Kasaysayan ng Pagsasalin sa Pilipinas (157-169 PDF)

Document Details

SensationalCerberus7407

Uploaded by SensationalCerberus7407

NEUST

Virgilio S. Almario

Tags

kasaysayan ng pagsasalin Filipino salin kultura

Summary

Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral ng kasaysayan ng pagsasalin sa Pilipinas, na nagsisimula sa Doctrina Christiana (1593) at sumasaklaw ng iba't ibang panahon at impluwensiya sa pagsasalin. Tinatalakay ang papel ng pagsasalin sa paglilipat ng kaalaman at kultura sa buong mundo, pati na rin ang mga kaugnay na aspekto sa wika at pag-unlad ng bansa. Isa itong pagsusuri ng kasaysayan ng pagsasalin sa isang konteksto ng makasaysayang Filipino.

Full Transcript

A. Sulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin sa Filipinas ni Virgilio S. Almario Kasintanda ng limbag na panitikan ng Filipinas ang pagsasalin. Ang unang aklat, ang Doctrina Christiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng simbahang Katoliko na kailangan sa pagpapalaganap ng Kristiyanism...

A. Sulyap sa Kasaysayan ng Pagsasalin sa Filipinas ni Virgilio S. Almario Kasintanda ng limbag na panitikan ng Filipinas ang pagsasalin. Ang unang aklat, ang Doctrina Christiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng simbahang Katoliko na kailangan sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bagong sákop na kapuluan. Ang layunin ng mga misyonerong Espanyol sa paglilimbag ng naturang libro ay hindi nalalay sa sinasabi ni Theodore H. Savory na unibersal na gawain ng pagsasalin, "Sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako, isinagawa ang mga salin alang-alang sa mga dalisay na layuning utilitaryo at walang ibang nasà ang tagasalin maliban sa pag-aalis ng hadlang na naghihiwalay, dahil sa pagkakaiba ng mga wika, sa manunulat at sa mambabasa." Malaki ang naging tungkulin ng pagsasalin sa paglilipat at palitan ng kulturá't kaalaman sa buong mundo. Kung ang pagkaimbento ng papel ay napakahalaga sa lansakan at matagalang pag-imbak ng matatayog na karunungan at dakilang panitikan, ang pagsasalin naman ang naging mabisàng kasangkapan sa pagkakalat at pagtanggap ng mga naturang pamana ng sibilisasyon sa iba't ibang lugar sa buong mundo. Pasalita man o pasulat, laging kailangan ang pagsasalin sa anumang pananakop at pagpapairal ng kapangyarihang pampolitika sa ibang nasyon Bayundin sa ugnayang pangkomersiyo ng dalawa o mahigit pang bansa. Kasangkapan ang pagsasalin para ganap na makinabang ang isang bansa o pook sa mga impluwensiyang mula sa isang sentro o sulóng na kultura. Sa Kanluran, halimbawa, sinagap nang hustong Latin ang mas mayamang kulturang Giego sa pamamagitan ng salin. Pinakamatandang nakulat na salin ang Odyssey sa bersiyong Latin noong 240 B.C. ng isang aliping Griego na si Livius Andronicus. Posibleng hindi si Andronicus ang unang tagasalin; possible pang hindi siya ang unang nagsa-Latin ng epikó ni Homer. Ngunit kinilála halimbawa ni Horace ang kanyang akda at may mga bahagi pang buháy hanggang ngayon dahil sa pagsiping ibang manunulat na Romano. Gumanap ang mga sentrong pangnegosyo noong araw bilang mga lugar na palitan din ng kultura. Unang halimbawa nito ang Alexandria na itinayô sa ngalan ni Alexander ang Dakila noong bandáng 332 B.C. Naging sentro ito ng Hellenismo at karunungang Semitico at nagtampok ng pinakamataas na pag-unlad ng saliksik at agham na Griego. Sinasabing nakapag-impok ito sa aklatan ng 500,000 tomo at dito ginawa ang salitâng Septuagint mulá Hebrew tungo sa Griego ng Lumang Tipan. Noong ikawalo't ikasiyam na dantaon, ang Baghdad naman ang sityo ng pakikinabang sa dakilang pamana ng kulturang Griego. Sinasabing ang pagsulong ng karunungang Arabe ay bunga ng masiglang pagsagap-sa pamamagitan ng salin tungo sa Arabe- sa mga sinulat nina Aristotle, Plato, Galen, Hippocrates, at iba pang tinitingalang Griego. Kakambal at kabaligtaran ng Baghdad ang naging papel ng Toledo sa palítan ng kulturang Arabe at ng kulturang Europeo. Nang manghina ang karunungan at kapangyarihang Arabe, sumigla naman ang pag-aaral sa Europa. Sa Toledo, Espanya, natipon ang mga iskolar na nagsalin tungo sa Latin ng mga aklat sa Arabe. Dito nakatutuwang isipin na ang isang akda ni Aristotle ay posibleng isinalin sa Arabe sa Baghdad upang pagkaraan ay muling maisalin naman sa Latin sa Toledo. Sa panahong ito ginawa sa Toledo ni Robert de Retines ang unang salin ng Koran (1141-1143). Isa pang silbi ng pagsasalin ay may kaugnayan sa pagsúlong ng wika at kamulatang pambansa. Sa kasaysayan, maraming pagkakataon na ang saklaw at antas ng pagsasalin ay palatandaan ng pagsibol ng kamulatang makabansa. Tatak ng mataas na kapasidad ng isang wika ang pagsasalin dito ng mga klasika at ibang iginagálang na akda sa daigdig. Mga bandang ika-12 siglo nang maging masiglang-masigla ang pagsasalin sa mga wika ng lumitaw na mga bansa sa Europa. Bibliya at akdang panrelihiyon ang unang pokus ng pagsasalin sa panahong ito. Sinasabing maaaring ituring na tagapanguna si King Alfred noon pang ika-10 siglo na sinundan ng ibang iskolar na Ingles at iba pang pagsasalin sa Italiano at Aleman. Ang unang salin sa Ingles ng Bibliya ay ginawa ni John Wycliffe at unang lumabas noong 1382. Pinakamatingkad namang salin sa German ang ginawa ni Martin Luther nong 1522 at 1534, na sinasabing naging pamantayan sa pagkatatag ng wikang pambansa ng Germany. Hindi laging mula sa orihinal na wika ng akda ibinabatay ang pagsasalin. Halimbawa, ang Mga Buhay ng Bantog na Romano ni Plutarch ay isinalin sa German noong 1579 ni Jacques Amyot, ang Obispo ng Amyot at may bansag na "prinsipe ng mga tagasalin." Ang salin ni Amyot ang pinagbatayan ng salin sa Ingles noong 1579 ni Sir Thomas North. Tinawag ni Savory na "tanikalang-wika" (language chain) ang pangyayaring ito at malimit maganap sa masiglang panahon ng pagsasalin sa Europa. Ibinigay pa niyang ehemplo ang akda ni Thucydides sa Griego, na isinalin sa Latin ni Vallon, na pinagbatayan naman ni Claude de Seyssel ng salin sa French, at ginamit pagkaraan ni Thomas Nicholls sa kanyang salin sa Ingles. Wika ng Pagbibinyag Sa unang tingin, waring dalá ng mga misyonerong Español ang sigla ng pagsasalin sa Europa nang dumating silá sa Filipinas. Kayâ mga salin o halaw ang mga unang proyektong lumabas sa limbagan sa panahon ng kolonyalismong Español. Sa kabilâng dako, dapat itong ituring na bunga ng sitwasyon sa kapuluan pagdating ng mga kongkistador at ng pinairal na patakarang pangwika noon. Watak-watak sa iba't ibang pangkating etniko na may kani-kanilang wikang Katutubo ang mga Filipino nang sakupin ng España. Hindi naman nagpatupad ng isang sistematikong programa ang mga mananakop para pairalin ang wikang Español. Dahil dito, unang binalikat ng mga misyonerong nadestino sa Filipinas ang pag-aaral ng mga wikang katutubo at ang paglilimbag ng mga aklat na nakasulat sa mga wikang katutubo upang magamit sa paghimok sa mga katutubo na maging binyagan. Pagkaraan ng Doctrina Christiana, ang iba pang makabuluhang libro hanggang ika-18 siglo ay salin, halaw, o gumagamit ng mga bahaging salin o halaw. Ang unang aklat na may orihinal na mga piraso ng tula ay ang Memorial de la vida cristina en lengua tagala (1605) ni Fray Francisco de San Jose. Ngunit ito' y unang malakihang paliwanag sa Sampung Utos at gumagamit ng mga sipi mula sa Bibliya at mga anekdotang halaw sa panitikang Europeo. Ang unang diksiyonaryo, ang Vocabulario de la lengua tagala (1627) ni Fray Pedro de San Buenaventura ay isang kasangkapan para matuto ng Tagalog ang mga Español. Tekstong Kristiyano Isang makabuluhang mohon sa pagsasalin ang Medditaciones cun manga mahala na pagninilay na sadia sa sanctong pag Eexercisios (1645) ni Fray Pedro De Herrera. Bagama't may halaga ito sa kasaysayan ng pagtula sa Tagalog, ang libro ay isang malaking pagsisikap sa pagsasalin. Ang Medicationes ay unang salin sa Tagalog ng mga gawaing espritwal o Exercitia spiritualia ni San Ignacio de Loyola mula sa Español ni Fray Francisco de Salazar. Kasunod nito ang unang proyekto ng isang makatang Filipino, ang Manga panalanging pagtatagobilin sa calolova nang tauong naghihingalo (1703) ni Gaspar Aquino de Belen, isang Batanggenyo na nagtrabaho sa imprenta ng mga Heswita. Ang libro ay salin ng Recomendacion del alma (1613) ni Tomas de Villacastin, bagama't tulad ni Herrera ay isinudlong ni Aquino de Belen ang kanyang tulang Mahal na Passion na siyang unang pasyong patula sa Filipinas. Isa pang pangunahing ambag sa pagsasalin ang Aral na tunay na totoong pag-aacay sa tauo, nang manga cabanalang gua nang manga maloyalhating santos na si Barlaam ni Josaphat (1712) na salin ni Fray Antonio de Borja sang-ayon ("na pinalaman sa sulat ni") sa teksto ni San Juan Damaceno. Ang Barlaam at Josaphat ay isang napakapopular na katha mula sa Kristiyanong Silangan at pinagtatalunan pa ng mga iskolar kung paano ito nagsimula batay sa buhay ni Buddha at nasalin sa wikang Arabe. Pinagtatalunan din kung saang wika sa Europa ito unang nasulat: kung sa Georgian o sa Griego? Sa Griego, isa sa sinasabing bersiyon nitó ang sinulat ni San Juan Damaseno. Ayon kay Savory, napakalaki ng mambabasá ng Barlaam at Josaphat sa mga wika sa Europa noong bandang 1300 at kayâ inakala na ang katha ay totoo. Anupa't noong 1584, isináma ni Baronius sina Barlaam at Josaphat sa listahan ng mga Banal na Martir ng Kristiyanismo. Ito, ayon kay Savory, ang isa sa kataka- takang epekto ng pagsasalin sa kasaysayan ng mundo. Batay lámang sa maikling paliwanag na ito ay hindi maipagtataka ang sigasig ng mga misyonero na agad palaganapin sa Filipinas sa pamamagitan ng salin ang naturang istorya. Ang proyektong Memorial ni de San Jose ang susundan ng iba pang libro ng sermon at platikas sa buong panahon ng kolonyalismo at sa iba pang wikang katutubo. Bukid dito'y may ikakalat ding mga nobena at dasal sa Tagalog at ibang wikang katutubo na tiyakang salin o halaw sa mga modelong Español. Ang isinasalin ay maaari din namang hindi Español ang wika ng orihinal, gaya ng nangyari sa akda ni San Ignacio de Loyola. Isa pang nagdaan sa "tanikalang-wika" ang librong Ang infiernong na bubucsan sa tuong Christiano, at nang houag masoc doon (1713) ni Fray Pablo Clain (Paul Klein). Ayon na rin sa paunawa ng libro, ang orihinal nitó ay sinulat sa Italiano ng isang Heswita, sakâ isinalin sa Español ng isa ring Heswita. Ang salin sa Español ang ginamit ng Heswitang si Clain sa Tagalog na Ang infiernong. Salin para sa Tanghalan at Aliwan Bago magtapos ang ika-18 siglo, ang pagsasalin ay magagawi sa mga akdang hindi tuwirang gamit sa simbahan at seminaryo. Nagkaroon din ito ng paksain na bagama't sumasang-ayon sa doktrinang Kristiyano ay nagtataglay ng elementong sekular sa kabuuan. Pangunahin dito ang mga mahabàng tulang pasalaysay na awit at korido at ang mga patulang pagtatanghal na komedya. Ang awit at korido ay naging babasahing popular at aliwan sa tahanan. Bagama't karaniwang itinatanghal kapag may pistang panrelihiyon, ang komedya ay may mga kuwento at nilalamang katulad ng awit at korido. Walang tiyak na saliksik kung alin ang nauna sa komedya at sa awit at korido. Gayunman, malinaw na salin o hango ang mga ito sa panitikang naging popular din sa Español, at sa buong Kristiyanong Europa, noong panahong Midyibal. Ang mga awit at korido ay mula sa mga metrico romance samantalang ang komedya ay may hiram na anyo at balangkas ng pagtatanghal sa comedia de capa y espada. May mga romance rin na naging awit o korido at komedya. Bukod sa anyo, maaaring urin ang mga naturang aliwan at pagtatanghal sa dalawang pangkalahatang paksain. Una, ang mga kuwento ng pakikipagsapalaran ng mga prinsipe, kabalyero, at maalamat na tauhan, gaya ng búhay nina Bernardo Carpio, Gonzalo de Cordoba, Doce Pares ng Francia, Siete Infantes de Lara, Aladino, Duke Almansor, at iba pa. Ikalawa, ang mga kuwento ng kabanalan, gaya ng búhay nina Faustino at Matidiana, San Juan de Dios, Doña Marcela, at iba pang martir at santong Kristiyano. Naging magandang sanayan ang naturang panitikang salin o halaw tungo sa totoong malikhaing pagsulat nitong ika-19 dantaon. Ang Florante at Laura ni Balagtas ay maaaring ituring na tulay at tugatog. Tulay ito tungo kina Rizal at Bonifacio kung ituturing na kompletong orihinal na akda na gumamit lámang ng saknungang awit. Tugatog ito ng panahon ng imitasyong metrico romance kung isasaalang-alang ang patalastas mismo ni Balagtas sa bungad ng kanyang akda na ito ay hango sa "cuadro historico" ng "Grecia." Ang totoo, isang makabuluhang aspekto ng saliksik sa mga nabanggit na limbag na panitikan sa panahon ng Español ay ang pahambing na pag-aaral sa mga ito at sa inaakalang simulaang teksto. Katabi ng orihinal, dapat pang suriin kung hanggang saan ang naganap na pagsasalin o paghalaw at kung gaano kalaki naman ang malikhaing orihinalidad na ibinuhos ng manunulat/tagasaling Filipino. May ganito nang halimbawa ang pagsusuri sa Mahal na Passion upang ipakilala at itanghal ang pagka-awtor ni Aquino de Belen. Higit pang aani ng paggálang ang mga awit at korido o komedya bilang awtentikong anyong Filipino kapag nalinang ang naturang sistema ng pahambing na pagsusuri. Tungkol at Para sa Di-Tagalog. Dahil ang Maynila ang napiling sentro ng gobyernong kolonyal ay higit na nabuhos ang mga gawain ng limbagan sa akdang Tagalog. Ang pinakamaagang limbag na akda sa wikang Ilokano, Kapampangan, ° Bisaya ay ikalawang hati na ng ika18 siglo at malamang pang inimprenta sa Maynila: Sumigla lámang ang limbag na akda sa ibang wika nang magkaroon ng imprenta sa Bacolor, Cebu, Iloilo, Naga, at Vigan. Hindi kailanman nagkaroon ng imprenta sa Samar-Leyte noong panahon ng Español. Bunga nitó, malaki ang posibilidad na may mga naganap na pagsasalin ng nobena at aklat-dasalan mula ng Tagalog tungo sa ibang wika. Ganito ang nangyari sa salin at halaw ng pasyon mula Tagalog tungo sa ibang katutubong wika. Noong 1875, lumabas ang isang nobena ni Fray Francisco Encina na isina-Tagalog ni Melchor Fernandez at isina-Bikol ni Ibo Mella. Ang orihinal na akdang Urbaba at Feliza (1854) ni Modestro de Castro ay nagkaroon ng salin sa Ilokano ni Jacinto Caoile Mariano at nilimbag sa Maynila noong 1866 sakâ isinalin sa Bikol ni Fruto del Prado at nalathala sa Maynila noong 1892. Bago iwanan ang panahon ng Español ay dapat ding sulyapan ang posibilidad ng salin mula sa katutubong wika ng Filipinas tungo sa Español. Naganap ito dahil din sa interes ng mga Español na pag-aralan at iulat ang kultura at panitikan ng mga Filipino. Dalawang alamat sa Panay ang nabúhay hanggang ngayon dahil sa muling pagkukuwento sa Español ni Fray Pedro Chirino. Sa makapal na saliksik ni Fray Ignacio Francisco Alzina tungkol sa kalinangang Bisaya (1668) ay binuod niya sa Español ang dalawang mahabang salaysay na patula ng mga Boholano. Sa Vocabulario de la lengua tagala (1754) nina Fray Juan de Noceda at Fray Pedro de Sanlucar ay gumamit ng mga bugtong, salawikain, dalit, tanaga, diona, at iba pang maikling tulang Tagalog para ipaliwanag ang gamit ng ilang lahok sa diksiyonaryo. Ang halimbawang tula ay sinusundan ng salin dili kaya'y paliwanag sa Espanyol. Sa lahok na "copcop," halimbawa, ay ibinigay na gamit ang isang dalit: Aba aya casampaga, nang ponay na olila, cun umambo, I, pagsiap na, ualang magcopcop na ina. Pagkaraan, idinugtong ang ganitong pagbuod sa Espanyol: El pollo o la tortola, que cuando llueve, aunque pie, no tiene madre que la abrigue." Kung minsan nga y humahango pa sa panitikang klasika ang mga padre para isalin ang kahulugan ng isang tulang Tagalog. Sa lahok na "dalodalo" - isang langgam na may pakpak-ibinigay bilang bugtong sa maliit na mapagmataas o soberbiyo ang sumusunod: Caya ipinacataastaas nang domagongdong ang lagpac. at sakâ sinundan ng paliwanag sa Latin na sipi diumano kay Claudiano. "Tolluntur in altum ut lapsu graviore ruant." Salin para sa Bagong Kamulatan Kung susundin ang himaton ni James A. Leroy totoong pumasok sa "modem era" ang Filipinas noong 1869 at buksan ang Suez Canal. Bumilis at dumami ang biyahe sa pagitan ng Maynila at España, lumaki ang bilang ng mga Español at Europeo sa Filipinas, lumuwag ang kalakalan at negosyona nagdulot ng bagong-yaman sa lipunan, at hindi na napigil ng sensura ang pagdagsa ng mga bago at ideang liberal mula sa Europa. Malaki ang posibilidad na ginamit ng mga konserbatibong awtoridad sa pamahalaang kolonyal ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 para supilin ang mga kabaguhang dulot ng "modern era" sa Filipinas. Ngunit sa halip nitó, ang pagbitay sa tatlong paring martir at pagpapatápon sa mga piling miyembro ng edukado't mayamang pamilya sa Katagalugan ay naging binhi pa ng lihim na mithiing mareporma ang kalagayang kolonyal sa pamamagitan ng Kilusang Propaganda at sa dulo'y ng tahasang pag-aadhikang makalaya sa pamamagitan ng Katipunan. Ang pag-unlad at pagsalimuot ng diwang mapagpalaya mula sa panahon ng La Solidaridad ang pangunahing lakas sa pagdaloy ng kasaysayan ng panitikan at kalinangan ng Filipinas hanggang sa kasalukuyan. Kaagapay sa ganitong diwain ang naging takbo ng pagsasalin, o kahit paano'y ng anumang makabuluhang proyekto sa pagsasalin. Ginampanan din ito sa dalawang yugto ng mga tagasalin na may ginamit na dalawa't magkasunod na wikang banyaga. Ang unang yugto ay Español ang pangunahing kasanayan sa wikang banyaga ng mga tagasalin. Ang ikalawang yugto ay Ingles naman, bunga ng pagtiim ng pananakop na Americano, ang pangunahing kasanayan sa wikang banyaga ng mga manunulat. May tiyak na balikang direksiyon din ang buong pagkilos sa pagsasalin. Bagamat higit na marami ang bilang ng salin mula sa wikang banyaga tungo sa katutubong wika ay may lunelakas at malay na proyekto ng salin mula sa katutubong wika tungo sa wikang banyaga. Modelo si Jose Rizal sa unang direksiyon. Dahil sa malinaw na hangaring magdulot ng bagong babasahin sa kanyang mga pamangkin ay isinalin niya mula sa orihinal na German ang Wilhem Tell ni Schiller. Limang kuwentong pambatà ng dakilang si Hans Christian Andersen ang kaniya ring isina- Tagalg at ipiadala sa Filipinas Tiyakang pinii ni Rizal an dula ni Schiler dahil sa dandamin nitong makabayan at sa mensahe ng pagsusuwail laban sa mananakop. Inihandog naman panrelihiyon sa ilalim ng mga Español. ni Rizal ang mga kuwento ni Andersen bilang babasahing naiba sa katon at akdang Layuning Nasyonalista. Isang mahalagang saling pampolitika ang polyetong Ang mga Karampatan ng Tawo (1891-92) na lihim na kumalat sa Maynila. Salin ito ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na bumubuod sa diwa ng Rebolusyong Frances at sa gayo'y nagpapakilála sa paghiram ng mga Propagandistang Filipino ng ideolohiyang liberal mula sa naturang himagsik sa Francia. Hindi laging dayuhan ang awtor ng isinasalin sa Tagalog. Ang sanaysay na "Amor Patrio" ni Rizal ay isinalin sa Tagalog na "Pagibig sa Tinubuang Lupa" ni Marcelo H. del Pilar at inilathala sa isyung 20 Agosto 1882 ng Diariong Tagalog. Ang naturang lathala at salin ang maituturing na unang nakalimbag na hudyat ng lantad na pagpapahayag ng damdaming makabayan sa kasaysayan ng Filipinas. Hinango naman dito pagkatapos ni Bonifacio ang kanyang tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Bayan." Ang tulang "Mi Ultimo Adios" ni Rizal ay muling itinula sa Tagalog na "Huling Paalam" ni Bonifacio. Sa panahon ng Americano, ang tulang ito ni Rizal ay isasalin din nina Pascual Poblete, Julian Cruz Balmaseda, at Jose Corazon de Jesus upang pagkaraan ay muli pang isalin nina Ildefonso Santos, Jose Villa Panganiban, C.M. Vega, at Virgilio S. Almario. Isasalin din ito sa ibang wikang katutubo ng Filipinas at sa ibang wika sa daigdig. Dahil sa kahingiang nasyonalista, ang tekstong Español ng Pambansang Awit na sinulat noong 1899 ni Jose Palma ay isinalin sa Tagalog noong bandang 1940 nina Ildefonso Santos at J.C. Balmaseda at nilagyan ng pagbabago noong 1956. Ngunit sa panahon ng Americano, nagkaroon ito ng salin sa Ingles ni Camilo Osias at siyang opisyal na ginamit hanggang panahon ng Komonwelt. Kamakailan naman, sa sulsol ng damdaming rehiyonalista ay nagkaroon ito ng salin sa Sebwano at longgo. Nitóng 1953 ay lumabas ang Tagalog Periodical Literature, listahan ng mga nalathalang akda at pagsusuri sa panahon ng Amerikano hanggang 1941 na isinaayos ni Teodoro A. Agoncillo. Lumilitaw sa index na ito ang patuloy na paglalathala ng mga akdang panrelihiyon mula sa panahon ng Español. Ngunit may nakagugulat na bilang ng mga saling akdang pampanitikan: 109 na maikling kuwento, 51 tula, 19 na dula, 87 nobela, 2 panitikang-bayan. Dahil sa idinulot na impluwensiya sa malikhaing pagsulat bago magkadigma ay maituturing na nangunguna sa kabuluhan ang tulad ng Sa Gitna ng Lusak na salin ni Gerardo Chanco ng Camille ni Dumas, Natapos na ang Lahat na halaw ni Narciso Asistio sa Anna Karenina ni Tolstoi, Ang Buhay ay Pag-ibig nina Leonardo A. Dianzon at G. Chanco mula sa Vivir es Amar ni Manuel Ibo Alfaro, Ang Masayang Balo na salin ni Patricio Mariano sa operang La Viuda Alegre, gayundin ang salin at halaw sa mga kuwento nina Balzac, Guy de Maupassant, Edgar Allan Poe, at sa mga tula nina Ruben Dario, Roman Campoamor, Manuel Acuña, Henry Wadsworth Longfellow, Percy Bysche Shelley, at Lord Byron. May mga pagsisikap ding isa-Tagalog ang mga kapuwa awtor na Filipino sa Español. Nangunguna sa listahan si Rizal. Kasunod ang mga tula nina Jose Palma at Fernando Ma. Guerrero, mga kuwento ni Jose Balmori, at isang dula ni Jose Ma. Rivera. Mula sa Ingles. Mapapansin naman na pagsapit ng ikatlong dekada ng ika- 20 dantaon ay dumarami ang mga salin ng mga akdang banyaga mula sa Ingles. Nangunguna dito sina Longfellow, Ralp Waldo Emerson, Rudyard Kipling, at Arthur Conan Doyle. Ang mga katha nina Maupassant at Tolstoi ay mapaghihinalaang binása na sa saling Ingles. Tiyak namang isinalin mula sa Ingles sina Tagore, Selma Lagerlof, at Emperador Matsuhito. Nitó ngang 1940, ang lumabas na salin ni Dionisio San Agustin ng dakilang Don Quixote ay batay na sa saling Ingles. Tulad sa mga akda sa Español, isinalin din ang mga akda sa Ingles na Filipino ang awtor. Ang unang nobela sa Ingles, ang A Child of Sorrow ni Zoilo Galang ay isinalin niya mismo bilang Anak Dalita. Noong Hunyo 24, 1930 ay lumabas sa Taliba ang salin ni Pagsilang Rey Isip sa "Miri-nisa" ni Jose Garcia Villa. Gayunman, higit na darami ang ganitong trabaho pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sa kabilang dako, hanggang sumiklab ang digma ay walang masigasig na proyekto para isalin ang mge akda sa katutubong wika tungo sa Esparol 0 Ingles. Masuwerte pa si Emilio Jacinto sapagkat ang dalawang akda niyang nawawala na ngayon ang orihinal sa Tagalog ay nabubhay lámang sa salin. Ang kanyang "Pahayag" na lumabas sa unang labas ng Kalayaan ay isinalin sa Español ni Juan Caro y Mora at nalathala sa Archivo del bibliofilo filipino (1895-1905) ni Wenceslao Retana sa pamagat na "Manifiesto." Ang kanyang "Sa mga Kababayan" ay tila isinalin din sa Español ni Caro y Mora at pinagbatayan ni Leroy ng kaniyang sipi na nakasalin sa ingles. Hindi sinabi ni Leroy kung nasaan ang Español ni Caro y Mora ngunit ang isang bahagi ng "Sa mga Kababayan" ay nása Ingles at nabubúhay bilang sipi sa loob ng akda ni Leroy na nása huling tomo ng Philippine Islands nina Emma Blair at James Robertson. Wala ring maayos na proyekto para sa pagsasalin tungo sa ibang mga wikang katutubo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Japones. Dito katangi-tangi si Aurelio Tolentino bilang trilingguwal. Bagama't maalam sa Español, higit niyang nilinang ang pagsasalin ng sariling akda mulang Tagalog tungo sa Kapampangan at vise-versa. Isinalin diumano niya mulang Español ang Conde de Monte Cristo ni Dumas at Quo Vadis ni Sienkiewicz tungo sa Tagalog at Kapampangan. Ang kanyang nobelang Ang Buhok ni Ester ay may bersiyong Ing Buac ning Ester. Tungo sa Pormalisasyon at Propesyonalisasyon Sapagkat hindi natutugunan ang tinatawag ni Savory na "layuning utilitaryo," patuloy na kulang sa organisadong malasakit ang larangan ng pagsasalin hanggang makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bihira ang lumilinang sa kakayahan at talinong magsalin sapagkat mahirap asahang hanapbuhay. Malimit na ang mga tagasalin ay naitutulak lámang ng likás na hilig o kayấ y mga manunulat at guro sa wika na nagbabakasakali ng dagdag na kita. Sa ganitong pangyayari, mahirap asahan ang isang malina na programa upang maisalin man lámang halimbawa ang mga piling panitikan ng iba't ibang katutubong Wika tungo sa Filipino o sa Ingles. Wala ding paraan para masuri ang mga salin at matulungan ang mga mahilig magsalin tungo sa pagpapahusay ng kanilang talino. May dibisyon sa pagsasalin ang Surian ng Wikang Pambansa ngunit sa matagal na panahon ay wala itong malinaw na estratehikong target upang masagot ang napakalaki at iba't ibang pangangailangan sa pagsasalin. Malimit na maukol lámang ang panahon ng mga empleado ng dibisyon sa mga ipinasasalin ng ibát ibang opisina ng pamahalaan. Gayunman, naglabas ang SWP ng Patnubay sa Korespondensiya Opisyal (1977 nirebisa noong 1984, at muli, nitóng 2013), at ilang tomo ng mga salin ng katawagan. Isang makabuluhang hakbang tungo sa institusyonalisasyon ng pagsasalin ang pagbuong isang Kawanihan sa Pagsasalin sa loob ng Partido Komunista ng Pilipinas nitong bungad ng dekada 70. Kinilála ng partido ang malaking papel ng pagsasalin sa edukasyong pangmasa bukod sa malawakang gamit ng wikang Filipino sa lahat ng gawaing pangkomunikasyon. Bunga nitó, lahat ng importanteng dokumento sa propaganda at pagtuturo ay mabilisang ipinasalin mulang Ingles tungo sa Filipino. Kabilang dito ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Mga Siniping Pangungusap ni Mao Tsetung, Limang Gintong Silahis, at mga tomo ng sinulat ni Mao Tsetung. Bago ideklara ang Batas Militar, may mga kadre nang sinanay sa pagsasalin at nakatalaga sa iba't ibang pangkating legal at ilegal ng partido at halos lahat ng mga babasahing ilathala, mula sa Ang Bayan hanggang Ang Paksa, ay may salin sa Filipino kapag Ingles ang unang edisyon. May mga organisasyong pangkultura na nagsalin ng mga akdang politikal mula sa ibang bansa, gaya ng Kamao na isang koleksiyon ng mga isinaling tulang nakikibaka mula sa iba't ibang dako ng mundo. Paglipas ng panahon, nagkaroon din ng mga pagsasanay sa pagsasalin tungo sa ibang wika ng Filipinas at may mga lumabas na salin ng awit, tula, o iskit mula sa Metro Manila para magamit sa pagkilos sa ibang rehiyon ng bansa. Sa ilalim ng Batas Militar, ipinagpatuloy ng mga aktibista sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang naturang gawain. Noong Pebrero 4, 1975, isang tanging bilang ng Philippine Collegian ang lumabas na may mga salin ng panitikan ng Ikatlong Daigdig. Sinundan ito ng isang workshop, ang Panday-Salin, sa loob ng dalawang araw noong 5-6 A.bril 1975 para talakayin ang mga problema ng pagsasalin at hasain ang mga kalahok sa pagsasalin ng panitikan sa mga wikang katutubo. Ang Panday-Salin ang unang pambansang workshop sa pagsasalin at nagbunga ito ng isang tanging bilang ng Philippine Collegian noong 14 Agosto 1975 na naglalaman ng mga akda sa Filipino mula sa orihinal na Ilokano, Bikol, Kapampangan, Sebwanio, Hiligaynon, at Español. Sa panahong ito'y may mga pormal nang kurso sa pagsasalin sa UP. Pinahintulutang buksan ang isang sabjek sa pagsasalin noong 1970 na nang lumaon ay yumabong tungo sa BA medyor sa Pagsasalin. Pagsapit ng 1988 ay may kursong doktorado na sa pagsasalin ang UP. Nagbukás naman ng BA sa pagsasalin noong 1978 hanggang 1985 ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Sa ngayon, may sabjek din sa pagsasalin sa Philippine Normal University (PNU) samantalang ibinubukás ito bilang kursong elective para sa di- gradwado at gradwado sa De La Salle University (DLSU). Noong 15 Abril 1983 ay nabuo ang Pambansang Samahan ng Pagsasaling-wika mula sa isang workshop pangwika na ginanap sa Batac, llocos Norte. Ang samahan ang nagdaos ng unang pambansang kumperensiya sa pagsasalin noong Oktubre 1983 sa Hiyas Convention Center, Malolos, Bulacan. Ang samahan din ang nangasiwa sa proyekto ng LEDCO-PNC Consortium para magsalin ng mga akdang bernakular tungo sa Filipino. Anupa't. may mahahalatang pagtindi ng kamulatan hinggil sa halaga ng pagsasalin kaugnay ng mga nabanggit na pormal na pagsasanay at kapisanan. Sa kabilâng dako, dahil sa unti-unting pananaig ng wikang Filipino sa ibat ibang larangan at gawain ay higitna lumawak ang paksa' trilalaman ng mgasalin Malnaw ain ngayon ang pagpapahalaga sa pagsasalin ng mga panitikan sa ibat ibang wika ng filipinas tungo sa pagbuo at pagpapalakas ng pambansang kamulatan:

Use Quizgecko on...
Browser
Browser