1st Quarter Kom-Pan Reviewer PDF
Document Details
Tags
Summary
This document is a review of Filipino language concepts and different types of language. It discusses different theories of language and their examples. The document also includes information on formal and informal language.
Full Transcript
**1^ST^ QUARTER KOM-PAN REVIEWER** **WIKA** Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ayon naman kay 1. **Gleason (1961**) -- ang wika ay masistemang balangkas ng sin...
**1^ST^ QUARTER KOM-PAN REVIEWER** **WIKA** Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao. Ayon naman kay 1. **Gleason (1961**) -- ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. Halimbawa : Ang wika ay sinasalitang tunog o binubuo ng mga tunog. 2. **Finnocchiaro (1964**) -- ang wika ay isang sistemang arbitraryo ng simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya'y makipag-ugnayan. Halimbawa : Ang simbulo ay binubuo ng mga biswal na larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. 3. **Hill (1976)** -- ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at padron na lumilikha at simetrikal na estraktura. Halimbawa : Binibigkas na tunog at ito ay tumutukoy sa ponema (pinakamaliit na yunit ng tunog na nagtataglay ng kahulugan ). 4. **Bouman (1990)** -- ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga verbal at viswal na signal para makapagpahayag. Halimbawa : Pinakamabisang instrumento ang wika upang makipagtalastasan ang tao sa kanyang kapwa bagamat maaaring makipagugnayan sa pamamagitan ng mga senyas , pagguhit o mga simbulo , hindi pa rin matatawaran ang paggamit ng wika upang maisakatuparan ang malawak at mabisang pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa. 5. **Webster (1990)** -- ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Halimbawa : Nalikha ang wika upang magkaunawaan ang mga tao. **Mga Teorya ng Wika** ***1.Teoryang Ding-dong*** Sinasabi na ang teoryang ito ay nabuo dulot ng mga tunog na kumakatawan sa mga bagay sa kapaligiran. Halimbawa nito ay pagbusina ng tren, tunog ng orasan. ***2.Teoryang Bow-wow*** Ang teoryang ito ay nabuo dulot ng mga tunog na nililikha ng kalikasan. Halimbawa nito ay pagtilaok ng manok, pag-ihip ng hangin ***3.Teoryang Pooh- Pooh*** Sinasabi na ang tao ang siyang mismong gumagawa ng kahulagan sa mga tunog na kanyang nalilikha batay sa kanyang nadarama. Halimbawa nito ay pagdadalamhati, pag-iyak. ***4.Teoryang Yo-he-ho*** Teoryang nagsasabi na ang tao ay nakakabitaw ng mga salita kapag ito ay gumamit ng pisikal na enerhiya. Halimbawa nito ay panganganak o pagluluwal ng isang babae ng kanyang anak mula sa kanyang sinapupunan. ***5.Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay*** Teoryang sumasaklaw sa mga tunog na nalilikha mula sa mga ritwal at pag-usal ng mga salita na nabigyan ng kahulugan kalaunan. Halimbawa nito ay pag-aalay. ***6.Teoryang Ta-ta*** Ito ang teorya na kung saan ang kumpas o galaw ng kamay ng tao ay ginagawa upang magpaalam. ***[Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo]*** ***WIKANG OPISYAL*** - Sa kasalukuyang konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 &7) Ang wikang pambansa ay Filipino na sinasabi na kailangan itong linangin at higit pang pagyamanin at pagyabungin. ***Wikang Panturo*** Wikang panturo ang napagpasyahan na gagamitin na wikang opisyal lalong lalo na larangan ng edukasyon. Ito ang gagamitin na panturo sa mga mag-aaral at magiging midyum sa pagsusulat ng iba't ibang teksbuk o kagamitan na maaaring gamitin sa pagkatuto ng mga bata. ***K to 12 - Mother Tongue Based- Multi- Lingual Education (MTB-MLE)*** - Ang unang labing siyam na wika ang magiging midyum sa pagtuturo ng mga mag-aaral na nasa una hanggang ikatlong baitang. - Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanao, Meranao, Chabacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaraya, Yakan, at Surigaonon. **ANTAS NG WIKA** **Lalawiganin** - Mga bokabularyong dayalektal - Mayroong magkakaibang tono, o tinatawag na punto Halimbawa: - Totoo ang iyong sinabi Marinduque - Matuud imo ginahambay **Kolokyal** - Mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal - May kagaspangan nang kaunti ngunit maaari rin itong maging repinado Halimbawa: - Nasaan-nasan - Piyesta-pista - Sa akin sa'kin **Balbal** - Tinatawag na salitang kalye. - Ginagamit ng mga pangkat upang maging codes - Sa lahat ng antas ito ang pinakadinamiko Halimbawa: - erpat -- tatay - tsikot -- kotse - sikyo -- security guard **Pambansa** - Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla. - Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan. Halimbawa: - Nanay - Bayanihan - Presidente **Pampanitikan** - Ito ang may pinakamayamang uri.Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan.Mayaman sa paggamit ng idyoma at tayutay.Ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa, at mananaliksik Halimbawa: - Mabulaklak ang dila - Di-maliparang uwak - Kaututang dila **Konseptong Pangwika (Homogenous at Heterogenous na Wika)** **Homogenous** - Ang salitang homogenous ay nanggaling sa salitang Griyego na \"homo\" na ang ibig sabihin ay pareho at salitang \"genos\" na ang ibig sabihin ay uri o yari. - Ang homogenous na wika ay nangangahulugang iisang wika ang ginagamit o mas ginagamit sa iisang teritoryo, rehiyon, probinsya o kaya naman bansa **Heterogeneous** - - **VARAYTI NG WIKA** **Idyolek** Ito ay ang personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at pananalita. Halimbawa: - "Magandang Gabi Bayan" -- Noli de Castro - "Hoy Gising" -- Ted Failon **Dayalek** Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan. - Halimbawa: - Tagalog -- "Mahal kita" - Hiligaynon -- "Langga ta gd ka" **Sosyolek / Sosyalek** Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular na grupo. Halimbawa: - Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo) - Oh my God! It's so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!) **Etnolek** Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba't ibang etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko. Halimbawa: - Palangga -- Sinisinta, Minamahal - Kalipay -- saya, tuwa, kasiya **KOMUNIKASYON** - Ang komunikasyon ay pagpapahayag , paghahatid , o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. - Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan. Ito rin ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. **KONSEPTONG PANGWIKA** Ang **Unang Wika** ay ang wikang katutubo na kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at maunawaan ng isang indibidwal. Ang **Unang Wika** ay tinatawag ring mother tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ayon sa saliksik nina Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni Krashen (1982), ang **Pangalawang Wika** ay naiiba sa unang wika, sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang indibidwal sa kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad. Ito ay wikang natutuhan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao na may kakayahang gamitin ito. **Linggwistikong Komunidad** ang tawag sa mga wikang ito. Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan. **Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori)** **Pasulat** - Ang **INSTRUMENTAL** sa gamit ng wika ay ginagamit upang tumugon sa pangangailangan. Pangunahing instrumento ang wika upang makuha o matamo ng tao ang kaniyang mga lunggati o pangangailangan. Halimbawa: Pakiabot mo naman ang *folder* na nasa ibabaw ng mesa. Maaari ko bang malaman kung gaano katagal bago matapos ang proyektong ito? - Ang **REGULATORI** naman ay wika rin ang kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng tao. Obserbahan ang mga babala, karatula, o kautusan na malimit makitang nakapaskil sa mga pampublikong lugar. Halimbawa: Bawal pumitas ng bulaklak. Huwag gumamit ng ballpen sa pagsagot, gumamit ng lapis. Basahing mabuti ang pangungusap bago mangatuwiran. **[GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN ( Pasalita)]** - **Interaksyonal** -Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao. - **Instrumental** -Ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtutugon sa mga pangangailangan. Halimbawa: -Pag utos, paghingi, Pakikiusap - **Personal** -Ang tungkulin ng wikag ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. Halimbawa pagpapahayag ng damdamin sa isang tao. - **Heuristiko** -Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. **[Kakayahang Komunikatibo]** **SPEAKING** \- Salik-panlipunan na dapat isaalang-alang sa paggamit ng wika ayon kay hymes - **SETTING** \- Ang lugar ay may malaking impluwensiya sa komunikasyon. - **PARTICIPANTS** -Mahalagang isaalang-alang din kung sino ang kausap o kinakausap. - **ENDS** \- Sa paggamit ng wika kailangan munang isaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap. - **ACT SEQUENCE** -Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan. - **KEYS** -Paggamit ng pormal at di pormal sa pakikipag-usap. - **INSTRUMENTALITIES** -Paggamit ng midyum sa pakikipagkomunikasyon. Lenggwaheng ginagamit o ang instrumentong ginagamit upang makikipagkomunikasyon. - **NORMS** -paksang pinag - uusapan - **Genre** \- Batid dapat ng tao kung ano ang genreng ginagamit ng kanyang kausap, nang sa gayo'y aalam din ng kausap nang genre na kanyang gagamitin. **[Paraan ng Gamit ng wika sa Lipunan]\ **[( Pasalita at Pasulat)] **Diskurso** -tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpapahatid ng mensahe. **PASALITANG DISKURSO** Ang diskurso ay ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng pangugusap ng dalawa o higit pang tao. Dalawang uri ng Pasalitang Diskurso: Privado at Publiko. 1. **Ang Privadong pasalita na diskurso** - ay ang pag palitan ng mga ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na matatawag na "kumbersasyunal". Ito ay ginagawa na pasikreto sa pagitan ng mga nasa diskurso. 2. **Ang Pampublikong diskurso**- ay ang pagsasalita sa harap ng maraming tao. Halimbawa nito ay ang pagrereport sa klase. Isa sa pinakamadaling halimbawa dito ang dibate ng mga politiko. Pasulat na Diskurso - Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. PASULAT NA DISKURSO - Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na mapagsasalin ng mga nabuong salita.