SINESOS Handout 1 PDF
Document Details
Tags
Summary
This document discusses Filipino film as a spectacle, exploring its connection to daily life and other forms of media. It delves into the various elements involved in filmmaking, such as the audience's emotions, the production process, the industry, and the public reception of films.
Full Transcript
Sinesilip: Ang Pelikulang Filipino Bilang Espektakulo Lektyur 1-3 Hindi natin maikakaila na ang pang-araw-araw na buhay ay nakapaloob sa sine, bagama’t namumukod-tangi bilang isang anyo ng espektakulo ay nakahabi na sa pangkaraniwang gawi. Kadalasan, hindi ito napapansin inuunawa ng indibidwal at ko...
Sinesilip: Ang Pelikulang Filipino Bilang Espektakulo Lektyur 1-3 Hindi natin maikakaila na ang pang-araw-araw na buhay ay nakapaloob sa sine, bagama’t namumukod-tangi bilang isang anyo ng espektakulo ay nakahabi na sa pangkaraniwang gawi. Kadalasan, hindi ito napapansin inuunawa ng indibidwal at kolektibong pagtanggap. (Flores, 2009, p.2) Ayon din kay Flores (2009) ang sine ay mahigpit na kadaop ng iba pang mga palabas, ito ay dumadaloy sa dunong ng kulturang bayan tulad ng mga kwento at dasal, sa isang banda at hinuhulma sa pabuka ng mas medya (mass media) sa anyo ng radio, telebisyon, Computer, Internet at video game. Dahil naging bihasa na tayo sa panonood at pakikinig sa mga palabas, nakalimutan natin nap ag-aralan ang kabuuan nito bilang isang Sistema ng paglikha --- ang paglikha ng “sine ng palabas” na nagmimistulang natural dahil laganap ito sa lipunan at bahagi na ng pangkaraniwang gawain (YCC, 2009,p.2) Ang sine ay palabas na isang produksyon ng karanasan, isang paraan ng pagpanday ng mga ugnayanat isang makulay na pagsasahaya ng tao at ng kanyang daigdig sa sandal at lunan ng kasaysayan (Flores, 2009, p.2) Hindi natin mapagkakaila na maraming salik ang nakapaloob sa proseso ng pagpapalabas ng sine at pagtangkilik dito: a. Ang katawan at damdamin ng manonood b. Ang paggawa ng pelikula c. Ang industriya ng pelikula d. Ang publiko, at iba pa. Hindi lamang produkto ang sine, ito ay isang proseso, at dahil ipinanday ito ng espesipikong kultura at kasaysayan, ang prosesong ito ay umuusbong sa praktika, o ang paraan ng pagbuo at pagbago ng mundo sa konteksto ng mga kondisyon at material ng lipunan at karanasan ng tao. (Flores, 2009, p.2) Sa mga parametrong nailahad, mababanaag ang kahalagahan ng pagsusuri sa engkuwentro sa pagitan ng ating mga sarili at ng pelikula. Paano natin inaako ang pelikula at paano tayo inaangkin nito? Tunay na kapaki-pakinabang na tumiin ang tunguhin ng ganitong katanungan. Bilang tugon, tukuyin natin ang ilang mahalagang konsepto: (Flores, 2009, p.11) a. Na ang particular na realidad ang pinanagutan ng pelikula at hindi mga abstraktong idea: mga partikular na tao, kondisyon at damdamin; b. Na ang pelikula ay hindi bintanang sinisilipan ng tanawin o salamin na bihag ng kung anuman ang lumantad sa harap nito; ito ay produksiyon ng realidad na kinakatigan ng mekanismo ng paggalaw ng mga puwersa sa telon at ang kaakibat na kondisyon ng ilusyon nito bilang teknolohiya ng katotohanan; c. Na ang pelikula ay isang interbensiyon sa larangan ng paghamon, pagtanaw, at patanaw- muli sa mundong nakasanayan. Dahil sa kapangyarihan nitong igpawan ang limitasyon ng realismo at pangarap ang posibilidad ng kakaibang realidad, taglay ng pakpak nito ang pangako ng pagbabago na magaganap lamang dahil sa mga taong nananampalataya sa simbahan ng sine; d. Na ang panonood ng sine at pagbibigay saysay nito sa ating buhay ay hindi isang natural na gawain kundi isang predisposisyon na naghahain ng mga ekspektasyon para sa isang sistema ng ugnayan at kalinangan sa pagitan ng manonood at pelikula, dokumentasyon at prepigurasyon, panaginip at kamulatang, kutob at kaganapan. Ayon sa isang kritiko ng pelikula na si F.E Sparshott, ang estetikang pampelikula ay dapat talakayin sa paraan na mapang-uri at mapagsuri, Sa layong ito, tinatanong niya kung ano ba talaga ang pelikula. Ngunit hindi niya ito sinasagot sa paraang simplistiko, bagkus iginigiit na wala naman talagang mga universal at likas na prinsipyong napapatnubay sa pelikula. Kahit pa man ang mga aparato ng pelikula ay mas o menos pare-pareho kahit saan, ang paggamit at pagtatanggap dito ay nagkakaiba-iba ayon sa kondisyon at kahingian ng konteksto ng kasaysayan. At ayon kay Sparshott, ang kasaysayan ng pelikula ay kasaysayan ng imbensiyon ng mga kaparaanan nito, o mga posibilidad ng teknolohiya. Ang mga posibilidad na ito ay nagiging makabuluhan lamang kung iuugat sa kaliwanagan ng respsiyon. Binigay niya bilang halimbawa ang isang klasikal na palaisipan sa kasaysayan ng teoryang pampelikula: Sa isang yugto ng isang pelikula, may taong hinahabol ng tigre at sa huli ay makikita ang tao at tigre sa isang kuwadro. Ayon kay Andre Bazin, hindi ilusyon ang paghahabol dahil totoo ngang magkaniig ang dalawa. Ayon naman kay Montagu, ilusyon lamang ang lahat dahil wala naman talagang naganap na habulan; ang ilusyon ay dulot ng pagputol-putol ng mga eksena. Sa isyong ito, malinaw para kay Sparshott na ibang iba ang paghinuha sa mekanisyon ng ilusyon ng realidad sa pelikula: Maaaring any tigre ay maamo, o di kaya'y ang pagsama ng dalawa sa isang kuwadro ay isa na namang salamangka ng sine. Kahit saan tayo pumanig, inaalay ng sining ng pelikula ang mga posibilidad ng pagbuo at pagbago ng mundo, mga posibilidad na kinakatawan paniniwala ng mga taong nabubuhay sa pag-asa ng tanspormasyon ayon sa iba't ibang paniniwala. May isang antropologong nagngangalang David Thomas na naniniwala na ang pelikula ay isang pagsibol o pagsuong sa pagsubok (rite of passage) sa maraming antas ng pagbabagong- anyo. Ang pagkuha ng imahen sa pamamagitan ng mga prosesong optikal, mekanikal, at kemikal ay nagbubuo ng negatibo. Ang negatibong ito ay maglaluwal ng isang imaheng positibo mula sa inter-aksiyon ng liwanag at dilim, maaari ding magluwal nang magluwal ang negatibong naturan ng di-mabilang na imahen, salamat sa teknolohiya ng reproduksiyon. Ang ritong ito ay nagpapatuloy sa loob mismo ng madilim na sinehan na nailawan lamang ng sinag ng makinang naghahatid ng imahen sa telon. Tinatayang nabubuhay ang prosesong ito sa pagitan o sa bukana (liminal) na pinagtitibay ng relasyon ng mga buhay at patay sa telon at sa sine: a. Mga taong gumagalaw sa telon at mga taong nakapako sa mga upuan; b. Mga taong aktibo sa pagdanas ng pelikula sa sinehan; at c. Mga taong dalawa lamang ang dimensiyon sa telon. Tunay ngang sa sining ng sine aanhin ang binhing pilak ng ganap na pagbabagong-anyo, at sa pamamagitan lamang ng isang kritikal na pandama tayo makalilikha ng mga manonood ng pelikula ng magiging karapatdapat at tapat sa pagbabagong ito. (Flores, 2009, p. 13) "Ang aking buhay ay isang pelikula na punong puno ng tawanan at iyakan..." - Jaime G. Aug, 2020 Pelikula Ang pelikula, kilala din bilang sine o pinilakang tabing ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na la/rawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Gaya ng iba pang dayuhang uri ng sining, ang pelikula nang natanim sa Pilipinas ay may halong impluwensya ng dayuhan ngunit nang maglaon ay nahaluan ng Pilipino at Asyanong impluwensya. Simula ng paglaya sa mga Kastila, lumaki at lumawak ang manunuod ng pelikula sa Pilipinas, dahil na rin sa pagdami ng mga artista at mga kwentong sumasalamin sa kultura, problema, at mga pangarap ng Pilipino. Noong 1895 nagawa ang unang pagpapalabas ng pelikula sa bansa sa tulong ng dalawang negosyanteng Swiss, gamit ang Lumiere Chronograph. Inaasahan na ang gulat sa mga Espanyol nang makita nila ang bagong imbensyon. Ngunit dahil sa giyera, natigil ang pag- usbong ng teknolohiya sa bansa. Nagsimula lamang na umunlad ang mga pelikula sa bansa noong 1909 kung saan pinapalabas ito sa simula ng mga bodabil o mga karnabal. Sa taong din iyong nagsimulang lumabas ang mga sinehan tulad ng Empire at Anda. Ang mga director ng pelikula ay dumadayo na sa bansa upang kumuha at ipakita ang kani- kanilang mga gawa, na marami ay mga dokumento. Ang mga unang silent film ay lumabas noong 1912, kung saan tilakay ang buhay ng bayani, gay ani Jose Rizal , pagkatapos ng World War I, nagsimula nang gumawa ang mga Pilipino ng sarili nilang mga pelikula, tulad ng Dalagang Bukid (1919) Makikita sa mga ito ang hangarin ng mga Pilipino na hanapin ang kanilang lokasyon sa mundo ng politika, kultura at lipunan sa mundo. Sina Vicente Dalumpides at Jose Nepomuceno ang nakilala bilang mga uang Pilipinong producer. Noong 1930s naman lumabas ang mga talkies gaya ng Ang Aswang, Collegian Love at King- Kong. Ngunit sa kawlaan ng teknolohiya ay natatalo ng mga dayuhang pelikula ang mga pelikulang Pilipino. Napilitang magsara ang mga orihinal na studios at umusbong ang mga bago, tulad ng Sampaguita Pictures, Excelsior at LVN dahil na rin sa mgandang balik ng puhunan para sa mga negosyante. Sa paglusob ng mga Hapon, napilitang lumipat ang mga produksyong pangpelikula sa teatro dahil na rin sa naubos na mga kagamitan sa pelikula. Sa panahon ng giyera, naisip ng mga mananakop na gamitin ang pelikula bilang uri ng propaganda upang subuking ilayo ang mga Pilipino sa impluwensiyang Amerikano. Gaya na lamang ng The Dawn of Freedom na ginawa ng Eiga Heisuka. Ngunit dahil nanatili lamang sila saglit ay bumalik din sa normal ang industriya, ano lamang na nabago ang pokus niyo patungo sa mga kwentong realistiko. Sa bandang huli ay nagsimulang malugi ang mga studios pagdating ng 1960s dahil sa pagkamatay ng mga unang producer at pagbabago sa panlasa ng mga tao. Simula nang nagsara ang mga film studios, napilitang gumawa ng sariling mga pelikula ang mga sikat na artista at director, tulad nina Fernando Poe Jr. at Manuel Conde. Ang mga ibang artista naman ay napilitang magretiro o lumipat sa radio at telebisyon. Mapapansin na ang mga pelikula simula sa puntong iyo ay ginawa upang pagkakakitaan, at madalas ang mga ito’y ginaya sa mga pelikulang Kanluranin ngunit tinipid sa mga kagamitan at aspeto. Sumikat sa mga panahong ito ang mga pelikulang ginaya sa mga ganster movies kung saan tinalakay ang krimen sa mas madugo at mas realistikong paraan. Ang mga melodrama naman ay napuno ng mga kwento ng mga pagtataksil ng mga asawa o kaya’y mga babaeng iniwan lang sa hangin. Ngunit mas nakilala ang mga bomba movies na nagtatampok ng mgam ainit at malalaswang eksena sa gitna ng mga kwento sa magulong lipunan ng dekada ’60 hanggang ’80. Nang nagsimula din namang umusbong ang mga bagong kwento, artista at director, tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos at Dolphy. Ang mga batang director tulad nina Ishmael Bemal, Linjo Brocka at Marilou Diaz-Abaya naman ay nagtampok ng mga pelikulang may halong drama, komedya, komentaryo relaismo ng buhay Pilipino. Kahit na ninais ng pamahalaan na lumawak ang kontrol nito sa sining sa pamamagitan ng mga buwis at censorship ay nanatili ang makulay na pag-unlad at pagbabago ng mga pelikula sa panahong iyon. Sa panahon ngayon ay marami ang nagsasabi na tuluyan nang namatay ang pelikulang Pilipino ngunit may mga nagsasabing tahimik lang itong nagbabago. Maraming mga film festival ang naitayo, tulad ng metro Manila Film Festival at Cinemalaya. Ang mga Pelikulang indie ay unti-unting nagkakamit ng parangal sa loob at labas ng bansa at tinatangkilik na ng mga Pilipino gaya ng pagtangkilik nila sa mga normal na rom-com at pantasya. Nagsimula na rin ang pag-aaral at pagtuturo ng paggawa ng pelikula sa mga kolehiyo – nauna na ang UP nang ipinakilala nito ang kanilang BA Film noong 1981. Antropolohiya Ang aghamtao o antropolohiya (Aleman: Anthropologie, Kastila: antropología, Portuges: antropologia, Ingles: anthropology) (mula sa salitang Griyego na anthropo "pagiging tao" + logia "salita") ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. (Tingnan ang henerong Homo.) Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo—at ating sarili—na nakabatay ANTROPOLOHIYA Pinag-aaralan ang mga tao sa mga aspeto mula sa biyolohiya at kasaysayan ng ebolusyon ng Homo sapiens hanggang sa mga tampok ng lipunan at kultura na tiyak na nakikilala ang mga tao sa iba pang mga species ng hayop. MGA SANGAY NG ANTROPOLOHIYA PISIKAL NA ANTROPOLOHIYA Ito ay nakatuon sa biyolohiya at ebolusyon ng sangkatauhan. Talakayin ito nang higit na detalyado sa artikulo ng ebolusyon ng tao. 2. ANTROPLOHIYA NG KULTURA Ang pag-aaral ng mga lipunan at kultura sa buong mundo. Iniaaral ang naiiba ang istrukturang panlipunan, pamantayan, pang-ekonomiyang at relihiyosong organisasyon, sistema ng pagkamag-anak, sistema ng pag-aasawa, kasanayan sa kultura, mga pattern sa pag-uugali,. 3. LINGGWISITIKONG ANTRPOLOHIYA Sangay ng antropolohiya na nag-aaral ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa iba't ibang kultura sa mundo at kung paano nakakaapekto o naaapektuhan ng mga kultura at lipunan sa buong mundo. 4. SIKOLOHIKAL NA ANTROPOLOHIYA Kabilang sa mga lugar ng interes ay ang personal na pagkakakilanlan, pagiging makasarili, pagiging aktibo, memorya, kamalayan, damdamin, pagganyak, pag-unawa, kalusugan ng kaisipan. Ang kahulugan ng status ng lipunan ay ang katayuan o ang posisyon ng isang indibidwal sa lipunan. May dalawang uri ang status. 1. Ascribed Status- Nakatalaga ito sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak. Halimbawa: Kasarian 2. Achieved Status: Naitalaga sa bisa ng kaniyang pagsusumikap. Halimbawa: Pagiging isang Titser Ang Lipunan ay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may isang batas, tradisyon at pagpapahalaga. Ang Status ay nakapaloob sa Elemento ng Istrukturang Panlipunan. Istrukturang Panlipunan Institusyon - Sistemang Organisadong ugnayan ng isang lipunan. Uri ng mga Institusyon Pamilya - Dito unang mahuhubog ang pagkatao ng bawat isa. Edukasyon- Tinutulungan mapaunlad ang karunungan at kakayahan ng bawat isa upang maging kapaki-pakinabang na mamayan. Ekonomiya - inaaral dito ang mga paraan na matugunan ang pangangailangan ng mg mamamayan. Pamahalaan - Sila ang gumagawa ng batas, nagpapatupad ng batas at naglilingkod sa bayan. Relihiyon - Paniniwala ng bawat isa ukol sa pananampalataya. Social Groups - Dalawa o higit pang taong may parehong katangian, nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. Dalawang uri ng Social Group Primary - malalapit na ugnayan tulad ng Pamilya at Kaibigan. Secondary - Pormal ang ugnayan sa isa't-isa tulad ng Amo at manggagawa. Status - Katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan. Dalawang Uri ng Status Ascribed Status Achieved Status Gampanin (Roles) - Tinutukoy ng gampaning ito ang mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang ddkanyang ginagalawan. Pelikulang Panlipunan Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa. Sa mundo ng pelikula, marami na rin ang nagsasabing ito ang pinakabagong anyong pansining sa larangan ng panitikan na kakikitaan ng pagbibigay ng panibagong buhay na maaaring batayan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay tinitingala ng publiko at maituturing na may pinakamalawak na impluwensya sa lipunan maging sa indibidwalna mamamayan. Sa modyul na ito ay matatalakay ang iba't ibang pelikula batay sa iba't ibang isyung panlipunan. Matatalakay rin kung paano susuriin ang mga pelikulang may nakatagong mensahe. Sa pagsusuri ng pelikula ay hihimay-himayin ang bawat tagpo sa pelikulaupang makuha ang mga nakatagong mensahe na nais iparating ng mga may- akda at direktor sa manonood. Introduksyon sa Pelikulang Panlipunan Layunin: Makapagbibigay ng kaahulugan sa Pelikula at Lipunan Nakakatukoy ng mga isyung panlipunan sa kasalukuyan Nakapagbibigay ng mga pelikula batay sa isyung panlipunan na ibinigay. Ang Pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Nagmumulat ito ng kaisipan, damdamin, kaugalian, prinsipyo, paniniwala, kultura, pamumuhay, at pananaw ng isang tao. Naglalantad, nanghihikayat at nag-uugnay ng realidad ng buhay ng isang lipunan ang karamihan sa mga pelikula. At bilang pagpapakita ng galak sa panonood ay madalas na ginagaya ng tagapanood ang mga kilos, pagsasalita, pananamit at mismong mahahalagang diyalogo o linya na binibitawan ng mga karakter sa isang pelikula. Isang uri ng panitikan sa anyong patanghal ang pelikula. Naiiba ito sa ibang uri ng panitikan sapagkat naisasalang ito bago ipakita sa madla at karamihang hango sa mga realidad ang mga pelikula. Ayon kay Reyes (1996), ang bias ng realidad sa pelikula ay katulad ng realidad ng tao. Gaya ng tao, maaaring makahawa at makasakit ang isang pelikula. Ngunit kahit nakadadala ang drama ng isang pelikula, iba ang timbang ng realidad nito kung ito'y ihahambing sa realidad ng tao. Dagdag pa ni Reyes, nagkakabuhay lamang ang pelikula sa tulong ng imahinasyon ng mga manood. Maituturing ang isang pelikula bilang salamin ng buhay o iba't ibang hininga ng buhay, aliw, lungkot, tagumpay, kabiguan, poot, galak, tulay ng pagbubunyag, isyung panlipunan, kahalagahang pang-edukasyon at iba pa. Naroon ang pagsasariwa ng mga kabiguan, mga pagtitiis, pangarap at tagumpay. Naging arena rin ng diskurso kasarian ang pelikula. Kalimitang nagiging paksain ang tungkol sa kababaihan at ang iba't ibang papel na ginagampanan katulad ng pagiging anak, asawa, ina, kabit, prostityut, alagad ng simbahan, lola, yaya, kaibigan, guro, mandirigma, at iba pa. makikita ang mga karanasang pinagdaanan ng isang babae kaugnay sa papel na kanyang ginagampanan sa lipunan. Iba pang kahulugan Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw naa larawan nillang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula Isang anyo ng sining Tanyag na anyo ng mga libangan at Negosyo Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong tao Tinatawag ding Dulang Pampelikula, Motion Picture, Theatrical Film, o Photoplay. Ito ay sining na may ilusyong optikal para sa mga manonood. Bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun. Lipunan Ang lipunan ay isang pangkat ngmga taona binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon. Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga Saxon, isang estadong bansa, katulad ng Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan. Maaaring tumukoy din ang salitang lipunan sa mga organisadong boluntaryong asosayon ng mga tao para sa mga layuning relihiyoso, kultural, mala-agham, pang-politia, patriotiko, o ibang pang dahilan. Sosyolohiya ang siyentipikong, o akademikong, pag- aaral ng lipunan at kaugalian ng mga tao. Maari rin itong tumukoy sa yunit ng isang lipunan. Isyung Panlipunan Pampamilya Panrelasyon Kasarian Migrasyon at Diaspora Kultura Kalikasan Kasaysayan Politika Hindi natin maikakaila na ang pang-araw-araw na buhay ay nakapaloob sa sine, bagama’t namumukod-tangi bilang isang anyo ng espektakulo ay nakahabi na sa pangkaraniwang gawi. Kadalasan, hindi ito napapansin inuunawa ng indibidwal at kolektibong pagtanggap. (Flores, 2009, p.2) Ayon din kay Flores (2009) ang sine ay mahigpit na kadaop ng iba pang mga palabas, ito ay dumadaloy sa dunong ng kulturang bayan tulad ng mga kwento at dasal, sa isang banda at hinuhulma sa pabuka ng mas medya (mass media) sa anyo ng radio, telebisyon, Computer, Internet at video game. Dahil naging bihasa na tayo sa panonood at pakikinig sa mga palabas, nakalimutan natin nap ag-aralan ang kabuuan nito bilang isang Sistema ng paglikha --- ang paglikha ng “sine ng palabas” na nagmimistulang natural dahil laganap ito sa lipunan at bahagi na ng pangkaraniwang gawain (YCC, 2009,p.2) Ang sine ay palabas na isang produksyon ng karanasan, isang paraan ng pagpanday ng mga ugnayanat isang makulay na pagsasahaya ng tao at ng kanyang daigdig sa sandal at lunan ng kasaysayan (Flores, 2009, p.2) Hindi natin mapagkakaila na maraming salik ang nakapaloob sa proseso ng pagpapalabas ng sine at pagtangkilik dito: e. Ang katawan at damdamin ng manonood f. Ang paggawa ng pelikula g. Ang industriya ng pelikula h. Ang publiko, at iba pa. Hindi lamang produkto ang sine, ito ay isang proseso, at dahil ipinanday ito ng espesipikong kultura at kasaysayan, ang prosesong ito ay umuusbong sa praktika, o ang paraan ng pagbuo at pagbago ng mundo sa konteksto ng mga kondisyon at material ng lipunan at karanasan ng tao. (Flores, 2009, p.2) Sa mga parametrong nailahad, mababanaag ang kahalagahan ng pagsusuri sa engkuwentro sa pagitan ng ating mga sarili at ng pelikula. Paano natin inaako ang pelikula at paano tayo inaangkin nito? Tunay na kapaki-pakinabang na tumiin ang tunguhin ng ganitong katanungan. Bilang tugon, tukuyin natin ang ilang mahalagang konsepto: (Flores, 2009, p.11) a. Na ang particular na realidad ang pinanagutan ng pelikula at hindi mga abstraktong idea: mga partikular na tao, kondisyon at damdamin; b. Na ang pelikula ay hindi bintanang sinisilipan ng tanawin o salamin na bihag ng kung anuman ang lumantad sa harap nito; ito ay produksiyon ng realidad na kinakatigan ng mekanismo ng paggalaw ng mga puwersa sa telon at ang kaakibat na kondisyon ng ilusyon nito bilang teknolohiya ng katotohanan; c. Na ang pelikula ay isang interbensiyon sa larangan ng paghamon, pagtanaw, at patanaw- muli sa mundong nakasanayan. Dahil sa kapangyarihan nitong igpawan ang limitasyon ng realismo at pangarap ang posibilidad ng kakaibang realidad, taglay ng pakpak nito ang pangako ng pagbabago na magaganap lamang dahil sa mga taong nananampalataya sa simbahan ng sine; d. Na ang panonood ng sine at pagbibigay saysay nito sa ating buhay ay hindi isang natural na gawain kundi isang predisposisyon na naghahain ng mga ekspektasyon para sa isang sistema ng ugnayan at kalinangan sa pagitan ng manonood at pelikula, dokumentasyon at prepigurasyon, panaginip at kamulatang, kutob at kaganapan.