Modyul 2: Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga Elemento PDF
Document Details
Uploaded by VigilantGingko
Xavier University
Tags
Summary
This document discusses film analysis, focusing on theme, characterization, and shots, and other relevant elements. It provides guidelines for analyzing movies and understanding different aspects, using specific examples.
Full Transcript
Modyul 2: Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga Elemento Tema Tauhan/Karakterisasyon Kuha o Shots at Anggulo Musika, Tunog at Pag-iilaw...
Modyul 2: Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga Elemento Tema Tauhan/Karakterisasyon Kuha o Shots at Anggulo Musika, Tunog at Pag-iilaw Disenyong Tagpuan Kasuotan Make-up at Pag-arte Film Devices/Naratibong Teknik I. GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA Ang panunuring pampelikula ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbibigay-puna, reaksyon, halaga sa napanood na pelikula. Layunin nitong mapalutang ang teoryang pampanitikan, nagagamit ang mga paraang natutunan sa pagsusuri ng isang pelikula at naiuugnay ang sariling karanasan batay sa nais ipahiwatig ng pelikula. Ilan sa mahahalagang bagay sa pagsusuri ng isang pelikula ay ang aspektong pangnilalaman tulad ng tauhan at tema. Kailangang masuri ang mga bagay na ito na mahalaga sa pagpalutang ng istorya. TEMA/PAKSA Ang tema o paksa ang nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng manonood kaugnay ng kanyang karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga nakatagong mensahe, ideya o konsepto na umudyok upang ang isang tauhan ay kumilos ayon sa nararapat. Bukod sa ito ay nakatagong mensahe maaari din itong isang aral na ipinaparating sa mga manonood. Iba-iba ang ginagamit na tema o paksa sa isang pelikula. May mga awtor na nagsasabing ang tema ay nabubuo sa isang salita lamang kagaya ng obsesyon, pagtataksil, ambisyon, pagseselos, pag-ibig, kahirapan, hustisya, diskriminasyon, kagandahan ng kalikasan, tagumpay, kabiguan, kamatayan, kultura at marami pang iba. Samantalang sa ibang awtor, ang tema ay binubuo sa isang pangungusap katulad ng Hindi sukatan ang layo sa isa’t isa sa tunay na pagmamahalan, Nasusubok ang tunay na pagkakaibigan sa oras ng kagipitan at marami pang iba. TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan sa isang pelikula. Tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula. Itinuturing silang pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Taglay ng mga tauhan sa isang pelikula ang makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at humaharap sa problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at kontrabida o antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago ang katangian mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng anumang pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa pang uri ay ang pagoging tauhang bilog na may katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na maaaring dahilan ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking kaugnayan o tungkulin sa papel na ginagampanan bilang tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa pelikula. KUHA O SHOTS Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang tagalikha nito. Ang kaalaman sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang manunulat. Naging pangangailangan ito ng isang manunulat sa pagbuo ng kanyang istorya sapagkat bibigyan buhay ito sa pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat isaalang-alang din ng manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa pagsasapelikula ng kanyang nilikhang akda. Ang pagkilos o paggalaw na nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa paghinto ay tinatawag na kuha o shot. Ang iba’t ibang uri ng kuha o shot ng kamera sa eksena ay naktutulong upang lubusan madarama ng manonood ang damdaming taglay sa mga eksena ng pelikula na higit na kailangan maunawaan ng isang manonood. Kaya mahalaga na mapagplanuhan sa kung anong uri ng kuha o shot ang angkop sa bawat eksena ng pelikula para sa ikadadali ng pag-unawa at pagpapakahulugan ng mga manonood sa bawat eksena. Maaari ring magbago ang punto de vista ng isang istorya sa pamamagitan ng kuha o shot sa mga eksena ng isang pelikula. Natutulungan ng mga tiyak na kuha o shot ang lubusang pag-unawa ng mga manonood sa taglay na paningin at damdamin sa isang pelikula. May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood. Sinoman ang nagnanais na magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga termino sa kuha o shot tulad ng master shot at cover shot. Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang pelikula. Ito ay serye ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng isang pelikula (Webster, 1997). Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay ng kaukulang dramatikong at makahulugang detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban ito ng close-up, medium shot, tracking shot, at long shot. Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at ng kamera ay maliliit lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa isang eksena sa pelikula. Ito rin ang paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang mga detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng ibang pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw, kaunting galaw lamang ng mga artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing paghahanda gamit ang close-up shot. Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa taas nito o mula sa baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at pakikitungo ng isang artista kaugnay sa ibang artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa pagpapakita ng mga serye ng mga diyalogo mula sa isang eksena kung saan makatutulong sa mga manonood na maunawaan ang kumpas at galaw ng mga karakter mula sa isang pelikula. Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na sumusunod sa mga galaw ng karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng kamera ay paharap, patalikod o sa magkabilang gilid. Ipinapakita ng direktor ang pagsunod ng lahat ng detalye na kasama sa eksena para mabisang nitong maipakita sa mga manonood. Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat mula sa kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito ang kalipunan ng mga bagay tulad ng magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang long shot bilang establishing shot o pagpapakita ng lunan ng isang pelikula (Evasco, E. et al., 2011). Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang pag-isipan ng manunuri ang dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up shot ng isang bagahe o ang dalawang taong nag-uusap, o dili kaya’y tracking shot ng kabundukan. Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang kanyang manonood na mag-isip at kung bakit ito ginagawa at kung paano pinatitingkad ang karakterisasyon at banghay ng pelikula. Esensyal na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa manonood habang pinapanood ang pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood ang kanyang emosyon habang pinapanood niya ito. II. ANGGULO Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng kamera sa pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang anggulo sa bawat eksena ng mga artista sa pag-unawa sa daloy ng istorya ng isang pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula ang pamimili ng iba’t ibang anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat eksena nito. Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga manonood na unawain ang kabuuang produksyon nito. May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng mga eksena. Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera habang isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena. Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang maipakita ang kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng direktor para maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa anggulong iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo sa naturang pelikula. Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger, isang magandang halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at Captain America na siyang ginamit ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang super hero sa pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na kalaban na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa mga manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo. Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye- Level. Ang anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng eksena ay parang sa tunay. Hindi ito makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin ito sa paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing din ang anggulong ito na “personal view” dahil kapantay lang nito ang taas ng pinaglalagyan ng kamera sa mga nagsisiganap sa mga eksena. Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at kapangyarihan sa isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata ng artista at nakatuon ito pataas. Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at mahirap inilalagay ang kamera sa baba at itinuton ito sa artistang mayaman para bigyan puwang ang kanyang estado na ipinapakita ang kanyang kapangyarihan laban sa mahirap na karakter na nakatuon naman ang kamera sa ibaba. Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera ay tinatawag Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha ng mahahalagang eksena kaugnay sa kanyang pelikula. MUSIKA Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi maipaghihiwalay ang dalawa. Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda ng musika ang pelikula sapagkat kung wala ito ay maaaring lalabas na hindi natural, malungkot at walang buhay ang isang pelikula. Taglay ng musika ang sari-saring papel na ginagampanan sa pelikula na mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o maaaring isang malaking tulong ito sa paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na aspetong isinaalang-alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at prodyuser. Naniniwala sila na ang reaksyon ng mga manonood ay hindi lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng takot, lungkot at ligaya kundi sa pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa mga manonood, ang tinatawag musika. Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay masusing pinag-iisipan kaya kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong pagpaparangal sa pelikula. HALAGA NG MUSIKAL NA ISKOR Karaniwan may mga pagkakataon na sa ating panonood ay hindi natin masyadong pinahahalagahan ang musika sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga nagsisipagganap o sa mismong kwento ng pelikula. Karaniwan sa mga manonood ay hindi ito napapansin. Magkagayunpaman, hindi ito nangangahulugan na walang itong malaking kontribusyon sa pelikula. Sa katunayan, malaking ang naiaambag ng musika sa kung paano tayo tumutugon o sa ating mismong pagdanas ng pelikula. Natatamo ito sa paraang, napapatatag ang emosyong isinasaad sa mga imaheng nakikita, pinasisigla nito ang ating imahinasyon at ekspresibong emosyon na hindi naipararating sa mga purong imahe lamang. Bunga na rin ng kanyang kahalagahan sa pelikula at ang magiging reaksyon natin bilang manonood, nagiging palasak na rin ang ating katawagan dito bilang kaligirang musika (background music). Hindi dapat namamaliit ang musika sa usaping pelikula. Maituturing ang katawagang background music bilang isang misnomer sapagkat mayroon integral na tungkuling ang musika sa pelikula. Sa halip ituring ang musika bilang pantulong o katuwang ng pelikula. Sa aklat ni Bogss (2008), pinaliwanag niya ang dalawang pananaw ng wastong antas ng subordinasyon. Ang tradisyonal na pananaw at modernong pananaw. Sa paniniwala ng tradisyonal, ang musika ng mahusay na pelikula ay nagtatanghal ng barayting tungkulin na ginagawa nito tayong hindi konsyus sa kanyang presensya. Sa ibang pahayag, kung hindi natin namamalayan ang nasabing musika ay maituturing bilang isang mabuting iskor. Kaya sasabihin na hindi dapat napakamaganda ang musika sapagkat maaaaring maagaw nito ang atensyon ng mga manonood. Samantala, taliwas sa sinundang paniniwala. Ang modernong paniniwala naman ay nagsasabi na hindi lamang ang musika naghahangad sa ating konsyus na atensyon kundi kailangang dominahin din nito ang piktyur na nakikita iskrin. Kailangan lamang ay napapanatili nito ang kanyang halagang pagkakaugnay sa biswal, dramatiko at ritmong elemento ng pelikula sa pangkalahatan. Parehong ang modernon at tradisyonal na pananaw ay nagkakatagpo sa isang esensyal nap unto: ang musika na nakakaagaw ng pansin na naisasakripisyo ng ang pelikula ay hindi maituturing na epektibo. Ang isang mainam na iskor ng musika ay isang signipikant na estrutural na element, nagsasagawa ng isang mabuting tungkulin sa isang maayos na pagkakaugnay na paraan. MGA TUNGKULIN NG MUSIKAL ISKOR Dalawa ang pangkalahatang pangunahin ng musika, ang pagbuo ng estruktural na mga ritmo at ang pagganahin ang ating emosyonal na pagtugon, parehong ang mga ito ay nagpapataas at nagpapalakas ng epekto ng imaheng nakikita natin sa iskrin. Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang pangkalahatan at sa bawat eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon hanggang sa paggalaw ng bawat kuha at ang takbo ng mismong pag-iedit. Samantalang ang iskor ng pelikula ay gumaganap bilang pamuno at nagdaragdag ng naratibo at dramatikong estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na pagtugon na kahanay sa bawat indibidwal na sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan. Ang damdamin ay nabubuo sa epektibong paggamit ng musika, samantalang ang musikal iskor naman ay nagiging mainam na repleksyon sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng pelikula. Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa. Ang mickey mousing na teknik na halaw sa animasyon. Ito ay tumpak, kinalkyula na musika at kilos. Ang ritmo ng musika ay kapareho sa natural na ritmo sa mga gumagalaw na mga bagay sa iskrin. Samantala ang pangkalahatang iskor (generalized score) naman ay walang paghahangad na magkapareho sa musika at sa pangkalahatang emosyonal na kapaligiran at damadamin ng sekwens o sa pelikulang bilang kabuuan. ANG TUNOG Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula. Katulad ng musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng pelikula. Hindi matatawaran ang naiambag nito kahit sa paggawa ng silent film noon mga taong 1926. Ang mga silent film noon ay sinasamahan ng mga tunog mula sa piyano, organ, ensemble o orkestrang musika. Sa paglipas ng panahon, marami na rin ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa pagdebelop ng isang pelikula katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay pinatunayan na naman nito ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa pagpapalabas ng emosyon at ritmong itinataglay sa mga imahe. Bunga nito ay hindi maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng antas kahulugan at nagbibigay ng emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng intensidad sa karanasan ng manonood. Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa kwento, ay naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o soundtracks. Ang mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri ang mga ito ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena at kanya mismo komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan, ang isang tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng makapagrekord, maghalo (mix), magsala (filter), pahinain (modulate), palakasin (amplify), at maghudyat (cue up) ng mga tunog kung kinakailangan. Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa internet. Mula sa mga pag-awit ng mga ibon, pagtunog ng mga doorbell, tunog ng mga kuliglig sa gabing payapa, pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga pagputok ng baril, ang mga ito ay naggagamit para sa isang tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o kahulugan. NAKIKITA AT DI-NAKIKITANG TUNOG Sa mga nabanggit, sinasabing ang tunog at imahe ay kailangang magklumentaryo sa bawat isa. Ibig sabihin mayroong sinkronisasyon ang isang nairekord na tunog mula sa biswal na imahe ng iskrin. Ang nakikita ng mga manonood sa iskrin ay may taguring nagsasalitang mga larawan (talking pictures), dito mas napapamangha ang mga tao mula sa mga salitang lumalabas. Ang pagkapit ng mga tunog na nagiging pantulong sa pagpapadama ng emosyon sa mga manonood sa pagkakataong iyon na nanggagaling sa mismong mga imahe ng iskrin. Ito ay tinatawag na nakikitang tunog (visible sounds). Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito ang tunog na nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin. Ginagamit ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang mataas na eskpresibo o simbolikong paraan bilang mga malayang imahe. Patunay ito na sa totoong buhay ay marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan na alamin pa kung saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang pinanggagalingan. Sa madaling salita ang mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may kakayahang maglalahad ng impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng mga kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga taong nag-uusap sa sala ay maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o kumakain sa kusina. III. PAG-IILAW (LIGHTING) Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi mo na inisip ang manipulahin ang pag-iilaw. Ang modernong digital na pagkuha ay makaprodyus ng malinaw na imahe sa maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa maraming pakay, ang mahalaga sa lahat ay malinaw ang paksa. Sa artistikong pag-iilaw ng paglikha ng pelikula ay higit lamang sa pananglaw na nagpapahintulot sa atin na makita ang aksyon. Ang maliwa-liwanag at madilim-dilim na lugar sa loob ng kwadro ay tumutulong likhain ang kabuuang komposisyon ng bawat shot at gabayan ang ating atensyon tungo sa tiyak na mga bagay at kilos. Ang liwanag ng inilawang mantsa ay guguhit sa ating mata tungo sa isang susing galaw, habang ang isang aninag ay naikukubi ang detalye o lumikha ng pananabik tungkol sa anumang maaaring naroon. Ang pag-iilaw ay nakapagsasasabi ng mga kayarian: ang kurba ng isang mukha, ang butil ng isang piraso ng kahoy, ang guhit ng sapot ng gagamba, ang kinang ng isang hiyas at iba pa. Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga bagay pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino. Ang isang highlight ay isang tapal ng kamangha-manghang liwanag sa ibabaw. Ang highlights ay nagbibigay ng mahalagang hudyat sa tekstura ng ibabaw. Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag o kislap; ang isang magaspang o maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong nakaharap, nagbubunga nang higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin, nagpapahintulot sa mga bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o patunguhin ang mga anino papunta sa ibang bagay. Direction. Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa pinagmulan ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw. Para sa kaginhawahan, maaari naming makilala sa mga frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top lighting. Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga anino. Backlighting, sa pangalan pa lamang, nagmumungkahi itong ang ilaw ay nagmumula sa likod ng paksa. Ang ilaw ay maaaring iposisyon sa maraming angulo: mataas sa itaas ng figura, sa iba't ibang mga anggulo sa gilid, itinuturo tuwid ng kamera, o galing sa ilaim o ibaba. Ginamit nang walang iba pang mga pinagkukunan ng liwanag, ang backlighting ay may gawi na lumikha ng silweta (ang madilim na hugis at balangkas ng isang tao o isang bagay na nakikita laban sa isang mas magaan na bakgrawn, lalo na sa madilim na liwanag). Kasama ang higit pang mga pangharap na pinagmumulan ng liwanag, ang pamamaraan ay maaaring lumikha ng isang banayad na tabas. Ang paggamit ng ilaw na ito ay tinatawag na gilid ng ilaw o rim na ilaw. Underlighting, nagpapahiwatig na ang liwanag ay nagmumula sa ibaba ng paksa. Dahil ang underlighting ay may posibilidad na papangitin ang mga tampok, ito ay madalas na ginagamit upang lumikha ng mga dramatikong panginginig sa epektong katakot-takot, ngunit maaaring ipahiwatig lamang nito ang isang makatotohanang pinagmulan ng liwanag, tulad ng isang tsiminea, o plaslayt. Gaya ng nakagawian, ang isang partikular na pamamaraan ay maaaring gumana nang iba ayon sa konteksto. Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha. Ang itaas na ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe. “Ito ay isang bagay ng pagiging totoo - lahat ng bagay ay hindi nakikita sa lahat ng oras”. Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong makilala sa pinagmulan nito. Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay maaaring obligado na mag-shoot na may anumang liwanag ay magagamit. Gayunman, karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay gumagamit ng mga karagdagang pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga imahe. Kadalasan ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi malakas o iba't-ibang sapat upang lumikha ng isang malakas na imahe. Gayunpaman, ang filmmaker ay kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga mapagkukunan sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng nakikitang pinagkukunan. Ang mga direktor at mga maninekreto (cinematographers) ng pagmamanipula sa pag-iilaw ng tanawin ay kadalasang nagpapasiya sa dalawang pangunahing pinagmumulan: isang mahalagang liwanag (key light) at liwanag na punan (fill light). Ang pangunahing ilaw (key light) ay ang pangunahing mapagkukunan, na nagbibigay ng pinakamaliwanag na pag-iilaw at paghahagis ng pinakamatibay na anino. Ang pangunahing ilaw ay ang pinaka-direktang liwanag, at karaniwang ito ay iminungkahi ng isang pinagkukunan ng ilaw sa tagpuan. Ang isang ilaw na punan ay isang mas malalim na pag- iilaw na "pumupuno sa," paglambot o pag-aalis ng mga anino na itinatapon ng susi na ilaw (key light). Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng susi (key) at punan (fill), at sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba pang mga mapagkukunan, ang ilaw ay maaaring kontrolado ng lubos na eksakto. Dalawang Tuntunin ay tumutukoy sa iba't ibang intensidad ng pag-iilaw: 1. Ang mababa na susi sa pag-iilaw (low-key lighting) ay naglalagay ng karamihan sa hanay sa anino; ilang mga highlight lamang ang tumutukoy sa paksa. Ang uri ng pag-iilaw ay nagpapataas ng pag-aalinlangan at lumilikha ng isang madilim na kalooban; kaya, ito ay ginagamit sa misteryo at panginginig sa takot na mga pelikula. 2. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (High-key lighting), sa kabaligtaran, ay nagreresulta sa mas maraming liwanag na lugar kaysa sa mga anino, at ang mga paksa ay nakikita sa gitna ng grays sa higlights, na may mas kaunting kaibahan. Ang mataas na susi sa pag-iilaw (high-key lighting) ay angkop para sa komik at liwanag na moods, tulad ng sa isang musikal. Sa pangkalahatan, ang mga eksena sa mataas na kaibahan, na may malawak na pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at madilim na mga lugar, ay lumikha ng mas makapangyarihan at dramatikong mga imahe kaysa sa mga eksena na pantay-pantay na naiilawan. Ang direksyon ng liwanag ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa paglikha ng isang epektibong biswal na imahe. Halimbawa, ang epekto na ginawa ng pantay sa ibabaw na pag-iilaw (flat overhead lighting) ay ganap na naiiba mula sa epekto ng malakas na ilaw sa gilid mula sa antas ng sahig. Ang backlighting at front lighting ay lumikha din ng iba't ibang epekto. Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pag-iilaw 1. Ang pag-iilaw ba ay ng pelikula sa kabuuan ay a. tuwiran. marahas, at matapang; b. Kainaman o katamtaman at balanse; c. Malamlam at malaganap? Ang mataas o mababang susing pag-iilaw ba ay namamayani o nangingibabaw? Paano ang desisyon nga pag-iilaw umaakma sa kuwento ng pelikula? 2. Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa mga lugar saan walang makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa pinagkukunang nakita o iminungkahi sa tabing? 3. Paano nakaaambag ang pag-iilaw sa kabuuang emosyonal na saloobin o himig ng pelikula? TAGPUAN (SETTING) KAHULUGAN NG TAGPUAN Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula nagaganap. Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang kuwento at gumagawang isang mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng isang pelikula. Nang dahil sa kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento – banghay, tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay kailangang sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin, kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong pangsinema sa kanyang sariling kakanyahan. KAHALAGAHAN NG TAGPUAN Mahalaga ang tagpuan sa estorya ng isang pelikula. Sa panunuri, nararapat lamang mabatid kung saan naganap ang madudulang tagpo ng buhay na inilahad sa pelikula. Kailangan ding mabatid kung paano inilarawan ng filmaker ang tagpuan, ang kabutihan nito sa akda at kung ito ba ay nakalilikha ng isang kapaligiran. Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa panahong nalikha ang pelikula. Kung ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang makita ang kaligiran tulad ng: a.) ang pamamaraan ng pamumuhay ng mayyaman at mahihirap; b) ang kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang kagandahan at kapangitan ng buhay sa lunsod. Mula pa noong unang kapanahunan pa ng sinema, ang mga kritiko at manonood ay naunawaang ang tagpuan ay may aktibong papel sa sinema kay sa karaniwang papel nito sa teatro. Ayon kay Andre Bazin: Ang indibidwal ay napakahalaga sa teatro. Ang dula (drama) sa eskrin ay maaaring magaganap kahit walang mga aktor. Ang humahambalos na pinto, ang dahon sa pag-ihip ng hangin, ang paghampas ng alon sa dalampasigan ay nakapagpapatingkad ng isang dramatikong epekto. Iilan sa mga obra maestrang pelikula ay gumagamit ng tao bilang aksesori, tulad ng ekstra, o bilang pampaganada ng kalikasan, kung saan itiuturing na tunay na pangunahing tauhan o karakter Sa pagsisiyasat ng tagpuan kung may kaugnayan ito sa kuwento, mahalagang isaalang- alang ang epekto ng apat na mga salik na ito bilang kabuuan 1.Temporal na Salik. Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula. 2. Heograpikong Salik. Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang ang tipo ng kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak), at anumang iabng pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga tauhan ng kuwento at ang kanilang mga aksyon. 3. Sosyal na Estruktura at Ekonomikong Salik 4. Kustombre, moral na kaugalian at mga koda ng kaasalan Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at katangian ng mga tauhan at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng banghay ng kuwento o tema. PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na nakalista sa itaas ay mahalaga upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng ginagampanang papel ng tagpuan. Ang interpretasyong ito ay nakabatay sa paniniwala na ang ating katangian, kapalaran, at tadhana ay naipakilala sa pamamagitan ng mga lakas sa labas ng ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung ihahambing sa mga produkto ng ating minana at kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang ilusyon lamang. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may makabuluhang puwersang tagahubog o maging isang dominanting tagapagtimpi, ang interpretasyong ito ang pumupuwersa sa atin upang isaalang-alang kung paano ang kapaligiran ay humubog sa mga tauahan kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang kalikasan ng tauhan ay diniktahan ng mga salik tulad ng kanilang panahon ng kasaysayan, ang patikular na lugar sa Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang kanilang lugar sa sosyal at eonomikong estruktura, at ang kustom, moral na saloobin, alituntunin ng pag-uugali na ipinataw sa kanila ng lipunan o sosyedad. Ang mga kapaligirang salik na ito ay maaaring mapanghikayat na sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa kaligiran para sa banghay ng pelikula. Sa ilang pagkakataon ang kapaligiran ay gumaganap bilang antagonista sa banghay. Ang protagonista ay maaaring makipagbuno laban sa pwersang pangkapaligirang nagdidiin sa kanila, nagsusumikap upang ipahayag ang kalayaang pumili o tumakas s bitag. Kaya, ang marubdob na konsiderasyon ng kalupitan, kapabayaan o kawang-malasakit, o makapangyaring lakas ng kapaligiran ay kalimitang isang susi upang maunawaan ang tauhan at ang kanyang suliranin. Tagpuan bilang Repleksyon ng Karakter (Setting as Reflection of Character). Ang kapaligiran kung saan nakatira ang isang tao ay nagpapakita sa mga manonood ng hudyat upang maunawaan ang papel na kanyang ginagampanan sa pelikula. Ito’y totoo lalong-lalo na sa aspeto ng kanyang kapaligiran kung saan ang isang indibidwal ang may hawak. Ang isang bahay ay halimbawa ng mahusay na indikasyon ng katauhan ng tauhan. Ang tagapanood ay kailangang malay sa mga interaksyon sa pagitan ng kapaligiran at tauhan, kung ang tagpuan ba ay tagahubog ng tauhan o isa lamang repleksyon nito. Tagpuan Para sa Anyo ng Katotohanan (Setting for Verisimilitude). Ito ay binibigyang kahulugan sa pagkamakatotohanan o ang pgiging totoo. Halimbawa ang pagkakaroon ng katotohanan sa banghay o imahe ng isang pelikula na nakapagpapakita ng pagiging realistiko. Isa sa pinakamalinaw at pinakanatural na tungkulin ng tagpuan ay likhain ang pagtitipon ng realidad na nagbibigay sa manonood ng pagiging makatotohanan sa panahon at lugar at madama ang pagiging doon. Kinikilala ng Filmmakers ang lubos na kahalagahang ginagampanan ng isang awtentikong tagpuan sa paglikha ng pelikulang kapani-paniwala. Samakatuwid, maaaring umabot sila ng ilang buwan sa paghahanap ng isang akmang tagpuan at saka na pakilusin ang crew, mga aktor, at mga ekipo libo-libong milya upang makuha ang angkop na kaligiran para sa kuwentong tinatangkang gawan ng pelikula. Upang makapanghikayat, kailangang maging awtentik ang napipiling tagpuan maging sa kaliit-liitang detalye ng minuto. Tagpuan Para sa Manipis na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact). Ang Filmakers ay pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak. Kung ang paggawa nito ay pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan na may mataas na antas ng viswal impak o malakas ang biswal impak. Tagpuang Lumikha ng Emosyonal na Atmospera o Kapaligiran, Pagkakalarawan, at Biswal Impak (Setting to Create Emotional Atmosphere, Characterization, and Visual Impact). Sa mga espesyalisadong pelikula, ang tagpuan ay mahalaga sa paglikha ng malaganap na emosyonal na kapaligiran. Ito’y kailangang sa mga pelikulang katatakutanat sa iilang mga piksyong agham at pantasya. Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol). Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula ay maaaring nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban ito o maging kinatawan hindi lamang sa isang lokasyon o lugar. Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan & Espique, 2007): 1. Paano ipinakita ng filmmaker ang tagpuan? 2. Ano-anong sangkap ang kanyang ginamit upang ipakita ito? 3. Inilarawan ba ang kaliit-liitang sulok sa kabuuan ng larawan ng pook? 4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga tauhan sa pelikula? 5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan ng pelikula? 6. Angkop ba ang tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento sa pelikula. Kasuotan Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang naihanda na sa kanyang kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa pagsasakatuparan sa mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan niya ng suporta hindi lamang ang pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto na siyang mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan. Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang kabilang ng produksyon katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista. Ilalahad ng tagadisenyo ang kanyang tentatibong guhit sa tinatawag na costume plates. Kung ano ang mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin sa pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang proteksyunan at magmukha tayong kaaya-aya sa paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong tinutulungan nito ang isang artista na mailabas niya mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing Walang Ningning, si Laviña Arguelles (Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad ang kanyang karakter sa tulong ng mga magagandang damit na kanyang isinisuot, mga alahas, at maayos na make-up. Samantalang, si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) naman ay simple lamang ang pananamit na isinusuot para ilarawan ang kanyang karakter bilang simpleng tagahanga ng mang-aawit. Nangangahulugang, inilalarawan ng mga kasuotan at pinagtitibay nito ang katayuan ng mga karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho, pinag-aralan, at iba pa. Higit pa, nakakatulong din ang mga kasuotan na muli tayong maibalik sa mga nakalipas na panahon ng ating kasaysayan. Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit pampulis. Malaki ang papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging kapani-paniwala siya sa kanyang karakter. Mahalaga sa isang aktor na para mapag-iba siya sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng kaginhawaan sa kanyang isinusuot na damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro, doktor, magsasaka, tambay, o kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya nang maayos ang kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa karakter na kanilang ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang kanilang karakter na taglay na ang kasuotan. Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan ay kapag may kinalaman sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik. Bawat detalye ay komplimentaryo sa bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit, alahas, hairstyle, at iba pa. Tanda din maturidad ng isang aktor kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng kanyang mismong karakter. Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng suhistiyon sa tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot. Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay ang karaniwang proseso sa pagdidisenyo sa kasuotan. 1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na komposisyon, koreograpi, at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas ay pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng kasuotan. Binabalangkas ng kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena, kung kailan magpapalit ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip. 2. Kolaborasyong Disenyo. Ang pinakamahalagang yugto sa proseso kung saan ang mga tagadisenyo ay makikipagtagpo sa direktor. Dapat malinaw sa bawat isa ang direksyon ng palabas. Parehong pag-unawa ang direktor at mga tagadisenyo kung ano ang tema ng palabas at anong mensahe ang gusto nilang makuha ng mga manonood. 3. Pananaliksik sa Kasuotan. Kapag ang direktor at ang mga tagadisenyo ay nasa parehong pahina, ang susunod na hakbang ng tagadisenyo ay ang magsasagawa ng pananaliksik. Kailangan may pag-unawa siya hinggil sa kwento, bunga nito ay mas mauunawaan niya ang mga karakter. Nakatutulong ito para sa higit pang malawak na pananaliksik sa bawat karakter na pinagtitibay ang bawat personalidad sa pamamagitan ng kanilang kasuotan. 4. Preliminaryong pagguhit ng plano at pag-lay-out ng Kulay. Kung may sapat na kaalaman na bunga ng pananaliksik ay maaari ng makapagdisenyo ng kasuotan sa pamamagitan ng paggawa preliminaryong pagguhit ng plano. Matapos, ang tagadisenyo ay maaari ng magsagawa ng detalyadong pagguhit at isipin ang mga tiyak na kasuoan at kulay sa bawat karaker. 5. Pinal na pagguhit ng plano. Kung napagkasunduan na ng tagadisenyo ng kasuotan at ng direktor, maaari ng isagawa ng tagadisenyo ang pinal na pagguhit. Tinatawag itong pagsasalin (rendering) at kadalasang ipinipinta gamit ang waterkolor o akrilik na pinta. Ang pinal na pagguhit ay nagpapakita kung ano ang magiging anyo ng karakter at ang magiging kulay ng kanyang kasuotan. Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang tagadisenyo. Ito ay maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o kostyum, magrenta, bumili, o maaaring magpaggawa (made to order). IV. MAKE-UP Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong naman ng make-up ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa kanyang karakter. Kung naging palasak ang paggamit ng make-up sa teatro katulad ng Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-make-up ang isinasagawa gayundin naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor ang kanilang sarili sa ibang bersyon na kaiba sa kanyang pagkatao. Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran, nahahati sa dalawang kategorya ang paglalagay ng meyk-ap. 1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa halip ginagawa lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional samakatuwid mas nagiging maliwang siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang mismong artista lamang sa kanyang sarili. 2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang hitsura ng isang aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot sa pagnanais na magmukhang matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas epektibong may-edad, kailangan din ng aktor na magsuot ng balbas o peluka. Ang make-up ay napakakailangan din upang mapatingkad ang ekspresibong kalidad ng mukha ng isang aktor. Sa pelikula, mas nakikita nang malapitan ang mukha lalo pa’t naka- close up ito sa kamera. Mahalagang maitago sa mata ng mga manonood ang anumang hindi dapat makita nila. Kabilang sa dapat na maitago kung hindi naman kailangan sa eksena ay ang peklat, kulubot, at paglaylay (sagging) ng balat sa mukha. Naggawang mabago ng isang make-up artist ang anumang nais niya sa aktor. Asahan na ang aktor mababae man o malalake ay parehong maaaring gumamit ng make-up. ANG PAG-ARTE Halaga ng Pag-arte Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung mahusay ang gaganap sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay pinapanood natin. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang artista upang maging makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang kwento pero pangit naman ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang pag-arte sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula. Kaya mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o kasanayan ang isang aktor na gaganap sa anumang papel. Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang umaarte. Mahalaga na mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood sa makataong-pag-uugali (human behaviour) at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba. Layunin ng Isang Aktor Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa realidad ng karakter. Dinadala tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung malungkot ang karakter nakakadama din tayo ng pagkalungkot. Kung masaya naman siya ay pagkagalak naman ang ating nadarama pero kung inaapi naman siya ay nakakadama rin tayo ng galit sa taong gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na gumaganap sa pelikula kailangan niyang maging kapani-paniwala, matapat at natural. 1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang magkaroon tayo ng simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang aktor. Nauunawaan natin ang karakter sa pagkakaroon natin ng simpatiya na ang nararamdaman niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya naman ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa personal na antas. Nakiki-empatiya tayo sa kanyang mga pagpapahalaga (values), pag-uugali, at ang kanyang mundo kahit may kaibahan ito sa atin. Mangyayari lamang ito ng isang manonood kapag naging kapanipaniwala siya sa kanyang pag-arte. 2. Matapat (truthfulness). Kailangang maipaunawa sa atin ng isang aktor ang katotohanan. Maggagawa lamang ito kapag mayroon siyang kasanayan. Kasanayan sa pag-arte na maaaring magpapabago sa buhay ng mga manonood. Mayroon siyang kakayahan at responsibilidad na gamitin iyon sa isang makabuluhan at makatotohanang layunin. 3. Natural. Ayon sa kasabihan ang pag-arte ay hindi magandang pag-arte, ang pag-arte ay ang pag-arte ng natural (acting is bad acting, acting is being). Sa madaling salita, ang pag- arte ay kailangan mapanood kawangis ng natural o sa totoong buhay. Higit sa mga gimik upang magkaroon ng pagkakilanlan ang karakter ay kailangan nang lalim at personal na kalidad sa panloob na katauhan. Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang katalinuhan, imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na kailangan sa higit pang pag-unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan, motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na magkaroon ng abilidad na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan, kilos, kumpas, o pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na ginagampanan at sa sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang napananatili ng aktor ang ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat simula hanggang sa waga. Dinagdag pa niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang ego, upang makita nito ang kanyang karakter sa tamang perspektibo tungo sa dramatikong paggawa ng kabuuan. PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa maraming aspeto ang pag-arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag na live na pagganap. Napapakinggan ng mga aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak ng mga manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon ang napapanood sa entablado at ang reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay nakadaloy lamang sa iisang direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang reaksyon ng kanilang mga manonood. Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor). Sila ang mga aktor na umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa entablado. Bagaman, maaari namang maging artista sa pelikula ang isang aktor sa entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino, pero hindi magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado. Mas madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng pagkakataon na maging aktor sa pelikula. Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon, pangangarate, at iba pa. Samantalang sa entablado ay inaasahan ang pag-arte, pagsayaw at pagkanta lalong lalo na kung kinakailangan iyon sa kanyang papel. Sa teatro naman ay walang close-up lahat ay wide shot kaya inaasahan ang buong pusong pagganap at emosyon sa artista. Hindi katulad sa pelikula maaari mong pikiin emosyon kung hindi nakapokus sa iyo ang kamera. Samantala, sa teatro ay aabutin ng maraming araw sa pagbabasa ng iskrip at pagsasaulo ng mga linya. Sa pelikula naman minsan inaaaral lamang ito ng mga artista sa mismong araw ng syuting. Sa bawat pagkakamali nila sa pagtatapon ng linya ay maaari lamang magkaroon ng mga panibagong pag-uulit. Sa entablado ay kailangang maging alerto kung sa anong bahagi magsasalita na dapat nakikita pa rin sa aktor ang karakter na ginagampanan. Kung magkakamali naman sa linya, may sinapawan, o lumaktaw ng ilang pahina, wala na itong pangalawang take kaya doble-ingat ang ginagawa ng isang aktor. Sinasabi rito na kailangang maging tiyak ang aktor sa entablado sapagkat napapakinggan at nakikita ng mga manonood ang lahat ng kanilang paggalaw sa entablado. Hindi rin nangangahulugan na walang pag-iingat na gagawin sa pag-arte sa pelikula lalo pa’t sa bawat pagkilos ng mga mata, ekspresyon ng mukha, gayundin ang mga salita ay hinuhuli ng kamera. Ang pagkakaroon ng paggalaw ng mga mata o ekspresyon ng mukha na hindi naman inaasahan sa eksena ay maaaring magpapababa sa kredibilidad at pagiging makatotohanan ng tagpo. Katulad ng teatro, kailangang lalabas ang pagiging natural sa pag-arte na hindi nakokonsyus sa sarili. Ipinapakita rin sa pelikula ang kapangyarihan ng mukha na nakapagsasaggawa ng iba’t ibang emosyon. Sa pag-arte sa pelikula o iskrin mas binibigyan ng empasis ang pagkakabisa (reacting) kaysa pag-arte. Sa pelikula ang pagkakuha ng reaksyon (reaction shot) ay tumutukoy sa nagiging saloobin ng taong apektado sa pag-uusap o kilos. Kailangang maipakita sa iskrin ang nabuong emosyon ng taong nakinig sa nagsasalita at maipakita niya ito sa kanyang mukha. Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula. 1. Aksyong pag-arte (action acting). Higit itong kinakailangan sa mga aksyong pelikula sapagkat kinabibilangan ito ng reaksyon, paggalaw ng katawan, pisikal, at espesyal na kasanayan, pero hindi ito nagmumula sa pinakamalalim na kakayahan ng aktor tulad ng katalinuhan at nararamdaman. 2. Dramatikong pag-arte (dramatic acting). Tumutukoy sa pagsusustina, masinsinang diyalogo ng iba pang mga karakter, at nangangailangan ng emosyonal at sikolohikal na lalim na bihira lamang kinakailangan sa aksyong pag-arte. Sa madaling salita kinabibilangan ng aksyong pag-arte ang pagsasagawa. Samantalang sa dramatikong pag-arte naman ay pumapaloob ang nararamdaman, pag- iisip, at pagbabahagi ng emosyon sa iba pang mga aktor sa loob ng pelikula. MGA TEKNIK SA PAG-ARTE Hindi maikakaila na sa bawat araw ay madalas tayong umaarte na hindi natin namamalayan. Minsan, sa pag-alis mo sa bahay ay pinagsabihan ka ng iyong ina na dapat magtipid-tipid sa paggasta dahil mahal ang bilihin. Hindi alam ng iyong ana na ang perang ibinigay niya ay naubos sa pang-araw-araw mong gastusin at pangangailangan sa pag- aaral. Dahil sa iginagalang mo ang iyong ina ay mas pinili mo ang manahimik ang ikubli ang iyong nadarama. Umalis kang nagpaalam na nakangiti kahit sa kaloob-looban mo ay bahagyang nakadama ka ng pagtatampo. Sa tagpo naman sa paaralan, nag-aasta kang mayroong pinagkakaabalahan para hindi matawag ng guro sa kanyang oral recitation. Ang mga ito ay patunay na ang pag-arte ay hindi lamang saklaw sa mga arte kundi bahagi na rin ng ating pang-araw-araw na buhay. Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang mga teknik sa pag-arte. Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_acting_techniques ang mga sumusunod ay ang mga teknik sa pag-arte. 1. Klasikal na pag-arte (classical acting) ang pinakaterminolohiya sa pilosopiya ng pag- arte na kabilang ang ekspresyon ng katawan, boses, imahinasyon, pag-personalize, improbisasyon, eksternal na stimyulai, at pag-aanalisa ng iskrip. Nakabatay ito sa teorya at mga sistema ng piling klasikal na mga aktor at direktor kabilang si Konstantin Stanislavski at Michael Saint-Denis. 2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor ay humuhugot sa kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng katotohanan sa karakter na ginagampanan. Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili sa kaisipan ng karakter upang makahanap ng mga komong bagay sa pagnanais na makapagbibigay ng makatotohanang pagsasatao sa karakter. 3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa aktor para unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee Strasberg. Ang metodo ni Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng emosyonal at kognitibong pag-unawa kanilang papel, ang aktor ay nararapat na gamitin ang sariling mga karanasan sa pagtukoy mismo ng papel na ginagampanan. Nakabatay ito sa aspeto ng sistema ni Stanislavski. 4. Meisner na Teknik. Nangangailangang ang aktor ay nakapokus nang buong-buo sa isa pang aktor at isiping siya ay totoo at sila ay nabubuhay (exist) sa mga sandaling iyon. Ang metodong ito ay tumutulong sa mga aktor sa eksena na mas lalong makatotohanan sa mga manonood. Nakabatay rin ito sa prinsipyo na ang pag-arte ay makakatagpo ang kanyang ekspresyon sa tugon ng mga tao sa iba pang mga tao at sa kalagayan. Mula pa rin ito sa sistema ni Stanislavski. 5. Praktikal na Estetiko. Isang teknik sa pag-arte na orihinal na binuo ni David Mamet at William Macy, batay sa mga pagtuturo ni Stanislavski, Sandord Meisner, at pilosoper na si Epictetus. Ilan sa mga pangunahing katangian ay ang pag-aanalisa ng iskrip, adaptabilidad, at repitesyong pagsasanay na may pagkakatulad sa Meisner na teknik. 6. Metodong Brechtian. Si Bertolt Brecht ang luminang sa estilong “epikong drama” na umaasa sa replektibong paghihiwalay sa halip na magkaroon ng emosyonal na paglalahok. URI NG AKTOR Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni Boggs (2008) sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri: 1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang totoong pagkatao at akuin ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon lamang silang kaunting katangiang komon. 2. Interpreter at Commentator. Gumaganap ng mga papel sa pelikula na may pagkakahawig lamang sa kanilang personalidad at pisikal na hitsura. Isinasalin nila ang bahaging ito sa dramatikong kapamaraanan na walang pagkawala ng identidad. 3. Personalidad na Aktor. Mga aktor na ang pangunahing talento ay maging sila lamang sa kanilang sarili at wala ng iba pa. Ang aktor na ito bagaman popular ay hindi maaaring umako ng iba pang mga papel sapagkat maglalaho ang kanilang sinseridad sa sarili at ang pagiging natural kung lalabas sila mismo sa kanilang pagkatao. MGA NARATIBONG TEKNIK/Film Devices NA GINAGAMIT SA PELIKULA Sa layuning higit na maunawaan ang mensahe ng isang pelikula, makatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga naratibong teknik na ginagamit sa pagbuo ng pelikula. Ang mga teknik na ito ay makatutulong sa pagpapaliwanag sa tagpuang lugar at panahon, banghay (plot), at tauhan. TEKNIK KAHULUGAN HALIMBAWA 1. Backstory Mga eksena na Ang pagsasalaysay sa pinakikita bilang panimula panimula ng upang maiugnay pelikulang The Lord of ang dating pangyayari sa the Rings (trilogy)ay kasalukuyang nagpapakita ng magaganap. Ito ay mitolohikal/historical na madalas na ginagamit mga pangyayari na upang mailahad ang naganap sa Una at tagpuan ng pelikula. Ikalawang Panahon. 2. Cliffhanger Ang kuwento sa nasabing FPJ’s Ang Probinsyano pelikula ay hindi niresolba upang ganyakin ang mga manonood na panoorin ang susunod na pangyayari/episode. 3. Deus ex machina Ito ay pagreresolba ng Mighty Aphrodite tunggalian sa (act of god) pamamagitan ng isang pangyayaring walang kaugnayan sa kabuuang kuwento ng pelikula kaya madalas ay inuunawa bilang kagagawan ng isang makapangyarihang puwersa. 4. Eucatastrophe Isang matinding Sa wakas ng The Lord of pangyayari (climatic) na the Rings, sapilitang nagpapakita sa bida na nakuha ni Gollum ang nahaharap sa isang singsing mula kay Frodo malagim na pangyayari na na nagpapahiwatig nan a animoy sasapit sa si Sauron ay siyang kanyang katapusan maghahari sa Middle subalit ito ay nagwawakas Earth, subalit masyadong na kapaki-pakinabang maagang natuwa si para sa bida. Gollum at naihulog niya sa umaapoy na lava ang singsing. Kasabay ng pagkawala ng singsing ay ang pagkawala ng kapangyarihan ni Sauron na siyang inaasam nina Frodo at ang Fellowship of the Ring. 5. Flashback Pangkalahatang tawag sa Sa kuwentong The Three pagbabago ng sikwens Apples ng Arabian batay sa panahon na Nights matapos nagdadala sa mga tauhan madiskubre ang bangkay s mga naunang ng isang babae, ipinakita pangyayari. na ang salarin ay nagkukuwento tungkol sa mga pangyayaring naganap bago nadiskubre ang bangkay. 6. Flashforward Isang eksena na Sa pelikulang A nagpapahiwatig ng Christmas carol kung magaganap sa hinaharap. saan ang kaluluwa ng hinaharap ay nagpakita kay G. Scrooge. 7. Foreshadowing Ito ay mga simbolikong Ang isang eksena na pangyayari na nagpapakita ng di- nagmumungkahi ng kilalang lalaki maaring maganap sa na nakikipag-away sa iba susunod na eksena. dahil sa isang babae ay naunang ipinakita, ang kasunod na eksena ay nagpapakita sa pangunahing tauhan na sangkot sa isang suntukan dahil sa kanyang kasintahan. 8. Plot twist Ito ay hndi inaasahang Dalawang karpintero ang pagbabago sa direksyon o tinutukoy na salarin sa inaasahang resulta ng pagpatay ng may-ari ng mga kaganapan sa bahay na inaayos ng mga pelikula. karpintero. Tinutukan ito ng mga pulis at kamag- anak ng biktima subalit sa kalaunan ay malalaman na ang salarin pala ay ang mismong asawa ng may- ari ng bahay. 9. Poetic Justice Batay sa pang-uugali at FPJ’s Ang Probinsyano kilos na ipinakita ng tauhan, ang kanyang kabutihan ay gagantimpalaan o di kaya’y ang kanyang kasamaan ay parurusahan. 10.Self-fulfilling Prophecy Isang panghuhula na Sa Harry Potter nang nagkatotoo marinig ni Lord Voldemort ang propesiya ni Sybill Trelawney na isang bata ay isisilang sa katapusan ng Hulyo at ang mga magulang nito ay yaong nakipaglaban kay Voldemort. Diumano, ang nasabing bata ay ang magiging katapat ni Voldemort. Ang nasabing propesiya ay nagkatotoo at batang yaon ay si Harry Potter. 10. Ticking clock scenario Napipintong panganib 11. Breaking the fouth wall Animoy direktang Sesame Street, Dora pakikipag-usap ng tauhan the Explorer sa manonood. 12. Defamiliarization Pagsulat ng liham ng tauhan tungkol sa isang paksa na naglalarawan ng kanyang kagila-gilalas na karanasan. 13. First-Person Narration Pagkukuwento sa pamamagitan ng pananaw ng isang tauhan, lalo na ang bidang tauhan. 14. Hamartia Pagkakaroon ng kahinaan sa katauhan ng tauhan na naging sanhi ng kanyang kasawian. 15. Pathetic Fallacy Ang pagpapakita ng mga Paggamit ng fireworks pangyayari sa kapaligiran upang ipakita ang o anumang bagay upang masayang damdamin ng ipahayag ang damdamin tauhan, pagpapakita ng ng tauhan. kulog, kidlat sa madilim na gabi upang ipadama ang matinding galit. Sanggunian: Manwal sa Sinesosyedad Kagawaran ng Filipino Xavier University