GEC 110 (MASINING NA PAGPAPAHAYAG) - Tagalog

Summary

These notes are on the use of specific Tagalog words and phrases. There is specific detail on words that differ in meaning or usage and examples are provided for each item. This is potentially for use as a guide to enhance Tagalog written or spoken communication skills and grammar.

Full Transcript

**GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)** **Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani** Yunit 2: MABISANG PAGPILI NG MGA SALITA  Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan...

**GEC 110 ( MASINING NA PAGPAPAHAYAG)** **Inihanda ni: Maria Vanesa Agabin- Campani** Yunit 2: MABISANG PAGPILI NG MGA SALITA  Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag..   Kailangang taglayin ng mga pahayag ang kawastuhang pambalarila. May mga salita kasi tayong ginagamit na ang akala natin ay maaaring malayang nagkakapalitan, ngunit hindi naman kung ibabatay natin sa istriktong tuntuning pambalarila ![](media/image2.png) Pagkatapos ng yunit, inaasahang: 1. Magagamit ng wasto ang mga salita sa pagpapahayag maging pasalita man o pasulat 2. Maibibigay ang pagkakaiba sa gamit ng mga tayutay, idyoma at mga talinghaga. Aralin 1. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA Pagkatapos ng aralin, inaasahang: 1. Mabigyang kahulugan tayutay, idyoma at salawikain 2. Makapagbibigay ng sariling halimbawa ng tayutay, idyoma at salawikain. 3. Maipaliliwanag at magagamit ng wasto ang mga salita sa loob ng isang pahayag.. Ang **talasalitaan** (Ingles: *vocabulary*), na tinatawag ding **Vocabulary** o **bukabularyo**, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman. Pagkatuto ng isang pangalawang wika. Sa pangkaraniwan, ang talasalitaan ay binibigyang kahulugan bilang ang \"lahat ng mga salitang nalalaman at ginagamit ng isang partikular na tao\" **.** 1. **1. MAY at MAYROON** - Ginagamit ang **may** kung ito'y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita: Pangngalan\-- [May] prutas siyang dala. Pandiwa\-- [May] kumakatok sa labas Pang-uri\-- [May] prutas siyang dala Panghalip na Paari\-- [May] matalino siyang anak. - Ginagamit ang **mayroon** kung ito'y:       Sinusundan ng isang kataga o ingklitik\-- Hal. [Mayroon] ba siyang pasalubong?  Sinusundan ng panghalip palagyo\--    Hal. [Mayroon] siyang kotse  Nangangahulugang "mayaman"\--   Hal. Ang pamilya ni Carol ay [mayroon] sa kanilang lalawigan. 2. **KITA at KATA**        Ang **kita** ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang **kata** naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang **kita** ay tumutukoy sa kinakausap, at ang **kata** naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.            Hal. Nakita [kita] sa Baguio noong Linggo. [Kata] nang kumain sa kantina. 3. **KILA at KINA\--** Walang salitang **kila**. Ang **kina** ay maramihan ng kay.   Hal. Pakidala ang laruang ito [kina] Benny at Maris. Makikipag-usap ako [kina] Vec at Nona. **4. NANG at NG**    \-- Ginagamit ang **ng** bilang: a\.  katumbas ng *of* ng Ingles Hal. Si Mang Manding ang puno [ng] aming samahan. b.      Pang-ukol ng layon ng pandiwa Hal. Umiinom siya [ng] gatas bago matulog. c.       Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. Hal. Hinuli [ng] pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.       Ginagamit ang **nang** bilang: a. Katumbas ng *when* sa Ingles Hal. Kumakain kami ng hapunan [nang] dumating si Tiyo Berting. b.      Katumbas ng *so that* o *in order to* sa Ingles Hal. Mag-aral kayo nang mabuti [nang] kayo'y makapasa. c.       Pinagsamang pang-abay na *na* at pang-angkop na *ng* Hal. Kumain (na+ng) [nang] lugaw ang batang maysakit. d.      Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa Hal. Siya ay tawa [nang] tawa. **5. DAW/DIN at RAW/RIN**     Ginagamit ang **daw/din** kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at **raw/rin** kapag nagtatapos sa patinig.  Hal. May sayawan [daw] sa plasa.  Sasama [raw] siya sa atin. **6. KUNG at KONG**    Ginagamit ang **kung** bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang *if* sa Ingles; ang **kong** ay panghalip panao sa kaukulang paari.       Hal. Matutulog na ako [kung] papatayin mo na ang ilaw.  Nabasâ ang binili [kong] aklat. **7. KUNG DI at KUNDI**\--Ang **kundi** ay galing sa salitang "kung hindi" o *if not* sa Ingles; ang **kundi** naman ay *except*.   Hal. Aaalis na sana kami [kung di] ka dumating.    Walang sinuman ang pwedeng manood [kundi] iyong mga may tiket lamang. **8. PINTO at PINTUAN**\--  Ang **pinto** (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala, ang **pintuan** (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.   Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang [pinto].           Natanggal ang pinto sa [pintuan]. **9. HAGDAN at HAGDANAN**             Ang **hagdan** (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala, ang **hagdanan** (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.             Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga [hagdan].                    Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng [bintana]. **10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN**             Ang **pahirin** at **punasin** (*wipe off*) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.             Ang **pahiran** at **punasan** (*to apply*) ay nangangahulugang lagyan.             Hal. [Pahirin] mo ang mga luha sa iyong mga mata.                    [Pahiran] mo ng palaman ang tinapay.                    [Punasin] mo ang pawis sa iyong likod.                    [Punasan] mo ng alkohol ang iyong mga binti. **11. OPERAHIN at OPERAHAN**             Ginagamit ang **operahin** kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang **operahan** naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.             Hal. [Ooperahin] ang tiyan ni Rey sa Sabado.                    [Ooperahan] si Rey sa tiyan sa Sabado. **12. WALISIN at WALISAN**             Ginagamit ang **walisin** (*sweep the dirt*) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin samantalang ang **walisan** ay tumutokoy naman sa lugar (*to sweep the place*).             Hal. [Walisin] ninyo ang mga kalat sa sahig.                    [Walisan] ninyo ang sahig. **13. IKIT at IKOT**             Ginagamit ang **ikit** para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang **ikot** naman ay mula sa loob patungo sa labas.             Hal. Nakatatlong [ikit] muna sila bago natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Nahirapan pala silang makalabas sa tunnel. [Umikut-ikot ]muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas. **14. SUNDIN at SUNDAN**             Ang **sundin** (*to obey*) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral; ang **sundan** (*to follow*) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba. Hal. [Sundin] mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan.         [Sundan] mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan.         [Sundan] mo siya baka siya maligaw. **15. SUBUKIN at SUBUKAN** **Subukin** (*to test, to try*) -- masubok ang husay o galing ng isang bagay o  **Subukan** (*to see secretly*) -- palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa   Hal. [Susubukin] ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.           [Subukan] mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-bahay. **16. HATIIN at HATIAN** **Hatiin** (*to divide*) -- partihin; **Hatian** (*to share*) -- ibahagi Hal. [Hatiin] mo sa anim ang pakwan.         [Hinahatian] niya ng kanyang *hamburger* ang namamalimos na bata. **17. IWAN at IWANAN**             **Iwan** (*to leave something or somebody*) -- huwag isama;             **Iwanan** (*to leave something to somebody*) -- bigyan             Hal. [Iniwan] ni Arnie ang kotse sa garahe.                    [Iniwanan] ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis. **18. NABASAG at BINASAG**  Ang salitang **nabasag** ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang **binasag** naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.             Hal. Galit na galit na [binasag] ng lalaki ang mga salamin ng kotse.                     Nagmamadali kasi siyang maghugas kaya [nabasag] niya ang **19. BUMILI at MAGBILI**             **Bumili** (*to buy*);             **Magbili** (*to sell*) -- magbenta    Hal. Pumunta ang nanay sa Baguio para [bumili] ng mga sariwang gulay.            Ang trabaho ng tatay niya ay [magbili] ng mga lumang kasangkapan. **20. KUMUHA at MANGUHA**             **Kumuha** (*to get*);             **Manguha** (*to gather, to collect*)             Hal. [Kumuha] ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.                    [Nanguha] ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan. **21. DAHIL SA at DAHILAN**             **Dahil sa** -- ginagamit bilang pangatnig na pananhi;             **Dahilan** -- ginagamit bilang pangngalan    Hal. Hindi siya nakapaglaro ng basketbol [dahil sa] taas ng kanyang lagnat.           Ang [dahilan] ng pag-iyak niya ay dahil sa masasakit mong pananalita. **22. TAGA at TIGA**  Walang unlaping **tiga-**. **Taga-** ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi.             Hal. Si Juan ay [taga-Bikol].                     [Taganayon] ang magandang babaeng iyon. **23. Napatay at Namatay** Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya **24. Kapag at Kung** Ipinakikilala ng kung ang di- katiyakan ng isang kalagayan. Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak. Hal: Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka. Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse. **25.. Iwan at Iwanan** **Ang iwan ( to leave something ) ay nangangahulugang huwag isama/ dalhin samantalang ang iwanan ( to leave something to somebody ) ay nangangahulugan bibigyan ng kung ano ang isang tao.** **Halimbawa: Iwan mo na ang anak mo sa bahay niyo.** **Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian. Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.** MGA TALINGHAGA ( IDYOMA, TAYUTAY, SALAWIKAIN, SAWIKAIN, KASABIHAN, KAWIKAAN) IDYOMA---salita o mga salita na may sariling kahuluganwari\`y lihis sa tuntunin ng gramatika. Ang kahulugan ng mga ito ay matatanto sa mga salita na bumubuo nito dahil may sarili itong kahulugan. HALIMBAWA: Matamis ang dila \--isang taong mahusay kumimbinsi o humikayat Naghahalukipkip ng kamay---nagwawalang bahala sa nakita o nakikita Magdilat ng mata---mag isip-isip ng mabuti sa mga nagaganap Di mahayapang gatang---isang taong ayaw malampasan o padaig Hubad sa katotohanan---hindi totoo Itanim sa isip---pakatandaan o tandaang mabuti Kanang kamay---mahalagang katulong o pinagkakatiwalaan. Utak---nagplano o namuno sa pagsasagawa May gatas pa sa labi---taong kulang pa sa karanasan Bukambibig---laging sinasabi Nagbubuhat ng sariling bangko---pinipuri ang sarili Ilista sa tubig---kalimutan na ang pautang / di na inaasahang babayaran pa Itaga sa bato---tandaan mo Nagmahabang dulang---ikinasal Namuti ang mata---nainip Nagdaan sa butas ng karayom---dumaan sa mahigpit na pagsubok Magdilang anghel---magiging totoo ang sinasabi Balat sibuyas---maramdamin Asal hudas---taksil Ibayong dagat---ibang lupain MGA TAYUTAY: Anumang pagpapahayag ay nagiging kaakit akit kung ginagamitan ng tayutay. Ang ganito ay sadyang ginagawa upang higit na maging kapansin-pansin at mabisa ang pagpapahayag MGA URI NG TAYUTAY: 1.Pagtutulad (Simili)---payak na paghahambing ng dalawang bagay, tao , pangyayari o kaisipan na gumagamit ng mga katagang tulad, gaya, animoy kawangis atbp. \* Ang buhay ay tulad ng isang gulong, minsa\`y nasa ibabaw minsa\`y nasa ilalim. \* Ako\`t tila isang nakadipang krus. 2\. Pagwawangis (Metapora)---tiyakang paghahambing ng dalawang bagay na hindi gumagamit ng anumang kataga. \* Ang buhay ay gulong na patuloy na umiikot. \* Ang karunungan ay hagdan patungo sa tagumpay. 3\. Pagbibigay katauhan / Pagsasatao/ Personipikasyon -- gawi ng tao na isinasalin sa mga karaniwang bagay. \* Kaytuling tumakbo ng panahon. \* Nakikiisa ang panahon sa pagdadalamhati ng mga mamamayan. 4\. Pagmamalabis (Hyperbole)---pagpapalabis o pinagkukulang ang tunay kalagayan. \* Ang biktima ay natagpuang lumulutang sa sariling dugo. \* Maliit pa pala iyan sa tungaw kaya mahirap hanapin. 5\. Pagpapalit saklaw (Synecdoche)---pagpapahayag na binabanggit ang isang bahagi ng bagay o tao para sa kabuuan o isang pangkat. \* Hindi biRo ang magpakain ng sampung bibig araw-araw. \* Maraming balikat ang nagpasn para itayo ang gusaling ito. 6\. Pagpapalit tawag (Metonymy)---nagpapalit ng katawagan o ngalan ng bagay na tinutukoy. \* Si Celia ang tala ng kanilang nayon. \* Isang bandehado ang naubos niya. 7\. Pag-uyam (Irony/ Sarcasm)---pangungutya sa pamamagitan ng pamumuri o kapuri-puring salita. \* Kahanga-hanga ang mga kabataang pagkatapos tumira ng ilang tao sa ibang bansa, nakalimutan na ang sariling wika. \* kaygandang lumakad ng kasintahan mo, nag-uumpugan ang mga tuhod. 8\. Pagtawag (Apostrophe) pagkausap na ipinalalagay na kaharap ang isang bagay o tao. \* Tukso, layuan mo ako! \* Kapalaran, bakit ba kaylupit mo? 9\. Pasalungat (Epigram)\-- gumagamit ng mga salitang magkasalungat ang kahulugan na pinag- uugnay. \* Ikaw ang puno\`t dulo ng aking kasawian. \* Lulubog- lilitaw siya sa loob ng klase. 10\. Pagpapalit wika (Transferred Epithets)---Pang- uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat sa ibang bagay. \* Ang mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng masarap na pagkain. \* Ang matapat na payong ay patuloy na naglilingkod sa kanya. 11\. Pagtanggi(Litotes)---gumagamit ng salitang "hindi" upang ipahayag ang makabuluhang pagsang-ayon. \* Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako sa kanya. \* hindi ka nga makulit, paulit --ulit lang naman ang sinasabi mo. 12\. Paghihimig (Onomatopoeia)---ang kahulugan ay nailalahad sa tulong ng tunog o himig ng mga salita. \* Gumuguhit ang nagngangalit na kidlat sa kalawakan. \* Dumadagundong ang tunog ng loudspeaker sa mahinang dibdib ng matanda. 13\. Anapora---pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. \* Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayaN, Kabataan ang sanhi ng pagsisikap ng bawat magulang Ngunit kabataan din ang sisira sa sariling kinabukasan At kabataan din ba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa. 14\. Epipora---Pag-uulit ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod. \* Ang konstitusyon o saligang batas ay para sa mamamayaN, Gawa ng mamamayan At mula sa mamamayan. 15\. Anadiplosis---kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli. \- huling salita ng unang taludtod magiging unang salita ng susunod na taludtod. \* Matay ko man yatang pigilin Pigilin ang sinTAng sa puso\`y tumiim Tumiin na sinta\`y kung aking pawiin Pawiin ko\`y tantog kamatayan ko rin. SALAWIKAIN--- ito ay mga kaisipang parang parabulang patalinghaga at nagbibigay ng aral na nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal. HALIMBAWA: Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. Hamak mang basahan, may panahong kailangan. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot. KAWIKAAN---ay paalala na may dalang mahalagang mensahe at aral na kadalasan ay hango sa bibliya. HALIMBAWA: Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang kahambing. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan. Ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw. Ang nagpapakababa ay itataas, ang nagpapakataas ay ibababa. SAWIKAIN---ito ay pahayag na wala ng nakatagong kahulugan. HALIMBAWA: Ang tao ay matatalos sa kanyang pananalita at kilos. Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan. Ang sakit kapag naagapan madaling malunasan. Anoman ang gawa na minadali, ay hindi iigi ang pagkakayari. Daig ng maagap ang taong masipag. KASABIHAN---ito ay bukambibig o sabi-sabing hinango sa karanasan ng buhay na nagsisilbing patnybay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng panahon. Kadalasay ginagamit sa panunukso o sa pagpuna sa kilos ng isang tao. HALIMBAWA: Putak ng putak, batang duwag. Matapang ka\`t nasa pugad. Ubos- ubos biyaya, bukas nakatunganga. Ang maniwala sa sabi- sabi walang bait sa sarili. Magbiro kana sa lasing huwag lang sa bagong gising. Pili ng pili nauwi sa bungi. I. Piliin at salungguhitan ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag. 1.Tumakbo siya (ng ,nang ) matulin. 2.Ginamot (ng ,nang ) bata ang sugatang aso. 3\. May engkwentro (daw, raw ) sa Marawi kamakailan. 4.Gusto ko ang bagong kulay ng (pinto, pintuan). 5.Mabilin niyang tinakbo ang mga( hagdan, hagdanan). 6\. Huwag kang (bumitiw, bumitaw ) para hindi ka mawala. 7\. Pakidala ang mga aklat ( kina, kila ) Vilma at Jenny. 8\. Hindi niya tiyak (kapag, kung) sa Sabado o Linggo siya uuwi. 9\. (Abutin, Abutan ) mo ang iyong mga pangarap. 10\. (Linisin, Linisan ) nyo ang kalat bago pa man may madulas. II\. Pag- aralan ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang uri ng tayutay na ginamit. 1.Kawangis ni Rose ang isang talang nagniningning sa kalangitan. ***Simili*** 2.Minsan. lason ang sobrang pagmamahal. 3\. Ano ka ba kabaitan? Ikaw ba\`y isang pangalang walang kabuluhan? ***Pagtawag*** 4\. Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang kariktan ng mga bulaklak. 5\. Nagbunyag ng lihim ang tahinik na silid aklatan. 6\. Maraming buwaya ang nagbabago sa panahon ng pamumulitika. 7\. Kung kalian magpapantay an gating mga paa ay nananatiling hiwaga. 8\. Sa gandang taglay niya ,lahat ay iibig sa kanya. 9\. Halos magdamag akong di makatulog sa lakas ng dagundong ng kulog at mabilis na pagdaan ng kidlat. ***Paghihimig*** 10\. Nasa karuwagan ang katapangan. ***Pasalungat*** III.Suriin ang mga sumusunod na pahayag kung ito Salawikain, Sawikain, Kasabihan o Kawikaan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. 1.May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. ***Kasabihan*** 2\. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala. 3\. Pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw. 4\. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. 5\. Huwag kang magtiwala sa hindi mo kakilala. 6\. Sa pagsisikap nakasalalay ang tagumpay ng buhay. 7\. Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga. 8\. Walang biyaya sa lupa na di dinilig ng luha. 9\. Sa taong may hiya ang salita ay panunumpa. 10\. Ang hipong tulog, tinatangay ng agos. Mga Sanggunian Alcaraz, Cid V., et.al 2005, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lounimar Publishing Inc. Manila Bendalan, Nilda B.,2018. RETORIKA, Mabisa at Masining na Pagpapahayag at Pagsasalin pasa sa mga Milenyal. Wiseman\`s Book Trading Inc. Casanova, Arthur P. ,2003. Retorika: Mabisa at Makabuluhang Pagpapahayag. Rex Book Store. Manila, Phils. Catacataca, Pamfilo et.al., 2005. Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad. Rex Book Store. Manila, Phils.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser