Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa (KOMPA-PPT-2-UCP PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa kasaysayan at pagkakabuo ng wikang pambansa ng Pilipinas. Binabalangkas nito ang mga pangunahing pangyayari, mga batas, at mga personalidad na may kinalaman sa pag-unlad at pagpapatibay ng Tagalog bilang wikang pambansa. May mga bahagi rin ito na naglalaman ng mga katanungan at panuto.
Full Transcript
Ang Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, g...
Ang Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo. Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Marso 24, 1934 – pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings- McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. Pebrero 8, 1935 – pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935. Oktubre 27, 1936 – ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Nobyembre 13, 1936 – pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa. Enero 12, 1937 – hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelt 185. Nobyembre 7, 1937 – inilabas ng Surian ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng pambansang wika. Disyembre 30, 1937 – lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa Tagalog bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Panahon ng Pananakop ng mga Hapon Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang. Nang panahong iyon, Nipongo at Tagalog ang naging opisyal na wika. Nang Matapos ang Digmaan… Hunyo 4, 1946 – ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika. Marso 6, 1954 – nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Setyembre 1955 – sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon na kinikilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.” 1959 – inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.” Oktubre 24, 1967 – nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino. 1970 – naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. Marso 12, 1987 – sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang Filipino sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasunod ito ng pagpapatibay sa Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad na ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Dahilan sa Pagpili sa Tagalog bilang Batayan ng Pambansang Wika ng Pilipinas Tagalog ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan. Iba pang Kaalaman Tungkol sa Wika Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino Tagalog – katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino – unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959) Filipino – kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987) Ayon sa Seksyon 6, Artikulo XIV ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay: ang wikang pambansa ng Pilipinas; dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika; at Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang: 1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at 2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Panuto: Gumawa ng isang Timeline tungkol sa kasaysayan ng ating Wikang Pambansa gamit ang isang grapikong presentasyon. Gawin ito sa isang buong Yellow Pad Paper. NILALAMAN 5 PUNTOS Kaangkupan ng ginamit 10 puntos na grapikong pantulong gayundin ang paraan ng pagkakalahad ng mga ideya Kasiningan o 5 puntos pagkamalikhain at kalinisan Kabuuan 5 puntos