YUNIT-1 PDF
Document Details
Uploaded by HonorableTulip
Batangas State University
Tags
Summary
This document discusses the importance of Filipino language in higher education and beyond. It examines various perspectives and arguments related to this topic, including positions and cases regarding the use of Filipino.
Full Transcript
Yunit 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA BalangkasngAralin: 1. Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at PanitikansaKolehiyo 2. Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa KolehiyoatmasMataasnaAntas POSISYONG PAPEL TANGGOL WI...
Yunit 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA BalangkasngAralin: 1. Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at PanitikansaKolehiyo 2. Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa KolehiyoatmasMataasnaAntas POSISYONG PAPEL TANGGOL WIKA CHED MEMORANDUM ORDER Balangkas Aralin 1: ng Aralin: MGA POSISYONG PAPEL HINGGIL SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO Mga Nanguna sa Pagsasampa ng Kaso Mga Abogadong Naghanda ng Petisyon TANGGOL WIKA POSISYONG PAPEL MGA POSISYONG PAPEL HINGGIL SA FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano” De La Salle University – Manila (Agosto 2014) “Ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang diin ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng ibat ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din ng malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapakipakinabang sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon, pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan. Ang adbokasiyang itoy pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskurong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki pakinabang na mamamayaan ng ating bansa.” Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano” mula sa De La Salle University – Manila (Agosto 2014) “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013” Ateneo de Manila University “Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino, isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larangan ng karunungan na nagtatampok sa pagka Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas ng tersiyarya at gradwado bilang integral na bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… ang banta na alisin ang Filipino sa akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaylayan o marhinalisasyon ng mga wika at kulturang panrehiyon. Kakabit ng pag- aaral ng Filipino bilang disiplina ang pagtatanghal at paglingap ng mga wika at kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskurso. At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes.” Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013” mula sa Ateneo de Manila University “Susi ng Kaalamang Bayan” Unibersidad ng Pilipinas, Diliman “Nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal – mga kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong bayan at napakikinabangan ng bayan. Gawain ng mga guro sa Filipino sa antas tersarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino upang gawing kapakipakinabang ang napili nilang disiplina sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng mamamayan ang kanilang kaalaman.” Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Susi ng Kaalamang Bayan” mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas” Polytechnic University of the Philippines “Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw araw na pakikipag talastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino kaya kung ihihiwalay sa mga mag aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag aaral ng wikang Filipino, tinanggal narin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo yun ang identidad mo.” Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas” mula sa Polytechnic University of the Philippines ”Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay ng katuturan sa mga karaniwang karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo” Philippine Normal University “Isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na karunugan na pakikinabanagan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagan domeyn na humuhubog sa kaalaman at kasayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ang wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga araling hindi lamang natatapos sa apat na sulok ng silid aralan.” Sipi ng Posisyong Papel na may pamagat na: “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas” mula sa Polytechnic University of the Philippines Sa iyong palagay, ano ang naging tungkulin ng mga posisyong papel upang matamasa ang hangarin na muling maging bahagi ng kolehiyo ang Filipino at Panitikan? Aralin 2: FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO AT IBA PANG MATAAS NA ANTAS “Subject to the provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.” “Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang ito ay dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng mga wika sa Pilipinas. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod and paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.” Ahensya ng gobyerno na nangangalaga at nagpapatuloy sa pagpapaunlad ng wikang Pambansa at iba pang wika sa bansa. Pangulong Corazon C. Aquino “Nag-aatas sa lahat ng mga Kagawaran/ Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsasagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon at Korespondensiya.” FILIPINO Ang FLIPINO ang wikang ginagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakakarami. (Lumbera et al. 2007) ❑ Agosto 10, 2014 - Inilathala ni G. David Michael San Juan ang kanyang artikulong 12 Reasons to Save the National Language. ❑ Nasasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng konstitusyon ng bansa. ❑ Epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung ito ay ituturo din bilang isang sabjek o disiplina. ❑ Globalisasyon at ASEAN integration ❑ Paraan ng paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul. ❑ Ang Filipino at Panitikan ay parehas sa College. Readiness Standard sa CHED’s Resolution no. 298-2011. ❑ Hindi kaya sa senior hayskul masakop lahat ng content at performance standards na kasalukuyan ng itinuturo sa kolehiyo. ❑ Filipino ang wikang pambansa at sinasalita ng nasa 99% ng populasyon. ❑ Filipino ay isang pandaigdigang wika na itinuturo at pinag-aaralan sa mahigit walumpong institusyon at unibersidad sa ibang bansa. ❑ May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang de-lata at nakapaketeng produkto. ❑ Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang Filipino. ❑ Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas. Hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino. ❑ (G.Virgilio Almario, 2014) napakarami pang dapat gawin upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. ❑ Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997- pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. FILIPINISASYON NG MASS MEDIA ❑ Paggamit ng wikang Filipino sa mga public affairs at news program. ❑ Pag-usbong ng mga programang “Batibot”, “Bayani”, “Pong Pagong”, Kikong ❑ Pag sasaFilipino ng mga banyagang cartoons kagaya ng “Tom Sawyer”, “Voltes V”, “Cedie” at iba pa. ❑ Pag-ungos ng pahayagang Filipino sa bilang ng mga Ingles na broadsheet ❑ Popularisasyon ng mga radyo-dramang tagalog ❑ Filipinasyon ng dyaryo Gawain 2: Wikang Pinoy Meme ❑ Ang mga mag-aaral ay aatasan na lumikha ng tatlong meme na sumasalamin sa mga gampanin ng Filipino bilang wika ng komunikasyon. Ang bawat meme ay kakatawan sa ideya ng mag- aaral bilang isang estudyante sa kolehiyo, bilang guro sa hinaharap, at bilang isang Filipino. ❑ Maaaring gamitin ang mga larawan na palasak ng ginagamit sa social media ngunit siguraduhing ang mga salita ay manggaling sa kaisipan ng bawat mag-aaral. ❑ Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.