GAWAIN BLG. 4: SURVEY SA BUHAY - PAGHAHANAPBUHAY PDF
Document Details
Tags
Summary
This document contains learning activities and questions about work and values. It includes a survey activity, questions related to different work examples, and explores the concept of work within Filipino culture.
Full Transcript
GAWAIN BLG. 4 : SURVEY SA BUHAY - PAGHAHANAPBUHAY Panuto: Magsagawa ng isang maliit na survey sa loob ng klase. Itanong sa kapwa mag-aaral: Bakit kailangang maghanapbuhay ng tao? Ano ang iyong nabuong opinion ukol sa lumabas na pangunahing dahilan na ibinigay ng mga mag-aaral sa paghahanapbuhay? T...
GAWAIN BLG. 4 : SURVEY SA BUHAY - PAGHAHANAPBUHAY Panuto: Magsagawa ng isang maliit na survey sa loob ng klase. Itanong sa kapwa mag-aaral: Bakit kailangang maghanapbuhay ng tao? Ano ang iyong nabuong opinion ukol sa lumabas na pangunahing dahilan na ibinigay ng mga mag-aaral sa paghahanapbuhay? Tama ba ang kanilang katwiran o hindi? Pangatwiranan (10minuto) FORMAT Edukasyon sa Pagpapakatao IX GAWAIN BLG. 4: Buhay-paghahanapbuhay Pangalan: (Last Name, First Name,M.I.) Petsa: Baitang at Pangkat: Guro: 3 IKATLONG PAGTATAYA PANUTO: Sagutan ang pagtataya sa pahina 97-99, 1- 10. Sagot lamang ang isusulat sa inyong kwaderno. ( 5 MINUTO ) PAGSUSURI NG LARAWAN MGA PAMPROSESONG TANONG: 1. Ano ang pagkakaiba ng langgam, ibon, kalabaw at tao sa kanilang layunin sa ginagawa?Ipaliwanag. 2. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng Diyos? 3. Sa lahat ng mga nasa larawan, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa? 4. Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao? 5. May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan? Pangatwiranan. PANGKATANG GAWAIN BLG. 1 Basahin ang kwento ni Tony Meloto at ang kaniyang pagbabahagi ng kaniyang karanasan sa pagsisimula ng Gawad Kalinga. Pagkatapos, sagutan ang mga katanungan. Tiyaking lahat ng miyembro ng pangkat ay Ano para sa iyo ang kahulugan ng Dignidad? Ano ang ipinapahiwat ig ng larawan? MODYUL 7: ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO PAGGAWA ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito,materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay. Ayon kay S.J Esteban ng 2009-Ito ay isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay isang aktibidad ng tao. Maaari itong mano-mano,katulad ng paggawa ng bahay.Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas para sa mga produkto. Institute for Development Education,1991 – Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatu gon sa pangangailangan ng kapwa.Kung tayo ay gumagawa,hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang katulad ng hayop o makina.Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa Ayon sa akda ni Pope John Paul II na Laborem Exrcens- na ang paggawa ay anumang gawain- pangkai sipan man o manwal,anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan ,na makatao,nararapat para sa tao bilang anak ng Diyos.bilang siya ay maraming kaya at alam na gawin.May mga bagay na inilaan na gawin ng tao dahil siya ay katangi-tanging nilikha. MGA MAHALAGANG LAYUNIN NG PAGGAWA 1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing mga pangangailangan. 2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya 3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan. 4. Upang tulungan ang mga nangangailangan. 5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang mga sumusunod: a. Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan; b. Napagyayaman ang kaniyang pagiging malikhain; c. Napatataas ang tiwala sa sarili; d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito; e. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuahy ang tunay na pagbibigay; f. Nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na maipagpatuloy ang kanyang bokasyon at bigyang katuparan ito; g. Nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sa sarili at ng kapwa; h. Nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA Ang OBHETO ng paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources,instrumento, at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto. Tunay na ang pag-unlad ng teknolohiya ang isa sa palatandaan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ngunit sa wari ay nakaliligtaan na unti-unti nailalayo sa tao ang kaniyang tunay na esensya sa mundo- ang–paggawa na daan tungo sa 1)pagbuo ng tao ng kaniyang pagkakakilanlan at kakayahan 2) pagkamit ng kaganapang pansarili at 3) pagtulong sa kapwa upang makamit ang kaniyang kaganapan. Ang SUBHETO ng paggawa ay ang TAO -Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa -Ang halaga ng paggawa ay hindi nakikita sa proseso ng paggawa o sa produktong bunga nito kundi ang katotohanan na ang gumagawa nito ay tao. Mas kailangang manaig ang subheto kaysa obheto ng paggawa. ANG PANLIPUNANG DIMENSYON NG PAGGAWA Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapwa. Higit na nararapat na maging paniniwala ng lahat na “ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa.Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba.Mahalagang naibabahagi ang pag- asa,paghihirap,pangarap at kaligayahan at napagbubuklod ang loob,isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Ang paggawa ay lagpas sa pagkita lamang ng salapi; tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao. BATAYANG KONSEPTO: Sa pamamagitan ng paggawa, nakapagpapamalas ang tao ng mga pagpapahalaga na makatutulong upang patuloy na maiangat bunga ng kanyang paglilingkod , ang antas kultural at moral ng lipunan at makamit niya ang kaganapan ng kanyang SURIIN ANG LARAWAN: IKAAPAT NA PAGTATAYA (PP112- 113) 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10. TAKDANG ARALIN BLG 5 DALHIN ANG MGA SUMUSUNOD: 1. OSLO PAPER 2. COLORING MATERIALS 3. RULER 4. PENCIL 5. PRINTED PICTURE NG SIMBOLO NG PAGGAWA PARA SA IYO AWTPUT BLG 3: REPLEKSYON AT SIMBOLO