanda at ang dagat‖, Laptop, Speaker, Telebisyon, Larawan ng mga tauhan Mga Hakbang Pang Turo: 1. Magdadownload ng movie video ng ―Alamat ng bulakang mayon‖ 2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker 3. Magpiprint ng mga larawan ng tauhan sa alamat na panonoorin: Raha Makusog, Daragang Magayon, Pagtuga, at Alapaap 19 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 5. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng ―Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante‖, Laptop, Speaker, Telebisyon, Larawan ng higante, Larawan ni Thor at Loki Mga Hakbang Pangturo: 1. Magdadownload ng movie video ng ―Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga higante‖ sa youtube o google 2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker 3. Magpiprint ng larawan ng isang higante, gawin itong tarpapel para maging malaki ang larawan 4. Magprint ng isang larawan na mukha ni Thor at Loki na kasukat ng mukha ng tao. Lagyan ng tali sa magkabilang gilid na maisusuot sa dalawang tainga. Ito ay magiging mascara na isusuot ng estudyante KASANAYAN SA PAGBASA Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na kalakaran/kombensyon sa pagsulat. Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita ay isang bahagi lamang sa proseso ng pagbasa. Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wika kung saan ito nasusulat. Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol sa daigdig, sa kultura, sa paksang tinatalakay, mga kalakaran at iba pa.) Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo. Ang pagbasa ay isang Sistema sa pagtataguyod ng ating buhay. Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan at iniaangkop natin ang mga ito sa iba’t ibang uri ng teksto upang matugunan ang ating mga layunin sa pagbabasa. Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang particular na teksto para sa tamang pag-unawa nito sa isang tiyak na pagkakataon. Kailangang makuro ng isang tao na ang pagbasa ay makabuluhan at kawili-wili. Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagbabasa 1. Pagbabasa (Sanaysay Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon) 20 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Mga gamit pang turo: Sipi ng sanaysay Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon Maskara na mukha ni Manuel L. Quezon Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan: 1. Magsaliksik sa google ng sipi ng akda ni Manuel L. Quezon at magsaliksik ng kanyang larawan. 2. Iprint ang sipi ayon sa bilang ng mga mag-aaral. At ang kanyang mukha ng limang piraso na magiging maskara ng bawat grupo. 3. Gupitin ang larawan batay sa hugis ng mukha, lagyan ito ng tali upang maging sakto sa ulo ng mga mag-aaral. 2. Pagbabasa ng mga pahayag na pormal at di-pormal na sanaysay Mga gamit pang turo: Dalawang larawan ng batang nakasuot ng pormal na damit at di- pormal na damit Mga pahayag ng pormal at di-pormal na sanaysay Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan: 1. Magsaliksik sa google ng dalawang larawan ng batang nakadamit ng pormal at di-pormal. 2. Magsaliksik ng tig limang pormal at di-pormal na sanaysay. 3. Gamit ang publisher itarpapel ang dalawang larawan ng bata na sasakto sa laki ng mga mag-aaral. 4. Gupitin ang dalawang larawan at idikit sa styrofoam pagkatapos ay i cut gamit ang cutter upang magkaroon ng tusukan sa bawat gilid ng bawat larawan. 5. Itusok ang dalawang larawan sa isang matigas na stick at sa isang lalagyan na maraming bato upang tumayo at maging matibay. 6. Ang mga nasaliksik naman na mga pahayag ng pormal at di-pormal ay gupitin ayon sa laki na madaling mababasa ng mga mag-aaral. 7. Idikit ang mga pahayag sa isang matigas na papel at gupitin. 8. Idkit ang bawat pahayag sa mga stick na matigas upang ito ay tumayo kapag itinusok sa styrofoam sa gilid ng bawat larawan. 3. Pagbabasa ng isang maikling kuwento Mga gamit pang turo: Sipi ng maikling kuwento Mga payahag ng maikling kuwento Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan: 21 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Magsaliksik sa google ng isang maikling kwento. 2. Iprint ang sipi ng kuwento ayon sa bilang ng grupo. 3. Itype ang mga pahayag na pagsusunod sunurin ng mga mag-aaral batay sa mga pangyayari sa kuwento na kanilang babasahin. 4. Iprint ito gupitin at idikit sa matigas na papel na maaaring magiting pangmatagalan. 4. Pagbabasa at pagsusulat ng sariling tula Mga gamit pang turo: Sipi ng tula Mga larawan Laptop Projector Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan: 1. Magsaliksik sa google ng halimbawa ng tulang tungkol sa pag-ibig. 2. Magdownload sa google ng mga larawan na maaring gawan ng sariling tula tulad ng lawarang tungkol sa pag-ibig sa pamilya, kaibigan, kaaway at iba pa. 3. Ilagay ang sipi ng tula sa power point upang mag madaling mabasa ng lahat, gayundin ang mga lawaran na nadownload na maari nilang gawan ng sarili tula na kanilang babasahin. 5. Pagbabasa na may pag-unawa Mga gamit pang turo: Box ng mga katanungan Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan: 1. Gumawa ng box na maaaring maging bunutan ng mga mag-aaral. 2. Gumawa ng mga katanungan na pabugtong tungkol sa kanilang binasang kuwento. 3. Isulat ang bawat tanong sa colored paper at bilutin upang hindi makita ng mga mag-aaral. 4. Ilagay ang mga nagawang tanong sa box na maaaring bunutin ng mga mag- aaral. KASANAYAN SA PAGSULAT 22 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal kung saan gumagamit ng simbolo at isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng papel. Ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makababasa nito ay magaganyak na mag-isip, kumilos at magalak. Hindi totoo na nasa dugo ang pagsulat sapagkat: Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi sila nagbabasa ng mga isinulat ng magagaling magsulat. Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung wala silang oras para magsulat sa loob o labas ng silid-aralan. Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi nila nakikitang nagsusulat ang kanilang mga guro. Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi malikhain at mapaniri ang kanilang guro. Hindi magsusulat ang mga mag-aaral kung natatakot silang magkamali habang nagsusulat. Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagsulat 1. Pagsulat ng Isang Balita Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation at TV o Projector Mga Hakbang Pangturo: 1.. Humanap ng ilang pahayag ng mga politiko. 2.. Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga nahanap na pahayag ng mga politiko gamit ang Powerpoint Presenrtation at TV o Projector. 3.. Papipiliin ang bawat mag-aaral ng isang pahayag upang gawan ng balita. 2. Paglikha ng Sariling Alamat Mga Kagamitan: 1 malaking kahon at mga larawan ng bagay na iginuhit. Mga Hakbang Pangturo: 1. Gumawa ng isang malaking kahon na kayang maglaman ng mga bagay. 2. Gumuhit ng larawan ng mga bagay. 3. Gupitin ang mga bagay ayon sa hubog nito. 4. Ilagay sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral. 5. Mula sa kahon pabubunutin ang mga mag-aaral ng bagay na kanilang gagawan ng sariling alamat. 3. Pagbuo ng Kuwento Mga Kagamitan: Laptop at TV o Projector Mga Hakbang Pangturo: 23 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Humanap ng isang video ng isang kuwento na maaaring dugtungan at bigyan pa ipagpatuloy at bigyang wakas ang kuwento. 2. Idownload ang video na nahanap at napili. 3. Ipapapanood sa mga mag-aaral ang video ng kuwento upang kanilang maipagpatuloy ang kuwento. 4. Paggawa ng Pabula Mga Kagamitan: 1 Maliit na kahon, mga nakabilot na papel na may laman na salita Mga Hakbang Pangturo: 1. Gumawa ng isang maliit na kahon. 2. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba. 3. Sulatan ito ng mga salita na maaaring maging tauhan ng gagawing pabula ng mga mag-aaral. 4. Ilagay ito sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral. 5. Mungkahing Talumpati Mga Kagamitan: Laptop, 1 maliit na kahon, video presentation, powerpoint presentation at TV o projector Mga Hakbang Pangturo: 1. Humanap ng isang video ng nagtatalumpati mula sa youtube. 2. Idownload ang video na nahanap. 3. Gumawa ng isang presentasyon na naglalaman ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa talumpati gamit ang powerpoint. 4. Gumupit at gumawa ng kahon. 5. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba. 6. Sulatan ito ng mga salita na maaaring maging paksa ng mga mag-aaral. 7. Ilagay ito sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral. Ngayon nga ay natapos mo na ang aralin, atin namang susubukin kung tunay ka nga bang natuto sa pamamagitan ng mga gawaing inihanda ko para sayo. 24 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Yunit II IBA’T IBANG DULOG SA MGA TEORYANG PAMPANITIKAN Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang mga gawaing ito: 1. Maipaliliwanag ang mga batayang teorya at simulain sa pagtuturo at pagkatutong pampanitikan; 2. Maibibigay ang mga lapit at pagdulog na kaugnay ng mga batayang teoryang pampanitikan, at 3. Masasabi ang implikasyon ng mga kontemporaryong teorya sa tunguhin ng iyong pagtuturo. TUKLASIN! Batid mo na ang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang sa pagkatutong pampanitikan. Pag-aaralan mo naman sa yunit na ito ang mga batayang teorya at ang mga lapit at pagdulog sa pagtuturo ng Filipino. 25 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 DALOY NG KAALAMAN TRADISYUNAL NA PAGDULOG Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galing o talent ng mga estudyante sapagkat nasusubaybayan sila ng tama ng kanilang guro. May ilan na nagsasabi na ang paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of knowledge”. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o maninipis na libro bilang batayan para sa pag- aaral at maging sa pagtuturo. Mga samu’t saring libro na pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang mga estudyante. Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng mga guro ng kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na ayos sa isang silid aralan, kung saan ang guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga upuan. Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang kanyang mga estudyante hindi lamang sa larangan ng akademiko, gayun na din sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat makuha ng mga estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil dito mas napapalawak ang komunikatibong kakayahan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, maaaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring kalakip ang tradisyunal na paraan 26 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa nakalimbag na libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling impormasyon dahil hindi ganoon kaayos at kawasto ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng isang guro. MGA URI NG TRADISYUNAL NA PAGDULOG AYON SA PAMAMARAAN A. Ang Habing Semantika Isa ito sa makabagong pamamaraan ng paglinang ng kasanayan sa pag-unawa. Sa pamamagatitan nito ang mga mag-aaral ay nakakapagbigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa. Nakatutulong ito sa paglinang ng mga kasanayan tulad ng; 1. Paglalarawan ng tauhan. 2. Pagbibigay ng detalye 3. Pag-uugnay ng sanhi at bunga 4. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5. Paglalagom o pagbibigay buod 6. Pagbabalangkas Ayon kina Freeman at Reynolds (1952), ang pamamaraang semantika ay isang pagbubuo o pagsasama-sama. Inilalarawan dito nito ang pagkakaugnay ng mga kaisipan mula sa binasa. May apat na bahagi ang pagbubuo ng habing semantika. Ito ay ang mga sumusunod. 1. Pangunahing tanong (core question) ito ang pinaka pokus ng web. 2. Mga tanong, impormasyon, o ideya na may kaugnayan sa pangunahing tanong. Binubuo ito ng mga hiblang hinabi o web strand. 3. Mga pangyayari, konklusyon o paglalahat na nakuha ng mga mag-aaral sa binasa upang magbigay-linaw sa hibla. Tinatawag itong hiblang pangsuporta o strand support. 4. Ang pag-uugnayan ng mga hibla na ipinakikita ng mga tali o mga linyang nag-uugnay sa mga ito ay tinatawag na hiblang panahi o strand ties. 27 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Pangunahing tanong o Bakit natutong si Jose core question Corazon de jesus at ang paksa’y kalikasan? hiblang panahi hiblang hinabi Ano ang taguri o Noong kanyang kabataan bansag sa kanya? hiblang pansuporta A. Bago makinig Pagbibigay layunin Sabihin sa mga mag-aaral na igagawa nila ng balangkas ang seleksyong babasahin sa anyong pangungusap. Sabihing gagamitin nila ang habing semantika sa pagtatala ng sunod-sunod na mga pangyayari. B. Pagsagot sa mga tanong habang nakikinig Tanong A. 1. Kalian at saan ipinanganak si Jose Corazon de Jesus? 2. Sino ang kanyang mga magulang? 3. Saan siya nag-aral at anong kurso ang natapos? 4. Ano ang naiibang katangian ni Jose Corazon de Jesus noong kanyang kabataan? 5. Ano ang karaniwang paksa ng kanyang tula? Tanong B 28 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 1. Sa anong sagisag kilalang-kilala si Jose Corazon de Jesus? Bakit ito ang naging tawag sa kanya? 2. Ilang taon si Jose Corazon de Jesus ng nagsimula siyang magsulat ng tula? 3. Bakit karaniwang tungkol sa kalikasan ang at sa kapaligiran ang paksa ng kanyang tula? 4. Bakit mahusay tumula si Jose Corazon de Jesus? C. Pagkatapos makinig Pagbuo ng habing semantika sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. A. 1. Sta.cruz, Manila 4. Nobyembre, 22 1894 Mga pangyayari noong 2. kabataan ni Jose Corazon 5. de jesus. 3. 6. B. 1. 4. Mahahalagang 2. pangyayari 5. 3. 6. Ang Habing Semantika ay isinasagawa upang malinang ang kasanayan sa pang- unawa ng mambabasa sa pamamaraang ito ang mga mag-aaral ay makapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari sa binasa. 29 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Halimbawa: Ang guro ay magpapabasa ng isang teksto dito bubuuin ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang ideya sa binasa. Sasagutin nila ang mga pangunahing katanungang core question, web strand,strand support, at strand ties. Pagsasamahin ng mga mag-aaral ang kanilang mga naisip na ideya sa pamamagitan ng paggamit habing semantika Dito malilinang ang kanilang kasanayan sa pangunawa. Ilalagay ito sa malinis na papel. B. Ang Story Grammar o Pamaraang Pabalangkas/Pangkayarian Ang prior knowledge o nakaraang karanasan sa dating kaalaman ng mag-aaral ay sangkap at salik ng kanyang pananaw sa schema na siyang tumutulong sa kanya upang mahulaan, matandaan at makilala ang mga pangyayari sa binabasang teksto. Sa paraang ito natuto ang mga mag-aaral na bumuo ng mga hinuha, magbigay ng palagay at opinyon at mga paghula sa inaasahang magaganap sa kuwento. Kilala ang dulog na ito na Story Grammar o kaya’y Story Scheme o iskema. Dito’y binabalangkas ang mga sangkap o bahagi ng kuwento tulad ng: Tagpuan (lugar, panahon, tauhan), Tema o Paksa (ang mensahe ng awtor, layunin ng pangunahing tauhan), ang Banghay (panimulang pangyayari, reaksyon sa naging bunga) at ang Wakas ng kuwento. Ito ang bahaging pagsusuri sa kayarian ng kwento. Binibigyan ng higit na pansin ang banghay ng kuwento. Ayon kina Mandler at Johnson, ang Pamaraang Pangkayarian o Story Grammar Technique ay mabisang pamamaraan sa pagbibigay ng kahulugan at pagkakaugnay- ugnay ng bawat bahagi ng kuwento. Ang story scheme o iskema ay hulwarang napapaloob sa bawat tagpo o pangyayari sa kuwento. May pitong bahagi o yugto na sinusunod sa Dulog Story Grammar gaya ng: 1. Tagpuan- Saan at kailan nangyari ang kuwento: Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? Sino ang pangunahing tauhan? 2. Panimula- Paano nangyari ang kuwento? 3. Reaksyon- Ano ang naramdaman ng pangunahing tauhan bunga ng pangyayari? 4. Layunin- Ano ang layunin ng pangunahing tauhan na ninanais niyang matamo? 5. Pagtatangka- Ano ang ginawa ng tauhan upang matamo ang layunin? 30 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 6. Kinalabasan- Ano ang naging bunga ng pagtatangkang ginawa? 7. Wakas- Naging mabisa ba o hindi ang ginawang pagtatangka? Halimbawa: Isang sistema o pamaraang ginagamit upang isalaysay ang mga bahagi at pagkakasunud-sunod ng mga pagyayari sa isang akda o teksto. Ito ay nagsimula noong 1900 nang matuklasan ng mga antropologo sa kanilang pag-aaral na may pattern ang paraan ng pagkukwento o pagsasalaysay ng mga bata o matanda man. Nakapaloob dito ang pagpapahayag ng suliranin o tunggaliang kinakaharap ng tauhan, paglalarawan sa pagtatangka ng tauhan upang mabigyang katugunan ng suliranin, at pagsusuri sa kawing ng mga pangyayari tungo sa kalutasan. 1. Si Bb. Andrea ay nagbasa sa klase ng isang maikling kuwento na pinamagatang ―Ang Kwento ni Mabuti‖. Hinati sa lima ang pangkat at ang bawat pangkat ay magsusuri gamit ang Story Ladder. STORY LADDER KAKALA WAKAS KASUKDU SAN IKATLONG IKALAWA LAN PANGYAY UNANG NG ARI PANGYAY PANGYAY SIMULA ARI ARI 31 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 C. Ang Araling Pagpapahalaga (Appreciation Lesson) Ang araling pagpapahalaga ay pamaraang ginagamit kailanman kung ang layunin ng guro ay mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng isang tula, kwento, awitin, tugtugin o anumang likhang-sining gaya ng pintura o likhang-eskultura (Belves, 2001). 32 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 MODERNONG PAGDULOG Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na ibang-iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral. Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag- aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahil na rin sa nasa makabagong panahon na tayo, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na mabagal o mahina sa pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naisasakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at damdamin ganoon na rin sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang mga nalalaman na naitutulong ng teknolohiya. Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang. Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop sa makabagong panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987), ang mga mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kayang mga natutuhan at nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung siya mismo ang tutuklas ng paraang ito para sa sarili niya. Dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na ang iba’t ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas magandang kalidad ng edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo. Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet iba’t ibang klase ng mga cellular phones, projector at marami pang iba na tunay na nakatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral. 33 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Hindi na uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may samu’t saring pakulo sa mga visual aids, dahil nandyan na ang projector at ang laptop na maaring gamitin upang magpakita ng presentasyon o mga video para mas maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila. Hindi na rin kailangan magkaroon ng napakaraming libro ng mga guro bilang basehan sa kanilang pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng internet connection madali na silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon nila. Kahit wala na sa tipikal na isang silid-aralan ay maaari pa rin na magkaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa rin naman makakuha ng impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet connection. Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyon nilang hindi nila lubos maintindihan. Maaari din silang makapagbahagi sa iba ng mga natutuhan nila mula sa kanilang mga guro sa tulong ng mga social networking sites. Sa parte naman ng mga guro, upang hindi maging boring ang isang talakayan maaari siyang gumamit ng iba’t ibang pakulo sa mga social networking sites para magkaroon ng isang msayang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag- aaral. Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di- maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-aaral, ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang rebisyon at ang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral. Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro. Badayos (2008) 34 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Malaki ang ipinagkaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at makabagong pananaw sapagkat ang tradisyonal na pananaw ay nakapokus lamang sa makaluma at tradisyonal na pamamaraan at aspeto ng pag-unlad samantalang ang makabagong pananaw ay ang pinagsamang teknolohikal na aspetong pang-kaunlaran ang sentro. MGA URI NG MODERNONG PAGDULOG AYON SA PAMAMARAAN A. Pamaraang Pabuod o Deductive Method Ang pamamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na ―Limang Pormal na Hakbang sa Pagtuturo‖ o dili kaya ay “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin na ito ay nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi nalalaman. Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing ito ay egrule na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang: 1. Paghahanda o preparation 2. Paglalahad o presentation 3. Paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction 4. Paglalahat o generalization 5. Paggamit o application Halimbawa: Kung ang paksang aralin ay tungkol sa wastong gamit ng may at mayroon, maaaring magpabasa ang guro sa mga mag-aaral ng mga pangungusap na nasa pisara na ginagamitan ng may at mayroon. Tatawagin ng guro ang pansin ng mga mag-aaral tungkol sa pagkakaiba ng gamit ng dalawang salitang ito. Wika nga, ang inilalahad o inihahain sa pisara upang makita ng mga mag-aaral ng malinaw B. Papanayam Ang personal na anyo ng pakikipagtalastasan ng dalawang taong magkasundo na magtatagpo na ang isa sa kanila’y may layunin at hangad na matupad ang layuning ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa isa. 35 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ang pamamaraang ito ay isang paraan ng pagpapaliwanag at paglilinaw sa isang paksa. Gumagamit ito ng eksposisyon na maaaring sa pamamagitan ng pagsasalaysay o paglalarawan. Halimbawa: Matapos talakayin ni Bb. Alcantara ang pandiwa sa klase, nais niyang tayahin kung may sapat na bang kaalaman ang kaniyang mga mag-aaral sa nasabing paksang kanilang tinalakay kaya nagsagawa siya ng isang indibidwal na resitasyon. Guro: Kung talagang lubos ninyong naunawaan ang araling ating tinalakay ngayon araw, ano ang pandiwa? (tatawag ng mag-aaral) Estudyante 1: Ma’am ang pandiwa po ay tumutukoy sa kilos o galaw. Guro: Mahusay! Magbigay ka nga ng isang halimbawa ng pandiwa at gamitin ito sa isang makabuluhang pangungusap. Estudyante 1: Nagluto. Pangungusap: Si Inay ay nagluto ng paborito kong adobo. Guro: Mahusay! Iba pa? (tatawag ng mag-aaral) Estudyante 2: Maglilinis. Pangungusap: Maglilinis kami mamaya sa aming bakuran ng aking kapatid. Guro: Magaling! Batid kong lubos ninyong naunawaan ang araling ating tinalakay. C. Pamaraang Patuklas o Discovery Method Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at paglalahat. Ang mga mag-aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi basta na lamang taga-tanggap ng kung ano-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipan at kaalaman. Halimbawa: Tuklasin mo! O Huhulaan ko ! Isulat sa isang malinis na papel ang nasa ibabang puzzle o palaisipan. Sundin ang panuto at makukuha mo ang wastong sagot. 1. Sipiin sa papel ang puzzle. 2. Bilugan ang mga kahong makabubuo ng salita. 3. Isulat sa papel ang mga nabuo mong salita. 36 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 T P A B U O D Y B F M A L I K H A I N T D I N T D K L A T E S A G O T B H E M M P J U S N E W T V A G B V B J G U P I O D. Tanong-sagot Mayroong ganitong apat na paraan upang sagutin ang mga katanungan. Aling apat? Mayroong mga tanong na dapat sagutin ayon sa kaurian [tuwirang oo, hindi, ito, iyon]. Mayroon mga tanong na nararapat sagutin na may isang kasagutang mapanuri (naaangkop) (binibigyan ng kahulugan o muling binibigyan ng kahulugan ang mga kataga). Mayroon mga tanong na dapat sagutin ng isang katapat na katanungan. Mayroong mga tanong na dapat isantabi. Ito ang apat na mga kaparaanan ng pagsagot sa mga tanong. —Gautama Buddha, Ang tanong o katanungan ay maaaring isang pagpapahayag na pangwika na ginagamit upang humiling ng kabatiran, o kaya ang kahilingan mismo na ginawa ng ganyang pagpapahayag. Ang impormasyong ito ay maaaring ibigay na mayroong isang sagot o kasagutan (katugunan). Karaniwang inihahain, inihaharap, o itinatanong ang mga tanong na ginagamitan ng mga pangungusap na patanong. Subalit maaari rin silang buuin sa pamamagitan ng mga pangungusap na imperatibo (pautos), na karaniwang nagpapahayag ng kautusan: "Sabihin mo sa akin kung ilan ang dalawa na dinagdagan pa ng dalawa"; sa kasalungatan, ilang mga pagpapahayag na katulad ng "Maaari mo bang iabot sa akin ang patis?", ay mayroong anyong pambalarila ng mga katanungan ngunit talagang gumaganap bilang mga kahilingan para sa pagkilos, hindi para sa mga kasagutan, na nakakagawa sa kanila upang maging alopunksiyonal na may kahulugang 'nagsisilbi ng isang naiibang layunin na naiiba sa orihinal na layunin'. (Ang ganitong parirala, sa pangteoriya, ay maaari ring tanawin hindi lamang bilang isang kahilingan subalit bilang isang pagpansin o obserbasyon ng kagustuhan ng ibang tao na talimahin o tuparin ang ibinigay na kahilingan.) 37 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ang mga tanong ay mayroong ilang bilang ng mga kagamitan. Ang 'paghahain ng isang tanong' ay maaaring gumabay sa nagtatanong sa kahabaan ng abenida ng pananaliksik (tingnan ang metodong Sokratiko). Ang isang pangretorikal o panayusay na tanong ay itinatanong upang makagawa ng isang paksa o punto, at hindi umaasa mabigyan ng kasagutan (kadalasang ang sagot ay ipinahihiwatig o lantad). Ang mga tanong na presuposisyunal o katanungang nagpapalagay, katulad ng "Tumigil ka na ba sa pananakit ng asawa mo?" ay maaaring ginagamit bilang isang biro o ipahiya ang mga tagapanood o mga tagapakinig, dahil sa ang anumang katugunan na maaaring ibigay ng isang tao ay makapagpapahiwatig ng mas marami pang impormasyon kaysa sa ninanais niyang sabihing may katotohanan. Ang mga tanong ay maaari ring maging mga pamagat ng mga akdang pangsining at pampanitikan; halimbawa na ang maikling kuwento ni Leo Tolstoy na How Much Land Does a Man Need? ("Gaano Kalaking Lupain Ba ang Kailangan ng Isang Tao") o kaya ang pelikulang How About Bob? (na may diwang "E, Paano Kaya si Bob?" o "Paano Naman Kaya si Bob?" o "Paano Na si Bob?"), o isang monograpong pangdalubhasa na katulad ng Who Asked the First Question? ("Sino Ba ang Nagtanong ng Unang Katanungan?"). Nagtala si McKenzie ng 17 mga uri ng mga katanungan sa kanyang "Questioning Toolkit" ("Kasangkapan sa Pagtatanong") at nagmungkahi na ang mga nag-iisip ay nararapat na mamigay at pagsama-samahin ang mga tipong ito sa kanyang artikulong "Punchy Question Combinations" (sa diwang "Nakapupukaw na Pinagsama-samang mga Tanong"). Halimbawa ng kanyang mga uri ng pagtatanong ang "tanong na walang pakundangan" o "katanungang walang paggalang" (irreverent question) at ang "katanungan hindi masasagot" (unanswerable question). ang mga tanong ay maaari ring maging hindi nakapagpapasaya o hindi nakapagpapaligaya, batay sa hindi tama o ilohikal na pangunahing saligan o batayan (katulad ng "Bakit mayroong lunting mga pakpak ang mga pusa?"). Halimbawa: Tanong mo, Sagutin ko! Mag-usap kayo ng katabi mo tungkol sa init ng panahon dulot ng El Niño. Gawin paksa ang sunog sa kagubatan ng Indonesia. Estudyante 1: Wala kabang napapansin sa panahon ngayon? 38 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________ Estudyante 2: _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ Estudyante 1: Iyan palang pagdidilim ng langit kahit umaga ay dulot ng ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________ Estudyante 2: Hindi nga mapigil ang pagkalat ng sunog sa gubat. Abot ang pagdidilim na iyan sa mga bahay ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________ Estudyante 1: Naku kamusta na kaya ang mangyayari sa ating mga ilog, daan, at dagat? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________ Estudyante 2: ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ____________ E. Pagtuturong pangkatan Ang pagtuturong pangkatan ay ginagamit upang lalong mas maging kolaboratibo ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Mas magiging produktibo ang pag-aaral ng mga mag- aaral. Ginagamit din ito upang mas madaling mas bahaginan ng mga kaalaman ng mga mag-aaral. Pangkatang Gawain- ang pangkatang gawain ay ang paghahati sa buong klase. Ito ay maaring dalawa o higit pang grupo ang mabuo sa isang klasrum. Isinasagawa ito upang matuto ang mga mag-aaral sa kolaboratibong pamamaraan at ang pagkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mag-aaral. Halimbawa: 39 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Si Bb. Ana ay hinati sa apat na pangkat at ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang dula tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalikasan. F. Pamaraang Proseso o Process Approach Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa agham at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang-diin ay hindi ang pagkakamit ng mga mag-aaral ng maraming kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto. Ito ay nakatuon sa mga hakbang na kinakailangan sa pagbuo ng isang katha. Ang pangunahing layunin nito ay malayang maitama ang mga pagkakamali sa pagbuo ng isang katha. Halimbawa: Si Bb. Rhea ay nagpanood ng isang bidyo sa kanyang mga mag-aaral. Matapos ang panonood ang mag-aaral ay gagawa ng kanilang sariling repleksyon patungkol sa pinanood na bidyo. G. Dulog konseptwal Pagdulog na pangkaisipang ginagamit sa pagtuturo ng araling panlipunan, nakatutulong ito sa pagbuo at pagkatuto kung paano matuto. Tinatawag din itong concept centered o spiral curriculum. Ang dulog konseptwal ay ang paraan ng pagbuo o interdisciplinary o multi-disciplinary- heograpiya, kasaysayan, pamahalaan, antropolohiya, sosyolohiya at ekonomiks. Halimbawa: Ang guro ay nagbigay ng konsepto sa paksang-aaralin ng mga mag-aaral. H. Pamaraang Pabalak o Project Method Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng Edukasyong Panggawain. Angkop din namang gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa pamamaraang ito, nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat at ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob. Ito ay may apat na hakbang: 1. Paglalayon o purposing 40 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 2. Pagbabalak o planning 3. Pagsasagawa o executing 4. Pagpapasiya o evaluating/judging Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng proyekto na scrapbook bilang isang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturamg Filipino I. Pamaraang Pasaklaw o Inductive Method Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o “rule of example”. May limang hakbang ito: 1. Panimula o introduction 2. Pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization 3. Pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule 4. Pagbibigay ng halimbawa o giving examples 5. Pagsubok o testing Halimbawa: Sadyang mahilig sa pagkain at pagluluto ang mga Pilipino kaya't dumarami ang mga estudyanteng kumukuha ng kursong HRM. Sa CEU lamang, mula nang magkaroon ng kursong BSHRM noong 2004, hindi pa bumababa sa sampung sekyon ang klase sa bawat antas. Isang pagbati para sa iyong natamong bagong kaalaman namagagamit mo sa pagtuturo ng panitikan. Ngayon ay dumako na tayo sa mga inihandang gawain na susubok sa iyong mga natutuhan. 41 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Talasanggunian: https://www.slideshare.net/breanmeldx/kabanata-4-67270017 http://teachnewblog.blogspot.com/p/pamamaraan-istratehiya-at-dulog-sa.html?m=1 https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Estratehiya_o_ Pamamaraan http://teachnewblog.blogspot.com/p/pamamaraan-istratehiya-at-dulog-sa.html https://prezi.com/gvygzuobyu6v/filipino/ https://www.slideshare.net/Airash26/pabuod-na-pamamaraan-ng-pagtuturo-inductive- method https://edoc.site/pamamaraan-at-istratehiya-sa-pagtuturo-pdf-free.html https://prezi.com/gvygzuobyu6v/filipino/ 42 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Yunit III ANG PANITIKAN Sa katapusan ng araling ito, inaasahang magkakaroon ka ng sapat na kabatiran upang: 1. Maipaliwanag ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa panitikan; b. Msuri ang mga akdang pampanitikan na angkop ituro sa elementarya; at c. Makalikha ng akdang panitikang pambata. ALAM MO BA? Bago pa dumating ang mga Español, mayroon nang mayamang panitikan sa Pilipinas. Nang mga panahong iyon, karaniwang binibigkas ang panitikan o ipinapasalimbibig sa halip na nakasulat. Ang pre-kolonyal na panitikan ay isang gawaing pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan, at isang pinagsasaluhang ritwal. TUKLASIN Ang panitikan ay bahagi na ng ating buhay tulad ng wika, ito ay hindi na maihihiwalay sa atin bahagi na ito ng kulturang atin nang kinasayanan mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Bagaman nagbibihis anyo ang panitikan ito ay nananatiling buhay at hindi naglalaho. Isang kapaki-pakinabang na gawain ang patuloy na pagnanais na makabatid ng mga tiyak at balidong impormasyon tungkol sa Panitikang Filipino.Halina’t tuklasin ang iba pang mga impormasyon tungkol sa panitikan mula noon hanggang sa kasalukuyan. 43 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 GAWIN MO! Ulap ng alaala Panuto: Isulat sa mga blankong ulap ang iyong kabatiran o kaalaman mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa malawak na pagkakaunawa tungkol sa panitikan. PANITIKAN Magaling! Matagumpay mong naibahagi ang iyong kaalaman. Alam kong handa ka na upang \magkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa rehiyong ito. DALOY NG KAALAMAN ANO ANG PANITIKAN? Ang salitang PANITIKAN ay nagmula sa salitang “titik‖ na nilagyan ng unlaping ―pan-― at hulaping ―-an‖. Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Nagsasalaysay din ito ng mga ideya tungkol sa 44 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at karanasang may kaugnayan tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig. Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de vista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. 1.1 Oryentasyong Kritikal ukol sa Panitikan Mga usapin kaugnay sa pagtuturo ng panitikan na dapat liwanagin: Hindi kailanman maaaring mailapat sa pag-aaral ng katutubong panitikan ang kanluraning oryentasyon sa pagtuturo ng panitikan Hindi lahat ng akdang pampanitikan ay nagbibigay-aral Hindi lahat ng akdang pampanitikan ay nilikha upang magbigay ng kasiyahan sa mambabasa. Hindi maaaring paghiwalayin ang lumikha at ang likhang panitikan, o ang likhang panitikan sa kanyang lipunan, bansa, sa kanyang panahon sa mundo 1.2 Kahulugan at Tungkulin ng Panitikan Pagpapakahulugan sa panitikan bilang: 1. Salamin, larawan, repleksyon, o representasyon ng buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan 2. Likhang-isip na ginagamitan ng magagandang salita o mga talinghaga upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay 3. Kathang nilikha upang pagkunan ng aral 4. Isang sining ng paghabang-panahon 5. Tagapagpalaganap ng mga ideyal na kaisipan, mga adhika, simulain 6. Instrumento sa pagbuo ng karakter ng tao Tungkulin ng panitikan: 1. Ang layunin ng panitikan ay naaayon sa bawat panahon na ang akda ay isinulat. 2. Magkaroon ng akdang makapupulso sa pangarap at aspirasyon ng sambayanang Pilipino 3. Makahubog ng kaisipan 45 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 4. Makahulagpos sa makitid na karanasang indibidwalistiko at makapagbigay-linaw sa direksiyon ng kilusang progresibo. 1.3 Gabay na Konsepto sa Pagtuturo ng Literatura: Hornedo 2004 Pangunahing Prinsipyo sa pagtuturo ng panitikan ang wastong pagpili ng gagamiting akda. Napakadaling maghanap ng mga akdang nagbibigay ng lantarang moral o pangangaral ngunit sa pangmatagalan, matutuklasan ng mga bata, lalo na ang mgahigit na matalino at mapag-isip na ang mga ito ay kababawan at angkop sa kapos sa kakayahang sumisid ng tunay na perlas, o magbungkal ng tunay na ginto sa malalim na lupa ng karunungan. Ilan sa mga praktis na pagtuturo ng panitikan o literature na dapat nang lampasan na binigyang diin ni Quindoza-Santiago: ang labis na tematiko o moralistikong lapit na tumatabing sa mahahalagang sangkap ng panitikan at kasaysayan. impresyonistikong estilo: kung ano ang impresyon, iyon ang leksyon gaggamit ng kulambo ng nasyonalismo pagsasaulo ala loro at pagkapit-tuko sa detalye. Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan? 1. Sa pamamagitan nito malalaman, madarama, at masusumpungan kung paano nag-ugat at namuhay an gating mga ninuno. 2.Nagsisilbing tulay para mabatid ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang sa ganoon maharap ang ating ng buong giting at matalos ang pinagyaman ng isip at ang angking talino ng pinanggalingang lahi. 3.Para sa mga Pilipino, ang panitikan ay isang uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay. 4.lumilipas ang kayamanan ng tao, mga yamang material at ang pagiging makabayan subalit hindi ang panitikan na nagsisilbing kayamanan. 5.Ang panitikan ay salamin sa kulturang gumagana sa isang komunidad. Sa Pilipinas, bawat rehiyon ay mayaman sa kultura’t tradisyon. Pasalindila- ang tawag sa katutubong uri ng panitikan. Ito’y punong-puno ng ng matatandang Kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong unang panahon at nasasalamin ang mga magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo, at ang mga 46 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 bagay-bagay na may kaugnayan sa pang araw araw na pamumuhay at pagpapahalaga sa kanilang pagkalahi.Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod: o kuwentong bayan o kasabihan o bugtong o salawikain o sawikain o sabi-sabi o palaisipan o at balagtasan 47 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Ang mga pasalindilang panitikang ito ay naglalarawan ng katutubong katalinuhan, kaalaman, at karanasan, at nagsasalaysay ng kanilang pinagmulan, buhay at katutubong bayani, pananampalataya at iba pa.Sa pamamagitan ng panitikan nakikila ang imahen ng bawat rehiyon na hitik sa kani-kanilang makasaysayang ugat na patuloy na dumadaloy at nabubuhay sa pamamagitan ng bunga. 1.4 ANG PANITIKAN MULA SA IBA’T IBANG MANUNULAT May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. ―Ang Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Dakilang Lumikha‖ - G. Azarias ―Ang Panitikan ay Bungang-isip na isinatitik‖ - G. Abadilla ―Ang Panitikan ay isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.‖ - Jose Arrogante ―Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.‖ Zeus Salazar ―Ang Panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaiisipan at damdamin‖ - W.J.Long Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang 48 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan. 1.5 KAHALAGAHAN NG PANITIKAN Ang panitikan ay isang uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging makatao.Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa. Kahalagahan ng Pag-aaral sa Panitikang Filipino; Mabatid ang Kaugalian, Tradisyon at Kultura Maipagmalaki ang Manunulat na Pilipino Mabatid ang mga akdang Pilipino Mabatid ang sariling kahusayan, kapintasan at kahinaan Tuklasin ang Kakayahan at pagkakilanlan Makilala at Madama ang Pagiging Pilipino Maipakita ang Pagmamahal sa Panitikan 1.6 LABINDALAWANG AKDANG NAKAIMPLUWENSYA SA PANITIKAN NG PILIPINAS AT NG DAIGDIG 1. Banal na Kasulatan/Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo) Koleksyon ng mga kasulatang naglalaman ng mga pahayag ng Diyos sa tao. Ito ang naging batayan ng pananampalatayang Kristyano. 2. Koran mula Arabia (Arabic) Ito ang pangunahing kapahayagan ni Allah na siyang naging saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. 3. Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego) Ito ang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya. 4. Mahabharata ng India (Sanskrit) Pinakamahabang epiko sa buong mundo. Ito ay tungkol sa pananampalataya sa India. 5. Canterbury Tales ni Chaucer (Old English) Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles. 6. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe (Modern English) 49 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na pagpapalaganap ng demokrasya. 7. Divina Comedia ni Dante Alighieri (indecent Italian) Nagpapahayag ng pananampalataya,moralidad, at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong iyon. 8. El Cid Compeador (Espanyol) Tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahing mga kastila. 9. Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at Persyano) -Naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabia at Persya. 10. Aklat ng mga Araw ni Confucius(Intsik) -Naging batayan ng pananampalataya at kalinangan ng mga Intsik 11. Aklat ng mga Patay ng Ehipto -Tungkol sa mitolohiya at teolohiya ng Egypt. 12. Awit ni Rolando (Pranses) -Nagsasalaysay ng panahong ginto ng kristyanismo sa Pransya. 1.7 MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANITIKANG FILIPINO Sa bawat panitikang kinakatha ng mga mamamayang pilipino ay hindi maiiwasang makaapekto ang ibat- ibang uri ng salik na kanilang sinasaalang- alang sa pag katha at ito nga ay ang : 1. Klima at Panahon - ay ang pangmatagalang kalagayan ng atmospera at kapaligiran na nangyayari sa isang lugar na maari mong makita sa isang araw hal. init , lamig , bagyo , ulan at baha 2. Hanapbuhay - gawaing isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao. hal. Pagsasaka at pangingisda 3. Pang-araw-araw o karaniwang gawain - mga kilos o galaw na karaniwang kinikilos hal. paglalaro , paglilinis 4. Pook - lugar o tirahan sa isang lugar o lokasyon hal. mga magagandang tanawin , rural o global , kapaligiran 5. Lipunan at pulitika : Lipunan - isang grupo ng mga taong na nakatira isang lugar Politika - gawaing nauugnay sa pag-impluwensya at mga aksyon , patakaran ng gobyerno hal. welga , pag-aaklas , digmaan at pang-aapi sa mahihirap 6. Edukasyon - isang kasanayan at pagbabahagi ng kaalaman,mabuting paghusga at kaalaman hal. pag-aaral at busog sa kaalaman 7. Pananampalataya - pagkilala sa kapangyarihan ng lumikha hal. pagdarasal 50 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 8. Kultura - impluwensya ng katutubong tradisyon hal. tradisyon,paniniwala 1.8 URI AT ANYO NG PANITIKAN Ang pahayag ng pampanitikan ay may dalawang anyong panlahat: Tuluyan (Prosa) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong anyo ng pangungusap. Patula – pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig. May dalawang kayarian ang tula: May sukat at tugma o tradisyunal. Malayang Taludturan – ay ang tinatawag sa Ingles ng free verse. Hindi nito isinasaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng salitang dapat na magkasintunog sa dulo ng taludtod. Apat na Paraan ng Pagpapahayag Pagsasalaysay – layuning magkuwento ng magkakaugnay na pangyayari. Paglalarawan- naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mambabasa. Paglalahad- tungkuling humanp ng kalinawan. Ginagamit sa pagsagot sa mga tanong. Pangangatwiran (pasulat man o pasalita)-layuning manghikayat o magpapaniwala. Pangkalahatang Katangian ng Panitikan sa mga Anyong Tuluyan 1. Maikling Kwento Ito’y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan. 2. Dula Isang anyo ng akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado. Nagsimula ang dula bago pa man dumating ang mga Kastila mula sa mga anyo ng ritwal, sayaw, at awit. Sa pagdating ng mga Kastilang mananakop, ang dula na kinagigiliwan ng ating mga ninuno. Nadagdagan ng bagong tema at konseptong panrelihiyon na karaniwang makikita sa mga pagdiriwang sa kapistahan. 3. Sanaysay Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal 51 Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas | EED 13 (nangangailangan ng masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paksang isusulat) at malaya o impormal (karaniwan lamang ang mga paksang ginagamit sa sulatin kaya hindi na kailangan ng ibayong pananaliksik). 4. Nobela Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao , sumasaklaw ng mahabang panahon at ginagalawan ng marami tauhan. 5. Alamat Karaniwang hindi batid kung sino ang may–akda o sumusulat nito.Ito’y nagpasalin- salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa kasalukuyang panahon. Dahil matagal na itong nangyari at hindi na uso noon ang pasulat na paraan sa pagpapalaganap ng literature, karaniwang hindi nagkakaroon ng isang tiyak na pangyayari sa nabuong salaysay hinggil sa nilalaman ng isang alamat. Bunga nito, nagkakaroon ng iba’t ibang bersyon ang isang alamat. 6. Anekdota Ito’y batay sa mga totoong pangyayari