Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Katutubo PDF
Document Details
Uploaded by ChasteJadeite9305
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Kasaysayan ng Wika sa Pagpapaunlad ng Pilipinong Identidad PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- The Philippines: Culture, History, and Contributions PDF
- Kasaysayan ng Wika - Filipino 1 PDF
Summary
This document discusses the history of the Filipino language during the pre-colonial period, focusing on different theories regarding migration and settlements. It explores the impact of early Filipino civilizations on the development of Philippine culture and language, highlighting key archeological discoveries and indigenous writing systems. It provides information on different linguistic families and indigenous forms of writing.
Full Transcript
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG KATUTUBO KONTEKSTWALISADONG KOMINIKASYON SA FILIPINO TEORYA NG PANDARAYUHAN Kilala rin ang teoryang ito sa taguriang wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer. Naniniwala na m...
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA PANAHON NG KATUTUBO KONTEKSTWALISADONG KOMINIKASYON SA FILIPINO TEORYA NG PANDARAYUHAN Kilala rin ang teoryang ito sa taguriang wave migration theory na pinasikat ni Dr. Henry Otley Beyer. Naniniwala na may tatlong pangkat ng taong dumating sa Pilipinas; ang Negrito, Indones at Malay. TAONG TABON Natagpuan ng mga arkeologo ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa pangunguna ni Dr. Robert B. Fox ang isang bungo at isang buto ng panga sa yungib ng Tabon sa Palawan noong taong 1962. Tinatayang 50,000 taon na nakararaan nang manirahan ang taong ito sa yungib ng Tabon kung kaya’t nagpapatunay ito na mas unang dumating sa Pilipinas ang tao kaysa sa Malaysia. Pinatunayan ni Felipe Landa Jocano (1975) sa kanyang pag-aaral kasama ang mga mananaliksik ng National Museum na ang bungong natagpuan ay kumakatawan sa unang lahing Filipino sa Pilipinas. Ang Taong Tabon ay nagmula sa specie ng Taong Peking (Peking Man) na kabilang sa Homo Sapiens o modern man at ang Taong Java na kabilang sa Homo Erectus. Natagpuan naman ni Dr. Armand Mijares ang isang buto ng paang sinasabing mas matanda pa sa taong Tabon sa Kuweba ng Callao, Cagayan. Tinawag itong Taong Callao (Callao Man) na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon na ang nakalipas. TEORYANG PANDARAYUHAN SA REHIYONG AUSTRONESYANO Sinasabing ang mga Pilipino ay nagmula sa lahing Austronesian. Ang Austronesian ay hango sa salitang Latin na auster na nangangahulugang “south wind” at Griyegong nesos na ang ibig sabihin ay “isla.” Teorya ni Wilhelm Solheim II (Ama ng Arkeolohiya sa Timog- Silangang Asya) ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes na tinawag na Nusantao. Teorya ni Peter Bellwood (Australia National University) ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan na nagtungo sa Filipinas noong 5,000 BC. Isa lang ang tiyak! Ang mga Filipino ay isa sa mga pinakaunang Austronesian. Tayo ang nagsimula ng isa sa pinakamahalagang imbensyon sa kasaysayan ng pandaragat. Ang outrigger canoe o ang mga bangkang may katig. Dahil iisa ang pamilya ng wika, sa kabila ng 171 na wika sa Pilipinas, may pagkakahalintulad ang ating mga salita o tinatawag ba kogneyt , halimbawa, ang bahay sa Tagalog, bale sa Pampanga, balay sa Visayas, at balay rin sa Bahasa. Ang mga Austronesians din ang nagpaunlad ng pagtatanim ng palay at ng rice terracing na tulad ng Hagdang-hagdang Palayan sa Banaue Naniniwala din tayo sa mga kaluluwa at anito na naglalayag pakabilang-buhay at naglilibing sa banga tulad ng makikita sa isang banga na natagpuan sa Manunggul Cave, Palawan. PARAAN NG PAGSULAT ANG BAYBAYIN AT ALIBATA