Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF
Document Details
Uploaded by ComfortingCotangent9328
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang aralin tungkol sa kasaysayan ng wikang Filipino, na naglalarawan ng mga pangunahing yugto sa ebolusyon nito mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Binibigyang-diin nito ang mga impluwensiya ng iba't ibang pangkat at panahong naging bahagi ng pagpapaunlad ng wikang Filipino.
Full Transcript
Kasaysayan ng Wikang Pambansa Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) TA:1 minuto ATA:__ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. na...
Kasaysayan ng Wikang Pambansa Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) TA:1 minuto ATA:__ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. nakapagbabalik-tanaw sa kasaysayan ng Wikang Pambansa; 2. naitatala ang mahahalagang pangyayari sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa; 3. nasasabi ang mga dahilan kung bakit nagbabago ang ating alpabeto; at 4. naisusulat ang alpabeto sa tatlong bersyon. TA:1 minuto ATA:__ Alam mo ba na ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal? Ayon kay Nolasco, mayroong humigit-kumulang 170 na iba’t ibang wika sa iba’t ibang pulo (Bernales, 2019). Nadagdagan pa ito ng wikang Kastila at Ingles nang tayo ay sakupin ng mga bansang Espanya at Amerika. Maaari pa itong madagdagan dahil sa kasalukuyan, marami-rami na ring mga Pilipino ang nahumaling sa mga Koreanobela. Tingnan natin ang iyong kaalaman ukol sa ating wikang pambansa. Sagutin ang mga tanong sa kahon at isulat ang iyong sagot sa tapat nito. Tanong Sagot Sino ang pangulong nakapag-isip na kailangan ng ating bansa ng wikang magkakaugnay sa lahat ng mga Pilipino? Ano ang batayan ng wikang pambansa? TA: 13 minuto ATA:__ Sinaunang Panahon Ang ating mga ninuno ay mayroon ng matatag na pamahalaan, mayamang panitikan at sistema ng panulat bago pa dumating ang iba’t ibang dayuhang mananakop. Isa sa mga sistema ng panulat na ginamit ng karamihan ay ang BAYBAYIN. Binubuo ito ng 17 titik. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 1 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Ang bawat titik sa Baybayin ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.) sa ibabaw kapag binibigkas ang b ng bi/be.Nilalagyan naman ng tuldok (.) sa ilalim ng titik kapag bibigkasing bu/bo ang ba. Nilalagyan ng kurus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas sa bawat titik tulad ng makikita sa ibaba. Sinusulat ito nang pabertikal mula sa taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa hanggang kanan. Sinusulat sa mga kahoy, kawayan, malalaking dahon at bato. Ginagamit ang balaraw o anumang matutulis na bagay at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 2 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Panahon ng mga Kastila Nang sakupin ang ating bansa ng mga Kastila, napalitan ang Baybayin ng bagong alpabeto na tinawag na El Abecedario, dahilan upang magkaroon ng pagbabago sa pagsulat ng mga salita. Sa layuning mapalaganap ang Kristyanismo, nagtatag ang pamahalaang Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila ngunit ito ay hindi tinupad ng mga prayleng Kastila. Sa halip, pinag-aralan nila ang iba’t ibang katutubong wika at gumawa ng diksyunaryong panggramatika. Ang mga dasal at libro tulad ng Doctrina Cristiana at buhay ng mga santo at santa ay nakasulat sa wikang katutubo o bernakular. Gayunpaman, maraming mestizo ang natuto ng wikang Kastila. Sila ang mga anak ng mayayamang ang mga magulang ay nakapag-asawa ng dugong Kastila at nakapag-aral sa Pilipinas at Espanya. Sa katunayan, sa wikang Kastila isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang iba ay natututo na rin ng wikang Kastila dahil ito ang madalas na naririnig nila. Marami ring mga salita ang naging bahagi ng ating buhay tulad na lamang ng mesa (la mesa), kabayo (caballo), sibuyas (cebollas),bintana (ventana), bakasyon (vacacion), kandila (kandela), letson (lechon) at marami pang iba. Panahon ng Propaganda at Himagsikan Sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Ito ang unang pagsisikap na magkaroon tayo ng opisyal na wikang gagamitin sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Ayon sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika ng mga Pilipino.” Ang probisyong ito ay bunga ng nakitang pagkakaisa ng damdaming Pilipino dahil sa mga akdang nasulat sa wikang Tagalog noong panahon ng propaganda. Ang pagkakaisang ipinamalas ng mga sumapi sa samahang pinangunahan ni Andres Bonifacio ang lalong nagpatibay sa panininiwala ng mga lider na Pilipino na ang daan sa pagkakaroon ng kasarinlan ng mga Pilipino ay isang wikang pambansa. Ito ang lakas na siyang lalagot sa pagkakagapos ng mamamayang Pilipino. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 3 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Panahon ng Amerikano Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, pinalawak nila ang pagpapagamit ng wikang Ingles sa larangan ng edukasyon na labis na ikinasiya ng mga Pilipino. Pinagdamutan sila noon ng wika na naghaharing-uring mga Kastila samantalang heto at nagagamit nila ang wika ng pumalit na mananakop na mga Amerikano. At bilang bahagi ng programang pagpapalaganap ng wikang Ingles ay nagpadala ang gobyernong Amerikano ng mga estudyanteng Pilipino sa Amerika upang hasain sa Ingles kasabay naman ng pag- aayos ng kurikulum para sa pagpapabuti ng pag-aaral ng wikang Ingles. Nais ng mga Amerikano na gawing midyum ng komunikasyon ang Ingles upang sa kalauna’y maging linggwa franka ito o wikang pambansa. Bukod sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo, ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klase ay tungkol sa mga Amerikano -- ang kanilang kasaysayan, literatura, kultura, ekonomiya at politika. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga bagay na Amerikano. Ito ang simula ng pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad ng mga katutubong mamamayan na namana at itinaguyod ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Pilipinas sa bisa ng 1935 Konstitusyon, nagsimula ang pormal na kasaysayan ng paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang wikang mag-uugnay sa buong kapuluan. Nakasaad sa 1935 Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3 -- Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na wikang katutubo. Hanggat hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling mga opisyal na wika. Bilang pagsunod sa probisyong ito pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa na inatasang magsagawa ng mga pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas para sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa. Mula sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas ang mga naging miyembro ng bagong tatag na Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Pinamunuan ito ni Jaime C. de Veyra, Samar-Leyte, bilang tserman. Ang iba pang miyembro ay sina Filemon Sotto, Cebu; Casimiro F. Perfecto, Bicol; Felix S. Sales-Rodriguez, Panay; Hadji Butu, Muslim; Cecilio Lopez, Tagalog; at Santiago Fonacier, Ilocano. Makikita na ang naging komposisyon ng miyembro ng SWP ay nagmula sa iba’t ibang lugar ng mga kapuluan ng Pilipinas. Sila ang bumuo ng sumusunod na krayterya para sa pagpili ng wikang naging batayanng wikang pambansa: (1) may maunlad na estruktura, mekaniks at nakalimbag na literatura; (2) naiintindihan at ginagamit ng nakararaming bilang ng mga Pilipino. Sa pagpili ng wika, kinonsidera nila ang sumusunod na mga pangunahing wika sa bansa – Cebuano, Iloka- no, Tagalog, Bicolano, Ilonggo o Hiligaynon, Pampango, Pangasinense at Samar-Leyte Waray. Lumabas sa pag-aaral nila na ang wikang Taga- log ang nakatugon sa kray- teryang nabuo. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 4 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Malaki ang papel na ginampanan ng lugar na Maynila sa pagpapalaganap ng wikang pambansang batay sa Tagalog. Tinanggap na’t ginamit ng nakararaming Pilipino ang Tagalog sapagkat ito ang wikang gamit sa Maynila na siyang sentro ng gobyerno, edukasyon, kalakalan o komersyo, lugar ng publikasyon ng mga dyaryo, magasin, komiks at maging paggawa ng pelikula. Maraming Pilipino mula sa iba’t ibang etnikong grupo ang labas-pasok sa ka-Maynilaan na natuto ng wikang Tagalog. Kaya nga’t kahit na nakahihigit sa dami ang tagapagsalita ng wikang Cebuano, nahigitan pa rin ito ng Tagalog sa dami ng gumagamit. Noong Disyembre 30, 1937, lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing Wikang Tagalog ang batayan ng wikang pambansa. Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro ang wikang Tagalog sa mga paaralan. Kasabay ng pagpili ng wikang Tagalog bilang batayan ng magiging wikang pambansa, binuo ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa, ang ABAKADA na binubuo ng 20 titik noong 1940. Marami ring diksyunaryong Tagalog ang nalimbag. ABAKADA A B K D E G H I L M /a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ / i/ /la/ /ma/ N NG O P R S T U W Y /na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/ Panahon ng Hapon Sa pananakop ng mga Hapon, ipinaalis nila ang pagtuturo ng wikang Ingles at ipinalit ang pagtuturo ng Nihonggo. Ginawang opisyal na wika ng bansa ang Tagalog at Nihonggo sa bisa ng Ordinansa Blg. 13. Wikang Kastila at Nihonggo ang gagamitin sa publiko, sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan, negosyo at paaralan. Kalaunan, pinayagan na ring gamitin ang Ingles. Nagwakas ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas noong 1945, at namayagpag ang mga panulat tulad ng maikling kwento, tula, nobela at iba pa sa wikang Tagalog. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 5 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Kontemporanyong Panahon Bilang pagpapaunlad ng ating wikang pambansa, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay noong Marso 26, 1954 ang Proklamasyon Blg. 12 na nagsasaad na ipagdiwang ang Linggo ng Wikang Pambansa. Nagsimula ang pagdiriwang mula Marso 29 hanggang Abril 4. Pinili ang linggong ito bilang parangal kay Francisco Baltazar na nagdiriwang ng kaarawan tuwing Abril 2. Sa sumunod na taon, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 186 ni Pangulong Ramon Magsaysay, ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay inilipat mula Agosto 13 hanggang Agosto 19 taun-taon bilang parangal sa dating Pangulong Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Mahigit 20 taon din bago nagkaroon ng tiyak na pangalan ang wikang pambansang batay sa Tagalog. Noong 1959, ipinanganak ang Pilipino bilang katawagan sa wikang pambansa nang pirmahan ni Jose E. Romero, Sekretaryo ng Departamento ng Edukasyon, ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959. Oktubre 24, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusan na ang lahat ng gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Naging isang magandang oportunidad para sa mga opositor ng wikang Pilipino ang ginawang pagpapawalambisa sa 1935 Konstitusyon. Sa ginanap na 1971 Kombensyong Konstitusyonal, bilang tugon sa nangyayaring digmaang pangwika na nagaganap sa panahong iyon ay binuo ang isang sub-komite -- Komite sa Wikang Pambansa na siyang namahala tungkol sa isyu sa Wikang Pambansa. Inirekomenda ng Komite na alisin ang Pilipino at palitan ng isang bagong komon na wikang pambansang tatawaging FILIPINO batay sa mga katutubong wika sa bansa at maging ang asimilasyon ng mga salita mula sa mga dayuhang wika. Inirekomenda rin ng nasabing Komite ang pagpapatuloy ng Ingles at Kastila bilang mga wikang opisyal. Subalit sa pinal na draft ng Konstitusyon, lumabas ang Ingles at Pilipino bilang mga wikang opisyal. Ganito ang nakasaad sa 1973 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 3 “Ang pambansang asembleya ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging FILIPINO.” © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 6 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Sa kapasidad ng wikang Filipino bilang opisyal na wika, patuloy itong itinuro sa mga eskwelahan mula elementarya hanggang sa lebel ng tersyarya. Patuloy itong ginamit bilang midyum ng pagtuturo lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan malakas ang paggamit sa wikang pambansa bilang wika ng akademya. Nagpatuloy ang paggamit sa wikang Filipino na nabigyan ng mahalagang papel sa larangan ng edukasyon. Pinagtibay ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang patakaran sa edukasyong bilinggwal. Ipinalabas ng Departamento ng Edukasyon at Kultura ang Department Order Blg. 25, s. 1974 na may pamagat na Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual Education. Isinasaad sa implementasyon ng patakaran ang hiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng instruksyon sa mga tiyak na asignatura. Gagamitin ang Pilipino sa mga Araling Panlipunan/Agham Panlipunan, Edukasyong Pangkalusugan at sa Edukasyong Pisikal. Gagamitin naman ang wikang Ingles sa iba pang mga asignatura. Kaugnay nito, sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag- unlad at pagbabago ng wikang Filipino. Tinawag itong bagong alpabetong Filipino. Ang dalawampung letra ay dinagdagan ng labing -isang letra kaya’t naging tatlumpu’t isa (31). Kabilang sa idinagdag ang mga letra at digrapo: C, F, J, Ñ, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit. Hindi binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa letra at ayos ng pagkakasunod-sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) sa mga letra (KWF, 2009). Ngunit ang pag-unlad ng wikang pambansa ay sa maikling panahon lamang dahil na rin sa maraming maukulay na pulitikal na pangyayari sa bansa sa panahong iyon, lalo na nang mapailalim sa Batas militar ang Pilipinas. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 7 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 1987 Konstitusyon. Naganap sa Pilipinas ang isang pagbabagong historikal na resulta ng Rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986. Napatalsik si Pangulong Ferdinand E. Marcos bilang Presidente ng Pilipinas at pumalit si Pangulong Corazon C. Aquino. Pinawalambisa ang 1973 Konstitusyon. Sa naaprubahang 1987 Konstitusyon ay nagkaroon ng pagbabago sa probisyong pangwika kung saan pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng FILIPINO bilang wikang pambansa. Kaugnay ng pagbabago ng konstitusyon, muling nireporma ang alpabeto at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago at pag- unlad at paglaganap ng wikang pambansa gayundin upang ipakita ang mayamang mga wika ng ating bansa. Matapos ang serye mga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat, at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino na may 28 letra na bibigkasin gaya sa Ingles maliban sa ñ na bigkas Kastila. Ang Alpabetong Filipino Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg ey bi si di i ef ji Hh Ii Jj Kk Ll Mm Nn eych ay jey key el em en Ññ Ngng Oo Pp Qq Rr Ss enye enji o pi kyu ar es Tt Uu Vv Ww Xx Yy Zz ti yu vi dobolyu eks way zi © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 8 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Sa kasalukuyan, ayon kay Virgilio Almario sa kanyang ulat sa estado ng wika 2019 (State of the Language Address o SOLA 2019) ay sinabi niya ang ganito,”Sa maniwala kayo o hindi, hindi lamang buhay ang ating wikang Filipino. Ito ay malusog at masiglang wikang pambansa sa kabila ng krisis na idinulot ng CHED Memo No. 20. Sinasabi sa naturang memoramdum na hindi na rekwayrment ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang KWF ay patuloy pa rin sa pangunguna sa pagpapalaganap at pagpapayaman ng wikang Filipino kasama na ang pangangalap at pagdokumento ng mga wika at panitikan sa buong bansa. TA:13 minuto ATA:__ I. Batay sa napag-aralan, talakayin ang ebolusyon ng Wikang Pambansa. Gawing gabay ang mga ibinigay na salita. Huwag kalimutan na tingnan ang pamantayan sa ibaba. Tagalog _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Pilipino _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ __________________________________________________________________. Filipino _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 9 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Pamantayan sa Pagmamarka Puntos 7 5 3 0 Organisado at May kakulangan Kulang na kulang Walang komprehensibo ang sa organisasyon sa nilalaman sagot Nilalaman talakayan at nilalaman 3 2 1 0 Gramatika Nakasusunod sa May 1-2 mali sa May higit sa 3 (Walang kaayusang gramatika. mali. sagot) panggramatika Walang mali II. Baybayin ang mga salita ayon sa hinihingi. SALITA BAYBAYIN ABAKADA/PILIPINO FILIPINO bato /ba-a -ta-o/ /bi-ey-ti-o/ Pilipinas titik salamat TA:_2_ ATA:__ TANDAAN Tagalog ang pinagbatayan sa pambansang wika sa Pilipinas. Pilipino ang unang tawag sa pambansang wika. Filipino ang tawag sa ating pambansang wika simula 1973 hanggang sa kasalukuyan. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 10 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Sanggunian: Alcaraz, C.V., Jocson, M.O. & Villafuerte, P.V. (2005). Filipino 1: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila: Lorimar Publishing Co., Inc. Bernales R.A., Ravina, E.A. & Zafra, R.B.G. (2019). Filipino sa iba’t ibang disiplina. Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Bernales, R.A., Ravina, E.A. & Zafra, R.B.G. (2019). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. Malabon: Mutya Publishing House, Inc. Garcia, L.C., Gonzales, C.C., Gozom, B.E.P., Carpio, P.C., Domalanta, M.B., Lartec, N.C., Mangonon, I.A., Guevarra, J.T., Canare, L.C. & Padernal, A.P. (2011). Tinig: Komunikasyon sa akademikong Filipino. Malabon City: Jimczyville Publications Hufana, N.L., Banawa, M.J.D., Gervacio, G.V., Pantorilla, C.R., Sajulga, A.C & Tiosen, R.B. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Oracion, L.D. (2015). Gantimpala: Pinagsanib na wika at panitikan. Manila: Innovative Educational Materials, Inc. (2009). Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon Peña, R.P., Castillo, M.J.A., Sagun, R.D., Camba, A.M. & Adaya, J.G. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabon City: Jimczyville Publications. Santos, A.L., Hufana, N.L., Magracia, E.B., Banawa, M.J.D., Hilot, R.M. & Sual N.T. (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Komisyon sa Wikang Filipino. (2009). Gabay sa Ortograpiyang Filipino Añonuevo, H. R. T. (n.d.). Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kwf.Gov.Ph. Retrieved July 15, 2020, from http://kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/ Baybayin Pinas. (2017, July 21). Baybayin 101 [Picture]. Facebook. https://www.facebook.com/baybayinpinas/photos/ms.c.eJw9ysENACAIA8CNDCBtYf~;FTNT wvZxT2qqM6gbcln~;ABdNAgwzXDN6RNYNvYIbiDTsrvhTx.bps.a.1677378348995518/1677 378458995507 KWF. (n.d.). Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa. http://kwf.gov.ph/wp- content/uploads/Ortograpiyang_Pambansa_2.pdf Paciente, D. R. (2020, July 15). Learning Baybayin: A Learning System from the Philippines. Owlcation https://owlcation.com/humanities/Learn-how-to-type-write-and-read-baybayin Inihanda ni: Perlita M. Requino Posisyon: Special Science Teacher IV Kampus: PSHS-Central Mindanao Pangngalan ng Reviewer: Blesilda S. Espinueva Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher V Kampus: PSHS-Cordillera Administrative Region © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may Filipino 1 Pahina 11 ng 11 contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.