Pagtataguyod ng Wikang Filipino sa Mataas na Edukasyon PDF
Document Details
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pagtatasa sa pagsisikap na itaguyod ang wikang Filipino sa mas mataas na edukasyon sa Pilipinas. Binabalangkas nito ang kasaysayan, mga hamon, at mga implikasyon sa mas malawak na konteksto ng edukasyon at kultura. Nagtatampok ito ng mga artikulo, memorandum, at iba pang materyales na may kinalaman sa wikang Filipino.
Full Transcript
KABANATA I ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA EDUKASYON AT LAGPAS PA BERNLAES, ET AL.. 2019 "Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting." Pakikipag...
KABANATA I ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NA EDUKASYON AT LAGPAS PA BERNLAES, ET AL.. 2019 "Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting." Pakikipaglaban Para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon Dalawang Papel ng Alyansa: Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) 2013 Nagsimulang ipaglaban ang wikang Filipino sa pangunguna ng Alyansa ng Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ang pananatili ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo. CHED MEMORANDUM ORDER (CMO) BILANG 20, SERYE 2013 Ito ay naglalaman ng bagong general education curriculum kung saan wala na ang Filipino bilang bahagi ng GE subjects sa kolehiyo. Nilagdaan ni Punong Komisyoner Kom. Patricia Licuanan, ang pagbabago na ito ay bilang bahagi ng pagpapaunlad ng edukasyong Pilipino sa antas ng kolehiyo bunsod ng implementasyon ng Batas K to 12. TAONG PANURUAN 2018-2019 Pag-unawa sa Sarili / Understanding the Self Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Pilipinas/ Readings in the Phillipine History Ang kasalukuyang Daigdig/ The Contemporary World Matematika sa Bagong Daigdig/ Mathematics in the Modern World Pagpapahalaga sa sining/ Art appreciation Siyensiya, teknolohiya at lipunan/ Science, technology and society Malayuning komunikasyon/ Purposive communication Etika/Ethics "PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA" Resolusyon at posisyong papel na inilabas ng PSLLF. Nilagdaan ni Dr. Lakandupil Garcia na noon ay awditor ng samahan. Naging mabisa noong Mayo 13, 2013 sa St.Scholastic College- Maynila. "PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA" Sapagkat: sa kasalukuyang kalakaran sa antas tersyarya ay 6 - 9 na yunit ang Filipino sa batayang edukasyon. sa antas tersyarya nagaganap ang at lubhang nalilinang ang intelekwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng Pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya. sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit ng pagtuturo ng/sa Filipino dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso; "PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPIΝΟ BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA" Sapagkat: dahil sa pagpapatupad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas tersyarya ang Filipino at sa halip ay ibaba na lamang sa ilang bahagi ng mga baitang 11 at 12. ang panukalang purposive communication na bahagi sa batayang edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o sa Filipino; ang panukalang 36 na yunit ng batayang edukasyon mula sa CHED ay minimum lamang kung kaya't maari pang dagdagan nang 6 pang yunit. HULYO 14, 2014 ipinadala ng PSLLF sa CHED ang posisyong papel sa partikular na tanggapan ni Kom. Licuanan. nagbigay nga PSLLF ng mahahalagang argumento kung bakit manatili ang Filipino bilang asignatura sa antas na ito ng edukasyon. MAHAHALAGANG ARGUMENTO NG POSIYONG PAPEL NG PSLLF 1. Department Order No. 25, Series of 1974 ng Department of Education, Culture, and Sports (DECS). - patakarang bilingwal sa edukasyon na ipinatupad kung saan ito ay operatibo at may bisa mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya. - Alinsunod sa nasabing kautusan, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa Social Studies/Social Sciences, Music, Arts, Physical Education, Home Economics, Practical Arts, at Character Education. 2. ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 ng 1987 KONSTITUSYON - Pagpapalawak ng paggamit ng wikang Filipino bilang wikang Panturo sa kolehiyo. 3. Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) - pagpapalakas ng wika at Panitikang Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon ay paghahanda rin para sa ASEAN integration at sa patuloy na globalisasyon. TAGPAGTANGGOL NG WIKANG FILIPINO (TANGGOL WIKA) Nabuo ang samahan na ito noong Hunyo 21, 2014. Binuo ng mga guro mula sa DLSU, UP- D, ADMU, UST, PUP. PUP ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamaasahang balwarte ng Tanggol Wika. Ang Departamento ng Filipinolohiya ng PUP ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga kilos-protesta, forum at asembliya. Ang Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle-Maynila ang naging daan upang magkaroong ng venue ang mga ginawang pulong ng Alyansa sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II. PANAWAGAN NG TANGGOL WIKA 1. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo; 2. Rebisahin ang CHEd memorandum Order 20, Series of 2013; 3. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura; at 4. Isulong ang makabayang edukasyon. Mahigit kumulang 700, 000 na mag-aaral, guro at iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino ang pumirma sa petisyon na inihain ng Tanggol Wika. G.R 217451 (ABRIL 15.2015) Ito ay ang kaso na isinampa ng Tanggol Wika sa kataas- taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa. Pinangunahan ito ni Dr. Bienvenido Lumbera at ng mahigit na 100 propesor at iskolar. kauna-unahang petisyong nakasulat sa Filipino Nilinaw ng Tanggol Wika ang paglabag ng CHED sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas. PAGLABAG NG CHED AYON SA PETSIYON 1. BATAS REPUBLIKA 7104 (Comission on the Filipino Act) 2. BATAS REPUBLIKA BILANG 232 (Education Act of 1982) 3. BATAS REPUBLIKA BILANG 7356 (An Act Creating the National Comission for Culture and Arts) ABRIL 21, 2015 Naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO). Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong sa ipinasang petisyon ng Tanggol Wika. Na nagingisang tagumpay ng nasabing alyansa. 2018 Tuluyan nang ibinasura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas ng kolehiyo. batay sa 94 na pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Benjamin Caguioa. ENERO 30, 2019 Inihain sa Kongreso ang Panukalang Batas Bilang 8954 o Batas na nagtatakda na hindi bababa sa 9 yunit ang asignaturang Filipino. Inakda ito nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep. France Castro. 1987 KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS. ARTIKULO XIV. SEKSYON 6 "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamin pa sa salig na umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika." MARSO 5, 2019 Pinagtibay na ng Korte Suprema ang desisyon nitong tanggalin ang mga assignaturang Panitikan at Filipino sa antas ng kolehiyo.