Mga Teorya ng Wika PDF
Document Details
Tags
Summary
This document provides an overview of different language theories. It details the lesson code, subject code and the expected outcomes. The author examines theories related to language creation and evolution.
Full Transcript
MGA TEORYA NG WIKA Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Subject Code: Fil 1 Lesson Guide Code: _1_ Lesson Code: 1.1Time Limit: _30 minuto__...
MGA TEORYA NG WIKA Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan) Subject Code: Fil 1 Lesson Guide Code: _1_ Lesson Code: 1.1Time Limit: _30 minuto__ TA: _1 minuto_ ATA: _____ Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang: 1. naipaliliwanag ang ilang teorya ng wika; at 2. napahahalagahan ito bilang bahagi ng kaalamang pangwika. TA: 3 minuto ATA: _____ A. Bago natin alamin ang iba’t ibang teorya ng wika, bigyang-kahulugan muna natin ang salitang “teorya”. Gawin natin ito sa pamamagitan ng pagsulat sa graphic organizer sa hinihingi. B. Sa iyong palagay, paano nalikha ng mga unang tao ang kanilang wika? Isulat ang paliwanag sa espasyo sa ibaba. ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ Filipino 1 Pahina 1 ng 8 _____________________. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. TA: 15 minuto ATA: _____ Ang kakayahang magpahayag ng kaisipan at damdamin ang pangunahing kaibahan ng tao sa hayop bagaman ang huli ay may sarili ring paraan ng pagpapahayag. Wika ang karaniwang midyum ng tao sa pagpapahayag ng sarili kaya naman isang malaking tanong kung kailan, paano, at saan nagsimula ang wika. Hindi tulad ng pasulat na wika na may patunay ng pinagmulan nito (batay sa mga ebidensiyang nakalap, ang pagsulat ay tinatayang nagsimula 5,000 taong nakalipas sa Mesopotamia o Iraq), ang pasalitang wika ay walang iniwang bakas liban na lamang sa pagtatayang nagsimula ito 50,000-10,000 taon na ang nakalipas. Ang kaalamang ito ay naglalahad na nalikha ng tao ang wika bago pa man naimbento ang alpabeto. Sa modyul na ito, tutuklasin natin ang ilang mga teorya na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng wika. Ito ay nahahati sa dalawang kategorya: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko. Teoryang Biblikal (Paniniwala ng Teologo) Tandaang hindi Ang mga teorya sa kategoryang ito ay hango sa mga itinuturing ng pangyayaring nagpakita ng kapangyarihan ng Diyos upang mga Kristiyano magkaintindihan, magkaroon ng kaayusan at maipalaganap ang na teorya ang salita Niya sa mundo. mga nasusulat sa Bibliya. anaan?anlabo 1. Ang Tore ng Babel mula sa Lumang Tipan (Genesis 11: 1-9) Naniniwala ang mga teologong pagkatapos ng malaking baha, ang mga lulan sa barko ni Noah ay nagparami ng lahi. Iisa ang kanilang wika. Sa kanilang paglalakbay patungong silangan, nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar at doon nanirahan. Sa paglipas ng panahon, naging palalo ang mga tao at hinangad nilang abutin ang langit upang mapantayan ang Diyos. Nagkaisa silang magtayo ng isang napakataas na ziggurat. Nagalit ang Diyos at bilang parusa, binigyan sila ng iba’t ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintindihan, natigil ang pagpapatayo ng tore at sila’y nagkawatak-watak. Dito nagmula ang Larawan mula sa http://truthwatchers.com/the- paniniwala tungkol sa Tore ng Babel o Tower of tower-of-babel-part-1-historical-documents/ Confusion. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 2 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 2. Gawa ng mga Apostol 2:1-11 Sa pamamagitan ng biyaya ng Espiritu Santo, nakapagsalita ang mga Apostol ng mga wikang hindi naman nila nalalaman at pinag-aralan. Dahil dito, naunawaan nila ang mga taong nakasalamuha nila at naipalaganap nila ang salita ng Diyos. Teoryang Siyentipiko (Mga Teorya Ayon sa mga Dalubwika at Siyentista) Ang mga teorya sa kategoryang ito ay mula sa mga pag-aaral ng iskolar at siyentista ukol sa pinagmulan ng wika. Maraming teorya sa kategoryang ito ngunit ang mga sumusunod ang pinakapopular: 1. Teoryang Bow-wow Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng tao sa mga tunog ng hayop at ng mga bagay sa kalikasan. Tinagurian din itong onomatopoeic dahil sa panggagaya sa tunog ng hayop at kalikasan. Halimbawa: a. Tunog ng Hayop ► aw-aw-aso ► tilaok- manok Nananatili itong isang teorya sapagkat iba-iba ► ngiyaw- pusa ► halinghing- kabayo ang pandinig ng tao sa mga tunog sa kanyang ► kokak- palaka ► putak- inahing manok paligid. Tulad na b. Tunog ng Kalikasan lamang ng “tik-tilaok” kapag Pilipino ang ► patak- ulan ► ihip- hangin nakarinig at “cock-a ► dagundong- kulog ► lagaslas-tubig doodle-dooh” naman kapag Amerikano. ► langitngit- kawayan ► pagaspas- hangin at dahon 2. Teoryang Dingdong Halos katulad ito ng teoryang Bow-wow na tunog ang batayan ngunit hindi ito limitado sa mga tunog sa kalikasan kundi maging tunog na likha ng mga bagay-bagay na likha ng tao. Ang mga tunog na ito ay ginaya at ginawang batayan ng tao sa paglikha ng salita. Halimbawa: Mula sa tunog na “bog” na karaniwang tunog na nalikha ng nahulog o bumagsak na bagay (sa sahig na kahoy), nakabuo ng mga salita tulad ng talbog, dabog, kalabog, at sabog. Iba pang halimbawa: ► ding-dong- doorbell ► tiktak-relo/orasan ► tsug-tsug- tren ► klik- kamera © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 3 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 3. Teoryang Pooh-Pooh Ayon sa teoryang ito, ang tao ay nakalilikha ng Aray! tunog nang hindi sinasadya kapag nabibigla o nakadarama Masakit ng matinding bugso ng damdamin o emosyon tulad ng po! tuwa, kilig, hinanakit, hinagpis at iba pa. Ang mga tunog na ito ay may taglay na kahulugan at ito ang naging batayan sa pagbuo ng salita. ► ha ha ha- halakhak, hagalpak ► hi hi hi- hagikhik ► hu hu hu- hagulgol Larawan mula sa https://www.pinterest.ph/pin/27239747 7437383022/ 4. Teoryang Yo-he-ho (mula sa pariralang yo-heave-ho) Kahawig ng teoryang ito ang teoryang pooh-pooh na nagsasaad na napabubulalas ang tao dala ng matinding damdamin. Gayunman, bahagya itong naiba sapagkat ang tuon nito ay ang mga tunog o salitang naibubulalas kapag nagbubuhos ng lakas o puwersang pisikal tulad ng pagbubuhat ng mabigat na bagay, pagtutulak, panganganak at iba pa. Halimbawa: ► Kung tayo ay nagbubuhat ng mabibigat na bagay ay naibubulalas natin ang “ahhh” o “ahhggrrr”. 5. Teoryang Yum-yum Sinasabi ng teoryang ito na kasabay ng paglikha ng tunog ay lumikha rin ang tao ng kilos, kumpas, galaw at iba pang di-berbal na paraan ng pagpapahayag upang malinaw na maipaabot ang mensahe sa kapuwa. Halimbawa: ►Kung tayo ay naglalahad ng kwento tungkol sa pagputok ng baril. Ginagaya ng ating kamay ang baril at sinasabi nating “bang-bang”. 6. Teoryang Ta-ta Ang salitang ta-ta ay isang salitang Pranses na nangangahulugang paalam. Kapag ang tao ay nagpapaalam, sinasabayan niya ito ng kumpas ng kamay. Ayon sa teoryang ito, ginaya ng dila ang galaw o kumpas ng kamay. Sa pagkumpas ng kamay ay may nasasambit na tunog ang tao na kalaunan ay naging salita. Kung papansinin, kahawig nito ang teoryang yum-yum ngunit ito ay nakatuon lamang sa kumpas ng kamay. Kilala rin ang teoryang ito sa tawag na oral-gesture source. Halimbawa: ►Kung tayo ay nagpapaalam ay binabanggit natin ang salitang “ba-bye” habang kumakaway sa ating kamay. 7. Teoryang Tararaboom-de-ay Likas sa mga sinaunang tao ang mga rituwal. Bahagi na ito ng kanilang buhay na halos lahat ng gawain tulad ng panggagamot, pagtatanim, pakikidigma at iba pang pang-araw- © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 4 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. araw na gawain ay may kaakibat na rituwal. Madalas ay may mga bulong (incantation), dasal, awit at sayaw sa mga rituwal. Sinasabi ng teoryang ito na ang mga tao ay natutong bumuo ng mga salita mula sa mga rituwal na kanilang isinasagawa. Halimbawa: ► Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko Lumuwa sana ang mata mo Mamaga sana ang katawan mo Patayin ka ng mga anito. 8. Teoryang Mama Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang wika ay nagmula sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay tulad ng /m/ na unang nabibigkas ng sanggol. Bukod sa simple ang tunog, ang ina (mama) ang pinakamahalagang tao sa buhay ng isang sanggol. Halimbawa: ► mama TA: 10 minuto ATA: _____ A. Pagtukoy. Ibigay kung anong teorya ng wika ang mahahango sa sumusunod na larawan/sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan. 1. _____________________ 2. ______________________ © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 5 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. 3. ________________________ 4. _______________________ 5. ________________________ B. Analitikal na Pagpili. Unawain ang magkadugtong na pahayag at isulat ang: A. kung ang diwa ng dalawang pahayag ay TAMA B. kung ang diwa ng dalawang pahayag ay MALI C. kung ang diwa ng unang pahayag ay TAMA ngunit ang ikalawa ay MALI D. kung ang diwa ng unang pahayag ay MALI ngunit ang ikalawa ay TAMA _________1. Teorya ng Tore ng Babel I. Ang kuwentong ito ay matatagpuan sa Genesis. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 6 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. II. Ayon sa teoryang ito, nagkaroon ng iba’t ibang wika ang tao bilang biyaya mula sa Diyos _________2. Teoryang Bow-wow I. Sinasabi ng teoryang ito na mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan ay natutong bumuo ng salita ang mga tao. II. Isang halimbawa ng teoryang ito ay ang pagtawag ng mga Pilipino sa “gecko” ng “tuko” na maaaring dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing reptilya. _________3. Teoryang Ding-dong I. Kahawig nito ang teoryang bow-wow na tunog ang batayan. Ang ipinagkaiba nito, isinasaad ng teoryang ito na ang ang wika ay nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. II. Tinagurian din itong onomatopoeic dahil sa panggagaya sa tunog na gawa ng kalikasan. _________4. Teoryang Tata I. Halos kapareho nito ang teoryang Yum-yum. Ayon sa teoryang ito, ginaya ng dila ang kumpas ng kamay na ginagawa ng tao sa bawat partikular na okasyon. Sa panggagayang ito ay nakalikha ng tunog ang tao na kalauna’y naging salita. II. Ang salitang ta-ta ay salitang Pranses na nangangulugang paalam o goodbye. _________5. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay I. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga bulalas ng emosyon kapag nagsasagawa ng ritwal. II. Pinaniniwalaan din ng teoryang ito na ang wika ng tao ay nagmula sa mga tunog na kanilang nalilikha sa pagsasagawa ng ritwal. Kalaunan ay nagpabago-bago ito at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. C. Pasanaysay na Pagtugon. 1. Alin sa mga teoryang inilahad ang sa tingin mo ay lubos na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng wika? Patunayan. Gawing gabay sa pagsagot ang rubrik sa ibaba. __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________. © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 7 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification. Rubrik sa Pasanaysay na Pagtugon Kraytirya Puntos NILALAMAN 3 2 1 Kaangkupan, Angkop, wasto, at Angkop, wasto, Walang kaugnayan kawastuhan, at maayos ang ngunit hindi ang inilahad na kaayusan ng daloy pagkakaugnay- malinaw ang pahayag. Hindi ng inilahad na ugnay ng mga pagkakaugnay ng nakapagbigay ng pahayag pahayag. mga pahayag. patunay. Nakapagbigay ng 2 Nakapagbigay ng 1 patunay. patunay. Puntos GRAMATIKA 2 1 0 Wasto ang May 0-2 mali sa May 3-5 mali sa May higit sa 5 mali pagkakagamit ng pagkakagamit ng pagkakagamit ng sa pagkakagamit ng mga salita at bantas salita at bantas. salita at bantas. salita at bantas. TA: 2 minuto ATA: _____ TANDAAN Sa kategoryang teoryang biblikal ay hango sa mga pangyayaring nagpakita ng kapangyarihan ng Diyos. Sa kategoryang teoryang siyentipiko ay nagmula ito sa mga pag-aaral ng iskolar at siyentista ukol sa pinagmulam ng wika. TA – suggested time allocation set by the teacher ATA – actual time spent by the student (for information purpose only) Mga Sanggunian: Garcia, L. et.al., (2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy Publishing House. Padua, G. et.al., (w.p). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. St. Bernadette Publishing House Corporation. _______________. Mga Teorya ng Wika. Retrieved from https://www.tagaloglang.com/teorya-ng- pinagmulan-ng-wika/ Inihanda ni: Penelyn M. Banawa Posisyon: Special Science Teacher 4 Kampus: PSHS-Cordillera Administrative Region Pangalan ng reviewer: Blesilda S. Espinueva Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher 5 Kampus: PSHS-Cordillera Administrative Region © 2020 Philippine Science High School System. All rights reserved. This document may contain proprietary Filipino 1 Pahina 8 ng 8 information and may only be released to third parties with approval of management. Document is uncontrolled unless otherwise marked; uncontrolled documents are not subject to update notification.