Wika at Pagpapakatao, September 24-27, 2024 PDF Presentation

Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...
Loading...

Document Details

ResilientOboe3958

Uploaded by ResilientOboe3958

Berkeley City College

2024

Tags

Filipino language grammar sentence structure education

Summary

This presentation covers the topic of Filipino language, focusing on identifying the difference between reality and fantasy, and analyzing sentence structure. Examples of different types of sentences (declarative, interrogative, imperative, etc.) are given with exercises.

Full Transcript

Wika at Pagpapakatao September 24, 2024 NILALAMAN 1. Nakikilala ang pagkakaiba ng pantasya at realidad. 2. Nakapagbibigay opinyon at reaksiyon sa pagkakaiba ng pantasiya at realidad. 3. Nasusuri ang mga akda kung ito ay pantasiya at realidad. SURIIN NATIN. Suriin...

Wika at Pagpapakatao September 24, 2024 NILALAMAN 1. Nakikilala ang pagkakaiba ng pantasya at realidad. 2. Nakapagbibigay opinyon at reaksiyon sa pagkakaiba ng pantasiya at realidad. 3. Nasusuri ang mga akda kung ito ay pantasiya at realidad. SURIIN NATIN. Suriin ang mga larawan kung ito ay pantasya o realidad. Ipaliwanag ang iyong reaksiyon o opinyon. HANDA KA NA BA! REALIDAD PANTASYA REALIDAD REALIDAD PANTASYA PANTASYA REALIDAD PANTASYA REALIDAD REALIDAD PANTASYA REALIDAD REALIDAD PANTASYA PANTASYA MAHUSAY! Ano ang pagkakaiba ng realidad at pantasya? REALIDAD PANTASYA di kathang isip o non-fiction kathang isip o fiction Naglalahad o nagsasalaysay Di nakabatay sa ng katotohanan. katotohanan Bumabatay sa tunay na Ito ay imbento o balita (news) o pangyayari kathang-isip lamang (event) at mga tao. Magbigay saya at aliw sa Magbigay ng mambabasa. mahahalagang impormasiyon. REALIDAD PANTASYA HALIMBAWA HALIMBAWA ○ Talambuhay ○ Alamat ○ Mga Libro ○ Pabula ○ Mga Pahayagan ○ Engkanto o ○ Aklat ng Dwende Kasaysayan SALAMAT! May mga Katanungan CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik Please keep this slide for attribution Subukan Natin. Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang kasagutan sa kuwaderno. Sagot lamang. Tukuyin kung ang mga nasa ibaba ay pantasya o realidad. 1. Ang Alamat ng Pinya. PANTASYA 2. Ang Talambuhay ni Andres Bonifacio REALIDAD 3. Si Pagong at Si Matsing PANTASYA 4. Writing Book REALIDAD 5. Bagyong Helen: Papasok ng Bansa REALIDAD 6. Ang Mahiwagang Lapis PANTASYA 7. Inside Out 2 PANTASYA 8. Banaag at Sikat: FIlipino 4 REALIDAD 9. Kasaysayan ng Baguio REALIDAD 10. Alamat ng Baguio PANTASYA Wika at Pagpapakatao September 25-26, 2024 PAGBABALIK-ARAL Isulat sa pisara ANO ANG REALIDAD at ang kasagutan sa PANTASIYA? pamamagitan ng kompletong pangungusap. NILALAMAN 1. Nakikilala ang pagkakaiba ng uri at ayos ng pangungusap. 2. Nasusuri ang mga pangungusap batay sa uri at ayos nito. 3. Nakabubuo ng tamang pangungusap batay sa uri at ayos na pangungusap. PANGUNGUSAP Ito ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Nagsisimula sa malaking letra at nagtatapos ng tamang bantas. Ito ay may simuno at panaguri. AYOS ng PANGUNGUSAP KARANIWANG AYOS Nauuna ang panaguri kaysa sa simuno HALIMBAWA Masaya ang bata. PANAGURI SIMUNO AYOS ng PANGUNGUSAP KARANIWANG AYOS HALIMBAWA Naglalaro sa labas sina Ana at Ben. PANAGURI SIMUNO AYOS ng PANGUNGUSAP DI KARANIWANG AYOS Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Ito ay ginagamitan ng katagang “ay”. AYOS ng PANGUNGUSAP DI KARANIWANG AYOS HALIMBAWA Sina Ana at Ben ay naglalaro sa labas. SIMUNO PANAGURI Ang bata ay masaya. SIMUNO PANAGURI Subukan Natin. Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang kasagutan sa kuwaderno. Sagot lamang. Subukan Natin. Tukuyin ang pangungusap kung ito ay KARANIWANG AYOS o DI KARANIWANG AYOS. 1. Naglilinis ng bahay si Nanay. KA 2. Si Tatay ay haligi ng tahanan. DKA 3. Sina Ate at Kuya ay nagwawalis ng bakuran. DKA 4. Naglalaro sa parke ang bunso. KA 5. Maliligo sa ilog ang magkakapatid. KA SALAMAT! May mga Katanungan CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik Please keep this slide for attribution Isagawa Natin. Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang kasagutan sa kuwaderno. Sagot lamang. Isagawa Natin. Isulat sa sagutang papel ang letrang KA kung ito ay karaniwang ayos ng pangungusap at DKA kung di karaniwang ayos. 1. Ang mag-aama ay nagtungo sa palaisdan para mangisda. DKA 2. Dahan-dahang pumasok ang pusa sa loob ng bahay. KA 3. Mahilig tumakbo si Lyn tuwing umaga. KA 4. Sila ay namasyal sa Burnham Park. DKA 5. Gagawin ko ang aking takdang aralin sa bahay. KA Karaniwan at Di Karaniwang Ayos Sa kuwaderno, bumuo ng tig-limang pangungusap na karaniwan at di karaniwang pangungusap tungkol sa pamilya. Karaniwan at Di Karaniwang Ayos Makipagpalitan ng kuwaderno sa katabi. bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri. Isulat sa sagutang papel ang letrang KA kung ito ay karaniwang ayos ng pangungusap at DKA kung di karaniwang ayos. Isagawa Natin. Kopyahin at sagutan, bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri. Isulat sa sagutang papel ang letrang KA kung ito ay karaniwang ayos ng pangungusap at DKA kung di karaniwang ayos. 1. Pupunta ako sa Mansion bukas. KA 2. Sina Hannah at Henry ay maglalaro ng Roblox sa bahay ni Harold. DKA 3. Kakain kami ni Nanay sa Jollibee. KA 4. Susulatan ko ang aking kaibigan ng isang tula. KA 5. Ang mga matatanda ay sumasayaw ng sumba sa harap ng barangay. DKA Wika at Pagpapakatao September 27, 2024 PAGBABALIK-ARAL Ano ang dalawang ayos ng pangungusap? NILALAMAN 1. Nakikilala ang pagkakaiba ng uri at ayos ng pangungusap. 2. Nasusuri ang mga pangungusap batay sa uri at ayos nito. 3. Nakabubuo ng tamang pangungusap batay sa uri at ayos na pangungusap. Suriin ang mga pangungusap. Ano ang pagkakaiba ng mga ito? 1. Siya ay makalat. 2. Linisan mo ang iyong upuan. 3. Pakitapon ang basura sa basurahan. 4. Bata! Maglinis ka! 5. Sino ang nagtapon? URI ng PANGUNGUSAP 1. Pasalaysay (Declarative) Ito ay nagsasalaysay o nagkukuwento. Nagtatapos ito ng tuldok (.). Halimbawa: ○ Siya ay makalat. ○ Nakikinig ako sa klasmeyt ko. 2. Patanong (Interrogative) Ito ay nagtatanong. Nagtatapos sa tandang pananong(?). Ito ay ginagamitan ng bakit, sino, ano, saan, paano, kailan, at iba pa. Halimbawa: ○ Ano ang pangalan mo? ○ Nagwalis ka ba sa labas? 3. Pautos (Command) Ito ay pangungusap na nag-uutos. Nagtatapos ito ng tuldok (.) o tandang padamdam (!). Halimbawa: ○ Itapon mo ang basura. ○ Umupo na kayong lahat. ○ Ana, maglinis ka na! 4. Pakiusap (Request) Ito ay pangungusap na nakikiusap. Ito ay ginagamitan ng paki- o maari/puwede sa unahan ng salita. Nagtatapos ito ng tuldok (.) Halimbawa: ○ Pakitapon ang kalat. ○ Puwede bang pakisarado ang pinto. 5. Padamdam Ito ay nagsasaad ng matinding damdamin tulad ng takot, tuwa, sakit, galit, at iba pa. Nagtatapos ito ng tandang padamdam (!) Halimbawa: ○ Tulong!Tulong! May nahulog! ○ Aray! Ang sakit. Subukan Natin. Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang kasagutan sa kuwaderno. Sagot lamang. Subukan Natin. Suriin ang mga pangungusap, isulat sa sagutang papel ang PS - pasalaysay, PT- patanong, PU - pautos, PK - pakiusap, at PD - padamdam. 1. Sino ang nagwagi sa patimpalak? PT 2. Lito! punasan mo ang basa. PU 3. Maglalaro kami sa labas. PS 4. Pakilagay sa lamesa ang kwaderno. PK 5. Naku! Madadapa ang bata! PD Subukan Natin. Suriin ang mga pangungusap, isulat sa sagutang papel ang PS - pasalaysay, PT- patanong, PU - pautos, PK - pakiusap, at PD - padamdam. 6. Bibili ka ba sa canteen? PT 7. Sa wakas, nanalo kami! PD 8. Pakitago ang mga gadget. P 9. Kakain ako ng pizza. PK 10. Maglinis ang lahat. PD SALAMAT! May mga Katanungan CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik Please keep this slide for attribution Isagawa Natin. Basahin at unawain ang katanungan. Isulat ang kasagutan sa kuwaderno. Sagot lamang. Isagawa Natin. Sa sagutang papel, bumuo ng mga uri ng pangungusap tungkol sa pamilya. 2 - Pasalaysay 2 - Patanong 2 - Padamdam 2 - Pautos 2 - Pakiusap

Use Quizgecko on...
Browser
Browser