POSTTEST Filipino PDF

Summary

This document contains a Filipino POSTTEST exam with questions and answers related to mythology and literature. The questions cover topics including mythological figures, concepts and Filipino literary forms.

Full Transcript

POSTTEST 1. Ang akdang ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa; tumatalakay sa kabayanihan ng isang indibidwal at ipinaliliwanag ang pinagmulan ng mga naganap at ilan pang bagay-bagay. A. alamat B. epiko C. mitolohiya D. parabola 2. Ang mga sumusunod ay kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay...

POSTTEST 1. Ang akdang ito ay tungkol sa mga diyos at diyosa; tumatalakay sa kabayanihan ng isang indibidwal at ipinaliliwanag ang pinagmulan ng mga naganap at ilan pang bagay-bagay. A. alamat B. epiko C. mitolohiya D. parabola 2. Ang mga sumusunod ay kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”, MALIBAN SA ISA. A. Walang pag-ibig kung walang tiwala. B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala. C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatitiwala. D. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay. 3. Nilisan ni Cupid ang kanilang tahanan dahil sa hindi pagsunod ni Psyche sa kanilang kasunduan. Ang kaisipang nais ipabatid sa pangyayaring ito ay pagiging ___________________. A. masunurin B. marunong C. marahas D. matapat 4. Ang sumusunod ay mga naging gamit ng mitolohiya maliban sa isa A. magturo ng mabuting aral B. ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan C. ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig D. maikuwento ang mga kapani-paniwalang pangyayari 5. Kilalang diyos ng mga diyos si Zeus sa mitolohiyang griyego. Ano ang kanyang panumbas na pangalan sa mitolohiyang romano? A. Jupiter B. Mars C. Neptune D. Pluto 6. Binuyo siya ng kanyang mga kapatid na silipin ang totoong anyo ng kanyang asawa. Alin sa sumusunod ang hindi nauugnay ang kahulugan sa salitang may salungguhit? A. nakiusap sa mga kapatid B. ang kausap ay nahikayat na sumunod C. nadaig ang ginawang desisyon ng mga kasamahan D. nagawang baguhin ang kanyang paniniwala hinggil sa isang paksa 7. Labis na pangimbulo ang nadarama ni Venus kay Psyche nang malimot ng mga kalalakihan na mag-alay at magpuri sa diyosa. Ang ganitong kalagayan ay higit na maiuugnay sa ____________________. A. Higit na maganda si Psyche. B. May mga taong naiinggit kapag nahihigitan. C. Hindi makuntento sa mga bagay o katangiang taglay. D. Labis na paghahangad ng tao sa mga makamundong pagnanais. 8. Nag-usisa sil asa napangasawa ni Psyche. Ano ang kasing kahulugan ng salitang nakasalungguhit? A. nagimbestiga C. pinaalam B. naghanap D. tiningnan 9. Sa mitolohiyang Cupid at Psyche, aling sitwasyon ang maiuugnay sa konsepto ng katatagan? A. Hinarap ni Psyche ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus. B. Ang magulang ni Psyche ay nahihirapang humanap ng kanyang mapapangasawa. C. Sa labis na kuryosidad ni Psyche, isang gabi ay sinubok niyang sulyapan ang mukha ng kanyang napangasawang si Cupid. D. Sa sobrang inggit ni Venus kay Psyche, inutusan niya si Cupid ang kanyang anak na paibigin si Psyche sa isang halimaw. 10.Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang may kaugnayan sa katangiang taglay ng pangunahing tauhan na si Psyche? A. Isantabi ang mga problema at magpatuloy sa pakikipaglaban. B. Mapagtatagumpayan ang lahat ng mga suliranin sa pag-asa sa iyong sarili. C. Sa pamamagitan ng labis na pagtitiwala sa sarili ay ganap kang magtatagumpay. D. Ang mga kinakaharap na mga pagsubok ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lakas ng loob, pananalig at sa tulong ng mga mahal sa buhay. 11.Si Apollo ang Diyos ng liwanag, panggagamot, katotohanan at propesiya. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba ang iba pang katawagan sa pangalang Apollo? A. Ares C. Jupiter B. Hepaestus D. Phoebus 12.Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche? A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid. B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid. C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi. D. Pinayuhan si Psyche ng kanyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa. 13.Diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang pagkakakilanlan ni Venus, ito ay hango sa mitolohiyang Romano. Ano naman ang panumbas nito sa mitolohiyang Griyego? A. Aphrodite C. Hera B. Athena D. Minerva 14.Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________. A. umusbong C. tumubo B. umurong D. tumugon 15.Natuwa si Cupid sa pagkakaloob ni Jupiter ng ambrosia kay Psyche. Ang ambrosia ay isang _______________. A. prutas C. pansungkit B. laruan D. kalasag —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. Nilisan ni Cupid ang kanilang tahanan dahil sa hindi pagsunod ni Psyche sa kanilang kasunduan. Ang salitang may salungguhit ay pandiwang nagsasaad ng gamit na ___________. A. aksiyon B. karanasan C. pangyayari D. proseso 2. Sa Pilipinas ang mito ay kinabibilangan ng__________ na naglalahad ngtungkol sa anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa mgapagkagunaw ng daigdig noon. A. Nobela C. Kuwentong bayan B. Anekdota D. Maikling kuwento 3. Paano nakatutulong ang mga akdang Mediterranean sa pag-usbong o pag- unlad ng mga akdang Pilipino? A. Malinaw na naipapakita ang kaugalian at kultura ng bansang pinanggagalingan. B. Madali na lamang ang pangongopya ng mga akdang pampanitkan mula sa bansang ito. C. Pinapatay ng mga akdang ito ang pagkakakilanlan ng isang akdang Pilipino. D. Nakakalimutan ang mga lumang akda at higit na tinatangkilik ang mga bagong likha 4. Ang mga sumusunod ay gamit ng pandiwa MALIBAN SA ISA. A. aksiyon C. Pangyayari B. karanasan D. Proseso 5. Alin sa sumusunod ang hindi naaangkop na katangian ng mitolohiya bilang isang akda? A. Kinatatampukan ng mga tauhang diyos at diyosa B. Nagbibigay ng siyentipong pangangatuwiran sa mga nagaganap. C. Maaring magpakita ng makasaysayang kaganapan at kaugnayan. D. Naging batayan ng sinaunang tao sa pagpapaliwanag ng mga natural na kaganapan. 6. Alin sa sumusunod ang mga katangiang dapat tularan ng isang tauhan? A. Matutong magtiwala sa kahit kanino man. B. Maimbot sa mga nilalang na nakahihigit ang katangian kaysa sa sarili. C. Maging pursigido at huwag na huwag na titigil sa anumang pagsubok na kakaharapin D. Madaling magduda sa iyong kakilala lalo na sa mga taong dapat na iyong pagkatiwalaan. 7. Sumibol ang panibugho sa puso ni Venus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa kagandahan ni Psyche. Ang salitang sumibol ay nagsasaad ng _______________. A. aksiyon C. pangyayari B. karanasan D. proseso 8. Sa pangungusap na “Natuwa si Cupid sa pagkakaloob ni Jupiter ng ambrosia kay Psyche”, ang pandiwang nakapahalang ay nagpapakita ng gamit ng pandiwa na ____________. A. aksiyon C. pangyayari B. karanasan D. proseso 9. Sinilip ni Pysche ang mukha ng kanyang asawa. Ang pandiwang sinilip ay nagsasaad ng __________. A. aksiyon C. pangyayari B. karanasan D. proceso 10. Sa iyong pananaw, aling sitwasyon ang maiuugnay sa konsepto ng katatagan? A. Hinarap ni Psyche ang lahat ng mga pagsubok na ibinigay ni Venus. B. Ang magulang ni Psyche ay nahihirapang humanap ng kanyang mapapangasawa. C. Sa labis na kuryosidad ni Psyche, isang gabi ay sinubok niyang sulyapan ang mukha ng kanyang napangasawang si Cupid. D. Sa sobrang inggit ni Venus kay Psyche, inutusan niya si Cupid ang kanyang anak na paibigin si Psyche sa isang halimaw —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar _______, marami ang nagsasabi na hindi siya karapat-dapat na mahalal bilang susunod na kapitan ng barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay na dapat gamitin upang mabuo ang pangungusap? A. tiyak B. dahil sa C. subalit D. kung gayon 2. Marami ang nagnanais na mabakunahan upang tuluyang makaligtas sa makamandag na COVID-19. Nakakalungkot ang ilang balita na ______________, may iilan pa ring nababawian ng buhay. Anong panandang pandiskuro ang angkop sa patlang? A. sa wakas C. pagkaraan ng sandali B. sa dakong huli’y D. pagdating ng panaho’y 3. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog- tulugan. Alin ang tamang isulat na ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa? A. Sa kabilang dako C. Sa ganang akin B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala 4. Ito ay akdang pampanitikang nagsasalaysay na may hangaring akayin ang tao sa tuwid na landas na hango sa mga banal na kasulatan. A. Mitolohiya C. Parabula D. Nobela D. Sanaysay 5. Ang salitang parabula ay mula sa salitang Griyego na ________. B. al-sham B. bible C. parable D. parabole 6. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na katangian ng isang parabula? A. isang kuwentong nagsasalaysay B. mga kuwentong hango sa banal na kasulatan C. inaakay ang tao sa tuwid at tamang landas ng pamumuhay D. ang mga gumaganap na tao at mga bagay ay nagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan 7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng pagkatakot? A. At kung hindi kayo mapagkatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” B. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari- arian.” C. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.” D. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.” 8. Saan talaga mahahanap ang mga parabula? A. Bibliya B. Koran C. Bagong Tipan D. lahat ng nabanggit. Para sa bilang 9-11 Tukuyin kung ang bahagi ng parabula o tekstong nagsasalaysay ay nagsasaad ng: A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian 9. Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, “Magkano ang utang mo sa aking amo?” A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian 10.May nagsumbong sa isang amo na nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian 11.Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. A. pagsisimula C. pagpapatuloy ng mga pangyayari B. pagwawakas D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian 12.Anong damdamin ang lumilitaw sa pahayag na “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso.” A. naiiyak C. nalilito B. nagtataka D. nagpapaalala 13.Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong ______________. A. sanhi at bunga C. paraan at resulta B. paraan at layunin D. layunin at resulta 14.Nang mapansin ng magpapastol na kulang ng isa ang kanyang mga tupa ay iniwan niya ang 99 na tupa at hinanap ang isang nawawala.A. A. Ang bawat tupa ay mahalaga sa magpapastol B. Pinakapaborito ng magpapastol ang nawalang tupa C. Ang nawawalang tupa ay may karamdaman kaya hinanap ttalaga ng magpapastol D. Lahat ng ng mga nabanggit 15.“Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” A. IIsa lang ang Panginoon na dapat paglingkuran. B. Maaaring maglingkod ng sabay ang tao sa Diyos at sa kayamanan.” C. Maiging panghawakan ng tao ang kanyang kagustuhan sa kayamanan. D. Wala sa mga nabanggit —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa gamit ng pantulong na kaisipan sa sanaysay? A. Ito ang aral na napapaloob sa sanaysay. B. Ito ay ang kongklusyon ng sanaysay. C. Ito ay tema o pangunahing diwa ng sanaysay. D. Ito ang lipon ng mga detalyeng nagbibigay-linaw sa paksa ng sanaysay. 2. Alin sa mga sumusunod ang uri ng panitikang ipinakilala ni Plato? A. tulang malaya at tradisyunal B. kwento ng tauhan at kwentong makabanghay C. dulang pantanghalan at panradyo D. sanaysay na pormal at di- Pormal 3. Alin sa mga pagpipilian ang kontribusyon ni Plato sa pagsulat ng sanaysay? A. Ipinakilala niya ang dalawang uri ng sanaysay: pormal at di-pormal. B. Iminulat ni Plato ang tao sa pagsasabing ang mga ideya ng mga bagay ay nasa utak na natin noong tayo ay ipinanganak. C. Binuksan ni Plato ang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo o ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita. D. lahat ng nabanggit 4. Ang _______ ay tumutukoy sa mga detalyeng nagpapalinaw sa pangunahing kaisipan ng sanaysay A. pantulong na talata C.Pangunahing talata B. pantulong na kaisipan D. Pangunahing kaisipan 5.Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang maaring iugnnay sa sanaysay na Alegorya ng Yungib? A. “Ang tunay na pag-iiral ng katotohanan ay nasa mundo ng mga ideya.” B. “Ang konsepto ng mga bagay ay naroon na sa isipan natin mula kapanganakan. Kailangan lamang nating gamitin ang pangangatuwir C. “Ang mga imahe ng mga bagay na nakikita sa mundo ay mga anino lamang ng katotohanan. D. Lahat ng nabanggit. 6.Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa? A. dula C. sanaysay B. tula D. maikling kuwento 7.Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang A. amo C. Diyos B. Siga D. bathala 8. Kung ang sanaysay ay tumatalakay sa seryusong paksa sa masusing pamamaraan gamit ang mga piling salita, anong uri ng sanaysay ito? A. Pormal C. Di-pormal B. Malaya D.Tradisyunal 9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na anyo at estruktura ng isang sanaysay? A. nakatutulong sa mga mambabasa na matukoy ang banghay ng kuwento B. nakatutulong sa may-akda na organisadong mailatag ang mga argumento ng paksang tinalakay C. nakatutulong sa may-akda na mapalutang ang mensaheng nais niyang iparating sa mga mambabasa D. lahat ng nabanggit 10. Saang bahagi ng sanaysay mababasa ang pangunahing kaisipan nito? A. Katawan C. Tunggalian B. Panimula D. Wakas/Kongklusyon 11. Ang sumusunod na pahayag ang mga kahalagahan sa pag-aaral ng sanaysay maliban sa___ A. napapalawak ang kaalaman sa mga iba’t ibang paksa B. Pagkakaroon ng kamalayan sa mga mahahalagang kaganapan sa lipunan o daigidg C. pagkakaroon ng matibay na pundasyon tungo sa malikhaing pagsulat at pagpapahayag D. wala sa nabanggit 12.“Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito. Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw? A. ng dumi C. sa bansa B. isang salik D. Higit pa rito 13. Analohiya; intelektuwal:wastong pag-iisip, mahirati:________ A. mahapdi C. mahumaling B. mahusa D. masisiyahan 14. Ito ay bahagi ng sanaysay kung saan nakapaloob ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan, at katuwirang iniisa-isa sa katawan ng akda. A. Wakas C. Pamagat B. Katawan D. Panimula 15. Sa anong bahagi ng sanaysay ang nagpapakita ng pangunahing kaisipan ng may-akda tungkol sa paksa o isyung tinalakay? A. Gitna C. Katawan B. Panimula D. Wakas/Konglusyon —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. “Ang polusyon sa bansa ay isang salik na nagpapahirap dito.Ang tubig ay kontaminado ng dumi sa alkantarilya o padaluyan. Higit pa rito, ang pagtagas ng langis ay hindi natugunan nang maayos”. Alin sa mga salita mula sa pahayag ang ekspresyong ginamit sa pagpapahayag ng pananaw? A. sa bansa C. ng dumi B. isang salik D. Higit pa rito 2. “Ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakutuwid kailangan na ang kanyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.” Ano ang ekspresyong ginamit sa pahayag? A. lahat C. yaon B. sinuman D. Samakatuwid 3. ________SWS (Social Weather Survey), simula nang umpisahan nila ang survey na ito noong taong 2016, nananatiling “excellent” ang net satisfaction ng mga taga- Mindanao sa pagtuligsa ni Duterte sa iligal na droga sa bansa. Alin sa mga sumusunod na ekspresyon ang naangkop sa pahayag? A. Batay sa C. Ayon sa B. Ayon kay D. Alinsunod 4.________Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon na ng “adjustments” sa emergency subsidy ng gobyero para sa mga low-income households, matapos inanunsyo nitong Biyernes, ang selective extension ng enhanced community quarantine (ECQ). A. Batay sa C. Ayon kay B. Ayon sa D. Alinsunod 5. ______ sa kautusang tagapagpaganap blg. 103 ng Komisyon Sa Wikang Fiipino, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay nararapat na maging Filipino-centric. A. Ayon Kay C. Sang-ayon sa B. Alinsunod D. Sang-ayon kay 6. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing. A. Sa ganang akin C. Sa paniniwala ni B. Sa aking palagay D. Sa paniniwala ng 7. _____ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko. A. Sa paniniwala ng C. Sa paniniwala ni B. Sa ganang akin D. Sa tingin ng 8. ______nangyari iyon upang matuhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang angkop na ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa? A. Sa paniniwala C. Sa kabilang dako B. Sa ganang akin D. Sa aking palagay 9. “Sa panahon ngayon, dapat nang makialam sa paglutas sa mga problemang naranasan ng bansa. Sa isang banda, mas gustuhin ko pang panatilihin ang katahimikan ng buhay.” Ano ang gamit ng ekspresyong may salungguhit sa pangungusap? A. nagpapahayag ng pananaw C. A at B B. Nagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa D. lahat ng nabanggit 10. Alin sa sumusunod ang gamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw? A. nagpapahiwatig ng pagbabago ng paksa B. ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw C. Ginagamit bilang aksiyon, karanasan at pangyayari D. A at B 11. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag sa kung paano nakatutulong ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw sa lubos na pagkaunawa sa sanaysay? A. Nailalahad ng mas malinaw ang iniisip, pananaw at saloobin ng tao sa pamamagitan ng mga ekspresyon. B. Naipakikita ng mga ekspresyon ang maayos na pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari C. Naiuugnay ng mga ekspresyon ang diwa sa isa pang diwa. D. Wala sa nabanggit 12. _______, ang pandemiyang ating naranasan ngayon, bagama’t nagdudulot ng matinding kahirapan ay nagdudulot din katatagan sa buhay at nagpapatibay ng ating pananampalataya. Alin sa sumusunod na pagpipiliang ekspresyon ang angkop sa pahayag? A. Samantala C. Sa kabilang dako B. Sa Palagay ko D. Sa isang banda 13. Alam kong nagkamali siya sa kaniyang mga disisyon sa buhay ngunit _________ bawat isa sa atin ay nararapat bigyan ng pagkakataong maitama ang mga kamalian A. sa tingin ng C. sa palagay ko B. sa ganang akin D. pinaniniwalaan kong 14. ________ dating Deped Secretary Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang giganagamit din sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaralat makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural” A. Ayon sa C. Batay sa B. Ayon kay D. Batay kay 15. _______ Komisyon ng Wikang Filipino ang tema sa pagdiriwang ng buwan ng wika ay “Filipino at mga Katutubong sa Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” A. Batay sa C. Ayon kay B. Ayon sa D. Alinsunod —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin upang matupad ang iyong mga pangarap sa buhay? A. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang aming buhay. B. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapagbigay sa akin ng masaganang buhay. C. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makokontento na sa kung ano ang kayang ibigay sa akin ng aking asawa. D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay upang lalo siyang magsumikap. 2. Sumapit ang inaasam __________ araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame Loisel. A. naming C. nilang B. kong D. niyang 3. __________ay isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat. A. Siya C. Kami B. Ikaw D. Sila 4. Malimit na sa pagmamasid __________ sa babaeng Briton na gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kanyang puso. A. niya C. siya B. nito D. nila 5. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa __________ ang pagkakakuha ko sa paanyaya.” A. nila C. mo B. ko D. niya 6. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala __________ isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. A. akong C. siyang B. kaming D. silang 7. Ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento” sa Pilipinas ay si __________. C. Edgar Allan Poe C. Juan Crisostomo Soto D. Deogracias A. Rosario D. Magdalena Jalandoni 8. Isang kuwento o salaysay na nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa mambabasa. Ito ay maikli at maaaring matapos sa isang upuan lamang. A. tula C. sanaysay B. nobela D. maikling kuwento 9. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis ni Mathilde ang paanyaya. Sa pangungusap ang posisyon ng panghalip na ginamit ay __________. A. anapora C. katapora B. pang-ugnay D. pang-angkop 10. Ang tawag sa isang pahayag kung saan ang panghalip ay nauuna sa pangngalang pinapalitan nito. A. anapora C. katapora B. pang-ugnay D. pang-angkop 11. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura. Anong uri ng panghalip ang ginamit sa pangungusap? A. anapora C. katapora B. pang-ugnay D. pang-angkop 12. Ang tawag sa isang pahayag kung saan ang panghalip na humahalili sa pangngalan ay nasa hulihan nito. A. anapora C. katapora B. pang-ugnay D. pang-angkop 13. Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan. C. kuwento ng tauhan C. kuwentong makabanghay D. kuwento ng kababalaghan D.kuwento ng katutubong kulay 14. Ang aklat para sa mga estudyante ay tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa. Ano ang wastong panghalip para sa mga salitang may salungguhit? A. iyo C. inyo B. kaniya D. kanila 15. Ito ay tumutukoy sa salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa perehong pangungusap o kasunod na pangungusap. A. panghalip C. pang-ugnay B. pang-abay D. pang-angkop —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ---------------------------------------- POSTTEST 1. Ang kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan na epiko ay nagmula sa _____. A. Espanya B. Europa C. Mesopotamia D. Plipinas 2. Tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa. A. Alamat C. Korido B.Epiko D. Mitolohiya 3. Ang sumusunod maliban sa isa ay katangiang taglay ng isang epiko. A. ang kwento ay nahahati sa mga kabanata B. mula sa lipi ng mga diyos at diyosa ang pangunahing tauhan C. tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan D. ang pangunahing tauhan ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao. Para sa bilang 4-7 Tukuyinang ang katangian ng tauhan sa nabasang epiko: A. Enkido C. Humbaba B. Gilgamesh D. Ishtar 4. Isang mabangis na halimaw, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. C. Humbaba 5. Isang malakas na nilalang na ipindala sa lupain ng Urok, lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.A. Enkido 6.Isang pinunong puno ng yabang at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.B. Gilgamesh 7. Ang reyna ng mundo; puno ng pag-ibig na nagpapahayag ng pagnanasa sa hari ng Uruk D. Ishtar Para sa bilang 8 “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nahihiya ang pagkamatay." 8. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito? A. nagsisisi C.nalulungkot B. nahihiya D. natatakot 9. Ang diyos ng kalangitan; ang diyos ama na tumugon sa mga dasal sa mga mamamayan ng Urok. A. Anu B. Ninurta C. Shamash D. Utnapishtim 10. Ang mahalagang kaalaman na gusting ipahiwatig ng may akda. A. mapaparusahan ang may sala B. sugpuin ang hindi magandang katangian ng isang pinuno C. maging maligaya sa mga pangyayari sa buhay ng iyong matalik na kaibigan D. huwag abusuhin ang angking kapangyarihan o ang katangiang taglay sa halip, gamitin ito sa mabisa at wastong paraan na makabubuti hindi lang sa karamihan kundi sa lahat Para sa bilang 11-13 Tukuyin kung ang bahagi ng epiko o tekstong nagsasalaysay ay nagsasaad ng: A. sa pagsisimula C. sa wakas B. sa gitna D. hindi nabanggit sa mga pagpipilian 11. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala. C. sa wakas 12. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan.A. sa pagsisimula 13. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay.B. sa gitna Para sa bilang 14-15 Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga pahayag; Itiman ang titik A kung ang unang pahayag ay TAMA at ang ikalawa naman ay MALI; titik B naman kung unang pahayag ay MALI at ang ikalawa naman ay TAMA; titik C kung ang una at ikalawang pahayag ay pawang TAMA at titik D kung ang dalawang pahayag ay MALI. 14. Unang pahayag: Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC. Ikalawang pahayag: Ang epikong “The Divine Comedy” ay naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. C kung ang una at ikalawang pahayag ay pawang TAMA at titik 15.Unang pahayag: Ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting ng kalalakihan mula sa Bikol. Ikalawang pahayag:Isang tulang pasalay ang Indrapatra at Sulayman na mula sa Kanlrang Mindanao. C kung ang una at ikalawang pahayag ay pawang TAMA at titik —------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ ----------------------------------------

Use Quizgecko on...
Browser
Browser