Mitolohiya at Mito ng Sinaunang Tagalog (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses mythology, including Greek and Tagalog mythology. It details the concept of mythology as the study of myths, their purpose in reflecting ancient cultures, and specific examples. The document also includes examples like Cupid and Psyche.
Full Transcript
Mitolohiya- nangangahulugang pag-aaral ng mito o myth. -tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. -layunin nitong maipaliw...
Mitolohiya- nangangahulugang pag-aaral ng mito o myth. -tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon na sinasamba, dinadakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao. -layunin nitong maipaliwanag ang puwersa ng kalikasan sa buhay ng mga sinaunang tao. Sa aspeto ng ating buhay, maaaring ihambing ang layunin ng mitolohiya sa Gawaing Politikal at Gawaing Panrelihiyon. Mitolohiyang Griyego 1. Zeus/Jupiter- Hari ng mga Diyos. Siya ang Diyos ng kalangitan, kulog at kidlat. Simbolo niya ang kidlat at agila. 2. Hera/Juno-cReyna ng mga Diyos at Diyosa. Tagapangala ng pagsasama ng mag-asawa. Simbolo niya ang Peacock at Baka. 3. Poseidon/Neptune- Diyos ng karagatan, tubig, bagyo, lindol 4. Hades/ Pluto- Diyos ng kamatayan at hari ng kabilang buhay. Maiuugnay sa kaniya ang asong may tatlong ulo. 5. Athena/Minerva- Diyos ng karunungan at pakikidigma. Simbolo niya ang kwago at puno ng Oliva. 6. Apollo- Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona. Simbolo niya ang lyre at sisne. 7. Artemis/Diana- Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona. Simbolo niya ang lyre at sisne. 8. Aphrodite/Venus- Diyosa ng kagandahan, pag-ibig at pagnanasa. Kalapati o ibon ang maiuugnay sa kaniya. 9. Hestia/Vesta- Diyosa ng apuyan. Simbolo niya ang apoy at apuyan. Mitolohiya sa Pilipinas 1. Mariang Sinukuan- tagabantay ng bundok Arayat. 2. Rihawani- sagisag ang puting usa. Mga Tauhan Nagkaanak sina Wigan at Bugan Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat 1. Wigan- Ang asawa ni Bugan ang sumang-ayon kay Bugan na maglalakbay ito patungo sa mga diyos dahil hindi nga sila magkaanak. 2. Bugan- Ang napakagandang babae na asawa ni Wigan ngunit hindi nagkakanak, kaya naman naglakbay siya patungo sa tahanan ng mga diyos. Siya ay mapagmahal ngunit madaling sumuko. 3. Igat- isang hayop na naunang nakita ni Wigan sa lawa sa kanyang paglalakbay. 4. Buwaya- siya naman ang pangalawang hayop na nakita ni Bugan sa sa kaniyang paglalakbay. 5. Pating- siya naman ang pangatlong hayop na nakita ni Bugan sa sa kaniyang paglalakbay. 6. Bumabakker- ang unang diyos na nakausap ni Bugan ang unang nakakita sa kanya ng nakaupo siya sa isang lusong na nasa labas ng bahay ng mga diyos. 7. Ngilin at Bolang- Sila ang mga Diyos na nag turo kay Bugan at Wigan ng mga ritwal upang mag kaanak ang mga ito. Cupid at Psyche Halimbawa rin ng Mitolohiya ay ang Cupid at Psyche na galing sa Roma. Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging imortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa. Naging mag-asawa sina Cupid at Psyche. Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente. Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at pinahirapan niya ito nang husto. Iba'y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at 'di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman. Ang ginawang pagsunod ni Psyche sa payo ng kaniyang mga kapatid ay mailalarawan bilang Pagtataksil. Pandiwa Ito ay mga salita na nagpapahayag ng kilos o galaw, damdamin, at kalagayan. Gamit ng Pandiwa 1. Kilos- may aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos. Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping -um, mag-, ma-, mang-, maki- Halimbawa: a. Bumalik siya sa mundo ng mga diyos nang mamatay ang asawa. b. Nakiusap ang binata na ibalik ang babaeng kaniyang iniibig. 2. Karanasan- nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Halimbawa: a. Nalungkot ang mga tao nang mabalitaan ang pangyayari. b. Si Pedro ay nairita habang ginagawa ang utos ng kaniyang amo. 3. Pangyayari- ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari. Halimbawa: a. Nagdiwang ang buong kaharian sa pagkakaligtas sa hari. b. Ang kanilang pamilya ay naghandog ng pasasalamat. Ikalawang Linggo: PARABULA, PARABULA NG TAPAT AT DI TAPAT NA ALIPIN, PARABULA NG ALIBUGHANG ANAK Parabula Galing sa salitang griyego na "parabole" na ang ibig sabihin ay maikling salaysay tungkol sa buhay. -Ito ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan o Bibliya. -Ang pinagkaiba naman ng isang parabula sa maikling kuwento ay ang mensaheng taglay nito. - Metapora ang tayutay na masasalamin sa pagbasa ng isang parabula. Elemento ng Parabula a. Tauhan- ang gumaganap sa kuwento na humaharap sa isang suliraning moral b. Tagpuan- Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon c. Banghay- ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari d. Aral o Kakintalan- ang matututuhan sa parabula Halimbawa ng mga Parabula sa Bibliya a. Ang Tapat at Di Tapat na Alipin b. Ang Tatlong Katiwala c. Ang Alibughang Anak d. Ang Mabuting Samaritano d. Ang Mabuting Samaritano e. Ang Nawawalang Tupa f. Ang Priseo at Publikano Si Hesus ang kinikilala bilang tagapagsalaysay ng kuwentong parabula sa Bibliya. Mababasa ang Parabula ng Tapat at Di Tapat na Alipin sa Lucas 12:41-48. "Ang binibigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami." Tinuturuan tayo na maging responsable at gawin ang tama kahit walang nakakakita. Parabula ng Aligbughang Anak Lucas 15:11-32 Mayroong isang matanda na may dalawang anak. Mayaman ang ama sa kaya naman naibigay din nito ang magandang buhay para sa dalawang anak. Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-arian ay umalis ito sa puder ng ama. Walang ginawa ang bunsong anak kung hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos nito ang perang ipinama sa paraang nais niya. Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa utang at hindi na nakabangon pa. Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama. Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang ama kaya naman tinanggap niya nang buong puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli. Nagtataka naman ang panganay dahil matapos umalis ng bunsong kapatid at waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama dahil dito. Sinabi naman ng ama na ang kailangan nilang maging masaya dahil ang bunso niyang anak ay nawala at muling natagpuan, namatay ngunit muling nabuhay. Ikatlong Linggo: ESTILO, PANG-UGNAY, PANGUNAHING PAKSA AT PANTULONG NA IDEYA Estilo- Ito ang paraan kung paano ang pagsasalaysay sa isang talata o kuwento. Pang-Ugnay- Ang mga pang-ugnay ay tumutulong upang mapag- ugnay ang mga pangungusap at mga talata para mapakinis ang takbo ng mga pahayag. May tatlong uri ang pang-ugnay ang pangatnig, pang-angkop, at pang-ukol. Pinagdudugtong nito ang mga salita na may kaugnayan. 1. PANGATNIG Ito ang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala, sugnay sa kapwa sugnay, o pangungusap sa kapwa pangungusap. Ito ay ang: at, saka, o, kung, kapag, kaya, tila, ngunit, subalit, samantala, dahil sa, sapagkat, palibhasa, sa wakas, sa lahat ng ito, samakatwid, sa madaling salita at iba pa. Halimbawa: 1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian kaya ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. Pinuri ng amo ang kaniyang katiwala dahil sa kumilos ito nang may karunungan. 3. Tinanggal siya ng kaniyang amo sapagkat nalaman nitong nilustay niya ang kayamanan nito. 2. PANG-ANGKOP Ito ang pagdudugtong ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng ng, na, at-g para mas maging madulas angpagkakasambit. Halimbawa: a. Ang tapat na alipin ay binigyan ng gantimpala ng mayamang amo. b. Mabait din ang magandang dalaga. c. Umiyak ang maramdaming bata. 3. PANG-UKOL Ito ang mga salita na tumutukoy sa pinagmulan o patutunguhan, kinaroroonan o pinagkakaroonan, at pinangyayarihan o kinauukulan ng isang kilos. Gumagamit ng ng, sa, kay, ni, nina, kay, kina, ayon sa, ayon kay, sa harap, na may, at iba pa. Halimbawa: Hindi ko gustong lumabas dahil ayon sa balita, mataas na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Pangunahing Paksa- Taglay nito ang mensaheng nais iparating ng talata. Pantulong na Ideya- Ang nagbibigay linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan ng mga mambabasa. Ikaapat na Markahan: MAIKLING KUWENTO, ANG KUWINTAS, MAKATOTOHANAN AT DI MAKATOTOHANANG PAHAYAG, PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PANANAW Maikling Kuwento- Ito ay isang Akdang Pampanitkan na matatapos lamang sa isang upuan sapagkat kinasasangkutan lamang ito ng isa o iilang tauhan at pangyayari. Edgar Allan Poe- Ama ng Maikling Kuwento Deogracias A. Rosario- Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog Elemento ng Maikling Kuwento 1. Tauhan 2. Tagpuan 3. Paksang-Diwa 1. Simula 4. Suliranin 5. Aral o Kakintalan 6. Banghay Banghay ng Maikling Kuwento 3. Tunggalian 5. Kakalasan 2. Saglit na Kasiglahan 4. Kasukdulan 6. Wakas Apat na Uri ng Tunggalian 1. Tao laban sa tao- Halimbawa: Sinigawan ni Joan ang kaniyang kapatid. 2. Tao laban sa sarili- Halimbawa: Pinag-iisipan ni Mathilde kung sasabihin kay Madam Forestier na nawala niya ang kuwintas. 3. Tao laban sa lipunan- Halimbawa: Laging nilalait si Venice dahil siya ay mataba. 4. Tao laban sa kalikasan- Halimbawa: Pinutol ng mga tao ang mga puno sa kabundukan. Kuwento ng Tauhan- ito ay uri ng maikling kuwento na nagsasalaysay at naglalarawan ng katangian ng pangunahing tauhan. Halimbawa ng Kwento ng Tauhan ay ang maikling kuwento na "Ang Kuwintas." Ang Kuwintas Maikling Kuwento galing sa France na isinulat ni Guy de Maupassant Mga Tauhan: 1. Mathilde Loisel - Si Mathilde ay isang maganda at mapanghalinang babae ngunit siya ay isinilang na mahirap kaya siya ay naiinggit sa ibang babae at hindi siya masaya sa buhay niya. Napakasal lamang siya sa isang abang tagasulat. Sa kanyang paniniwala,ang katulad niyang maganda ay hindi nababagay sa kahirapang kanyang hinahaharap kung kaya siya ay labis na nagdurusa. Siya ang nakawala ng kwintas na pinahiram ni Madam Forestier. 2. G. Loisel - Siya ang butihing asawa ni Mathilde. Isang ordinaryong trabahador lamang sa isang ordenaryong mangagawa lamang sa isang Instruksyong na pampubliko. 3. Madam Forestier- siya ang matalik na kaibigan ni Mathilde na nagpahiram kay Mathilde ng kwintas na ginamit niya sa pinuntahang kasayahan. Mga Aral sa Maikling Kuwentong "Ang Kuwintas" 1. Maging tapat at magsasabi ng totoo. 2. Ang paghahangad nang labis sa buhay ng tao ay nagdudulot ng kapahamakan. 3. Makuntento sa kung anong mayroon ka sa kasalukuyan at pagsikapang makamit sa hinaharap ang mga pangarap mo sa buhay. Makatotohanang Pahayag- ito ay mga pahayag na nangyari o nagyayari na may dahilan o basehan. Di Makatotohanang Pahayag- ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nangyari. Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw Mahalagang bahagi ng pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sarili nating pananaw o opinyon. Ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng pananaw ay ang mga sumusunod: sa aking palagay, sa tingin ko, ayon sa, sa paniniwala ko, ayon sa nabasa ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa pagkakaalam ko Halimbawa: Sa aking palagay, kung nagsabi lamang ng totoo si Mathilde kay Madam Forestier hindi na niya kailangang maghirap sa loob ng sampung taon dahil sa nawalang kwintas. Ikalimang Linggo: EPIKO AT EPIKO NI GILGAMESH Epiko- Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karamihan. -Ito ay mula sa griyegong salitang "epos" na nangangahulugang salawikain o awit ngunit ngayon ito ay tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. 1. Ibalon ng Bikol Epiko sa Pilipinas 3. Biag ni Lam-Ang ng mga Ilokano 2. Hudhud ni Aliguyon ng Ifugao 4. Tuwaang ng mga Bagobo Nagsimula noong 800 BC ang tradisyon ng Epiko. Illiad at Odyssey ni Homer. · Sa Epikong Romano, nakalikha ng isang mahusay na epiko si Virgil. Ang Divine Comedy ni Dante ay naging inspirasyon ng mga makata at pintor sa maraming dantaon. Iba pang Kilalang Epiko sa Buong Mundo 1. El Cid ng Espanyol Germany 2. Chanson de Roland ng France 3. Heliad at The Nibelungenlied ng 4. Beowulf ng Amerika Ang Epiko ni Gilgamesh ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Epiko ni Gilgamesh 1. Gilgamesh- ang hari ng Uruk na makisig, makapangyarihan at malakas ngunit mayabang at mapang-abuso 2. Enkido- Siya ang kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad Enlil. Siya ang sugo ng mga diyos na lumaki kasama ang mga hayop sa kagubatan na nakalaban ni Gilgamesh 3. Humbaba- ang demonyong nagbabantay sa bundok ng Cedar 4. Ishtar- diyosa na nagkagusto kay Gilgamesh 5. Anu at Enlil-mga diyos na naging tagasalok ng tubig at tagadala ng karne 6. Etana- ang hari ng Kish 7. Samugan-ang hari ng mga tupa 8. Ereshkigal-ang reyna ng kalaliman 9. Belit-Sheri-ang tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Ikaanim na Linggo: SANAYSAY, ALEGORYA NG YUNGIB, MGA HUGYAT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI Ayon kay Alejandro G. Abadilla ang Sanaysay ay "Pagsasalaysay ng isang taong sanay magsalaysay." -Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Sa ganitong paraan naipapahayag ng may-akda ang kaniyang damdamin sa mga mambabasa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw. Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas: a. Panimula Sa bahaging ito madalas na inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinalakay. b. Gitna/Katawan- Dito naman makikita ang pagtalakay sa mga mahahalagang puntos tungkol sa paksa o tema at nilalaman ng sanaysay. Inilalahad din sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan. c. Wakas- Dito naman sinasara ang talakayan na naganap sa katawan ng sanaysay. Elemento ng Sanaysay a. Tema b.Anyo at Esktruktura c. Wika at Estilo e.Larawan ng Buhay d.Kaisipan f.Damdamin g.Himig Alegorya ng Yungib -ay sanaysay mula sa Greece isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo mula ito sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo na si Plato na "Allegory of the Cave." Tungkol sa pag-uusap ng dalawang tao; ang marunong na si Socrates at ang kapatid ni Plato na si Glaucon. Plato- ang nagsulat ng Alegorya ng Yungib. Siya ay griyegong piilosopo, metamatiko, manunulat at tagapagtatag ng Akademiya sa Athens na tinatawag na Akademiyang Platoniko. Naging guro niya si Socrates at Pythagoras. Siya naman ay naging guro ni Aristotle. Alegorya- ay isang estilo ng kuwento na gumagamit ng mga simbolo. Ang mga tauhan, tagpuan at mga kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal na pagpapakahulugan. Ang Alegorya ay dapat binabasa sa dalawang pamamaraan: 1. Literal 2. Simboliko o masagisag Halimbawa: a. Kalapati- sumisimbolo sa kapayapaan b. Bahaghari- sumisimbolo sa pag-asa c. Ulan- sumisimbolo sa problema o suliranin Mga Simbolo sa Alegorya ng Yungib 1. Yungib o Kuweba- sumisimbolo sa utak o isipan ng tao 2. Bilanggo-tayong mga tao, mga mangmang sa katotohanan 3. Pader- hadlang sa mga pangarap/hadalang sa katotohanan 4. Mga nagdadala ng mga bagay o puppeteer- mga taong kaya tayong manipulahin, mga taong pinaniniwala tayo sa walang katotohanan 5. Puppet o mga dalang bagay- mga bagay na pilit nating pinaniniwalaan 6. Anino- inaakala nating totoo 7. Taong nakalaya- mga taong edukado, mga taong gusto pang matuto at malaman ang totoo 8. Repleksiyon- katotohanan 9. Araw-pag-asa Dalawang Mensahe ng Alegorya ng Yungib 1. Edukasyon- hindi tayo mananatiling wlang alam, hindi tayo mananatiling mangmang, magbasa nang magbasa. 2. Katotohanan- huwag magpaalipin sa kasinungalingan, imulat ang mata para makita ang katotohanan. Nais ipabatid ni Plato na: 1. Gumising tayo o palayin ang ating mga sarili sa mga bagay na gumagapos o kumukulong sa atin. 2. Ang tao ay may kakayahang maabot ang maraming bagay kung hindi gagawing bilanggo ang kaniyang sarili. Sabi nga, huwag nating limitahan ang ating mga sarili at huwag tayong huminto na makatuklas ng mga bagay-bagay o kaalaman na makatutulong sa atin. 3. Laging may liwanag sa gitna ng dilim. 1. Ito ang kabuoan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala. 2. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito'y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito. -Ang Alegorya ng Yungib ni Plato -Ang pahayaga na "Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw," ay ginamitan ng SIMBOLISMO. -Ang nais iparating ng pahayag na"Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyag" ay ang mabuti ay mabuti at ang masama ay masama sa may dangal at disposisyon. -Sa talata 1, ipinaghambing ang bilangguan at mundo. Mga Hudyat sa Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari Halimbawa: 1. una, unang-una, sa umpisa, noong una, 2. ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka 3. sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas Ikapitong Linggo: NOBELA, ANG KUBA NG NOTRE DAME, PAGKIKLINO, SURING-BASA Ang nobela ay isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit-kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas. Ito ay tinatawag din na Kathambuhay. Katha sapagkat likha ng panulat. At Buhay sapagkat ang mga kasaysayan ng ang isinasalaysay, kung hindi man lubos na gawa sa isip, ayhinango sa mga maaaring nasaliksik, nasaksihan o naobserbahan, napanayam, o kaya'y naranasan. Uri ng Nobela a. Ang nobela ng kasaysayan ay uri ng nobela na nagbibigay buhaysa mga nakalipas na pangyayari o mga nakalipas na. b. Ang nobela ng pagbabago ay uri ng nobela na nagbibigay-diin sa mga pangyayaring nakapagpabago ng ating buhay at sistema. c. Ang nobela ng pag-ibig o romansa ay uri ng nobela na pumapaksa sa pag-ibig maging ito man ay pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa. d. Ang nobela ng pangyayari ay uri ng nobela na nagbibigay - diin sa mga pangyayari sa nobela 1. Tauhan Elemento ng Nobela Tauhang Bilog- nagbabago ang karakter ng tauhan Tauhang Lapad- hindi nagbabago ang karakter ng tauhan 2. Tagpuan 3. Banghay 4. Pananaw a. Unang Panauhan b. Ikalawang Panauhan c. Ikatlong Panauhan 5. Tema o Paksang Diwa 6. Damdamin 7. Pamamaraan 8. Simbolismo Pananaw Panunuring Pampanitikan Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. 1. Humanismo- Ito ay kumikilala sa kakayahan ng tao para mag-isip at magpasya sa kanyang sariling tadhana. Ito ay isang pag- aaral sa pananaw ukol sa paniniwala o prinsipyo ng tao. 2. Realismo- Ito ay sumasalamin sa realidad sa lipunan. Ito ay tumatalakay sa katotohanan sa Lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan ng kanyang sinulat. 3. Feminismo- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. 4. Romantisismo- Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag- ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ang Kuba ng Notre Dame Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo Ang Kuba ng Notre Dame ay kilala sa Ingles bilang "The Hunchback of Notre Dame" o sa orihinal niyang pangalan bilang "Notre-Dame de Paris” na isinulat ni Victor Hugo noong 1831. Ang nobelang ito ay nakasentro sa isa sa mga pinakakilalang simbahan sa Pranses na tinawag na Notre-Dame de Paris o Notre Dame Cathedral. Mga Tauhan 1. Quasimodo- Ang protagonistang kuba ng Notre Dame bilang kinukutyang "papa ng kahangalan" dahil sa taglay hindi kaaya-aya ang kanyang itsura para sa mga tao sa nobela. Siya ay inabandunang bata na naiwan sa Notre Dame at pinalaki ni Claude Frollo. Siya ay nagkagusto kay La Esmeralda. 2. La Esmeralda- Siya naman ang kilalang dalagang mananayaw. Siya ang nawawalang anak na babae ni Sister Gudule. Siya ang babaeng nagustuhan nina Frollo, Gringoire, Phoebus at Quasimodo. 3. Claude Frollo- Siya ang paring may lihim na pagnanasa kay La Esmeralda. Siya ang tinuturing na totoong halimaw sa mga tauhan sa nobela. 4. Pierre Gringoire- Ito naman ay ang kilalang tauhan na nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Isa siyang nagsisikap at nagpapakadalubhasang maging dulang pilosopo. Nasagip siya ni La Esmerelda mula sa pagbitay. 5. Phoebus- Siya ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian ng Paris. Ang pangalan niya ay Phoebus de Chateaupers. Hindi niya inibig si La Esmeralda, sinusubukan lang niyang akitin at pati na rin ang iba pang mga kababaihan. 6. Sister Gudule- Ang babaeng dating mayaman pero nasiraan ng bait nang mawala ang kanyang anak na babae. Siya ang matagal na nawawalang ina ni La Esmerelda. Iba pang Impormasyon: 1. Tumatalakay sa mapangmatang Lipunan ang nobelang "Ang Kuba ng Notre Dame." 2. Santuwaryo- nangangahulugang nagkakasundo at nagkakabuklod- buklod dahil sa matibay nilang pananampalataya sa Panginoon. Dekada 70 Isang Nobela ni Luallhati Bautista Amanda Bartolome - Asawa ni Julian at ina ng limang anak na lalaki. Matapos matuklasan ang mga kopya ng mapaghimagsik na mga pamplet na nakahiga sa paligid ng bahay, tinanggap niya ang hilig ni Jules na maging isang aktibista. Kinalaunan ay sumama din si Amanda sa pakikibaka para sa demokrasya. Ang Teoryang Pampanitikan ang lumitaw sa nobelang "Dekada 70" ay Realismo dahil ito ay sumasalamin sa realidad sa lipunan at tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Pumapasok din ang Teoryang Pampanitikang Feminismo, dahil tumatalakay ito sa kalakasan ng babae (si Amanda). Pagkiklino-tumutukoy sa antas ng kahulugan na ipinahiwatig o ang tindi ng pahayag. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglalahad ng isang pangunahing antas ng salita. Ito ay paraan ng pagpapabuti ng mga kasanayan sa bokabularyo. Halimbawa: 1. lungkot, lumbay, pagdurusa, dalamhati, pighati 2. iniirog, ginigiliw, sinisinta, iniibig, minamahal 3. awa, malasakit, simpatya, pakikiramay, dalamhati Suring-Basa Ang suring-basa ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng sumulat tungkol sa akda. Layuninnito ang mailahad ang mgakaispiang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito. Kawikaan 3:5-6 Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.