Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas PDF

Summary

This document discusses the history of translation in the Philippines, covering different periods and key figures involved in the translation process. It highlights the different eras of translation in detail, focusing on the key influences and motivations behind each period. The analysis includes important historical figures and events.

Full Transcript

**FIL 062 (REVIEWER)** **KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS** A. Unang yugto ng kasiglahan (PANAHON NG KASTILA) B. Ikalawang yugto ng kasiglahan (PANAHON NH AMERIKANO) C. Ikatlong yugto ng kasiglahan (PATAKARANG BILINGGWAL) D. Ikaapat ng yugto ng kasiglahan (KATUTUBONG PANITIKANG D...

**FIL 062 (REVIEWER)** **KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA SA PILIPINAS** A. Unang yugto ng kasiglahan (PANAHON NG KASTILA) B. Ikalawang yugto ng kasiglahan (PANAHON NH AMERIKANO) C. Ikatlong yugto ng kasiglahan (PATAKARANG BILINGGWAL) D. Ikaapat ng yugto ng kasiglahan (KATUTUBONG PANITIKANG DI-TAGALOG) A. **Unang yugto (PANAHON NG KASTILA)** - Ang mapalaganap ng mga Kastila ang Iglesia Catolica Romana - Isinalin sa TAGALOG at iba pang katutubong wika ang mga dasal at mga akdang panrelihiyon - Nagturo ng wikang KASTILA ngunit HINDI naging konsistent - Paggamit ng WIKANG KATUTUBO ng mga PRAYLE - HINDI lantarang inihayag ng Kastila ang tunay nilang pakay sa bansa - Sa paglisan ng kalangyarihang Espanyol sa Pilipinas, NAGPATULOY pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang nasa wikang kastila - 2 Layunin ng pananakop : KRISTYANISMO at HISPANISASYON - HINDI TAGUMPAY SA PAGPAPALAGANAP NG WIKA: 1. Mas tagumpay ang pagpalaganap ng Kristyanismo sa pamamagitan ng pag gamit ng wika sa mga katutubo 2. Mas katanggap-tanggap sa mga katutubo ang paggamit ng mga prayle ng kanilanh wika sa pagtuturo ng salitang Dios. (LATIN) 3. Lantarang inilahad ng mga Kastila ang pangamba na baka ang kanilang wika ay magiging kasangkapan ng mga Indios sa pagkamulat sa kalagayang pulitikal at sila'y balikan B. **Ikalawang yugto ( PANAHON NG AMERIKANO)** - Thomasites -- mga unang guro galing Amerika sumakay sa USS Thomas. - Naging masigla ang pagsasalin sa wikang pambansa ng mga akdang nasa wikang Ingles. - Kahit hindi muna sakop ng Espanya ang Pilipinas, nagpatuloy pa rin ang pagsasalin ng mga piyesang orihinal na nasusulat sa Kastila halaw sa aklat ni Agoncillo. - Sa Tagalog Periodical Literature ni Agoncillo ay nakapagtala ng mga: 1. Maikiling Nobela 10 2. Maikiling Kwento 109 3. Drama 19 4. Nobela 87 5. Tula 51 6. Panrelihiyon 109 - Pagtatamo ng edukasyon ang pangunahing patakarang pinairal ng Amerika sa Pilipinas. - Bumaha sa ating bansa ang iba't ibang anyo at uri ng karunungan mula sa Kanluran. - Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagsasalin sa Filipino ng mga akdang klasika ng daigdig. - Noong 1971, ang National Book Store ay nagpasalin sa Filipino ng mga popular na kwentong-bayan na nasusulat sa iba't ibang katutubong wika ng ating bansa. Ipinasalin ng NBS ang mga popular na nobela at kwentong pandaigdig at isinaaklat upang magamit sa mga paaralan. - Naglathala ng koleksiyon o antolohiya ng mga klasikong sanaysay nina Aristotle, Aquinas, Kant at iba pang kilalang pilosopo ang Goodwill Bookstore. - Ang Children's Communication Center ay nagsagawa rin ng mga pagsasalin ng mga akdang pambata. C. **Ikatlong yugto (PATAKARANG BILINGGWAL)** - Ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles. - Aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa - Department Order No. 25, s. 1974 - Halimbawa ng mga isinalin sa panahong ito: Science, Home Economics, Good Manners and Right Conduct, Health Education, at Music D. **Ikaapat na yugto ng kasiglahan- pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog.** - Kinailangan ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-Tagalog upang makabuo ng panitikang pambansa. - LEDCO (Language Education Council of the Philippines) at SLATE (Secondary Language Teacher Education) ng DECS at PNU noong 1987 - Pagtulong ng Ford Foundation - Pangunahing wika ng bansa: Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango at Pangasinan. - Sa proyektong ito, nagkaroon din ng pagsasalin sa ilang Chinese-Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wika ng bansa. - GUMIL (Gunglo Dagiti Mannurat nga Ilocano) - KURDITAN- katipunan ng mga akdang isinalin sa wikang Ilocano - Sa pamamagitan ng pagsasalin, ang mga kuwentong orihinal na isinulat sa Iloco ay nalagay na sa katayuan upang mapasama sa pambansang panitikan sapagkat mayroon nang bersyon sa wikang pambansa. **Kasaysayan ng Pagsasalin sa Daigdig** **Unang Tagasalin:** \- Andronicus (240 B.C.) -- Nagsalin ng Odyssey ni Homer sa anyong patula. \- Sinundan nina Naevius, Ennius, Cicero, at Catulus. \- Sa paglipas ng panahon, lumago ang bilang ng mga tagasaling-wika, nagdulot ng pag-unlad sa Europa at Arabya. **Mahalagang Lugar ng Pagsasaling-wika:** \- Bagdad: Paaralan ng pagsasaling-wika. Isinalin sa Arabiko ang mga akda nina Aristotle, Plato, Galea, Hippocrates, at iba pa. \- Toledo: Sumibol sa larangan ng pagsasaling-wika sa panahon ng mga tagapagsalin tulad nina Adelard at Retines. **Panahon ng Pagsasalin ng Bibliya:** \- Martin Luther (1483-1646): Kilala bilang ang pinakamabuting tagasalin ng Bibliya. \- Septuagint: Unang salin ng Bibliya sa wikang Griyego, isinalin ni Origen. \- Jerome: Nagsalin ng Bibliya sa wikang Latin. \- Kinailangan ang muling pagsasalin ng Bibliya dahil sa: \- Bagong natuklasan ng mga arkeologo na naiiba sa mga naunang salin. \- Pag-unlad sa larangan ng linggwistika na nagpapalinaw ng maraming malabong bahagi. \- Pagbabago ng wika at diwa ng klasikang Ingles. \- Mahalagang Salin ng Bibliya: \- Jerome (Latin) \- Luther (Aleman) \- Haring James (Ingles-Inglatera) \- John Wyclif (unang salin sa Ingles) \- Douai Bible (unang salin ng mga Katoliko Romano) \- Authorized Version (matapat sa orihinal na diwa) \- The New English Bible (1970) **Pagsasalin ng mga Akdang Klasika:** \- Virginia Woolf: Naniniwala na ang mga salin ay hindi makakapantay sa orihinal, lalo na ang wikang Griyego na mas maugnayin, mabisa, at tiyak. \- Mga tagapagsaling-wika sa Ingles ng wikang Griyego: \- Makaluma o Hellenizers: Naniniwala sa pagiging matapat sa pagsasalin, pinapanatili ang diwa at katangian ng orihinal. \- Makabago o Modernizers: Naniniwala na ang salin ay dapat nahubdan ng mga katangian at idyoma ng orihinal at nabihisan ng kakanyahan ng wikang pinagsalinan. \- Robert Browning: Naniniwala sa pagiging literal hangga't maaari, maliban kung nakakasagabal sa kalikasan ng wikang pinagsasalinan. \- Robert Bridges: Higit na mahalaga ang istilo ng awtor sa isang salin. \- Edward FitzGerald at Samuel Butler: Naniniwala na ang salin ay dapat maging natural, madaling basahin at unawain. \- F.W. Newman: Naniniwala na kailangan mapanatili ang kakanyahan ng orihinal upang hindi maligtaan ng mambabasa na ang binabasa ay salin. \- Matthew Arnold: Naniniwala na ang katapatan ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalipin sa orihinal. \- C. Day Lewis: Naniniwala na para mahuli ang tono at damdamin, kailangan magkaroon ng ispiritwal na pagkakaugnayan ang awtor at ang tagapagsalin. **Kasaysayan ng Pagsasaling-wika sa Pilipinas:** \- Limang Yugto: \- Panahon ng Kastila \- Panahon ng Amerikano \- Panahon ng Patakarang Bilinggwal \- Panahon ng Pagsasalin ng Panitikang Di-Tagalog \- Panahon ng Afro-Asian Literature **Unang Yugto -- Panahon ng mga Kastila:** \- Nagsimula dahil sa pangangailangan ng mga Kastila na mapalaganap ang relihiyong Katoliko. \- Isinalin ang mga dasal at akdang panrelihiyon sa Tagalog at ibang katutubong wika. \- Hindi naging konsistent ang pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino dahil mas epektibo ang paggamit ng mga katutubong wika sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. \- Ang pagtuturo ng wikang Kastila ay nakita bilang isang banta sa pagkamulat ng mga Pilipino sa kalagayan ng bansa. **Ikalawang Yugto -- Panahon ng mga Amerikano:** \- Nagsimula ang masiglang pagsasalin ng mga akdang klasikang nasa wikang Ingles sa wikang pambansa. \- Ang pagsasalin ay hindi tuwiran, mula sa isang salin at hindi mula sa orihinal. \- Mahalagang Tagasalin: \- Rolando Tinio: Nagsalin ng maraming klasikong akda, ipinapalabas sa mga teatro sa Kamaynilaan. **Ikatlong Yugto -- Patakarang Bilinggwal:** \- Pagsasalin sa Filipino ng mga materyales pampaaralan na nasusulat sa Ingles. \- Higit na marami ang mga kursong ituturo sa Filipino kaysa Ingles. \- Halimbawa ng mga isinalin: gabay pampagtuturo sa Science, Home Economics, Good Manners and Right Conduct, Health Education, Music, Tagalog Reference Grammar, Program of the Girl Scouts of the Philippines. **Ikaapat na Yugto -- Pagsasalin ng mga Katutubong Panitikang Di-Tagalog:** \- Proyekto sa Pagsasalin ng LEDCO at SLATE: Naglalayong makabuo ng panitikang pambansa. \- Isinalin ang mga piling materyales sa pitong pangunahing wika ng bansa (Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte, Pampango, Pangasinan). \- GUMIL: Nagsalin ng mga kwentong Ilocano sa Filipino, na tinatawag na KURDITAN. **Ikalimang Yugto -- Pagsasalin ng Panitikang Afro-Asian:** \- Nagsimula dahil sa pagsasama ng panitikang Afro-Asian sa kurikulum ng ikalawang taon sa hayskul. \- Isagani Cruz: Nagsabi na mas madaling makita ang malayo kaysa sa mga likha ng mga kalapit na bansa. \- Transalation Project: Nagsalin ng mga piling panitikan ng mga kalapit na bansa (pinondohan ng Toyota Foundation at Solidarity Foundation). \- Rolando Tino at Behn Cervantes: Nanguna sa pagsasalin ng mga banyagang akdang pang-drama. **Mga Institusyong Nagsusulong ng Pagsasaling-wika:** \- NCCA (National Commission on Culture and Arts) \- PETA (Philippine Educational Theatre Association) \- Komisyon sa Wikang Filipino: Nagsalin ng mga karatula, dokumento, papeles para sa kasunduang panlabas, Saligang Batas. **Mga Hamon sa Pagsasaling-wika:** \- Ang pagsasaling-wika ay hindi pa gaanong nakakalayo sa kanyang simula, lalo na kung ihahambing sa ibang bansa sa Silangang Asya. \- Hindi pa naitatag ang isang talaan ng mga tagapagsaling-wika o registered translators. \- Kailangan ng paghahanda ng mga instrumento sa pagsusulit, sistema ng pagwawasto, at iba pang bahagi ng proseso. \- Ang pagtatatag ng samahan sa pagsasaling-wika ay makakatulong sa pagpapasigla ng mga gawain.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser