Aralin 2 KONSEPTONG PANGWIKA PDF
Document Details
Uploaded by NicerDystopia
Philippine Science High School System
Tags
Summary
This document is an outline for an activity related to Filipino language. It contains the lesson objectives and includes a section for students to research words with different meanings depending on the region. It also includes sections on monolingualism, bilingualism, and multilingualism.
Full Transcript
KONSEPTONG PANGWIKA Aralin Filipino 5: Filipino sa Agham, Matematika, at Teknolohiya Module Code: Fil 5 Lesson Code: 2.1 Time Limit: 90 minuto TA: 3 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng aralin, ang mga is...
KONSEPTONG PANGWIKA Aralin Filipino 5: Filipino sa Agham, Matematika, at Teknolohiya Module Code: Fil 5 Lesson Code: 2.1 Time Limit: 90 minuto TA: 3 minuto ATA: _____ Sa katapusan ng aralin, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. natutukoy ang konseptong pangwika; 2. nakapag-iisa-isa ng pagpapahalaga sa mga konseptong pangwika; at 3. nakasusulat ng diyalogo gamit ang konseptong pangwika. TA: 10 minuto ATA: _____ Magsaliksik ng 10 salita sa Filipino na may ibang kahulugan kung sa ibang rehiyon gagamitin. Sundan ang halimbawa sa ibaba. Salita Lugar/ Kahulugan Lugar/ Kahulugan Lugar/ Kahulugan ng salita sa tiyak ng salita sa tiyak ng salita sa tiyak na lugar na lugar na lugar 1. Kanin Bicol/maluto 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Paano nakatutulong ang ibang wika sa Pilipinas sa pag-unlad at pagyabong ng Wikang Filipino? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Filipino 5 // Pahina 1 ng 10 TA: 15 minuto ATA: _____ UNA AT IKALAWANG WIKA - KATUTURAN AT PAGKAKAIBA Wikang natutuhan sa magulang Wikang Gamit sa naturang kinagisnan ng Unang pakikipag-usap isang tao Wika Unang wika ng isang bayan o bansa Natutuhan mula lima hanggang pitong taon pagtuntong sa paaralan Ang guro lamang o Anomang bagong sinomang tagapagturo ng Ikalawang wikang natutuhan pangalawang wika sa Wika pagkatapos ng paaralan ang magiging unang wika gabay sa pagtuturo Ang tunog ay kinakailangang pag- aralan upang mabigkas, maunawaan at magamit sa pakikipagtalastasan Filipino 5 // Pahina 2 ng 10 Ang unang wika ay ang wika ng mga sanggol na kanilang nakuha mula sa kapanganakan hanggang sa umabot sa 7 o 8 taong gulang. Maaari nilang panatilihin ang pag- aaral ng wika kahit na pagkatapos ng mga nasabing taon upang makabisado ang istruktura ng wika. Natututuhan ng mga bata ang wika nang natural at walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga magulang na nakikipag-ugnayan sa kanila , o kahit na sa pakikinig sa kapwa batang nakikipag-usap dito. Ang pangalawang wika naman ay isang wikang karaniwang natututuhan sa isang mas huling yugto. Ito ay isang di-katutubong wika. Walang limitasyon sa pangalawang wikang matututuhan ng isang indibidwal. Ang pangalawang wika ay maaaring maging anomang wika maliban sa dila ng ina o katutubong wika. Ang proseso ng pag-aaral na ito ay aktibo at nangangailangan ng pagsisikap upang maging pamilyar sa mga tuntunin ng balarila, istruktura, pagbigkas, bokabularyo at marami pang mga konsepto. MONOLINGGWALISMO, BILINGGWALISMO AT MULTILINGGWALISMO MONOLINGGUWALISMO BILINGGUWALISMO MULTILINGGUWALISMO 1. Ang tawag sa 1. Ang paggamit o 1.Hango sa salitang ingles na pagpapatupad ng iisang pagkontrol ng tao sa “multi” na ang kahulugan ay wika sa isang bansa dalawang wika na tila marami at salitang “language” na ba ang dalawang ito ang ibig sabihin ay salita o wika. 2. Iisang wika ang ang kaniyang ginagamit na wikang Sa kabuoan ang katutubong wika. panturo sa lahat ng larang multilingguwalismo ay ang at/o asignatura. 2. Isang taong may kakayahan ng isang indibidwal na sapat na kakayahan makapagsalita/makipagtalastasan 3. May iisang wikang sa isa sa apat na gamit ang tatlo o higit pang wika. umiiral bilang wika ng makrong kasanayang edukasyon, wika ng pangwikang komersyo, wika ng kinabibilangan ng negosyo, at wika ng pakikinig, pagsasalita, pakikipagtalastasan sa pagbasa, at pagsulat pang- araw-araw na sa isa pang wika buhay maliban sa kaniyang unang wika 3. Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal. 4. Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung nagagamit niya ang ikalawang wika nang matatas sa lahat ng pagkakataon. Filipino 5 // Pahina 3 ng 10 Ayon kina Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibidwal na iisang wika lamang ang nagagamit. Mula sa salitang ‘mono’ ay magkakaroon na ng pagkakakilanlan na ang monolingguwal ay ang pagkakaroon ng iisang lengguwahe o wika. Sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang monolingguwal na bansa nangangahulugang iisang wika ang umiiral bilang wika ng komersiyo, negosyo, at pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan nito. Bukod rito, ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng asignatura o larang ay iisang wika rin. Ayon kay Weinrich (1935), ang bilingguwalismo ay katawagan sa paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan at ang taong gumagamit nito ay tinatawag na bilingguwal. Ito ay nangangahulugang ang bilingguwalismo ay isang penomenang pangwikang ginagamit sa sosyolinggwistiks. Dito pinakikita ang ugnayan ng tao sa lipunan sa pamamagitan ng komunikasyong ginagamitan ng dalawang wika. Ayon kay Bloomfield (1935), ito ay tumutukoy sa pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kaniyang katutubong wika. Ito ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at pakikipagtalastasan sa paraang ang hiram na wika ay nagiging sarili niyang wika sa pagdaan ng panahon. Nangyayari ito dahil sa katagalan ng panahon ng paggamit ng ibang wika nang hindi nakaliligtaan ang katutubong wika. Katulad sa Pilipinas na gumagamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa at wikang Ingles naman bilang wikang global. Kung minsan nagagamit ng bilingguwal ang dalawang wika nang halos hindi na makilala o matutukoy kung alin sa dalawang ito ang unang wika at kung alin ang ikalawang wika. Ayon kay Leman (2014), ang mga tao ay maaaring matawag na multilingguwal kung maalam sila sa pagsasalita ng dalawa o higit pang wika, anoman ang antas ng kakayahan. Base rito, maaaring tawaging mulitilingguwal ang isang tao kung siya ay may kakayahang makapagsalita ng dalawa o higit pang wika nang hindi sinusukat ang kanyang kasanayan at kagalingan sa mga wikang ito na kaniyang sinasalita. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa kakayahan ng isang indibidwal na magsalita ng isang wika kung hindi sa kakayahan rin nitong makaunawa. BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang barayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang positibo, isang penomenong pangwika o magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002), ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga taong bumubuo sa lipunan o komunidad.” Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang lumilinang ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman, pati na rin sa wika. Kung kaya, ayon kay Zosky, may tinatawag na varayti ng wika o sub-languages na maaaring iklasipika nang higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kaniyang tinatawag na Idyolek, Dayalek, Sosoyolek, Rejister, Estilo at Moda, Rehiyon, Edukasyon, Midya, Atityud at iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga kaparaanan ng pagkaklasipika ng wika ayon sa mga gumagamit nito. Higit ang ganda ng mundo kung may pagkakaiba-iba o barayti. Paano mapahahalagahan ang kagandahan kung panay na lamang mestisa? Paano na ang salitang “makulay” kung wala ang barayti ng pula, asul, dilaw at iba pa? At masarap nga kayang mabuhay kung panay na lamang lungkot o takot o kasiyahan? Sapagkat likas na ang wika, ganyan din ang dapat asahan. Walang dudang iba ang Filipino sa Ingles at Espanyol, o maging sa Nihonggo at Pranses. Sa puntong ito ng talakayan sa wika, bibigyang-diin na Filipino 5 // Pahina 4 ng 10 maging ang iisang angkan ng wika, partikular na ang mga katutubong wika sa Pilipinas ay may mga barayti. Ayon pa kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang dimensyon ang baryabilidad o pagkakaiba-iba ng wika: 1. Heograpiko (diyalekto) Ang una ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay nalilinang ang barayating pangwika Sa ibang libro ay dayalekto o sa mas tradisyonal pa, ang tawag dito ay wikain. Ito na yata ang pinakapopular pagkat hindi miminsang ganito ang taguri sa wikang Tagalog. HINDI TOTOO! Ang Tagalog ay wika at bilang isang wika, nagkakaroon ito ng barayti ayon sa lugar kung saan ginagamit ito. Ayon kina Zafra at Constantino (2001), kasama na rito ang punto, bokabularyo o pagkakabuo ng salita. Bilang kongkretong halimbawa, iba ang Tagalog Maynila sa Tagalog Cavite, Bulacan, Batangas at iba pang lalawigang nasa rehiyong Tagalog. Madalas pa ngang gawing biro na ang ala eh ay pekulyar sa Batangueño, ang ah naman ay mapapansin sa mga taga-Bataan. Kung kaya, ganito ang pagsasalita nila: (Maynila) Ang layo naman! (Batangas) Ala, ang layo eh! (Bataan) Ang layo ah! 2. Sosyo-ekonomiko (sosyolek) Sa ikalawa, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan.Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita. Iba’t Ibang Sosyolek 1. Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: Churchill - sosyal Indiana jones - hindi sumipot Begalou - malaki Givenchy- pahingi 2. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng code switching. Kadalasan din itong ginagamitan ng pandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na, lang at iba pa. Halimbawa: Let’s make kain na… Wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make pila pa… It’s so haba na naman for sure. 3. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na pokemon. Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit sinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z. Filipino 5 // Pahina 5 ng 10 Halimbawa: 3ow phow,mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo? aQcKuHh iT2h - Ako ito iMiszqcHyuH - I miss you 4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao. Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant guro – lesson plan, class record, Form 138 Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang baryasyon ng wika sa pamamagitan ng: a. mga taong bumubuo rito; b. pakikipagkomunikasyon ng tao; c. interaksyon ng mga tao sa mga katangian ng pananalita ng mga tao, at d. sa sosyal na katangian ng mga tao. TA: 37 minuto ATA: _____ Gawain 1 Isalin sa wikang ginagamit mo sa inyong lugar ang isang halimbawa ng kuwentong pambatang salin din mula sa Ingles ni Eugene Y. Evasco. Ito ay pinamagatang Peter Rabbit. ANG KUWENTO NI PEDRO KUNEHO Noong unang panahon, may apat na munting kunehong nagngangalang Flopsy, Mopsy, Buntot-bulak, at Pedro. Kasama nila ang kanilang inang naninirahan sa pasigan, sa ilalim ng ugat ng malaki at malabay na puno ng abeto. “Mga anak,” isang umagang winika ng matandang si Gng. Kuneho, “maaari na kayo ngayong magtungo sa parang at maglagalag, pero huwag na huwag kayong pupunta sa taniman ni G. Mcgregor. Naaksidente ang inyong ama roon; naging palaman sa empanada ni McGregor. Sige, umalis na kayo pero huwag kayong gagawa ng anomang kabulastugan. May aasikasuhin lang ako.” Kinuha ng matandang Gng. Kuneho ang kaniyang basket at payong at tinalunton ang kakahuyan patungong panaderya. Bumili siya ng limang piraso ng monay. Filipino 5 // Pahina 6 ng 10 PAGSASALIN SA WIKA o DIYALEKTONG GINAGAMIT SA LUGAR _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ ________ Gawain 2 Gumawa ng isang diyalogo gamit ang barayti ng wika (maaaring dayalek o sosyolek) na tinalakay sa modyul na ito. Pumili lamang ing sa sumusunod na mga paksa: 1. FX/jeep/bus/tricycle driver sa kaniyang mga pasahero at kapwa tsuper 2. Usapan ng mga bata sa isang internet shop 3. Mga estudyante sa kolehiyo habang nakatambay sa kantina 4. Magkakaibigang bakla habang hinihintay ang sasakyan papuntang paaralan. Filipino 5 // Pahina 7 ng 10 DIYALOGO TA: 25 minuto ATA: _____ Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng kahinaan at kalakasan ng monolingguwalismo, bilingguwalismo, multilingguwalismo. Ang sanaysay ay bubuoin lamang ng hindi lalampas sa tatlong talata. Ang bawat talata ay bubuoin lamang ng hindi lalampas sa pitong pangungusap. Narito ang rubrik sa paggawa ng sanaysay. Filipino 5 // Pahina 8 ng 10 RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY Puntos Pamantayan Napakahusay Mahusay Pahusayin Pa (4-5) (2-3) (0-1) Malinaw na naipakilala Hindi gaanong Hindi naipakilala Panimula ang paksa. naipakilala ang ang paksa. paksa. Maayos na tinalakay Hindi gaanong Hindi natalakay Katawan ang paksa. maayos ang ang paksa. pagtalakay ng paksa. Maayos na naipakita Hindi gaanong Hindi naipakita Kongklusyon ang kongklusyon sa maayos na ang kongklusyon. paksang tinatalakay. naipakita ang kongklusyon sa paksang tinatalakay. Akma ang mga bantas May isa hanggang Tatlo o higit pa Tamang baybay at at baybay at wasto dalawang ang naging gramatika ang pagkakagamit ng kamalian sa kamalian sa mga salita. pagbabaybay, pagbabaybay, pagbabantas, at/o pagbabantas, at/o gamit ng salita. paggamit ng mga salita. Nagbibigay ng Hindi masyadong Walang epekto Kabuoan impresyon sa nagbigay ng ang sanaysay sa mambabasa. impresyon sa mambabasa. mambabasa. Sanggunian: Batnag, Aurora E., et al.(2009). Teksbuk sa Pagsasalin. Quezon City: C & E Publishing, Inc. Bacacao, Kerstine Love D. (2017).Una at Ikalawang Wika - Katuturan at Pagkakaiba. https://prezi.com/p/y7tp6crs0co7/una-at-ikalawang-wika/ Cortex, Lexter Ivan (2018). Modyul 1: Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, Multilingguwalismo at Poliglot. https://www.slideshare.net/LexterIvanCortez/modyul-1-monolingguwalismo- bilingguwalismo-multilingguwalismo-at-poliglot Francisco, Christian George C. (Fakulti, Kagawaran ng Filipino at Panitikan). Varayti at Varyasyon ng Wika. https://pdfslide.net/documents/varayti-at-varyasyon-ng-wika- opisyal-sayt-ng-viewmaaari-itong-tingnan-bilang.html Filipino 5 // Pahina 9 ng 10 Garcia, Lakandupil C., et al. (2011). Tinig: Komunikasyon sa Akadamekong Filipino. Malabon City: Jimczyville Publications. Labastilla, Susanna Rose A. (2017).Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo.https://www.slideshare.net/chxlabastilla/monolingguwalismo- bilingguwalismo-at-multilingguwalismo Liwanag, Lydia B. Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pagaaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng _Wika_Hanguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik Inihanda ni: ERMA M. BUE Posisyon: Special Science Teacher IV Kampus: Bicol Region Campus Pangalan ng reviewer: RIZA REYNA CALMA Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher V Kampus: Central Visayas Campus Filipino 5 // Pahina 10 ng 10