Aralin 5: Dignidad ng Tao (Tagalog)

Summary

Ang mga araling ito ay naglalaman ng mga prinsipyo tungkol sa dignidad ng tao at pangangalaga dito, kabilang ang paggalang sa mga kapwa at pagpapahalaga sa iba't ibang pananaw ng buhay.

Full Transcript

DIGNIDAD NG TAO, PANGANGALAGAAN KO Aralin: 5 Sa araling ito, inaasahang malaman at maunawaan ang mga sumusunod: mga pangkat na nagtataguyod at nagpapahalaga sa dignidad ng tao, Ang pag aangat hindi lamang ng pansariling dignidad kundi pati na ng kalakhang mamamayang Pilipin...

DIGNIDAD NG TAO, PANGANGALAGAAN KO Aralin: 5 Sa araling ito, inaasahang malaman at maunawaan ang mga sumusunod: mga pangkat na nagtataguyod at nagpapahalaga sa dignidad ng tao, Ang pag aangat hindi lamang ng pansariling dignidad kundi pati na ng kalakhang mamamayang Pilipino, at Ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng tao  Nang lalangin ng Diyos ang tao, tiniyak Niya na natatangi ito. Tulad ng natutuhan natin sa mga nakaraang aralin, nabatid natin na may kaloob sa atin ang Diyos na nagpapakatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha dahil sa kaloob na ito. Ito ang dignidad ng tao. Ang dignidad ay katangi-tangi dahil sa Diyos mismo nanggaling ito, at dahil dito nagkaroon ng kabuluhan ang buhay at pagkatao natin. Lahat ng tao, bata o matanda, mahina o malakas, mayaman o mahirap ay may angking dignidad na kailanman ay hindi  Makikita natin na bawat isa ay namumukod tangi dahil hindi siya maaaring palitan.  Sa pagiging bukod tangi ng tao nakabatay ang dignidad. Ito ay kaloob ng Diyos nang lalangin niya ang tao ayon sa kanyang wangis. D  Dahil dito, nararapat lamang na bigyang-galang natin ang ating kapwa, sapagkat tayo ay may kanya-kanyang dignidad Siyasatin:  Basahin at limiin ang nilalaman ng bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng tsek ang kolumn na angkop sa iyong gagawin.  Gabay sa pagsagot:  1- sa lahat ng pagkakataon  2 – malimit  3 – paminsan-minsan  4 – bihira  5 – hindi kailanman  1. Sa halip na balewalain ko ang sinasabi ng kausap dahil hindi ko ito maintindihan, nililinaw ko ang ibig niyang sabihin  2. Pinakikinggan ko ang ideya o opinion ng kapwa kahit na hindi ako masyadong interesado  3. Iniiwasan kung makasira ng reputasyon ng iba.  4. Sumasang ayon ako na hindi naman masamang makisalamuha sa mga taong naghihikahos.  5. Naniniwala akong ang nahusgahan sa hukuman ng pagnanakaw ay maaaring magbago at mapagkatiwalaan pa rin naman. 2. Paggalang sa dignidad at Karapatan ng kapuwa Kaakibat ng pakikipagkapuwa-tao ang paggalang sa dignidad at Karapatan ng kapuwa. Maging sa loob ng tahanan, ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang pananaw sa buhay, iba’t ibang hilig, pagpapahalaga at paniniwala. 2. Paggalang sa dignidad at Karapatan ng kapuwa Ang paggalang at pagtanggap ay hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa paniniwala at kaisipan ng kapuwa kung hindi pagpapakita ng paggalang sa pagkatao ng kapuwa.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser