KABANATA 4: Pagdalumat sa Pelikulang Pilipino PDF

Document Details

PoeticFarce

Uploaded by PoeticFarce

Nueva Ecija University of Science and Technology

Tags

Filipino films film analysis Philippine cinema film studies

Summary

This document discusses the characteristics, elements, and types of Filipino films, including examples of teleseryes and movies. It features a detailed analysis of the discussed aspects like characteristics and categories of Filipino films.

Full Transcript

KABANATA 4 KABANATA 4 PAGDALUMAT SA PELIKULANG PILIPINO KABANATA 4 A. KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PELIKULA Ginny: Sabihin mo sa akin bakit hindi mo nagustuhan!?I deserve an explanation! Marco: Anong sinabi mo? Ginny: I need an acceptable reason. Marco: Bakit? Ginny: Dahil trinab...

KABANATA 4 KABANATA 4 PAGDALUMAT SA PELIKULANG PILIPINO KABANATA 4 A. KAHULUGAN AT KATUTURAN NG PELIKULA Ginny: Sabihin mo sa akin bakit hindi mo nagustuhan!?I deserve an explanation! Marco: Anong sinabi mo? Ginny: I need an acceptable reason. Marco: Bakit? Ginny: Dahil trinabaho ko ‘yon. Pinaghirapan ko ‘yon. I invested my time and my effort. Starting Over Again (2014) Ojie: “Ikaw din naman ah ginagawa mo ang gusto mo. Eh ba’t kami hindi pwede?“ Lea: “Wala akong ginagawang masama!” Ojie: “Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!” Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1998) Kali: “Kayong mga lalaki, akala n’yo ‘pag nambababae kayo nasasaktan n’yo lang kami. Makikipag-chukchakan kayo tapos ini-expect n’yo iiyak lang kami. Itutulog lang ang sakit tapos paggising okay na?” Kali: “Yun ang pangarap namin. Sana nga ganun lang kadali iyon. Kaso hindi. Walang tigil ang takbo ng utak namin, pinipilit sagutin ang maraming tanong. Bakit kaya niya nagawa iyon? Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako? Gio: No. My Kali: Then why!? Bakit mo Exnagawang akong and Whyslokohin. (2017) Primo: “George, I’m sorry.” George: “And what makes that sorry different from all of your other sorries before? Halos pitong taon ng buhay ko, binigay ko sa’yo Primo. At sa pitong taon na iyon, isang beses lang ako nagsabing pagod na ako.” The Hows of Us (2018) Cora: “My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!” Minsa’y Isang Gamu- gamo (1976) ANG PELIKULA Ang pelikula ay kilala bilang sine at pinilakang tabing. Isang larangan na sinasaklaw ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan at negosyo. ANG PELIKULA Ang panonood ng pelikula ay isang pambansang libangan (natural pastime) dahil sa atraksyon ng manonood sa mga artista. KABANATA 4 B. KALIGIRAN NG PELIKULA Ang mga sumusunod ay may malaking gampanin sa ikatatagumpay ng pelikula: 1. Artista – gumaganap ng mahahalagang karakter sa pelikula. Ang mga diyalogong binibitiwan ng mga artista ay tumatatak sa manonood. 2. Prodyuser – Nagsisilbi siyang tagapamagitan sa financer at sa direktor ng pelikula. 3. Direktor – Siya ang gumagawa, ang nagdidirehe ng pelikula. 4. Mga tao sa produksyon – ang production designer ang nangangasiwa sa “art department”. Ang “sets” ay idinidisenyo ng “art department”. Sets – tumutukoy sa lahat ng itinayo o ipininta na magpiprisinta sa bawat paggaganapan ng eksena. Maaaring Ang mga sumusunod ay may malaking gampanin sa ikatatagumpay ng pelikula:  Scriptwriter – naglalarawan sa isip na kung paanong isasakilos ng tauhan ang hinihinging aksyon sa eksena.  Sinematograpiya – ang pokus ng elementong ito sa paggawa ng pelikula ay upang magbigay ng tunay na pakinabang sa mga karanasang batid ng mata.  Mahahalagang bagay na binibigyang tuon sa sinematograpiya: 1. Pag-iilaw GOOGLE 2. Paggalaw ng kamera IMAGE 3. Posisyon ng kamera (Eye level at High Angle) C. Mga Sikat na Direktor at ang kanilang mga sining Jose Nepomuceno  Binansagan bilang “Ama ng Pelikulang Filipino”.  Ang kauna-unahang prodyuser ng mga pelikulang Tagalog.  Manunulat ng kauna-unahang pelikulang Pilipino na may ganap na haba, ang “Dalagang Bukid” na kauna-unahan ding silent film sa bansa at ipinalabas noong 1919. ISHMAEL BERNAL Kilala sa paggawa ng mga pelikulang melodrama na pumapaksa sa mga isyung pangkababaihan at awtoridad. Ang kanyang pelikula na “Himala” ay pinagbibidahan ni Nora Aunor noong 1982 ay isa sa mga pelikulang Pilipino. LINO O. BROCKA Ang kanyang mga pelikula ay pumapaksa sa mga tema na iniiwasan sa lipunan. Nagdirehe ang pelikulang “Maynila sa mga Kuko ng Liwanag” na nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula ng FAMAS noong WENN DERAMAS Ang kanyang mga pelikula ay kapupulutan ng aral tungkol sa kabaklaan at matalinhagang imahinasyon. Ang mga pelikula niya ay sertipikadong blockbuster at kumita ng milyones. Beauty and the Bestie (Kumita ng mahigit 500 milyong piso) The Amazing Praybeyt Benjamin (Kumita ng mahigit 400 milyong piso) LAURICE GUILLEN Ang kauna-unahang pelikula sa ilalim ng kanyang pagdidirehe ay ang Kasal (1979) na sinundan ng Kung ako’y Iiwan Mo (1980) at ang Salome (1981) na ginampanan ni Gina Alajar. Siya ang puno ng Competition at Monitoring Commission ng Cinemalaya Independent Film Festival, at umuupo din siya bilang puno sa Student Short Film Competition sa Metro Manila Film OLIVIA M. LAMASAN Direktor sa telebisyon at pelikula, manunulat, production at creative consultant. Kilala sa tawag na “Inang” ng kanyang mga kaibigan sa industriya. Kilala sa kanyang matatagumpay na mga pelikulang:  Sana Maulit Muli at Madrasta (2012) – kumita ng 300 milyon.  Starting Over again – kumita ng 410 milyon.  Barcelona: A Love Untold (2016) – 300 BRILLANTE MENDOZA  Kilala bilang Pilipinong direktor ng mga Indie Film sa Pilipinas.  Nanalo bilang Best Director sa 62 Cannes International Film Festival sa pelikulang “Kinatay”, isang full length na pelikula na higit na nagpatanyag sa mga pelikulang Indie at sa bansang Pilipinas. MIKE DE LEON  Matutunghayan sa kanyang mga pelikula ang mga isyung panlipunan at pampolitika.  Ang kanyang mga pelikulang Itim (1976), Sister Stella (1984), Kakaba ka ba (1980), at Batch 81 (1982) ay ilan lamang sa mga de- kalibreng pelikula na kanyang ginawa. PEQUE GALLAGA  Siya ay isa sa mga pinakamaraming parangal na tinanggap bilang film maker.  Ang kanyang mga pelikula ay ang Oro Plata (1982), Scorpio Nights (1985), Unfaithful Wife (1986), Hiwaga sa Balete Drive (1988), at Impaktita (1989). EDDIE ROMERO  Ang kanyang mga tinanggap na parangal para sa limang pelikula ang nagdala sa kanya sa FAMAS Hall of Fame.  Ang mga pelikulang ito ay ang: 1. Buhay Alamang (1953) 2. Passionate Strangers (1966) 3. Durugin si Totoy Bato (1979) 4. Aguila (1980) 5. Padrino (1984) CARLO J. CAPARAS  Siya ay Pilipino comic strip artist na nagpauso sa mga pinoy super heroes.  Direktor at prodyuser din siya ng mga pelikulang Kuratong Baleleng at Cory Quirino Kidnap, NBI Files.  Nagkamit siya ng parangal sa sagisag Balagtas Award noong 2008. Kilala siya bilang “KIDLAT TAHIMIK” Eric Oteyza de Guia  Itinuturing na “Ama ng Malayang Pilipinong Pelikula”.  Kilala siyang direktor, manunulat at aktor sa pelikula.  Ang kanyang mga pelikula ay ang “Mababangong Bangungot” at “Turumba.”  Mababangong Bangungot o Perfumed Nightmare – nagkamit ng Prix de la Critique Internationale, isa sa pinakatanyag na paligsahan ng independent films 1. Ito ay MGA KATANGIAN NGaudio- PELIKULA visual D. MGA Ginagamitan ng mga KATANGIAN sensoring paningin at NG pandinig ang panonood ng pelikula. PELIKULA MGA KATANGIAN NG PELIKULA Ang pagiging malikhain ng lahat ng 2. mga taong bahagi ng Integratibong pelikula kasama ng Sining buong produksyon ay may malaking impak sa ikagaganda ng mensahe. MGA KATANGIAN NG PELIKULA Ang iskrip ng pelikula ay maaaring nagbabago- bago. Ang pagiging “open” o bukas ng sumulat, ng 3. Dinamiko direktor, mga aktor at at Naratibo prodyuser sa mga flow sa pagkuha ng mga eksena, muling i-shoot kung kinakailangan ang eksena at baguhin ang kanilang linya. MGA KATANGIAN NG PELIKULA Ang pagtutulong-tulong ng lahat mula sa crew, lahat ng units, artista, sumulat, 4. Involve ang produksyon, director, at maraming tao prodyuser, ay magkakasamang nagtutuwang upang makabuo ng mahusay na pelikula. MGA KATANGIAN NG PELIKULA May mga anyo rin ng sining tulad ng musika, 5. Ginagamit pagkuha ng larawan o ang photography, panitikan at Multimedia dulang pantanghalan ang maaaring gamitin para sa natatanging kakanyahang ito ng pelikula. MGA KATANGIAN NG PELIKULA Ang mga katangiang 6. nabanggit sa mga Kinakasangkutan naunang bahagi ay ng maraming sumasalamin sa elemento pagsasangkot ng mga salik at elemento ng isang pelikula. E. MGA SANGKAP NG PELIKULA 1. Kuwento – Tumutukoy sa nilalaman, istorya at mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. 2. Tema – Ito ang pinakapaksa ng kuwento. Ang sentral na ideya, diwa, kaisipan, at ang pinakapuso ng pelikula. MGA SANGKAP NG PELIKULA 3. Tauhan May iba’t ibang uri:  Bida  Kontrabida/Villain  Dinamiko/Bilog – pabago-bago ang katangian.  Lapad – karakter na walang pagbabago ang katangian.  Stock – tauhan na walang diyalogo at kilos. 4. Diyalogo – ito ang binibigkas na mga tauhan sa istorya. MGA SANGKAP NG PELIKULA 5. Teknikal na Aspekto Sinematograpiya – pag-iilaw, galaw at komposisyon at ibang kaugnayan na teknik ng kamera. Tunog at musika Editing Disenyong Pamproduksyon – Ito ay ang kaangkupan ng tagpuan, kasuotan, kagamitan, background at make-up. F. MGA URI NG PELIKULA 1. Aksyon  Nakapokus sa mga pagsubok na kinakailangan ng pisikal na pakikipagtunggali at masalimuot na paglalaban.  Nagtataglay ng mga bakbakang pisikal. MGA URI NG PELIKULA 2. Pantasya – pelikula na may temang pantastiko na kinapapalooban ng mahika, mga kakaibang pangyayari o mga kakaibang nilalang. MGA URI NG PELIKULA 3. Katatakutan – Karaniwang ginugulat at pinanginginig ng pelikulang ito ang mga manonood. MGA URI NG PELIKULA 4. Drama Sumasaling sa damdamin at emosyon. Karaniwang nagnanais na paiyakin ang mga manonood. Ang karaniwang tema ay tungkol sa kahirapan, karanasan, kaapihan at iba MGA URI NG PELIKULA 5. Animasyon Gumagamit ng mga pagguhit o mga larawan upang maging tila buhay ang walang buhay na mga bagay. MGA URI NG PELIKULA 6. Krimen – nagbibigay-diin sa buhay ng kriminal mula sa tunay na buhay ng mga nilikhang karakter na may napakasamang katauhan. GOOGLE IMAGE MGA URI NG PELIKULA 7. Komedya o komedi – layunin ay mapasaya, mapatawa, mapahalakhak ang mga manonood sa pamamagitan ng mga salitang binibitiwan o kaya naman ay mula sa pagkilos ng mga tauhan. MGA URI NG PELIKULA 8. Romansa o Pag- ibig – umiikot ang kuwento sa pag- iibigan ng mga tauhan sa pelikula. GOOGLE GOOGLE IMAGE IMAGE MGA URI NG PELIKULA 9. Musikal – pelikula kung saan ang mga bida ay nagsisipag-awitan at nagsisipagsayawan sa maka- klasikong kaugalian o makabagong panahon ng tunog at indak ng musika. MGA URI NG PELIKULA 10. Pakikipagsapalaran – pelikula kung saan ang kuwento ay nagaganap sa iba’t ibang lugar at tumatalakay sa mga tao o lunan ukol sa angkop na pagkakarehistro ng nangyari sa kuwento ng pelikula. MGA URI NG PELIKULA 11.Patalambuhay– komprehensibong tumatalakay sa tunay na buhay ng isang tao na may diin sa pinakamakasaysayang kabanata ng kanilang buhay. GOOGLE IMAGE MGA URI NG PELIKULA 12. Epiko – karaniwang tumatalakay sa mga kaganapang maalamat, mahiwaga at makasaysayan. G. ANG INDEPENDENT FILM Ang mga indie films ay mababa o maliit lamang ang pondo o puhunan para sa produksyon. Ang mismong direktor ang naghahanap ng maaaring pagkuhaan ng pondo para sa kaniyang pelikula. Nagtatampok sa mga artistang freelancers o ‘di nakakontrata sa anumang malalaking kumpanya. Hindi nasasailalim sa mga production PELIKULANG KOMERSYAL O MAINSTREAM FILMS  Malaki ang badyet  Sikat ang mga artista  Nasa ilalim ng pamamahala ng malalaking kompanya. Ginagawa upang kumita, higit pa sa pagpapaunlad ng sining.  Ika nga ni Ricky Gallardo, batikang scriptwriter, “film making is a business...art and expression only come Ang Indie Films ay higit na makatotohanan na nagpapakita ng mga sakit ng ating lipunan. Ipakita ang mali para luminaw ang tama? Puwede rin namang magpakita ng tama para makitang ito talaga ang tama. Ang estilong karaniwang ginagamit ng mga pelikulang indie ay neo-realismo, o bagong uri ng realismo na nagsasabing tungkulin ng pelikula na ipakita ang realidad sa lipunan nang hindi ito pinagaganda o pinagtatakpan, sa paraang madadama ng manonood ang realidad na iyon. Maraming uri ng independent films, ngunit ang pinaka-kilala sa mga ito ang:  Independent short films, tumatagal ng humigit-kumulang 30 minuto;  Independent feature films, mga pelikula na may humigit-kumulang sa dalawang oras na haba tulad ng pelikulang komersyal;  Independent documentary film na nagpapakita ng mga totoong nangyayari sa loob ng lipunan at bansa. Ang Cinemalaya Ang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay layuning makabuo ng mga pelikulang kinasasalaminan ng mga bagong pananaw at artistikong kalidad. Ayon kay Edward Cabagnot, ang CineMalaya ay isang paligsahang pampelikula ng mga independent films na naglalayong maipakita ng mga bagong direktor ang kanilang pagkamalikhain sa paggawa ng pelikula. Cinemalaya Foundation May layunin na suportahan ang mga proyektong nasyonal, seminars at workshops para sa produksyon, pagma- market at distribusyon ng independent films. LISTAHAN NG ILAN SA MGA INDEPENDENT FILMS NA NAKAKUHA NG MGA GANTIMPALA  100 – Ito ay tungkol sa sandaang bagay na nais gawin ng isang babaeng may kanser sa huling tatlong buwan ng  Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros – nakakuha ng karangalan mula sa iba’t ibang imdb.com pampelikulang paligsahan sa labas ng bansa. Ito ay kwento ng isang baklang pinapipili kung sino ang kailangan niyang protektahan, ang kanyang pamilyang puro imdb.com  Boses – Isang kuwento ito ng mabuting pagkakaibigan ng isang violin teacher at ng batang minaltrato ng kanyang ama. Malalaman nila ang kahinaan at kalakasan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagtugtog ng violin.  Brutus- Umiikot ang kuwento nito sa dalawang batang Mangyan na inarkilahan ng mga illegal loggers upang kumulimbat ng mga troso sa gubat ng Mindoro. Sa kanilang pagtatrabaho, makikita nila ang malaking kaibahan ng mundo sa Concerto - Kuwento ito ng pakikipagkaibigan ng isang pamilyang Pilipino sa mga Hapon noong Ikalawang Digmaang  Huling Pasada- Ito ay tungkol sa isang manunulat na gumagawa ng kwento tungkol sa isang taksi driver na nagsisilbing ama sa isang batang lansangan. Habang minamatyagan niya ang taksi driver at sa kanyang ugnayan sa bata, makakahanap siya ng bagay na hindi niya inakalang makikita niya. Inang Yaya- Ito ay kuwento ng isang ina na nakakaramdam ng pagmamahal ng dalawang anak – ang kanyang tunay na anak at ang kanyang anak- anakan.  Magnifico- Ito ay kuwento ng isang batang kinulang sa talino ngunit maabilidad. Umikot ang kuwento sa pagiging maabilidad niya upang malutas ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Masahista- Ito ay tungkol sa isang batang masahista na bukod sa pagmamasahe ay nagbibigay rin ng panandaliang aliw.  Kubrador- Kuwento ito ng isang kubrador sa jueteng. Tinatalakay rin nito ang pang-araw- araw na buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan.  Donsol (2006) ni Adolf Alix Jr. Tungkol sa isang pag-iibigan na naganap sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Pinagbibidahan nina Sid Lucero bilang Daniel, isang Butanding Interaction Officer na gumagabay sa mga turista sa lalawigan at Angel Aquino bilang Teresa, isang breast cancer patient. Tumatalakay sa mga pangunahing isyu tulad ng illegal fishing na nagdudulot ng banta sa mga butanding. Kaleldo (2006) ni Brillante Mendoza Ito ay isang Kapampangang Pelikula. Ang kuwento ay naganap sa Guagua, Pampanga, isang dekada matapos sumabog ang Mt. Pinatubo na nagdulot ng malaking pinsala sa probinsya dahil sa lahar. Tungkol ito sa buhay ng woodcarver na si Rodolfo "Mang Rudy" Manansala at ng kanyang tatlong anak na babae (Grace, Lourdes, at Jess - isang lesbian) at ang kanilang relasyon sa mga taong malapit sa kanila sa loob ng pitong tag-init. Ang “Kaleldo” ay salitang Kapampangan para sa “summer o tag-init”. Foster Child (2007) ni Brillante Mendoza Kilala rin bilang John John. Batay sa totoong istorya ng mga nag-aalagang magulang sa mga batang hindi naman nila kaano-ano. Tinatawag nila ang kanilang organisasyon na “Kaisang Buhay Foundation”. Pinagbidahan ni Cherry Pie Pisay (2007) ni Auraeus Solito Ang kuwento ay umiikot kay Rom Meneses (Gammy Lopez), isang batang estudyante na pumasok sa Philippine Science High School kasama ang pitong iba pang mga estudyante sa panahon ng politikal na kaguluhan sa Pilipinas noong '80s. Ang mga estudyante ay ginabayan ng kanilang guro na si Ms. Casas (Eugene Domingo), habang natutuklasan nila ang mundo sa labas ng apat na sulok ng paaralan. Tribu (2007) ni Jim Libiran Tungkol sa 52 na gangster sa Tondo. Ito lamang ang tanging Malayang Pelikulang Pilipino na napiling sumali sa New Currents Section ng 2007 Pusan International Film Festival sa South Korea. Baseco Bakal Boys (2009) ni Ralston Jover Pinangunahan ng beteranang aktres na si Gina Pareño. Si Gina ay isang Tausug na hinahanap ang kanyang apo. Pinakita rito ang katotohanan na maraming kabataan ang napipilitang mamuhay at magtrabaho ng parang matanda. Ito ay tungkol sa mga batang metal divers na sumisisid nang malalim sa malabong tubig ng Manila Bay para sa mga piraso ng metal scrap na maaari nilang ibenta para magkapera. Astig (2009) ni GB Sampedro Ito ay tungkol sa 4 na binata na itinulad sa iba’t ibang imahen ng Maynila. Kinilala ito para sa pagpapakita ng hirap na nararanasan ng kabataang Pilipino dahilan ng pagkakaiba ng antas ng pamumuhay. Astig (2009) ni GB Sampedro Ariel (ginampanan ni Dennis Trillo) ay isang con- man na nagbebenta ng pekeng university diploma at term papers sa Recto. Kailangang iwan ang kanyang kasintahan nang malaman na in love ito sa kanya. Boy (ginampanan ni Edgar Allan Guzman) ay isang magiging ama na napilitang mag- prostitusyon para mabayaran ang hospital bills ng kanyang asawa. Ronald (ginampanan ni Arnold Reyes) ay isang Chinese mestizo mula sa Zamboanga na pumunta sa Maynila para ibenta ang kanyang minanang gusali sa Escolta. Baste (ginampanan ni Sid Lucero) ay ang panganay na kapatid ng isang pamilya ng OFW na gumanti sa kahihiyan na ginawa sa kanyang kapatid KABANATA 4 Modyul Blg. 2 Mga Paksa: G. Teleserye o Soap Opera sa Pilipinas H. Dokumentaryong Pantelebisyon TELESERYE O SOAP OPERA Ang mga dulang pantelebisyon ang pinakakatutukan sa loob ng tahanan ng pamilyang Pilipino noong dekada 50. Kinilala itong soap opera. Ang soap opera ay kuwento tungkol sa ilang karakter at sa kanilang pakikibaka sa buhay, na inilalahad sa naratibo na punong-puno ng emosyon Ang istraktura nito ay ipinalalabas nang 30 hanggang 45 minuto. Kadalasan ang tema nito ay kuwentong pamilya – nawalan ng anak o nagkapalit ng mga anak, kuwentong pag-iibigan ng mayaman at mahirap, o agawan ng mana. Ang katangian ng mga soap opera ay masalimuot, may nawawalang bagay o tao, may babawiing bagay o tao at Nagsimula ang pagpapalabas ng mga Soap Opera sa Pilipinas noong ang “Gulong ng Palad” ay nagsimulang pumailanlang sa DZRH noong 1949 hanggang 1956 na tinutukan ng mga tagapakinig. Binuhay ito sa telebisyon ng BBC (Banahaw Broadcasting Ang kauna-unahang soap opera ay ang “Hiwaga sa Bahay na Bato” noong 1963 na tumagal hanggang 1964 na sinundan ng “Larawan ng Pag-ibig” 1964 at “Prinsipe Amante” 1966 na ipinalabas sa ABS-CBN. Taong 1978 ay tinutukan gabi- gabi ang soap operang “Flordeluna” sa RPN 9 hanggang 1983 at ipinagpatuloy sa BBC 2 hanggang 1986 na pinagbidahan ni Janicedekada Taong 1979 hanggang de Belen. 80 – tinutukan din gabi-gabi ang soap operang “Anna Liza” na pinagbidahan ni Julie Vega. Dekada 80 – nang ipalabas sa telebisyon ang mga soap opera sa hapon. Ilan sa mga namayagpag na soap opera noon ay ang:  Nang Dahil sa Pag-ibig (1981), Yagit (1983), Kaming mga Ulila (1987) ng GMA7.  Ang Pamilya Ko (1987), Ula, Ang Batang Gubat (1988), Agila (1989), Anna Luna (1989) ng ABS-CBN. Dekada 90 – naipalabas ang:  Valiente (1992-1995)  Mara Clara (1992-1997)  Esperanza (1997-1999) Taong 1994  unang ipinakilala ng RPN ang Latin American telenovela na “La Traidora”. Mas nakilala ang telenovela nang naging matunog at inantabayanan ng mga manonood ang “Marimar” mula sa “Maria trilogy” ang una ay “Maria Mercedes” at ang huli ay ang “Maria la del Barrio. Tinangkilik din ng mga manonood ang telenovela na “Rosalinda” noong 2000. Sa panahong ito, napalitan ang katawagan ng soap opera at naging telenovela. Noong 2000, gumawa ng tatak ang ABS-CBN nang ipinalabas nila ang “Pangako Sa’yo” na kilala bilang kauna-unahang opisyal na teleserye. Nakilala ang mga karakter nina Angelo Buenavista (Jerico Rosales) at Yna Macaspac (Kristine Hermosa). Gayundin ang tarayan ng mga karakter nina Claudia Buenavista (Jean Garcia) at Amor Powers (Eula 2010 -ganap na ginamit ng GMA ang “teledrama” bilang pagkakakilanlan sa kanilang mga dramang pantelebisyon at “dramaserye” naman sa TV5. Kung bibigyang kahulugan ang teleserye o teledrama, ito ay mula sa salitang “tele” na ibig sabihin ay telebisyon at “serye” sa salitang Tagalog ng “series” at “drama” para sa salitang drama. Dala ng komersyalismo ay nauuri ang mga dramang pantelebisyon, soap opera o teleserye na isang pop culture. Ayon kay Gilda Fernando at M.G. Chavez ang pop o popular culture ay kung ano ang tanggap ng nakararami na nagmula sa mga impluwensiya ng teknolohiya at mass media gaya ng print, radyo, telebisyon at pelikula kaya madaling makilala ng masa. Sa paglipas ng panahon sari-saring serye ang umusbong sa telebisyon nariyan na ang fantaserye at telepantasya nang magkabilang malalaking estasyon sa bansa na humugot mula sa mga kuwento sa komiks, epiko, alamat o sabihing impluwensya ng banyagang H. Dokumentaryo ng Pantelebisyon Isang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino gmanetwork.com ang telebisyon. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan gmanetwork.com sa bawat sulok ng bansa sa Dokumentaryong Pantelebisyon- Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. gmanetwork.com gmanetwork.com Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David. Gaya ng pelikula, ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay na kabatirang panlipunan, pang-ispirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Mga Dokumentaryong Pantelebisyon Rated K Matanglawin Motorcycle diaries I-witness Pinoy meets world Reporter’s Notebook Weekend Getaway Jessica Soho MARAMING SALAMAT!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser