Mga Estilo at Pamantayan sa Pagkukuwento (Ikalawang Linggo) PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala sa araling Filipino tungkol sa mga istilo at pamantayan sa pagkukuwento, kabilang ang mga hakbang para maging mabisang tagapagsalaysay at mga estratehiya para gawing kawili-wili ang pagkukuwento. Mayroon ding mga halimbawa ng mga paksa sa pagkukuwento at mga kapakipakinabang na punto sa pagsasalita.

Full Transcript

SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS IKALAWANG LINGGO MGA ISTILO AT PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO PAGHAHANDA, ISTILO AT PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO ANG MABISANG TAGAPAGKWENTO Ang Children‟s Communication Center (1991) ay naghanda ng ilang hakbang...

SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS IKALAWANG LINGGO MGA ISTILO AT PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO PAGHAHANDA, ISTILO AT PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO ANG MABISANG TAGAPAGKWENTO Ang Children‟s Communication Center (1991) ay naghanda ng ilang hakbang upang maging mabisang tagapagkwento tulad ng mga sumusunod: 1. Alamin ang Kwento Kayang ikwento ninuman ang istorya ayon sa gusto nyang palabasin at sa sarili nyang paraan ng pagkukwento. 2. Gawing kawili-wili ang pagkukwento. Mga Estratehiya: (Pagsasadula ng Damdamin) a. Mukha- Palakihin ang mata at ibuka ang bibig kung natatakot, sumimangot kung nayayamt, ngumiti kung masaya, atbp. Mainam gamitin kung nais manatiling nakaupo habang nagkukwento. b. Katawan – Takpan ng mg akamay ang mga mata kung natatakot, ibaluktot ang baywang kung nasasaktan, yumuko kung nahihiya, ilahad ang mga daliri kung nagbibilang. Pumadyak kung nagagalit, iunat ang bisig kung may ituturo, palakihin ang dibdib kung nagyayabang. marahang paglakad sa harap ng mga kinukwentuhan kung kinakailanagan ng katahimikan ng kwento. c. Boses – Mahalaga ang paggamit ng boses. Kung higante ang nagsasalita, palakihin ang boses. Kung munting daga, paliitin ang boses. Inilahad ni Sarah Clive sa kanyang artikulo ang pitong paraan upang maging epektibo at masining ang pagkukwento ng isang tagapagsalaysay. 1. Pumili ng kwentong bagay sa iyo. 2. Ikonekta ang napiling kwento sa iyong sarili. 3. Kumuha ng isang kakilala o kaibigan para magig kritiko. 4. Humanap ng lugar na mapagkukwentuhan. 5. Isalaysay ang kwento. 6. Gumamit ng tunog at musika. 7. Pahalagahan at pasalamatan ang tagapakinig. APAT NA PAKSANG MADALAS GAMITIN SA PAGKUKWENTO. 1. Pabula 2. Alamat 3. Kwentong Bayan 4. Kwentong Pangkalikasan SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS MGA AKLAT PAMBATA PARA SA MGA BATA Sa isang sanaysay ni Genaro R. Gojo Cruz, premyadong manunulat ng mga kwentong pambata, ay ganito ang kanyang sinabi: Ayon kay Helen Huus, may apat na layunin ang programang panliterari: 1. Matulungan ang mga mag-aaral na mapatunayang ang panitikan ay nakaaaliw at dapat makapag-bigay kasiyahan sa kanilang buhay. 2. Maiparating sa mga bata ang kanilang panitikan. 3. Maipaunawa sa mga mag-aaral ang mga elemento ng panitikan at mapatnubayan sila na makapili ng mahusay na panitikan at maipagkaloob ng mga guro. 4. Matulunagn ang mga mag-aaral na mataya ang kanilang bansa. ANG MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGKWENTO. a. May pagmamahal sa pagkukwento. b. May malawak na talasalitaan. c. May mahusay na memorya. d. May masayang disposisyon dahil may sense of humor. ANG MGA ISTILO SA PAGKUKWENTO a. Nakaupo habang nagkukwento. Dapat may malaking aklat ang nagkukwento sapagkat malaking larawan ang ipapakita sa mga tagapakinig. Maaring mag anyong matanda ang nagkukwento, kumpleto ng kasuotan, make up at props. b. Nakatayo habang nagkukwento. Maaring magkwento na may hawak na aklat, tsart o mga larawan ng bawat pangyayari sa kwento, ngunit maari rin naman na wala syang hawak na anuman. TANDAAN! Ang tinig, tindig at ekspresyon ng mukha ang puhunan. MGA PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO Ang pamantayan o standard sa Ingles ay tumutukoy sa mga koleksyon ng mga ideya, paniniwala, o kaugaliaan. Kadalasang pinagbabasehan ito ng kung ano ang nararapat o di-nararapat. SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS MGA HALIMBAWA NG PAMANTAYAN SA PAGKUKWENTO: Mula kay Villafuerte, 2008: Mula sa Deped Memorandum BLg.561,s.2008: SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS IKATLONG LINGGO ANG SINING NG PAGTATALUMPATI PAGTATALUMPATI Ang PAGTATALUMPATI ay maituturing na isang uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw – araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t-ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang paraan ng paghahanda. LAYUNIN NG PAGTATALUMPATI Ang layunin nito ay makahikayat at mapaniwala ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng malinaw at maayos na paglalahad ng pangangatwiran. URI NG PAGBIGKAS 1. MALUMAY- may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Maaring magtapos sa patinig o katinig. Banayad at walang antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kuglit. 2. MALUMI - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. May impit mula sa huling pantig. Nagtatapos sa patinig lamang. () Paiwa ang tuldok na ginagamit. 3. MABILIS - binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala hanggang sa huling pantig. Maaring magtapos sa patinig o katinig. 4. MARAGSA - Binigkas ng tuloy-tuloy, may impiyt sa huling pantig. nagtatapos sa huling pantig lamang. Nilalagyan ng tuldok na pakopya. DAPAT ISAALANG-ALANG SA ENTABLADO 1. Ang MANANALUMPATI – dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao. 2. Ang TALUMPATI – kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig. SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS 3. Ang TAGAPANOOD/TAGAPAKINIG – higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapagisip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila. URI NG TALUMPATI 1. TALUMPATING NAGBIBIGAY-ALIW isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon o salu-salo. 2. TALUMPATING NAGDARAGDAG – KAALAMAN madalas isinasagawa sa mga lektyur at paguulat. 3. TALUMPATING NANGHIHIKAYAT ginagamit upang mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig. 4. TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong dating. 5. TALUMPATING NAGBIBIGAY-PAPURI ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw. DAPAT IWASAN SA PAGTATALUMPATI 1. Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging kaiga-igaya sa mga nakikinig. 2. Huwag maging matamlay at iwasang sumimangot. 3. Iwasang manalumpati ng hindi nagsasanay, dapat laging handa. 4. Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at maging paligoy-ligoy 5. Kung maganap ang ppuwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba. 6. Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan. 7. Huwag mangamba o kabahan, maging tuwid at payak lang sa pakikipag-usap na tila ba ay ginagampanan lamang ng isang kaswal na pakikipagkomunikasyon. 8. Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong ipabatid sa kanila. SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS IKA-APAT NA LINGGO MGA PAMANTAYAN SA TALUMPATI MGA DAPAT TANDAAN SA EPEKTIBONG PAGSASALITA AT MAHUSAY NA PAGTATALUMPATI Ano nga ba ang TALUMPATI? Ang talumpati ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala Ang talumpati ayon sa libro ng Gintong Pamana, wika at panitikan, ni Lolita R. Nakpil, ito ay isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handang magsipakinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humihikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. 5 DAPAT TANDAAN SA MAHUSAY AT EPEKTIBONG PAGSASALITA 1. WASTO AT MALINAW NA BIGKAS NG SALITA a. Huwag kainin ang iyong sinasabi b. Gumamit ng tamang bilis ng salita Unang napapansin ng manonood Maaaring makapukaw ng atensyon Para maging kaaya-aya Upang hindi maging sanhi ng katatawanan Upang hindi mawalan ng gana ang awdyens 2. TINIG a. Mag karoon ng varayati sa lakas ng boses Masyadong malakas ay nakakainis Masyadong mahina ay nakakantok Ibatay ang lakas ng boses sa damdaming ipapahayag Magagamit sa pag bibigay ng interes sa tagapakinig 3. TINDIG a. Maaring sinyales ng nerbyos o kakulangan ng paghanda b. Iwasan sa pamamgitan ng: Pag tayo ng diretso. Pagrelaks ng mga balikat. Umiwas yumuko at kumuba. 4. KILOS SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS a. Iangkop ang ang ekspresyon ng mukha, huwag mag kamot ng ulo, ayusin ang pwesto ng kamay Nag bibigay ng buhay sa mga salita Nag papakita kung hand o kung hindi handa ang ispiker Sobra’t kakulangan ay maaaring makasira sa pag sasalita Ang KILOS ay mahalaga rin sa pag sasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang mauunawaan ang sinasabi kundi lalo higit kilos at ekspresyon ng mukha. Kung minsan, kahit wlang binibigkas ay nakapaghahatid pa rin ito ng mensahe bunga ng kios o galaw ng katawan. 5. KUMPAS Mayroong 55%-65% ng ating komuniksyon Nakapagpapadali ng pag-unawa at retensyon ng mensahe. DALAWANG URI NG PAGKUMPAS 1. Kumpas na kinaugalian 2. Kumpas na mapaglarawan KUMPAS NA KINAUGALIAN a. Palad na nakalahad sa harap - bahagyang nakabukas ang dalawang bisig. Nagpapahiwatig ng bukas ng damdamin. b. Palad na nakataob at ayos na patulak - nagpapahiwatig ng pagtanggi o di pagsang-ayon. c. Palad na nakataob, at ayos na padapa - Ginagamit upang pakalmahin ang kalooban ng mga awdyens. d. Palad na nakayukom - Nagpapahayag ng isang masidhing damdamin gaya ng galit, lungkot, panlulumo at pagtitimpi. KUMPAS NA MAPAGLARAWAN a. Kumpas na parang may itinuturo - Ginagamit upang tumawag ng pansin. b. Kumpas na paturo - Panghamak, panlilibak, pagkagalit, panduro, paninisi. Kumpas na pasubaybay - Ginagamit ito kung nais bigyan ng diin ang magakaugnay na diwa. SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS IKA-LIMANG LINGGO ANG PAGHAHATI-HATI NG PARIRALA PANGUNGUSAP SA TALUMPATI PANGUNGUSAP Ang Pangungusap ay lipon o grupo ng mga salita na; nagsisimula sa malaking titik may bantas may kumpletong diwa Ang tawag natin sa lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Sinasabing buo ang diwa kung ito ay may simuno at panaguri. Simuno Ang Simuno ay ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay maaring payak o buo. Payak na Simuno Pangalan o panghalip na pinag-uusapan sa pangungusap. Halimbawa: Ninuno Pilipino Buong Simuno Ang payak na simuno kasama ang iba pang salita o mga panuringi. Halimbawa Ang ninuno ang mga unang Pilipino Panaguri Ang Panaguri ay ang bahaging nagsasabi tungkol sa simuno. Ito rin ay maaari ring payak o buo. Payak na Panaguri Bahaging nagsasabi tungkol sa simuno ng pangungusap na maaaring pandiwa, pangngalan, panghalip, o pang-uri Halimbawa Nagkaroon (pandiwa) Sarili at umuiiral (pang-uri) SPE FIL II – PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II PANITIKAN NG PILIPINAS Buong Panaguri Ang payak na panaguri kasama ang iba pang salita o panuringi. Halimbawa ay may sarili at umiiral ng sistema ng pagsulat at wika (pang-uri) Nagkaroon ng marami at iba’t wika (pandiwa) PARILALA Ang Parirala ay lipon o grupo ng mga salita na; hindi nagsisimula sa malaking titik walang bantas hindi kumpleto ang diwa salitang walang diin o kaisipang ipinapapahayag. TANDAAN! *Ang mga pangungusap ay binubuo ng mga parirala. *Kailangang makikita ang 3 katangian upang matawag na pangungusap ang grupo ng mga salita. *Kung isa man ay hindi makita magiging parirala na ito. SUBUKAN NATIN. Tukuyin kung ang lipon ng mga salita ba ay isang PARIRALA o PANGUNGUSAP 1. Nagluto ang lahat 2. Naglalaba si ate 3. Ang tatay ay nagsisibak ng kahoy. Sagot:Pangungusap 4. Si beybi ay. ` 5. Namasyal ang magpamilya.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser